Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20: Broken

Chapter theme is up there pals ^


20.

Broken

Maddy


Sa pagdilat ng mga mata ko ay agad kong nakita si Sage na nakaupo sa tabi ko. Tulog siya habang nakahalukipkip ang mga braso niya't nakayuko ang ulo. Hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti.


Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa kamay ko kaya naman dahan-dahan ko itong itinaas. May benda palang nakapulupot sa pulso ko. Kung pagbabasehan ang kisameng nakikita ko ngayon at ang kamang kinahihigaan ko, walang kaduda-duda, andito na naman ako sa ospital. Ano pa nga bang bago?


"Maddy?" Biglang sambit ni Sage na sa puntong ito'y gising na pala. Sinubukan kong umupo kaya naman agad niya akong inalalayan.


"What happened?" Tanong ko nang mapansin ang bahid ng dugo sa damit ni Sage at ang bendang nakapulupot sa kamao niya.


"You passed out after that idiot locked you inside that car." Aniya na para bang naiinis siya.


"Si Aiden!" Bulalas ko nang bigla kong maalala ang nangyari kanina, "Is he okay? Were the police able to save him?" Hindi ko na mapigilan pang kabahan.


Kumurba ang ngiti sa mukha ni Sage saka siya tumango-tango, "Nagawa siyang mailigtas ng mga pulis mula sa pagkakalunod. Muntikan man siyang magka-hypothermia, ang importante, ligtas siya't humihinga parin."


Para akong nabunutan ng tinik sa narinig at agad akong napabuntong-hininga. I can't help but to smile again. Aiden is saved and Kiana will be happy.


"Maddy anong nangyari sa'yo sa loob ng sasakyan?" Biglang tanong ni Sage kaya naman unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ko.


"H-hindi... Hindi ko alam." Sabi ko na lamang.


Oo, hindi ko naman talaga alam kung ano iyon. Yung babae at lalakeng tinawag kong Momski at Dadski, hindi ko alam kung sino sila o anong ginagawa ko kasama nila. At hindi ko rin alam kung bakit tinawag nila akong anak.


I don't know who they are but everything felt weird... everything felt so real... like I was there... like they all happened for real.


"Hindi mo alam o ayaw mo lang pag-usapan?" Nakangising sambit ni Sage kaya naman napabuntong-hininga na lamang ako't napatingin sa kawalan.


"While I was locked in the car, it was as if I saw something..." Bulalas ko.


"Multo?" Kunot-noong tanong ni Sage kaya naman agad ko siyang inirapan.


"No, more like some crazy hallucination. Ugh... I think I'm going nuts." Napabuntong-hininga na lamang ako.


Sa isang iglap ay bigla na lamang tumango-tango si Sage na animo'y may naalala, "Ah, teka... Kanina sigaw ka ng sigaw ng Momski at Dadski ba 'yon? Ayaw mong iwan ka nila. Sila ba ang mga nakita mo? Ang mga magulang mo?"


"That's the problem Sage, they weren't my parents but they sure as hell acted like one to me." Bulalas ko. Hindi ko alam kung ba't ko sinasabi ang lahat nang 'to lalo na kay Sage pero kung wala akong mapagsasabihan nito, pakiramdam ko parang sasabog na ang ulo ko.


"Ha? Pero hindi naman pwedeng mga magulang mo sila kasi diba may mama ka? Ano yun? Ampon ka?" Kunot-noong sambit ni Sage kaya napakamot na lamang ako sa ulo ko.


"Nga pala asan si Kiana?" Bulalas ko nang bigla ko siyang maalala.


"Andun, kasama ni Toshino. Parang may importante yata silang pag-uusapan." Sa sinabing iyon ni Sage ay biglang dumaloy sa sistema ko ang matinding takot at kaba. Ni hindi ko magawang magsalita.


"Maddy, pupuntuhan ko muna si Aiden sa kabilang kwarto. Babalik ako agad." Paalam ni Sage kaya tumango-tango ako ng walang pag-aalinlangan. Makaraan ang ilang sandali matapos tuluyang umalis si Sage ay dali-dali akong lumabas ng kwarto kahit pa may nararamdaman pa akong hilo.


Parang may kung anong nagsasagupa sa puso ko habang sinusuyod ko ang bawat pasilyo sa pag-asang mahahanap ko sina Toshino at Kiana. Habang tumatagal na hindi ko sila nakikita ay patindi nang patindi ang nararamdaman kong takot at kaba.


Sa isang iglap ay bigla kong narinig ang pagtunog ng cellphone na nasa loob ng bulsa ko. Dali-dali ko itong tiningnan at nagtaka ako kasi unknown number ito.


"Ano ba? Sino 'to?" Pabalang kong tanong.


"Ganyan ka na ba makipag-usap sa mama mo ngayon?" Bigla kong narinig ang napakapamilyar niyang boses mula sa kabilang linya. Ang dismayadong tono sa pananalita niya ay sapat para mapako ako sa kinatatayuan ko.


"S-sorry po... Ma sorry po." Bulalas ko dahil sa takot.


"Asan ka?" Tanong ni Mama. Di gaya nitong nakaraang araw ay di hamak na mas malakas ang boses niya. Parang masigla siya. Hindi kagaya noong huling beses na tumawag siya sakin na sa sobrang hina ng boses niya'y para bang may pinagtataguan siya.


"I'm at the hospital... Mama... Mama kukunin mo na ba ako?" Tanong ko habang pasimpleng nililibot ang paningin ko sa paligid.


"Anak andito ako sa terminal. Pumunta ka agad dito, ngayon din. Kukunin na kita. Magkakasama na ulit tayo." Masigla niyang sambit kaya imbes na makapagsalita ay napahawak na lamang ako lalo ng mahigpit sa cellphone. Mula nang mapunta ako dito sa Eastridge ay wala akong ibang hinangad kundi balikan ni Mama at umalis ng kasama siya kaso ngayong may pagkakataon na, ba't hindi ako masaya?


"Maddieson?" Tanong ni Mama.


"P-papunta na po." Sabi ko na lamang.


Why am I scared? Mama's here... That's right, Mama's here and I shouldn't be scared. So what kung isusumbong ako ni Toshino? So what kung malalaman ni Kiana na masama akong tao? I shouldn't be affected. I shouldn't care..... Mama's the one I should be scared of. Screw Toshino, screw Kiana, Screw Sage, Screw Montoya, Screw them all! I'm out of this place once and for all.


***


Sa paglabas ko mula sa pinto ng ospital ay natagpuan ko ang sarili ko sa parking lot. Napakalamig at 


2:32 AM. Kaya pala halos walang katao-tao dito sa parking lot at wala halos akong nakakasalubong kanina sa loob.


"Where are you going?"


Muli kong nakaramdam ng kaba ng marinig ko ang boses ni Kiana mula sa likuran ko. Kinakabahan man, hindi ko mapigilan ang sarili kong lingunin siya.


"Kiana..." Naikuyom ko ang kamao ko nang makita ko siyang umiiyak habang nakatingin sa direksyon ko. Umiiyak man, ang cute niya paring tingnan dahil sa color sky blue na jacket na suot niyang pumapaibabaw sa suot niyang blue dress. Ang lamig-lamig dito sa parking lot pero naka-unzip ang jacket niya, aning na bata.


Lumapit ako sa kanya at isinara ang jacket na suot niya, "May pupuntahan lang ako, bumalik ka na sa taas tutal andun si Aiden mo." Pabiro kong sambit.


Napakagat siya sa labi niya na animo'y nagpipigil na humagulgol saka umiling-iling. Sa kabila nito ay pinilit ko na lamang ang sarili kong ngumiti.


"You look like an outdated blue Christmas tree." Biro ko na lamang lalo na nang makita kong halos matanggal na ang mga hair clips na nakakabit sa buhok niya. Ngunit bago ko pa man maayos ang buhok niya'y bigla siyang umatras mula sakin dahilan para tuluyang mawala ang ngiti sa mukha ko.


"T-totoo ba ang sinabi ni Kuya Toshino?" Mangiyak-ngiyak niyang bulalas kaya hindi ko na nagawa pang tingnan siya sa mga mata. Naiyuko ko na lamang ang ulo ko't napatitig sa sahig.


"Ate..." Narinig ko siyang humagulgol, "Ate totoo ba ang sinabi ni Kuya Toshino? Na masama kang tao? Na sinubukan mo siyang patayin?"


"Kiana, just please go back inside." Pakiusap ko na lamang sa kanya.


"Look me in the eye and tell me you're not the devil he says you are!" Sigaw niya dahilan para mapapikit ako, "Prove me that you're not what I think you are!" Dagdag pa niya.


"W-what if I am what you think I am?" Tanong ko habang pilit na ikinukuyom ang mga kamay kong nagsisimula na namang manginig.


"Then go to where you belong." Malamig niyang sambit.


"Where?" Tanong ko.


"Hell." Bulalas niya dahilan para unti-unti kong maidilat ang mga mata ko.


"I'm already there." Giit ko.




"I need you to answer my question.... Did you had anything to do with my sister's death?" Mangiyak-ngiyak niyang sambit dahilan para mapatulala ako't hindi na makapagsalita.


"Did you had anything to do with my sister's death?!" Muli niyang sigaw.


Makaraan ang ilang sandali ay bigla siyang lumapit sakin at may inilabas mula sa bulsa niya—isang baril. Nanginginig pa ang mga kamay niya, patunay na ito ang unang beses niyang humawak ng baril.


"Gawin mo ang kailangan mong gawin para mawala ang sakit na nararamdaman mo." Paniniguro ko sa kanya at pinunasan ang luha sa pisngi niya. Nginitian ko siya at ako na mismo ang gumabay sa kamay niya upang maitutok niya ang nguso ng baril sa dibdib ko.


Imbes na kalabitin ang gatilyo ay nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at ibinigay sakin ang baril.


"You're a murderer right?" Napahikbi siya, "Then do what I can't do."


Agad akong umiling-iling nang mapagtanto ko ang gusto niyang mangyari.


"Kill me... you have to kill me to end my suffering... " Aniya.


"No, I will never do that..." Giit ko at muling umiling-iling.


"You have to do it! You have to kill me because I can't do it myself! Diba gusto mong mawala ang sakit na nararamdaman ko?! Then kill me! Pull the trigger!" Giit niya kaya iling ako ng iling.


"You can't do it?!" Bulyaw niya sakin, "Why?! Sissy why can't you do it?! Killer ka diba?!"


"I don't want to kill you!" Giit ko.


"Why?!" Bulyaw niya.


Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at tiningnan siya sa mga mata, "You can't die, you shouldn't die, you shouldn't get hurt. I don't want you to get hurt!"


"Why?! Answer me why!" Bulyaw niya sakin na animo'y may hinihintay na marinig mula sakin.


Makaraan ang ilang sandali ay bigla na lamang nakunot ang noo ni Kiana habang nakatingin sa dibdib ko.


"Wait.. What the hell?!" Naguguluhan niyang sambit kaya naman bahagya kong iniyuko ang ulo ko upang tingnan ang dibdib ko.


Isang kulay pulang tuldok ng liwanag. Nakatutok mismo ito sa dibdib ko. Tinangka kong sundan ng tingin ang pinanggagalingan nito ngunit sa isang iglap ay bigla kong naramdaman ang pagyakap ni Kiana sakin ng napakahigpit.


Sa isang iglap ay biglang umalingawngaw ang isang malakas at nakabibinging putok. Parang nanlambot ang buong katawan ko't napalitan ng matinding panlulumo ang kaninang takot at kabang nararamdaman ko.


"Kiana..." Sa di malamang dahilan, unti-unting tumulo ang luha mula sa mga mata ko.


Naramdaman ko ang unti-unting pagbitaw ng mga kamay ni Kiana sakin kaya naman bahagya akong kumalas mula sa pagkakayakap niya.


Parang pinunit ang puso ko nang makita ko ang munting ngiti sa mukha niya at kasabay nito ang pagtulo ng dugo mula sa bibig niya.


"Kiana!!!" Walang ibang lumalabas mula sa bibig ko kundi ang pangalan niya.


Nakaupo ako sa sahig habang nakahiga siya sa bisig ko. Walang tigil sa pagbuhos ang luha ko habang pinapanood ko siyang nahihirapang huminga at hinang-hina na. Gusto ko siyang hagkan at sabihin sa kanya kung gaano siya kahalaga para sakin ngunit pinapangunahan ako ng luha at takot ko.


"A-ate..." Naautal niyang sambit habang nakatitig sa mga mata ko.


"Tulong! Parang-awa niyo na tulungan niyo kami!" Sigaw ako ng sigaw sa abot ng makakaya ko.


"Y-you're crying..." Aniya sa pagitan ng bawat paghangos at pagsinghap niya. Sa kabila ng lahat, nagawa parin niyang ngumiti.


"Shut up you little shit!" Napasigaw ako at napahagulgol. Hindi ko alam ano ang gagawin ko. Nararamdaman ko ang dugong lumalabas mula sa likod niya't natatakot akong gumawa ng kahit na anong galaw.


"Maddy! Maddy!" Nakita ko si Sage na natatarantang nagtatatakbo patungo sa direksyon namin. Hindi siya nag-iisa dahil kasama niya sina Candy at Toshino, at pati narin ang mga nurse at guard.


Naramdaman ko ang kamay ni Kiana na humawak sakin kaya naman ibinalik ko ang tingin sa kanya.


"You can't die, you won't die, please don't die." Panay ang paghagulgol ko't paghikbi habang sinusubukan siyang hagkan, "I love you, don't you dare die on me you little shit!"


Hinagkan ko siya ng mahigpit na para bang isang batang hinihele. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ko't paulit-ulit kong hinahalikan ang noo niya.


"A-ate sorry..." Hirap na hirap mang huminga, nakita kong may sinusubukan siyang kunin mula sa bulsa niya.


"Don't say sorry! Never say sorry! Just live and live and don't die! Please don't die!" Para nang sasabog ang puso ko sa sobrang takot kaya naman napapasigaw na lamang ako sa sobrang sama ng loob.


"Baby stay with me... Stay with ate okay?" Paulit-ulit kong sambit sa pagitan ng mga hikbi ko.


"I.. I love you..." Aniya kaya lalo akong napahagulgol.


Naramdaman ko ang kamay ni Kiana na animo'y may iniaabot sa akin kaya naman hinawakan ko pabalik ang kamay niya. Napansin kong may inilagay siya sa palad ko kaya napatingin ako dito—Isang susi.


"A key?! What the hell am I going to—Kiana?" Labis na nanikip ang dibdib ko nang makita kong nakapikit na ang mga mata ni Kiana at nakalupaypay na ang mga kamay niya.


"Kiana!" Dali-dali kong tinapik ng paulit-ulit ang pisngi niya gamit ang palad kong panay ang panginginig. "Kiana-kins open your eyes!" Humagulgol ako ng humagulgol paulit-ulit na tinatapik ang pisngi niya.


Nagmakaawa ako.


Paulit-ulit.


Ngunit sa kabila ng lahat, hindi ko na nakita pang dumilat ang mga mata niya.



END OF CHAPTER 20.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro