Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: Maddy the Goody

2.

Maddy the goody

Maddy


"Ikaw anong ginagawa mo? 'Wag mo nga yang itutok sakin!" Bulyaw ko sa kanya. Bwisit, ang tanda-tanda na niya pero ang lakas paring mang-trip.


Ngumisi siya at binalik ang baril sa holster niya, "Pikon ka talagang bata ka."


"Adik ka talagang matanda ka." Napairap na lamang ako sa kanya at muling hinawakan ang mga paa nitong si Manong Holdaper.


"Maddieson, nakalimutan mo na ba ang pinag-usapan natin?" Inis niyang sambit kaya muli kong nabitawan ang mga paa ng holdaper.


"Anong pinag-usapan natin Uncle Bob?" Pagmamaang-maangan ko na lamang sabay ngiti at kamot sa ulo ko.

Napasigaw na lamang ako nang bigla niyang piningot ang tenga ko, "Sabi ko sayo palamigin mo muna ang sitwasyon bago ka gumawa ng kalokohan. Ba't may pinatay ka na naman?! Gusto mo ba talagang mapahamak?! Diba may usapan tayong wala kang papatayin dito sa Eastridge?!" Hindi ko alam kung ano ang mas masakit, ang pagpingot ni Uncle sa tenga ko o ang sermon niyang mala-machine gun niyang bunganga.

"Uncle chill! Buhay pa ang holdaper na'to, wala lang malay pero no worries, di ka naman mapapahamak. Malinis ako kung tumrabaho." Giit ko dahilan para bitawan niya ang tenga ko.

"May balak ka paring patayin siya?!" Sa sobrang galit ni uncle, lumalaki tuloy ang butas ng ilong niya.

"I am my mother's daughter uncle. Dapat alam mo na 'yan." Sabi ko at pabirong tinapik ang malaki niyang tiyan.

"At anong gagawin mo oras na mapatay mo siya? Itatapon mo lang sa isang tabi?" Sarkastiko niyang sambit kaya natawa na lamang ako.

"Of course not. Actually uncle may naiisip akong bagong signature, kung noon nagca-carve ako ng heart sa body part ng binibiktima ko, ngayon gusto ko iba naman-I was actually thinking of dismembering his body. Sobrang cliché na kasi dito sa pinas ang chop-chop lady eh, why not chop-chop manong? Ibebenta ko ang laman at internal organs niya sa pinakamalapit na barbecue shop or medical school tapos the rest ay susunugin ko para zero trace, ang maiiwan lang sakin ay ang mga mata niya bilang trophy-cool right?" Excited kong paliwanag pero nang tingnan ko si Uncle ay nakangiwi na siya, parang diring-diri and at the same time natatakot sakin.

"Uncle malaki-laki narin layers ng tiyan mo ah? Mukhang malaki ang kikitain ko pag ibebenta ko yan sa barbecue shop." Biro ko sabay tapik ng tiyan niya kaya naman dali-dali siyang humakbang paatras.

Whoa, is he really my mother's brother? Ang arte niya naman. Pulis na nga, maarte pa.

"Hija may kakilala akong magaling na psychiatrist. Unorthodox ang pamamaraan niya pero matutulungan ka niya." Sabi niya kaya natawa na lamang ako. Seriously, kung hindi ko lang 'to kadugo, kanina pa 'to naghihingalo.

Napabuntong-hininga na lamang ako, "For the nth time, I'm not crazy. I'm just embracing the madness of what I really am. Kung hindi mo parin tanggap kung anong klase akong tao, ba't pinapatago mo ako dito sa Eastridge kasama mo? Uncle you are the police superintendent in this damn city, maiintindihan ko naman kung natatakot-"

"Nangako ako sa Mama mo na ako ang bahala sayo habang wala siya. Tutuparin ko ang pangakong iyon kaya sana tuparin mo rin ang ipinangako mo." Walang emosyon niyang sambit kaya napaupo na lamang ako sa malaking sako na nasa likuran ko at hinayaan siyang lapitan si Manong Holdaper.

Ang hirap espelengin ni Uncle pero sabagay, lahat kami sa pamilya mahirap espelengin. Siguro nga mahirap talaga espelengin tong dugo na nanalantay samin. Damay-damay nato.

"Have you heard from Mama?" Tanong ko na lamang habang pinapanood ko siyang posasan si Manong Holdaper na wala paring malay.

"Hindi pero siguradong kung nasaan siya ngayon, wala siyang ginagawang kalokohan, di gaya mo. Nagpapalamig lang ng sitwasyon ang mama mo kaya sana iyon din ang gawin mo." Sabi pa ni Uncle kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

I want to do something to make her proud. Actually isa sa mga reason na pumayag akong lumipat dito sa Eastridge ay dahil nakita ko itong oportunidad para may mapatunayan kay mama. Siguro nga hindi pa siguro ito ang tamang oras at lungsod.

"Maddy pwede bang maging isang normal na estudyante ka muna kahit dito lang sa Eastridge? Subukan mong maghanap ng kaibigan, subukan mong kontrolin ang nasa isipan mo. Maddy kahit malayo ka na sa lugar na 'yon, delikado ka parin lalo na't baka pinaghahanap ka pa nila." Sabi pa ni Uncle kaya wala akong magawa kundi tumango na lamang.

Umalis si Uncle dala si Manong Holdaper. Ipapakulong niya daw kaya wala akong magawa kundi pumayag nalang.

Napatingin ako sa relo ko at nakita kong magha-hatinggabi na pala. 6am pa matatapos ang shift ko kaya nilinis ko nalang ang mga bahid ng dugo na naiwan sa sahig.

Nage-enjoy n asana ulit ako sa katahimikan ng convenience store kaso biglang tumunog ang chime at nang mapatingin ako sa pinto ay nakita ko ang dalawang babae at dalawang lalakeng nagtatawan, mukhang lasing pa ang mga ito. Magkakaedad lang kami, come to think of it mukhang nakita ko na sila, I think sa iisang university lang kami nag-aaral.

"Miss magkano to?!" Pabalang na sigaw sakin ng isa sa mga babae habang kumuha ng icecream mula sa freezer. Kita mo 'tong babaeng 'to, anlamig-lamig na nga sa labas, nakasuot pa ng cropped shirt. Bobita.

"Andiyan ang prize, pakitingnan. Di ko po memorize ang lahat." Sabi ko na lamang sabay ngiti ng malapad kaya inirapan ako ng babae. Nakikita na ngang nagmo-mop ako dito, tatanungin pa ako ng presyo.

"Teka ikaw ba yung transferee sa liberal arts?" Biglang sambit ng isa sa mga lalake sabay turo sakin. The dude looks fine specially with his leather jacket and black piercings. His vibe screams bad boy, totally not my type.

"Yup, that's me." Ngumiti na lamang ako.

"Kalvin nga pala." Pagpapakilala niya kahit na malayo ako mula sa kanila.

"Maddy." Sabi ko na lamang at nagpatuloy sa pagma-mop.

"What a loser..." Narinig kong sambit nung babaeng naka cropped shirt. Whore, how about I crop your tongue using my cutter? Awe, but that would make my cutter rust.

"Guys sigurado ba kayong iiwan lang natin siya dun sa eskenita? Di kaya siya mamamatay dahil sa ginawa niyo sa kanya?" Narinig kong sambit nung isa pang babaeng kasama nila. Mukha itong natataranta kaya agad siyang pinatahimik ng mga kasamahan niya.

"Come on Leslie, the dork deserved it. For sure nagtawag na 'yon ng mama niya." Sabi nung babaeng naka-cropped shirt.

"Nakita niyo ba ang reaksyon niya noong pinagsisipa ko siya?" Natatawang sambit nung Kalvin.

"'Wag! Tama na! Ayoko na!" Pagd-drama nung isa pang lalakeng kasama nila kaya lalo pa silang nagtawanan.

See this is the reason why I kill people. To get rid of them-bullies, thugs, hypocrite politicians, rapists and animal abusers. Ugh, pasalamat sila naka-pause ako ngayon.

Umalis ang mga hinayupak na walang binili kaya napabuntong-hininga na lamang ako. Bigla kong naalala ang tungkol sa binugbog nila kaya dali-dali akong umalis mula sa convenience store at nagtungo sa pinakamalapit na eskenita.

Hindi ako mabait. Ayoko lang talaga kapag may nakikita akong inaapi ng mga nagfe-feeling bully. I don't know why but I just really hate it when someone gets bullied.

Napabuntong-hininga na lamang ako nang maabutan ko ang isang lalakeng sa gitna ng eskinita. Duguan man at hinang-hina, pinipilit nitong gumapang upang tumayo. May poste malapit sa kanya kaya naman nakikita ko ang suot niyang uniform na may bahid ng mga dugo at putik.

"Paki pahid muna ang madumi mong kamay bago ka humawak sakin." Ngumiti ako at inabot sa kanya ang kamay ko. Oo tutulungan ko siyang tumayo pero ayaw ko parin namang madumihan.

Tumingala siya kaya naman tuluyan kong nakita ang mukha niya-siya pala yung lalakeng may golden brown na buhok, yung seatmate ko.

"Maddy?" Kunot-noo niyang sambit habang umuubo.

"Unfair, alam mo ang pangalan ko pero yung sayo hindi ko alam." Biro ko na lamang habang tinutulungan siyang tumayo.

"Sage. Sage Benedicto." Aniya.


END OF CHAPTER 2.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro