Second
Lumipas ang ilang buwan at nakita ko na rin ang matagal ko nang hinahanap. She's fun and carefree with a touch of wild in her. Free-spirited, spontaneous at hindi clingy. Kapag nagkakamali ako, she puts me in my place. Kapag kasalanan ko, kasalanan ko. Kabaliktaran ng nauna.
Dala nya ang pagbabagong matagal ko nang inaasam. At unti-unti, nahulog ako sa kanya. Hulog na hulog. Sa kanya ko naranasan ang magselos kapag may ibang lalaking lumalapit o kumakausap sa kanya. I check on her every now and then and when she's not around, I fear for my heart for she might break it anytime. Nasa kanya kasi ang puso ko. It may sound corny but it's true. I gave her the license to hurt me.
Madalas nya akong saktan, physically and emotionally. Mahilig syang manapak. Ang gaan-gaan ng kamay nya na madalas lumapat sa braso at mukha ko. Kapag galit sya, hindi sya nagdadalawang-isip na gawing punching bag ang katawan ko. Dalawang beses na rin yata akong umiyak nang dahil sa kanya. She knew she have the power to make me hurt and cry and she used that power to her advantage.
Nang mag-cool off kami, I didn't give her the space she asked for. Nandoon ako sa labas ng bahay nya, umiiyak. Sinakto ko pa noon na may bagyo para kaawaan nya ako. Sabi ko sa kanya noon, ikamamatay ko kapag naghiwalay kami. Dahil sa cool-off na 'yun, nagkasakit lang ako ng ilang araw. Isipin nyo na lang kung ano ang posibleng nangyari kung sakali mang naghiwalay na talaga kami. But because of that, I got her sympathy. Nagkaayos kami at ilang araw nya rin akong inalagaan sa ospital.
Pangalawang beses kong umiyak sa kanya ay noong nakipaghiwalay talaga sya sa akin. Ganoon pala ang pakiramdam kapag harapan kang nire-reject. Lumuhod ako noon sa harapan nya, sa harap ng maraming tao... nagmamakaawa.
There was an instance that I remembered her, my ex. Na-realize ko kung gaano kasakit ang ginawa kong pagbabalewala dito noon. Halos ipagtabuyan ko ito, ipagtulakan palayo...
Masakit pala.
I nearly died that day, literally and figuratively. Sa sobrang pagkawala ko sa sarili, tumawid ako ng daan nang naka-go pa ang traffic light. Nabangga ako ng jeep pero hindi naman malala. Nabalian lang ako ng kaunting buto dahil sa impact but I lived.
She was hysterical though. Magkakahalong galit, tuwa, lungkot at pagsisisi ang nakita ko sa mukha nya. Muntikan nang madagdagan ang bali ko kakasuntok nya sa akin. She said I was such an idiot. Ang tanga ko raw para aksayahin ang buhay ko dahil lang sa nakipaghiwalay sya sa 'kin. Sabi ko sa kanya, walang nang silbi ang buhay ko. Siya na ang buhay ko at kapag iniwan nya ako, wala na ring halaga ang katiting na matitira sa pagkatao ko.
She was the second girl I fell in love with but she's the only one I can't afford to lose. Para sa kanya, handa akong magpakababa, magpaka-martyr at magpakatanga. Para sa kanya, kaya kong tiisin ang lahat. Para sa kanya, handa akong maging kahit sinong gusto nya.
I became too desperate, too clingy. I became like her. I became the person I so abhor.
Parang nabaliktad ang mundo. Nakarma ako. Lahat ng ginagawa ko dati sa ex ko, ginagawa sa akin ng girlfriend ko at lahat ng ginagawa para sa akin noon ng ex ko, ginagawa ko naman para sa girlfriend ko.
And because I finally understood her side, because I finally learned about the things she went through in loving me, I began seeing her in a new light. I started to appreciate her and her love. I started missing her, minding her absence and yearning for her care...
For the second time around, I started falling for her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro