Claire
"Ate Claire? Saan ka pupunta?" tanong ni Bianca sa akin nang makita niya akong palihim na binuksan ang pinto.
Nag-sign ako sa kaniya na 'wag siyang maingay dahil hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag nalaman nila Daddy na tatakas ako. Nagsalubong ang mga kilay ng kapatid ko na mukhang hindi talaga tatahimik kaya lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.
"Anong gusto mong pasalubong? Books? Pupunta akong bookstore mamaya, may ipapabili ka ba?" nakangiti ko pang tanong sa kaniya para lang hindi siya magsumbong kay Daddy. Alam ko naman kung paano hulihin ang kiliti niya, libro lang ang katapat nitong kapatid kong si Bianca. Sobrang hilig niya kasing mag-collection ng books. Collection lang kasi alam kong hindi naman niya binabasa.
"May bagong released sa sinusubaybayan kong series. Kapag wala kang dalang libro mamaya, lagot ka kay Daddy," aniya at tumalikod na, nag-flip hair pa talaga na akala mo siya ang panalo.
Kitang-kita ko pa kung paano siya rumampa paakyat ng hagdan, dinaig pa ang mga beauty queen na nanalo sa beauty pageant. Alam na alam din ng kapatid ko kung paano ako takutin, magkapatid nga talaga kami.
Pero nang tatalikod na sana ako ay bigla naman niya akong tinawag. Hinanda ko pa ang matamis kong ngiti bago ko siya nilingon. Baka isang pagkakamali ko lang ay hindi matuloy ang plano ko.
"May date kayo ni Kuya Daryl, 'no?"
Tumango ako bilang sagot at huling-huli ko pa ang ngiti ng kapatid ko na parang siya pa ang kinikilig. "'Wag mo 'kong isumbong kay Dad ha?"
"Yeah, sure. Basta may dala kang books pag-uwi mo. Enjoy!"
Mabilis akong napangiti sa sinabi ni Bianca. Kilala ko naman ang kapatid ko, kakampi ko sa lahat ang babae na 'yon. May dala man akong libro o wala mamaya, hindi naman niya ako kayang isumbong kay Daddy. Hinatid ko siya ng tingin at saka lang ako lumabas ng bahay nang makita ko siyang pumasok sa kuwarto niya.
Kahapon ko pa gustong bumisita kay Daryl. Gustong-gusto ko na talagang makita ulit siya, mayakap, at mahalikan. Nabalitaan ko kasing umuwi na pala siya galing sa bakasyon niya sa Davao, halos dalawang buwan na rin nang huli kaming nagkita.
Gusto ko sanang magtampo dahil hindi man lang niya ako sinabihan na uuwi na pala siya kahapon pero naisip ko rin na baka gusto niya akong i-surprise kaya nilihim niya ang bagay na 'yon sa 'kin. Pero nakalimutan niya sigurong mas mahilig ako sa surprise compare sa kaniya kaya siya ang i-su-surpise ko ngayon. Pupunta ako sa kanila.
Kay Evelyn ko nga lang din nalaman na nakauwi na pala siya. Kay Evelyn na best friend niya na best friend ko rin. Ang hirap intindihin ng situation namin pero best friend ko rin ang best friend niya. Magkakabata pala sila pero si Evelyn ay kaklase ko kaya nagkasundo kaming dalawa.
Kaya nang nalaman ko kay Evelyn na nakauwi na pala ang boy friend ko ay naka-decide ako agad na pumunta ako sa kanila. At ngayon nga ang araw na iyon.
Hindi naman kalayuan ang bahay ni Daryl sa lugar namin, isang sakayan lang kaya mabilis kong narating ang bahay nila. Pababa pa lang ako sa tricycle ay nakita ko si Evelyn dala ang pinamili niya. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makita ako, hindi niya kasi alam na pupunta ako ngayon. Pero mas lalong hindi ko alam na nandito rin pala siya.
"Claire," tawag niya sa 'kin at ngumiti. "Hindi mo naman sinabing pupunta ka pala."
Edi hindi na surprise 'yon kapag sinabi ko.
Ngumiti na lang ako at tinuro ang mga dala niya. "Ano 'yan?"
"Ah, ito? Nagpabili si Tita ng soft drink," sagot niya at kinuha sa supot ang soft drink para ipakita sa 'kin. "Si Daryl ba pakay mo? Tara sa loob."
"Bhe, bakit ang tagal mo?"
Sabay kaming natigilan ni Evelyn nang marinig namin ang boses ni Daryl. Pero sa halip na tumingin ako kay Daryl ay kay Evelyn ako tumingin para makita ang reaksiyon niya. Hindi naman 'bhe' ang tawag ni Daryl kay Evelyn pero impossible namang iba ang tinatawag niya, si Evelyn lang naman ang nasa labas.
Alam kong hindi niya ako nakita. At mas lalong hindi 'bhe' ang tawagan namin.
Pinagmasdan ko lang si Evelyn na halatang hindi na alam kung anong gagawin. Kung lalapit ba siya sa 'kin o pipigilan niya si Daryl.
Pero wala akong pakialam kung anong gagawin niya. Wala akong pakialam kung ano man ang ibig sabihin sa mga nangyayari. Akala ko si Daryl ang masu-surprise ngayon, ako pala. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi maintindihan ang nangyayari ngayon.
Pinili kong maglakad palapit kay Evelyn at do'n ko nakita si Daryl. Kahit pa nag-aagaw na ang liwanag at dilim ay kitang-kita ko ang mukha ng boyfriend ko — wrong, boyfriend namin ng best friend ko.
Or boyfriend ko ba talaga ang lalaking 'to? Parang hindi na ako sigurado eh.
"Can we talk?" kaswal kong tanong sa kaniya at hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Hindi ako ngumiti, hindi ako nagpakita ng lungkot. Pakialam ko ba kung maging sila man? Pakialam ko ba!
Mabilis akong naglakad papunta sa palagi naming pinupuntahan. Malapit lang kasi sa dagat ang bahay nila ni Daryl. Doon niya ako palaging dinadala at hindi ko inakalang ito rin palang lugar na 'to ang magiging saksi sa huli kong pakikipagkita sa kaniya.
Hindi ko na kailangan pa ng paliwanag niya. Ang boba ko rin naman kasi, halata namang si Evelyn talaga ang gusto niya pero nagpumilit pa rin ako. Pero ngayon, ito na ang huling araw ng pagiging boba ko. Tama na!
Humarap muna ako sa dagat bago ko siya kinausap.
"The sunset is beautiful, isn't it?" tanong ko sa kaniya at hindi ko na siya hinayaang makasagot pa. Naglakad ako palayo sa kaniya. Naglakad ako palayo sa taong inakala kong ako makakasama ko na habambuhay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro