Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Blood : Kabanata 01


Sinasabi'ng sakanya nagmula ang lahat, pinaniniwalaan na sya ang maylikha ng kung ano man ang meron tayo sa kasalukuyan. Hindi natin sya nasilayan ngunit naging tapat tayo at naniwala, hindi natin sya kailanman narining pero kinilala sya at binigyan ng pangalan.

Sya at ang kanya'ng bawat likha : Tayo at ang ating bawat gawa, ¹ Nilikha nya ang dilim kasabay ang liwanag at mula rito nagkaroon tayo ng pag-asa at sinimulan nating mangarap. ² Gumawa sya ng langit at malawak na dagat at mula sakanya unti-unti tayong nagkaroon ng buhay. ³ Nagkaroon ng lupa para sa ating pagka-gutom at umusbong ang tiwala kung saan sinimulan natin ang pagsisikap ⁴ at mula rito nagkaroon tayo ng kalayaan para mabuhay. ⁵ Sumikat ang araw sa umaga at nagliwanag ang bituin sa gabi, at nagsimulang mahati ang lahat sa dalawa.⁶ Hinubog tayo sa kung anong anyo ang meron sya ⁷ at mula sa atin nagsimula ang kasalanan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro