Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: Sinusulit Lang!

Chapter 2: Sinusulit Lang!

 

 

Sharlot's POV

 

Last night was the best night ever! Kinikilig ako, to think sa harap ng madaming tao nagpakabaduy at nagpaka-corny ang BAH ko! Hahaha, kinikilig pa din talaga ako as in!

Nakayakap pa ako ngayon sa unan ko. Kasi naman eh! Kayo kaya ang gawan ng ganun sa birthday mo? Sa harap ng pamilya at mga kaibigan mo? The sweetest thing he did last night was when he kissed my hand, I felt like a princess even just for one night. Kyaaaaah! <3

Lance Mariano! MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA! AS IN!

Nasira ang pagmomoment ko nung biglang kumatok at sumigaw si kuya "HIME!! BANGON NA! LATE KA NA!"

"YAH! NII-SAN! ISTORBA KA!"

"bangon na!"

Buti nalang ni-lock ko yung pinto haha, di nila ako mapasok dito. Tinatamad kaya ako pumasok. Amp! Puyat ako kagabi ah.

*riiiing riiiing riiing*

*Lance Calling*

Aysus! Namiss naman kaagad ako ng Lance ko haha

"Morning Bah" bati ko

(bangon ka na daw sabi ng kuya mo) medyo mahina ang boses niya, saka husky pa halatang bagong gising! Gwapo ng boses! Lalo akong naiinlove

"ginising ka ni Kuya?"

(hmmm...yeah and I'm still sleepy...my head hurts you know, I drunk a lot last night)

"sabi ko naman kasi sayo hayaan mo lang sila kuya eh"

(......nakakahiya sa mga kuya mo)

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga

"nakapikit ka pa siguro no?" I asked then I pouted

(yeah...)

"wag ka na kaya pumasok?"

(why? Want to go on a date?) narinig kong parang naglakad siya, natural bumangon na siya nuh? Haha

"hindi ah! Papasok ako mamaya, may ipapasa akong plate" I said yawning

Pumasok ako sa CR para mag toothbrush^^ adik ba? Habang kausap ko? Haha

(labas tayo. Di kita nasulit kagabi) >///< makapag sabi naman ng di nasulit! Nakakaloka itong boyfriend ko ah!

"SIRA!"

(aray. Now! that was very rude of you.)  naiimagine ko ang kanyang mukha habang sinasabi niya yan haha

Walang nagsasalita saamin, wala. Parehong nag to-toothbrush eh! Edi kami na nga ang sweet :"> kelangan sabay talaga? Wala lang trip lang.

Naririnig ko yung tubig sa kabilang linya. Amp naman! Wala siyang balak ibaba yung call? Kasi ako wala pa haha. After kasi niyang sabihin yung corny na sinabi niya ano... kinantyawan na siya nung mga bisitang lalaki tapos ako naman nilapitan ng mga kaibigan kong babae. Super nakakatuwa talaga yun! Saka nung natapos yung party nagkaroon pa ng after party! How great! Kaso mga lalaki lang nag after party! Hahaha. Nag-inuman sila. Ang sama nuh? Ako may birthday pero di nila ako sinama! Lahat ng girls iniwan! Haha

(KUYA KUYA!!! KUYA!!! DALI LATE NA AKO!!!!)

(tsk, kay mommy ka magpahatid di ako papasok)

(okay haha OY! HAWAK ANG CP! HI ATE SHARLY!!! GOOD MORNING)

"haha ang kulit talaga ng kapatid mo, college na ba talaga yan? Haha"

(yeah, energetic as always)

"halata nga baka mamaya may boyfriend na yan ah. Dalaga na eh haha"

(tsk meron yata?)

"EHHH? Hindi nga?"

(ang alam ko boyfriend niya yung isa sa mga kaibigan niya, not sure about that)

"BALIW!!! Tanungin mo kaya! Napapansin mo bang napapangiti yan pag nagtetext? O kaya naman nakababad sa internet? O kaya may kausap sa phone?"

(di ko napapansin mga yan. but I think everynight she's talking to someone. Not sure though)

 "hmmm baka nga may boyfriend na ang nakababata mong kapatid! Hala lagot! Baka umiyak na yan or what! Nag-aalala ako"

(she's cried several times I think that was last year. Kung kilala ko lang yung gumawa nun baka inupakan ko na)

"hahaha adik ka talaga! Well at least she's still hyper as ever"

(lumala pa nga ata... tsk)

"haha ang kulit lang niyan"

(pumasok ka na, baka ma-late ka pa. I'll pick you after your class. See yah)

*toooot toot*

Ay binabaan ako! Hmmp. Naligo nalang ako, nag-ayos ng gamit and there! Papasok na ako

"Kuya aalis na po ako" paalam ko sakanila

Commuter lang ako, nakakahiya kasi kay Lance kung parati niya ako sinusundo papasok ng school. Syempre magkaiba naman kami ng schedule ni Lance. Kaya nga heto ako sa bus lang ako.

Pagsakay ko, wow!?  Anong meron? Punuan ba lahat ng bus ngayon o kulang lang ang bus? Grabe ah!

May nakita akong isa pang upuan doon kaso may nakaupong GITARA! What the? Nagbayad ba yang gitara ng pamasahe? Nakakainis ah

"Excuse me" I said pero di ako pinansin ng lalaki, tinitigan ko siya at yun pala ang dahilan! May nakasaksak sa tenga niya!

Hinila ko! Bastusan kung bastusan, pero di ako maririnig nito hanggat di ko ginawa yun

"ano?" may galit sa tono ng boses niya

Aba! At siya pa ang may ganang magalit!

"pwede naman po sigurong maki-upo diba po?" sinusubukan kong hinaan lang yung boses para naman di magmukhang eskandalosa!

"tsk. Oh ayan" saka niya tinanggal yung gitarang naka-upo

Nagbabasa ako ng constitution, may graded recitation kasi kami bukas oo bukas pa naman para lang advance. Pero di ako makapag concentrate! Naririnig ko kasi yung rock song na nagpl-play sa ipod niya! Ano ba yan.

ang high blood ko ba? Kasi naman eh. -.- wala pa ako naaral ni isa para ngayong week, nung isang araw pinagpuyatan ko yung ipapasa kong plate, tapos kagabi puyat ulit ako dahil 12 na din natapos yung birthday party ko kagabi.

Yieeee napapangiti nanaman ako dito mag-isa! Haha

Huminto na yung bus, yung bus kasi sakto sa university humihinto.

Bumaba na ako at naglakad papunta sa room ko.

"good morning" bati nung nakasalubong kong si Ales

"gandang umaga din. Ang aga mo ah?" tanong ko

"ah oo hinihintay ko si Kysler malilintikan yun sakin!"

Hala brutal! Haha

"kayo na ba?"

"h-hah? ano yun? Nabingi naman ako sa tanong mo?"

"sus sabi ko kayo na ba?"

"HAHAHAHAHAHA! Hindi"

Hala? Hindi pa pala sa lagay na yun?"

Napatingin ako sa wristwatch ko

Late na pala ako! Patay ako neto!

"sige pasok na ako ah. Kasi late na haha. Bye bye" saka ako naglakad

Napansin ko nanaman yung mamang may gitara. So dito din siya pumapasok? Ah! Baka hindi haha malamang hindi talaga! Ay malay ko ba dun? Naiinis lang ako dyan. Ang sungit kala mo naman kung sino.

Nagmadali na akong pumasok sa room namin patay na ako neto! Lagot lagot!

"Parco???"

"PRESENT!" phew! That was close! Haha nagchecheck palang ng attendance! Ayaw ko ma FA nuh! Failure due to absences! Grabe lang higpit kasi sa attendance ng matandang prof na ito.

Tumingin ako sa paligid, patay kang Kysler ka! Wala ka nanaman? Haha, lagi ata siyang absent sa subject namin na ito? Baka mabagsak siya ng malupit at matandang prof na ito! Hahaha

Ipinasa lang namin yung plate tapos pwede ng lumabas ^____^

Nakakatuwa naman 5 hours kasi yung klaseng yun! Eh nakakatamad pasukan haha buti at may mercy din siya! Ang aga tuloy ng dismissal ko! Tawagan ko kaya si Lance? Eh kaso baka natulog ulit yun? Si Kysler nga di pumasok. O baka naman kasama ni Kysler si Ales? Kasi diba hinihintay siya ni Ales kanina?

"Hey morning"

"Hi, morning din"

"Belated happy birthday, I wasn't aware that yesterday was your day" she said smiling. But like duh! Alam ko naman na ayaw mo pa din saakin haha

"Thank you"

"see yah around" saka siya umalis kasama nung mga friends niya

"ooops I forgot, where is Lance? He didn't attend our class; tell him someone is looking for him. Bye"

"sure." Tsk kung umasta naman tong si JL

Haha ako na pikon! Kasi hanggang ngayon kaklase pa din niya si JL eh! Inggit ako!

*bzzzzzt bzzzzt bzzzzt bzzzzzt*

Kung makavibrate ang cellphone wagas! Haha bawal kasi ang naka-loud pag klase! Maco-confiscate kasi.

*Lance Calling*

Sinagot ko nalang yung call

"hello"

(where are you?)

-___- diba pwedeng 'hello bah'? 'Miss na kita nasan ka ba'? Kaso Malabo! Haha

"sa university malamang"

(yeah I know, so where?)

"sa may---"

(bagal oh)

"ganun mo ko kamiss? Gusto kaagad Makita ganun?" haha

(tsk masama?)

Waaaaaah! Baliw na siya! Simpleng sagot lang kinilig na ako! Haha, mali, ako pala ang baliw! Haha

"nasa----"

(wait don't tell me nasa---)

"nasa????"

(sa likod?)

"nope"

(where then?)

"atat ka kasi masyado! Di mo ko pinapatapos magsalita haha"

(where?) medyo naiinip na niyang tanong hahaha sarap talaga pinagtritripan ni Bah <3 kaya ko siya mahal eh! Di ako nagsasawa sa magaspang na pag-uugali niya! Joke! Sa ugali niya pala haha

Actually naglalakad lakad nga ako eh, kaya di ko masabi kung nasaan ako haha

But I think, 'di na niya ako kelangan hanapin ^^,. Kita ko na siya eh haha ayun oh! Cool niyang tignan, naka short siya ng checkered tapos naka t-shirt na white na may print na drawing na alien ata yun hahaha. Nakasandal sa sasakyan. And oh! Para sabihin ko sainyo black na ulit ang buhok niya! At ako ay kinikilig na nakikita palang siya *____*

Gwapo kaya! Nakasandal pa siya sa sasakyan niyang itim ang kulay! Ewan ko kung anong tawag sa car niya. Wala naman akong hilig sa cars.

"Lance"

(oh?)

"nakita na kita" nakangiti pa ako

Nakita ko siyang lumingon lingon sa kung saan! Haha di niya ako Makita! Haha nagtago kasi ako sa may poste haha

(san ka? Di kita mahanap)

"hmmm sa puso mo...haha"

(I'm not joking, where are you?)

"ganun mo ba ako ka-miss???"

(oo kaya kung di ka pa magpapakita dyan gagawin kitang misis mamaya!)

"talaga? Hahaha"

(talagang gustong gusto mo ng makasal saakin ah? Galak na galak ka dyan)

Ayan na kitang kita ko mukha niya mula dito na naka-poker face nanaman siya! Hahaha ang cute cute talaga niya! Este gwapo pala! Baka sabihan nanaman ako niyan ng: I'm not a puppy

Tumalikod ako sa poste este kay lance, nakasandal ako sa poste.

"haha gusto ko na grumaduate kaagad"

(excited mapalitan ang Parco ng Mariano?)

"adik!" di naman sa atat ako, pero mahal na mahal lang kasi kita^^

Natahimik kaming dalawa...

*toot toot*

Eh? Disconnected?

"got you"

"hello bah ahaha"

"tsk, tama bang pagtaguan ako?"

"ang cool mo kasing tignan dun, parang ang sarap mo i-display haha"

"pwedeng pwede mo naman ako titigan ng malapitan, mas pinili mo pa dyan sa malayo"

"AY KAPAL!!!" saka ko pa kinurot yung ilong

Napahawak siya sa ilong niya. Ano ba yan? NR siya? Kinurot ko na nga eh -.-

O baka nasanay na siya sa kurot ko? Ah basta gwapo siya!

"let's go"

"where to?" I asked

"hmmm remember my garden?"

"ah! Oo naman! Yung magandang lugar na parang abandoned garden ba yun?"

"yeah."

Kinuha niya yung librong hawak hawak ko, tapos hinawakan niya yung kamay ko. Napapansin ko na pinagtitinginan siya nung mga students dito. Lagi naman! Di pa ako nasanay. Tsk! Edi siya na nga kasi ang campus heartthrob!  Buti nalamang at wala pa masyadong nakakaalam na soccer player siya! Kundi! Naku!!! Mas madami nanaman magkakagusto sakanya.

He intertwined his fingers to mine. Di na siya nagsasalita so ganun din ako haha. Wala din naman ako sasabihin. Di uubra pagkamadaldal ko pag si Lance kasama ko eh. Lalo na pag ganitong tahimik siya. Wala kaya siya sa mood?

He opened the car's door beside the driver's seat. Saka siya pumasok na din sa sasakyan. Pinaandar na niya ito at ayun nakatulog ako sa byahe!

"Bah, wake up"

"Sharlot...."

"pag di ka pa bumangon dyan hahalikan kita -___-"

"Heto na! gising na po ako!" di na mabiro haha

Lumabas na ako.. wow walang pagbabago sa lugar maganda pa din! He once again held my hand saka kami sabay naglakad papunta doon sa may garden namin! Inangkin? Haha

Eh kasi walang tao.

"ah Lance nga pala..sabi ni JL kanina may naghahanap daw sayo"

"tsk baka yung prof" sabi niya

"siguro nga haha di ka kasi pumasok eh. Bukas pasok ka na ah. Wag ka na iinom baka magalit pa ang coach mo"

"okay"

Nagliliwaliw ako dito sa garden, pinitas ko yung isang bulaklak

"ang ganda oh" saka ko pinakita kay Lance

Cute kasi nung kulay, ano ba tawag dito? Red siya pero di naman talaga Red, medyo pinkish siya. I so love the color. (fuschia?)

Lumapit saakin si Lance saka kinuha yung flower at nilagay sa tenga ko.

"ayan edi mas gumanda yung bulaklak"

"ano ako? Dekorasyon sa bulaklak?" naasar kong tanong

Ngumiti siya! Oo ngumiti nga siya!!!

Eeeehhh!! FOUL YAN FOUL!!!! KUNWARI NAIINIS PA AKO EH!! FOUL YAN! WAG KA NGINGITI! KINIKILIG KASI AKO! Hahaha

Hinawakan niya yung mukha ko tapos...tapos.... He brushed his lips to mine!

"Lance ad---"

He then kissed me once again >//<

"baliw ka n---"

And again!

"baka may makak---"

This time he is kissing me a bit longer and sweeter

And when he finally parted his lips away... nagsalita siya

"isa pa"

"hah? tam---"

di na niya pinapatapos mga sinasabi ko... he is now kissing me again deeper, sweeter and and and.. @___@

Inilayo niya ulit mukha niya saka siya ngumiti! Ano ba! Name-mesmerize ako sa mga ngiti niya >///<

He pulled me closer and for the last time!!! Hinalikan niya ulit ako... his lips are soft, kumapit ako sa leeg niya to feel his kisses much better.

At pakatapos nun

"baliw ka na!" I said panting

"tsk, di naman kasi kita mahalikan ng ganyan sa harapan ng mga kuya at lahat ng pamilya mo -___- sinusulit lang"

What the?

ADIK NA SIYA!!!

"Perv" I mumbled

"stop muttering or else, I'll kiss you again" pagkasabi niya yun. Tinakpan ko na yung lips ko.

Tama na yun! NAKARAMI NA SIYA! GRABE NA YUN!

SINULIT NA NIYA MASYADO MGA LABI KO! >____<

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: