PROLOGO
"Mama! Mama!" sigaw ni Lengleng, limang taong gulang na batang babae.
Humahangos itong nagtatatakbo papunta sa kanyang ina. Putlang-putla ito at tila namamawis ang noo
"Leng, bakit? Ano'ng nangyari? Bakit ang lamig ng mga kamay mo?" tanong ni Lusiana nang mahawakan niya ang mga kamay ng kanyang anak.
Nanginginig naman ang pang-ibabang labi ni Lengleng habang direktang nakatingin sa mga mata ng kanyang ina. Ninerbyos naman si Lusiana sa kanyang anak kaya agad niya itong hinagkan at pinakalma haggang sa handa na itong magsalita.
Inakay niya ang kanyang anak paupo sa isang maliit na silyang kahoy. "Ano 'yon, Lengleng?" ulit na tanong ni Lusiana sa kanyang anak.
Napalunok naman ang kanyang anak, "Mama, may kumakanta po sa kwarto ko," sagot ni Lengleng at napakunot noo naman si Lusiana rito.
"Lengleng," tawag niya at napahilot ng kanyang sentido. "Ito ba'y isa sa mga biro mo na naman?" Pamaywang niyang saad na nakataas ang kilay.
Ngunit sa lamig at panginginig ng kanyang anak ay tila nagsasabi ito ng totoo ngunit nilalabanan lamang ito ni Lusiana.
"Mama, si Papa yung naririnig ko sa kwarto."
Tila nabingi naman si Lusiana sa mga narinig niya sa kanyang anak. Wala ng tao sa kanilang bahay maliban sa kanilang dalawa. Malayo rin ang kanilang bahay sa bayan at dahil nasa baryo sila ay malaka lamang ang makikitang kabahayan.
"Leng, masamang biro 'yang ginagawa mo. Huwag kang magbiro patungkol sa isang patay na at lalong-lalo na sa'yong ama," wika ni Lusiana at halos mangiyak-ngiyak naman si Lengleng.
"Mama, sabi ni Papa sa kanta niya..." piyok na wika ni Lengleng habang pinaglalaruan ang kanyang mga kamay.
Naghihintay naman si Lusiana sa sasabihin ng kanyang anak nang tila may nakita siyang anino na pumasok sa kwarto ng kanyang anak. Naiwan niya kasi itong nakabukas.
"Leng, kunin mo ang itak ko sa kusina," utos ni Lusiana at hindi inaalis ang mga tingin sa kwarto ng kanyang anak.
Hindi naman gumagalaw ang kanyang anak kaya bahagyang inuyog niya ito.
"Ma, sabi ni Papa sa kanta niya ay pinatay niya raw tayo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro