The Blood : Kabanata 06
Broom! Screettchh! (vehicle stop)
Mula sa loob ng kanyang kwarto, tila natauhan si Casimir ng marining nya ang paghinto ng mga sasakyan hindi kalayuan sakanilang bahay, nakaupo sya likod ng kanyang pintuan habang nakakalat ang mga damit sakanyang kama.
Makikita ang mga mugto at mapula nitong mata, hindi sya nakatulog buong gabi at wala syang ginawa kundi ang umiiyak at manalangin na sana ay hindi na dumating ang umaga.
" bibigyan namin kayo sampong(10) minuto para dalhin dito ang bawat lalaki! matanda man o bata! kung hindi, wala kaming magagawa kundi ang sapilitang pasukin ang bahay nyo at kaladkarin silang lahat palabas maisama lang namin sila.."
Malakas na sigaw ng lalaki mula sa labas at tumingin sa bilog na orasan na nakasabit sakanyang bewang, mula sa loob ay tila naestatwa si Casimir sa komosyon na naririning nya, ang mga sigaw, ang pakikiusap at pagmamakaawa.
Paulit-ulit ang lahat sakanyang pandinig na tila ba ay isang sirang plaka, tinakpan nya kanyang magkabilang taenga at mariin na pumikit kasabay ng hindi matapos-tapos nya'ng pagiyak.
Hindi! Hindi ko kayang sumama sakanila! Ayaw kong sumama sakanila! Ina.. Ate.Carina! Ang mga salita sa kanyang isipan na gusto'ng kumawala.
"Tapos na ang oras na binigay namin sainyo at sila lang anim(6) ang nasaharap ko!? Matitigas talaga kayo! Pasukin ang bawat bahay!!"
"Hindi! Wag ang anak ko, ako nalang! Ako nalang!"
"ama!! Wag kang sumama sakanila! Wag mo kaming iwan!"
"maawa kayo! Tama na.. nasasaktan ang anak ko! Pabayaan nyo na sya!"
Taon 1427, nang maubos ang lakas pansandatahan sa isang digmaan na hindi nagawang pagtagumpayan, ilang taon mula rito ay naghain ng batas kung saan ang bawat lalaki, bata man o matanda ay maglilingkod sa pamahalaan upang magsanay bilang maging bahagi ng pagpapalawig ng lakas pang militar. Naging malaking dagok ito sa bawat pamilya at ilan lamang ang naging maswerte na makaligtas.
Tip top tip top (foot step)
Namulat ang mata ni Casimir sa maingat na yabag ng paa na papalapit sakanya. Tip-Top (Footstep) dalawang hakbang at huminto ito, kasabay ng kanyang paghinga.
"Cass ..."
Haaahh (deep breath) ang malakas na pagkawala ng pinipigilan nyang paghinga ng marining nya ang boses mula sa likod ng kanyang pintuan. Ilang segundo bago sya matauhan kung sino ang tao na tumawag sakanyang pangalan,
Ate Carina!
Ang malakas na sigaw ng kanyang utak na nagpatayo sakanya para pagbuksan ito ng pintuan.
Clckk chhk cckk (door knob clicking) Ang paulit-ulit nyang pag-pihit sa kandado ng pinto,
"Ate Carina?" tanong nya sa mahina at nanginginig nyang boses.
Click! (locked)
"Ate Carina?" ang muli nyang tanong mula sa loob ng kwarto, nakasara ito mula sa labas na ilang ulit nya'ng sinubukang buksan ngunit nabigo sya.
"Casimir.."
Ang tawag sakanya ni Carina habang nakasandal ito sakanyang pinto, "umalis kayo ni Ina at pumunta kayo sa Norte, tutulungan nila kayo roon" ang mahinahon nitong sabi at tumayo mula sakanyang pagkakasandal,
Katahimikan –
"Casimir, ito na ang huling pagkakataon na maytatawag sa pangalan mo.. babalik ako... pangako" ang huling salita na lumabas sakanyang bibig kasabay ang mga pigil na hikbi ng kanyang kapatid.
Hindi! Ate. Carina wag mo kaming iwan, wag mong gawin to, pakiusap.. hindi ko kaya..
Ang mga salitang ayaw kumawala sakanyang isipan, hindi nya gusto na umalis ito ngunit wala syang lakas ng loob para sumama sa mga militar, ayaw nyang malayo ito ngunit nangingibaw ang takot sakanyang buong katawan, Gusto nyang sumigaw at pigilan ito ngunit walang boses na lumalabas mula sakanyang lalamunan,
"A-te Carina ... pata-wad" ang putol-putol at bulong nyang bigkas bago ito bumagsak sakanyang sariling mga paa.
"pasukin nyo ang bawat bahay walang ititira kahit isa!"
Malakas na sigaw ng isang lalaki sa uniforme na pangmilitar, sa likod ay makikita ang mahigit kumulang limang (5) sasakyan kung saan ilan dito ay okyupado na ng ilang mga kalalakihan, sa kanyang harapan ay makikita ang walong (8) lalaki sa ibat-iba nitong edad na nakaluhod at nakataas ang mga kamay sa likuran ng kanilang ulo, maraming sundalo sa paligid, hawak ang malalaki at mahahaba nilang bakal na baril isa-isa nilang pinapasok ang bawat bahay para ilabas ang bawat tao na nagtatago dito.
"ito na ang pang-siyam!" sigaw ng isang sundalo hawak ang isang lalaki suot ang isang sumbrelo na pangmilitar, mula sa maliit nitong pangangatawan at maikli nitong kulay abong buhok na hindi aabot sakanyang batok, si Carina ...
tinulak sya nito upang bumagsak sakanyang mga tuhod dahilan para matangal ang sumbrelo na tumatakip sakanyang mukha.. ilang segundo pa 1... 2... 3...
Carina? ,, "Hindi! Wag ang anak ko nakikiusap ako sainyo! Wala syang kasalanan.."
ang malakas na sigaw ng kanyang Ina na umalingaw-ngaw sa buong lugar, umiiyak ito na lumapit sa mga sundalo na hindi kalayuan sakanyang kinatatayuan, Isa-isa syang nakiusap at nagmakaawa sa mga ito hanggang sa lumuhod at hawakan nya ang binti ng sundalong nagtulak kay Carina,.
"patawarin mo na kami! Ako nalang! Ako nalang!" turo nya sakanyang sarili habang mahigpit na nakahawak sa mga binti nito,..
"pakiusap ako nalang!" ang patuloy na pagmamakaawa nya sa mga ito.
" Ate. Carina.. "
ang pabulong na sabi ni Mona habang nagtatago sa mga nagtataasan puno sa kakahuyan, sa harap nya ay tahimik lang din na nanunuod sila Erwin, Katarina, Lucas at Gin.
"Anong gagawin natin? Sniff " muli nyang tanong bago bumagsak ang luha sakanyang mga mata. Inis naman syang nilingon ni Erwin na pilit na pinipigilan ang pagbagsak ng kanyang luha
"Wala! Wala tayong gagawin Mona, dahil wala tayong magagawa" pabulong na wika nito kasabay ng pagpunas ng kanyang luha.
Mula sa pinagtataguan nila ay kitang-kita nila ang pagmamakaawa ng Ina nito habang nakaluhod sa mga tuhod nito, napatayo si Gin ng makita nya kung paano sipain ng sundalo ang Ina ni Carina dahilan para matumba ito sa lupa pero agad naman syang nahawakan ni Lucas at pilit na pinaupo sa tabi ng isang puno,
"Gin, alam mong wala tayong magagawa sa ganitong sitwasyon! Mapapahamak kalang!" mahinag sabi ni Lucas sakanya, napayukom nalang nya ang kanyang palad habang sinusubukang pakalmahin ang kanyang sarili.
Boogs! Ang malakas na pagbagsak ng sundalong sumipa sakanyang Ina, halos lahat ay nagulat sa ginawa ni Carina, walang bahid ng takot ang kanyang mga mata, ngunit agad din syang napaluhod sa lupa ng isang sundalo ang sumipa sakanya at tutukan sya ng baril mula sakanyang likuran,
"hah! Alam mo ba ang pinagkaiba nating dalawa!?" sigaw sakanya ng sundalo habang pinupunasan nito ang dugo sakanyang mukha, lumapit ito sakanya at tinignan sya mula ulo hanggang paa.
"Pwee!" (split)
Boogs!
Ang mabilis na pagbagsak ni Carina matapos sya nitong sipain, makikita ang mga patak ng kanyang dugo sa lupa na pinanlumo ng kanyang Ina at ng iba pang tao na nasa lugar,
"nasa batas ako! At sunud-sunuran lang kayong lahat!"
ang malakas nitong sigaw at tinapakan ang ulo ni Carina dahilan upang muli itong bumagsak sa lupa, halos kumalat na ang kanyang dugo dahilan upang mapatakbo ang kanyang Ina sakanyang harapan at pilit na tinatanggal ang paa ng lalaki sakanyang ulunan,
"Tama na! maawa ka sakanya!" ang paulit-ulit na sigaw nito habang umiiyak. Inismiran lamang sya nito at bantang sisipain muli ngunit bago pa nya maramdaman ang paa nito sakanyang mukha ay malakas na pagbagsak ang kanyang narining.
Nakahiga padin si Carina sa lupa kaya agad syang nag-angat ng tingin upang makita kung sino ang may lakas ng loob na tumulong sakanila.
"hindi namin alam ang batas na sinasabi mo, kaya wala kang karapatan na saktan kahit sino sa amin dito!" galit na sigaw ni Gin habang duguan ang kanyang kanang kamao.
Sabay sabay na nagtutok ng mga baril ang sundalo sakanya, pero hindi alintana ang takot sakanyang mga mata deretsyo lamang sya na nakatingin dito habang makikita ang malalim at mabigat nyang paghinga.
Bang! (gunshoot) ang nagpatigil kay Gin ng subukan nyang lapitan ito.
"Ikaw na ang pang sampo(10) Gin Morris, isakay na silang lahat!" utos ng lalaking nag-paputok ng baril sa ere. Makikita ang autoridad nito sa kanyang naiibang uniforme na may ranggo ng isang opisyal ng militar. Agad naman na sinunod ng lahat ang sinabi nito at isa-isa silang nilagyan ng posas sa parehas na kamay,
"Anak ko,.. Carina" pabulong na wika ng kanyang Ina sa kanyang taenga habang nakayakap ito sakanya, nilagay nito ang sumbrelo sakanyang ulo bago tumingin sakanyang mga mata,
"patawarin mo ako, patawarin mo kami.." ang umiiyak na wika nito. At sa kauna-unahang pagkakataon ay pumatak ang luha na kanina pa nya pinipigilan na bumagsak
"babalik ako.. babalikan ko kayo.."
ang paulit-ulit na salita sakanyang bibig hanggang sa bitbitin na sya ng militar palayo dito, palayo sakanyang Ina, palayo sakanyang kapatid ngunit malapit sakanyang Ama..
"Pero hindi ko kayang manuod nalang,.. Wala akong magagawa, Oo! Dahil nakaupo lang ako dito at naghihintay, Pero hindi bukas, hindi sa susunod na araw at lalo'ng hindi ngayon :Gin Morris"
- Nomos:Sin5:greed –
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro