Aireen
Mahigpit ang hawak ko sa sling ng bag ko kasabay kung gaano kainit ang sikat ng araw kahit pa wala pang alas otso ng umaga. Iba na talaga ang panahon ngayon, kahit kay aga-aga pa masakit na sa balat ang sikat ng araw, nanununtok na.
Maingay na nga estudyante, nagtatakbuhan kasi takot ma-late, may nagsisigawan pa kasi nakita ang mga kaklase, at maingay na mga sasakyan pero kahit sobrang ingay ay wala akong pinapansin kun'di ang malakas na pagkabog ng dibdib ko kahit hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
Napahawak ako sa dibdib pero bigla akong natigilan. Mabilis na umarko ang ngiti sa aking labi at napabulong.
May dibdib ako, siyempre. Hindi naman ako tulad ng iba na hindi pinagpala. Iyong tipong nagsusuot pa ng bra kahit wala namang dapat takpan. Kahit hindi tamang titigan ko ang mga estudyante na dumadaan ay tinitigan ko na at tiningnan kung sino ang mga tinutukoy kong nagsuot pa ng bra kahit hindi na kailangan.
Napailing na lang ako. Hindi ko na naman nainom ang gamot ko eh.
Huminga ako nang malalim at nagpasiyang itigil na ang naisip kong kalokohan. Maarte akong naglakad papasok sa gate ng papasukan kong university. Dito na magsisimula ang totoong laban. Kahit hindi ko alam kung paano 'to simulan, kahit hindi ko alam kung anong mangyayari. Kahit hindi ko alam kung sino ang magiging classmates ko at kahit hindi ko alam kung sinong makakasama ko tuwing recess, lalaban pa rin ako. Laban lang, Aireen! Fighting! Aja!
Siguro sundalo talaga ako sa past life ko eh. Panay laban ako kahit hindi ako pinaglaban. Napakibit-balikat ako nang wala sa oras.
Pero nang makapasok ako sa gate ay bigla akong hinarang ng security guard kaya mas mabilis pa sa kidlat na napataas ang kilay ko na halos isang oras ko ring pinagtiyagaang ayusin. Ano na namang trip ng security guard na 'to na feeling Dean na naman?
"Yes, guard?" magalang ko pa ring tanong.
Mabait naman talaga ako, hindi nga lang halata. Ewan ko rin ba bakit maraming nagsasabi sa 'kin na maldita raw ako kahit ang bait-bait ko nga sa totoong buhay. 'Yong tipong minamahal ko pa rin ang tao kahit walang kasiguraduhang mahalin niya ako pabalik. 'Yong tipong minamahal ko pa rin ang tao kahit ako na lang ang kumakapit. Gano'n ako kabait. Kaya kong magmahal kahit hindi ako mahalin ng taong 'yon pabalik.
"Bawal ang tattered jeans," walang kaemo-emosiyong sabi ng security guard sa akin at hindi na ako tinapunan pa ng tingin nang may pumasok ng mas maganda pa sa 'kin at ang mas lalong kinainisan ko ay pinapasok niya ang estudyante na 'yon kahit ang ikli-ikli na ng suot.
Wala sa sarili kong tiningnan ang suot kong jeans. Pinapasok niya 'yong estudyante na 'yon kahit kaunti na lang ay maghubad na pero ako na naka-jeans pa, hindi? Napailing na lang ako at nagmartsa paalis at pumara ng tricycle. Kapag ako talaga na-late sa first class ko, patay sa 'kin ang security guard na 'yon!
Hindi ko na hinayaang masira ang araw ko dahil lang sa nangyari. Mabilis akong nagpalit ng jeans at tiningnan ko talagang mabuti baka may kaunting butas, baka 'yon pa ang maging dahilan at hindi na naman ako makapasok. Nang matapos ako ay muli akong bumalik sa university, mabuti na lang at ibang guard na ang nagbabantay sa gate pero ang hindi nga lang mabuti ay nagsisimula na pala ang flag ceremony. Kasalanan talaga 'to ni Manong Guard, eh.
"Excuse me."
Natigil ako sa pag-type nang may biglang kumalabit sa 'kin. Kahit hindi ko kilala ay ngumiti pa rin ako, mabait nga kasi ako.
"Yes?"
"'Di ba education ka rin?" tanong nitong katabi ko. Pero hindi ako nag-focus sa tanong niya, kun'di nag-focus ako sa mukha niya.
Shemay! Kukunin na ba ako ni Lord? Bakit may bumabang angel dito? Pinapasundo na ba ako ni Lord? Siya ba ang sundo ko? Aba'y kung oo, hindi na ako aarte pa. Gora na! Ano pang hinihintay natin 'di ba?
Pero mabilis akong napailing at palihim na kinurot ang kamay ko. Hindi siya angel, hindi siya ang susundo sa 'kin. Hindi pa 'ko puwedeng mamatay. Hindi ako puwedeng mamatay na virgin!
"Yes po, education po ang course ko, Kuya. Why po?"
Pero nang ngumiti siya ay biglang nagbago ang ihip ng hangin. Girl, binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Kung siya talaga ang sundo ko, kusa na 'kong sasama. Hindi na talaga ako aarte pa, hindi na uso ang gano'n sa panahon natin ngayon.
Muli ko siyang sinulyapan. Bakit ba ang pogi ng nilalang na 'to? Angel nga siguro 'to eh, nagpanggap lang na estudyante.
"Sabi ko na nga ba, ikaw 'yon eh," sabi na naman niya at muli na namang ngumiti.
Panay ngiti pa talaga. Pinakalma ko ang sarili ko dahil hindi ito ang tamang panahon na makipaglandi ako. Baka 'di ko matapos ang college, lagot pa 'ko kay Mama. Pero bigla na naman akong napatingin sa mabangong katabi ko. Sino ba naman kasing hindi titingin kung amoy pa lang, puwede ng pang-ulam?
"Bakit?" tanong ko sa kaniya. Ayokong maputol ang usapan namin na hindi ko nakukuha ang pangalan niya. Sayang 'no? It's my time to shine! Baka ito na pala ang binigay ni Lord sa 'kin para makaalis ako sa NBSB club.
"Familiar ka kasi eh."
Mas lalo akong nagtaka. Bakit familiar ako sa kaniya? Inutangan ko ba 'to dati at hanggang ngayon ay hindi ko pa nababayaran? Or baka nakabangga ko sa canteen dati at natapunan ko ng juice?
Chillax, girl. First day of school 'to.
Pero bakit alam niyang education ang course ko? Bakit niya nasabing familiar ako sa kaniya?
Muli ko siyang tiningnan. Nawala na 'yong matamis niyang ngiti kaya napalitan ng kaba ang kalandian ko. Sinusundo na nga siguro talaga ako ni Lord. Or ito siguro 'yong sign na hindi ko isusumbong ang guard na nagpapasok ng halos hubo't hubad na.
Napalunok ako. "Bakit po?"
"Ikaw 'yong nanghiram sa 'kin ng ballpen no'ng enrollment eh. Hindi mo na binalik."
Kill me, now!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro