Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Blood : Kabanata 04


"bilisan nyo, malapit na nila tayo'ng maabutan!" 

malakas ngunit maingat na sigaw ng isang bata'ng lalaki na nasa edad pito(7) habang mabilis na tumatakbo sa gitna ng kakahuyan, makikita rin sakanyang likuran ang isang batang babae at lalaki na hindi nalalayo sakanyang edad. 

Ang maliliit ngunit mabilis nilang mga hakbang, ang maputik at walang samplot nilang mga paa. Huminto sila ng marating nila ang ilog na humahati sa kakahuyan sa gitna ng nagtataasan nitong mga puno.

"sigurado kaba dito Erwin?" nag-aalangang tanong ng babae habang tinatanaw kung gaano kalalim ang ilog. 

"sundan nyo lang ako" wika nito ng hindi lumilingon at nagsimulang lusungin ang tubig na aabot sa kanyang hita. 

"bilisin nyo!" sigaw ni Erwin na ilang hakbang nalamang ay nasa kabilang bahagi na ng ilog.

"hindi ko kaya.." mahina at nahihiyang sabi ng batang lalaki habang deretsyong nakatingin sakanyang putikang mga paa, natigilan si Erwin ng makarating ito sa kabila at tinignan nya ito na puno ng pagtataka,.. 

"Casimir? Nandito na tayo" iritableng tanong nito na nagpaangat sa tingin nya, mula kay Erwin at sa babaeng nakatalikod sakanyang harapan. 

"Sumakay kana sa likod ko, kilala mo si Erwin kapag mainit ang ulo" natatawa nitong sabi ng pumasan sya sa likuran nito. " bilisan nyo!" ang paulit-ulit na sigaw ni Erwin hanggang sa makatawid sila ng ilog. 

"shhh! Tumigil kana! Tinatakot mo si Casimir" inis na sabi ni Katarina habang inaayos ang nabasang damit nya. 

Tumingin naman si Erwin kay Casimir na nakayuko lang at magkahawak ang dalawang kamay. Napasabunot nalang sya sa sarili at inis na naglakad pero agad syang napaatras ng isang lalaki na nasa kanyang edad ang naglagay ng kahoy na espada sa kanyang leeg, humakbang sya paatras hanggang sa maramdaman nya ang malamig na lupa sakanyang likuran.

"talo kayo" sabi ng lalaking mayhawak nang kahoy sakanyang harapan, mayroon itong hawak na asul na tela na nakatali sa kaliwang kamay. 

Napapikit nalang si Erwin at tumayong tinabig ang kahoy na hawak nito "haaisst! Kami dapat ang panalo!" malakas na sigaw nito at saka tumingin ng masama kay Casimir na agad namang tinago ni Katarina sakanyang likuran. Hahakbang na sana ito para lapitan si Casimir pero agad na hinawakan ng lalaki ang braso nya, 

"Erwin, naglalaro lang tayo" mahinahon na sabi nito. Napapikit sya ng mariin at malakas na bumuntong hininga, 

"alam ko Gin.." may-inis na sabi ni Erwin at tinanggal ang kamay nito sa braso nya.

"Ohhww! Panalo nanaman tayo! Wala talagang makakatalo kay Gin!" 

sigaw ng isang lalaki na humahangos na dumating, kasunod ang isang babaeng nakasuot ng malaki at bilugang salamin habang nakatali ang buhok sa dalawa, kagaya nila ay nasa anim(6) hanggang pitong(7) taon ang mga ito. Pare-parehas silang may mga maputik na paa at maruming kasuotan. 

Natigilan si Erwin sa sinabi nito at mabilis na hinawi si Katarina na dahilan para mapaupo ito sa lupa.

"Erwin!" 

sabay-sabay na sigaw nilang lahat ng hawakan nito si Casimir sa kaliwang braso. 

"kung hindi dahil sayo ay ako dapat ang nanalo!, hindi dapat ako nakinig kay katarina na isama ka sa grupo" nagpipigil na sigaw nito kay Casimir na pinipigilang umiiyak sa harap nito, agad naman na hinatak palayo ni Gin si Erwin mula dito, 

"bitiwan mo nga ako!" inis na sabi ni Erwin at sinubukang itulak si Gin pero mahigpit ang hawak nito sakanya, dahilan upang parehas silang bumagsak sa lupa 

"Erwin! Ano bang problema mo? Naglalaro lang tayo!" sigaw ni Gin sakanya habang nakaupo sa lupa, tinignan lang sya nito ng masama at tumayo mula sakanyang pagkakahiga.

boogs!

Hindi pa man nakakatayo si Erwin ay muli syang bumagsak sa lupa ilang beses na nga ba ako'ng bumabagsak sa lupa? Isa, dalawa, tatlo ? halos hindi nya mabilang, malakas ito na tila maybumagsak na isang malaking bato sa mukha nya, at hindi nga sya nagkakamali dahil isang malakas na suntok ang nagpadugo sa ilong at labi nya. 

Natigilan ang lahat sa ginawa nya, ang mahaba at kulay abo nya'ng buhok, ang malalim at itim nitong mga mata, ang maputi at kagumangi nya'ng balat, makikita mo ang itsura ni Casimir sa unang tingin mo sakanya.

"ayos kalang ba?" napailing nalang si Gin nang makita nya'ng alalayan nito si Erwin tumayo matapos nya itong suntukin. 

"tss! ayos lang ako" ismid na sagot ni Erwin habang pinupunasan ang dugo sa labi nya.

 "Ate.Carina.." mahinang tawag ni Casimir na nagpalingon sa kanilang lahat, tatlong(3) taon ang agwat nilang magkapatid ngunit makikita mo ang pagkakahalingtulad sakanilang mukha, sa kulay abong buhok at itim na mga mata, nginitian lamang sya nito at patalikod na lumuhod sakanya, 

"umuwi na tayo?" nakangiting tanong ni carina, bago sya palundag na sumakay sa likod nito.

"kung sino ang mahuli, itatali sa puno sa itaas ng burol!!" sigaw ni carina, bago tumakbo pasan si Casimir pababa nang kakahuyan, nagkatinginan muna ang lahat at tila sila mga disusing laruan na automatikong mabilis na nag-unahan.. 

"san-dali! hintayin nyo ako" 

ang mabigat na mga yabag ng kanilang bawat hakbang, "bilisin nyo! Paniguradong si mona ang itatali bukas!" 

hindi alintana ang maputik at marumi nilang kasuotan.

Ang malalim at mabigat nilang paghinga, wala kang maririning kundi ang malalakas nilang tawanan.

Ang maiingay nilang sigawan, mga malalapad na ngiti sa kanilang bawat mukha.



"Kung susukatin natin ang kasalanan sa mundo, Hindi nito matutumbasan ang gawa ng isang mabuting tao"

- Nomos:Sin3:greed –

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro