Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fourth

Siguro choice na rin ng tao ang makuntento, kagaya ng choice nila ang sumaya. Siguro kung pipiliin kong makuntento, makukuntento rin ako. Unti-unti kong pinigilan ang sarili kong isipin sya. I made my girlfriend my priority. Maybe I just need balance. I can be clingy as long as I can also be someone she could cling whenever to.

Pinilit kong bitawan ang mga alaala namin ng ex ko. I started creating new memories with my present. Kailangan ko lang ibuhos ang pagmamahal ko sa isang taong nandito. Walang saysay kung patuloy kong mamahalin ang isang taong alam kong hindi na babalik sa akin.

Kasalanan ko naman kung bakit naghiwalay kami. Alam ko. Sinisisi nila akong lahat. Nalaman ko pa na ilang beses nyang tinangkang wakasan ang buhay nya. Kung babalikan ko sya at sasaktan ulit, she's as good as dead. Kilala ko sya. Alam kong hanggat mahal pa nya ako, tatanggapin nya ako. Kahit masaktan sya ng paulit-ulit, hindi nya 'yun iindahin.

Ganoon syang magmahal. Todo. Walang itinitira para sa sarili. Hindi katulad ko na palaging may ibang choice. Aaminin kong hindi stick to one ang puso ko. Palaging nakaurong ang isang paa ko para kapag ayaw ko na, all I have to do is turn around and run away.

Tangina, di ba? Ang sama ko lang.

Kaya nga sinusubukan kong magbago. Kapag nakakaisip ako ng hindi maganda na alam kong makakasakit sa girlfriend ko, iniisip ko sya. Kung sya ang nasa katayuan ko, ano kaya ang gagawin nya? She became a part of me in a different way. She became my conscience. Inaalala ko kung paano sya nasaktan ng dahil sa 'kin at dahil doon, naiwasan ko ang makasakit.

And as time went by, I learned to value my girlfriend more. Natuto akong makuntento. After a few years of an on and off relationship, I decided to seal the deal. I have nothing to go back to anyway. I should just move forward, with my present, to our future, together.

I asked her to marry me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro