Chapter 33: Gees
Chapter 33: Gees
Kysler's POV
Nandito kami ngayon bumibili ng two weeks supply! ang saya naman nito buhay ng walang nanay at tatay! Ang saya lang hahaha. Tapos bonus!!! Kasama si Maw! ang saya talaga nito!!! Hindi naman obvious na Masaya ako. lapaaaad ng ngiti ko ^_________^
"tama na siguro to lagot tayo sa mga babae kapag madaming gastos!" sabi ni Seb. Puro mga pagkain yun. Supply namin ng dalawang linggo! Ang astig naman nitong naisip ni Lance may ganito pa
"sabihin mo binabudget ka lang ng fiance mo! kung umasta kasi kayo parang mag-asawa na! nasa iisang bahay pa haha.oh ano na balik na tayo?" tanong ko. dalawang oras na din kasi kaming wala dun baka mamaya kung ano nanaman ginawa nung mga babae dun eh.
"hindi naman talaga ako dapat dun eh. Ako lang tumira dun haaha. Wala din naman ako kasama sa bahay wala din siya kasama dun sa bahay nila. Edi samahan ko nalang siya para laging Masaya!!!" makahulugan yung sinabi niya ah! haha
Si Lance naman may kausap sa phone
"hoy sinong kausap mo?" tanong ko
"oh" inabot niya saakin
"hello??" bati ko dun sa kausap niya.
Aba leche to!!! Bakit walang sumasagot?
"gago Lance! wala naman sumasagot!"
Inagaw na niya ulit..
Sama ng ugali! Ibigay ba naman wala naman palang kausap.
"psh. Ngayon na? sasabihin ko muna sa girlfriend ko. -___-" sambit niya sa kausap niya saka niya binabaan. Bastos tong loko na to
"Seb! Tara na nga nang gagago nanaman yang si Lance"
"babae siguro niya yun haha" sabi naman ni Seb
Napatingin ako kay Lance
"Lanjek!!! Si Lance may babae? Ayan na siguro ang pinaka imposibleng Joke master Seb hahaha"
"tumigil ka nga sa kakamaster! Ang pangit parang sinabi mo naman na napaka expert ko sa larangan ng sex!"
"HAHAHA gago ka master! natawa naman ako dun talagang wala kang pakialam kung marinig ka nung mga babae sa likod sex kung sex talaga ang sabi eh hahahaha" tumingin naman sila ni Lance sa likuran namin. Pinagtitinginan na kami ang ingay kasi namin tapos ganun pa usapan. Puro babae pa yung nasa likuran hahaha.
"hello mga babes" sabay kindat ko sakanila XDD
"psh makalayo na nga baka isipin pa nila kilala ko kayo" -_____-
"ay Master! May narinig ka bang nagsalita?" tanong ko
"haha wala, isang lalaki ata na may experience lang kaso beginner palang! Haha"
"ikaw na master!! Ang galing mo eh! Dami mo kasi nalalaman hahaha"
"mag oral exam ka kasi! Hahaha"
"sige pag lumipad yung aso master haha"
"buti naman at napanuod mo yung beauty and the beast" sagot niya
Tangnang usapan! Walang patutunguhan eh hahahaha
Nauna na si Lance, nasa kanya pa naman yung push cart
"HOY! Gago to! Wag ka nga lagay ng lagay ng pagkain dyan!!!" suway ni Seb
Hahaha wala na punong puno na yung cart ng dahil kay Lance hahahaha
"Oh bayaran niyo aalis muna ako" pagkabigay niya nung pera saamin umalis nalang si Lance.
Gago talaga yun. Kung maka-utos naman! Palibhasa spoiled sana ako din haha
Eris POV
"Lance! saan ka pupunta?" >3<
"dyan lang ako. dito ka lang ha wag kang lalabas! Pag lumabas ka at wala ka dito pagbalik ko matutulog ka dyan sa labas!"
"OO NA! kainis talaga to" saka pa ako nag-fold ng braso
Ikukulong nanaman ako sa walang laman na bahay na ito. *sigh*
Lumabas na siya ng apartment at tuluyan ng umalis.
Napatingin ako sa kabuuan ng apartment namin. Maliit siya pero parang ang laki para saaming dalawa ng kapatid ko. halos di ko din naman siya Makita eh. Kasi umaga pumapasok siya tapos gabi may gig siya pag uwi niya dito tulog na ako.
Pero ginusto ko din naman to. Wala naman talaga dapat ako dito sa pilipinas dapat nasa LA ako ngayon kasama ng mga magulang ko. pero I ditched them. I ran away >3< tapos kinikuha nila ako pabalik doon pero ayaw ko.
Ayaw ko. kahit na masakit mas gusto ko dito.
Kahit na halos mga sinasabi ko mga gusto ko lang na mangyari ayos lang.
Ayos lang.
Ayos lang talaga.
Kahit mapuno na ako ng kasinungalingan
Kahit na nabubuhay nalang ako sa kasinungalingan.
Kahit na ang dami na nagmumulat saakin sa katotohanan.
At isa na nga dun ang kaibigan ni Miyuki na si Gail.
Ang totoo niyan pag-uwi ko umiyak pa ako eh
Oo may girlfriend si Nathan. Oo alam ko mahal niya yun.
Kaya nga, kaya nga ayaw kong malaman kung sino yung babae.
Kasi kakainggitan ko lang siya. Kasi baka gayahin ko siya.
Baka siraan ko pa siya.
Makuha lang si Nathan.
Pero ayaw ko >__<
Sapat na saakin yung ganito malapit kay Nathan kahit na masakit.
Kahit na minsan alam kong kasama ko siya pero malayo pa din siya saakin.
Parang nung sa LA din. Kahit na ginagawa niya lahat ng gusto ko nun alam ko naman na hindi bukal sa loob niya.
Haha I even told him to pretend as my boyfriend!
Tinulungan pa niya ako noong binubully ako nung mga babae sa LA.
Pero lahat naman ng ginawa niya, yun ay dahil sinabi ko lang. at hindi bukal sakanya.
Ginagawa niya yun kasi naawa siya saakin.
Pero yung huli kong hiling. Hindi niya kayang tuparin.
Kaya heto ako lalapit nalang sakanya.
Baka sakaling mabago ang tadhana at ako naman ang mahalin niya.
Ako at hindi ang babaeng pinagmamalaki niya.
>_____________<
Kinuha ko yung photo album.
Punong puno yun ng litrato ni Nathan nung nasa LA kami ^^
Pati na din mga litrato habang magkasama kami.
Sweet tignan pero sa likod ng mga pictures na ito ay puro kasinungalingan lang din. puro pakitang tao lang niya, puro awa at para masunod mga hiling ko sakanya.
*sigh*
Bored na ako >3< gusto ko makausap si Nathan!!!
Gusto ko siya Makita!!!
Tumayo na ako at kinuha ko yung bag ko!
"LALABAS AKO ^^"
Nasabi na kaya niya sa girlfriend niya? >3<
Pumunta na ako sa isang convenience store para hintayin si Nathan.
Umupo lang ako doon.
>__<
Nakakainip eh!!!
Ah!
Habang nakaupo ako may napansin ako pumasok na lalaki dito sa convenience store na ito
Siya yung kahapon!
Yung boyfriend ni Miyuki!!!
Gwapo din. Pero mas gwapo si Nathan hahaha.
Tapos kung iduro niya ako akala mo naman kilala niya ako eh >__<
Umalis nalang ako doon baka mapansin niya ako eh. Kinukutuban pa naman ako. masama talaga nararamdaman ko sa lalaking yun!!!
"hey Jake!!!"
May napansin akong sumunod na babae sakanya
Hala!!!
Hindi kaya niloloko niya si Miyuki???
Kitang kita ko mula dito sa labas yung babae na humawak kay lalaki!!!
Lumabas na ako kanina eh.
>__<
Aalis na nga ako!
Tinext ko nalang si Nathan na sa iba niya ako puntahan..>3<
Maglalakad na sana ako papunta sa kabilang convenience store pero biglang may humatak saakin
"a-ano ba! Bitiwan mo nga ako"
"hoy! ikaw ba?"
"hah? ano bang sinasabi mo?" >___<
Yung babae bigla niya akong hinigit at tinatanong ng ganun? Di ko naman siya kilala ah >__<
"bitiwan mo nga ako! sino ka ba hah? isa pa bakit mo kasama ang boyfriend ni Miyuki!" bigla ko tinuro yung lalaki na halatang nagulat
"HAH??? what the hell! Boyfriend ni Miyuki? ARE. YOU. INSANE?"
"I'm completely sane!"
"oh really?" maarte niyang sabi.
"alam mo bang gusto kitang kalbuhin! At para paiyakin ang babaeng yun! Ang kapal ng mukha mo!"
"hah? what are you talking about? Will you please stop accusing me! Ni hindi nga kita kilala eh!!" nakakainis na itong babae na to!!!
"i-ikaw nga dyan! Bakit mo kasama ang boyfriend ni Miyuki?"
"what the hell! Sino? SI JAKE? Kaloka to! Hahaha Jake! This girl is completely out of her mind! Nababaliw na siya! Hahaha. You know what? Stop your illusion girl. Sa oras na pinaiyak mo pa ulit ang babaeng yun humanda ka sakin! Kakalbuhin talaga kita!"
Hindi ko siya maintindihan. Nakakainis siya!
"sabihin mo yan sa sarili mo!" sagot ko
Napapikit ako nung sasampalin na niya ako..
Pero.. ang tagal ko na nakapikit wala pa din yung sampal na hinihintay ko.
Unti-unti kong binuksan yung mga mata ko.
At
At
"Lance! what are you doing? She's effin' irritating! PINAIYAK NIYA SI----"
"pinsan ko siya... " O__O
a-ako??? pinsan ni Nathan????
"totoo ba yang sinasabi mo ha Lance?" tanong ng boyfriend ni Miyuki
"pinsan ko siya sa father side. What's wrong with that? Bawal na ba ngayon magkasama ang magpinsan?"
Nagtago ako sa likuran ni Nathan... natakot ako kanina buti nalang dumating si Lance....
"siguraduhin mo Lang Lance... humanda ka saakin sa oras na paiyakin mo siya ulit. Aagawin ko na siya sayo"
"JL tara na!"
Naunang maglakad yung lalaki. Yung babaeng masungit kanina naiwan pa at nakatitig kay Lance.
"Lance she may not be my friend. Pero hindi ko sasantuhin yung babaeng dahilan kung bakit siya umiiyak. Ako lang ang pwedeng magpaiyak sakanya. Ako lang ang rival niya sa lahat ng bagay. But exclude me from liking you. Dahil hindi ako kasing pathetic ng babae mo para agawin ka pa na halata namang wala ng pag-asa!"
Tapos tumingin siya saakin
"at ikaw! Sa oras na malaman kong hindi ka pinsan ni Lance. humanda ka saakin dahil hindi lang buhok ang totodasin ko sayo. Ako na mismo ang gaganti para sa mahinang babaeng yun! Maliwanag ba? AKO LANG ANG RIVAL NIYA WALA NG IBA! At ikaw Lance! gawin mo project natin!" at tuluyan na nga siyang umalis
>___<
"b-buti dumating ka kasi kung wala ka kanina siguro sampal na ang inabot ko tapos siguro----"
"paano mo nakilala sila JL?"
"hah???"
"I'm asking you! Panu mo sila nakilala?"
"d-diba yung isa kaklase mo? I saw her once pero di ko naman alam na matatandaan niya ako.. and yung lalaki nakita ko lang siya kahapon... siya yung boyfriend ni Miyuki"
"boyfriend? What the fck" he cursed >__<
"bakit? Hindi ba siya?"
Pero hindi na niya ako sinagot at naglakad nalang siya...
Gees!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro