Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10: badtrip lang

<---vote and comment

Chapter 10: badtrip lang

 

 

Kysler:

 

 

Natatawa ako kay Lance kahapon! Bigla bigla nalang nagtetext! Akala ko may kalokohan nanaman akong nalaman niya! Haha

Yun pala! Hihingi lang ng mga banat! Yung taong yun? Babanat? Ahahaha iniisip ko palang tawa na ako ng tawa!

Ngayon nandito ako sa harap ng ibang college/building may hinihintay ako.

"oi si Kysler yun diba?" nairinig ko yung mga bulungan ng mga babae, hindi ko alam kung bakit nila ako kilala, pero siguro dahil sa mga laban ng basketball sa iba't ibang departments. Si Lance hindi sumali hassle na daw masyado yun kasi may soccer pa siya sa labas idagdag mo na yang napaka busy niyang course daming makakapal na libro na binabasa.

Nakasandal ako ngayon sa pader.

Ang tagal naman nun.

May klase na ako mamaya.. tagal tagal tagal tagal naman nung babaeng amazona na yun!!!

Itetext ko siya!!! Ang talino mo talaga Kysler! Ngayon mo lang naisip yan!!!

To: Monster

 

Oi monster, san ka?

 

-end-

 

 

 "hello Kysler" bati nung magandang babae

"hi babes" nakangiti kong bati sakanya at kinindatan ko pa! tignan natin kung hindi ka kiligin! Haha

"yaaaaaah babes daw!!!" sabi niya sa mga kasamahan niya. Nakakatawa naman itong isang ito haha. Sobra naman ipinapakita pa saakin yung reaction, na turn-off tuloy ako hahaha

Sa totoo lang natuturn-off ako kapagka ganyan pero minsan naman hindi. Ewan ko ba? Weird ako? Siguro haha

Kaya nga sakanya ata ako tinamaan kasi halos pinagtatabuyan ako! Ba yan! Gwapo naman ako, matalino? Hindi ko alam hahaha

*bzzzt bzzzt*

From Monster:

 

Wala na kanina pa ako lumabas

Nakipag DATE ako.

 

-end-

 

 

Anak ng!!! sinong walangyang lalaki ang nanliligaw sakanya?

UUPAKAN KO TALAGA YUN >__<

Tsk! Makaalis na nga.

"bye mga babes" sabi ko sa mga babaeng nakatingin saakin

"bye bye Babes!" sabay sabay nilang sabi

Babes. Yan na ata halos tawag ko sa mga babaeng nakakakilala saakin. Di ko kasi matandaan pangalan nila haha. Kawawa naman di ko alam pangalan nila samantalang ako tandang tanda nila.

Hinawakan ko pa yung baba ko saka ko hinimas himas at saka binulong sa sarili: Ang gwapo ko kasi

Humanda talaga saakin kung sino man yung lalaking ka-date niya! Ipapahanap ko yun kay.. kanino ba? Kay Dennis nalang... magaling naman siya at adik sa internet. Pero hindi kaya sa youtube nanaman yung titignan niya?

Tsk...

Ako nalang. Parang di maasahan yung isang yun.

Pumunta na ako sa building namin at dumeretso sa room.

Teka? Bakit sila nag aaral?

"hoy Darwin! Bakit kayo nag aaral?" tanong ko

"dumu-duty ka nanaman siguro nu? Haha! Takte Kys! Hindi mo baa lam na may quiz? Tignan mo yung isa oh! nagsusulat na nga ng kodigs! Tapos ikaw hindi mo alam?"

"dumu-duty ka dyan! Naghintay ako kamo sa wala!" badtrip lang

San ba si miyuki tatabi nga ako dun mamaya

"Irish! Nasan si Miyuki?" tanong ko naman sakanya, siya kasi yung madalas na kasamang babae ni Miyuki

"nasa Cr." Ang tipid sumagot! Palibhasa nagbabasa

"Kysler! Tignan mo to dalian mo!" tinawag ako ng sino pa? edi si Dennis na may hawak na laptop.

"loko! Babae nanaman ba yan?"

"eh ano pa? hahaha" sabay sabay pa yung ibang nakapalibot dun!

Mga pare-pareho talaga ang trip ng mga ito

Hay! Alesana. Bakit mo ko ginaganito? Takte naman oh!

Lumapit ako dun sa mga babae kong kaklase, kasi baka hindi ako pakopyahin ni Miyuki! Mahirap na! kelangan ko lumapit sa mga mahilig mag aral haha

"hi Kysler" ngiti pang bati nung isa saakin

"hi" syempre nakangiti din ako! Ahaha

"CHICKBOY!!! DUMU-DUTY KA NANAMAN DYAN!" sigaw nung isa kong kaklase

"GAGO! Papaturo ako! Mag-aaral ako! Hahaha"

"UTOT  mo kysler haha. Talagang sa mga babae ka pa sumama nu? Hahaha DUTY tawag dyan pare! Haha"

"sus inggit ka lang haha"

Pati din yung mga babae kong kaklase pinagtatawanan kami

Lagi naman ganito eh.

Nakakawalang gana pa din. May Ka-date daw...

Pansin ko nandito na din pala sa loob si Miyuki, lumapit ako sakanya.

"Hoy Kysler! May boyfriend yang nilalapitan mo! Hahaha" pang-aasar nila

"gago! Alam ko! kababata ko bf nito!"

"sus! Baka sulutin mo eh hahaha" sabi naman nung isa

"haha sira talaga mga yun" sabi ni Miyuki

"lagi naman, anong atin? Saya mo yata?" tanong ko

"ah kasi si Lance! Nakakatawa siya kahapon kung alam mo lang haha"

"alam ko, mga banat ba? Haha. Lokong yun tawa nga ako ng tawa nung nagtanong saakin!"

"talaga? Nagtanong? Haha... anong sinabi mo???" atat iyang tanong

"sabi ko sabihin niya yung trivia about sa sneeze kung mabahing ka man haha"

"ano naman yung about dun? Di niya sinabi saakin yun eh, di kasi ako bumahing haha"

"ah.. sabi ko kapag bumabahing kasi tumitigil yung puso, kaya naman naisip ko pag bumahing ka man sabihin niya na: wag kang babahing! Ayaw ko kasing tumigil yung pagtibok ng puso mo para saakin hahaha"

"hahaha Kysler! Mas corny ka pala kay Lance! Hahaha"

"gaga ka! Hindi! Hahaha..."

"bakit parang ang gloomy mo pala Kysler?"

"ako?"

"sino pa?"

"wala asar lang ako kay Amazona"

"si Ales?"

"oo! May Ka-date daw! Nakakainis! Talagang sinabi pa niya saakin... kausapin mo naman oh! wag naman makipag date.... Shet ang bading ko! kasi naman nakakainis talagang sinabi pa yun?"

Totoo naman kasi.. nakaka wala sa mood

"magbago ka kasi! Lagi ka kasi nakikipag-flirt, alam mo ang babae minamahal hindi yung ganyan!"

Di naman ako nakikipagflirt

Sila! Sila ang nag ha-hi saakin! Wala na ako ginawang masama. Siguro meron. Sa babes?

Aish!!!

Magbago daw?

Ang bait ko na nga at nagtyatyaga akong nililigawan siya.

Akala ko talaga noon kami na, hindi pa din pala.

Kainis lang.

May mga lalaki din talagang umaasa. Pero kasi naman!!! -____-

Mahal ko kasi eh.

From Monster:

 

Oi babaero!

Punta ka daw sa bahay

Gusto ka kausapin ni dad.

I think about sa model thingy ata yun?

You and Lance.

K? pakipilit nalang si Lance. Tnx

 

-end-

 

 

Psh....

To Monster:

San na yung ka-date mo?

--end—

 

 

 

 

Medyo matagal bago siya nagreply

At nakakainis lang ang reply

From Monster:

 

Paki mo? May paki ka ba?

 

--end---

 

 

Ikaw nga dyan walang paki! Tsk

Kainis

Kung di lang kita mahal!

Badtrip lang -____-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: