Chapter 4: Surprise little psycho
4.
Surprise little psycho
Maddy
Hirap na hirap na akong huminga kaya naman saglit akong tumigil sa pagtakbo. Hindi ko maintindihan bakit pero panay na lamang ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko at ang dibdib ko naman ay para bang sasabog na sa sobrang takot at kaba.
"Mama!" Umiyak ako nang umiyak. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito sa maisan o kung paano ako makakaalis mula rito. Kanina pa ako takbo ng takbo at pagod na pagod na ako. Napapalibutan ako ng nagtataasang mga tanim na mais at kahit saan man ako magtungo, parang nagpapaikot-ikot lang ako, hindi ako makaalis. Napakadilim pero dahil sa liwanag ng buwan ay nagagawa kong maaninag ang mga tanim na dinadaanan ko.
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa pagtakbo. Natatamaan ko ang mga tanim na mas matanggad pa sa akin kaya naman pilit kong winawasiwas ang mga kamay ko. Sa isang iglap ay bigla akong nakaramdam ng hapdi at nang tingnan ko ang kaliwang kamay ko ay nagulat ako nang makitang may hawak pala akong isang mahabang bitak ng salamin. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko rito ay dumudugo na ang mga kamay ko at umaagos ito sa lupa.
"Tulong! Parang-awa niyo na tulungan niyo ako!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko na naman ang mga palahaw ng isang babae... naririnig ko na naman ang mga palahaw niya at isa lang ang ibig sabihin nito—siguradong nananaginip na naman ako.
Huminga ako ng malalim at pumikit. Paulit-ulit kong kinukumbinsi ang sarili kong magising pero nang muli kong idilat ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang isang kulay asul na pinto.... Oh shit not this again.
Ewan ko ba pero para na akong nawawalan ng control sa sarili kong katawan. Bigla kong binuksan ang kulay asul na pinto at gaya ng dati nakikita ko na naman ulit siya.... Nakakadena ang mga paa niya samantalang ang isang kamay naman niya ay nakatali sa dingding. Umiiyak siya, nagmamakaawa, sumisigaw. Napakarami niyang sugat sa katawan at halatang takot na takot siya. Napakarungis niya. Ang suot niyang uniform ay napakarumi na dahil sa magkahalong putik at mantsa ng dugo. Black skirt at black necktie, ngayon ko lang napansin ang pagiging pamilyar nito.
"Parang-awa mo na, pakawalan mo ako dito! Wala akong ginawang masama sayo!" Umiiyak nitong sambit sa pagitan ng kanyang mga hikbi. Parang dinurog ang puso ko nang magtama ang mga mata namin at makita ko sa mga mata niya ang matinding takot at lungkot.
Napasinghap ako nang tuluyan akong magising. Tagaktak ang pawis ko at para akong pagod na pagod. Ganito nalang ako palagi kapag napapanaginipan ko siya. Nakakainis, ba't ba kasi namin siya biniktima? Bwisit, ba't ba ako nagkakaganito? Hindi ko dapat maramdaman 'to. Hindi 'to magugustuhan ni Mama.
Napatingin ako sa orasan at nakita kong maga-alas-tres na pala ng hapon. Three hours to go at magsisimula na ang shift ko sa convenience store so I might as well prepare. I want to sleep but then again if I sleep, I might see her again... I never want to see her again. Ever. Para mapalagay ay kumuha nalang ako ng lollipop mula sa malaking bote.
"Madeline hija?" Narinig kong may kumatok sa pinto. Sa boses palang mukhang ang matandang cleaning lady ata 'to.
Seriously? Mahirap bang tandaan ang Maddieson? Yes unusual ang spelling but come on, Madeline? That little shit lives in the cartoon version of France.
"Yes po?" Binuksan ko ang pinto ng may napakatamis na ngiti sa labi ko. Pabebe on the outside, Bebe ni Satanas on the inside.
"Hija may sulat pala na dumating para sa'yo. Hinatid ko nalang dito sa unit mo." Aniya kaya agad akong nagpasalamat nang iabot niya sa akin ang sobre. Nang makaalis siya ay agad kong tiningnan kung kanino ito galing ngunit walang pangalang nakalagay. Naka-address lang sa pangalan ko.
Tiningnan ko ang laman at nagtaka ako nang makita ko ang isang polaroid photo sa loob.
"What the hell?!" Wala akong magawa kundi mapamura na lamang nang makita kong kaming dalawa ni Uncle Bob ang nasa litrato—Nagtatalo kaming dalawa habang nakahiga sa sahig ang walang malay na holdaper sa convenience store. Ang litrato... nasa labas ang kumuha nito nang gabing iyon. This is bad.
Tiningnan ko ang likod nito at parang kumulo ang dugo ko nang mabasa ko ang katagang nakasulat rito gamit ang kulay pulang tinta—SURPRISE LITTLE PSYCHO.
Si Mama ba 'to? Pero kahit may pagka-aning minsan si Mama, hindi naman niya ako tinatawag na little psycho. She calls me her angel, never a psycho.
This is bad... kung hindi si Mama edi ibig sabihin may nakaalam na ng sikreto ko. Shit this is really really bad. I can't go to jail. I don't want to disappoint her. But if I'm already busted, why am I still free? Dapat naka-team orange ootd forevs na ako.
This doesn't make sense.
****
"What in the world of rainbows are you doing here?" Napangiwi ako nang maabutan ko si Sage sa convenience store. He's sitting at the back of the counter where I usually sit and the worst part, he has this smirk on his ugly cute face na para bang inaasar ako.
"World of rainbows? Ang cute naman ng pananalita mo." Walang emosyon niyang sambit at muling ngumisi.
"Pink you Sagey. Pink you." Napairap na lamang ako.
"Sagey? Ano yun may endearment ka na agad sakin?" Pang-aasar niya habang nakangisi parin. Bwisit, ba't ba kasi kung ano-ano 'tong lumalabas sa bibig ko, baka mamaya mag-assume 'tong may gusto ako sa kanya—well, gusto oo... gustong patayin.
Napabuntong-hininga ako at ngumiti sa kanya, "Seriously though, alis ka na diyan. Duty ko na. Go home and hang out with your crazy crew." Sabi ko na lamang pero bigla siyang tumawa.
"Maddy duty ko na din." Pagmamalaki niya at biglang tinuro ang kulay asul niyang t-shirt na may logo ng shop. The same shirt as mine. Oh hell no...
"Ayos ah? Mukhang magkasundo na agad kayo." Biglang lumapit sa amin si Boss Dan na siyang may-ari ng shop. Nakangiti siya na para bang tuwang-tuwa.
"Boss bakit?!" Hindi ko na maitago pa ang dismaya ko. I love working alone. Mas nakakakilos ako pag mag-isa at hello? I'm not an average teenage dirtbag, I got dirt from head to toe. Dirt that can and will likely send me to prison for the rest of my psychotic life!
"Anong bakit? Hindi ba ako pwedeng mag-hire ng isa pang empleyado at isa pa matagal ko ng empleyado si Sage. Hay hijo... Mabuti naman at naisipan mo nang bumalik. Mula nang—" Biglang natigil sa pagsasalita si Boss Dan kaya agad akong napatingin kay Sage pero nagtaka ako kasi wala na ang ngisi sa mukha ni Sage. Naging seryoso ulit siya.
"O siya sige, maiwan ko na kayo. Gawin niyo ng maayos ang trabaho niyo ha?" Bilin na lamang ni Boss Dan at agad na umalis.
Kahit nakaalis na si Boss Dan, hindi ko parin maalis ang tingin kay Sage. There's really something about him but I can't figure it out yet. Hindi ko rin maintindihan ang ugali niya. Nung unang beses ko siyang makita, halos di niya magawang ngumiti sakin tapos kahapon panay ang ngiti niya tapos ngayon naman parang light switch na ang mood niya.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan? Ano? May gusto ka na sakin?" Walang emosyon niyang sambit at bigla na lamang nag-smirk.
"Nope, I'm not into weird boys. Sorry Sagey." Ako naman ang ngumisi at nakita ko ang rumehistrong gulat sa mukha niya. "Newsflash Buddy, Toshino is way cuter than you." Pang-aasar ko pa lalo.
****
"Anong iniisip mo?" Tanong ni Sage habang nagmo-mop siya sa sahig samantalang ako naman, heto't nakaupo sa counter, nakatingin lamang sa kawalan habang may lollipop sa bibig.
"Stuff." Tipid kong sambit at napasandal na lamang sa kinauupuan.
"Kung pera ang problema, si Aiden lapitan mo kasi rich kid 'yon. Kung lessons o homework, si Candy kasi matalino 'yon. Kung namo-mroblema ka sa buhay mo, tingnan mo lang ang mukha ni Toto at tiyak masasabi mong maswerte ka sa buhay mo." Walang emosyon man ang pagkakasabi, alam kong nagbibiro si Sage kaya hindi ko mapigilang matawa.
"Come on don't be so mean to Toshi-kins." Saway ko sa kanya pero heto ako't tawa parin ng tawa. Hipokrito nga naman.
Biglang tumunog ang chime tanda na may customer kaya agad kaming napatingin sa pinto. Agad na nawala ang ngiti sa mukha ko nang makita ko na naman si Kalvin at yung mga kaibigan niyang kung maka-asta eh akala mo kung sino.
"Wow, is there a loser convention here?" Sambit nung babaeng parang parating kinakapos ng tela. Noong nakaraang araw, cropped shirt ang suot niya tapos ngayon naman mini-skirt at t-shirt kahit maulan-ulan sa labas. Pag ako nakaamoy ng utot, hindi na ako magtatanong sino.
"Baka nga, andito ka eh." I smirked dahilan para agad niya akong taasan ng kilay.
"Whoa! Burn!" Biglang nagtawanan sina Kalvin at yung babae at lalake nilang kasama, I forgot their names but classmates ko sila sa ibang subject.
"Quit it!" Inis na sigaw nung babae at dali-daling naglakad papalapit sakin na para bang susugurin ako, "Who do you think you are ba? Kung makaasta—"
"Naomi chill." Natatawang sambit ni Kalvin at biglang inakbayan yung babae at niyakap mula sa likod. Tumigil naman yung Naomi at inirapan ako. Para siyang enjoy na enjoy sa yakap ni Kalvin. Eewwy. How disgusting.
"Ito pala ang girlfriend ko, si Naomi. Mabait 'to hindi lang halata." Pakilala niya sa yakap niyang babaeng kinapos ng tela, "Yan naman si Leslie pero mas gusto niyang tinatawag siyang Lilly," Sabi pa niya sabay turo doon sa isang babaeng parang disco light, wala lang ang sakit lang kasi sa mata ng neon shirt niya, "At yan naman si Beltran." Dagdag pa niya saka itinuro yung lalakeng may piercing sa gilid ng labi. Mukha siyang adik, eeewwy.
"Ano bang kailangan niyo?" Walang emosyong sambit ni Sage na nakatingin lamang sa kawalan dahilan para biglang manaig ang nakabibinging katahimikan.
Well this is awkward.
Biglang humalakhak si Kalvin at umiling-iling, "Yabang na natin Sage ah? Porke't nakahanap ka na ng ipapalit sa kanya mag-aangas-angasan ka na?"
Napatingin ako kay Sage at nakita ko ang biglang pagbabago sa aura ng mukha niya. Para na siyang galit na galit. Ang kamao niya, nakakuyom na ito.
"Guys let's not talk about the dead please. It's creepy." Biglang sambit nun Lilly at napakagat sa kanyang kuko na para bang nababalisa. Sino ba ang ibig nilang sabihin?
"Aba hindi pwede 'yon," Ngumisi si Kalvin at bumitaw kay Naomi. Nakangisi man, napakatalim ng tingin niya kay Sage. Para bang galit na galit narin siya, "Hindi niya dapat kalimutan na siya ang may kasalanan sa pagkamatay niya! Hindi pwedeng hanggang ngayon nagluluksa parin kami tapos siya may iba nang kinukursunada!" Bigla nitong bulyaw dahilan para mapapitlag ako. Ang mga mata ni Kalvin, nanlilisik ito at namumula... para siyang naluluha sa sobrang galit.
"Babe tama na." Giit nung Naomi at siya naman ang yumakap sa braso ni Kalvin.
"Pre may CCTV dito, kalma." Giit naman nung Beltran na animo'y pinipigilan si Kalvin na para bang handa nang sugurin ano mang oras si Sage.
I don't know what's happening but I'm guessing this is the reason why they bully Sage. May personal reason pala 'tong si Kalvin. Hmm... Sino kaya ang namatay dahil kay Sage?
Ilang sandali pa ay agad na winakli ni Kalvin ang kamay ng mga kaibigan niya at naglakad na lamang palayo. Dali-dali siyang sinundan ng mga kaibigan niya kaya naman kaming dalawa nalang ulit ni Sage ang natira sa convenience store.
"Still very awkward...." Ngumiti na lamang ako ng pilit dahil sa nakakailang na katahimikang bumalot sa amin kahit nakaalis na ang apat.
Napatingin ako sa hindi gumagalaw at walang kaemo-emosyong si Sage. Nakatitig lamang siya sa kawalan habang nakakuyom parin ang kamao pero ngayon, nakikita ko na ang luhang pumapatak mula sa mga mata niya.
I thought I was the only one with skeletons in my closet, hindi ko inaakalang meron rin pala sila. Hmm.. I wonder what their skeletons are about?
"Maddy..." Walang emosyong sambit ni Sage kaya nakunot ang noo ko.
"Bakit?" Tanong ko.
"Lumayo ka sa kanila lalo na kay Kalvin." Bigla nitong sambit kaya lalo akong naguluhan.
"What? Why?" Bahagya akong tumawa pero hindi na sumagot si Sage. Nakakailang na talaga siya kaya lumabas na lamang ako dala ang isang bimpo. Mas mabuti pang punasan ko nalang 'tong mga salamin kesa makasama yung shushunga-shungang si Sage sa loob na mas mahirap pang espelengin kesa sakin.
Habang nagpupunas ako ng pinto ay nagtaka ako nang mapansin ko ang isang polaroid photo sa sahig. Pinulot ko ito at nakunot ang noo ko nang mapansin ang nasa litrato ay sina Kalvin, Naomi, Lilly at Beltran. Kuha ito habang nasa cafeteria sila at magkakasama. Kaso ba't ganun? Ba't may kulay pulang bilog ang mukha ni Naomi sa litrato? Ang bobo naman ng nag-vandal nito, dapat sungay ang nilagay niya. It's way too adorbs than a circle.
Itatapon ko na sana ito sa trash bin na malapit lang sa poste ng ilaw pero nagulat ako nang mapagtanto kong may nakasulat pala sa likod ng litrato—MAD. All caps written in red ink.
END OF CHAPTER 4.
Note: Sorry if it lacks action or stuff. It's really more of a mystery than horror. Kapit lungs! Bwahahaha.
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro