Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21: Eyes on you

21.

Eyes on you

THIRD PERSON'S POV




Dali-daling nilapitan ni Sage ang dalaga't naupo sa tabi nito. Hindi alam ni Sage anong gagawin kaya niyakap na lamang niya ito ng mahigpit.


Hindi nagsasalita si Maddy, iyak lamang siya ng iyak na animo'y wala na sa sarili. Mistulang naiintindihan ni Sage ang nararamdaman ni Maddy kaya imbes na magsalita ay hinayaan na lamang niyang umiyak si Maddy sa balikat niya.


"Bakit siya? Bakit siya pa?!" Pagwawala ni Maddy kaya mas hinigpitan ni Sage ang pagkakayakap sa kanya. Napapikit si Sage at hinayaan na lamang ang luha na tumulo mula sa mga mata niya.


****


Inihiga ni Sage ang walang malay na si Maddy sa kama nito. Nakita niya ang bahid ng dugo ni Kiana sa mga kamay ni Maddy kaya naman agad siyang kumuha ng bimpo at pinunasan ito.


"Everything will be okay... Everything will be okay..." Mahina at paulit-ulit na sambit ni Sage habang umaagos ang luha mula sa mga mata niya. Sinasabi niya ito na tila ba kinukumbinsi ang sarili at ang natutulog na si Maddy.


Biglang tumunog ang cellphone niya kaya naman dali-dali siyang lumabas mula sa kwarto ni Maddy at sinagot ang isang tawag.


"Inihatid ko na si Maddy sa apartment niya." Ngunguto-ngutong sambit ni Sage habang marahas na sinasapo ang noo niya, "She's never going to be okay." Dismayado niyang sambit.


"Paano siya nakatakas?!" Biglang napasigaw si Sage sa kausap.


"We can't let her get to her..." Giit ni Sage.


*****


MADDY


Sa pagdilat ko pa lamang ng mga mata ko ay hindi ko naiwasang magtaka... Sa unang pagkakataon, hindi ako nagkaroon ng masamang panaginip. Sa unang pagkakataon, nakatulog ako ng mahimbing.


Uupo na sana ako ngunit nagulat ako nang mapagtanto kong hindi pala ako nag-iisa. Nakahiga ako sa mismong balikat ng natutulog na si Sage at kapwa kami nakaharap sa isa't-isa na animo'y nagyayakapan pa.


Napatitig ako sa maamo niyang mukha habang natutulog. Sa kabila ng lahat, ng kasalanan ko sa kanya at sa mga kaibigan niya ay iba parin ang nararamdaman ko lalo na sa kanya.


Alam kong mali, alam kong dinadagdagan ko lang ang mga kasalanan ko sa pagiging malapit sa kanya kaya dahan-dahan na lamang akong lumayo mula sa kanya at naupo.


Napabuntong-hininga ako nang mapagtanto kong andito pala ako sa apartment. Hindi ko matandaan kung paano ako nakauwi rito. Ang huling naaalala ko lang ay nasa ospital ako kasama si...


"Kiana..." Napasinghap ako't napatingin sa damit ko. Parang muling pinagpupunit ang puso ko nang makita ko ang bahid ng dugo niya sa damit kong nagpapaalala sa mga nangyari kagabi.


Muli kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko't pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. Tatayo na sana ako ngunit bigla kong nakita ang pagliwanag ng cellphone ni Sage na nasa uluhan lang niya. Nakita ko ang pagdating ng isang mensahe.... At nakita ko rin ang wallpaper niya—ang litrato ni Shannon.


They will never forgive me...

I don't deserve forgiveness...

I ruined their lives...


****


Pinagtitinginan ako ng mga kasabay ko dito sa elevator. Hindi ko sila masisisi, sino nga ba naman ang hindi mapapatingin sa babaeng may bahid ng dugo ang damit at iyak pa ng iyak.


"Hija okay ka lang?" Tanong sakin ng isang babaeng nakatira rin dito sa apartment.


"I deserve every bit of pain, no worries." Sabi ko na lamang habang pinipilit ang sarili kong ngumiti.


Biglang tumunog ang elevator hudyat na nasa ground floor na ako. Sa pagbukas pa lamang ng pinto ay agad na akong lumabas. Sa totoo lang hindi ko alam saan ako pupunta at anong gagawin ko, ang gusto ko lang, makalayo mula kay Sage.


Lakad lang ako ng lakad sa sidewalk. Wala akong pakialam kahit pa pinagtitinginan na ako ng mga nakakasabay at nakakasalubong ko. Kung noon ginagantihan ko sila ng irap, ngayon wala na akong pakialam pa. Hinahayaan ko lang ang sarili kong lumuha hangga't sa gusto ko.


"Maddy!"


Biglang may sumigaw kaya naman tumigil ako sa paglalakad at napalingon.

Nagtaka ako nang biglang pumarada malapit sakin ang isang sasakyan at lumabas mula rito si Montoya. Maraming galos ang mukha niya't may black-eye pa siya. Ano kayang nangyari?


***


"Okay ka lang?" Tanong ni Montoya saka siya sumulyap sakin mula sa rearview mirror habang nagmamaneho.


"That is officially the dumbest question ever." Sarkastiko kong sambit habang pinupunasana ng luha ko.


"You're crying? I never thought I would actually see you cry." Mahina niyang sambit at itinuon ang atensyon sa daang tinatahak namin.


"Well you're seeing it now. Enjoy the moment." Muli sarkastiko kong tugon dahilan para samaan niya ako ng tingin.


"Look, nalaman ko ang tungkol sa nangyari kagabi—"


"Can we just not talk about it." Giit ko. "But there's something you need to know...."


"Ano?" Tanong niya.


Napabuntong-hininga ako at muling pinunasan ang luha ko, "Mama's here. I was supposed to meet her last night but... The point is, Toshino told Kiana about me and it won't be long until he tells the police. If he tells the police, Mama will kill—" Natigil ako sa pagsasalita nang mapansin kong hindi nakikinig si Montoya sakin. Nakatitig lamang siya sa side view mirror na animo'y may minamatyagan.


"Skylark Montoya are you even listening?!" Sigaw ko.


"Ang van sa likod natin..." Mahina niyang sambit kaya naman dali-dali akong napalingon at nakita ko ang isang kulay itim na van sa likuran namin.


"O tapos?" Sarkastiko kong tanong.


"Lagi kong nakikita ang van na 'yan na sumusunod sa tuwing kasama kita. Nakikita ko yan sa skwelahan at pati narin sa labas ng tinitirhan mo.... Hindi na'to nagkataon." Mahinang sambit ni Skylark at bigla na lamang inihinto ang sasakyan sa gitna ng daan dahilan para mapahinto rin ang van.


"Stay here." Giit ni Montoya at dali-daling lumabas ng sasakyan dala ang baril niya.


Imbes na sumunod ay dali-dali kong tinanggal ang seatbelt ko't lumabas ng sasakyan. Nakita kong tinutukan ni Montoya ng baril ang driver kaya wala itong nagawa kundi itaas ang kanyang mga kamay at lumabas mula sa sasakyan.


"I told you to stay in the car!" Bulyaw ni Montoya sakin pero imbes na makinig ay dali-dali kong binuksan ang pinto ng van at laking gulat ko nang tumambad sa harapan namin ang napakaraming mga monitor sa loob.


Hindi ito isang normal na van. Mistula itong isang opisina na may napakaraming mga monitor. May dalawang lalake sa loob na kapwa nakasuot ng mga headphones at higit sa lahat, kapwa sila nakasuot ng asul kulay asul na damit—uniporme ng isang pulis.


Gulat na gulat sila nang makita kami ni Montoya pero mas nagulat ako nang mapagtanto ko kung ano ang nasa mga monitor.


"What the fuck?!" Biglang napasigaw si Montoya.


"Is that my room?!" Napasinghap ako nang makita ko ang mismong loob ng kwarto ko sa isa sa mga monitor. Sigurado ako dahil nasa kama ko pa si Sage at natutulog.


Isa-isa kong tiningnan ang bawat monitor at hindi ako halos makapaniwala sa nakikita ko—Mga CCTV footage na kuha sa school, convenience store, apartment at kahit sa loob ng sasakyan ni Montoya.


"They're watching me..." Napahawak ako sa bibig ko, "They're watching me this whole time...."


"Anong nangyayari?!" Bulyaw ni Montoya sa dalawang pulis na nasa loob ng van habang nakatutok ang baril sa kanila. Hindi sila nagsasalita, nakataas lamang ang mga kamay nila. Kung tutuusin para pa nga silang takot na takot.


Sa isang iglap ay muling dumaloy ang matinding kaba sa sistema ko. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko't unti-unti akong napaatras.


"Run..." Mahinang sambit ni Montoya kaya naman agad na akong kumaripas ng takbo.


END OF CHAPTER 21

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro