Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13: RING


Chapter 13: RING



Sharlot:



Tinititigan ko yung pot of roses na binigay ni Lance saakin. Yieee malanta ka na kasi! Haha. Joke lang! eeehhh kasi ang daming pasuspense ni Lance dun din naman mauuwi ang lahat,

*toot toot*


1 new message


From Erick:


Hoy

--end—

Oo na!!! aalis na ako!! Paalis na nga ako eh! Di na ako nagreply. asa naman siyang magrereply ako.

Bago ako tuluyang umalis diniligan ko muna yung rose, kahit papaano dapat aalagaan ko yun ^^, yung bulaklak ang aantayin kong malanta, pati yung mga magiging bulaklak lang ng tatlo. Yun lang naman eh. Kaso matagal tagal pa mamumulaklak yung dalawa dito.

"mamulaklak na kayo ah. Bilisan niyo hihi"

I dialed Gail's number. Namimiss ko siya eh ^^

"Bessy"

(napatawag ka? Sakit ng ulo ko bessy)

"dami mo siguro ininom"

(medyo lang... bessy) yung boses niya parang ang lamlam....i mean malumanay....

"problema?"

(w-wala naman bessy.. sige sige... maglilinis lang ako ah)

"okay"

*toot*

2 weeks pa si Gail dito. Matagal tagal pa naman siya mag stay dito so I think madami pa kaming time para sa isa't isa. Anyway, lagi naman niya kasama si Seb habang nandito sila.

Nakasakay na ako ng bus at papunta na ako sa apartment nila Erick.

Mga ilang minute din ang byahe ko buti hindi traffic.

Papaakyat na ako. Tapos yung mga babae dito ang tatalas ng mata! Kulang nalang masugatan na ako sa kakatingin nila! Kalmutin ko kayo eh!

Hindi ko nalang sila pinapansin. Bahala nga sila dyan.

Nakarating na ako sa floor nila Eris.

Kakatok n asana ako ng biglang bumukas...

"MIYUKI!!!!" sabay yakap niya saakin

"namiss kita haha"

Ngumiti lang ako

"namiss din kita Eris"

"alam mo ba buti nandito ka na! si kua kasi nakakainis eh kanina pa ako kwento ng kwento dito tapos tinulugan ako! Sabi ko i-text ka niya para pumunta ka na dito tutal di naman ako pwede lumabas eh. Nakakainis kasi si kuya ang daming binabawal saakin. Grabe lang"

"in short???" nakangiti ako kasi ang haba haha

"gusto kita Makita ^____^"

"haha ayun naman eh..."

Pinapasok na niya ako sa loob.

Nakita ko si Erick...

"oh plates mo!" abot ko sakanya

"thanks"

"ganyan ba talaga kapatid mo? Hindi naimik?" bulong k okay Eris

"naku! Nagbabalat kayo lang yan, maingay yan eh haha"

Erick glared at Eris

"Joke lang haha"

Eris reminds me of Xyla pero mas malakas topak ni Xyla. Kasi nalaman ko umaakyat pa yun ng pader. Ay kagulong bata talaga nun haha.

Iba pa din ang atmosphere sa bahay nila Lance parang I'm always welcome ba? Ganun din naman dito ang kaso nga di ko close si Erick. I'm here to help him lang at dahil kasalanan ko naman lahat.

"oi matutulog muna ako ah" paalam saakin ni Eris

"ah sige"

Ang aga naman matulog nun? Sabagay siesta time nga pala ngayon.

Hapon po ngayon eh.

So anong aggawin ko ngayon dito?

Pumasok na sa loob ng kwarto si Eris

Ah naalala ko. baka kasi wala pang notes si Erick..

"Erick heto notes mo oh"

"lagay mo dyan"

Busy siya.. pinupunasan niya yung beloved guitar niya

Hanggang ngayon may benda pa din yung kamay niya, sinimento eh.

Kelan kaya yan gagaling? Gusto ko na matapos agad agad ito.

"anong tinitingin tingin mo dyan?" tanong niya

"wala masama ba panuorin kang nagpupunas ng gitara?"

"hindi"

"oh hindi pala eh..." nakangiti pa ako

"wag ka ngang ngumingiti dyan par akang ewan"

"eh bakit ba ang sungit mo?"

"wal atrip ko lang."

"edi trip ko lang din ngumiti" sagot ko naman

Aasarin kita! Haha

Ang boring naman dito.

"oh!" sabay bato niya saakin nung tela

"aanhin ko ito?"

"maglinis ka ng di ka nang-aasar dyan"

Pffft >___<

Tumayo nalang ako kesa makipagtalo pa sakanya.

Naglinis muna ako ng munti nilang apartment, nasaan kaya parents nila? Ayaw ko naman itanong baka masyadong private diba?

Siguro isang oras din ako naglinis ng bahay nila.

Inaantok pa ako

*yawn*

"Erick aalis na ako ah"

"okay"

Nangyari dun? At LAsT!! ^___^v

Kinabukasan, sa school na ako ngayon. Miss ko na si Lance. Matuyot ka na kasi Bulaklak! ^^ joke

Pagpasok ko palang sa room namin ang ingay nanaman.

"THE WHO ANG LALAKING BUSTED AT HEARTBROKEN NA USUALLY AY MATINIK SA CHICK AT MAHILIG MAG-DUTY!!!" si dennis yang nagsasalita ngayon

"THE WHO????" tanong naman nila

Jusmiyo! Parang kilala ko na yung tinutukoy nila >___<

Kawawa naman si Kysler pero parang kasalanan ko din eh

Umupo na ako....

"HAHAHAHA KILALA KO NA!!" sigaw nung isa kong kaklase

Si Erick.... Nakaupo lang siya... pinapalibutan siya nung ibang boys.

Di ako makakatagal dito sa room ang ingay! Basagan ng eardrums ang trip ng mga kaklase ko. wala pa din si Irish dito.

Paglabas ko...

Eh??

"Eris... anong ginagawa mo dito?"

"Miyuki haha. Labas tayo after ng class niyo? Naiinip kasi ako eh tutal may dinaanan naman ako dito dumaan na din ako sa room niyo ni Lance..."

"hoy! Anong ginagawa mo dito? Diba ang sabi ko sayo sa bahay ka lang at hwag pupunta dito! Nagpunta ka nanaman sakanya?"

"hindi ah!"

Ano ba naman itong magkapatid na ito

"sabi ko naman sayo wag mo ng habulin yun"

"pero Lance magkaibigan kami. At dahil naiinip ako dun ako sakanya ^____^"

"bahala ka nga"

"Lance lalabas kami ni miyuki mamaya ah. Payag ka diba?"

Sabay tingin pa silang dalawa saakin

Eh???

"Sino yan Lance? kapatid mo? Kamukha mo eh" tanong ni Dennis na umakbay pa kay Lan---Erick

"umuwi ka na" utos niya sa kapatid

"hindi hihintayin ko si Miyuki lalabas kami mamaya. Diba miyuki? Basta di mo ako mapapauwi Lance. dito lang ako hintayin ko si Miyuki Lumabas. Miyuki magsama ka ng mga kaibigan mo ah^^ pakilala mo ako para naman dumami ang friends ko. bye bye"

At umalis na siya

Kaloka naman siya

"sakit talaga sa ulo, di nalang magpahinga" bulong ni Erick

Tutal napasubo na din naman ako sa labas labas na yan. Magpapaalam muna ako kay Lance.

To bah:


Lance, labas kami nila Gail maya

--end---



Mga ilang minutes din bago siya... hindi reply. Kundi tawag

(san kayo pupunta?)

"ah mall lang"

(umuwi ka ng maaga, or do you want me to---)

"hindi na no need, mag commute nalang kami neh?"

(okay... be careful okay)

"yes sir"

(bye)

"bye bye I love you"

(Sharlot naman)

"bakit?"

(I love you too) bulong niya

Haha nasa klase yun kaya binulong! Marunong pala to mahiya sa mga kaklase! Sabagay. Ang isang Lance Mariano magsasabi ng I love you too? Haha nakakatawa yun sa mga makakarinig pero saakin hindi ^^

Sinabihan ko na din sila Gail at Ales na lalabas kami. Pampalubag loob na din kay Ales para din a siya magalit sa set up na ginawa ko T_____T di naman natupad. Umiyak pa tuloy siya

Haist.

Pagkatapos ng klase pinuntahan ko na si Eris sa labas.

"so tara na?" yaya ko

Kita nalang kami sa mall nila Gail.

"ah sure" masigla niyang sagot.

Nasa taxi na kami. Nagpupunas ako ng pawis ko. kasi naman ang init sa labas kanina.

Nang bigla siyang nagsalita

"parang nakita ko na yang singsing mo"

"talaga? Baka sa mga mall" banggit ko

"hindi..."

"eh? San pala?"

"may kakilala kasi ako mahal na mahal yung singsing niyang ganyan yung itsura eh... nigay pa daw kasi yun ng papa niya..."

"talaga?"

Napatingin ako sa singsing ko

Imposible namang si Lance yun eh...wala naman nabanggit saakin si Lance na ganun baka nga sa kaibigan niya lang yun..

Hindi naman imposibleng magkaroon ng kapareho itong Ring ni Lance.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: