Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14: The Girl who knew too much

14.

The Girl who knew too much

Maddy


"Ako si Skylark Montoya—"


"Really dude? Really?" Sarkastiko kong sambit sa kanya at bagot siyang tiningnan sa mga mata. Baliw pala tong lalakeng 'to eh, ilang araw na kaming magkakilala pero heto't nagpapakilala parin. Palibhasa nire-record niya 'tong magiging usapan namin bilang standard operating procedure, well the joke is on him though kasi tinanggal ko na ang tape kanina pa. Katanga talaga nito.


But hey, kung sila may Standard Operating Procedure, kami ni Mama, meron din. Mama calls it her Madness Protocol. Isa ito sa mga itinuro niya sakin. Mama basically taught me what to do and what to say when this or that happens. The last part of the protocol is kind of a worst case scenario but then again, hindi naman siguro hahayaan ni Mama na umabot kami doon.


Napabuntong-hininga na lamang ako sa sobrang pagkabagot, "My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school by day and I work at a convenience store every night. At bago ko pa makalimutan, isa nga pala akong serial killer."


"Serial Killer?" Natatawang sambit ni Montoya na ayaw maniwala.


"Do you want me to define what a Serial killer is or do you want me to show you an actual demonstration? Take your pick." Ngumisi na lamang ako at napatingin sa baril na nasa holster niya.


Bigla siyang tumawa saka umiling-iling, "Kung isa ka ngang Serial Killer, bakit ka nandito? Ba't mo sinusuplong ang sarili mo?"


Napasuklay na lamang ako at napatitig sa salamin. Hindi ko mapigilang mapangisi lalo na't alam kong isa itong two-way-mirror at wala namang tao sa kabila since busy sila dahil sa nangyari kay Uncle at karamihan sa mga pulis ay may nirespondehang malay ko kung ano.


"Andito ako, sakin ka tumingin." Walang emosyon niyang sambit saka inilabas ang litrato ng bangkay ni Naomi at nung holdaper mula sa folder niya.


"Ouch." Pabiro kong sambit saka sarkastikong ngumiwi.


"Kung isa ka ngang Serial Killer gaya ng sinasabi mo, ikaw ba ang pumatay sa kanila?" Sarkastiko niyang sambit dahilan para muli akong mapangisi.


"Nope. To be honest, I actually didn't murder them. I mean, I wanted to but I can't do it because it's against my principles," Bahagyang kong inilapit ang mukha ko sa kanya, "Hindi ako pumapatay ng mga kakilala. Precautionary measure my friend." Dagdag ko pa sabay taas-baba ng kilay ko. Pero nakakainis, ako mismo, hindi ko sinunod ang sarili kong prinsipyo. Ugh! Lintik naman kasi, ba't ko b kasi yun ginawa sa kanya?!


"Miss adik ka ba?" Bigla niyang tanong kaya di ko na napigilan pang matawa.


"Bobo ka rin pala no? Kakasabi ko lang, isa akong serial killer!" Napabuntong-hininga na lamang ako. Nakakairita na ang isang to ah...


"Bakit ka ba talaga nandito? O sige sabihin mo nalang sakin sino ang mga pinatay mo." Sabi pa niya sabay sapo ng batok niya dahil sa kunsomisyon. Bwisit, ako din stress na stress na sa kanya. Bulok kasi.


"Detective Skylark Montoya, I am here to warn you plus if you want, I could even lend you a hand. See, I hate competitions. I am the only person who should be terrorizing this small town but unfortunately may umeepal and that epal happens to be the very person who did to them." Paliwanag ko na lamang sabay turo sa mga litratong inilapag niya.


"May kilala akong psychiatrist. Matutulungan ka niya." Kunot-noo niyang sambit kaya napakamot na lamang ako sa ulo ko.


"Alam mo, cute ka sana eh kaso shushunga-shunga ka lang talaga!" Hindi ko na napigilan pang mapasigaw dahil sa inis.


"Miss pwede ba, wala akong oras sa kalokohan mo." Inis niyang sambit at biglang tumayo. Ba't baa yaw niyang maniwala sakin?! Kaka-stress siya, bwisit.


"Detective I am the only chance you have. It's a win-win situation. Plus, ayaw mo naman sigurong mamatay yung apat pang nawawalang estudyante diba? I heard nakatanggap na kayo ng isang pares ng mga mata." Sabi ko na lamang nang tumalikod na siya mula sakin.


Gulat siyang napalingon sakin, "P-paano mo nalaman ang tungkol diyan?" Nauutal niyang sambit dahilan para mapangisi ako. Finally, nakuha ko rin ang atensyon mong engot ka.


"I got so many skeletons in my closet Detective. Help me find the person whose messing in my turf and I'll be glad to help you find your perp." And to seal the deal, kinuha ko ang mga polaroids mula sa bulsa ko at isa-isa itong inilapag sa mesa, "This was left on my locker at kanina ko lang nakita. I received one with Naomi too before she was abducted and killed. The person who killed Naomi has the four of them at the moment, siguro naman hindi ka ganun ka-tanga para magkaroon ng ideya sa maaring kahinatnan nila diba? Now here's the deal Montoya, be my ally in finding the culprit. I find out who the culprit is, and you can finally get the recognition you deserve," Tumayo ako at inayos ang nakatabinging name plate sa uniform niya, "Nail this case and you will finally be a detective that everyone respects. No more errands to run, no more superiors that will take you for fun. Think about it Skylark Montoya."


Sa sobrang gulat niya ay wala siyang ibang magawa kundi mapatitig sa mga polaroids na dala ko. Siguro naman sa puntong 'to ay naniniwala na siyang seryoso ako.


"Ayaw mo parin? Okay, have fun being the errand boy here." Nakangisi kong sambit sabay kuha ng mga polaroid at dali-daling lumabas ng interrogation room.


Hindi ko alam kung tama ba 'tong disesyon kong makipagtulungan sa isang detective pero desperado na ako. Now that uncle's gone, wala narin ang tanging koneksyon ko sa kapulisan. Kung wala akong koneksyon sa kapulisan, siguradong mahihirapan ako sa paghahanap ng impormasyon. Oo, aminado naman kasi akong wala akong kapangyarihang lutasin ang lahat nang 'to... Sacrifices, it's a must. And besides, Skylark Montoya is a perfect card. He's ambitious and his thirst for ambition can be really useful for me.


***


Hindi ko maipaliwanag ang bigat na nararamdaman ko habang pinapanood ko ang bangkay ni Uncle na nakalagay sa isang kulay itim na body bag. Nakapatong ito sa isang stretcher na patungo sa isang ambulansyang patungo na yata sa morgue. Sa totoo lang hindi ko alam kung may pamilya ba si Uncle bukod samin, kung may asawa ba siya o anak, kung may kaibigan ba siya o wala. Nakakainis, mas madami pa akong alam tungkol kina Kiana kesa sa sarili kong kadugo.


Napabuntong-hininga na lamang ako at ibinuhos ang atensyon ko sa pag-aabang ng taxi para makauwi.


Bigla akong may narinig na bumusina mula sa likuran ko at nang tingnan ko ito ng malapitan ay nakita ko ang walang kaemo-emosyong si Skylark sa likod ng manibela na animo'y hindi man lang makatingin ng deretso sakin.


"Sakay." Aniya kaya ngumisi ako at walang kagatol-gatol na pumwesto sa front seat.


"I knew you couldn't resist my offer." Napangisi na lamang ako saka ikinabit ang seat belt.


"Did you even realize that your uncle just died?" Sarkastiko niyang sambit na animo'y kinukutya ang pagkatao ko.


"Did you even realize that what I'm doing right now is for my uncle?" Sarkastiko kong ganti sa kanya sabay irap. I don't really care about my uncle, I just want to find that son of a bitch behind all these.


"Teka so iniisip mong iisa lang ang pumatay dun sa kaklase at uncle mo?" Kunot-noo niyang sambit.


"Alam mo, hindi na kapani-paniwalang isa kang pulis." Muli, sarkastiko kong sambit sabay ngisi dahilan para samaan niya ako ng tingin gamit ang singkit niyang mga mata. Sa sobrang singkit niya, minsan tuloy di ko na nakikita ang mga mata niya.


"Quit squinting, you're starting to look like an alpaca." Pang-aasar ko sa kanya.


"Manahimik ka, jigglypuff." Mahina niyang sambit saka pinaandar ang sasakyan.


"Paano ba 'yan di ko kilala si Jigglypuff. Your insult is invalid." Napangisi na lamang ako.


"Kawawa ka naman at di mo man lang naranasan ang pokemon era." Aniya na para bang inaasar ako pabalik pero wala eh, ni katiting na epekto, wala talaga. The round goes to me again.


"Anyways, so ano na? Tinatanggap mo na ang offer ko?" Tanong ko na lamang dahilan para bigla na lamang niyang inihinto ang sasakyan.


"Anong offer?" Kunot noo niyang sambit saka lalo na namang naningkit ang mga mata niya. Ayan na naman, nawawala na naman ang eyeballs niya.


Napahalukikip na lamang ako't napatitig sa asul na kalangitan mula sa bintana, "I think, the fact that hindi mo pa ako pinapakulong after kong aminin ko sayong isa akong serial killer ay patunay na gusto mong makipag-tulungan sakin sa paglutas ng patayang 'to. Teamwork makes the dream work, am I right?"


"Balita ko may sikat na psychiatrist dito sa Eastridge, maaring matulu—" Hindi na niya tinapos pa ang sinasabi niya nang bigla kong tinanggal at tinapon sa pagmumukha niya ang pink headband ko.


"Bulok ka talagang bobo ka! Ang laki-laki ng ulo mo pero wala namang laman! Hindi ako baliw at mas lalong hindi ko kailangan ang tulong! Assist me with everything I need and you get all the glory of catching the murderer! Rerespetuhin ka na ng lahat at makakabawi na ako kay Shannon! Mahirap ba talagang intindihin ang lahat ng yon?!" Bulyaw ko saka napapadyak na lamang dahil sa inis.


"Kita mo na?! Paano kita papaniwalaan kung para ka ring bata kung umasta?!" Bulyaw niya sakin pabalik habang kinukusot ang mata niyang tinamaan ng headband ko.


"Parang bata?! Okay fine bitch! The deal's off!" Lalo akong napasigaw at pinanlisikan siya ng mga mata. Lalabas na sana ako ng sasakyan pero bigla na lamang niyang hinigit ang kamay ko dahilan para muli akong mapaupo.


"Teka sandali, chill!" Giit niya sabay taas ng mga kamay niya na animo'y sumusuko na sa akin. Bigla siyang napabuntong-hininga at nasapo ang batok niya. Kitang-kita ko ang frustration sa bawat galaw ng mga mata niya. Naguguluhan siya. Nahihirapang magdesisyon kung papaniwalaan ba ako o hindi.


Bwisit, ang daming arte, mahirap ba talagang paniwalaan ang pinagsasabi ko?


"If you can't believe that I'm a serial killer, then believe this—" Muli kong inilabas ang mga polaroid mula sa bulsa ko, "The person who killed Naomi and that mugger is the same person who killed my uncle. The murderer is taunting and all the while, framing me. Shannon Galvez, the mayor's daughter... Everyone who hurt her is now getting killed off one by one." Paliwanag ko at mariin siyang tinitigan sa mga mata.


"Yan, mas madali yang paniwalaan." Muli siyang napabuntong-hininga at muling pinaandar ang sasakyan patungo sa direksyon ng fastfood drive-thru.


"Bwisit ka." Bulong ko na lamang sa sarili ko.


"Paano ako makakasiguro na mapagkakatiwalaan kita?" Walang emosyon niyang sambit habang deretso ang tingin sa daang binabagtas namin.


"You don't have to trust me. You just need to believe me and do as I say." Giit ko na lamang saka bahagyang napasulyap sa kanya.


Napasinghal siya, "24 na ako samantalang ikaw, 18. Isa akong detective, samantalang ikaw ay estudyante parin. Obvious na obvious, Ikaw ang dapat sumunod sa lahat ng sasabihin ko." Aniya dahilan para sarkastiko akong matawa.


"You still don't get it do you?" Sarkastiko kong sambit sabay kamot sa ulo ko, "The murderer is communicating with me and not you. Dapat nga magpasalamat ka pa kasi sa lahat ng pulis dito sa Eastridge, sayo ako lumapit at ikaw ang bibigyan ko ng pagkakataon para lutasin ang lahat ng 'to. I call the shots here Monty. If you can't bear with that, then I guess you can be the errand boy forever." Pasimple kong pagbabanta saka muling napatingin sa kanya.


Narinig ko siyang napabuntong-hininga dahilan para muli akong mapangisi.

And the bait is bitten.

Welcome to my deck of cards Skylark Montoya.

Mama was right, ambitions might make people do wrong things but it can also be their weakness. In this case, I now have Skylark's strings all thanks to his ambition.


"Paano kita mapagkakatiwalaan?" Muli niyang tanong dahilan para mawala ang ngisi sa labi ko.


Ako naman ang napabuntong-hininga, "I just shared you the largest skeleton from my closet. Hell, I just broke my mother's protocol just by telling you my secret. I just took a really big risk here! It's me who should doubt if I can trust you or not." Sabi ko pa.


"Trust no one... Yan ang laging sinasabi ng mentor ko." Aniya kaya tumango-tango ako.


"Well your mentor was right." Ngumisi ako.


"Bakit mo ba gustong makipagtulungan sakin?" Muli niyang tanong.


"Because you are a great resource and I honestly find you pathetic. It's a win-win situation." Pag-amin ko. Pero hindi ko sinabi sa kanya ang isa ko pang rason—ang pagiging katulad namin. We are both strangers to this town. It's better to team up with another stranger. That way, we both have the same disadvantage. We both have the same weakness.


"Ang uncle mo... hindi ka man lang ba magluluksa?" Aniya.


"I honestly don't care." Sabi ko pa.


"You're sick." Aniya pa.


"You have no idea." Sabi ko na lamang at ipinikit ang mga mata ko nang muling bumalik sa alaala ko ang lahat ng mga ginawa ko... ang mga ginawa namin ni mama sa kanila.


"Vengence..." Muli niyang sambit dahilan para makunot ang noo ko't muling mapasulyap sa kanya.


"Anong vengeance?" Tanong ko.


"Tit for Tat." Malamig niyang sambit saka napasulyap sakin pabalik.


***


As soon as I entered my bedroom and slammed the door shut, it's as if my knees gave up on me. In a matter of seconds, I found myself sitting on the floor with my back leaned against the door. I can't do anything but sigh as the image of Uncle Bob's lifeless body keeps on flashing up my mind.


Ako ba ang dahilan kung bakit pinatay si Uncle Bob? Ayoko sa matandang echoserong 'yon pero hindi naman niya kasalanan na naging kadugo niya kami ng mama ko... si Mama, siguradong hindi niya magugustuhan ang ginawa kong pakikipagtulungan sa isang parak... At yung parak na 'yon, gagawin niya kaya ang pinapagawa ko sa kanya? Susundin niya kaya ang utos kong magsaliksik tungkol kay Shannon?


Bigla kong naramdaman ang isang bagay sa loob ng bulsa ko at nang hugutin ko ito ay nakita ko ang isang flash drive... Ang flash drive na nakuha ko mula sa locker kasama ang mga polaroid photos.


Dali-dali kong kinuha ang laptop ko at tiningnan ang laman ng flash drive. Wala akong ibang makita kundi napakaraming video files kaya naman agad kong isinuot ang headphones ko at pinanood ang pinakaunang video na may pamagat na "The theory." It was dated back, January of last year.


Nakunot ang noo nang biglang tumambad ang mukha ni Sage sa harapan ng camera. Nakaupo siya habang nakasandal sa isang kama. Para siyang umiilag mula sa camera pero pilit siyang sinusundan nito.


"And we're rolling!" Natatawang sambit ng isang babae na siyang nasa likod ng camera.


"Ano? Gusto mo na agad gumawa ng scandal?" Natatawang ganti naman ni Sage na animo'y sinusubukang yakapin ang babaeng may hawak ng camera, I'm guessing this girl is Shannon.


"But my dad and sister will so gonna kill your ass." Sabi pa ni Shannon na itinututok ng todo sa mukha ni Sage ang camera kahit na magmukha pa itong isang alien.


"RIP Sage Benedicto na this." Sabi pa ni Sage at kahit hindi hagip sa camera ay alam kong sa puntong 'to ay naghahalikan na sila. Nakakairita na silang panoorin kaya ie-exit ko na sana ang video pero nagulat ako nang bigla na lamang umitim ang lahat at nagbago ang eksenang napapanood ko.


Si Sage. Nakaupo siya ng maayos habang nakaharap sa video camera. Para siyang naiilang pero sa kabila nito ay hindi naman siya mukhang galit.


"My name is Sage Benedicto and—Sharon, kailangan ko ba talagang sabihin to?" Nakangiwing sambit ni Sage na animo'y napipilitan lamang na magsalita sa harapan ng camera.


"Ayan ka na naman eh! Isa pang Sharon at break na tayo!" Bulyaw ni Shannon saka nakita ko ang paa niyang tumama sa tuhod ni Sage.


"Oo na, pikon!" Natatawang sambit ni Sage habang pilit na niyayakap si Shannon.


"Sige na! Bilis na! We need to document everything about our investigation! Documentation of the process is a must! Paano kung tama talaga tayo? That way mas may solid evidence ang mga pulis!" Giit ni Shannon kaya napabuntong-hininga na lamang si Sage. At naupo ng maayos saka inayos ang golden brown niyang buhok.


Muli siyang napabuntong-hininga at muling napatitig sa camera, "Ako si Sage Benedicto at ang babaeng may hawak ng camera ay ang girlfriend kong si Shannon Elaine Galvez," Ngunguto-ngutong itinaas ni Sage ang isang papel na animo'y isang listahan, "Pagkatapos naming mabalitaan ang tungkol sa mga nangyari sa Crimson Lake ay nakatuwaan namin ng girlfriend ko na i-check ang mga missing persons list dito sa Eastridge. Marami-rami rin ang mga nawawala sa lugar nato, maaring naglayas, maaring namatay, pero may iilan sa kanilang nawala sa mga kakaibang sirkumstansya—Dalawang taon na ang nakakaraan, biglang nawala si Miranda, isa sa mga fourth year students ng Frostwind University. Hindi na nag-abala ang pulisya na hanapin siya dahil para sa kanila, naglayas na ito at isa pa kilala narin kasi si Miranda bilang isang suicidal. Gaya ng kaso ni Miranda, ganito rin ang nangyari kay Sally, isang freshman na nawala last year. At gaya ni Miranda, may history narin siya ng pagiging suicidal. Bukod sa misteryosong pagkawala at pagiging suicidal, may pagkakapareho rin silang dalawa at yun ay ang pagiging konektado sa THE CROAKER. Isang taon ang pagitan ng bawat pagkawala, kapwa nangyari sa buwan ng setyembre, kapwa suicidal, kapwa naging pasyente ng The Croaker sa suicide hotline niya. Kung tama ang hinala ko, sa taong 'to, may mawawala —"


"Anong ginagawa niyong dalawa?!" Natigil si Sage sa pagsasalita nang umalingawngaw ang boses ng isang lalaki. Parang nag-panic si Shannon at itinutok niya ang camera sa pinto at nakita ko ang isang may edad na lalaking animo'y galit na galit. He looks familiar.


"Dad naman eh! We're making a documentary!" Giit ni Shannon.


"Ba't dito sa kuwarto mo?! Sage lumabas ka sa kwartong 'to!" Muling bulyaw ng matanda at ilang sandali pa ay naputol na ang recording. Yan, ang lalandi kasi.


Tiningnan ko ang kasunod na video. Nothing's special with a title. Just numbers, dating back to a month after the previous video.


"Sage! Come on, we have to shoot this video!" Giit ni Shannon na parang hinahabol si Sage sa locker area. The video is too shaky and it's making head hurt. Leche, ba't ba ang bilis maglakad nitong si Shannon.


"Shannon magpa-practice pa kami." Sabi pa ni Sage habang kumukuha ng baseball bat at t-shirt mula sa locker niya.


"Practice na naman? Diba nag-practice na kayo yesterday?" Pangungulit ni Shannon saka sumandal sa katabing locker ni Sage.


Hindi kumibo si Sage, para siyang naiirita kay Shannon na ewan. Malayong-malayo sa Sage na nakikita kong lubos na nangungulila kay Shannon ngayon. Malayo sa Sage na parang mahal na mahal si Shannon sa naunang video.


Biglang naputol ang video at makaraan ang ilang sandali ay biglang tamambad sa screen ang napakasayang mukha ni Kiana. Kapwa sila nagtatawanan ni Shannon habang silang dalawa lamang ang nasa mesa. Nasa isa silang restaurant kaya naman kahit tawang-tawa na ay kapwa nila hinihinaan ang mga boses nila.

Kiana looked so happy with Shannon...

"Ate 'wag mong i-zoom! Papanget ako!" Reklamo ni Kiana habang iniiwas ang mukha niya sa camera.


"Come on Kianski! You're already ugly!" Giit pa ni Shannon dahilan para pabirong kunin ni Kiana ang tinidor.


"Teka, di ba dadating si Ate Candy? Favorite restau niya 'to diba? Di mo ba ininvite?" Tanong ni Kiana sabay libot ng tingin sa kinaroroonan nila.


Narinig kong napabuntong-hininga si Shannon, "She's out with her boyfriend. We haven't even hung-out for awhile. Kaya ikaw Kiana, when you find someone, please don't lose yourself. Kahit may lovelife ka na, wag mong kakalimutan—" Biglang natigil sa pagsasalita si Shannon nang mahagip ng camera niya ang pagpasok ng Daddy niya kasama ang isang babaeng hindi nila kilala. Kumaway ang daddy nila sa kanila at agad na hinawakan ang kamay ng babaeng kasama.

"What the fuck dad..." Mahinang sambit ni Shannon at biglang pinatay ang video camera.


Nakakatamad isa-isahin ang mga video kaya dumiretso na ako sa second to the last. It was dated last year, month of August. When I started playing the video, nagulat ako nang makita ko si Shannon sa harapan ng camera. Ibang-iba na ang hitsura niya kumpara sa pinakaunang video na napanood ko. She lost weight, her eyes deepened, she looked depressed and tired.


"What the hell am I doing with my life..." Mahinang sambit ni Shannon saka napabuntong-hininga, "I double checked the list—triple checked them even. Sage and I... our first theory was right and the worst part, hindi lang dito sa Eastridge nangyayari ang mga misteryosong pagkawala. I checked the other cities and it turns out, every year, for the past 3 years, may isang dalaga ring nawawala sa tuwing buwan ng setyembre. And every girl who went missing is suicidal and has been in contact with the croaker. The Croaker is a suicide hotline for troubled teenagers. No one knows who he is or where he lives. Nalaman nga lang namin ang tungkol sa the croaker dahil sa flyers na nakikita namin sa school at support group na sinalihan ni Sage during his vulnerable times. I tried asking people to trace the croaker but he's untraceable. I tried telling the police but no one believes me... Sinubukan kong sabihin kay Sage pero wala na siyang pakialam... Everything... Everyone changed..." Nakita ko ang unti-unting pagbagsak ng luha ni Shannon, "Makikita nila... Papatunayan ko sa kanilang lahat na totoo 'to.. na ang tao sa likod ng The Croaker ay isang Serial Killer. Isang serial killer na ginagamit ang katauhan ng The Croaker para kumidnap ng mga babae." Dagdag pa ni Shannon at dala ang camera ay may isinulat siya sa whiteboard na tadtad ng mga pangalan at kung ano-anong newspaper clippings. Grabe, kinareer pala talaga niya ang pag-iimbestiga.


"THE CROAKER" Isinulat ito ni Shannon sa blackboard at binilugan.


Ie-exit ko na sana ang video nang may mapansin akong kakaiba sa mga nakasulat na pangalan sa whiteboard. I paused the video and zoomed it in. Tinitigan ko ng maigi ang nakasulat, iniisa-isa ko ang mga letra, nagbabakasakaling nililinlang lamang ako ng pangin ko... ngunit hindi. Totoo itong nakikita kong nakasulat sa whiteboard ni Shannon—MADDIESON PAREDES?


Hindi ko maintindihan, bakit nakasulat sa whiteboard ni Shannon ang pangalan kong may question mark pa. Kailanman ay hindi ko pa nakikilala si Shannon kaya paano niya malalaman ang pangalan ko?!

Could this be the reason why Mama killed her? Because she knew too much?


END OF CHAPTER 14.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro