Ian
Mahihina ang hakbang ko papunta sa kusina kung saan naghihiwa ng mga sangkap si Mama. Kanina pa 'ko nagugutom kasi hindi ako bumili ng snacks sa school. Mas iniisip ko kasi ang mga bayarin ko sa school at mga gastusin ko na mas importante pa sa snacks, lalo na ngayong graduating na ako.
Kanina nga ay nagbayad ako para sa research namin na kami na lang dalawa ng leader ang nag-aasikaso. Totoo pala ang sinasabi nila na nakakasira ng friendship ang thesis. Legit na legit, pre, nag-away kami ng mga kaibigan ko. At ang mas malala pa, pati pa ng girlfriend ko.
Hindi ko na alam kung paano 'to tatapusin, o baka nga ay ako pa ang matapos. Buhay ko ang matapos. Kung ganito pala ang mangyayari, sana hinulaan ko na noon pa, para alam ko kung anong dapat kong gawin at kung ano ang dapat iwasan. Kaso hindi eh, hindi tuloy ako na ready.
At totoo pala 'yong sinasabi nila na ang third year at fourth year sa college ang pinakamahirap na year. Kasi mula nang magsimula ang research namin no'ng third year kami ay nagkanda-leche-leche na ang buhay ko, buhay namin ng mga ka groupmates ko. Bakit ba kasi kailangan pa nating dumaan sa ganito?
Natigilan ako sa paglalakad at napailing. Hindi ko pa pala nalapag ang dala kong bag kaya pumunta na lang muna ako sa kuwarto ko para makapagbihis na rin. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung anong gagawin ko para matapos ang lahat ng 'to. Hindi ko na rin alam kung paano ko aayusin ang pagkakaibigan namin na nasira dahil lang sa hindi pagkakaunawaan. Sa totoo lang, ang gulo na. Ang gulo na ng buhay ko. Idagdag pa na wala na akong pera.
Umupo muna ako sa kama at wala sa sariling binuksan ko ang wallet ko. At mas lalo akong nawalan ng gana nang makita kong wala na naman iyong laman. Hindi ko na rin alam kung saan ako kukuha ng pera, nahihiya na ako kay Mama. Nahihiya na akong mangutang sa mga kaklase ko na pati rin naman sila ay kailangan ng pera. At lalo na sa susunod na week, kukuha na kami ng requirements para sa on-the-job training namin. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
Sa halip na kaawaan ko ang sarili ko ay bumaba na ako at pumunta na sa kusina. Gusto kong makita si Mama dahil si Mama na lang ang natatangi kong makukuhanan ng lakas. Si Mama na lang ang mayroon ako. Kasi pati girlfriend ko, iniwan na rin ako. Ano ba kasing kulang sa 'kin?
Alam ko na, wala akong pera.
Mabilis ang mga lakad ko papuntang kusina. Excited pa nga ako dahil naaamoy ko ang niluluto ni Mama. Amoy adobo, ang paborito ko.
Pero bigla akong natigilan nang may nahagip ang mga mata ko. Nandoon ang mga kaibigan ko na feel at home na nakaupo at kumakain. Noon kasi ay palagi ko silang sinasama sa bahay kapag may activity kami na dapat gawin. Close na close talaga kami ng mga kaibigan ko pero biglang nagbago nang agawin ni Joshua si Beatrice sa 'kin, ang girlfriend ko.
Harap-harapan talagang inagaw. Nakita ko sila na naghaharutan sa mismong bahay namin. Legit ang sakit, pre. Tagos na tagos hanggang sa huling kuko ko sa paa. Akalain mong ang ahas pala ay kasama ko palagi? Hindi ko talaga inaasahan 'yon kasi may girlfriend naman si Joshua, ang leader namin sa research.
Ang galing talaga maglaro ng tadhana. Ang galing manakit. Ang galing manira ng buhay. Legit na legit. To the point na nakakasira ng bait. Sinong maniniwala na ang friendship na nabuo noong first year kami ay nasira nang tumuntong kami ng fourth year. Wala, kasi pati ako hindi makapaniwala eh.
Pinagmasdan ko lang ang mga kaibigan ko habang kausap nila si Mama. Ang galing nilang umakting kasi parang close na close pa rin sila. Para kasing walang away na nangyari eh. Kung paano sila makipag-usap kay Mama ay katulad na katulad noon, 'yong panahon na wala pa kaming gap.
Mabigat ang bawat lakad ko no'ng lumapit ako sa kanila. Hindi ako nagpakita ng galit, umakting din ako katulad kung paano sila umakting. Mas magaling ako sa kanila, siyempre. Pero 'yong galit ko, hindi ko talaga mapigilan eh. Hindi ko alam kung anong nangyari pero biglang kumulo ang dugo ko no'ng ngumiti sa akin si Joshua. Putangina ng g-go, nagawa pang ngumiti sa 'kin na parang walang nangyari! Para bang wala siyang inagaw sa 'kin! Putang*na lang talaga!
Mabilis ang mga galaw ko at hindi ko namalayang may hawak na pala akong kutsilyo at sinaksak ko iyon sa dibdib niya. Habol ko ang aking hininga at hindi ko magawang idilat ang mga mata ko. Gusto ko siyang saksakin nang paulit-ulit hanggang sa mawala ang galit sa dibdib ko. Pero siguro kahit gawin ko 'yon, hindi mawawala at hindi mabubura sa isip ko ang ginawa niyang pang-aahas!
Nang dumilat ako at tiningnan ko siya ay mas lalo akong nagulat. Ngumiti siya sa 'kin na para bang hindi siya nasaktan.
Tinanggal niya ang kutsilyo sa dibdib niya at nagtanong, "Was that supposed to hurt? Matagal mo na 'kong pinatay, Ian. Bumalik ako kasi gusto kong ipaalam sa'yo na magpinsan kami ng girlfriend mo." Hinigpitan niya ang paghawak sa kutsilyo at sinaksak din iyon sa dibdib ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro