Chapter 18: Its time to choose
18.
Its time to choose
Maddy
Sa pagtunog pa lamang ng school bell ay dali-dali ko nang kinuha ang mga gamit ko't lumabas ng classroom. Nakakainis, pumasok ako sa klase sa pag-aakalang papasok rin si Candy pero wala rin ang bruha. Ugh! Sino ba dito ang pwede kong mapagtanungan tungkol sa kalagayan ni Sage? Hindi ko na nga alam ang lagay ni Sage, hindi ko pa rin nahahanap ang bangkay ni Toshino. Bwisit.
Sa pagdating ko sa locker area ay nagtaka ako nang mapansin ko ang isang lalakeng estudyante na nakasandal sa mismong locker ko. Hindi ko alam pero parang pamilyar ang mukha niya, nakita ko na siya noon. Mukha siyang isang nerd dahil sa glasses na suot niya at sa makapal na librong yakap niya.
"Montoya?!" Kunot-noo kong bulalas nang mapagtanto kong si Skylark pala ito at hindi na siya nakasuot ng police uniform niya, sa halip ay nakasuot na siya ng puting polo gaya ng mga estudyante dito.
"Oo na, mukha akong suman." Nakangiwi niyang sambit habang kinakamot ang leeg niya. Halatang hindi siya sanay sa suot.
"Dude, if you're trying to disguise yourself as a student, you're trying way too hard." Gusto kong matawa pero mas nangunguna ang pagngiwi ko dahil sa pinaggagawa niya sa sarili niya.
Naiinis niyang tinanggal ang malaking glasses niya at sinamaan ako ng tingin, "Strategy to para mabantayan ko ang locker mo at makita ko kung sino ang nagbibigay sa'yo ng polaroids. Kailangan ko nang mahanap kung sino ang gumagawa nito bago pa tuluyang maging malamig na bangkay sina Aiden at Kalvin Galvez" Giit niya.
"Okay." Sabi ko na lamang at bahagya siyang tinulak palayo sa locker ko at binuksan ito. Gaya ng inaasahan, wala akong nahanap na kahit na anong polaroid sa locker ko kaya naman agad ko itong isinara. Bwisit.
"Wala kaming nahanap na naagnas na bangkay sa Abandonadong Skating Rink. Ang nakita lang doon ay ang bangkay nung Giovanni Beltran at duguang si Sage Benedicto—"
"I didn't kill Beltran, kung yan ang pinupunto mo. And I didn't stab Sage either." Sabi ko na lamang bago pa niya ako pagbintangan.
"Alam ko." Giit ni Montoya, "Ayon sa autopsy, kamamatay lang nung Beltran nang matagpuan mo ang bangkay niya sa lugar na 'yon... At yung Sage Benedicto, kung hindi ka dumating dun, siguradong namatay na siya." Aniya pa.
"When I saw him about to die, I almost died too." Mahina kong sambit.
"Ha?" Tanong ni Montoya kaya bigla akong kinabahan.
"Ha?" Pagmamaang-maangan ko. Bwisit 'tong bibig ko.
"Now that you know my secret... are you going to arrest me?" Hindi ko maiwasang kabahan. Isang malaking kamalian ang pag-amin ko sa kanya, mamamatay ako pag-nalaman ng lahat ang tungkol sakin.
"Hindi ko ipagsasabi ang sikreto mo dahil alam kong darating ang panahong mapagdedesisyunan mong gawin ang tama. Nasa mga kamay mo ang kapalaran mo." Makahulugan niyang sambit kaya naman hindi ko maiwasang maguluhan.
He's a cop... why is he being this considerate?
Siguro nga iba siya sa lahat ng mga parak dahil sa nakaraan niya.
"I already killed people, I already told you that." Paalala ko sa kanya habang hinihinaan ang boses ko.
"But you still have a chance to make things right Maddieson. Kahit gaano pa kasama ang nakaraan, may pagkakataon paring mabago ang kasalukuyan. Binibigay ko sa'yo ang pagkakataon kaya pag-isipan mo nang mabuti." Nakangiti niyang sambit na animo'y napakalaki ng tiwala sakin.
"But what if I won't?" Sabi ko.
"You will." Paniniguro niya.
"How could you even trust me?!" Hindi ko maiwasang mapabulyaw.
"I don't trust you but I have faith in people like you... people like us." Giit niya.
"People like what?" Tanong ko.
"Lost, confused, conflicted... We still have the chance no matter how fucked up we are." Aniya, "Maddieson hindi ka kagaya ng mga kriminal na nakilala at pinag-aralan ko. Iba ka sa kanilang lahat, nasisiguro ko yan." Dagdag pa niya.
Napabuntong-hininga si Montoya at muling napasandal sa locker ko, "Nga pala, gaano mo kakilala si Sage Benedicto?"
"I worked with him at the convenience store. He was Shannon's ex. He kinda broke her heart and influenced her in looking for the croaker. That's all I know." Sinabi ko na lamang sa kanya ang alam ko.
Tumango-tango si Skylark at kinuha ang maliit na memo-pad sa bulsa niya at nagsulat rito, "Sa tingin mo, makakaya niyang pumatay?" Tanong pa niya.
Love makes you do crazy things. Some go overboard with the word 'crazy' and eventually spiral out of control to murder. But even though Sage has the makings of a murderer, I'm a thousand times sure that he's not. I don't know why, but I can feel it. He's not like me.
"He can but he won't." Paniniguro ko.
"Kaninang umaga kinuhanan ko siya ng salaysay at alam mo kung ano ang sinabi niya?" Napasinghal si Montoya na animo'y natatawa, "Nakakuha daw siya ng polaroid na nagpapakita sa duguang si Beltran habang nasa abandonadong skating rink." Aniya pa.
"And you don't believe him?" Tanong ko.
"Mahirap paniwalaan ang isang taong maraming tinatago." Makahulugang sambit ni Montoya kaya nakunot na lamang ang noo ko.
"Do you think Sage is hiding something?" Tanong ko ulit.
"Sigurado ako." Pagmamalaki ni Montoya sabay sabit ng glasses sa bulsa ng polo niya, "At isa pa, kung ang isang babae nga na parang sinabuyan ng pink na pintura ay isa palang killer, ano nalang kaya ang isang totoy na gaya ni Sage?"
Napairap na lamang ako sa sinabi niya, "Find proof before pointing fingers."
"Hanggang ngayon ay nawawala parin sina Kalvin Galvez at yung Aiden. Kailangang tingnan ang bawat anggulo dahil importante ang bawat oras. Si Sage Benedicto... May motibo siya. Tiningnan ko ang school records at nakita kong pabalik-pabalik sina Sage at yung Beltran sa guidance, pati narin yung pinsan ni Shannon—"
"That's because they kept on beating and bullying him! Kalvin, Beltran, Naomi, Lily—the four of them weren't really in good terms with Shannon's group of friends because of how Beltran and Kalvin—"
"Teka sandali, chill, 'wag ma high-blood." Natatawang sambit ni Sage kaya lalong nakunot ang noo ko't sinamaan siya ng tingin.
"Do you have any other suspects detective?" Sarkastiko kong tanong.
"I'm still working on it but I'm sure it's not Shannon's father." Aniya.
"Why can't it be Shannon's father? After all, he's the mayor and he has the power. " Tugon ko.
"Hanggang ngayon ay bed ridden parin ito matapos ma-stroke nang malaman ang nangyari sa panganay niyang anak. Ni hindi nga nito magawang magsalita ng maayos. Ngayon ko lang nalaman na ang vice mayor pala ang kasalukuyang nagpapatakbo ng lungsod habang di pa nakakarecover si Mayor Galvez." Paliwanag niya.
Hindi ko mapigilang maawa kay Kiana. She really did lose so much when Shannon died.
She shouldn't lose anyone anymore....
Aiden can't die, Kiana loves him.
Kalvin can't die too, after all he's Kiana's cousin. He's part of Kiana's family.
For Kiana, I have to find them. They can't die for Kiana's sake.
"May isa pa palang posibleng suspek pero tinitingnan ko pa ang bawat anggulo." Sambit niya.
"Sino?" Tanong ko.
"Si Toshino Tirador. Yung sinasabi mong pinatay mo. Tiningnan ko ang school records niya at gaya nila Sage ay suki rin siya sa Guidance. Nawala siya ng matagal noong nakaraang taon. At isa pa, may crime record narin siya."
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Lalo lang tuloy akong naguluhan.
"Kanina ko pa siya hinahanap kaso hindi daw siya pumasok."
"The hospital, if he really is alive then he could be where his so-called friends are."
***
Kapwa kami nagmamadali ni Skylark na makarating sa parking lot nang bigla na lamang tumunog ang cellphone ko. Bigla kong naalala si Mama kaya naman tumigil ako sa paglalakad at dali-daling tiningnan ang cellphone ko't nakita kong unknown number ang tumatawag.
"Mauna ka na." Sabi ko na lamang kay Montoya at nauna na siyang magtungo sa sasakyan.
Lumapit ako sa malaking puno at napasandal na lamang rito.
"Mama..." Sagot ko sa tawag.
"Kumpara sa kanya, di hamak na mas masahol ako." Biglang sambit ng isang kakaibang boses mula sa kabilang linya. Hindi ko maiwasang maguluhan, ba't boses ng isang batang lalake ang naririnig ko?
"Sino 'to?" Sabi ko na lamang ngunit narinig ko siyang tumawa... Tawa ng isang batang animo'y pinagkakatuwaan ako.
"I got no time for your bullshit." Ibababa ko na sana ang cellphone ngunit bigla siyang nagsalita.
"Subukan mong ibaba ang telepono at kakatayin ko si Kalvin Galvez na parang isang hayop!" Bigla nitong sigaw kaya naman bigla kong naramdaman ang pagtayo ng mga balahibo ko. Dali-dali kong nilibot ang paningin ko, sigurado akong nakikita ako ng kung sino mang kausap ko ngayon.
"What do you want?" Kaswal ko na lamang na tanong upang 'wag niyang isiping apektado ako.
"Sirain ang buhay mo." Muling sambit ng boses ng batang lalake mula sa kabilang linya. Oo nga't boses ng bata ang naririnig ko pero sa pananalita, siguradong hindi bata 'tong kausap ko. Voice simulator, if I'm right...
"News flash idiot, hindi mo na masisira ang matagal nang sira." Natawa na lamang ako.
"Nakakatawa, nakakapagsalita at nakakahinga ka pa.... Anong sira?" Sarkastiko nitong sambit.
"Assuming that you're the one behind this, how about you let Kalvin and Aiden go? They have nothing to do with this. Spare their lives and take me instead. Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang maghiganti sa mga nanakit kay Shannon Galvez? Well guess what, ako ang pinaka may malaking kasalanan sa kanya. Save yourself the hassle and time by going to the biggest fish." Tahasan ko na lamang giit habang ikinukuyom ang kamao kong nagsisimula nang mangatog dahil sa inis.
"Straight to the point... gusto ko yan." Natatawa niyang sambit.
"Ugh, your voice is annoying. You could've used a deep and demonic voice using a voice simulator." Reklamo ko na lamang, "Okay dude, what is it you want me to do?"
"Ang tapang-tapang mo naman." Sarkastiko niyang sambit.
"Yeah, hindi kasi ako kagaya mo na gumagamit ng voice simulator para magtago ng identity. You want me to die like Shannon right? Okay, I'll give you the opportunity to kill me yourself but you have to leave Kalvin and Aiden or anyone else out of this. I will be the last of your victims." Walang paligoy-ligoy kong sambit.
"Teka? Isasakripisyo mo ang sarili mo para sa kanila? Mamamatay-tao ba talaga 'tong kausap ko ngayon?" Muli, natatawa nitong sambit.
"I'm not sacrificing myself. I would never sacrifice myself for anyone. I'm just tired of your bullshit and I just want this to be over and done with. I'm giving you the opportunity to kill me. Whatever happens, happens."
Napatingin ako sa direksyon ni Skylark at nakita ko siyang nakatingin sakin. Ayokong malaman niya ang tungkol sa kausap ko kaya naman ngumiti na lamang ako sa kanya at sinenyasan siyang maghintay.
"Sundin mo ang bawat sasabihin ko. Puntahan mo ang address na ibibigay ko sayo. Ikaw lang mag-isa. Subukan mong isama yang kaibigan mong parak at sisiguraduhin kong ang susunod mong mahahanap sa locker mo ay ang pugot na ulo ni Kalvin at Aiden."
***
Biglang tumunog ang cellphone ko nang makarating ako sa tapat ng isang malaking gusali. Kagaya siya ng sa skating rink pero di hamak na mas malapad ang gusaling ito.
"I'm here now." Sabi ko na lamang.
"Alam ko. Nakikita kita." Aniya kaya napatingin na lamang ako sa CCTV na malapit sa kinaroroonan ko.
"What's next?" Bagot kong tanong.
"Enter, Rejoice and come in." Natatawa niyang sambit.
"Tatawa narin ba ako?" Sarkastiko kong sambit at pumasok na lamang sa pintong gawa sa salamin.
Habang naglalakad ako sa napakahabang pasilyo ay napansin kong binabaan na niya pala ako ng telepono pero sa kabila nito, alam kong nakikita parin niya ako dahil sa CCTV na nagkalat sa paligid.
Hindi ko talaga alam saan ako pupunta, nagpaikot-ikot lamang ako hanggang sa mapansin ko ang isang mahabang railings na gawa sa bakal kaya agad ko itong nilapitan.
"Whoa." Hindi ko mapigilang mamangha nang mapagtanto kong isa pala itong indoor stadium. Bumaba ako mula sa railings at dumaan sa napakaraming upuan hanggang sa mapansin kong may tao pala sa gitna ng stage.
"Kalvin?" Dali-dali akong nagtatakbo patungo sa direksyon ng stage nang mapagtanto kong si Kalvin nga ang naroroon. Nakatali siya sa isang upuan at hindi gumagalaw. Para siyang walang malay.
Aakyat na sana ako sa stage upang kalagan si Kalvin nang bigla na lamang namatay ang lahat ng mga ilaw sa paligid maliban na lamang sa stage na siyang kinaroroonan ni Kalvin.
"Not so fast Maddy-kins."
Biglang umalingawngaw ang boses ng isang batang lalake mula sa naglalakihang mga speaker na nakakalat sa buong arena.
"You're not the boss of me!" Sigaw ko at muling tumakbo patungo sa direksyon ni Kalvin ngunit laking gulat ko nang mapansin ang biglang paglitaw ng kulay pula at bilog na ilaw sa ulo ng duguang si Kalvin.
"Kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo ni Kalvin, susundin mo ang sasabihin ko. Simpleng konsepto, Maddy." Aniya saka humalakhak kaya napapadyak na lamang ako sa sobrang inis. Sinundan ko ng tingin ang pinanggagalingan ng ilaw at nakita ko ang isang bintana ngunit sadyang napakalaya nito at wala akong ibang maaninag.
Muli kong ibinalik ang tingin sa stage at nakita kong may isa palang video camera sa tabi ni Kalvin at nakatutok ito sa direksyon ko.
"What do you want me to do?!" Napasigaw na lamang ako.
"Simple lang, ilantad mo ang totoong kulay mo. Sabihin mo ang lahat ng tungkol sayo at sa mama mo. Kung ano ang pinaggagawa niyo ng mama mo..."
Naramdaman ko ang piglang pagsikip ng dibdib ko. Lalong bumigat ang pakiramdam ko dahil sa pinapagawa niya sakin...
"Maddieson Paredes aminin mo ang lahat ng kasalanan mo at mabubuhay si Kalvin Galvez." Maotoridad nitong sambit kaya naman hindi ko na magawang gumalaw o magsalita pa.
I found myself out of words. My hands are shaking cold, my lips are trembling, and it's as if my feet has lost its senses.
If Kalvin dies, Kiana gets hurt... Kiana will lose someone again.
If I confess, I'm betraying my own mother... Mama will kill me.
"Hindi ko ipagsasabi ang sikreto mo dahil alam kong darating ang panahong mapagdedesisyunan mong gawin ang tama. Nasa mga kamay mo ang kapalaran mo."
Bigla kong naalala ang mga salitang binitawan ni Montoya... He has faith in me...
"Anak, oras na ma-kompromiso ka, kailangan mong gawin ang kinakailangan para ma-protektahan ako." Biglang bumalik sa isipan ko ang mga bilin ni Mama... ang mga turo niya... at ang pagtutok ng malamig na nguso ng baril sa sentido ko.
Naguguluhan ako sa mga tumatakbo sa isipan ko. Lalo lamang itong gumugulo lalo't naalala ko ang luhaang mukha ni Kiana.
"Isa!"
Nagulat ako nang bigla ko siyang marinig na sumigaw.
"Dalawa!"
Lalong sumisikip ang dibdib ko't bumibilis ang tibok nito. Naduduwal ako sa sobrang lito at kaba. Hindi ko na alam anong gagawin ko. Ayokong masaktan si Kiana pero ayoko ring madismaya ang mama ko. Ayokong magalit si Mama sakin. Natatakot ako sa maaaring gawin ni Mama sakin.
"Stop! Please! Stop!" Napatakip na lamang ako sa tenga ko dahil sa sobrang kalituhan.
"Maddieson aminin mo na ang lahat ng kasalanan mo para matapos na ang lahat ng 'to!"
"Papatayin ako ni Mama... Papatayin ako ni Mama... Papatayin ako ni Mama." Napailing-iling na lamang ako sa sobrang takot lalo na nang bumalik sa isipan ko ang bawat sakit at pagpapahirap na dinanas ko nang mga panahong galit siya sakin.
Laking gulat ko nang bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na putok. Napatingin ako sa direksyon ni Kalvin at nakita kong nakalupaypay na ang katawan niyang nakatali parin sa upuan. Umaagos ang napakaraming dugo mula sa kinauupuan niya.
Para akong nabingi sa sobrang lakas at muli, hindi na ako nakagalaw pa.
Unang sumagi sa isipan ko si Kiana... Bigo ako... Masasaktan na naman siya.
Bigla na lamang bumukas ang lahat ng mga ilaw. Mistulang nasanay sa kadiliman ang mga mata ko kaya napapikit na lamang ako.
"Dito! Dito! May tao!" Bigla kong narinig ang isang sigaw at marami pang mga ilaw kaya nang masanay ang mga mata ko sa liwanag ay napalingon ako.
Nakita ko ang mga pulis, marami sila at may dala-dala pang mga armas.
Itinaas ko na lamang ang kamay ko bilang pagsuko, "The shooter is up there! Please catch him!" Sigaw ko na lamang sabay arte na para bang isang biktimang nangangailangan ng tulong.
"Okay ka lang?" Agad akong inalalayan ng pulis habang ang ilan naman sa kanila ay agad na nagtatakbo sa direksyon kung saan naroroon ang pumatay kay Kalvin.
Inalalayan ako ng pulis papalabas ngunit nang makarating kami sa pasilyo malapit sa pinto ay nakita ko si Montoya. Walang emosyon siyang nakatayo habang nakaharap sa direksyon ng speaker.
Narinig ba niya ang lahat?
"Montoya ihatid mo muna 'to sa bahay nila!" Utos ng pulis na kasama ko kaya napalingon sa amin si Montoya.
Para akong nanlumo nang magtama ang mga tingin namin... Nakikita ko sa mga mata ang pagkadismaya niya... Dismayado siya sakin...
END OF CHAPTER 18.
Author's Note: Guys if you have time, please vote for Vertigo on FRCA's Fiction in English/Tagalog category. JUST CLICK ON THE EXTERNAL LINK. Hihihi. Being nominated is a blessing enough. Thank you so much sa inyong lahat na nagbabasa ng mga sinusulat ko <333
PS, alam kong super nakakalito na nitong SIHC but tiwala lang kay Nanang Hamog hahaha <3 Thankiesss <333
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro