Chapter 14: eeeehhh? O___O
Chapter 14: eeeehhh? O___O
napahaplos ako sa singsing na bigay saakin ni Lance. imposible naman talaga yun.
"Miyuki tingin mo magugustuhan ako ng mga kaibigan mo? Alam mo kasi wala ako masyadong kaibigan kaya excited ako, si Lance naman kasi hindi ako pinapalabas ng bahay kaya ayun di ako masyado nakakakilala ng mga tao sa paligid. Grabe lang talaga. Sana talaga nuh?"
" oo yan. Mababait naman sila eh."
"excited na ako." Natutuwa biyang banggit
Dahil sa pagod at puyat ng paggawa ng assignment ko kagabi. Nakatulog ako sa taxi.
"Miyuki, gising malapit na tayo sa mall"
Nag-inat ako ng bahagya tumingin sa paligid. Oo nga dito na nga.
Paarang wala akong gana bigla mag mall sa sinabi kanina ni Eris, parang kinutuban? Pero parang ang labo kasi eh. Sa ugali ni Lance? imposible kasi talaga baka ibang tao naman yun. Haha kalokohan kung anu-ano naiisip ko.
Bumaba na kami ni Eris sa taxi at pumasok sa loob ng mall, sa isang fastfood chain kami naghihintay kina Gail.
"hala excited akong kinakabahan, parang ngayon nalang kasi ako ulit makikipagkilala sa mga tao eh"
"eh? Seryoso? Hindi nga?" hindi makapaniwalang tanong ko
"oo seryoso, kasi nga kagaya ng sabi ko parati lang ako sa bahay, pinagbawalan ako ni kuya lumabas since bumalik kami dito"
"ah. Kaya naman pala. Grabe naman yang si Erick"
"teka Miyuki, bakit Erick nga pala ang tawag mo kay Lance?"
"ayaw ko kasi siyang tawaging Lance eh" simpleng sagot ko
Dinukmo niya yung ulo niya sa table
I heard her sighing. May problema ba siya?
"okay ka lang?" tanong ko
"oo okay lang" sagot niya
"Bessy! Sorry ngayon lang ako dumating si Seb kasi ayaw ako pakawalan >____<" napatingin ako sa bagong dating na si Gail
"bessy upo ka muna" mukha siyang pagod na pagod ah. Nakipagmarathon ba ito?
Umupo ng maayos si Eris at ngumiti ng sobrang wide parang ganto lang oh ^________^
"hello, ako si Gail bestfriend ni Sharly"
"wow Sharly ang tawag mo kay Miyuki? Ang cute naman, ah ako nga pala si Eris bagong friend ni Miyuki, ang ganda mo naman pala." Saka niya inabot yung kamay niya kay Gail
"Bessy hindi mo naman sinabi saakin na bolero at maganda itong kinukwento mo saakin" may hampas pa saakin si Gail
"di ko ba nasabi?"
"oo ang sabi mo lang saakin ay madaldal siya" natatawang sabi niya
"hala sinabi mong madaldal ako? Nakakahiya naman hindi naman po ako ganun kadaldal eh"
"haha may po siya sayo bessy! Matanda ka na talaga! Hahaha" natatawa ako! Ayos din naman pala eh madali lang sila mapagkasundo ^^
"ay bawal ba mag po? Haha di ko kasi alam kung ano itatawag ko eh. Nakakahiya naman kasi kung bigla ko siyang tawagin na Gail diba? Kasi baka isipin niya FC ako sakanya >___<"
Eh diba FC ka saakin??? Bakit di mo gawin kay Gail? Haha natutuwa ako dito kay Eris ^^
"haha nu ka ba Eris! Okay lang nu! Saka Gail naman talaga ang pangalan ko... nga pala, nasan na yung isa?" tanong ni Gail
"ah oo nga eh wala pa siya."
"sino yun?" tanong ni Eris
"mamaya makikilala mo pag dating niya"
"ah okay ^^ ang saya naman dahil kay Miyuki dumami na ang kaibigan ko at hindi lang si Lance ang nakikita ko araw-araw"
"magkakilala sila?" tanong ni Gail
Halatang nagugulahan naman si Eris sa tanong ni Gail
"yung kapatid niya yung tinutukoy niya yung kaklase ko, yung naikwento ko sayong nadamay nung nahulog ako sa hagdan"
"ah si guitar boy!"
"oo yun nga"
"wow astig naman ng pangalan ni Lance saino, guitar boy! Hahaha, oi wait lang ah. Sa cr lang muna ako" paalam niya
"samahan ka na namin" alok ko naman
"hala hindi na, diba hinihintay pa natin yung isang kaibigan niyo? Dito nalang kayo para hindi magulo sa lugar"
"okay sabi mo eh" sagot naman ni Gail
Umalis na nga si Eris
"alam mo okay naman si Eris. Maganda, mabait"
"oo nga eh, swerte ng boyfriend niyan" sabi ko
"may BF siya?"
"wala ata? Pero narinig ko kanina may hinahabol habol ata siya???"
"ohhh! Swere nung lalaki!" said Gail
"oo nga. Kasi ang bait talag ni Eris"
Biglang may umupong babae sa table namin at yun na nga ay si Ales
"sorry ngayon lang ako, actually aalis din ako kaagad" she said
"eh? Bakit?"
"basta >___< di naman ako makalapit kanina... basta aalis na ako ah"
"oi Ales" tawag ni Gail nung tumayo si Ales
"galit ka ba saamin?" tanong ko naman
"hindi ah... basta di ko lang pwede sabihin. Ingat kayo ah. Text ko nalang kayo pag gusto ko gumala next, nga pala Sharlot nasan si Lance?"
"ang alam ko after class punta siya sa practice nila eh"
"ganun ba? Sige puntahan ko siya ah, ingat"
Bineso beso niya kaming dalawa ni Gail
Nangyari dun? She's weird, dala ba nun ng status nila ni Kysler ngayon? Masyado ko ba silang na-push? >____<
After five minutes nakabalik naman na itong si Eris
"wala pa din siya?" tanong niya
"kaalis lang niya eh, may gagawin pa atang importante" paliwanag ko
"ay sayang naman di ko siya na-meet" naka-pout siya
Ngumiti naman si Gail at saka sinabing "di bale, madami pa naman next time"
Naglibot libot kami sa mall, nag shopping, tried fitting the dresses and shoes, naglaro din kami sa quantum at saka nanuod ng sine. Haha
Ang dami namin ginawa.
May mga lalaki din na nagtangkang lumapit saamin
Ghad.
Buti nalang expert na si Gail mang turn-down! Yun ba natutunan niya sa ibang bansa? Haha
Masaya kasama si Eris, hindi nauubusan ng kwento. Ultimo mga pinapanuod niyang cartoons and movies na kwento na niya! Isa siyang certified daldalera!!!
Pero dahil gabi na kelangan na namin umuwi,
Nakatingin si Gail sa phone niya
"sagutin mo kaya, si seb ba yan?" tanong ko
"oo eh.. mukhang papauwiin na ako nito >__< mahigpit pa siya sa asawa! Hahaha"
"gora na sagutin mo na" sabi ko
"Eris ikaw ba? Ihahatid na lang kita ah, malagot pa ako dun sa kapatid mo eh tutal ibibigay ko din pala tong notebook na pinabili niya. Kung maka-utos naman kasi yun wagas! Dinaig ko pa ata yung butler"
"hala sorry >__< ako nalang magbibigay kahit di mo na ako ihatid"
"no ihahatid kit autos din ng kapatid mo na wag kita pabayaan eh saka may sasabihin daw siya saakin na importante. Daw"
Nagtext kasi siya saakin kanina habang nasa sinehan kami. Sabi niya ihatid ko daw ang kapatid niya dahil wala naman daw alam yung si Eris sa lugar na to kasi nga hindi naman siya lumalabas masyado. At para na din daw may sasabihin na importante.
Malay mo naman sabihin niya saakin na: okay na makakalaya ka na sa pagiging katulong
YIPIEEEEEEE hahaha
Odiba ang saya pag nagkataon? ^^
"bessy I need to go, si Seb kasi eh!"
"okay bessy ingat ka ah, pakumusta mo k okay hottie fiancé mo haha"
"sira! Hottie ka dyan" bineso beso na niya kami ni Eris at saka na siya nagtawag ng taxi.
"so paano? Alis na din tayo?"
"okay ^^"
Kita sa mukha ni Eris na pagod na siya.
Bawal ata siya mapagod masyado? Ang bilis niya mapagod
Hinatid ko na siya pauwi sakanila gabi na at mukhang delikado na ako mamayang uuwi ako T____T
Kahit papaano babae din ako! Adik na Erick ito!!!
Pagkadating namin sa bahay nila dumiretso na kaagad si Eris sa kwarto niya halatang pagod na pagod siya.
"umupo ka" utos ng magaling na si Erick kaya naman umupo naman ako
"ano ba yung pag-uusapan? Ititgil ko nab a yung paglilingkod ko sainyo mahal na kamahalan?" sarcastic kong sabi
"ngayon palang sasabihin ko na sayo"
"ang alin?"
"tutal malapit sayo ang kapatid kong si Loisa"
"o tapos?"
Mukhang seryoso ang mukha niya
"wag na wag mong sasaktan ang kapatid ko"
"at bakit ko naman gagawin yun? Mabait siya at saka wala naman akong dahilan para saktan siya. Adik ka ba?"
"what I mean is, mahina ang kapatid ko, physically and emotionally"
Eh?
"nung high school nalaman na may mahina ang puso niya"
Napalunok ako..
"kaya naman nung nagbreak sila ng boyfriend niya masyado siyang nasaktan"
"bakit mo sinasbai to saakin?" tanong ko
"kasishe trust you, and I too"
Eeeeeeeh??
"bilang kapatid niya tungkulin ko na di dapat siya mapahamak habang wala ang mga magulang anmin dito"
"bawal siyang ma-stress at bawal din siyang mapagod ng sobra kaya nga ayaw kong lumabas kayo kanina"
"sana sinabi mo kaagad"
"isa ding rason kung bakit di ko siya masyado pinapalabas para wala na siyang makilala pang iba"
"eh yung sinasabi mong hinahabol niya?"
"yun na nga eh, nakakainis"
"gusto mo paki-usapan natin yung kung sino man yung hinahabol niya?"
"no need" sagot niya
"kahit wag na, hindi naman sila at hindi naman naging sila. Ang kapatid ko lang talaga ang humahabol doon sa leche na yun"
Kawawa naman si Eris :( mabait naman siya ah
Epal naman kung sino yung paasa nay un >_____<
"sana Miyuki, wag ka magalit saakin kung masyado kita inuutus-utusan at inubliga hindi ko naman yun ginawa para makaganti sayo. Para sa kapatid ko yun para hindi naman siya nag-iisa dito"
"alam ko kasi mabait ka" ngumiti siya
Ngumiti siya
Oo ngumiti nga siya!!!
"wag mo din isipin na masungit ako, hindi naman ako masungit ganito lang talaga ako sa mga taong di ko gaano nakakausap pero tutal magaan naman loob sayo ni Eris kaya naman sana tulungan mo ako sa pag-aaaga sa kapatid ko"
O___O
Eh?
Tulungan?
"we can be friends too right?"
Teka wait??
As in wait??
Processing pa
Ano daw???
Friends daw?? Kami??
O___O
EEEEEEEEEHHHHH????
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro