The Blood : Kabanata 08
Booghs! (Door Open)
Ang malakas na pagbukas nang pintuan bago nito ilabas ang isang lalaki sa humahangos nitong itsura kasabay nang mabilis at malalim nitong paghinga, hawak ang isang piraso nang papel sakanya'ng kamay.
"May hanay na para sa Central Guard!" ang malakas nya na pag-sigaw na kumuha nang atensyon nang hindi hihigit sa labing tatlo'ng (30) tao sa loob ng kwarto, Mula sa mga bakal na higaan na nakahilera sa magkabilang gilid nito, sa simentado nitong sahig at kisame sa ilang elisi na mabilis na umiikot dito, sa maliit ngunit maykahabaang salami'ng bintana na ilang metro ang taas mula sa sahig.
"Isa na akong Central Guard!!" ang sumunod nitong sigaw, sa malaking ngiti nito sa mukha. Bago nya ipakita ang papel sakanya'ng kamay kung saan makikita ang ilang pangalan '
Martin Sarrgea' ang isang pangalan na mababasa mo dito.
"T-ignan nyo nandito din ang pangalan ko!"
"nandito din ang pangalan mo!"
"isa nadin akong Central Guard,.."
Ang komosyon na maririnig mo habang pinagpapasahan nito ang papel para tignan ang kanilang pangalan sa listahan, hanggang sa kunin ito nang isang lalaki sa walang pang-itaas nito'ng kasuotan at tanging puting tuwalya lamang na nakasabit sakanyang balikat ang tumatakip sa maganda at malaki nitong pangangatawan,
"Gin! t-tignan mo! Isa na akong Central Guard!" Ang tawag sakanya ni Martin, habang kasunod nya ito sakanyang likuran bago sila huminto sa lalaki na nakaupo at nakasandal sa bakal nitong higaan.
"tsk, sa mahigit na tatlong daan na kinuha nila para sa Central ni wala man lang ang pangalan natin sa listahan" daing na salita ni Gin habang tinitignan ang papel sakanyang kamay
"matapos ang sampong taon, ay nandito padin pala tayo sa lugar nato bilang Army" tapos na reklamo nito bago nya ibalik ang papel kay Martin na hindi padin maitatago ang malapad nitong ngiti sakanyang mukha.
Sampong taon nya'ng hinintay ang araw nato, ang makalabas sa Base ng Militar at makita ang mundo sa labas, ang makita ulit ang kanyang kapatid na ilang taon nadin simula nang mapabilang ito sa Hanay ng Central Guard, ilang taon ng kanyang paghihirap, ilan taon nang kanyang dugo't pawis... Ilan taon—"
"Martin,.." ang mahina'ng tawag sakanya ng lalaki habang nakaupo ito sa bakal na higaan sakanyang harapan, napansin din nya na maysuot nadin na pang-itaas na damit si Gin at parehas itong may nagtatano'ng na mga mata habang deretsong nakatingin sakanya
"A-h pasensya na hindi lang talaga ako makapaniwala na isa—" hindi na naituloy ni Martin ang sasabihin nya nang ilabas ni Gin ang malaking bagahe sakanyang kaliwang kamay
"tingin namin ay kailangan mo nadi'ng mag-ayos nang gamit mo" masayang paalala sakanya ni Gin hawak ang isang malaki bag sakanyang kanang kamay, bago ituro ang ilang grupo nang sundalo na sinisimulan nang mag-impake nang kanilang mga gamit.
"Balita ko ay marami'ng bagay sa Central na duon mo lang makikita"
"maganda ang lugar at maraming tao ka na pwedeng makilala"
"may babae at alak!, hindi na ako makapaghintay para bukas!"
Ang mga kwentuhan na naririnig nya mula dito ilang metro ang layo mula sakanilang kinauupuan, mababakas ang kasiyahan sa mga bawat salita nito, tila sila mga ibon na makalipas ang ilang mahabang taon ay magkakaroroon na nang pagkakataon na makalipad.
Pero hindi lahat ay maswerte na gaya nila, hindi lahat ay mapalad na katulad nila at hindi lahat ay maypagkakataon na makaalis sa lugar nato na mahigit sampong taon na nilang tiniis at kinalakihan at isa na dito ang dalawang tao sakanyang harapan.
'Aalis ako sa lugar na ito nang mag-isa? Nang wala ni isa man sakanila? Paano? hindi ako kasing husay ni Casimir pagdating sa pag-hawak nang baril o ano mang sandata o kahit kasing lakas ni Gin sa physical na pakikipaglaban... kung wala sila ? Kung wala sila —" tila sya binuhusan nang malamig na tubig sakanyang kinauupuan nang maisip nya ang mga bagay na kahit kailan ay hindi nya nakita na mangyayare – ang mag-isa.
Mahina at lampa, sino ang gusto na maging ka-grupo nya?
Pabigat lang yan sa atin kapag nagkataon.
Baka sya ang magpabagsak sa atin at mahawa pa tayo sa kamalasan na meron sya.
Mahina at walang kayang gawin, yun ang isang bagay na hindi mailalayo sakanya. Simula palang nang unang taon nya sa Militar ay naging mahirap na para sakanya ang lahat, lalo na ang makisama at makipagsabayan sa lahat. Mula sa maliit at payat nya'ng pangangatawan hanggang sa mahina at maselan nya'ng sikmura. Sino ang gusto na makasama ang katulad nya? Sino ang walang isip na kukuha sakanya para maging kapareha—
"Ikaw! Simula ngayon kasama kana sa grupo namin!"
Ang ilang salita bago nya makilala ang dalawang tao na hindi nya nakita na magiging kasama nya sa lahat nang bagay hanggang sa ngayon—
"Hin-di ko kaya,.." ang mahina'ng salita na lumabas sakanya'ng bibig sa ilang minuto nang kanilang katahimikan, mapapansin ang kanyang pigil na mga hikbi sa mahinang panginginig nang kanyang mga balikat,
"pa-ano? Alam nyo na hindi ako mahusay sa paghawak nang baril katulad ni Casimir o kasing lakas ni Gin pagdating sa pakikipaglaban, Hind—"
"sampong taon mong hinintay ang araw nato at sasabihin mo ngayon na hindi mo kaya?" ang mahinahon ngunit may takot na salita ni Casimir habang nakaupo ito at nakasandal sakanyang bakal na higaan,
"Pero—" putol na sagot ni Martin bago nya maramdaman ang malakas nyang pag-bagsak sa sahig matapos syang suntukin ni Casimir na makikitang nakatayo na sakanyang harapan..
"Cass?" ang mahina nyang tawag dito bakas ang pagkainis nang makita nya ang manipis na dugo sa kamao nito, pero bago pa man nya mararamdaman ang galit ay tila na sya nabato sakanyang kinauupuan nang maramdaman nya ang maliit na kamay nito sakanyang uluhan
"Hindi ka nag-aral at nag-sanay nang ilang taon para sa wala" ang mahina'ng salita nito bago nya maramdaman ang mainit na likido sakanyang mukha,..
"Sino ba ang pinakamatalino'ng sundalo sa ating lahat?" ang nakangiting tanong ni Gin habang nakatayo ito sakanyang harapan, ilang segundo sa pagitan nang kanyang bawat paghikbi bago sya makakuha nang lakas nang loob na magsalita
"A-ako" ang sagot nya dito..
"At sino ang nagplaplano sa bawat training at pagsasanay natin?"
"Ako,.."
"Sino ulit ang nagpapaalala kay Casimir nang mga patakaran sa loob nang training?"
"Ako!" ang malakas na sigaw nito bago sya magtaas nang paningin sa dalawang tao na deretsyong nakatingin sakanya, mula sa luha sakanyang mga mata..
"Casimir!" ang malakas na pagtawag nya dito bago nya ito hatakin para sa isang mahigpit na yakap
"mamimiss ko kayo ni Gin!"
ang tuloy na pag-iyak nito habang mahigpit ang hawak sakanya. Maririning mo ang ilang tawanan nang mga sundalo na nasa paligid nila pero ano nga ba ang pakeelam nya, sa mahigit na sampong taon (10) nya na nakasama ang mga tao nato, sino ba ang makakapagsabi kung kailan nya ito muling makikita.
"Salute!"
Ang malakas na sigaw nang bawat isa sakanila sa matuwid na linya sa ilang bilang na pupuno sa mahigit dalawang ektarya sa simentado nitong lupa, mula sa matuwid nilang pustura sa malinis at maayos nilang kasuotan sa uniporme nilang pang-militar hanggang sa deretsyo nilang mga mata sa malaking entablado sa ilang matataas na opisyal nang Militar na naka-upo dito.
"paakyat na sya" ang mahinang bulong na maririnig mo mula kay Martin habang deretsyo itong nakatingin sakanyang harapan,
"pinaka mahusay na sundalo sa hanay nating lahat? Sino ang magsasabi na sya ang aakyat sa harap natin para magbigay nang kanyang huling salita" ang natatawang salita ni Gin ilang hakbang mula sa likuran ni Martin na hindi maiaalis ang malapad na ngiti sakanyang mga mukha.
Iiiinnhhh! Ang matinis at malakas na tunog nang mikropono nang hawakan nya ito habang matuwid na nakatayo sa harapan.
Mula sa mahigpit na pagkakatali nang kanyang mabigat na sapatos
Kasabay nang mabigat na pagbagsak nang kanyang walang saplot na paa sa lupa,
Hanggang sa maayos nyang tindig sa maayos na uniporme sakanyang katawan
At sa maputik nyang bistida sa luma at tagpi-tagpi nitong mga tela,
At sa lumang sumbrelo na tumatakip sakanyang mala-abong kulay na buhok na hindi lalagpas sakanyang batok.
Hanggang sa mahaba at kulay abo nitong mga buhok na sumasabay sakanyang bawat paghakbang
Ang madilim na kulay nang kanyang mga mata na deretsyong nakatingin sakanilang lahat,
Mula sa maliliit na braso na mahigpit na nakayakap mula sakanyang likuran.
"para sa ating lahat na sampong taon na naghintay para sa araw na ito, binabati ko kayo" ang panimulang salita ni Casimir nang makuha nya ang atensyon nang bawat isa sa lugar.
'Ate.Carina,..' ang mahinang tawag nito sakanyang pangalan sa paghinto nang kanyang paa sa mabato nitong lupa
"ito palang ang ating simula" ang maikling dugtong nya mula sa bawat mata na nakatingin sakanya at naghihintay sa mga susunod na salitang sasabihin nya.
'kapag malaki na ako, pangako! ako naman ang magtatanggol sayo' ang malakas nitong salita bago nya maramdaman ang mahigpit nitong pagyakap mula sakanyang likuran habang pasan nya ito.
"papatunayan natin sakanilang lahat! Na hindi tayo, kailanman naging mahina!" ang seryoso nyang huling mga salita bago nya bitiwan ang mikropono at sumaludo sa harap nang ilang libo'ng bagong sundalo "SALUTE!".
'aha-ahah Ikaw? Casimir ipagtatanggol ako? At kailan ko naman yon makikita?' ang pigil na tawa nya sa mga sinabi nito bago nya maramdaman ang mahinang pag-palo nito sakanyang likuran.
'magiging malakas ako! Kagaya mo'
'proprotektahan ko kayo ni Ina sa mga masasamang tao'
'a-at mananalo ako sa mga laro namin nila kuya.Erwin!'
'at ikaw mismo Ate, ang magtuturo sa akin! K-aya hindi mo ako pwedeng iwanan!"
"iwanan? At saan naman ako pupunta,.. ha Casimir?"
"Basta! Hindi ka pwedeng mawala, kagaya nang ginawa ni Ama kay Ina..."
"Kinakabahan ako,.. sa mga susunod na pwedeng mangyare, kayo ni Cass bilang mga Army at ako sa hanay nang Central Guard' ano ang kasiguraduhan na magkikita muli tayo?" : Martin Sarrgea
- Nomos:Sin7:greed –
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro