Chapter 10: Christmas! lalala
Chapter 10: Christmas! lalala
Gail’s POV
Pinapunta ko agad si Bessy dito nung maka-uwi sa bahay. Umalis din naman kasi si Seb. Hapon na nung dumating si Sharly. Busy yata siya kahit na December 24 ngayon? Christmas na mamaya tapos nakakainis yang si Seb!
“bessy alam mo naman yang fiance mo playboy talaga. Pero see! Sayo umuuwi”
“eehh! Di naman kasi yun Sharly. Oo saakin siya umuuwi! Bakit? Kasi fiancé niya ako! hindi na nga niya ako sinasabihan ng I love you. Tapos maririnig ko sa kausap niya sa cellphone na mahal pa din niya yun!. Ano pa ako? panakip butas pala? O kontrabida sa pagmamahalan nila?” hindi ko mapigilan ang pangingilid ng luha ko.
Nakakainis talaga si Seb!
“anong balak mo?” she asked
“hindi ko alam. Baka di ko muna siya kakausapin. Nakakakulo kasi ng dugo!”
“hwag! Ano ka ba! Kausapin mo!” suhetiyon nya
“ayoko bessy! Naiinis pa ako” pagpupumilit ko.
Hinawakan niya ang kamay ko. ang init ng kamay niya.
“bessy look. Kung hindi niyo pag-uusapan yan. Or if you did not even care about to tell your doubts. What will you think will happen?” she sighed then continued “baka masira ang meron kayo ngayon.” ngumiti siya at saka ulit nagsalita. “gusto mo bang matulad ka saakin? I mean not exactly pero diba for some reason medyo ganyan din ang nangyari saakin? Bessy kausapin mo siya kasi baka huli na ang lahat kapat nalaman mo pa ang rason niya”
“bakit? Alam mo nab a ang rason niya at kung makapagsabi ka ng huli na---“
“yeah. Kanina lang” wait? Kung ganun alam na niya ang reason ni Lance?
AS IN?
“a-ano daw?” tanong ko na halata namang ayaw niyang sabihin kasi sabi niya “hwag nga natin pag-usapan yung saakin. Yung iyo! Kaya mo nga ako pinapunta dito diba?”
“oo na kakausapin ko siya pag-uwi niya dito. Hindi pala pagkatapos ng Christmas nalang!” agad ko ding bawi. Kasi gusto ko malaman yung kay Lance. kung anong naramdaman ng bestfriend ko habang sinasabi lahat ni Lance yun.
“tell me about his reason!” determinado akong malaman yun. Aba! Tatlong taon din yun!
“Bessy naman. Hindi ako pumunta dito para pag-usapan yung saamin ni Lance. in fact wala naman dapat pag-usapan tungkol saamin kasi wala naman. Kayo ni Seb. Ayan yung pinunta ko dito”
“sus! Naglilihim ka na sa bestfriend mo! Ganyan ka na” nagtatampo pa ang tono ng boses ko
“okay fine! I’ll tell you. But promise me! Kakausapin mo si Seb pag nakahanap ka ng tyempo”
“okay! Promise” I said raising my right hand.
Kaya naman sinabi lahat saakin ni Sharly ang mga sinabi kanina ni Lance. at oo! Hindi ako makapaniwala! Sino ba naman kasi ang mangangahas na sarilinin nalang ang problema na yun? Aww parang naawa ako naman ako kay Lance bigla. He loves Sharlot TOO MUCH. Hindi na niya inisip ang sarili niya para lang kay Sharlot.
“a-anong balak mo? Anong naisip mo? No scratch all of that! ANO YUNG NARAMDAMAN MO KANINA!” dahil sa excite ko hindi ko mapigilan ang mapalakas ang boses! Grabe! Seryoso ba?
“naisip ko? to be frank. Nababawan ako.” what the heck? Seryoso ba siya? nababawan siya sa ginawa ni Lance?
“bakit naman? Tignan mo yung magandang rason bessy!
“hindi naman yun eh. Kung ikaw ang nasa posisyon ko Gail makikita mo. Maling mali talaga kahit pa sabihin na valid ang reason niya”
“bakit? Paano mo naman nasabi?” medyo tonong sarcastic pa ang pagkakasabi ko. medyo nainis naman ako sa paniniwala ni Sharlot. At lalong nainis naman ako sa binulong k okay Ales na ipagawa kay Sharly kagabi!
To think mahal pa ni Lance si Sharlot! HE’S IMPOSSIBLE!!! 3 years na wala ang bestfriend ko dito! 3 years na halos wala kaming narinig mula kay Sharlot at 3 years kong kinamuhian si Lance! seryoso! Naiinis ako kay Lance sa ginawa ni Sharlot pero after sabihin ni Bessy saakin ang mga ito! GULAY AT TILAPYA! Ang sama kop ala :<
tumayo siya at tumabi saakin. “hindi naman sa pagiging bitter pero don’t you think ang babaw talaga? Bakit hindi niya ako sinundan sa airport noon kahit limang minuto lang. diba?”
“paano kung may balakid? Paano kung hindi nakarating kasi may ginawa?” kontra ko naman
“why did he not set aside those things?”
“paano kung sobrang importante? Paano kung may sakit siya noon?” sige kokontrahin kita hanggang malaman ko iniisip mo! Hindi kasi kita mabasa Sharly >.<
“sakit? Reasons! Mababaw pa din yun. Bakit hindi niya ako pinuntahan sa Japan? Mayaman siya! and anytime pwedeng pwede siyang sumunod. And to tell you the truth I waited for him. pero dahil walang dumadating na Lance doon sumuko na ako. ayoko na. nakakasakit lang kasi lalo yung paghihintay sa taong hindi mo alam kung darating ba o hindi. And besides he didn’t so natauhan lang ako. kung yun ang paniniwalaan niya pwes ako hindi! Baluktot kasi masyado kahit balibaliktarin mo pa.”
“Bessy gang yun. Ayaw ka niya mahalo sa gulo. And it only mean one thing! You’re his weakness”
“and so? Pinagtatanggol mo ba siya Bessy?” nahalata na yata niyang kanina ko pa kinokontra ang mga sinasabi niya.
“no hindi naman. Kasi kung ako nasa kalagayan niya maybe ganun din gagawin ko. the pressure was on him. I think mahal na mahal ka lang niya talaga. And until now diba?” I explained kasi yun naman ang totoo. Mahal lang talaga siya ni Lance. ayan bumaliktad na ako! dati ayaw ko si Lance. ang pangit tuloy.
Well that’s natural! Hindi niya sinabi saamin and I think ang sama ko. hindi ako nagbigay ng effort para malaman ang totoo.
“pero kahit na!” nagmamatigas pa din siya
“any feelings kanina?” tumingin lang siya saakin ng diretso and answered me this way “I never felt any bessy.”
I just sighed deeply and said “that’s your opinion.”
“pero kasi hindi niya ako pinuntahan noon sa airport” balik pa niya
“what if nga may nangyari? Bessy ang pagkakatanda ko nung nasa----“
*Krriiiiing*
Abala naman yung cellphone!
“hello? Anong meron?” bastos kong sagot sa tawag ni Dennis. Oo si Dennis ang caller ID
(sasabihin ko lang sana na may party mamaya! Christmas eve mamaya. Sama naman naman kayo ni Master at balita ko nandyan si Crush isama mo na din!) party?
“sino sino pa kasama?”
(barkada lang hahaha teka kasama ko yung dalawa ngayon! di pa din kami naghiwahiwalay. Oi! Alam ko na rason ni Lance ikaw hindi pa hahahaha talo----)
“alam ko na din”
(ay) parang disappointed pa siya haha. Nakakatawa naman ‘tong Dennis na ‘to.
“Bessy!!!” tawag k okay Sharlot
“bakit?” hindi siya nakatingin saakin kasi nanunuod siya ng TV
“party daw mamaya. Free ka?”
“sure! Sino ba kasama?” she asked.
“barkada lang daw”
“ah sige okay lang” sagot naman niya
“kahit kasama si Lance?” tanong ko and yun! Napatingin na siya saakin
“sige. Kayo bahala” saka niya nilipat sa cartoons yung palabas.
“Hoy Dennis! Isama mo si Lance. pag siya wala mamaya ipapabugbog kita sa tinatawag mong master!” kahit tampo pa ako kay Seb ngayon. “hoy! narinig mo ba ako? dapat isama mo si Lance”
(oo na oo na! isasama naman talaga. Sige pakisabi naman kay Miyuki hwag niya kakalimutan yung regalo ko hihihi)
He ended up the call.
“bessy sa mukha mo ngayon parang may binabalak ka” nakatingin nap ala saakin si Bessy! Grabe! Wala naman akong binabalak gusto ko lang mag-sorry kay Lance
“assuming! Wala akong balak! Bakla ka.”
After that, nagpunta kami sa tinutuluyan nila Sharly ngayon. Magpapaalam muna siya sa kuya Shizu niya and guess what? May naabutan kaming girl slash maganda at sexy na mukhang mayaman pa sa unit nila ngayon! OMG!!!
“hoy sino yun?” tanong k okay Sharlot nung makapasok kami sa kwarto niya
“si Ate AJ. Hihi” parang kinikilig pa siya
“oh ano siya? asawa ba siya nung si Seiji?” kasi wala naman si Shizu so I guess si Seiji? Kahit na mukhang si Sharlot naman gf nun. Teka nga ang gulo ah!
“ah! Actually hindi ko alam ang status nila ni ate AJ at kuya Shizu ko. Ang pagkakaalam ko kasi nung umalis si kuya Shizu dito hindi niya sinabi kay Ate AJ. Nakita mo naman diba? Mukhang naiinis si Ate AJ ngayon? haha”
Grabe naman ‘tong kuya niya.
“bakit hinayaan mo lang na si Seiji ang mag-entertain sa bisita niyo?” kasi naman Hi at Hello lang batian nila kanina ni Sharlot tapos itong babae naman na ito pumasok na agad sa kwarto niya.
“kayo ni Seiji? Ano mo siya?” I asked
“kuya ko din. Kasikuya siya ng kuya ko. diba? Kuya ko din hahaha”
Kuya? KUYA! o’great!!! Kung umasta sila sa harapan namin kahapon parang magsyota!
“sweet lang kasi talaga si Seiji. Though di ko siya tinatawag na kuya kasi ayaw niya. Ewan ko dun feeling kasi niya binata pa din siya”
“HOY SHIZU!!! TUMINGIN KA NGA SAAKIN KINAKAUSAP KITA!” hala?
“Sharlot! Sumisigaw na yung si Ate AJ mo sa labas!”
“hayaan mo hahaha. Nakakatawa talaga sila. Pati sa cellphone sinisigawan din siya hahaha.”
“Shizu naman!!!”
“what are you doing here anyway? Diba sabi ko sayo pupuntahan kita doon! Nakakainis naman to!” naririnig namin yung usapan nila mula dito. Ang lalakas kasi ng boses.
“ei! I’ll go first. I have to attend a party” si Seiji yata yun? Kawawa naman walang pumansin.
“ano tara na?” tanong ni bessy.
Kumuha lang siya ng mga damit niyang babaunin. Overnight kami doon. Vacation muna kami. Free from stress muna! Haha
“neh nii san!!! Aalis kami ah. Paparty muna ako kasama nila Gail namiss ko kasi sila. Enjoy your date with ate AJ! Bye bye hahaha” pilyang to! Namumula na tuloy yug AJ. Sakto pa na nakahawak si Kuya Shizu sa kamay niya. Ahaha.
***
“ang sabi ni Dennis nagpareserve daw sila ng resort. As in yung barkada lang daw natin! Wow! Excited na ako!” sabi ni Sharlot.
Halos siya nalang nagsasalita. Paano kasi nasa passenger’s seat ako. si Se bang nagdadrive walang umiimik saamin ngayon. kating kati na ako magtanong kaso nandito si Sharly at isa pa ayoko masira ang araw ko. ayoko >.<
Kahit gusto ko malaman kung sino yung tumawag kanina. Kung saan siya nagpunta kanina!
After 2 hours nakarating na kami sa pinareserve nila Dennis na lugar.
“WOW ANG GANDA NAMAN!!! Ang galing hahaha. Gail mauna na ako sa loob baka nandoon na sila Ales! Sige ah.” Alam ko naman na hindi yun ang rason. Gusto lang niya kaming maiwan ni Seb.
Nakapasok na si Sharlot doon. At ako naman nakatayo pa din dito.
“ang tahimik mo ngayon. may masakit ba sayo?” tinapik ko yung kamay niya na nakahawak sa noo ko
“oi? Anong nangyari sa honey ko? ang sakit nun ah?” nag-pout pa >.<
“wala ang pangit mo kasi!” sabi ko nalang saka naglakad
“hah? ako pangit??? Hoy hindi!!! Ang gwapo kaya ng fiancé mo! Wala ng mas ga-gwapo pa saakin!” at talagang hinabol niya ako
“mas gwapo si Dennis” sabi ko nalang saka ko siya iniwanan dun. Pagpasok ko sa parang bahay na tutuluyan namin nakita ko si Lance at JL magkatabi at kaharap naman si Sharlot.
Okay? Ang awkward naman niyan. So talagang sinasama parati ni Lance si JL kahit saan siya magpunta?
“sorry sa ginawa ko last night” hini nakatingin si JL pero halata sakanya yug sinseredad. Mabait naman pala siya medyo maldita lang talaga.
“AYUN!!! Kumpleto nap ala tayong lahat!!!” sigaw nung kadarating na si Kysler at binatukan naman siya ng girlfriend niyang si Ales. Saka tinawanan naman ng kasama nilang si Dennis.
Yung resort kasi na inupahan nila may bahay. Yung bahay ito yung tutuluyan namin. Ang saya nga kasi kami lang nandito! Pero as if naman kung may maliligo sa pool! Haha ang lamig kaya!
Masaya naman kahit medyo may pagka awkward gawa nung problems from the past at pati na din siguro ngayon.
Dahil medyo may pagka-uhaw sa alak ang mga boys kanina pa nila nilalantakan ang mga brandy at kung anu-ano pa! ang pinaka lasing siguro ngayon si Dennis! Ang cute lang niya hahaha
“tuwang tuwa kang pinapanuod yun alipores na yun ah” said Seb na biglang yumakap saakin
“nakakatawa kasi siya kulang nalang matulog siya sa sahig hahaha”
“n-nagseselos na ako” selos selos! Sus! Ang dami mo ngang sinasabihan ng I Love You! Selos ka pa dyan!
“oh bunutan dali!!!” naglabas ng isang box na may mga papel si Ales at inilapag sa sahig
“heto ang rule! Tutal hindi tayo nakapaghanda ng mga gift! Kung anong meron tayo ngayon yun lang ang ibibigay natin! Lahat ng nakasuot saatin pwede ibigay!”
“WOOOO GUSTO KO YAAAAAAN!!!” –Dennis
12am nap ala. 25 na. Christmas.
Lahat kami nagbunutan na. at ang nabunot ko si Dennis. Nice naman! Haha sakto matagal na niyang hinihingi yung necklace ko! buti pala suot ko. si Se bang unang tumayo at ibinigay ang shirt kay Kysler. Hot! Okay resist lang Gail hindi mo yan bati! Sumunod na tumayo si Ales at ibinigay ang clip saakin! Ayieee. Ako naman tumayo na at binigay na yung necklace ng biglang nag react ang fiancé kong babaero
“bakit siya ang nabunot mo??? Pwede namang hindi!!!”
“aba! Kasalanan ko bang siya nabunot ko?”
“bakit yang necklace mo? Bigay ko yan sayo ah!”
“wala na akong suot! Alangan naman itong damit ko ang ibigay ko sakanya!”
“palusot ka! Pwede naman yang tsinelas mo nalang! O kaya yang hikaw mo! Hwag yang necklace!” -__-
“OO NA SIGE NA! HINDI NA! OH! ayan na” tinanggal ko yung hikaw ko saka ko binigay kay Dennis
“HAHAHA NAG-AWAY PA! GANYAN PALA PAG NAGSELOS SI MASTER!!! ISUSULAT KO YAN SA NOTEBOOK KO!!! ANG NOTEBOOK KONG MAY TITLE NA HOW TO BECOME A MASTER!!!! *O*”
Baliw na siya. tumayo na siya at binigyan ng panyo si JL.
“ang cheap naman -___-“ tumayo si JL at binigyan ng cute na bracelet si Seb hahahaha
“yan ibigay mo sa girlfriend mo ng magbati naman kayo”
So that means si Lance at Sharlot nalang. At sila nalang ang hindi pa tumatayo! MEANING NABUNOT NILA ANG ISA’T ISA!!!
Naunang tumayo si Lance. “oh” may binigay siya sa kamay ni Sharlot. Hindi na namin nakita kung ano yun. Ang daya.
“thanks. Heto sayo. Teka lang ah” tinanggal ni Sharly yung nakatali sa buhok niyang rabbit at saka niya bahagyang tinali sa buhok ni Lance! HAHAHAHA
Lahat kami natawa dun! ANG CUTE NI LANCE!
“yieeeeeeeeee lalambot na puso ni Miyuki!! HAHALIKAN NA NIYA SI LANCE!! MGA NAPAPANUOD KO SA TV GANUN!!!” sigaw ni Dennis
“baliw hindi!!! Hihilain nung lalaki yung babae tapos biglang hahalikan! Ganun yun!” si Kysler naman nagsalita
“mali! Hihilain ni Lance si Sharlot paalis dito at magsasarili silang dalawa!” singit pa ni Seb
“YUN OH!!! MASTER TALAGA!!!” sigaw pa nung dalawa -___-
My ghad!
“o siya! hilain niyo si Lance! ipasok niyo dun!” utos ni JL na ginawa naman nung dalawa
“damn! Bitiwan niyo nga ako!” nagpupumiglas siya.
Ano bang balak nila???
Ngayon si JL at si Ales nagkatinginan tapos biglang.. what the heck! Bigla nila hinila patayo si Sharlot at saka hinila papasok din sa loob!
“o-oi a-anong ginagawa niyo???”
“Ikukulong ka namin sa kwarto kasama si Lance!!!”
Napatakbo ako papunta doon din sa loob. para mas mabilis humingi ng tulong yung dalawang babae at binuhat ni Seb si Sharlot papunta sa loob! si Lance anman wala ng nagawa! Nakadami na din kasi ng inom kaya hindi na siya nagtangkang labanan pa yung dalawang nanghila sakanya doon.
“hehe sigurado a ba JL? magkakaayos yung dalawang yun?” tanong ni Ales kay JL
“not sure. Hayaan niyo silang dalawa. Magsama sila. Untugin ko sila eh” hawak ni JL yung susi
“hoy Gail! Wag mo silang palalabasin hanggang bukas. Kayo nung boyfriend mo hindi gaano nag-uusap. Nakakapanibago”
What? Napansin pa niya yun?
“mag-usap kayo baka matulad pa kayo sa dalawang yun. O baka gusto mo ikulong din namin kayo?”
Si Ales naman nangiti lang ng parang ewan >.<
natakot naman ako sakanila!
“wala kaming problema ni Seb kaya hayaan niyo lang kami” sabi ko nalang
“okay sabi mo eh!” naghop na pabalik si Ales doon sa pwesto namin kanina
“YAH!!! BUKSAN NIYO NGA ‘TO!!! ANG MEAN NIYO NAMAN EEEHHH!!!” sigaw ni bessy >.<
Sorry bessy ayoko maging KJ T^T
“HEY!!! ANG DAYA NIYO NAMAN EEEHHH!!!” bessy ko T^T
“WHAT A CHRISTMAS!” sarcastic pa niyang sigaw.
Okay lang yan! Magsama naman sila ni Lance kahit papaano!
Bumalik na ako doon sa lugar kung saan kami nagkakasiyahan.
“okay lang bang ikulong sila doon?” tanong ni Ales
“ayos lang yun. Mahal ni Lance si Miyuki. Kaya kahit ano pang masasakit na salita ang bitiwan ni Miyuki ngayon tanggap yun ni Lance. bestfriend mo siya diba? Alam kong alam mo yan”
“bakit ba feeling ko mahal mo si Lance?” singit kong tanong kaya napatingin sila saakin
“ah yun ba? Oo yata? Mahal ko na yata siya. pero kung si Miyuki lang din ulit ang aagawan ko hwag na. maghahanap nalang ako ng iba hahaha”
Mali pala ako kay JL. nagbago nga siya.
“pero kung yun lang ang paraan para marealize ni Miyuki ang nararamdaman niya. Bakit hindi? Hahaha” medyo mean ang pagkakatawa niya pero halatang concern siya sa dalawa
“JL. sorry ah. Pinag-isipan kita ng masama”
“hwag ka ngang magsorry! Malay mo yung fiancé mo pala ang gusto kong agawin. Tsk” tumunghay pa siya.
Sira na siya. mahal niya si Lance pero hindi siya nagtake advantage. Kung sabagay wala siyang pag-asa. Walang wala talaga.
Bigla nalang akong hinila papalayo ni Seb.
At pagkatapos sasabihin lang niya na: “hwag kang tumitingin sa Dennis na yun! Nagpapacute lang yun! Hwag mo siyang tititigan! Nagseselos ako! oh regalo ko sayo” iniwan niya ako pagkatapos niya ibigay yung regalo niya saakin.
Hah? first time! Nag-abala siya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro