Daryl
"Evelyn."
Kanina pa 'ko panay tawag sa best friend ko. Mula kasi no'ng nagsimula na ang klase namin sa college ay hindi na niya 'ko pinapansin. Wala naman sana akong sinabing masama at mas lalong wala akong ginawang masama. Para bang nagbago ang takbo ng mga buhay namin at umaakto siyang hindi niya ako kilala.
Mas binilisan ko ang mga lakad ko para maabutan ko siya. Kahit pa kasi anong gawin kong pagtawag sa kaniya ay hindi talaga siya lumilingon, binibilisan pa niyang lalo ang mga lakad niya. Kahit pa saan pa tayo umabot, makausap lang kita, Evelyn, okay na 'ko do'n.
Nang maabutan ko siya ay agad kong hinawakan ang braso niya. Nandito na kami sa department ng high school at hindi ko alam kung bakit siya pumunta rito. Pero nang mahawakan ko siya ay nagpupumiglas siya at gustong-gusto niyang makawala sa pagkakahawak ko.
"Bitawan mo 'ko!" mahina pero madiin niyang sabi sa 'kin.
Bakit kita bibitawan? Bulong ko sa sarili ko. Bibitawan talaga kita para makawala ka na naman? No! Hindi ko 'yon gagawin!
"Puwede bang mag-usap tayo?"
"Anong pag-uusapan natin? Nagmamadali kasi ako," aniya at muli na namang sumubok na makawala sa pagkakahawak ko. "Ano ba, Daryl? May inutos si Ma'am Sheila sa 'kin. Kung wala kang sasabihing matino, mabuti pang bitawan mo na lang ako."
Hindi ako nagsalita, hindi ko siya sinagot. Hinila ko siya palapit sa 'kin at niyakap ko ang best friend ko. Yes, best friend ko si Evelyn pero mula no'ng nagtapat ako sa kaniya na gusto ko siya, biglang nagbago ang pakikitungo niya sa 'kin.
Okay lang naman sa 'kin kung hindi niya 'ko gusto. Okay lang din sa 'kin kung sabihin niyang hindi niya kayang tumbasan ang pagmamahal ko sa kaniya. Okay lang din sa 'kin kung sabihin niyang hindi niya ako mahal, na kaibigan lang ang turing niya sa 'kin. Okay lang talaga, 'wag 'yong lalayuan niya ako at umakto siyang hindi niya ako kilala.
Hindi gumalaw si Evelyn habang yakap ko siya. Nakikiramdam lang siya kung anong gagawin ko kaya mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kaniya. Miss ko na ang best friend ko, miss ko na ang kaibigan ko. Miss ko na siya. Pero hindi ko lang siya malapitan tuwing gusto ko siyang kausapin. Hindi ko na magawa 'yong mga bagay na ginagawa ko sa kaniya dati. Parang biglang nagkaroon ng gap sa aming dalawa mula nang magtapat ako sa kaniya.
Mali ba 'yon? Mali bang mahalin ang best friend ko? Mali ba talaga ang ginawa ko? Mali bang magmahal?
"Bitawan mo na 'ko."
Pero hindi ko siya pinakinggan. Ayokong gawin ang sinasabi niya. Natatakot akong bitawan siya, baka bigla na naman siyang mawala at hindi na naman niya ako pansinin. Natatakot ako sa lahat. Ayokong mawala siya, ayokong mawala ang best friend ko, ayokong mawala ang babaeng mahal ko.
"Daryl, bitawan mo 'ko," muli na naman niyang sabi pero wala naman siyang ginagawa para makawala sa pagkakayakap ko.
Alam kong mahal niya rin ako. Alam kong hindi lang kaibigan ang turing niya sa 'kin pero ang hindi ko lang alam ay kung bakit siya umaayaw. Wala naman sanang tutol kung magiging kami man. Kilala ako ng mga parents niya at kilala rin siya ng parents ko. Sa totoo nga lang ay gusto ng mga parents namin na kami ang magkatuluyan. Pero bakit siya ganito?
"Bakit ba? May problem ba, Eve? Sabihin mo naman sa 'kin. Hindi ako sanay na ganiyan ka. Hindi ako sanay na iniiwasan mo 'ko."
Hindi talaga ako sanay kasi hindi naman siya ganito. Hindi ganito ang Evelyn na kilala ko. Mula pagkabata ay kasama ko na siya. Halos lahat ng chapters ng buhay ko ay kasama ko siya.
"Wala," mahina niyang bulong sa 'kin at gumanti na siya ng yakap. "Walang problema."
"Alam kong meron. Hindi ka magkakaganiyan kung wala kang problema eh. Ano ba kasi ang iniisip mo?"
Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa 'kin. Hindi siya nagsalita. Mukhang hindi ko na naman makukuha ang sagot sa mga katanungan ko. Hindi ko na lang siya kinulit at hinayaan siyang yumakap lang sa 'kin. Hinawakan ko na lang ang buhok niya at pinaglandas ang mga daliri ko doon.
Kung hindi niya talaga kayang tanggapin na mahal ko siya, okay lang. Okay lang talaga sa 'kin basta bumalik lang kami sa dati. Bumalik lang 'yong Evelyn na kilala ko. 'Yong Evelyn na hindi ako iniiwasan. 'Yong Evelyn na best friend ko.
"Daryl," sambit niya sa pangalan ko at humarap siya sa 'kin. Tinitigan lang niya ako at saka siya dahan-dahan na ngumiti.
"Yes, bhe."
Hinaplos niya ang pisngi ko. "Mahal kita pero mahal ka rin ni Claire."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro