Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: Going Incognito

3.

Going incognito

Maddy


"A-aray sandali, dahan-dahan lang." Nauutal na sambit ni Sage habang iniiwasan ang bulak na idinadampi ko sa pisngi niya.

"Chillax, just try to enjoy the pain." Biro ko na lamang at mas diniinan pa ang pagdampi ng bulak na may alcohol sa sugat niya. Nage-enjoy akong panoorin siyang ngumingiwi dahil sa hapdi. Awe, ano kayang magiging reaksyon niya kung sasaksakin ko siya ng paulit-ulit? Ano kayang mga salita ang lalabas sa bibig niyang bumubulwak ng dugo? Magmaakaawa kaya siya? Magmumura? He looks like a nice guy, for sure tatanungin niya lang kung anong dahilan kung bakit ko siya sinasaksak.

Nagtaka ako nang mapansing nakatitig na pala siya sakin. Nakaramdam ako ng ilang nang magtama ang mga mata namin, ngayon ko lang napansin na sobrang lapit na pala ng mga mukha namin kaya ipinahawak ko na sa kanya ang bulak at tayo na lamang ako para kumuha ng kape mula sa vending machine.

"Salamat." Naiilang niyang sambit nang inabot ko sa kanya ang kape.

"May bayad 'yan." Giit ko saka ngumiti. Napatingin ako sa relo ko at napahikab na lamang ako nang makitang madaling-araw na pala.

"Dito ka pala nagtatrabaho?" Sabi ni Sage habang nililibot ang paningin sa convenience store. Hindi ko alam kung ano ang pumasok ko't dinala ko siya dito matapos ko siyang makitang duguan at halos mawalan na ng malay sa eskinita. Sa totoo lang magaan na agad ang loob ko kay Sage kahit kakikilala lang namin sa isa't-isa, siguro kasi nakakaawa ang tingin ko sa kanya, hindi siya isang victim material. Ang tipo ko kasing biktima yung mga nag-aangas-angasan, mas masarap patayin ang mga masasama, para ko kasi silang mas nahihigitan sa tuwing winawaksan ko ang buhay nila. Weird, I know.

"Sina Kalvin ba ang gumawa sa'yo niyan? Pati yung sugat mo kaninang umaga?" Tanong ko na lamang at muling naupo sa likod ng counter habang si Sage, naiwan sa maliit na mesang malapit sa pinto.

Tumango si Sage at umiwas ng tingin, nahihiya for sure.

"Bakit nila ginawa yan sayo?" Tanong ko ulit.

Unti-unting ibinalik ni Sage ang tingin sakin at ngumiti, "Kasi kaya nila."

Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng magkahalong inis at lungkot dahil sa sinabi niya. Parang kinurot ang puso ko na ewan, pamilyar sa akin ang pakiramdam na'to. Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Kasi binibigyan mo sila ng pagkakataong gawin yan sayo." Giit ko at hindi ko na napigilang mapasinghal, "Wala silang kapangyarihan pero dahil nagpapaapi ka, para mo narin silang binibigyan ng kapangyarihang saktan ka. Umayos ka nga, gwapo ka sana kaso shushunga-shunga ka." Tinaasan ko na lamang siya ng kilay.

Akala ko magagalit siya o di kaya'y mangangatwiran pero nagtaka ako nang mapansing nakatingin parin siya sakin at napakalapad na ng ngiti sa mukha niya. Eww.

"Don't smile at me like that. I hate cute stuff. Don't be so be so cutesy, you make me want to stab you with a lollipop." Sabi ko na lamang at kumuha ng lollipop mula sa bulsa ko.

Bahagya siyang tumawa at umiling-iling, "You're weird."

"I'm not weird. I'm a murderer." Mahina kong sambit.

"Ha?" Aniya habang hinihipan-hipan pa ang mainit na kape.

"Sabi ko umuwi ka na para magawa ko ng maayos ang trabaho ko. And please don't come back okay?" Sabi ko na lamang pero tumawa parin siya. Akala ba niya nagbibiro ako?

"Hindi ka ba natatakot? Mag-isa kang nagtatrabaho dito at night-shift pa?" Aniya kaya ako naman ang natawa. Sila ang dapat matakot sakin kasi iba ako sa mga normal na masasamang loob, hindi libog o pera ang habol ko, higit akong mas masama kesa sa kanila. Kung tutuusin higit akong mas nakakatakot kasi ako, mapagbalat-kayo. Inosente ako kung ituring ng lahat, wala silang kamalay-malay sa mga bayolenteng pangyayaring nasa isipan ko. Let's just say that I'm a wolf in a schoolgirl's clothing. People judge using their eyes—that's my upper hand.

"Don't believe in what you see Sage." Sabi ko na lamang saka ngumisi.

"Don't believe in what you see Maddy." Sabi niya at ngumisi pabalik kaya agad nakunot ang noo ko.

"What do you mean by that?" Tanong ko.

"Ikaw? Anong ibig sabihin ng sinabi mong 'yon?" Tanong niya pabalik kaya napairap na lamang ako. Isa rin 'tong mahirap espelingin si Sage. Siguro nasobrahan 'to ng bugbog.

But wait.... what if Sage is just like me? A murderer gone incognito?

Sage doesn't look weak. Hindi siya nerdy at mas lalong hindi siya mukhang matalino. Matangkad siya, he could even pass as a basketball player. He's actually a pretty boy material, one that you wouldn't suspect as a murderer.

Sage Benedicto what kind of person are you?

May mali ba talaga sa'yo o praning lang ako?

"Ba't ganyan ka kung makatingin?" Nakangisi niyang sambit na para bang nanunukso.

"Umuwi ka na kasi." Pag-iiba ko na lamang ng usapan.

"May curfew dito. Mga ganitong oras, lagot ang mga kabataang makikita sa daan." Sabi niya matapos inumin ang kapeng ibinigay ko sa kanya.

"So dito ka tatambay hanggang sa matapos ang curfew? Saklap naman." Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Iisipin ko nalang na nagbibiro ka." Natatawa niyang sambit.

Kung iisipin mapapakinabangan ko rin Sage. Masama man siya o hindi, mas mapapadali saking mag-balatkayo bilang isang inosenteng estudyante kung may kasa-kasama akong underdog na madalas-binubully. If I hang out with the 'innocent' crowd, I will look more innocent than I ever was. Perfect.

"Gusto mong sumabay sa aming mag-lunch bukas?" Yaya niya kaya naman ngumiti ako at tumango. Perfect, everything's going according to plan.

Kung ano-ano ang pinag-usapan namin ni Sage hanggang sa tuluyang mag-umaga at dumating si Boss Dan kasama ang papalit sakin para sa morning shift.

Hindi na ako nag-abala pang magpaalam, dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at naglakad paalis kaso napansin kong sinusundan pala ako ni Sage.

"Saan ka nakatira?" Tanong niya.

"Sa bahay ko." Nakangiti kong sagot.

"Ganun ba? Akala ko pa naman sa puso ko." Biro niya kaya agad akong napangiwi. Tipong diring-diri.

"Nice choice of words. Disgusting though." Sarcastic kong sambit at nag-thumbs up na lamang sa kanya.

"Teka 6am na at 8:30 ang simula ng klase mo? Paano ka makakatulog niyan?" Tanong niya na para bang nag-aalala kaya natawa na lamang ako.

"Sleep is for the weak. I live to seize the day." Pagmamalaki ko.

"Baka magkasakit ka niyan." Aniya na para bang nag-aalala.

It's not that I don't want to sleep, It's just that I hate what I see in my sleep. The nightmares I have are killing me and I'd rather die out of sleep deprivation. Also, it's not like I don't sleep, I actually do, few hours nga lang. Sa tuwing nakikita ko siya sa panaginip ko, alam kong kailangan ko nang gumising.

***

Mag-isa lamang akong nakatira sa apartment na kinuha ni Uncle Bob para sakin. Nakakalungkot mag-isa pero kung tutuusin, wala rin namang tatanggap sakin dahil sa pinaggagawa ko kaya wala akong karapatang magreklamo. Ito ang buhay na pinili ko at parte na talaga nito ang pagiging mag-isa. Sana talaga bumalik na si Mama para naman may kasa-kasama ako kahit papaano.

Aalis na sana ako para magpa-torture sa isang impyernong itago nalang nating sa pangalang school pero bigla na lamang dumating si Uncle na maraming dalang supot at kahon, groceries siguro.

"Kumain ka na?" Tanong niya kaya tumango ako. Cup noodles lang solve na ako.

"Hija may dala akong mga damit at gamit, makakatulong 'to sa pag-tatago mo." Aniya kaya binuksan ko agad ang kahon na ibinigay niya sakin.

"You have got to be kidding me." Napangiwi na lamang ako nang makita ko ang mga laman nito—Pink. Pink clothes. Pink accessories. Pink bag. Pink lip stick. Pink everything. Mukhang may nasuka ng color pink. Bwisit.

"Tanggalin mo yang itim na nail polish at mga kung anik-anik mo. Baguhin mo ang sarili mo para wag ka nilang mahanap." Aniya pa kaya napangiwi na lamang ako.

"Pink you." Napairap na lamang ako.

"Insulto ba 'yon?" Natatawa niyang sambit.

This pink shit is frustrating. I hate cute stuff. Yes I'm cute but come on, this isn't me. This is gross. This is very disgusting and this could throw me into a killing spree mood. It's bad enough that I have to act so innocent tapos ngayon paabutin pa sa next level?!

"Uncle Bob sabihin mo nga sakin, sino ba talaga tong dahilan ng pag-tatago namin ni Mama? Ba't ba ako iniwan ni Mama dito kasama mo? Quit treating me like a kid, I'm already 18. I deserve to know who's hunting us." Giit ko pero umiling-iling lamang siya't naglakad papunta sa pinto.

"Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako." Aniya bago tuluyang umalis kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

***

Pink bag. Pink earrings. Pink wrist-watch. Pink lips. Pink socks. And the worst part? I have this annoying pink ribbon on top of the headband that I'm wearing. Ugh, I want to go on a killing spree, right here, right now.

Sa pagpasok ko pa lang ng cafeteria, pakiramdam ko nakatingin sakin ang lahat kaya naman pasimple na lamang akong kumuha ng tray at pumila para umorder ng pagkain. Nakakailang pero hindi ako dapat magpahalata. I need to be a good girl in everyone's eyes and when the right time comes... I can finally begin terrorizing this little town and they'll have no idea that the good girl is the devil all along.

Pinagmasdan ko ang mga pagkaing nasa harapan namin, sayang hindi natuloy yung balak ko sa holdaper. Masaya sigurong makita ang mga estudyanteng walang kamalay-malay na nagiging cannibal na pala sila dahil sa kinakain sila. Masaya sigurong habang kumakain ang lahat ay bigla kong iaanunsyo sa kanilang tao ang kinakain nila... Ano kayang magiging reaksyon nila? Ang saya sana nun for sure. Leche ka talaga Uncle Bob.

Naramdaman kong may tumutulak sakin at nang mapatingin ako sa gilid ko ay napangiwi na lamang ako nang mapagtantong katabi ko na pala ang nakangising si Sage at pinagt-tripan pala ako nito. Gaya ng ibang mga estudyante, nakaharap siya sa hilera ng mga pagkain pero alam kong sakin siya nakangisi.

"I thought you were a serious type of person. Adik ka pala." I said as I flashed my signature innocent smile.

"Akala ko rin gothic ka, medyo kikay ka pala." Natatawa niyang sambit kaya agad na nawala ang ngiti sa mukha ko. Bwisit.

"Pink you." Sabi ko na lamang.

"Is that your way of saying the f-word?" He asked with a smirk on his face while still facing his front.

No Sage. That's called acting. And I'm acting so that when the time comes that I'll finally get to kill you, no one will find out that I was the one who slit your throat.

"Nga pala kararating mo lang ba dito sa school? Absent ka kasi sa morning classes kanina." Sabi pa niya pero hindi na ako kumibo. Hindi ko siya nilingon, nanatili akong nakaharap sa mga pagkain at nagpatuloy na lamang sa pagpili ng kakainin. Di nagtagal, naramdaman ko ulit ang paulit-ulit na pagbangga ng balikat ni Sage sakin. Tinutulak-tulak na naman niya pala ako.

"Lakasan kasi dapat!" Nagulat ako nang bigla na lamang sumigaw ang isang lalake sa kabilang gilid ko. He's a chubby dude with very chubby cheeks. He looks like a teddy bear. Come to think of it, he really really looks like a Teddy bear.

"Toshino 'wag!" Narinig kong may babaeng sumigaw.

Nanatili akong nakatingin sa katabi kong mukhang Teddy Bear at nagulat ako nang bigla na lamang niya akong binangga patungo sa direksyon ni Sage sa pamamagitan ng napakalaki niyang balikat. Sobrang bigat niya kaya nawalan ako ng balanse sa sarili ko, alam kong madadapa na ako kaya napahawak agad ako sa matambok niyang braso kaso dahil sa ginawa ko, nawalan rin siya ng balanse sa sarili niya. Napatili na lamang ako't napapikit nang mapagtanto kong babagsak na ako sa direksyon nila Sage and the worst part, madadagan ako ng teddy bear na nagkatawang tao.

Nagising akong napakasakit ng ulo at buong katawan ko. Hindi ko halos maigalaw ang balikat ko sa sobrang sakit. Hindi ko alam kung nasaan ako pero parang pamilyar ito.

"Maddy ayos ka lang?" Tanong sakin ni Sage at agad akong inalalayang umupo sa kamang kinahihigaan ko. May benda si Sage sa noo niya at mukhang dahil din ito sa nangyari kanina.

"Ang sakit ng ulo ko. Bwisit na teddy bear." Napangiwi na lamang ako't napayakap sa tuhod ko.

"Actually Maddy, that's because you're deprived of sleep and nutritious food. Kung proper ang sleeping habit at food intake mo edi sana hindi masyadong malala ang epekto sayo ng baby fats ni Toto." Biglang sambit ng isang babaeng katabi ni Sage. Maikli ang buhok niya, may makapal na glasses, mukhang nerdy. Yung left lens niya, basag.

"And you are?" Sarcastic kong sambit.

"I became a bowling pin today just like you. But I'm more of a collateral damage" Natatawa niyang sambit sabay turo sa glasses niyang basag.

"Hala ka! Kasalanan mo talaga 'to Tosino!" Biglang sigaw ng isang maliit na lalaking medyo chinito. Sa sobrang lapad ng ngiti niya, nawawala tuloy ang mata niya. Katabi niya pala si Teddy Bear na may kasalanan ng lahat.

"Putangina Aiden! Ang tagal na nating magkasama pero kinakapos ka parin ng letra! Toshino hindi Tosino!" Giit ni Teddy bear or whatever his name is.

Napatingin sakin ang natatawang si Sage, "Pagpasensyahan mo na, ganyan lang talaga sila. Si Candy nga pala." Sabi ni Sage at tinuro sakin ang babaeng naka-glasses na agad namang kumaway at ngumiti sakin, "Yang kinapos ng height, yan si Aiden tapos yang—" Napakamot si Sage sa ulo niya nang bigla na lamang mag-pogi pose yung hinayupak na teddy bear, "Yang mukhang salaginto, yan si Toshino." Dagdag pa ni Sage.

"Toto for short. Double T, Double O. If you know what I mean." Taas-noo nitong sambit at kinindatan pa ako. Wait may double meaning ba 'yon?!

Nagulat ako nang bigla na lamang binatukan ni Sage ng pagkalakas-lakas si Toshino. I'm into violence pero hindi ko parin maiwasang magulat kasi napakalakas talaga ng tunog na gawa ng pagtama ng kamay ni Sage sa balat nito.

"Ang batok ko!" Iyak ni Toshino.

"'Tol, wala ka ngang leeg, batok pa kaya?" Nakabungisngis na sambit naman nung Aiden kaya siya naman ang binatukan ni Toto. Para silang David and Goliath, ang kamay ni Toto ay halos kasing laki lang ng mukha ni Aiden. Dahil sa malaking kaibahan nila, halos sumubsob si Aiden sa sahig.

"Kapapasok lang po ng balita; Isang nagkalasog-lasog na katawan ng lalake ang natagpuan malapit sa parke ng Eastridge City.

Otomatiko akong napatingin sa direksyon ng tv na nasa itaas na bahagi ng kwartong kinaroroonan ko dahil sa narinig.

"Hindi pa natutuklasan ang pagkakakilanlan ng lalake, nakasuot ito ng kulay itim na jacket at natagpuan sa loob ng bulsa nito ang isang patalim at sunglasses. Hinihinalang isang summary execution ang nangyari pero sa ngayon ay patuloy ang pag-iimbestiga ng pulisya."

Bigla na lamang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko kaya agad akong napatingin kay Candy.

"Candy right? Where's the comfort room?" Tanong ko sabay ngiti.

Matapos kong mai-lock ang comfort room ay dali-dali akong pumasok sa isa sa mga cubicle at sinagot ang tawag ni Uncle Bob.

"Maddieson nakita mo ba ang balita—"

"What the hell uncle?! Akala ko ba ikukulong mo? Adik ka rin eh no?! Hinayaan mo nalang sana akong dispatsahin siya! Hipokrito ka!" Bulalas ko agad sa kanya dahil sa sobrang galit ko.

"Ang lakas ng loob mong baliktarin ang sitwasyon Maddieson! Akala ko ba may usapan tayo?!" Bulyaw niya sakin kaya bahagya kong inilayo ang cellphone mula sa tenga ko. Wow naman, siya pa ang may ganang magalit?!

"Maddieson ang bangkay niya, nagkalasog-lasog ayon mismo sa ginuhit mo sa katawan niya! 'Wag ka ng magsisinungaling dahil nakaukit sa balat niya ang isang maliit na puso! Ikaw lang ang gumagawa nun Maddieson! Signature mo 'yon!" Giit niya dahilan para agad na magsitayuan ang balahibo ko.

"Uncle makinig ka, hindi ako ang gumawa niyan." Giit ko.


END OF CHAPTER 3.

Note: Sa readers ng Ripper Series, Yes guys si Toto ang older brother ni Jojo and Nope, walang appearance si Jojo and the gang dito. Hahaha. Ang nangyayari ngayon ay after sa events of never cry murder and wala itong connection sa plot besides Toto Tirador's totoness. Hahaha. No Tatang and friends etc. Toto only. Hahaha. Also, hindi Crimson Lake ang setting nito kundi Eastridge :)

Sa mga hindi familiar sa Ripper Series, No worries hindi connected 'tong plot ng SIHC sa Ripper Series. You don't have to read it. But if you want, feel free though. You can start with the girl who cried murder :) hahaha

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro