Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Gina

Nakatitig ako sa kaniya habang may hawak siyang libro at tinatahak niya ang daan papunta sa isang mesa na wala ni isang estudyanteng nakaupo. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang makisama sa mga kaklase niya, mas gusto niyang mapag-isa at lumayo sa mga batang kaedad niya. Sa mga kaklase niya na sana ay nakikisalamuha siya. Matagal ko na siyang pinagmamasdan. Mali, matagal ko na siyang sinusubaybayan at napansin kong wala siyang kaibigan.

Posible pala 'yon? Na mabuhay ang isang tao na wala ni isang kaibigan? Na mabuhay ang isang tao na walang kausap? Posible pala 'yon na kaya nating mabuhay mag-isa?

Muli ko siyang nilingon. Nagbabasa na siya ng libro, 'yong libro na kinuha niya sa bookshelf kanina. Sa loob ng ilang araw na sinusubaybayan ko siya ay napansin kong paborito niyang basahin ang mga romance novel na nakalagay doon sa sulok na halos wala ring estudyanteng napapadpad doon. Mas gusto kasi nilang magbasa ng mga kuwento na nasa cellphone na. 'Yong mga kuwento na tinatawag nilang nasa "online" na. Kalat na kalat na ang mga application na gano'n. Isang pindot mo lang sa playstore at mag-install ka ay libre ka ng makakabasa ng mga stories. Siguro, hindi pa aware ang babae na 'to na mayroon ng gano'n. Or baka mas gusto lang din niyang magbasa ng mga physical books, sabagay iwas radiation na rin 'yon.

Ilang minuto na rin akong nakatitig sa kaniya pero as usual, wala pa ring estudyanteng lumapit sa kaniya. Wala siguro talagang kaibigan ang babae na 'to. Bakit kaya gano'n? Mukha namang siyang mabait, mukha rin siyang matalino. Pero, hindi nga lang marunong makipag-socialize. Iyon siguro ang kulang sa kaniya.

Ilang sandali pa ay tumayo na ang babae at tama nga ang hinala ko na papunta na siyang comfort room. Gano'n palagi ang routine niya kapag vacant time niya. Para na tuloy akong stalker, dahil alam ko na ang mga galawan niya. Alam ko kung kailan siya may klase at kung kailan ang vacant niya. Ang weird lang, 'no? Ni hindi ko nga alam kung bakit ko 'to ginagawa.

Kusang gumalaw ang mga paa ko at sinundan ko ang babae. Dahan-dahan lang ang mga lakad ko, sakto lang na makita ko kung saan pumunta ang babae. Pero kahit ilang araw ko nang ginagawa 'to, hindi ko pa rin alam kung anong pangalan niya. Wala akong lakas ng loob na magtanong. Dahil sa dahilang hindi ko alam kung sinong tatanungin ko. Pakiramdam ko kasi kahit mga kaklase niya ay hindi alam kung sino siya.

Sobrang weird.

Nang makarating ako sa comfort room ay nakita ko siyang nakatitig sa salamin. Wala akong mabasang emosiyon sa mukha niya. Blank, as in blank. Ni hindi nga siya nagulat na sinundan ko siya. Hindi siya nagsalita. Hindi rin niya ako tiningnan pagpasok ko. Bakit ba ang weird ng babae na 'to?

"Hi?" pagtawag ko sa pansin niya. Tudo ngiti pa ako para mapansin niya rin ako kahit papaano. Pero deadma pa rin siya. "Anong name mo?"

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya habang siya naman ay nakatitig pa rin sa salamin. Ni hindi siya gumalaw, ni hindi siya lumingon sa 'kin kahit kinausap ko na siya. Bakit siya ganiyan? Parang hindi siya normal. 'Di ba dapat kapag may kumausap sa 'yo, lumingon ka or kahit tumango ka man lang. Pero bakit siya hindi man lang tumango or ngumiti man lang kung nahihiya man siya sa 'kin.

"Grade 9 student ka, diba?" patuloy pa rin ako sa pagdaldal, baka kasi nahihiya lang siya sa 'kin kaya ayaw niyang sumagot. "Nakita kasi kita no'ng nakaraan, hinatid ko kasi ang kapatid ko. By the way, ako pala ang secretary ng SSG. Kung may problem ka or gusto mo ng kausap, huwag kang mahiyang lumapit sa 'kin ha? Mabait naman ako eh."

Pero, wala pa rin siyang kibo. Nagpasiya na lang ako na tumahimik at hindi na siya kulitin pa. Kaya siguro walang gustong kumausap sa kaniya dahil ganiyan siya. Parang wala siyang nakikita or naririnig man lang. Blank pa rin expression niya at nakakapagtaka talaga 'yon. Natatakot na tuloy ako, baka kasi bigla siyang mag-transform tapos alagad pala siya ng mga masasamang nilalang.

Okay, kakanood mo 'yan ng horror, Gina.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at muli ko siyang tiningnan. Hindi naman siya nag-transform gaya ng iniisip ko. Imbis na matakot ay natawa na lang ako sa naisip ko. Nababaliw na rin siguro ako, nakakahawa pala itong kasama ko sa comfort room.

Hindi naman siya baliw eh, medyo weird lang.

"Ikaw si Gina, 'di ba?"

Lalabas na sana ako sa comfort room pero bigla siyang nagsalita. Ang cute pala ng boses niya. Mabilis akong lumingon pero wala pa rin siyang expression. Tumango ako bilang sagot. Hindi na ako nagtaka kung bakit alam niya ang pangalan ko, secretary ako ng student council kaya siguro kilala niya ako.

"Nakikita mo ba talaga ako?"

Biglang nagsalubong ang mga kilay ko. Anong ibig niyang sabihin?

"Matagal na 'kong patay, Gina. Bakit nakikita mo ako?" dagdag niyang tanong at biglang nagkaroon ng dugo ang mukha niya

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro