Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Sinta Palagi

Sinta, Palagi

Unang kita ko sa'yo
alam kong hindi ito sinasadya.
Kahit anong layo,
Tila tayo'y pinagtagpo ng tadhana.
Hindi mapakali, salitang usad nangunguna. 

Nagulo aking tahimik na mundo. 
Ngunit pinaramdam mong ikaw ay totoo. 
Nung ika’y nakita ng harapan, 
Nakita ko ang pangarap sa aking kasalukyan.
 
Hindi ko alam kung bakit ganito.
Pero ang mismong ikaw, binihag aking puso. 
Ika'y biyaya na hindi ko inasahan.
Sa bawat oras na magkasama, problema’y natatakasan.

Ang saya sa piling mo.
Pero naroon ang takot sa puso ko
Na baka maling pagtaya ito,
o baka hindi tayo ang magmamahalan hanggang dulo.
Ngunit heto ako, piniling manatili sa tabi mo.
Ikaw na ang hinahanap kong tahanan.
Dahil, sa totoo lang ikaw lang. 
Ikaw ang aking palagi at 
Bukod tanging katiyakan ko. 

Sa tahimik kong kapaligiran.
Ang pag-ibig mo laging nararanasan. 
Laging makinang; lagi buo, hindi nauubusan. 
Kaya’t unti-unti nabuo ang tayo. 
Ito na yung salitang kasiguraduhan
Biglaan man, pero panimula ang katotohanan. 

Sa'yong tapang ako ay humahanga. 
Sa diskarte hindi ko batid na kaya mong gawin. 
Hindi ko alam na ika'y darating.
Ngunit heto na, nasilaw sa'yong makinang na hiwaga.
Handa na akong madala sa'yong mahika.

Ikaw ang aking sinta, ang una’t huling palagi.
Hindi ko alam kung tama ba ang aking mga salita,
Mahalaga malaman mong ikaw ang aking sinisinta. 
Ikaw ang tala sa bawat linya. 
Hanggang maramdaman mo aking nadarama. 
Na ikaw lamang aking iniibig, aking sinta, palagi.

- RoseliaPoessy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro