Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5

Nandito ako ngayon sa tapat ng Unibersdad na pinapasukan ni Meri, dapit-hapon na kasi ako nakarating sa maynila.

Gantong oras ang labasan nina Meri kaya dito na ako dumiretso para makita ko naman siya bago ako umuwi sa bahay, sigurado.kasi akong umaga na ang uwi niya kasi papasok pa siya sa trabaho.

Nakita ko ang mga kaklase ni Meri na lumabas na ng unibersidad kaya nilapitan ko ang mga ito.

"Hi, nakita niyo ba si Meri?" tanong ko sa grupo ng mga estudyante.

"Hindi na pumapasok si Meri..." sabi ng isa.

Nagulat ako sa sinabi nito. "Huh? Bakit? Kelan pa?" sunod-sunod ang mga tanong ko, wala naman nasabi sakin si Meri tungkol sa bagay na'yun.

"Mahigit isang linggo na ata hindi siya hindi napasok eh." dagdag pa ng isang lalaki na kaklase din ni Meri.

Sumang-ayon naman ang mga kasama nito.

"Sigurado ba kayo?" tanong ko.

Tumango ang lahat bilang pagsang-ayon sa tanong ko.

"Sayang si Meri noh, gagraduate na tayo sa susunod na buwan..." narinig kong sabi ng kaklase habang papalayo sakin.

Nagpasalamat ako bago umalis sa mga harap ko.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ng mga ito.

Paanong hindi napasok si Meri, lagi siyang wala sa apartment namin kaya akala ko napasok ito.

Pumunta ako sa store kung saan siya  nagtatrabaho. Baka nag-fu-full time na siya sa trabaho, hindi niya lang masabi sakin kasi nahihiya.

"Mahigit isang linggo na hindi pumapasok dito si Meri." sagot sakin ng manager na nakausap ko sa store na pinapasukan niya. "Hindi ko alam kung bakit hindi na siya pumapasok, hindi kasi siya nagpaalam. Ang huling duty niya nung nagpa-early out siya dahil masama raw ang pakiramdam niya."

"Kakaiba yung kinikilos niya nung huling duty niya dito, parang hindi siya..." sabat ng isang empleyado na si Lian, nabasa ko ang nameplate nito na nakasabit sa polo shirt sa kaliwang dibdib nito.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanila, hindi lang pala ako ang nakapansin na may kakaiba kay Meri, pati ang ibang tao.

Habang pauwi ako sa apartment ay inisip ko kung saan nagsimula ang pag-iiba ng kilos niya.

"Dito po ba tayo?" tumigil na ang sinakyan niyang tricycle.

Nagtaka ang tricycle driver dahil may nagkukumpulang mga tao at may mga pulis pa sa hinintuan nilang apartment.

"Bayad po."inabot ko sa kanya ang bayad ko at bumaba na ako sa tricycle.

Bumungad sakin ang mga taong nakapulong sa tapat ng apartment namin.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa mga tao roon.

"Ang baho." sabi ng napagtanungan ko at umalis na ito.

"Ano kayang nangyari sa kanya?" paulit-ulit kong tanonh.

Marami pa ang mga nagsasalita pero hindi ko na'yun inintindi. Isa lang ang nasa isip ko, si Meri.

Iniwan ko ang dala kong bag at mabilis na naglakad papasok sa apartment pero pinigilan ako ng mga tao dun.

"Sandali lang po, dito po ako nakatira..." pagpupumiglas ko sa mga ito.

"Huwag ka muna pumasok sa loob, hija, naaagnas na ang katawan ng kaibigan mo."

"Ilang araw na ata ang bangkay niya kaya ganun nalang kabaho."

Natigilan ako sa mga sinabi ng mga ito.

Pamilyar sakin ang masangsang na amoy sa loob, lalo pang lumakas ang amoy nang ilabas ang bangkay na naaagnas na. Nakatalukbong ito ng kumot kaya hindi ko na nakita ang nasa loob, ang katawan ni Meri.

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari, pano ito nangyari?

"Anong nangyari, Meri." bigla nalang bumagsak ang mga luha ko at napaluhod ako.

Tumingala ako nang may humawak sa balikat ko, isang matanda at batang nakaalalay rito. "Hindi siya pinakawalan ng babae... hanggang sa kamatayan dahil sa bagay na inangkin niya..." umalis na ito pagkatapos sabihin iyon.

"Teka lang po, Manang!" hahabulin ko sana ang matanda nang humarang ang pulis sa harap ko, pag-alis ng pulis ay nawala na ang matanda at ang bata.

Natagpuan si Meri sa ilalim ng kama niya, labing tatlong araw na ngayon ang bangkay niya kaya unti-unti ng naaagnas ang bangkay niya ganun nalang kabaho. Sinabi ng mga pulis ay nakadapa siya at dilat ang mga mata na wala ng itim sa gitna.

YEAR 2018

"Miss, pasensya na aa sobrang trapik kaya baka lumaki ang babayaran niyo..."

Natauhan ako nang magsalita ang taxi driver.

"Manong, dito nalang po ako may pupuntahan pala ako." nagbayad na ako at hindi ko na kinuha ang sukli. Bumaba na'ako sa taxi.

Lumakad ako palapit sa lumang apartment.

Pagkatapos ng pangyayaring 'yon siyam na taon na ang nakakalipas ay lumuwas si Mama para sunduin at ibalik ako sa probinsya.

Nilagnat ako nun, ilang araw pa ang lumipas ay nawala ako sa katinuan ng pag-iisip. Dalawang taon akong nasa mental ospital.

Sabi nina Mama kung anu-ano raw ang nakikita ko at sinasabi ko nung nabaliw ako. May hinahanap pa mga raw ako, lagi ko tinitignan ang mga daliri ng lumalapit sakin. Pero hindi ko daw sinasabi kung ano ang hinahanap ko noon.

Ano kaya yung hinahanap ko.

Nung makabalik ako sa katinuan ng aking pag-iisip ay para akong natulog lang ng matagal at paggising ay nag-iba na ang nasa paligid ko.

Mga kasama ko ay mga nawalan din sa katinuan.

Ang dami kong tanong noon kanila Mama pero pati sila ay hindi alam ang sagot.

Ang sagot lang nila ay siguro naapektuhan ako sa pagkawala ng kaibigan ko, dahil daw matagal din kami nagkasama sa iisang bubong kaha ganun nalang ang pagkalungkot ng naramdaman ko sa pagkamatay ni Meri.

Parang may bumubulong sakin na pumasok sa loob ng apartment.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong pumasok, hindi ito nakalock kaya pumasok na ako. Inikot ko ang aking paningin sa buong bahay, wala itong pinagbago yun nga lang niluma na ng panahon ang pintura at mga gamit. 

Pumikit ako at inalala ang lahat. Labing tatlong araw ng patay si Meri bago siya matagpuan. Yung naaamoy ko dati ay bangkay niya 'yun at hindi patay na daga.

Sino yung nakita at nakausap ko nung panahon na patay na siya.

Paano nangyaring nagpapakita siya sakin, kaya pala kakaiba na ang kilos at boses niya. Malamig na rin siya nung huli kong hawakan ang balat niya.

"Ano ba talagang nangyari sayo, Meri? Hanggang ngayon palaisipan pa din ang nangyari sayo." sabi ko sa hangin.

Dumilat ako nang maalala yung nangyari kay Meri sa loob ng banyo, natagpuan ko siya na takot na takot noon.

Ano kayang nangyari sa kanya dun?

Namiss ko ang kwarto ko, naglakad pa ako papunta sa kabilang kwarto.

Madilim sa loob dahil natatakpan ito ng makapal na kurtina. Ginala ko pa ang mga mata ko,  naalala ko si Meri, namimiss ko na siya.

Lalabas na sana ako nang may umagaw ng atensyon ko. Singsing, umiilaw ang mga letra nito dahil sa dilim. Yumuko ako at kukunin sana...

Nang biglang humangin ng malakas at lumamig, tumaas ang mga balahibo ko.

Napalunok ako at hindi makakilos. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko banda sa likod ko. Tumayo ako at dahan-dahang umikot paharap sa likuran ko.

Isang babaeng maputi, mahaba ang buhok, nakayuko ito at yung mga mata nito ay puro puti lang na binalutan ng ugat. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nasa likod nito.

Si Meri.

Sa panahon ngayon ay ang mga tao kapag naakit sa isang bahay kahit na hindi nila pagmamay ari ay aangkinin nila. Hindi natin alam na dapat isoli natin ang bagay na hindi para sa atin. Minsan sa pag angkin natin sa bagay na iyon ay yun pala ang magiging daan ng ating kapahamakan.

-END-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro