Chapter 13: Tit for Tat
13.
Tit for Tat
Maddy
"Maddieson masasama silang tao! Ginagawa ko lang kung ano ang tama at kung ano ang hindi kayang gawin ng iba! Pinaparusahan ko sila sa mga kasalanan nila!"
"May dahilan ang lahat ng mga ginagawa ko, nanay mo ako kaya wala kang karapatang pag-isipan ako ng masama!"
"Iniluwal kita sa mundong 'to kaya gagawin mo ang gusto ko!"
Parang isang sirang plakang nagpapaulit-ulit sa isipan ko ang lahat ng mga sinabi sakin ni Mama noon. Ngunit hindi rin maalis sa isipan ko ang lahat ng mga nalaman ko tungkol kay Shannon... Ang lahat ng mga kwento nila tungkol sa kanya—kung gaano siya kabuting kaibigan, kapatid, anak at kasintahan. Kung mabait nga si Shannon, bakit siya pinarusahan ni Mama? At yung tungkol sa The Croaker? Mama never referred to herself as the croaker. Kung siya ang the croaker, dapat alam ko.
Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa notebook ni Shannon na magdamag kong pinagtutuunan ng pansin pagkauwing-pagkauwi ko dito sa apartment. Inisa-isa ko ang bawat pahina. Naghahanap ako ng rason kung bakit siya bibiktimahin ni Mama. Naghahanap ako ng kahit na anong kasuklam-suklam tungkol sa kanya ngunit wala akong mahanap. Hindi siya perpekto ngunit hindi naman siya isang masamang tao.
Napatingin ako sa mga kamay kong ayaw paring tumigil sa panginginig. Hindi parin ako mapakali. Mula nang makauwi ay magdamag akong nanatiling gising. Nakaupo lamang ako sa sahig at nakasandal sa dulo ng kwarto ko. Ayokong matulog o kahit ipikit man lamang ang mga mata ko. Natatakot ako sa mapapanaginipan ko. Natatakot ako sa maaring pumasok sa isipan ko. Napakabigat ng pakiramdam ko. Sumisikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko'y masisiraan na ako ng bait kakaisip sa lahat ng nangyayari.
Biglang bumalik sa isipan ko ang mukha ni Toshino habang hinahabol ko siya. Bumalik sa isipan ko ang takot sa mga mata niya. Ang tanong niya... Tinanong niya ako kung bakit ko iyon ginawa sa kanya, pero kahit ako, hindi ko rin alam ang sagot. Hindi ko maintindihan, bakit ko ba yon ginawa sa kanya?!
Marahas akong napasabunot sa sarili ko at paulit-ulit na inuntog ang ulo ko sa pader na sinasandalan ko. Tumigil lamang ako nang may maramdaman akong kung anong likido na umaagos pababa ng batok ko. Napahawak ako sa likod ng ulo ko at nakita kong dugo na pala ito.
Napabuntong-hininga na lamang ako at nanatiling nakaupo sa sahig habang hinahayaan ang dugong umagos mula sa ulo ko. Muli akong napatitig sa mga kamay kong duguan at nanginginig.
"Ate Maddy! Ate Maddy andiyan ka ba?!" Nagulat ako nang bigla kong narinig ang boses ni Kiana mula sa labas at kasabay nito ang walang tigil niyang pagkatok sa pinto.
Muling bumalik sa isipan ko ang luhaang mukha ni Kiana nang nasa playground kami. Iyak siya ng iyak dahil miss na miss na niya ang nasirang kapatid. Labis siyang nasaktan sa pagkawala ni Shannon at hanggang ngayon ay nasasaktan at nagdurusa parin siya... Kung tinulungan ko lang si Shannon noon. Kung hindi ako nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan. Kung sana may ginawa ako, maaring buhay pa ngayon si Shannon at hindi sila nasasaktan... Mas malala pa ako kumpara sa mga masasamang taong biniktima at pinarusahan ni Mama.
Si Mama at ako... Kami ang may kasalanan kung bakit sila nagdurusa ngayon. At ang masaklap, hindi naman sila masasamang tao.
"Ate Maddy!" Narinig ko ang paghagulgol ni Kiana mula sa labas kaya naman kahit nahihilo ay pinilit ko na lamang ang sarili kong tumayo.
Sa paglabas ko ng pinto ay natanaw ko si Kiana na naglalakad palayo. Naririnig ko siyang humihikbi at umiiyak, siguro dahil nalaman na niya ang nangyari kay Toshino.
"K-kiana..." Tinawag ko siya dahilan para agad siyang mapalingon sa direksyon ko.
Umiiyak man, dali-daling pinunasan ni Kiana ang luha niya at bigla na lamang nagtatakbo papalapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"B-bakit? Anong problema?" Pagmamaang-maangan ko na lamang at kahit hindi man ako sanay ay unti-unti akong yumakap pabalik sa kanya. Nakakailang pero hinaplos ko na lamang ang likod ng ulo niya habang hinahayaan siyang umiyak sa balikat ko.
"A-ate nawawala si Kuya Kalvin at Aiden! Hindi daw sila nakauwi sa mga bahay nila kagabi!" Humahagulgol niyang sambit dahilan para makunot ang noo ko.
"Baka naman si Toshino?" Tanong ko dahilan para agad siyang bumitaw sakin at kunot-noo kong tiningnan.
"Ha?" Naguguluhan niyang sambit.
"I.. I mean, kagabi kasi nahirapan akong hanapin si Toshino habang naglalaro kami ng taguan." Pagmamaang-maangan ko na lamang at pinunasan ang pisngi niya gamit ang sleeve ng jacket na suot ko parin mula kagabi.
"Ate akala ko nawala ka narin, sabi kasi nila bigla ka daw nawala nang naglaro kayo ng taguan. Ate natatakot ako, kahit sina Lily at Beltran nawawala narin gaya nila Kuya Kalvin at Aiden! Ate ayokong may mangyaring masama sa kanila," Muli na naman siyang napahagulgol at napayakap sakin, "Nawalan na ako ng kapatid, ayokong pati sina Kuya Kalvin at Aiden mawala rin."
Wala akong pakialam kay Kiana. Hindi siya mahalaga para sakin at kailanman ay wala akong balak na magkaroon ng kaibigan. Pero sa kabila nito ay nasasaktan akong makita siyang umiiyak lalo na't alam kong mabuti siyang tao at isa ako sa mga may kasalanan kung bakit siya nasasaktan.
"Ate?" Biglang bumitaw si Kiana sakin. Gulat na gulat siya habang nakatingin sa kamay niyang may bahid ng dugo. Nahawakan siguro niya ang dugong galing sa ulo kong may sugat.
"Nadapa ako at nauntog." Sabi ko na lamang.
"Ha?! Tara pumunta tayo sa ospital!" Natataranta niyang sambit at biglang hinigit ang kamay ko, "Ate bilis! Baka mahabol pa natin si Kuya Toto!"
"Anong Toto?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Si Kuya Toshino! Tara na, bago pa siya makaalis." Giit niya kaya agad kong inilayo ang kamay ko mula sa kanya at mariin siyang tiningnan sa mga mata.
"Toshino? You mean yung dambuhalang teddy bear na nagkatawang tao? Yung mahilig magsabi ng bangis! kahit wala namang mabangis? Yung nakasuot ng t-shirt na may mukha niya? Yung balahura?" Paninigurado ko dahilan para makunot ang noo niya.
"Sissy naman eh! Siyempre si Kuya Toshino nga diba?!" Inis niyang sambit, "Siya ang nagturo kung saan ka nakatira, hinatid pa nga niya ako dito!" Dagdag pa niya dahilan para magsitayuan ang balahibo ko.
Biglang lumapit si Kiana sa malaking bintana at tinanaw ang parking lot, "Teka? Ba't biglang nawala si Kuya Toto? Di ko narinig ang sasakyan niyang umandar ah?" Naguguluhan niyang sambit dahilan para lalo akong kilabutan.
Paanong makakarating dito si Toshino kung pinatay ko na siya kagabi? It doesn't make sense. This must be just a misunderstanding. That's right, a very big misunderstanding.
"Listen to me okay," Hinawakan ko ang pisngi ni Kiana, "No one's going to the hospital. We're going to school today as always and you will do nothing but pay attention to your lessons. You have nothing to worry about because Kalvin, Aiden, even Lily and Beltran are okay. You're not just Aning, you're praning too." Biro ko na lamang para kumalma siya.
"Sissy naman eh! Nang-aasar pa!" Inis niyang sambit.
Tumawa na lamang ako ng pilit, "Seriously Kiana, you're just being too scared. Everything will be okay." Pagsisinungaling ko kahit naniniwala ako sa kanyang may kakaiba ngang nangyayari sa lugar na'to. Pero sisikapin kong mahanap sina Aiden at Kalvin kung ito lang ang paraan para makabawi ako kay Kiana at sa kapatid niya.
"Pero Sissy—"
"Kiana, you have to trust me on this. Everything will be okay. You believe me right?" Tanong ko pa kaya wala siyang magawa kundi tumango-tango na lamang.
"Good, now go home and change for school." Sabi ko na lamang at pabiro siyang tinulak patungo sa direksyon ng elevator.
****
Mabigat man ang pakiramdam, taas noo akong naglakad papunta sa classroom habang nginingitian ang bawat estudyanteng tumitingin sakin ng kakaiba. Palibhasa kasi, suot ko parin ang pink shirt at denim jacket kong may bahid pa ng dugo ko. Sa kabila ng lahat, hindi parin ako mapalagay kaya naman imbes na magtungo ng diretso sa classroom ay dumaan muna ako sa locker ko upang kumuha ng tubig.
Sa pagbukas ko pa lamang ng locker ko ay agad na tumambad sa akin ang apat na polaroid picture at isang flash drive na ngayon ko lang nakita. Hindi ko alam kung gaano na ito katagal sa locker ko o kung kelan ito nilagay kaya dali-dali ko itong tiningnan ng isa-isa.
Ang isang litrato ay kay Lily, isang stolen shot habang naglalakad siya pauwi. Tiningnan ko ang likuran nito at nakita ko ang salitang DIE. Ang sumunod kong nakita ay ang stolen shot ni Kalvin habang nasa classroom at sa likod nito ay may nakalagay ay 5. May litrato rin si Beltran na kuha habang nag-aabang siya ng masasakyan at may nakasulat sa likod nitong SON. Huli kong nakita ang litrato namin ni Aiden habang nasa party, kuha ito noong nag-uusap kami tungkol kay Shannon. Binulugan ang mukha ni Aiden at nakalagay sa likuran nito ang numerong 1.
DIE. 5. SON. 1. Ito ang nakalagay sa bawat litratong nakatanggap ko. MAD naman ang mula sa litrato ni Naomi na nakuha ko noon.
MAD-DIE-SON – Ito ang resulta ng mga salita. Pero para saan ang mga numerong 1 at 5? I can't see any relevance with the numbers 1 and 5, even 15 and 51. Hay, mabuti pang kay Uncle Bob ako magtanong tutal madami yung alam... teka! Shit si Uncle Bob! Hindi ko pa siya napupuntahan!
Matapos kong ibinulsa ang flashdrive at ang mga polaroid ay dali-dali akong nagtatakbo pero nang malapit na ako sa gate ay laking gulat ko nang bigla na lamang may humarang saking isang pulis na may suot pang headphones. Ano nga ulit ang pangalan ng ugok na'to...
"Toyo?" Kunot-noo kong sambit sa kanya.
"Montoya!" Bulyaw niya sakin saka napabuntong-hininga, "Ikaw yung pamangkin ni Chief Inspector Bob diba?" Tanong pa niya kaya tumango-tango na lamang ako.
"Unfortunately." Sarkastiko kong sambit sabay ngiti.
"Pinapasundo ka niya sakin." Napipilitan niyang sambit at mukha pang naiirita.
"Okay then, carry my bag." Sabi ko na lamang sabay sabit sa braso niya ng color pink kong backpack.
***
Napapansin kong panay ang pagsulyap ni Detective Skylark sakin habang nagmamaneho siya kaya naman sa sobrang inis ay humarap na lamang ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Say what you want. Bring it on." Sabi ko dahilan para bigla siyang tumawa.
"Grabe ka, akala ko ang bait-bait mo dahil sa pananamit at demure mong kilos pero daig mo pa ang isang babaeng may period." Natatawa niyang sambit.
"Well that's what you get for judging my cuteness." Sabi ko na lamang sabay ngisi ng sarkastiko.
Bigla siyang napabuntong-hininga habang nakasentro ang tingin sa daang tinatahak namin, "Anong nangyari diyan sa ulo mo? Ba't may benda? At yang damit mo, wala ka bang balak na magbihis? May dugo pa oh? Hindi ka ba nandidiri?" Aniya kaya sarkastiko na lamang akong natawa.
"Ang totoo niyan, naubusan lang talaga ako ng pake. Pink you though." Sabi ko na lamang.
"Anong Pink you?" Kunot-noo niyang sambit pero hindi ko na lamang siya sinagot.
Nagtaka ako nang bigla na lamang niyang inihinto ang sasakyan at nang mapatingin ako sa labas ay mas lalo akong nagtaka nang mapagtanto kong nakahinto pala kami sa tapat ng isang laundry shop.
"'Wag ka nang magtanong." Walang emosyon niyang sambit at bigla na lamang lumabas ng sasakyan at pumasok sa laundry shop kaya naiwan akong mag-isa.
Napabuntong-hininga na lamang ako't napasandal sa kinauupuan saka pinagmasdan ang sarili kong repleksyon sa rearview mirror. Bigla na lamang bumalik sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Sage kagabi kaya napahawak na lamang ako sa labi ko.
"Bata, ano na? Asan na yung pinakukuha kong damit?" Bahagya akong napapitlag nang bigla na lamang tumunog ang maliit na radyong nakapatong sa glove compartment. Boses ni Palito 2015. Kawawang Skylark, alilang-alila.
Makaraan ang ilang sandali ay muli na namang tumunog ang radyo at muli kong narinig ang boses ni Palito 2015 mula sa radyo.
"Bumalik ka na dito sa estasyon bilis! May aksidente sa main highway at rerespondehan namin, kakailanganin namin ng dagdag na magbabantay dito lalo pa't may nagpadala na ng pares ng mga mata dito!" Aligaga pa nitong sambit.
Teka sandali, mukhang mapapakinabangan ko rin 'tong si Skylark Montoya ah....
Makaraan ang ilang sandali ay bigla siyang bumalik sa loob ng sasakyan dala ang isang supot na puno ng mga uniporme. Mukhang banas na banas na talaga siya sa pagiging sunod-sunuran sa kanilang lahat. Ayos, Skylark Montoya isa ka na ngayon sa mga baraha ko.
"Ba't ka nakangisi ng ganyan? Pinagnanasahan mo ako?!" Aniya habang kinakabit ang seatbelt niya.
"I'm not into cops sorry... but si Palito 2015, pinapabalik ka na sa station. ASAP." Sabi ko na lamang sabay turo sa radyo niya.
"Palito 2015?" Bigla siyang humagalpak kakatawa.
"It's not that funny." Sabi ko dahilan para samaan niya ako ng tingin.
Pagkarating na pagkarating namin sa Eastridge Police Station ay siya namang pag-alis ng mga pulis na animo'y may rerespondehang aksyon. Kitang-kita ko ang inis at inggit sa mukha ni Skylark dahilan para patago akong matawa.
Malakas-lakas ang ulan kaya naman nagtatakbo na kaming dalawa papasok sa station. Hay, Gaano ba kalaki ang aksidenteng nangyari at iilang pulis nalang ang natitira dito? Grabe, kawawa naman ang mga nakatira sa lugar nato kung biglang sumugod dito ang napakaraming zombie o di kaya bandido.
"Asan si Uncle?" Tanong ko kay Skylark na agad naupo sa personal niyang mesa.
"Mukha ba akong hanapan ng nawawala?" Sarkastiko niyang sambit sabay ngisi na para bang gumaganti.
"Well played... You're still a loser though." Sabi ko na lamang at nagdire-diretso sa office ni Uncle na nasa pinakahulihang bahagi ng ikalawang palapag. Pag si Uncle wala dito, bibigwasan ko talaga ang bilbil niya.
Hindi na ako kumatok pa sa opisina ni Uncle. Dire-diretso akong pumasok at nakita ko si Uncle bob na nakaupo sa likuran ng desk niya. Mukhang masyadong napagod si Uncle Bob at natutulog sa trabaho, ang desk pa ang ginawang unan.
"Uncle bawal matulog!" Pabiro kong sambit ngunit sa bawat paghakbang ko papalapit sa kanya ay may unti-unti akong napapansing kakaiba.... May dugo... May dugo sa desk kung saan nakapatong ang ulo ni Uncle Bob.
Parang bumagal ang oras sa bawat paghakbang ko. Palakas na naman ng palakas ang kabog ng dibdib ko at nakakaramdam na naman ako ng matinding kilabot.
"Uncle Bob?" Muli kong sambit ngunit ni katiting na galaw ay hindi man lang niya ginawa. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang magkabilang balikat niya at hinila siya hanggang sa makaupo.
Napasinghap na lamang ako nang makita kong nakatirik na ang mga mata niya't hindi na siya gumagalaw. Nagkalat ang dugo at mistulang nanggagaling ito sa bibig niya.
"Uncle Bob, wala namang ganyanan! Uncle Bob! Uncle Bob utang na loob naman may sasabihin ka pa sakin!" Nataranta ako at paulit-ulit na tinapik ang pisngi niya gamit ang palad ko. Wala akong pakialam kahit na mapunta na sakin ang dugo.
Napatingin ako sa noo niya at nakita kong nakasulat rito ang mga katagang "TIT FOR TAT" gamit ang itim na tinta at mayroon ding guhit ng maliit na puso sa sentido niya.
"Teka anong nangyayari—" Napalingon ako sa pinto at nakita ko ang gulat na si Montoya kasama ang dalawa pang pulis.
Hindi na ako makapagsalita pa. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya binitawan ko na lamang si Uncle at naglakad palabas habang dali-daling nilapitan nila Montoya si Uncle—Ang bangkay ni Uncle.
Para akong tinakasan ng lakas habang naglalakad palabas sa opisina ni Uncle. Gusto kong mag-isip pero walang ibang makabuluhang pumapasok sa isipan ko. Oo nga't hindi ko pa masyadong kilala si Uncle pero sa kabila nito ay alam kong nagmamalasakit siya sakin. Ramdam ko. Masakit mang aminin pero mas nararamdaman ko ang malasakit niya sakin kesa sa mama ko.
Bigla kong nakita ang interrogation room at namuo sa isipan ko ang isang ideya.
"Skylark Montoya!" Sumigaw ako ng ubod ng lakas dahilan para dali-daling siyang lumabas mula sa opisina ni Uncle at mapatingin sa direksyon ko.
"We need to talk!" Dagdag ko pa sabay turo sa interrogation room.
END OF CHAPTER 13.
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro