Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22: The Red Light

22.

The Red Light

Third Person's POV


Tensyonado't nanginginig na ang mga kamay, nanatiling mahigpit ang hawak ni Skylark sa baril. Napalingon siya sa direksyon ni Maddieson at nakita niyang nagtatakbo na ito palayo. Muling ibinalik ni Skylark ang paningin sa dalawang lalake sa loob ng van.


"Anong ibig sabihin nito?! Anong ginagawa niyo?!" Giit ni Skylark habang nakatutok parin ang hawak na baril sa dalawa.


Nagkatinginan ang dalawang lalake na animo'y nagpapalitan ng salita sa pamamagitan ng tingin. At kung pagbabasehan sa mga kilos nila ay halatang labis silang nadidismaya at namo-mroblema.


"Alam na niya... Nalintikan na..." Mahinang sambit ng isa sa mga pulis at dali-daling kinuha ang cellphone na nasa loob ng bulsa niya.


Kinuha naman ng isa sa mga lalake ang tsapa mula sa bulsa niya patunay na isa nga siyang pulis, "Kabilang kami sa Task Force Croaker. Wala kang security clearance kaya hindi namin pwedeng sabihin sayo ang lahat. Mas makabubuting bumalik ka muna sa estasyon at hayaan mo kaming gawin ang trabaho namin! Lintik, ba't ka pa kasi nakialam?!"


Agad na ibinaba ni Skylark ang hawak na baril nang mapatunayang mga pulis nga ang mga ito. Wala siyang magawa kundi masapo na lamang ang noo dahil sa kalituhan.


"Ako si Detective Skylark Montoya! Kabilang rin ako sa kapulisang kinabibilangan niyo kaya sabihin niyo sakin kung anong ginagawa niyo kay Maddieson Paredes! Pucha! Anong Task Force Croaker?! Hindi ba't patay na ang Croaker na 'yon?!"


"Sinira mo lang ang lahat ng mga pinaghirapan namin kaya bumalik ka na sa estasyon! Tapos na ang parte mo sa kasong 'to!" Giit ng isa sa mga pulis at walang ano-ano'y bigla na lamang sinara ang pinto ng van dahilan para mapaatras si Skylark lalo na nang bigla na lamang humarurot paalis ang van.


Sa isang iglap ay natagpuan ni Skylark ang sarili na mag-isang nakatayo sa gitna ng daan, litong-lito at balisa.


Dahil hindi na niya alam anong gagawin, dali-dali niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan ang taong labis na pinagkakatiwalaan.


"Oh napatawag ka?" Tanong ni Detective Chen, ang taong nagsilbing guro at gabay ni Skylark.


"Master hindi ko na alam anong nangyayari! Putangina akala ko kaya ko, akala ko alam ko na ang lahat, akala ko malulutas ko ang lahat! Pero putangina litong-lito na ako! Nakikipagtulungan ako sa isang babaeng siraulo, alam kong mali ang magtiwala sa kanya pero sinunod ko ang instincts ko-"

"Skylark huminga ka muna ng malalim. Kailangan mong panatilihing kalma ang isipan mo sa mga sitwasyong kagaya nito. Si Maddieson, maari ngang mali ang desisyon mong pagkatiwalaan siya pero hindi-"

"Teka sandali..." Giit ng nalilitong si Skylark at hindi na pinatapos pa si Detective Chen sa pagsasalita.



"Bakit?" Tanong ng detective sa kabilang linya.


"Paaano mo nalaman ang pangalan niya? Ni minsan hindi ko binanggit sayo si Maddy." Nagulat si Skylark sa napagtanto.


"Nyeta." Mahinang tugon nito nang mapagtanto ang pagkakamali at walang ano-ano'y bigla na lamang binabaan ng telepono si Skylark.


"Anong nangyayari?! Sabihin mo sakin! Lintik binabaan mo na naman akong leche ka!" Bulyaw na lamang ni Skylark.


Dahil litong-lito na, bumalik na lamang si Skylark sa loob ng kanyang sasakyan. Napatingin siya ibabaw ng kanyang rearview-mirror at nakita niya ang isang ballpen na nakasabit rito. Hindi niya matandaang nagmamay-ari siya ng isang ballpen gaya nito kaya naman agad niyang napagtanto kung ano ito.


"Ang lakas ng loob niyong maglagay ng spy camera dito sa loob ng kotse ko! Humanda kayong lahat sakin at lulutasin ko ang kasong 'to kahit pa andami niyong sikreto at kasinungalingan sakin! Makikita niyong lahat ang galing ni Skylark Montoya!" Nanggagalaiting bulyaw ng gigil na gigil nang si Skylark sa ballpen na isa palang spy camera.


Itinapon ni Skylark sa labas ng sasakyan ang ballpen na isa palang spy camera at dali-daling nagmaneho patungo sa kanyang tinitirhan.


Nang tuluyang makarating sa kanyang kwarto ay agad na tumambad kay Skylark ang kanyang white board na tadtad ng mga litrato at newspaper clippings. Nakasulat din dito ang lahat ng mga nakalap niyang impormasyon na nakuha mula kay Maddy at sa mga taong maaring salarin.


"Mali 'to.. Mali ang lahat ng 'to... Mali ang anggulong iniimbestigahan ko." Mahinang sambit ng apuradong si Skylark at dali-daling binura ang lahat ng mga nakasulat sa whiteboard at tinanggal ang lahat ng mga newspaper clippings na nakalagay dito.


Nang wala nang matirang kahit na ano sa whiteboard ay agad na kinuha ni Skylark ang kulay pulang marker at nagsimulang magsulat rito.


MADDIESON PAREDES???

Isinulat ito ni Skylark ng napakalaki at agad na binilugan.


"Maddieson Paredes..." Paulit-ulit na sambit ng aligagang si Skylark habang dali-daling pinapaandar ang mga computer sa loob ng napakagulo niyang kwarto. Espesyal sa binata ang mga computer na ito dahil ito ay naglalaman ng mga database na siya mismo ang dumesenyo.


***


Hingal na hingal at tagaktak na ang pawis ni Maddieson sa kakatakbo ngunit hindi siya humihinto sa takot na mahuli siya ng mga pulis. Maya't maya siyang napatingala at nakikita niya ang mga CCTV sa bawat poste at establishmento dahilan para lalong mas tumindi ang takot na nararamdaman niya.


Sa isang iglap ay biglang narinig ni Maddieson ang pagtunog ng cellphone niya kaya naman dali-dali niya itong kinuha mula sa bulsa niya at sinagot.


"Maddieson, pakinggan mo ang bawat sasabihin ko."


Nahinto si Maddieson sa pagtakbo nang mapagtanto kung kaninong boses ang naririnig mula sa kabilang linya.


Naikuyom ni Maddieson ang kanyang kamao at agad na bumakas ang labis na pagkamuhi sa mukha niya, "Toshino Tirador hangga't sa may hininga ako, wala akong ibang gugustuhin kundi wakasan ang walang kwentang buhay mo at ng mga taong mga mahal mo. Bago ikaw, iisa-isahin ko muna sila at papanoorin kitang maghirap. Sisiguraduhin kong ikaw mismo-"


"Oo na! Galit ka sakin! Maghihiganti ka! Pero hindi mo 'yun magagawa kung mahuhuli ka ng mga pulis! Makinig ka nga muna! 'Wag na 'wag kang magpapahuli sa mga pulis, naiintindihan mo ba?!" Natatarantang giit ni Toshino kaya naman agad na nakunot ang noo ni Maddieson.


"No duh." Sarkastikong sambit ni Maddieson .


"Asan ka?!" Muli, natatarantang tanong ni Toshino.


"Why do you fucking care?" Tugon ni Maddieson.


"Tigil-tigilan mo nga ang pagtataray mo! Ayaw mo naman sigurong makulong diba?! Nasaan ka?!" Muling giit ni Toshino. Sa sobrang lakas ng pagsigaw niya'y bahagyang inilayo ni Maddieson ang cellphone mula sa tenga.


"I don't know!" Napasigaw na lamang si Maddieson.


"Just look around! Anong nakikita mo?! I-describe mo bilis!" Muling giit ni Toshino kaya walang ibang magawa si Maddy kundi tingnan ang kanyang paligid.


"S-some sort of coffee shops!" Naguguluhang sambit ni Maddy habang isa-isang tinitingnan ang mga nakapaligid sa kanya.


"You need to be specific! Any landmark! Anything iconic!" Giit pa ni Toshino.


"L-lechunan!" Giit ni Maddy nang makita ito mula sa malayo.


"Ano ba yan Maddy?! Tinutulungan ka na nga, nanlalait ka pa!" Inis na sambit ni Toshino kaya agad na napapadyak si Maddy dahil sa inis.


"Eh sa lechunan nga ang nakikita ko mula sa malayo! Hindi ko kasalanan kung natamaan yang bilbil mo!"


MADDY'S POV


"Natatandaan ko na kung nasaan yan! Papunta na ako diyan! May isang eskenita sa likod lang ng lechunan, magkita tayo dun! Maddy makinig ka, nagkalat ang mga cctv sa paligid, 'wag kang gagawa ng kahit na anong makakakuha ng atensyon ng iba. Hangga't sa maari baguhin mo ang suot mo o kahit ang buhok mo. 'Wag kang tatakbo kasi mapapansin ka lang nila lalo. Just act normal but walk fast! Whatever you do, don't let anyone catch you!" And with that I heard tires screeching on the other line as if nagmamaneho si Toshino ng napakabilis at biglang lumiko. The fuck, why would he call someone while driving?! Hindi niya baa lam na delikado yan?!


Bigla akong binabaan ni Toshino kaya wala akong magawa kundi sundin ang mga sinabi niya. Hindi ako tumakbo, mas binilisan ko lang ang paglalakad habang deretso ang tingin sa daan. Sinunod ko ang sinabi ni Toshino, dali-dali kong tinanggal ang pink headband ko at itapon ito sa basurahan kasama narin ng pink jacket na suot ko kaya naiwan akong nakasuot lang ng manipis na white shirt at jeans.


Bigla kong naulinigan ang sirena ng pulis. Malabo pa ito pero parang papalakas ng papalakas palatandaang ano mang oras ay madadaanan na nila ako. Kinakabahan man, dali-dali kong nilibot ang paningin ko. Nakita ko ang hilera ng mga mesang nasa labas ng isang coffee shop, may isang babaeng nakaupo sa mga ito. Babaeng may mahaba at kulay pulang buhok. Hindi siya nag-iisa kasi may kasama siyang isang batang nakaupo sa high chair at kasalukuyan niya itong pinapakain.


Narinig ko ang lalong paglakas ng sirena ng pulis, hindi na ako nag-atubili pa at hinila ko na ang isang upuan at tumabi sa babaeng may pulang buhok. Kinapalan ko na ang mukha ko't walang paligoy-ligoy akong yumakap sa braso niya't isinandal ang baba ko sa balikat niya.


"Omg! She's so cute talaga. Ipasuot mo naman sa kanya yung bigay kong unicorn onesie." Sabi ko sabay tingin sa batang may tumutulo pang ketchup mula sa gilid ng labi niya. Hawak niya ang isang maliit na Pizza at pilit niya itong nginangatngat.


Unti-unting lumingon sakin ang babaeng may pulang buhok. Dahil nakasandal ang mukha ko sa balikat niya ay napakalapit ng mukha namin sa isa't-isa.


"Bruh, are you high?" Nakangiwi niyang sambit. Kahit nakangiwi, pretty parin siya.


Narinig ko ang pagdaan ng sirena ng pulis sa mismong gilid namin. It worked! Dinaanan lang nila ako at hindi nila napansin! Heck Yeah!


"Nope, but I think you are for feeding that little girl with Pizza." Sabi ko na lamang at dali-daling bumitaw mula sa kanya.


"This little gremlin loves Pizza! Don't you dare question the power of pepperoni madness! Am I right twinke-toots?" Giit niya sabay turo sa batang babaeng todo-effort sa pagngatngat ng maliit na Pizza. Ang cute ng bata, kahit mukhang nahihirapan siya sa ginagawa, mukhang napakasaya naman niya.


"Chuper Picha Power!" Biglang sigaw ng batang babae at biglang pumalakpak habang humahagikgik. I didn't really understand what she said, nakatuon lang ang pansin ko sa pagkaing nagtatalsikan palabas ng bibig niya. And napakabulol at napakabilis niyang magsalita for that matter.


"Subtitle mode, she said Super Pizza Power. Twinkle's only two but she yaps like there's no tomorrow. We're so alike and I so love her. This little gremlin is so ugly and osum and I so love her!" Gigil na sambit ng babaeng may pulang buhok na parang proud na proud pa sa bata kaya hindi ko na napigilan pang mapangiwi.... Weirdo.


Bigla kong napansin ang plastic folder ng babae na nakapatong lamang sa mesa at nakita ko ang isang gunting sa loob nito kaya naman dali-dali ko itong kinuha.


"Hey! Didn't your mother ever tell you not to borrow anything without-" Hindi na natapos pa ng babae ang sinasabi niya dahil natameme na lamang siya sa gulat nang bigla kong ginupit ang sarili kong buhok. Mula sa hanggang dibdib na buhok ay naging hanggang leeg na lamang ito.


"Napantay ba?" Tanong ko na lamang matapos kong gupitin ang nasa kabilang banda.


"Y-you are nuttier than the nuttiest of the nuts." Nauutal na sambit ng babae habang unti-unting kumukurba ang ngisi sa labi niya na para bang namamangha siya sakin.


"I'll just take that as a complement. And I'll take this scissor too... if you don't mind." Sabi ko pa at dali-daling isinilid sa bulsa ko. Bago pa man siya makapagsalita o umangal, pasimple ngunit dali-dali akong tumayo at tumakbo na animo'y nagja-jogging lamang.


Hindi ko na siya nilingon pa. Nagbingi-bingihan ako sa paligid. Nanatili akong nakatingin sa daang tinatahak ko. Pinipilit kong huminga ng malalim sa bawat galaw ng mga paa ko. Habang nagja-jogging kuno ay pasimple kong isinuot ang kulay berdeng hoodie na nakuha ko mula sa babaeng may pulang buhok. Madali ko itong nakuha dahil nakapatong lamang ito sa bakanteng upuan kanina.


Napalingon ako sa salamin ng isang establishmento at nakita ko ang sarili kong repleksyon-Maikli ang buhok, nakasuot ng kulay green na hoodie at mukhang nagja-jogging talaga. Kung tutuusin parang hindi ko na nga halos makilala ang sarili ko sa salamin.


Nang malapit na ako sa lugar ng pinag-usapan namin ni Toshino ay laking gulat ko nang bigla na lamang huminto sa harapan ko ang isang kulay asul na van.


Bigla na lamang bumukas ang pinto nito at laking gulat ko nang tumambad sa harapan ko si Toshino.


Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng kaba nang makita ko siya kaya naman ilang sandali rin akong nanatili sa kinatatayuan ko.


Nakikita ko ang galaw ng mga labi niya, sumisigaw siya... Sinisigawan niya ako, nagmamadali siyang papasukin ako sa van ngunit hindi ko magawang sumama sa kanya. Hindi ko magawang hawakan ang kamay niya upang mahila niya ako papasok sa van.


Muli kong narinig ang sirena ng pulis kaya naman agad akong napalingon sa bandang likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang patrol car na patungo sa direksyon ko.


"Maddieson! Maddieson pumasok ka na!"


Nagdadalawang isip man, muli akong napatingin sa kamay ni Toshino na pilit na umaambot sakin. Wala na akong mapagpipilian pa. Alam kong pagsisisihan ko ang desisyong 'to pero mas mabuti pang matapos na ang lahat nang 'to.


*****


"Sirang-sira na ang lahat, paano na'to?! Hindi na tayo makakaganti sa kanya?! Ganun nalang ba 'yon?!"


Nahihirapan man, sinubukan kong idilat ang mga mata ko. Nasusuka ako at napakabigat ng pakiramdam ko. Pinipilit kong dumilat ngunit sadyang napakabigat ng talukap ng mga mata ko. Wala akong ibang makita ngunit kadiliman... Walang hanggang kadiliman.


"Nababaliw ka na ba?! Hindi pa 'to ang tamang oras para diyan!"


"Kailangan na niyang mawala, tapusin na natin 'to."


Malabo man, may naririnig akong mga boses at kilala ko kung sino ito...


Isang malaking pagkakamali na sumakay ako sa Van ni Toshino. Isang malaking pagkakamali na sumama ako sa kanya dahil sa pagkaupo ko pa lamang sa loob ng van ay nakita ko na agad mula sa rearview mirror sina Aiden at Candy. Hindi na ako nakapalag pa nang bigla nilang isinuot sa ulo ko ang isang sako at may kung ano akong naramdamang kirot sa leeg ko.


"She'll be unconscious for a few more hours. May oras pa tayong ayusin at planuhin ang lahat ng 'to."


"We're already in the worst case scenario! Ano pang silbi ng mga putanginang plano natin?!"


"Says the girl who shoved a sack in Maddieson's head."


"Shut up you lawn gnome!"


"'Yan! Diyan kayo magaling! Mag-away! Sige pagpatuloy niyo yan!"


Napakaingay man nila, nagpasya akong 'wag munang gumalaw o gumawa ng kahit na anong ingay. Napakainit nang hanging nalalanghap ko, palibhasa nasa ulo ko pa ang sakong nilagay ni Candy sa ulo ko. Siguro mas mabuti narin 'to para mas lalo nilang hindi mahalata ang mumunti kong pagkurap-kurap. At mas lalong mabuti dahil hindi nila itinali ang mga kamay o paa ko. Naging masyado silang kampante sa pampatulog na itinurok nila sakin-Isang napakalaking pagkakamali. Pagsisisihan nila ang lahat ng 'to. At mas lalo nilang pagsisisihang idinamay nila si Kiana dito.


Makaraan ang ilang sandali ay narinig ko ang pagsara ng pinto. Naging tahimik ang paligid at pakiramdam ko'y nag-iisa na ako sa kinaroroonan ko.


Napasinghap ako nang tuluyan kong matanggal ang sako mula sa ulo ko. Nakakamiss rin palang makalanghap ng sariwang hangin.


Malabo parin ang paningin ko kaya naman paulit-ulit kong kinurapkurap ang mga mata ko hanggang sa mapagtanto kong nakahiga pala ako sa sahig. Walang kagamit-gamit sa kwartong 'to. Pamilyar ang bawat pader, gula-gulanit at bitak-bitak na ang pintura... Parang alam ko na kung saan nila ako dinala.


Nakakaramdam parin ako ng hilo at nahihirapan parin akong gumalaw pero sa kabila nito ay pinilit kong gumapang. Pilit kong itinitikom ang bibig ko upang 'wag maibulalas ang bawat daing dahil sa hirap na nararamdaman ko. Mahirap man, pilit kong inaabot ang doorknob.


"Come on Sissy, I know you can do it. Sige ka, makakalbo lalo si Pnoy." Bigla na lamang pumasok sa isipan ko ang nakangiting mukha ni Kiana na para bang pilit pinapalakas ang kalooban ko. Ngunit imbes lumakas ang loob, umagos lamang ang luha mula sa mga mata ko.


"I miss you... I miss you so much, please come back. Little blue weirdo please comeback." Napaiyak na lamang ako at nagpatuloy sa pag-abot ng doorknob.


"I'm sorry I'm freaky!" Biglang bumalik sa isipan ko ang mangiyak-ngiyak na pagsigaw ni Kiana nang una ko siyang makilala. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan..... Kung sana naipakita ko sayo pabalik ang kabutihang pinakita mo sakin... Sana man lang naipadama ko sa kanyang mahalaga siya sakin.


Nabigo ko si Mama...

Nangako akong hindi ako makikipagkaibigan sa kahit na sino...

Na wala akong pahahalagahan maliban lamang sa kanya.

Nabigo ko si Mama....

Naging mahalaga para sakin si Kiana...

I cared for her...

I care for Kiana... I still do...

And I can never forgive myself for what happened to her...


"It's all my fault... I got you killed..." Huminga ako ng malalim at sa abot ng makakaya ko'y muli kong sinubukang abutin ang doorknob at hindi na ako nabigo. Nagawa kong mahawakan ang doorknob kaya naman agad ko itong hinawakan ng mas mahigpit at ginamit nito bilang alalay sa pagtayo.


Hilong-hilo man, paulit-ulit akong huminga ng malalim habang dahan-dahang binubuksan ang pinto. Tahimik. Walang katao-tao kaya naman iika-ika akong lumabas habang sumasandal sa dingding upang 'wag matumba.


"You'll never be alone again little blue weirdo... I'm coming... And I will never stop apologizing to you and your sister." Paulit-ulit kong bulong habang pilit na naglalakad sa napakaruming pasilyo.


Tama nga ang hinala ko, dito nila ako dinala sa lumang Skating Rink. Good idea for torment and torture. I just won't give them the opportunity to do so.


"Maddieson?!"


Nagulat ako nang bigla kong maulinigan ang boses ni Toshino. Imbes na lumingon ay huminga na lamang ako ng malalim at mas binilisan pa ang paglalakad kahit pa pasuray-suray parin.


Nang makita ko ang hagdan ay dali-dali akong umakyat. Ngunit nang nakakailang hakbang na ako ay nagulat ako nang maramdaman kong may humigit sa likurang bahagi ng damit ko. Hindi masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sakin pero sa kabila nito ay nawalan parin ako ng balanse dahilan para mapaatras ako't kapwa kami malaglag ni Toshino pababa sa hagdan.


Sa isang iglap ay natagpuan ko ang sarili kong nakabagsak sa sahig. Napakasakit ng buong katawan ko lalo na ng likod at ulo ko.


"Aray.... Ang likod ko...." Narinig ko ang mga daing ni Toshino kaya naman agad akong napatingin sa direksyon niya.


"What the-" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mapansin ko ang isang puting bagay na tila ba lumalabas mula sa damit niya.


Dala ng pagkalito ay sinikap kong gumapang patungo sa direksyon niya at mas lalo akong nagulat nang mapagtanto ko kung ano ito-Isang unan.


"You.... You're not fat..." Napasinghap na lamang ako sa sobrang gulat at kalituhan.


Sa kabila nito ay nakita kong pilit paring ipinapasok ni Toshino ang unan sa loob ng polo na suot niya. Naririnig ko ang malalim niyang paghinga at alam kong namimilipit rin siya sa sakit gaya ko. Pero kahit namimilipit man siya sa sakit, pilit niya paring itinatago ang unan sa loob ng damit niya.


Parang nagdugtong-dugtong ang lahat ng mga tuldok sa isipan ko... Kung bakit nagawa ni Toshino na makaligtas sa pagsaksak ko sa kanya. Kung bakit hanggang ngayon, buhay parin siya.


"M-maddy..." Paulit-ulit na sumisinghap si Toshino. Nakikita ko ang dugong umaagos pababa ng noo niya habang sinusubukan niyang bumangon sa kabila ng pamimilipit sa labis na sakit.


Dali-dali kong hinugot mula sa bulsa ko ang malaki at matalim na gunting na nakuha ko mula sa babaeng may pulang buhok. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko dahil sa matinding galit kaya naman hinigpitan ko ang hawak sa gunting.


"What did she ever do to you?" Hindi ko na napigilan pang maiyak, "Bakit si Kiana pa?!" Tuluyan akong napasigaw at napahagulgol. Naninikip ang dibdib ko. Wala akong ibang gustong gawin kundi umiyak. Para akong nanghihina dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko sa kalooban ko.


"M-maddy..." Nakita ko ang unti-unting pag-agos ng luha mula sa mga mata ni Toshino habang sinusubukan niyang umiling.


"Your tears are full of lies... Do you really think that will save you?" Napalunok ako't kahit namimilipit sa sakit ay nagsimula akong gumapang patungo sa direksyon niya.


Itinaas ko ang gunting upang bumwelo ng saksak ngunit laking gulat ko nang bigla kong narinig ang naglalakasang sigaw mula sa likuran ko... Paparating na sila.


Bigla kong naramdaman ang kamay ni Toshino na humawak sa kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya... Sa mga mata niya.


"S-sa tingin mo ba ikakatuwa ni Kiana 'tong pinaggagawa mo?" Mahinang sambit ni Toshino kaya muli na namang rumagasa ang luha ko.


Huminga ako ng malalim at unti-unting ibinaba ang gunting na hawak ko. Tiniis ko na lamang ang sakit na nararamdaman ko. Sa kabila ng lahat umakyat ako sa hagdan kahit pa halos gumapang na ako paakyat.


Nang makaabot ako sa isang malaking pinto ay dali-dali ko itong binuksan. Agad na sumalubong sa akin ang napakalamig na simoy ng hanging dulot ng madilim na kalangitang puno ng bituin.


"Maddieson! Maddieson sandali!" Muli kong narinig ang boses ni Toshino mula sa likuran ko at mukhang hindi na siya nag-iisa kaya naman tutal nandito na ako sa rooftop, nagtatakbo na agad ako sa dulo nito. Bahagya akong napasinghap ako nang makita ko ang nakakalulang tanawin sa baba na para bang hinihigop ako.


Kung tatalon ako mula rito rooftop ay tiyak kamatayan na ang bagsak ko... At ito ang kailangan kong gawin... Ito ang kailangang mangyari sa gabing 'to.


"Maddieson bago mo gawin yang iniisip mo, pakinggan mo muna kami!" Biglang umalingawngaw ang napakalakas na boses ni Sage mula sa likuran ko kaya naman napatingala na lamang ako sa kalangitang tadtad ng mga bituwin.


Napahawak ako sa railings na sinasandalan ko at unti-unting napangiti. Sa kabila ng lahat, nakakaramdam parin ako ng mumunting tuwa habang pinagmamasdan ang tahimik na kalangitan at dinadama ang malamig na hanging tumatama sa akin.


"Momski look oh! Ang daming stars!"

"They're so pretty right?"

"Momski who owns the stars?"

"I don't know, but I have my own star right here."

"Ha?! Saan?!"

"You... You are my Polaris."

"What's a Polaris?"

"It's the star that leads me home."


"I want to go home Momski. I want to go home." Mahina kong sambit habang hinahayaan ang hangin na tangayin ang maikli kong buhok.


****

THIRD PERSON'S POV


"Maddieson listen to us! Hayaan mo kaming magpaliwanag!" Muling napasigaw si Sage kaya naman unti-unting napalingon ang luhaang si Maddieson sa direksyon nila.


Ngumiti ng tipid si Maddieson nang makita sina Sage, Aiden, Candy at ang duguang si Toshino na hindi halos makatayo at inaalalayan lamang ng mga kaibigan niya. Nakatayo lamang ang apat malapit sa pinto na animo'y nagdadalawang-isip na lumapit kay Maddieson na nasa dulo ng rooftop.


"You blame me for what happened to Shannon... I know..." Muling umagos ang luha mula sa mga mata ni Maddieson, "You are just avenging her death... but do you really have to kill Kiana?... Did you really have to kill Kiana?!" Bigla na lamang itong napasigaw at napahagulgol.


Dali-daling umiling-iling si Aiden at gumawa ng mumunting hakbang patungo sa direksyon ni Maddieson, "Hindi! Maddieson nagkakamali ka! Wala sa pla-" Hindi na natapos pa ni Aiden ang sinasabi nang biglang hinigit ni Candy ang braso niya.


"No! We can't tell her yet! It's too soon! Baka hindi niya kayanin!" Giit ni Candy na nagsisimula nang lumuha dahil sa labis na kaba.


"A-anong... A-anong ibig mong sabihin?" Agad na nakunot ang noo ni Maddieson sa narinig.


Nagkatinginan sina Aiden, Candy, Toshino at Sage. Lahat sila balisa at litong-lito. Lahat sila ay luhaan. Lahat sila, hindi alam anong gagawin o sasabihin.


"Sage..." Mahinang sambit ni Toshino kaya naman agad na napatingin si Sage sa kanya.


"'Wag... 'Wag muna. Hindi siya pwedeng mawala ulit." Umiling-iling si Sage na animo'y nagmamakaawa at kasabay nito ang unti-unting pagpatak ng luha mula sa mga mata niya.


"She's not ready... it will destroy her." Mahinang sambit ng luhaang si Candy na animo'y sinusubukang kumbinsihin sina Toshino at Aiden.


"Anong ibig niyong sabihin?!" Muling umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ng litong-lito at umiiyak paring si Maddieson.


"Tama na! Pwede ba tama na! Itigil na natin to! Lalo lang nagkakagulo ang lahat dahil sa pinaggagawa natin! Malalaman at malalaman rin niya kaya sabihin na natin sa kanya!" Biglang bulalas at pagwawala ni Toshino at kasabay nito ang pagtakas ng mumunting luha mula sa mga mata niya.


Agad na napatingin ang naguguluhan at mangiyak-ngiyak na si Maddy kay Sage, "S-sabihin ang ano?"


"We never wanted to hurt you..." Mahinang sambit naman ni Candy na tuluyan nang napahagulgol. Sinubukan niyang humakbang papalapit kay Maddy ngunit agad itong napaatras kaya lalong napaiyak si Candy.


"You never wanted to hurt me?!" Giit ni Maddy at agad na pinunasan ang luhang umagos mula sa mga mata niya, "Last time I checked, it was you guys who were ruining my life! Sending me polaroids! Making me save those dimwits' lives! And for fuck's sake! You killed Kiana! Of all people! Why would you hurt her?! She didn't harm anyone, she was just a baby!" Tuluyang bumagsak sa sahig ang umiiyak na si Maddy. Muling nangibabaw ang paghihinagpis niya nang maalala ang duguang si Kiana habang nakahiga sa bisig niya.


"You wanted to avenge Shannon right?! That's what you want right?! Ang makaganti sakin?!" Pagwawala ni Maddieson kaya naman agad na humakbang papalapit sa kanya ang luhaan at panay ang iling na si Sage.


"We just want Shannon back!" Giit ni Sage.


"But she's dead! She's dead because I didn't help her! She's dead because Mama killed her!" Pagwawala naman ni Maddieson na nanginginig at naninigas na ang mga kamay dahil sa labis na bugso ng damdamin.


"She's not dead..." Muling umiling-iling si Sage at tinitigan ng malalim ang mga mata ni Maddieson. "Shannon's not dead... you're not dead. We just want Shannon back, we just want you back." Pagdidiing muli ng luhaang si Sage.


"What are you talking about? Nababaliw na ba kayong lahat?" Naguguluhang sambit ni Maddieson na hindi na magawang tingnan pa sa mga mata si Sage.


"The croaker kidnapped you and did really bad things to you! She messed you up! You're not Maddieson Paredes! You're not a serial killer! You are Shannon Galvez! You are Our Shannon Galvez!" Pagdidiin ni Candy na animo'y nagmamakaawang paniwalaan siya ni Maddieson.


"Ang Mama Croaker mo at ang Mama na sinusunod mo ay iisa! Shannon alam naming andiyan ka pa! Shannon pilitin mong bumalik! Shannon pilitin mong alalahanin kami!" Pagsusumamo naman ni Aiden.


Isa-isang tiningnan ng naguguluhang si Maddieson ang apat. Panay ang pag-iling niya at bakas ang matinding kalituhan sa mukha niya.


"You're trying to destroy me... You're trying to mess me up." Mahinang sambit ni Maddieson habang patuloy ang pagragasa ng luha mula sa mga mata niya.


Napatingin si Maddieson sa luhaang si Toshino, "You're trying to destroy me."


"Shannon, Shannon alam kong andiyan ka pa! Shannon andiyan ka pa!" Giit na lamang ni Toshino.


Marahas na napasabunot si Maddy sa sarili at napaupo sa sahig. Pilit niyang tinatakpan ang tenga niya habang pilit siyang kinukumbinsi ng apat.


Dali-daling lumapit si Sage sa nanginginig at humahagulgol na si Maddy. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng dalaga kahit pa pilit itong lumalayo sa kanya.


"The croaker branded her victims with a little heart. It's her signature." Giit ni Sage habang mariing tinitingnan ang dalaga sa mga mata. Napatingin si Sage malapit sa sikmura ni Maddieson kaya naman agad niya itong sinundan ng tingin.


Naguguluhan man, napatingin si Maddy sa mga mata ni Sage.



"You're not the villain. You never were." Giit ni Sage kaya naman agad na napahawak si Maddieson sa sikmura niya. Naguguluhan man, unti-unti niyang iniangat ang hulihang bahagi ng damit at nakita mismo ng sarili niyang mga mata ang isang peklat sa maliit na bahagi ng gilid ng sikmura niya-Isang maliit na puso na animo'y gawa ng matinding pagkapaso.



END OF CHAPTER 22.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro