Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Sino Ba Yun? (One Shot)

Wala akong magawang matino. Paumanhin kung ito ay hindi kagandahan. Haha!

Saka, pagpasensyahan nyo na yung names dito. Hindi pa kasi ako maka-get over sa Analytic Geometry namin. Haha!

======

"Akin na sabi yan eh!" Sigaw ko kay Locus.

Tinawanan lang ako ng sira-ulo.

Kinuha niya kasi bigla yung cellphone ko. Eh baka may makita siya dung hindi niya dapat makita! Lalo pa't kaibigan niya si---

"Aray!"

Pusa! Nadapa tuloy ako! Kainis!

"Hala! Trix! Okay ka lang?" Lumapit agad sa akin si Locus at tinulungan akong tumayo.

Binatukan ko naman agad siya tapos hinablot ko ang cellphone ko. "Gag* ka kasi! Bwisit!" Padabog akong umalis.

"Huy! Trix! Sorry na!" Habol sa akin ni Locus pero hindi ko siya pinapansin. "Directrix, sorry na."

"Tantanan mo ako Locus."

"Locus!"

Napahinto sa pagsunod sa akin si Locus dahil tinawag siya ng kakambal niyang si Focus. "Ano pang ginagawa mo dyan? May practice tayo ng soccer ulul ka!"

"Eh wala pa rin naman dun si Vertex! Late din naman yun lag---"

"Sinong late lagi?" Naputol ang sinasabi ni Locus dahil may nagsalita.

Si Vertex.

Awkward na napatawa si Locus tapos ay nagkamot sa ulo. Lagot siya sa captain nila.

Tumingin naman sa akin si Locus. "Trix! Sorry ulit ah? Sige." Sabi niya saka tumakbo kina Vertex.

Pero nagulat ako kasi nakatingin pala si Vertex sa akin!

Hala! Bigla akong napahawak sa buhok ko kasi baka gulo yun kasi nga naghabulan kami ni Locus kanina.

Kainis! Baka haggard ang itsura ko!

"Vertex! Huy! Tara na, aba!" Sigaw ni Focus sa kanya.

Parang natauhan naman si Vertex at sumunod na doon sa kambal.

"Kamuntikan nang matunaw si Tr---"

"Sino ba yun?" Rinig kong tanong agad ni Vertex.

Pakiramdam ko ay natigilan ako.

"Si Trix! Yung babaeng in---"

Hindi ko na kinaya kaya tumakbo na ako paalis.

Napaiyak na rin ako habang natakbo.

Ang sakit naman kasi eh. Bakit hindi niya ako kilala?

Magkaklase naman kami nung elementary ah! Tapos kaibigan ko sina Locus na kaibigan din niya.

Kahit na ba hindi ko sila kaklase ngayong high school. Is that even an excuse para hindi niya ako makilala?

Napaupo ako sa may study area. Buti na lang at kakaunti yung tao.

Yumuko na lang ako para akalain nilang tulog ako. Pero ang totoo, umiiyak ako.

Ang sakit kasi eh. Hindi ako kilala ng mahal ko! Dinaig pa niya ang may amnesia!

Ganun ba ako kawalang kwenta sa kanya? Ganun ako kawalang halaga? Kahit ma-recognize lang niya ako, okay na sa akin. Kahit na civil lang ang pakikitungo niya, okay na sa akin.

Pinahid ko ang luha ko. Bakit ganun? Bakit ganun ako kadaling malimutan?

Napahawak ako sa cellphone ko. Buti na lang talaga at hindi ito nabuksan ni Locus, kundi makikita niyang puro pictures dito ni Vertex. Sabihin pa niya kay Vertex, eh di mas lalong masakit kasi mare-reject na nga ako, hindi pa niya ako kilala.

Ah! Nakakainis!

Bakit sa kanya pa kasi? Wala naman akong napala kay Vertex kundi ang umasa at masaktan.

Napapikit ako ng mariin. Malapit na naman ang graduation namin.

Malapit na ring grumaduate ang feelings ko sa kanya.

--------------

Napamulat bigla ako ng mata. Hala! Nakatulog pala ako!

Napatunghay ako sa pagkakayuko ko sa mesa saka tumingin sa relo. Hayup! Alas dos na!

Absent tuloy ako sa Filipino! Hay! Yae na nga!

Nag-ayos muna ako ng buhok. Tsk. Hindi pa nga pala ako nakain.

Habang inaayos ko ang buhok ko ay nakatingin ako sa mesa. Oh? May pagkain? At Jollibee pa talaga! Favorite ko!

Ala, akin ba 'to?

"Oo, sa'yo yan."

Kamuntikan na akong malaglag sa upuan ko dahil may nagsalita. Hala? Nagsasalita ba yung pagkain? Astig!

Hinawakan ko yung pagkaing Jollibee. "Madala nga ito sa ABS-CBN, o kaya sa GMA o kaya sa TV5 para madiscover. Nagsasalitang pagkain eh. Aba, tiba-tiba ako nito!"

May narinig akong tumawa ng mahina. Kita mo! Natawa rin itong pagkain! Parang tao! Astig!

"Kumain ka na nga, gutom lang yan."

Napakunot ang noo ko. May kaboses itong pagkain na ito.

Napatingin ako sa harap ko.

"AY PUSO NI VERTEX NAHULOG!" Sigaw ko at nabitawan ko yung pagkain.

Nanlaki kasi ang mata ko. Paano ba naman kasi! Si Vertex pala yung nasa harapan ko!

"Paano mo nalaman?" Sabi ni Vertex saka ngumiti.

Kyaaaaaaa~! Nginitian niya ako!

Pero ano raw? Paano ko nalaman ang alin?

Kusang umangat yung kamay ko at dinutdot ang pisngi niya. Malay nyo, nagha-hallucinate lang pala ako na si Vertex itong kaharap ko.

Hala! Tunay siya!

Lalong lumapad ang pagkakangiti niya at hinawakan ang kamay ko. "Kumain ka na Directrix. Para bumalik ka na sa sarili mo. Sabi kasi ni Locus, nawawala ka sa huwisyo kapag gutom ka."

Napakurap-kurap ako habang nakatingin kay Vertex. Tama ba yung narinig ko? Binaggit niya ang pangalan ko?

"Kilala mo ako?" Tanong ko.

Kumunot ang noo niya. "Oo naman. Bakit hindi?"

"Ah." Napayuko ako at napatingin dun sa Jollibee na buti na lang ay sa mesa ko pala nabagsak kaya safe pa siya. "Kanina kasi... ano... sabi mo, sino ba yun."

Hindi nagsalita si Vertex.

Dahil ang tagal niyang magsalita ay napagpasyahan kong tumingin sa kanya. At nagulat ako sa nakita ko.

Is this for real? Namumula siya habang nakatingin sa ibang direksyon!

Hala! Ang cute!

Naramdaman siguro niyang nakatingin ako sa kanya kaya napatingin siya ng mabilis sa akin tapos nagtakip siya ng mukha. Mga ilang segundo ang lumipas ay tumikhim siya.

"Wala naman kasi talaga akong kilalang Trix eh."

Feeling ko ay may bumagsak na malaking bato sa akin dahil sa sinabi niya.

Tang*na, harapan talaga? Grabe ha!

"Isang Directrix lang ang kilala ko. Yung pinakamamahal ko, si Directrix Ayala." Dagdag pa niya.

Ayala? Directrix Ayala? Eh Barrameda ang apelyido ko eh.

Wait! Directrix Ayala? Eh di ibig sabihin--- "May pinsan kang kapangalan ko?"

Eh Ayala ang apelyido niya eh!

Napanganga si Vertex sa sinabi ko. Tapos napasapo siya sa noo niya tapos ay umiling-iling.

Eh?

"Sabi ko kasi kumain ka na eh. Hindi mo tuloy nagets!" Nag-tsk pa siya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit ba? Eh tinanong ko lang naman kung may pinsan kang kapangalan ko ah! Sabi mo kasi Directrix Ayala lang ang kila---"

Napatigil ako sa paglilintanya ko tapos ay nanlaki ang mata ko. Ahay! Ngayon ko lang nagets!

"Nakuha mo na ba ang ibig kong sabihin?" Tanong ni Vertex.

Tumangu-tango ako. "Hindi mo naman agad sinabi na kapatid pala ang tinutukoy mo. Teka, may kapatid ka ba? Sa pagkaka---"

"Tsk."

Biglang lumapit sa akin si Vertex at hinalikan niya ako sa labi!

Napakurap-kurap ako. Pero napapikit din ako agad nung hawakan niya ang pisngi ko.

"Sabi ko I love you." Sabi ni Vertex at tumitig nang diretso sa mata ko.

Sunud-sunod akong napakurap. I love you? Sinabihan niya ako ng I love you?

"Seryoso ka ba?" Malay nyo joke time lang 'to! Mahirap na 'no!

Napatawa ng mahina si Vertex tapos ay inayos ang bangs ko dahil medyo nakahara sa mata ko. "Inilagay ko na nga ang last name ko sa pangalan mo, hinalikan pa kita. Yun ba ang hindi seryoso?"

Napangiti ako at namuo ang luha sa mga mata ko.

Hindi kasi ako makapaniwala. Akala ko kasi hindi ito mangyayari. Akala ko, hanggang panaginip lang.

"I love you too Vertex." Nakangiti kong sabi pero tumulo na ng tuluyan ang luha ako.

"Sshh." Nakangiting pinahid ni Vertex ang mga luha ko. "Feeling ko tuloy labag sa kalooban mo ang sinabi mo dahil umiiyak ka."

Napatawa ako ng mahina. "Tears of joy po."

Ngumiti lang ulit si Vertex tapos ay umayos na siya ng upo. "Kumain ka na. Nalipasan ka na ng gutom. Hindi mo tuloy nagets yung mga sinabi ko kanina."

Binuklat ko na yung pagkain. Woooo~ Jollibee! *Q*

"Vertex."

"Hmm?"

"Ano ba talagang ibig sabihin mo kanina? May kapatid ka bang kapanga---"

"Wala." Sagot agad ni Vertex saka ngumiti. "After five years pa naman mag-eexist ang ganung pangalan."

Ano raw?

=======

Hahaha! Natatawa ako. Parang tanga lang eh. Haha!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro