Chapter 11.5: tama ba yun?
Chapter 11.5: tama ba yun?
Baliw na talaga siya! my ghad! bakit ko hinayaan ang sarili ko na ma-fall? And ghad! For that guy! Baliw na talaga siya! o baka naman kasi talagang malas lang ako sa lalaki? Sabi ko pa naman bago ako mag high school noon na pagnagka boyfriend ako kahit pangit basta hwag lang babaero at manyak. Ano ito Lord? Bakit mo ko pinagkaitan ng lalaki T____T
“Gail! Buksan mo na kasi ‘to”
“BALIW! PAGKATAPOS MO KO BIGYAN NG GANITONG REGALO! BUTI SANA KUNG MATINO! ANO TO? EH KUNG IKAW KAYA MAG SUOT NITONG T-BACK! BWISIT KA TALAGANG MANYAK KA!!!”
“oi! Joke lang yan! Kasi di mo ko kinakausap nung umuwi tayo galing sa reunion niyo nila Miyuki! Natural gagawa ako ng paraan pansinin mo lang ako! hoy Gail naman!”
“BAHALA KA DYAN >.<” kainis kasi! Kung sana hindi ko narinig yung usapan nila sa phone nung babae niya edi sana di ako ganito. Okay lang mambabae siya hwag lang niya ipaparinig saakin!
“Gail naman sorry na kasi. Buksan mo na tong pinto honey. Usap tayo please???” kasi naman eh! Bakit ka nagpleplease!
“sa ginagawa mong yan aminado kang may kasalanan ka!” I shouted
“wala naman akong kasalanan ah! Meron ba? Kung meron sabihin mo”
“wala ka ba talagang matandaan na kasalanan mo?” tanong ko
Lumapit na ako sa pintuan para hindi na kami nagsisigawan. Pero still di ko pa din binubuksan. Nakatayo lang ako dun
“wala naman”
“talaga?”
“yun ba yung pinakain kita ng gulay kahit ayaw mo?”
“hindi”
“may nagtext nanaman na babae sayo?”
“hindi”
“may nabasa kang message sa facebook?” loko to ah! Meron ba sa facebook??? -___-+++
Lumilitaw isa isa mga kasalanan niya!
“nung pinilit kitang halikan mo ko?”
“HINDI DIN!” nakakainis na to! Baka mamaya kung ano pang sabihin nito!
“wala na ako matandaan! Nung pinasok kita sa kwarto mo kahit nagbibihis ka?”
“bahala ka dyan mag-isip ka lang dyan ng kasalanan mo! Ilista mo na kasi mga kasalanan mo!”
“gail ano ba kasi yun???”
“tse! Ewan ko sayo!”
“nung nagpunta ako ng bar nang hindi nagpapaalam?”
“kelan ka nagpunta?” tanong ko. hindi nga naman nagpaalam paano ko malalaman?
“aww patay” narinig ko pa din yun kahit na medyo mahina lang pagkakasabi niya
Alam kasi niyang ayaw kong nagpupunta siya ng bar. At nagpunta siya ng hindi nagpapaalam sa akin!!!
“Honey hindi pa ba yun? Iba pa ba???” oo iba!! YUNG BABAE MO YUNG BABAE MO!!! YUNG SINABIHAN MO NG MAHAL MO PA DIN!!!
Sarap sanang sabihin sakanya yan kaso paano kung mali ako?
After 2 minutes I heard his footsteps. Paalis na siya.
I sighed. ang bilis naman niya sumuko! Sana kapareho nalang niya si Lance! kaso hwag pala naduduwag naman si Lance. pero may rason siya. buhay ni sharly ang nakasalalay. Eh dito? Wala namang buhay na nanganganib -,-
I envy Sharlot kasi ang loyal ni Lance sakanya. Kahit na wala ng feelings ang bessy ko ayun siya at sinabi pa din kay Sharly ang nararamdaman.
Samantalang kami ni Seb hindi niya sinasabi saakin ang mga katagang yun! NAPAKABIHIRA! AT TUWING ANO PA! BASTA! YUN NA YUN!
Naiinis talaga ako!!!
“kainis ka Seb!” padabog akong naglakad pabalik sa kama ko. naupo lang ako doon.
Mga ilang oras pa parang may naririnig akong nagsasalitang babae sa baba?? Wait??? Babae?? Sa bahay ko???
BAHAY KO ITO EH!!! SI SEB LANG NAMAN NAGPUMILIT NA TUMIRA DITO PARA DAW MAY KASAMA AKO!
Hindi na ako makapagpigil! Lumabas ako ng kwarto ko and pagbaba ko sa sala. OMG!!!
Anong ginagawa niyan dito???
“oh hi Gail” nakangiti pa siya! pero ang weird bakit ganyan siya makangiti?
“h-hi” mautal utal pa ako at pilit ngumiti sa harapan NILA!! Tumingin ako sa right side niya and what the heck? Kilala ko ang babaeng ito!!!
“oh how rude of me hindi pa pala kayo magkakilala. Gail meet my friend Shannen.”
Tinitigan lang ako ni Shannen. Siya yung babae noon sa mall.
“kilala ko na siya Roxan. Nakita ko na siya noon. Kumusta na? ang ganda mo pa din” bati niya
Bakit ganun? Bakit feeling ko may balak ang ate ni Seb?
Oo ayaw sa akin ng ate Roxan niya at lalo naman ng mommy niya! Pero ginusto ko ba ito? Hindi naman ah! Pinagkasundo lang kami ng tatay niya at ng mga magulang ko.
“ano nanaman bang masamang hangin na nagpapuntsa sayo dito hah Ate?” walang galang na tanong ni Seb sa ate Roxan niya habang nakaupo siya at nakatingin lang sa magazine>.<
“nangangamusta lang mahal kong kapatid haha. Halika dito Shannen dun tayo” hinila niya si Shannen paalis sa sala at nagpunta sa may kusina. At nung makaalis na sila nagsalita itong si Seb.
“sorry di ko alam na pupunta si ate dito at kasama pa niya yun” tukoy niya kay Shannen
“wala naman ako magagawa” dry kong sagot
“galit ka pa din?” tanong niya habang hawak ang kamay ko at inupo sa sofa.
“hindi ko alam kasi hindi naman ako sigurado” sincere na sagot ko sakanya
“hindi mo alam kung bakit ka galit saakin? At hindi ka sigurado? Aba iba na yan sweety ko” niyakap niya ako. ewan ko pero heto nanaman ako nagpapadala sakanya. Lagi naman. Kumbaga siya lagi niya ako hinihila at ako naman ay nagpapatangay lang. ganyan naman kami parati sa everything.
“sige sabihin mo sakin kung ano man yang rason kung bakit ka nagtatampo. Di ako magagalit” wow? Siya pa magagalit pag sinabi ko? lokong Seb >.<
“kasi”
“kasi???”
“SEEEEB WALA BA KAYONG PAGKAIN DITO?” aish kahit kelan ang ate niya bungangera! Nandito nanaman kasi!
“WALA! BUMILI KA KUNG GUSTO MO!” nagtakip nalang ako ng tenga nung sumigaw si Seb. Sakit kaya sa tenga!
Tumayo si Seb at saka hinila niya ako paakyat sa kwarto niya.
“kailangan natin ng privacy. Maingay sa baba” umupo siya sa kama niya and he tapped his bed. Senyas para umupo na din ako kaya ayun umupo naman ako sa tabi niya
“Seb kasi---errr paano ko ba sasabihin?” nakita ko lang na parang nag-aabang siya ng sasabihin ko
“may babae ka ba?”
“WHAT THE HELL GAIL?”
“oh? meron ba o wala?” tanong ko pa
“natural wala! Kaya ka ba naghihimutok dyan?”
“eh kasi! May narinig ako! may kausap ka sa phone!”
“hah? ano naman yun?”
“kasi sabi mo sa kausap mo mahal mo pa din siya! siya ba yung ex mo bago naging tayo talaga? I mean yung babae noon? Yung pinupuntahan mo pa talaga para lang tulungan?” (refer to sadist lover: 3 months contract)
“hindi iba yun!” AND THAT’S IT! MERON NGA! AT IBA PA PALA YUN?
“i-I mean kahit yun ang narinig mo iba yung pagkakaintindi mo” pagtatanggol niya sa sarili niya. Nakita ko siyang nagpanic pero saglit lang. siguro dahil nakita niya ang pag-iiba ng itsura ko
“ano pala?” cold lang ang pananalita ko.
“sweety makinig ka hah?” he cupped my face using his both hands. Nakatingin lang ako sa mga mata niya
“I love her still.” Aray.
“first love ko siya.” aray ko ulit.
Anong laban ko sa first love? kasi diba it never dies? Aray naman.
“pero listen Gail” pero kung first may second naman diba? Ako ba yung second? O may iba pang nauna ulit bago ako?
“yung ngayon oo mahal ko siya pero bilang kaibigan lang ng ate ko” hah?
Parang nabuhayan ang loob ko.
“siya si Shannen. Hindi ko alam kung paano sasabihin sayo noon pero kasi hindi ko naman alam na dadalhin pa siya dito ng kapatid ko. akala ko una at huling beses niyo na magkikita sa mall noon”
“bakit kailangan mo itago sa akin? Bakit parang takot na takot kang makita siya? siguro mahal mo pa siya”
Binitiwan niya ako. naglakad siya papuntang pintuan.
“hindi ko din alam Gail” sabi niya saka na siya tuluyang umalis.
Aray. Bakit hindi niya alam? Naguguluhan ba siya?
Nakita ko. napaisip siya sa sinabi ko kanina.
Nakita ko yun :(
Baka nga kasi mahal pa niya si Shannen?
Ano mo pala ako Seb?
Fiancé mo lang?
Fiancé mo nga pero di mo naman pala mahal?
O mahal mo ako pero naguguluhan ka kasi bigla nanaman lumitaw ang babae sa nakaraan mo?
Kahit ano pa yan! MAHAL KO PA DIN SI SEB >__<
Gagawin ko nalang lahat para hindi siya maguluhan! Para ako nalang piliin niya kung sakali!!! THINK POSITIVE! Malay ko naman kung ano ang nararamdaman niya? Mahal niya ako sabi niya noon.
Sinabi niya na yun dati sa akin kaya masasabi pa niya ulit kaya naman magpapakabait na ako sa kanya!
Pero teka! Tama ba yung naiisip ko? tama nga kaya?
Ang hirap naman ng ma-in love!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro