Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12: The Game Changer

Warning: Rated SPG... I think? Lols


12

The Game Changer

Maddy


"It's okay. You did what's right. Mama will be proud... Mama will be proud." Paulit-ulit kong sambit sa sarili ko habang nakatitig sa salamin. Matapos manghilamos ay lumabas na lamang ako mula sa banyong nahanap ko at bumaba sa hagdan.


Naririnig ko parin ang napakalakas na musika at sigawan mula sa baba. Gaya kanina ay nagkakasiyahan parin ang lahat. Ewan ko nalang sa mga naglalaro parin ng taguan. Bahala sila, hindi ko sila hahanapin. Mabulok sila sa pinagtataguan nila.


Naglalakad ako sa pasilyo ng pangalawang palapag nang bigla akong mapasulyap sa isang kwartong nakabukas. Teka ba't may bedroom dito?


Nakunot ang noo ko nang makita ko ang isang lalaking nakaupo sa nakabukas na bintana. Nakatikod siya mula sa akin pero siguradong-sigurado ako kung sino ito... si Sage.


Pumasok ako sa kwartong kinaroroonan niya at sinara ang pinto dahilan para mapalingon siya sakin. Bwisit, mas mapapadali sana ang pagpatay ko sa kanya kung hindi niya ako napansin.


"Baka malaglag ka diyan." Walang emosyon kong sambit sa kanya at isinilid ko sa bulsa ng jacket ang kamay kong nanginginig parin dahil sa ginawa ko kay Toto.


"Alam mo bang ang bintana 'to ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Shannon?" Bigla niyang sambit saka ngumisi. Pulang-pula ang mukha at mga mata niya, at mula pa lang sa tono ng pananalita niya ay halatang lasing na siya.


Lumapit ako sa kanya at napasandal rin sa bintana, "Anong nangyari?" Tanong ko na lamang kahit wala naman akong pakialam.


Nanatiling nakatitig si Sage sa kalangitan habang nakangiti, "3rd year kami at kaka-transfer ko lang. Hindi ko na matandaan kung bakit pero ako ang parating pinagdidiskitahan ng lahat. Milagro nalang kung hindi ako nakakatanggap ng suntok o kahit na anong pasa sa isang linggo. Kahit sa bahay, gagong-gago rin ako dahil sa tiyuhin ko. Para akong pinagkakaisahan ng buong mundo hanggang sa isang araw ay muntikan akong magpakamatay—"


"And Shannon saved you?" Sarkastiko kong tanong.


Biglang tumawa si Sage at umiling, "Parang oo, na parang hindi. Nilapitan niya lang ako para sabihing hindi ko ikakamatay ang pagtalon dito. Na kung gusto kong mamatay ay doon dapat ako sa rooftop." Muli siyang tumawa na para bang may naalala, "Ah oo nga pala, ninakaw niya rin ang kwintas na binigay sakin ng nanay ko kaya imbes na tumalon ay hinabol ko na lamang siya ng hinabol—tangina ba't ako lang ang nagk-kwento, ikaw? Ba't mag-isa ka lang dito sa Eastridge?" Dagdag pa niya kaya napangiti na lamang ako't umiling-iling.


"Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan but part of it is pretty confidential." Pabiro kong sambit.


Bumaba si Sage mula sa bintana at naupo sa isang bedside table na malapit lang sakin, "Ano? Nagtatago ba kayo sa batas?" Natatawa niyang sambit dahilan para mawala ang ngiti sa labi ko.


"Gusto mo ba talagang mamatay?" Banta ko sa kanya pero lalo lamang siyang tumawa at kinuha ang isang maliit na bote ng alak at walang kagatol-gatol na uminom mula rito.


Matapos punasan ang labi niya gamit ang sleeve ng polo niya ay muli siyang ngumisi, "Gusto ko pero putangina, hindi pa nabibigyan ng hustisya ang nangyari kay Shannon."


"I don't get it, ba't sabi ng mga pulis, patay na ang the croaker?" Napakamot na lamang ako sa ulo ko.


"Because that's what they want everyone to believe! But I know for sure that the fucking Croaker is out there looking for victims again! And it won't be long until another lost soul is murdered!" Nanggagalaiting sambit ni Sage at laking gulat ko nang bigla na lamang niyang hinagis ang bote sa dingding dahilan para agad itong mabasag.


"Dude you've had too much to drink. Stay calm." Sabi ko na lamang habang hindi pinapahalatang natakot ako sa biglang pagbabago ng ugali niya.


"I won't stay calm until the person who killed Shannon is still alive!" Aniya kaya napabuntong-hininga na lamang ako.


"Then let's find the croaker and kill him." Suhestyon ko dahilan para kumurba ang isang maliit na ngiti sa mukha niya. Lasing na siya, hindi ko na mabasa ang ibig sabihin ng bawat kinikilos niya. Hindi ko alam kung makatotohanan ba ang ngiti niya o sarkastiko.


"That's what she said." Aniya sabay sapo sa batok niya, "Kamusta pala kayo ng ermats mo? Balita ko mula kay Candy, hindi kayo masyadong magkasundo." Pasuray-suray niyang sambit kaya napangiwi na lamang ako.


"Mali si Candy!" Giit ko, "Magkasundo kami ni Mama at mahal na mahal niya ako!" Pagtatama ko.


Biglang tumawa si Sage at nilapitan ako, tinangka kong umatras mula sa kanya dahil hindi ko matagalan ang pangangamoy alak niya pero nagawa niya paring maabot ang magkabila kong pisngi upang pisilin ito.


"Ang cute mo talaga pag naiinis ka!" Natatawa niyang sambit kaya naman agad kong winakli ang kamay niya.


"Sagey please! I'm cute 24/7!" Giit ko na lamang saka bahagyang humakbang paatras mula sa kanya.


"Maganda ka, hindi cute." Natatawa niyang sambit kaya napairap na lamang ako at napahalukipkip.


"My mother loves me. She can be tough and cruel but it's my fault too that's why im doing my best to make her proud now. I want to prove her that I'm worthy to be her daughter." Sabi ko na lamang saka napaupo sa hulihang bahagi ng kama.


"Wala kang dapat patunayan kasi ang mga nanay, mahal nila ang mga anak nila kahit na anong mangyari." Giit niya saka naupo sa tabi ko.


"You clearly haven't met my mama." Napabuntong-hininga na lamang ako at napatingin sa kawalan, "Alam mo ba yung pakiramdam na kahit na anong gawin mo, lahat ng ginagawa mo mali... Na ginawa mo na ang lahat kahit labag sa kalooban ko pero hindi parin sapat... Napakabigat sa pakiramdam. Alam kong hindi ko 'to dapat maramdaman pero kahit na anong pagbubulag-bulagan at pagbibingihan ko, alam ko na sa sarili kong wala talaga akong kwenta para sa kanya... Gusto ko lang naman siyang maging masaya at magustuhan ako, masyado bang mahirap 'yon?"


"Malas natin no?" Nakangiting sambit ni Sage at mula sa gilid ng mga mata ko'y napansin kong humarap siya sa akin kaya napaharap din ako sa kanya.


"Sinabi mo pa." Natawa na lamang ako, "My life sucks."


"Lalo na sakin." Giit ni Sage.


"Nope! Akin!" Giit ko.


"Hindi! Mali ka! Mas masaklap ang buhay ko!" Katwiran ni Sage na mariing nakatitig sa mga mata ko.


Tumitig ako pabalik sa mga mata niya at sinamaan siya ng tingin, "No! You have no idea—" Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Wala na akong nagawa pa nang bigla na lamang akong hinalikan ni Sage.


Gusto ko siyang itulak palayo ngunit nagulat na lamang ako nang namalayan ko ang sarili kong sinasagot ang bawat malalim at mapusok niyang halik. Unti-unti akong napapikit. Mistula akong nadadala sa animo'y nakakalasing niyang halik hanggang sa napapikit na lamang ako't napahawak sa batok niya.


Amoy na amoy ko ang alak mula sa hininga niya. Alam kong nagagawa lamang niya ito dala ng kalasingan pero hindi ko parin magawang pakalmahin ang puso kong napakabilis na sa pagtibok.


Hindi ko napigilang mapasinghap nang maramdaman ko ang mga kamay ni Sage na humawak na bewang ko. Habang tumatagal ay napapansin ko ang mas lalong paglalim ng bawat halik niyang patuloy ko rin namang tinutugon.


Makaraan ang ilang sandali ay humiwalay ang labi ni Sage mula sakin dahilan para kapwa kami magkaroon ng pagkakataon upang habulin ang hininga namin.


Sa isang iglap ay natagpuan ko ang sarili kong nakahiga na sa kama habang nakapa-ibabaw sakin si Sage pero sa kabila nito ay nakasandal ang mga braso niya sa bawat gilid ko na animo'y ginagamit niyang suporta upang wag akong madaganan. Namalayan ko na lamang na wala na palang suot na pang-itaas na damit si Sage at hindi ko narin suot ang jacket at pink t-shirt ko.


Patuloy parin kami sa pagpapalitan ng napakalalim at mapupusok na halik. Nakapulupot ang braso ko sa leeg niya at marahan kong hinahaplos ang batok niyang napakainit na. I couldn't help but to give out a moan when I felt his lips went down from my lips, to my neck and down to my chest. Hindi ako mapalagay sa init ng sensyasyong dulot ng pagdantay ng labi niya sa balat ko.


"Shit!" I can't help but to curse when I felt his hands trying to tug my pants.


It was as if Sage noticed that I started to feel discomfort. Muli niyang isinandal ang kamay sa gilid ko samantalang ang kabila naman niyang kamay ay humawak sa pisngi ko. He kissed me again—We kissed again. We kept on sharing passionate kisses without discomfort or even care on this messed up world. It was as if Sage and I had our own world, our own rhythm in mind.


Nang maghiwalay ang mga labi namin ay naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko, "Mahal na mahal kita." Bulong pa niya dahilan para mapangiti ako at mapapikit. Ang sarap pala sa pakiramdam na marinig ito mula sa iba.


"Mahal na mahal kita Shannon..." Muli niyang sambit dahilan para magising ako sa kahibangang ginagawa namin. Para akong sinampal ng katotohanang, alak lang naman ang puno't dulo nito.


"Sage stop... Sage you're drunk." Itinulak ko na lamang siya palayo at napaupo na lamang ako sabay pulot ng pink shirt kong tinapon niya kanina sa sahig.


Matapos makapagbihis at makapag-ayos ng kaunti habang nakaupo parin sa kama ay nilingon ko si Sage na ngayo'y nakadapa na sa kama at tulog na pala, ang loko humihilik pa.


"Stupid." Napabuntong-hininga na lamang ako at kinuha ang nakatuping kumot sa ibabaw ng aparador saka itinapon ito sa direksyon niya. Siya na ang maglagay ng kumot sa sarili niya, bahala siya. Aalis na sana ako pero bigla kong napansin ang isang wallet sa kama. Nalaglag siguro ito mula sa bulsa ni Sage kanina.


I can't help but to feel curious nang mapansin kong nakabukas ang wallet ni Sage at bahagya kong nasisilayan ang isang litrato sa loob—si Sage habang yakap mula sa likod ang isang babaeng animo'y pamilyar sa paningin ko. Pinulot ko ang wallet at tiningnan ang litrato ng malapitan.


Sa isang iglap ay muling bumalik sa isipan ko ang mga eksena sa panaginip ko—ang nagmamakaawang babae, ang pagpapahirap sa kanya ni Mama, ang mga iyak niya.... Nakaramdam ako ng matinding kilabot sistema ko't nagsitayuan ang balahibo ko. Nanlaki ang mga mata ko't napahawak na lamang ako sa bibig ko nang mapagtagpi-tagpi ko ang lahat sa isipan ko... Ang babaeng biniktima namin ni Mama at si Shannon ay iisa.



END OF CHAPTER 12

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


With love and floorwax,

Nanang Hamogski <3


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro