The Blood : Kabanata 07
" E1 Target Found! Target Found! E1!"
ang paulit-ulit na boses ng isang lalaki mula sa earphone sakanyang kaliwang taenga,
"E1 copy.. nasaan ang target location?" tanong na balik nya dito habang mabilis na tumatakbo kasabay ng mabigat nyang paghinga.
"pangalawang palapag sa ika-apat na gusali tatlong(3) metro sa kanan at limang(5) metro mula sa kaliwa" ang malinaw nitong sagot na nagpahinto sakanyang pagtakbo bago tumingin sakanyang orasan sa kamay at muling mabilis na tumakbo
"E1 Copy!"
Bang! (gunshoot)
agad syang napahinto sa pagtakbo at mabilis na nagtago sa pader na hindi kalayuan sakanya, makikita ang asul na tinta sa lupa na ginamit para patamaan sya. Mula sakanyang kinatatayuan ay makikita ang mga dikit dikit na gusali na karamihan ay sira at halos pader nalang ang natira,
"pangalawang gusali sa kanan mula sa kinatatayuan nyo ang location ng target, wala na tayong oras!" sigaw ng lalaki sa earphone na halos ikabingi nya. Tumingin sya sakanyang orasan at limang(5) minuto nalamang ang binibilang nito
"Martin, Gin.. cover me" ang deretsyo nyang bigkas sabay ng pagtango ng isang lalaki sakanyang harapan,
"Copy!" sagot ni Gin sa earphone bago nya tuluyang takbuhin ang ilang metro na layo ng gusali mula sakanyang kinatatayuan..
Bang! (Gunshoot) Bang! Crack! (gunshoot)
ang sunod-sunod na palitan ng putok ng baril habang patuloy syang tumatakbo,
SCrrrhhhh Bag!
Ang bilis na pagdulas nya sa lupa papasok ng gusali bago nya maramdaman ang kirot sakanyang kaliwang braso, sinundan nya ng tingin ang mahabang hiwa nito,
"Shit!" ang mabilis na lumabas sakanyang bibig ng makita nya ang isang bala ng baril sa ding ding habang nakabaon ito.
"a-ano! Okay kalang ba?!" ang malakas na sigaw ni Gin mula sa kabilang linya
bang! Sshht! Bang!
Ang mga putok ng baril na maririning mo sakanyang linya "E1? Casimir? Ok—Ahhh Shit!" ang malakas na daing nito,
"anong nangyare?.. Gin?" ang tanong ni Martin dito habang patuloy sya sa pagdaing..
"Target Found! Mission Complete" ang basag ni Casimir habang hawak nya ang isang manika na nakatali sa isang upuan..
tinignan nya ang orasan sakanyang kamay at 10segundo pa ang natitira..
Tapos na..
Ang nabigkas nya bago nya naramdaman ang sarili nya na malakas na tumalsik sa pader sakanyang likuran,
Boom! (Granade)
ang malakas na pagsabog hindi kalayuan mula sakanyang kinatatayuan, halos hukayin nito ang lupa sa lakas at mabitak ang pader na muntik na nitong ikaguho, basag ang lahat ng salamin at wala kang makikita kundi ang makapal na usok.
"Casimir!" "Cass! Cass!" ang paulit-ulit at malakas na sigaw mula sa earphone ang gumising sakanya,
Casimir! Kailangan na nating makabalik sa ground, Casimir? Ang boses mula sa linya
"ahhh—ah" malakas na daing nya ng maramdaman nya ang sakit sakanyang buong katawan, "Casimir? Ayos kalang? Anong nangyare!, si Mar-tin pabalik na kami sa ground, hindi maganda ang lagay n-ya, Cass' bumalik ka—tooo"
Agad na naputol ang sasabihin nito ng tanggalin ni Casimir ang earphone sakanyang taenga, alam nyang sugatan din ito dahil sa mabigat at hirap nitong paghinga, mula sa pagkakahiga ay pasandal syang naupo sa pader malapit sakanya, nilabas nya ang tatlong(3) piraso ng bala ng baril at isa-isa itong pinasok dito.
"gusto nyo ng laro? Sige maglalaro tayo" Clack! Ang pagsara ng kasa nito habang pilit na itinatayo ang kanyang sarili sa lupa.
Boogss! Klag! Blag!
Ang malakas na pagbagsak ni Casimir ng talunin nya ang kabilang gusali mula sa pangalawang palapag na pinanggalingan nya,
"Casimir?" ang gulat na tawag sakanya ng dalawang lalaki habang nakaupo sa sahig, kahit ang mga ito ay nabigla sa ginawa ni Casimir at tila hindi makapaniwala na nasa harapan nila ito, sa gilid ay makikita ang dalawang riffle at isang pistol handgun.
"ah-h ayos kalang ba? Ak-sidente lang ang lahat" pagpapaliwanag nito habang sinusubukan tumayo habang deretsyong nakatingin kay Casimir.
Bang! (gunshot)
isang tama ng bala sa sahig ilang pulgada mula sa kanyang hita ang nagpabalik sakanyang kinauupuan, napapikit ito sa takot at makikita ang pangingining ng kanyang buong katawan.
"Casimir alam mong sumusunod lang kami sa utos, hin-d"
Bang!(gunshot)
isa muling tama ng baril sa sahig ang pinakawalan ni Casimir na hindi kalayuan sa mula kamay nito, tila sila napako sakanilang kinauupuan ng humakbang si Casimir papalapit sakanila.
Bag! (door open)
Ang malakas na pagbukas ng pinto, iniluwa nito ang isang lalaki sa parehas na asul na uniforme ng dalawa pa nitong kasamahan,
"nakita nyo ba yun!? Maswerte nalang sila kung makalabas sila sa gusali ng wala ni isa man lang na galos!" masaya nitong balita pero bago paman sya makapasok ay bumagsak na sya sakanyang kinatatayuan ng makita nya si Casimir sa harap ng kanyang mga kasamahan.
Nawala ang malapad na ngiti sakanyang mukha at napalitan ng takot ang buo nyang katawan.
Bang! (gunshot) ang bala na tumama ilang pulgada sakanyang paanan, alam nya na seryoso si Casimir sa itsura ng mukha nito.
Tila pati ang kanyang paghinga ay huminto ng makalapit ito sakanya hawak ang baril na nakatutok sakanyang ulo. Ang malalim at madilim nitong mga mata, walang bakas ng pagaalinlangan sya dito na makita.
"Cas-imir, tra-ining lang ang laha-t.. alam mo y-on"
"iba-ba mo na ang bar-il mo, buma-lik na tayo—alam mo ang mag-iging parusa mo kap-ag tinuloy mo yan"
"hu-minahon ka—"
Bang! (gunshoot)
Napapikit sya sa kaba habang hinihintay ang kanyang pagbagsak at sumigaw sa sakit ng tama ng bala sakanyang katawan..
pero 1...2...3... napadilat sya ng wala syang sakit na maramdaman, walang dugo sakanyang katawan at walang bala na tumama kung saan.. agad syang napatayo para siguraduhin na maayos ang bawat parte ng kanyang katawan, mula sakanyang binti, hita, braso, tiyan at maging sa kanyang mukha.
"buhay ako"
ang salitang lumabas sakanya ng wala ni anumang galos o sugat ang mga ito. Agad syang nag-angat ng tingin pero bago paman-magtama ang kanilang mata ay napaatras na sya ng hatakin nito ang damit nya at kwelyuhan, nabigla sya ng ilapit nito ang mukha nya sakanya
"alam mong swerte kalang ngayon, at alam kong alam mo na sa susunod na makita ko kayo hindi lang tatlo (3) ang bala sa baril ko" seryosong bulong nito sakanya ilang pulgada mula sakanyang taenga.
Maka-ilang ulit syang tumango bago maramdaman ang malamig na sahig sakanyang puwetan ng bitiwan sya nito at iwan silang tatlo na tila napako sakanilang mga kinatatayuan.
Lashh – Blizzt!
Ang malakas na pagbuhos nang ulan kasabay nang matatalim nitong pagkidlat, mula sa ika-apat na palapag ng isang gusali ay matatanaw mo ang isang estudyante sa suot nitong pang-militar na uniporme habang mabilis at paulit-ulit nitong tinatakbo ang malawak at simentadong lupa sa gitna nang walang tigil na pag-ulan.
"sampo'ng (10) taon nadin ang nakakalipas nang dumating sila dito, na animo ay mga tupa na walang alam kung hindi ang tumakbo at magtago, mahihina at walang nalalaman"
Ang mahinahon ngunit ma-awtoridad na salita nang isang may edad na lalaki habang nakatayo ito at nakatanaw sa labas nang bintana. Mula sa biluga'ng salamin sakanya'ng mukha, sa maputi ngunit maykahabaan nya'ng buhok at sa pangalang na nakaburda sakanya'ng maayos at malinis na kasuotan
'Maj. Marcus Mc-Cyce'.
"sino ang mag-aakala na magiging sundalo sila at matuto na makipaglaban?" Dugtong pa nito bago ibaling ang tingin sakanya, sa lalaki na matuwid na nakatayo sakanya'ng harapan
"Hindi na ako makapag-hintay na makilala ang mga estudyante mo Sergeant Major. All-bertus Grantt" papuri na pahayag pa nito bago ito bumalik sakanyang upuan, habang nasa lamesa ang parehas nitong kamay.
"nakakasiguro ako na mahuhusay ang bawat isa sa kanila, lalo na at ikaw mismo ang nag-sanay sakanila ang pinakamahusay na sundalo na meron ang militar.." nakangiti na dugtong pa nito, bago nito ilabas ang isang papel sa hindi hihigit sa isang pulgada ang kapal.
"pero alam kong alam mo'ng sa simula palang ay hindi sundalo ang kailangan natin sakanila" seryoso sabi nito, bago mawala ang ngiti sa mukha nito.
Ilang hakbang mula sa kanyang kinatatayuan, bago pa man nya ito mahawakan ay makikita na ang tensyon sakanyang katawan nang mabasa nya kung ano ang naka-lagda dito
'SUBJECT ENLISTMENT' ang unang salita na mababasa mo sa unahang pahina nito.
Hindi maitatago nang kanyang mga mata ang matindi'ng galit habang isa-isa nya'ng binabasa at sinusuri ang bawat pahina nito. Mula sa pangalan na nakaburda sakanya'ng uniformeng pang-militar
'SM.All-Bertus Grantt', sa kayumanggi'ng kulay nang kanyang balat na umaayon sakanya'ng malaking pangangatawan at mula sa mahaba'ng peklat na hindi maitatago sakanyang kaliwa'ng pisnggi paakyat sakanya'ng noo na nahahati sa pagitan ng kanyang mga pulang mata na iniiwasan ng kahit sino man na makita.
Tapp!
Ang malakas na pag-sara nya sa papel bago sya magbalik nang tingin kay Maj.Marcus na deretsyo naman ang mga mata sakanya at pinagmamasdan ang bawat galaw ng kanya'ng katawan.
"Maj.Marcus, hind-"
"Wala silang oras para maghintay, bukas pagkatapos nang pagkilala sa mga estudyante ay kailangan nadin nilang lumipat sa Central" Mahinahon na salita ni Maj.Marcus dahilan para hindi na maituloy ni SM.All ang sasabihin nya, makikita ang pagkadismaya sakanya'ng itsura at ang pinipigilan nitong galit habang mahigpit ang pagkaka-hawak sa papel sa kaliwa nya'ng mga kamay.
"SM.All,.." ang mahina'ng tawag nito sakanya'ng pangalan na nagpa-anggat sakanyang tingin kay Maj.Marcus habang pinupunasan nito ang salamin bago muli itong ibalik sakanyang mukha,
"SM.All,.. ito palang ang simula"....
Sampong (10) taon sa pagsasanay at pag-aaral, bago kilalanin ang isang estudyante na ganap na sundalo at maglingkod sa pamahalaan. Nahahati sa apat (4) na hanay ang pagiging isang Militar, Una ay ang Army, ang may pinaka malaking bilang na sundalo at ang iniiwasan na hanay sa lahat, nakasentro ito sa pakikidigma sa lupain, labas o loob man nang Central ; Navy ang hanay na nakatalaga sa pandigmaan mula sa karagatan ; Air Force ang lakas militar sa himpapawid at ang Central Guard na nakatalaga mula sa loob ng Central at nagpapanatili nang kaayusan at promoprotekta sa mga tao ng pamahalaan kabilang na ang isa sa pinaka makapangyarihan tao at kasalukuyang presidente ng Central na si Pres.Frederick William Hopkins.
Click! (Door Close)
Ang mahinang pag-sara ng pintuan mula sakanya'ng likuran, hindi maitatago nang kanyang bagsak na balikat ang bigat sakanyang nararamdaman.
'Alam ko na alam mo kung ano ang kapalit kung pipigilan mo ulit sila ngayon, hindi lang paa at braso ang kaya nilang kunin sayo,.. All, wala tayo'ng magagawa.. sa ngayon'
ang hindi mawalang salita ni Maj.Marcus bago sya lumabas nang kwarto hawak ang papel sakanyang kaliwang kamay.
"kailangan ko naba tumawag nang doctor at tignan kung humihinga pa si Maj.Marcus?" ang pabiro'ng salita nang isang lalaki sa kaparehas nito'ng uniporme sa pangalan na nakaburda dito 'SFC. Nikolas Go' Mula sa malapad nitong ngiti na hindi nawawala sakanyang maliit na mukha hanggang sa kulay bughaw at singkit nitong mga mata.
"Pero pwede naman akong manahimik at magpanggap na wala akong nakita" dugtong na biro pa nito kasabay ang pagduyan nang kanyang mga paa habang nakaupo ito sa simentadong harang mula sa labasan nang gusali.
Plapp! Ang mabilis nya na pagsalo sa papel bago paman ito bumagsak sa lupa na nagpatayo sakanya mula sa pagkakaupo.
"Ihanda mo bawat istudyante sa listahan, lumabas na ang hanay para sakanila" ang seryosong utos ni SM.All, na nagpalapad nang ngiti sakanya'ng mukha, bago ito matuwid na tumayo sakanyang kinatatayuan.
"Hmm- kung ganon ay ito na ang simula sakanilang pagiging isang ganap na sundalo', matapos ang ilang taon nil—" hindi na nya naituloy ang mga susunod na salita'ng sasabihin nya nang magbaba sya nang tingin sa papel na hawak nya sakanyang kaliwang kamay
'Subject Enlistment' tila na maykung ano ang nakabara sakanyang lalamunan na pumipigil sakanya na magsalita, tila sya nauubusan nang hangin dahilan para mawala ang malapad na ngiti sakanyang mukha.
"En-listment?' nang makakuha sya nang lakas ng loob para harapin si SM.All, "sampong (10) taon nilang hinihintay ang araw nato at— enlistment?" ang hindi makapaniwala na tanong nito kay SM.All-Bertus Grannt habang nakatalikod ito sakanya, naghihintay nang sagot mula dito, pero tanging ang maingay na pagbagsak nang ulan lamang ang maririnig mo sa ilang minuto nang kanilang katahimikan.
"Sergeant First Class.Nikolas, kulang pa ang daliri natin sa kamay para iligtas silang lahat,.. kaya gutso ko'ng malaman,... hanggang saan ang kaya mo'ng ibigay?" Deretsyo'ng tanong ni SM.All bago ito humarap sakanya, apat (4) na hakbang mula sakanya'ng kinatatayuan bago nya maramdaman ang mabigat nitong palad sakanyang balikat.
"kailangang maging maayos ang lahat para bukas, wala kang ibang dapat gawin kung hindi ang ihanda sila" dugtong na sabi nito kasabay ng ilang pagtapik sakanyang balikat.
"Ah-hahaa-haha" ang malakas na pagtawa na kumawala kay SFC.Nikolas nang bitawan nya ito.
"hindi ba dapat ako ang magpaalala sayo nang bagay nayan, hmm SM.All?" ang salita nito sa pagitan nang mga pigil nito'ng pagtawa bago bumalik ang malapad nitong ngiti sa labi at ang singkit nitong mga mata sakanyang maliit na mukha.
"Subject Enlistment ; ang utos mula sa Central sa ilalim nang kapangyarihan ni Pres.Fredirick, na nangangailangan ng tao sa maganda at maayos nitong pangangatawan na sumailalim sa ilang pagsusuri para sa pag-papalawig ng pag-aaral at kaalaman."
- Nomos:Sin6:greed –
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro