Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23: natatakot ako

wag kayo maniwala sa mga nihongo ko rito, google trans yan noon HAHAHAHAHA!

Chapter 23: natatakot ako

"Nii-san! hokano nin tachihadokodesuka ?" (brother! Where are the others?)

"wakaranai hime" (I don't know princess)

Eeeeeeeeehh! Ang boring dito sa bahay! Mapapanis laway ko kay kuya Shizu!

Pumasok nalang ako sa loob ng kwarto ko.

September 14 na. malapit na birthday ni Lance. ano naman kaya ang pwede ko ibigay sakanya? Last birthday niya ang binigay ko ay soccer ball. Nasakanya pa kaya yun? Magpaparty kaya siya ulit?

Nakatunganga lang ako at iniisip tapos...

Hala!

Ano itong naisip ko!!!

Aaaaaaaaah!! MIYUKI!!! Kung anu-ano iniisip mo!

>///<

Pero kasi..

Waaaaaaaah

>///<

Get lost gelt lost GET LOST!. Sabay hampas hampas ko pa sa hangin na wari mo'y may ulap sa itaas ng ulo ko! >___<

Kasi naman eh! Kung anu-ano naalala amp!

Tumayo ako saka tumalon talon! Wala lang trip ko lang naman tumalon hehe. Nagtatanggal ako ng ala-ala! Hahaha

Bumaba ulit ako para kumuha ng maiinom. Si kuya SHizu naman naka long sleeves ulit. Tanghaling tapat pa naman.

Ayan kasi patattoo-tattoo pa siya!

Pero bakit nga kaya? Kagabi hindi ko napansin kung ano yung nasa balikat niya eh. Malay ko naman kung tattoo nga yun talaga?

Naglalakad lang siya tapos nakahawak siya sa baso tapos binabasa yung papel.

Anong papel naman kaya yun?

"kuya! ano yan?"

"nothing"

Sungit pfft!

"minikui" (ugly)

Sinasabi ni kuya? ay hawak pala niya yung cp niya! Ahaha

"kuya! si AJ ba yan?"

"How'd you know her?"

"nakita ko lang sa Fb kuya! hahaha"

"wag nga ako pagdiskitahan mo pumunta ka kay Lance mo"

"sungit neto! Wala akong pasok may pasok siya."

Umupo ako. nasa may kusina kaming dalawa.

Ano kayang ginagawa ni Lance? si Eris kaya? Kumusta na siya? Haist.

Teka nga matanung nga si kuya kesa kung anu-ano naiisip ko :/

"kuya bakit ka may tattoo?"

Napatingin lang siya saakin with no reaction! Siguro nagulat siya pero di ganun na gulat na gulat

"nakita mo pala"

"opo kagabi. Anong meron? Nagrerebelde ka kuya?haha" matawa tawa kong tanong

"no"

"eh ano pala?"

"dare"

"dare?"

"nothing"

"kuya naman eh! you can tell me everything! And what about that paper?" sabay turo pa sa papel na hawak niya"

"as I've said it's nothing"

Puro naman siya nothing eh >3<

"pero kuya hindi nga? Bakit ka may tattoo?"

"dare nga"

Ang dry talaga nito kausap! At least si Lance mahaba haba naman ang sinasabi niya! Hihi <3 dapat lang na mahaba ang mga sasabihin ni Lance nuh! Uapakan ko yun at kurutin pag hindi niya ako kakausapin ng mahaba!

"eh yang papel?"

"kulit mo din eh"

>___< hala nagalit!!

Hala!

First time ito!

Teka...

Pffft

*beep beep*

O__O

"kuya may tao"

"so?"

>____< SUNGIT TALAGA NITO! DI NA KITA FAVORITE NA KUYA!

Lumabas ako para tignan kung sino yung bumubusina doon >__<

Eh?

"Lance?"

Nakangiti siyang bumaba sa sasakyan

"a-anong ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok? Diba---"

"hindi mo ako papapasukin?" nakangising sagot niya

"eh kasi nandyan si kuya"

"ano ngayon?"

>___<

Nak ng tipaklong tong mga lalaking nakapalibot saakin! MGA NICE TALKING EH!

Pero di pa din nawawala yung ngiti niya sa mukha

*O*

Naiinlove ako lalo!!! Parang wala kaming iniintinding tao kung umasta kami ngayon.

"what brought you here nga pala?" tanong ko habang pinagbubuksan ko siya ng gate.

"hmmmm" yung kamay dalawang braso niya pinatong niya sa mga balikat ko nung magkaharapan na kami>//< parang half hugging ba? Ako na! ako na ang di makatingin ng diretso!

"namumula ka bah" he said grinning

"eeehhh ang lapit kasi ng mukha mo eh!" nahihiya na ako

Pumapaibaba yung kamay niya sa bewang ko at saka niya ako hinatak papalapit >///<

"Lance!" sabay hampas ko pa sakanya

"oh? matagal ko ng di ginagawa sayo to eh namiss ko" saka pa siya pumakawala ng nakakalokong tawa

"ehem!" si kuya Shizu nakasandal sa may pintuan >//<

Itinulak ko nalang si Lance papalayo.

"tsk" tas naglakad si kuya papalapit saamin tapos sinabing "kung maglalandian kayo wag dito" tas umalis na siya, di ko alam kung san punta nun

"problema niya?" naiiritang tanong naman nitong isa

"ikaw kasi eh!" sisi ko sakanya saka ko siya binatukan

Pumasok nalang ako sa loob at natural sumunod naman siya

"gusto mo kumain?"

Tumingin lang siya saakin

"ikaw ulam?" >///<

"MANYAK KA TALAGA!"

"rabbit ka naman"

Aba lokong to!!!

May sapak nanaman. Sinasapian nanaman siya! Jusko po Lord! Hwag mo naman hayaang maging ganito si Lance ay hindi pala. Maging ganito nalang pala siya kesa tatahitahimik siya sa tabi at magsungit at di ako kausapin at.. at... sana ganito nalang para di namin maisip yung problema namin :/

"bah payakap nga" bigla niya ako hinila at niyakap >___<

"flat talaga"

"BASTOS KA TALAGA!" >____<  itinulak ko siya dahil sa inis! Kelangan sinasabing flat ako?

Aba tong lokong to


"eh flat talaga bah" bulalas niya

"shemay ka!!! Manyak manyak!" kainis >__<

"LANCE ISA PA TALAGANG UUPAKAN KITA!"

"sadistang rabbit" mapang-asar pa talaga yung tono ng boses niya

Well immune na ako sa Rabbit thingy na yan! Bahala siya dyan.

Pumunta nalang ako sa kusina, naghanap ako ng pwede kong ipakain sakanya

"cake? Chocolate nga lang" alok ko

"sige" saka siya umupo

Aba loko! Feel at home talaga siya haha.

"nasan yung dalawa mong maingay na kapatid?"

"hoy! Kapatid ko pa din mga yun ah"

"may kakaiba din dun sa masungit mong kapatid"

"may pangalan sila Lance"

"tsk. May papel siyang hawak."

"pati ba naman yun napapansin mo? Hahaha"

"usually he's holding a gadget not a paper"

Ah kaya naman pala

Inihain ko sakanya yung cake saka ako nagtimpla ng juice

"ikaw nag-bake?"

"ah yeah ^^"

"nice"

Umupo ako sa bandang harapan niya. Pinapanuod ko siya kumain. Hihi

"Lance ang cute mo kumain"

"cute?"

"ay pogi pala"

"tss"

Tuloy lang siya sa pagkain nung cake. Nakakatuwa siya panuorin. Favorite niya talaga ang chocolate nuh? Napansin ko lang yun haha. Kasi lagi niya ako binibigyan ng chocolate eh. I mean, nung high school parang parati ata siya may baon na chocolate?

Ah! Yung bag niya!!! Hahalungkatin ko mamaya haha

Dun ko mapapatunayan kung may chocolate nga siya XD

"labas tayo? Date" he asked

"now na?"

"oo ganyan ka na maganda naman damit mo"

"eh? Naka skirt lang ako ah >___<" I mean palda na hanggang tuhod naman. Haha

"okay lang yan" tumayo siya at saka niya ako hinila patayo

Tas nauna na ako maglakad. Haha adik din eh high ako! nakita ko kasi si Lance saka di ko makalimutan yung sumpaan namin kagabi.

Tapos bigla ko naramdaman na----

"blue"

*pak*

"LANCE!!!! BASTOS KA TALAGANG MANYAK KA! >___________<" sinampak ko siya dahil sa pagkakagulat. Nakakainis siya!

BIGLA BA NAMAN ITAAS YUNG PALDA KO!!! LOKONG TO!!!

Kainis >____<

"MAGBIBIHIS MUNA KO! BAHALA KA DYAN!"  nakahawak lang siya sa pisngi niya tas halatang nagpipigil ng tawa. Masyado siyang good mood!

Nakakainis! Tama ba yun? Ang manyak niya talaga

Napaka bipolar! Kung hindi manyak mode sungit mode siya!!!

Kainis. Pasalamat siya makikipag-date pa din ako kahit na ang bastos niya ngayong araw >_____<

ang pilyo niya ngayon!

Tas lagi pa niya nasasaktohan na blue yung... blue yung

Ah basta yun!!!

Kasi naman eh!

Nagbihis nalang ako tas bumaba. Ni-lock ang pinto at pumunta na sa labas. Naghihintay na siya sa labas.

"saan mo naman ako dadalhin ngayon?" tanong ko nung nakasakay na kami

"di ko din alam gusto lang naman kita kasama ngayon"

>//<

Kasi naman eh!!

"tapos? Saan ka after?"

"hospital"

Awts parang may kumirot sa puso ko :(

"sama ako" bigla ko nalang nasabi

Tumingin siya saakin... tas diretso ulit ang tingin sa harapan

"ikaw bahala"

Dead air -__-

Sasama nga ba ako? parang ayaw ko na pala >___<

Ang tahimik niya....tumingin ako sa likod at nakita ko yung bag niya

Ah! Tignan ko kung may chocolate siya!!!

"Lance! may chocolate ka?"

"sa bag"

Sabi na eh! Galing ko talaga! Haha

Inabot ko yung bag saka ako nangalkal. Nakita ko yung chocolate tapos...

Ito yung parang diary ata niya???

Nilabas ko at saka ako nag-flip ng page.

Tapos...

---

'I've been confessed to for several times in the past few years and I always say sorry to them but I'm afraid I can't turn down this one YET.

F*cking Sh*t!

What will I do to this girl?

she's damn irritating!

I miss Sharlot!
'

---

Bigla nalang niya inagaw saakin yung notebook saka niya hinagis sa likod.

"wag mo papakialaman yun"

"ah sorry"

"s-si.. si Eris ba yung tinutukoy mo dun?"

Tinignan lang niya ako. pero di siya sumagot.

Si Eris nga siguro yun.

Malamang naman si Eris yun.

Kung ganun...

Si Eris ang umagaw I mean ang dahilan kung bakit wala saakin si Lance ng tatlong buwan.

Awts.

Si Eris.

May kahati na ako sa oras ni Lance.

At wala naman ako laban.

Wala naman akong laban sa taong may sakit.

Magkasakit nalang din kaya ako?

Haist.

"I love you" yun nalang nabulong ko

And i hope gumaling si Eris o kaya naman lumakas siya.

Para masabi ko na sakanya

Natatakot kasi ako kahit na ako ang nagsabing wag sabihin natatakot talaga ako.

I then texted Gail saying:

Gail stay here wag ka muna aalis :(

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: