Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27: gusto ko lang naman malaman

vote and comment.

Chapter 27: gusto ko lang naman malaman

 

Natural lang naman sa nagmamahal na gustong malaman ang lahat

Para kahit papanu madagdagan pa ang kaalaman sa isa't isa

Kasi minsan kahit ang tagal mo ng kilala ang isang tao,

Madami ka pa din hindi nalalaman.

Kahit na minsan ang mga malalaman mo,

Aayawan mo na

At sasabihin sa sarili na...

"sana hindi ko nalang nalaman"

 

 

Sharlot POV

 

 

 

 

"hey! Pwede ba. Bitiwan niyo na akong dalawa!" >___<

"BITAW!" medyo napalakas na sabi ni Lance. parang may pagbabanta pa sa boses niya

"pare wag kang bastos! Alam kong girlfriend mo siya pero may sasabihin lang na---"

"sabi ko BITAW!" ulit niya at halatang galit na siya

Yung grip niya saakin medyo masakit na. natatakot ako kay Lance pero kasi---

"Lance he asked me kung pwede niya akong makausap and---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nung tumingin siya saakin. Yung mata niya parang nanlilisik >___< nakakatakot siya. Parang hindi siya si Lance. iba siya. Ibang iba siya pag nagagalit. Tinikom ko nalang yung bibig ko at nanahimik. Kasabay nito ang pagbitaw naman saakin ni Erick.

"Sige Lang Nathan ipagpatuloy mo lang yan. Ang nice din kasing timing mo eh." Sabi nalang ni Erick at saka umalis.

At ni isa wala akong naintindihan sa mga binitiwan niyang salita kay Lance.

Si Lance naman ay naglakad na at hila hila niya ako. ganito nalang ba role ko dito? Parating hinihila? TT___TT

Pero seryoso nakakatakot si Lance. lalo na pag nakakaharap niya si Erick

Ramdam na ramdam ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.  Kahit pa hindi sila madalas magkita o magkausap. Alam kaagad na hindi sila in good terms. I mean grabe lang talaga

Kaninang hawak nila ang kamay ko natatakot na ako. napagitnaan kasi ako eh T___T saka malay ko ba baka mamaya bigla sila magsuntukan! Edi kawawa naman ako >___<

"ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag na wag mo siya lalapitan"

Hindi nalang ako naimik. Sinisermunan na niya ako eh

"Miyuki you know what? Ang tigas ng ulo mo!"

TT____TT

"matigas naman talaga ang ulo eh" I mumbled

"Sharlot! Quit joking" he hissed

Sabi ko nga galit ka eh TT_____TT

Binabawasan ko lang yung kaba ko.

Alam ko naman isa din ako sa nagkamali dito pero kasi... may gusto lang akong malaman.

"sakay" he said

Pagtingin ko. hah? teka... area to kung saan pinapark yung motor...

"h-hah?" tanong ko

Suot na niya yung helmet niya at nakasakay na din siya.

"wait! Sasakay ako dyan?" I asked na parang nagulat pa! kasi naman. Usually dala naman niya yung car niya eh >___<

"sige maglakad ka" he said

"heto na oh! sasakay na ako!" sabi ko habang sumasakay ako doon sa motor niya. Naman eh!

"wear this" abot niya sa helmet na kulay blue.

Edi ako na blue kanya yung Red. Kulang nalang yellow para Watawat na ng Pilipinas.

Kumapit ako sa damit niya.

"pupunitin mo damit ko?" tanong niya

"sinusungitan mo ako?"medyo nagtataray na din ako. naiinis ako eh >___<

Kanina pa ako sinusungitan!

SUMPUNGIN KA!!! SUMPINGIN NA PALAKA! >____<

Palaka ka Lance! palaka!

TT^TT

Pero hindi siya mukhang palaka!!! Tama kasi hinalikan ko siya kaya mukha na siyang prinsipe TT_____TT makapagdahilan lang. aish.

Ang hirap pala aliwin ang sarili.

"kapit" saka niya inayos yung pagkakakapit ko sakanya. Ni-lock niya yung kamay ko, yung tipong nakayakap ako sakanya at saka na niya pinaharurot yung motor..

Mga ilang Segundo pa este minute! Nakarating na kami sa bahay nila.

Oo dinala niya ako sa bahay nila.

"bakit tayo pumunta dito?" tanong ko nalang

"gusto ka Makita ni mommy"

"sus mama's boy talaga haahha"

"tatawa na ba ako?" -____-

Kainis! Sabunutan kita at kurutin eh >_____<

Sinundan ko nalang siyamedyo nakakainis na talaga si Lance kanina pa ako sinusungitan tapos ngayon hindi ako kinakausap! Aba loko to ah! Ako nga dapat mainis kasi dapat kausap ko si Erick ngayon! May gusto pa naman ako tanungin sakanya.

>3<

"Sharlot welcome" bigla ako niyakap ni tita ganda. Este ni tita dyo--- Lian! Hehe ang bango niya. Sexy pa din siya. Tas ang hot niyang mommy!!! Kulay blonde pa ang hair! Inggit ako >3< pakulay din kaya ako?

"kumusta ka na Sharlot? I missed you" she continued

"MOMMY!! TAMA NA! AKO NAMAN YAYAKAP!!!" said KC at naki-join naman sa pagyakap

"okay naman po ako Tita..." nahihiya kong sagot

"MOMMY!!! YUNG CAKE!!!! BAKA MASUNOG!"

"KC nalunok mo nanaman yata yung Mic natin, wag ka mag alala hindi yun masusunog." Nakangiting sagot naman ni Tita

Para lang silang magkakabarkada. Ang ganda naman kasi ^^

"Boss. Yung--- Oh nandito nap ala yung hinihintay natin" nakangiti lang si Tito saakin

"ah magandang araw po" bakit ako iniwan ni Lance dito? TT_____TT

"Camille!"

"DADDY!!! Don't call me Camille! It's eeeeeeeeeewww!"

"tawagin mo kuya mo! Kahit kelan talaga yung pasaway na yun" sabi ni tito. Tapos si tita naman nakangiti lang >___<

Nahihiya na ako sakanila. Iniwan kasi ako ni Lance eh T___T

Bastos talaga yun kahit kelan!

"halika dito umupo ka na muna" Tita assisted me hanggang sa may sofa. Si tito naman umalis saglit.

"ang ganda mo pa din" kyaaaaaah

"salamat po. Ikaw din po ang ganda mo pa din po tita. Parang lalong bumata hehe"

"aysus! Bolerang bata haha. Pero totoo naman! Hahaha" O___O para pa siyang bata magsalita! Cool mommy! Hahaha

"ah teka Lance may ipapakita ako sayo Sharlot" tumayo siya at saka may kinuha doon sa may drawer ng table.

Lumapit siya saakin at saka ito inabot saakin. "Here, tignan mo I think you'll enjoy this one" she offered

Isang photo album. At ang nakalagay dito sa cover ay "My Baby Lance." yieee sweet.

"wow! He's so cute! Siya po talaga ito?" I asked

"yup and look tignan mo ito, hindi mo aakalain na tumatawa siya ng ganyan haha" yung picture ng batang wagas tumawa haha. Si Lance talaga ito???

"ito yung binyag naman niya, nakakatuwa ang dami niyang ninang at ninong kaso mga hindi na mahagilap pag Christmas! Mga kuripot" pati ako natatawa sa mga terms na ginagamit ni Tita. Kasi naman haha. Para talagang barkada lang

"wow ang cute naman po niy adito, ilang taon na po siya dyan?"

"3 years old siya niyan noon." Sagot niya. May hawak hawak kasing bola ng soccer si Lance noon

"ibig sabihin ba tita, bata palang si lance talagang soccer na ang gusto niya?" O__O kasi naman eh! Kung makahawak siya sa bola akala mo may aagaw hahaha

"ako ang may pangarap niyan para sakanya, gusto ko siyang maging isang magaling na soccer player" nakangiti niyang sagot saakin

Ang cute!

Tapos maya maya bigla nalang may humablot nung album >___<

"Lance!" parang warning na tawag ni Tita

"ma! Why did you---"

"what Lance? sinasagot mo na ang mommy?"

"hindi na" -____-

"good"

"bakit mo pop ala ako pinatawag?" tanong ni Lance sa mommy Lian niya

"nothing, I wangt you to serve us drinks and—"

"naku tita wag na po"

"sure ka?"

"opo wag na"

"sige kukuha na teka lang" at umalis na si Lance.

Naintindihan ba niya yung sinabi kong wag na? na hindi na? kelangan ko din ba mag English? -___-

"pagpasensyahan mo na ugali ng anak ko hah. hindi ko nga din alam kung bakit naging ganyan yan. Pero nung bata siya lagi naman siya tumatawa at isa pa masiyahin talaga yan nung baby siya tawa siya ng tawa at NAPAKA IYAKIN NIYA!" diin niya

"talaga po? Si Lance? Iyakin?" medyo di ako makapaniwala eh

"oo pero syempre baby naman kasi, si KC nga hindi ko akalain na magiging walking microphone yung anak kong yun."

"haha pero ayos naman po eh. Ang babait po nila. Nakakatuwa po silang kasama at isa lang ang masasabi ko ang swerte niyo sa mga anak niyo. At ganun din po sila syempre. Napalaki niyo po silang maayos" though ang sungit ni lance at naiinis ako sakanya ngayon -____-+

"si Lance. natutuwa ako nung ipinakilala ka niya as his girlfriend. Ni minsan wala yan kinuwento o dinalang babae yan dito maliban nalang kay Claudette na bestfriend niya. Na anak din ng bestfriend ko. I thought bakla na anak ko. and then you came. Kaya nga nagpapasalamat ako sayo! Haha"

Bakla? Si Lance? hahahahaha

Sabagay naisip ko din yun nun hahaha

Ang Bad bad ko

"saan niyo po pinaglihi si Lance?"

"ehem" si Lance lang pala

"ipinaglihi ko siya sa---"

Nadidistruct sumagot si tita kasi si Lance yungw ay ng paglapag niya nung tray sa table eh >___<

"sa mangga at ketchup hahaha"

Eh???

O__O

Kaya siguro ganyan kasama ugali niya! Masama ang lasa pag pinaghalo yan! Hindi ko ma take!! >__<

"at saka yung singer na si Carlo! Grabe lang ewan ko nga kung bakit hindi na---"

"tsk. Talagang pinag-uusapan niyo ako kahit nasa harapan niyo ako? tsk"

"ay lumayas ka nga!" taboy ni tita

Pero imbes na lumayas kumuha siya ng magazine at tumabi saakin

Alam ko na din naman yung katuloy ng sasabihin ni Tita. Haha.

"ma, oras na." biglang nagsalita si Lance

"hala! O siya sige. Sharlot alagaan mo si Lance ko hah?" nag beso beso siya saakin at saka na siya umalis

"BEB!! TARA NA! LATE NA TAYO!" sigaw pa niya

"tsk. Ang daldal talaga" said Lance

Daldal daw! Sana nga nagmana ka sa mom o kaya dad mo! Grabe ikaw lang masungit sa pamilyang ito.

Pero pasalamat ka! Mahal kita -3-

Nanahimik nalang ako. wala na ako kausap eh.

Parang wala lang din kasi akong katabi.

Si KC naman umalis din yata??? Kasam aang mommy niya at daddy niya

"haist" I sighed

"ang dami kong nalaman sa mommy mo" nakangiti pa ako

"talaga?"

"yeah. Natutuwa ako kasi gusto ako ng mom mo"

"edi maganda"

Nice talking! Eh kung bugwasan kaya kita? >___<

JOKE! Hahaha

"Sharlot" biglang naging seryoso nanaman yung paligid dahil sa tono ng pananalita niya

Tumayo siya sa harapan ko at saka hinawakan ang dalawang kamay ko...

"I'm begging you please" O___O

Ano daw??

"please stay away from Erick"

O__O

Bakit kelangan pa niya makiusap?

Hinila ko yung kamay ko...

"no?" tanong niya....

"then please... Lance.. tell me everything.... Lahat ng nangyari nung nawala ka ng tatlong buwan"

At pangako.

Maski si Eris.

Iiwasan ko.

"Iiwasan ko lahat ng gusto mong iwasan ko. basta sabihin mo saakin, lahat lahat Lance. lahat lahat"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: