Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11: What she'll always be

11.

What she'll always be

Maddy


Natagpuan ko ang sarili kong nakatayo na naman malayo sa lahat. Hindi ako nakikita ng mga nasa baba, pero dito sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko silang lahat. Napabuntong-hininga na lamang ako at isinandal ang katawan ko sa railings.


Naramdaman kong may sumundot sa balikat ko kaya nasapo ko na lamang ang ulo ko sa inis.


"Sage okay lang sabi ako!" Giit ko at nang lingunin ko siya'y nagulat ako nang mapagtantong si Aiden pala ang sumunod sakin dito sa second floor.


"Relax Maddy, Tubig oh." Nakangiti niyang sambit sabay abot sakin ng bottled water kaya tinanggap ko na lamang ito.


Tiningnan ko ang mga nasa baba at nakita kong nag-uusap-usap sina Sage, Candy at Toshino. Para silang nagtatalo habang pasulyap-sulyap sa direksyon ni Kiana na nag-iisa lamang sa isang tabi.


"Nag-iisa lang si Kiana, puntahan mo." Pabiro kong sambit sabay siko kay Aiden.


"Ba't ko naman pupuntahan si Inday Asul?" Kunot-noo niyang sambit na animo'y nagmamaang-maangan.


"She's Shannon's sister and you are Shannon's friend. You should help her feel comfortable around here." Pagmamang-maangan ko nalang din. Baka mamaya mabulgar pang nasaakin yung personal notebook ni Shannon pag sasabihin kong may alam ako sa nararamdaman niya para kay Kiana.


"Maddy salamat nga pala." Bigla niyang sambit kaya ako naman ang napakunot ang noo't napasulyap sa kanya. Nakatitig pala siya sa direksyon ni Kiana.


"Para saan?" Tanong ko.


"Kasi sinamahan mo si Kiana kagabi at pinakinggan." Aniya at ngumiti ng tipid.


"Teka sinundan mo kami kagabi?" Tanong ko pa at tumango siya bilang sagot.


"Si Kiana, ang laki ng pinagbago niya pagkatapos mawala ni Shannon. Oo nga't nagagawa niyang ngumiti pero alam kong gabi-gabi parin niyang iniiyakan ang mga nangyari. Alam kong sinisisi niya kami pero mas sinisisi niya ang sarili niya. Kami nila Candy, sinusubukan naming maging kaibigan para kay Kiana sa takot na magaya si Kiana kay Shannon pero balewala. Mabuti nalang talaga at nandiyan ka para maging kaibigan ni Kiana." Aniya kaya tumango-tango na lamang din ako.


"Sa tono ng pananalita mo... May gusto ka sa kanya no?" Pasimple kong tanong at muli siyang ngumiti sakin.


"Halata ba?" Aniya.


"Yup." Pagsisinungaling ko. Kesa ba naman sabihin kong, malay ko ba nakita ko lang sa notebook ni Shannon eh.


"Alam ba ni Kiana?" Usisa ko.


Umiling si Aiden, "Hindi ko nagawa dahil ayaw ni Shannon."


"But Shannon's dead now, pwede mo na siyang ligawan." Sabi ko na lamang dahilan para agad na mawala ang ngiti sa mukha ni Aiden, "Or not." Bawi ko na lamang.


"Guys guys guys!" Nagulat kami ni Aiden nang bigla na lamang dumating sa kinaroroonan namin sina Toshino, Candy at Sage na may dala-dalang mga roller skates.


"Yes! Kanina ko pa to hinihintay!" Sigaw ni Aiden at bigla na lamang inagaw ang roller skates mula kay Toshino.


"And for you birthday girl," Biglang inabot ni Candy sakin ang isang kulay pink na roller skate, "Pink, just the way you like it."


"Para saan to?" Naguguluhan kong sambit.


"Maddy this is an abandoned skating rink after all." Natatawang sambit ni Candy at bigla na lamang binuksan ang malaking pinto sa likuran ko. Walang pag-aalinlangan silang nagtatakbo papasok kaya wala akong nagawa kundi sumunod na lamang sa kanila.


"Woah!" Nagulat ako nang makita ko ang napakalawak na kwartong napapalibutan ng pabilog na railings na gawa sa bakal. Napakalaki ng buong kwarto, come to think of it, para siyang hindi kwarto lalong-lalo na't gawa sa salamin ang kisame kaya naman kitang-kita namin ang mga bituwin sa kalangitan.


***


(Chapter theme on the multimedia box)


"Kaya mo yan Maddy!" Narinig kong nagsisigawan at nagtatawanan sina Toshino at ang iba pang enjoy na enjoy na sa pags-skate samantalang ako, heto at nakakapit sa railings dahil malapit nang matumba. Kakasuot ko pa lang ng roller skates at ni isang hakbang ay halos hindi ko pa nagagawa.


Akala ko kami-kami lang ang nandito para mag-skate pero nagsidatingan din ang iba pa naming schoolmates at ang ilan sa kanila ay painom-inom pa ng beer habang nags-skate.


"Don't be scared Little Pink Riding hood. Just hold my hand."

Napalingon ako at nakita ko si Sage na nakangisi. Walang kahirap-hirap niyang nababalanse ang sarili niya at nagpapaikot-ikot pa siya na para bang inaasar ako.


"Ayoko! Dito nalang ako!" Giit ko at mas humawak pa ng mahigpit sa railings. Parang tambol na ang tibok ng puso ko dahil sa kaba, pakiramdam ko madadapa na ako at hindi na makakatayo pa.


"Dali na!" Natatawa niyang sambit at muling iniabot ang kamay niya sakin.


"Madadapa ako!" Bulyaw ko sa kanya.


"Kaya nga humawak ka sa kamay ko! Hindi tayo matutumba, pangako!" Nakangiti niyang sambit at mas inilapit pa sakin ang kamay niya.


"Go Ate Maddy!" Narinig kong may sumigaw mula sa pinto. Si Kiana pala, may hawak siyang isang video camera at nakatutok ito sakin. Napakalapad ng ngiti sa mukha niya habang chini-cheer ako.


Napatingin ako sa direksyon nila Candy at nakikita ko silang nagsisigawan rin para palakasin ang loob ko. Punyeta naman, ano bang kaartehan to?! Isa akong serial killer! Ba't may ganito?!


"Ang babaho talaga ng mga mukha niyo!" Napairap na lamang ako't kahit labag man sa kalooban ko'y napahawak na lamang ako sa dalawang kamay ni Sage.


"Cute kami!" Natatawang giit ni Sage at dahan-dahang akong hinila habang papaatras siya.


"Dahan-dahan lang! Baka madapa ako!" Sigaw ko habang tinitingnan ang dahan-dahang paggalaw ng mga paa kong nangingnig na.


"Dahan-dahan lang talaga 'to!" Tawa parin ng tawa si Sage at mas hinigpitan pa ang hawak sa mga kamay ko.


Narinig kong nagpalakpakan at nagsigawan na naman ang lahat, turns out nakatingin na naman pala silang lahat sakin. Bwisit!


Napalunok ako't napatingin sa mga kamay ko. Kahit ito ay nanginginig parin pala ng sobra.


"Natatakot ka ba?" Mahinang sambit ni Sage at this time hindi na siya tumatawa. Napatingin siya sa mga mata ko kaya napatingin ako dito pabalik. Seryoso na siya sa tanong niya.


"Sobra." Napakagat na lamang ako sa labi ko at tumango-tango.


Tumango-tango si Sage at dahan-dahan akong hinila hanggang sa makarating kami sa railings, malayo sa kanilang lahat.


Napabuntong hininga ako at napahawak ng mahigpit sa railings. Napakalakas parin ng tibok ng puso ko at damang-dama ko parin ang kaba sa sistema ko kaya napapikit na lamang ako't paulit-ulit na huminga ng malalim.


"Why am I so fucking weak." Gigil kong sambit at napasipa na lamang sa bakal.


"Maddison... Lahat tayo, may kinakatakutan." Giit ni Sage at gaya ko ay sumandal rin siya sa railings.


Idinilat ko ang mga mata ko at napatingin ako sa kanya, "But I shouldn't be like this! I shouldn't be weak! I shouldn't be pathetic! I shouldn't be scared! I can't disappoint my mother—"


"Being scared isn't a sign of weakness. Being scared doesn't make you pathetic. Mas nakakatakot kung wala kang kinatatakutan dahil ibig sabihin nito, walang nang natitirang mahalaga sayo." Giit niya at tinitigan ako pabalik dahilan para umiwas ako ng tingin.


"Ang oa mo pramis." Biro ko na lamang.


"Payong normal 'yon!" Taas noo niyang pagmamalaki sabay pogi-pose.


"So may payong abnormal pala?" Sarkastiko kong tanong.


"Ate Maddy come on! Ako nalang magtuturo sayo!" Kapwa kami napalingon ni Sage at nakita namin si Kiana na may napakalapad na ngiti habang nakatingin sakin. Inabot niya ang kamay niya sakin kaya napahawak ako rito.


"Ingat Kiana, nangangagat 'yan." Natatawang sambit ni Sage pero ngumiti lang si Kiana ng tipid.


"I bet Kiana's a better roller skating teacher than you." Biro ko na lamang kay Sage at nagpadala kay Kiana sa paghila sakin.


***


"You ready? I'm letting go now Ate Mads..." Nakangiting sambit ni Kiana matapos ang pero agad akong umiling-iling. Kahit na pinakalma at tinuruan na ako ni Kiana kung paano balansehin ang sarili ko sa rollerblades, natatakot parin ako. Hindi ko narin mabilang kung ilang beses na akong nadapa sa araw na'to, sakit na ng paa ko.


"Sandali, Wag muna!" Tumawa na lamang ako para wag ako masyadong magmukhang kawawa.


"Alam mo bang ganyan din ang sinasabi ko kay Ate Shannon noong tinuturuan niya pa lang akong mag-skate? Sissy, Gaya mo takot na takot rin ako pero tingnan mo ako ngayon?" Aniya kaya matapos huminga ng malalim ay dahan-dahan akong napabitaw kay Kiana hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong nakatayo na gamit ang sarili kong paa.


"Oh my God! I did it!" Hindi ko napigilang mapasigaw sa tuwa sabay angat ng mga kamay ko.


"Yes you did Sissy!" Natatawang sambit ni Kiana at niyakap ako ng mahigpit.


"We did it! We did it! We did it! Yay! Lo hicimos! We did it!" Bigla na lamang bumirit sina Toshino, Aiden at Candy na nakatingin pala sa amin kaya napakamot na lamang ako sa ulo ko at nag-skate patungo sa railings.


"Wow naman! Galing mo na ate mads!" Pinalakpakan ako ni Kiana na sumunod agad sakin.


"Tse! Kausapin mo ang mga pasa ko!" Giit ko sabay turo sa tuhod kong napakasakit. Andaming beses kong nadapa sa araw nato. Leche.


"Mga chicks! Kapit sa abs ko!" Lumapit sa amin si Toshino, buti pa 'tong teddy bear nato, ang galing magbalanse sa sarili.


"Chicks plus Pig equals syntax error!" Pangangantyaw ni Candy kaya agad siyang hinabol ni Toshino. Ang baliw namang si Candy, sa likuran pa ni Aiden nagtago kaya para tuloy silang mga timang na naghihilahan.


"Teka nasaan si Sage?" Tanong ko nang mapansin kong wala na siya sa kinaroroonan namin.


"Probably getting drunk and wasted with the other idiots from school." Walang emosyong sambit ni Kiana kaya ngumiti na lamang ako at inakbayan siya.


Biglang lumapit sa amin sina Candy na nagtutulakan pa habang nags-skate, palibhasa ang galing na nilang bumalanse sa mga sarili nila.


"Nakakabagot na mag-skate, laro tayo ng taguan!" Sabi ni Toshino kaya nagkatinginan kaming lahat.


"Si Birthday girl ang taya!" Sabay-sabay nilang sigaw kaya napangiwi na lamang ako.


***


"—4...3...2...1..." Matapos akong magbilang mula isang daan ay tumalikod ako mula sa pader na sinasandalan ko at napabuntong-hininga.


1 versus many, how nice. Nag-iisa lang ako at marami-rami silang kailangan kong hanapin. Nakakainis, andami rin naman kasing nakisali. Buti nalang talaga at second at third floor lang ang pwedeng pagtaguan but then again, for sure mahihirapan parin ako since napakalaki ng buong building at napakarami pang mga kwarto. Baka maligaw ako ng wala sa oras, bwisit.


Umakyat ako sa pangatlong palapag at sumalubong sakin ang nakabibinging katahimikan. Kinikilabutan ako dahil sa aura at katahimikan pero sa kabila nito ay hindi naman masyadong nakakatakot dahil nakabukas naman ang lahat ng mga ilaw, 'yun nga lang kaliwa't kanan ang mga sapot ng gagamba at dumi sa buong paligid.


Naisipan kong unang magtungo sa pinakahuling pinto at nagulat ako nang mapagtanto kong isa na naman pala itong napakalaking kwarto na may napakaraming kwarto sa loob. Para siyang dormitory na ewan. Ang weird naman ng lugar na'to.


Matapos mai-lock ang unang pintong pinasok ko ay Isa-isa kong binuksan ang mga kwarto at wala akong nakitang kahit na sino sa loob. Naguguluhan na ako dahil sa dami ng kwarto kaya pero sa kabila nito ay hindi ako sumusuko. Nang makarating ako sa hulihang kwarto ay narinig kong may tumatawa mula sa loob. More like giggle na parang pinipigilan.


Hindi ko mapigilang ngumisi. Tutal malayo-malayo naman kami mula sa lahat, pwede ko na sigurong gawin ang kahit na anong gustuhin ko.


Walang kagatol-gatol kong pinasok ang kwarto at napagtanto kong isa pala itong lumang opisina. Binuksan ko ang ilaw at nilibot ang paningin.


Lalo akong napangisi nang mapansin ko ang pares ng mga paang lumalabas mula sa kurtina. Sino ba 'tong tangang nagtatago sa likod ng kurtina at ni hindi man lang napansin na masyado itong maikli.


"May tao ba dito? Hmmm.. Mukhang walang tao... Malas!" Umarte ako na parang dismayado at muli ko na namang narinig ang pigil na hagikgik na nagmumula sa likod ng kurtina.


Dahan-dahan akong lumapit sa kurtina at kinuha ang kutsilyo na tinatago ko sa paanan ko.


"Found you!" Sumigaw ako ng malakas at agad na hinawi ang kurtina dahilan para tumambad sa harapan ko ang humahagikgik at pawisan nang si Toshino. Ngunit agad na nawala ang ngiti sa mukha niya nang makita ang hawak kong kutsilyo na nakatutok na sa kanya.


"M-maddy?" Nauutal niyang sambit na animo'y pinipilit ang sarili niyang tumawa.


"You better go to the base and save yourself... literally..." Ngumisi ako at isinandal ang talim ng kutsilyo sa labi ko.


Tumakbo siya at tumawa ng pilit ngunit sa kabila nito ay kitang-kita ko ang gulat at kalituhan sa mukha niya. Hinayaan ko siyang tumakbo habang hinahabol ko siya sa pamamagitan ng paglalakad ng mabilis.


Paulit-ulit na lumilingon sakin si Toshino habang tumatakbo. Tumatawa man, nakikita kong nagsisimula na talaga siyang matakot lalo na nang itinaas ko ang kutsilyo na animo'y sasaksakin na siya.


"Takbo Toshino! Takbo!" Sumigaw ako ng napakalakas dahilan para mapasigaw si Toshino at kumaripas pa lalo ng takbo.


"Toshino, I'm the predator and you're the prey. You can run all you want but I'll still find a way to get to you... I'm like a Cat when it comes to my prey, I play with my prey first before I take in for the kill." Bahagya akong tumawa at mas binilisan pa ang paghabol sa kanya, "But then again, you can consider me as a butcher since you're my pig now..."


"Tulong! Tulong!" Naririnig kong mangiyak-ngiyak nang sumisigaw si Toshino at nang tuluyan ko siyang maabutan ay nakita kong kinakalampag na pala niya ang pinto na inilock ko kanina.


"Scream all you want but no one will hear you." Panunuya ko dahilan para mapalingon siya sakin.


Nang makita ako ni Toshino na papalapit sa kanya ay wala siyang ibang ginawa kundi tumili nang tumili habang kinakalampag ang pinto.


"Sorry Toshi-kins... Nothing personal." Wika ko nang tuluyang akong makatayo sa mismong likuran niya.


Humarap siya sakin at wala akong ibang nakita sa mga mata niya kundi matinding takot. Ngumisi ako at walang kagatol-gatol na sinaksak sa sikmura niya ang kutsilyong hawak ko.


"B-bakit?" Nauutal niyang sambit at kasabay nito ang unti-unting pagpatak ng luha mula sa mga mata niya.


"Kasi bwisit ka at—" Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Sa isang iglap ay bigla akong naramdam ng kurot sa puso ko. Hindi ko na kayang tingnan pa siya sa mga mata kaya napatingin na lamang ako sa kawalan inikot ang kutsilyo dahilan para umalingawngaw ang napakalakas niyang palahaw dahil sa labis na sakit.


Naramdaman ko ang paghawak ng napakalamig at nanginginig niyang kamay sakin kaya wala akong magawa kundi mapatingin sa mga mata niya.


"Bakit?" Hirap na hirap niyang sambit at nakita ko ang patuloy na pag-agos ng luha mula sa mga mata niya.


Napapikit na lamang ako't dinukot ang kutsilyo at muling isinaksak sa sikmura niya upang matahimik siya. Naramdaman ko ang unti-unti niyang pagbitaw sa kamay ko hanggang sa marinig ko siyang sumisinghap na animo'y hirap na hirap ng huminga. Labis na ang paningingnig ng mga kamay ko kaya binitawan ko na lamang ang kutsilyo at hinayaan ang katawan niyang bumagsak sa sahig.


Huminga ako ng malalim at ikinuyom ang kamao ko.

I am Maddieson Paredes. I am my Mother's daughter and I should be strong.

I shouldn't be weak and pathetic.

I am my mother's daughter.

Mama will be proud.



END OF CHAPTER 11.

Nanang's Note: Ako ay magtatago muna sa El Dorado. Ahehehe. As the cliche saying goes, everything happens for a reason. <333

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro