Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SYBG 9





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Temper"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍






"WHERE the hell is Carmella!" Nakasigaw na naman siya. Maaga pa lang mainit na ang ulo. Napabuntong-hininga si Dean. (Ibang Carmella po ito)

"Dude. Chill, okay. Kaya ka nilalayasan ng mga sekretarya mo kasi ang sungit mo." Natatawang sabi ng kaibigan niya.

"Shut up, man! I'm not even talking to you!" Nanlilisik ang matang tingin niya dito. Lalo lang lumakas ang tawa ni Dean.

"Carmella was moved to HR dahil kung hindi, ikaw ang ipapa-HR ni Tito Aaron." Pahayag ng kaibigan na ngayon ay tumatayong sekretaryo niya.

"What the hell are you doing here?" Hinarap ni Siege ang pakialamerong kaibigan. "Kahapon ka pa ha! You are not even our employee." Dugtong pa niya. Galit pa rin ang tingin niya dito.

"Gago, bro, I am now. Tito Aaron hired me as your temporary assistant slash secretary." Nagulat man sa sinabi ng kaibigan ay napaisip siya. Isang linggo na nga niya nakikitang nandito araw-araw. When I came here a few weeks ago and stayed here a little bit, Tito Aaron heard you yelling and screaming as soon as you came back from somewhere. Carmella was shaking and started having a panic attack. So, Tito Aaron took her, gave her a week off and was told to come back and report to her new post in the HR department." Pahayag nito. Bahagya siyang natahimik pero hindi pa rin nagbabago ang hilatsa ng galit niyang mukha.

"Why is it you? Can't Dad hire someone else?" Umarko ang kilay ni Dean s tinuran ni Siege.

"Maybe, Tito thought, I'm better than hiring someone else." tatawa-tawa nitong sagot. Mas lalo siyang nainis.

"This is stupid." Wala na siyang masabi pa. Hindi naman niya kayang kontrahin ang ama dahil lalaki pa lao ang gulo na wala namang dapat ipagkagulo. Marami na siyang iniisip, idadagdag pa ba niya ito? Maliit na bagay.

"For you, it is stupid but for the rest, it isn't." Tinitigan niya itong may pananantiya. "What?! There's no secretary that could stand your mood swings and beastly manner." Sabi nito at umupo na.

"Whatever." Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. Hindi niya ito papatulan.

"Halos patayin mo si Ryelee sa sakit sa puso nung nakaraan ah. Kung wala ako dito at hindi dumating si Tito baka nasa hospital na si Rye. Kaya hindi ako nagtaka kung bakit ang bilis magdesisyon ni Tito. Kawawa yung chick, bro. Nanginginig." Napapailing itong natatawa sa pagbabalik-tanaw ng nangyari.

Kung pwede niya lang ilibing ng buhay ang maingay na kaibigan at kung hindi niya ito kaibigan ay baka talagang tinuttoo na niya. Pakialamero na, intrimitido pa, yan ang tingin niya ngayon dito.

"Bakit nga ba ang init-init ng ulo mo?" Tanong nito. Kailangan niyang ilabas ang laman ng dibdib dahil kung hindi ay baka mag-resign ang lahat ng empleyado nila.

"It was nothing." Simple niyang sagot at umupo na rin sa maliit na sofa sa harapan ng lamesa ni Dean. Napabuga siya ng hanging hindi niya alam na kanina pa pala niya pinipigil.

Puro na lang siya bumuntong-hinga, napapagod na siya. Kailangan niyang ilabas ang laman ng dibdib dahil kung hindi ay baka mag-resign ang lahat ng empleyado nila. Ang mas masama pa baka ikasira na ng ulo niya.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Una. Hindi niya masagot ang tanong ng kaibigan, dahil hindi niya alam kung bakit napaka-short fuse niya. Oh. you know all too, why. Kastigo ng isip sa kanya.

Ang totoo, maging siya ay napapansin niya rin na para siyang dinamita na handang sumabog, wag lang makanti ang mitsa. Alam niyang nakatitig sa kanya ang kaibigan at wala siyang pakialam. Kahit na para siyang isang specimen sa isang petri dish na ini-examine ng isang scientist ay ayos lang. Wag lang kantiin ang hindi dapat kantiin. Ano nga ba, Siege?

"Your face says otherwise." Madiin siyang pumikit. Kaibigan niya nga itong matalik. Kahit hindi siya magsalita ay alam na alam nito.

"I said, it's nothing." Pag-ulit niya... pag-iwas niya.

"It's nothing? Really? Coz the way I see it, whatever it is... is way far from nothing, Tim." Dinig niya ang pag-aalala sa boses nito. "Dude, we already lost Ray. You know that story and we still do not know where he's at, and Rye really needs her friends. What you did a few ago was uncalled for. Tinakot mo siya, Bro." Patuloy nito. Gusto niyang salpakan ng gas ang bibig ng kaibigan para tumahimik pero syempre kahit na gawin niya yun, magtutuloy pa rin ito sa paglilitanya.

"She already lost her family for whatever reason she didn't know, tapos pati ba ikaw na kaibigan niya ay mawawala pa rin sa kanya? Come on, Bro. Nawalan ka lang ng asawa at anak, buhay ka pa, bro. Nandiyan pa si Brynn. And you need someone to help you with her." Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga matang tinitigan ang kaibigan. Papatayin niya ito, ngayon din.

Alam niyang nag-aalala ito sa kanya. Pero hindi niya gusto ang takbo ng sinasabi nito. Hindi niya gusto ang tabas ng dila ng kaibigan niya ngayon. Ano ang gusto niyang palabasin, bastusin ang alaala ni Brielle? Eh gago pala itong kaibigan niya na ito eh.

"What are trying to say, Dean?! Just make sure you don't disrespect the memory of my wife and son." Gusto niya munang marinig ang gusto nitong sabihin kahit na gahibla na lang ng pasensiya ang meron siya.

"Nothing really. What I was just trying to say is, matagal ng wala si Brielle...." Pinutol niya ang sasabihin pa ni Dean.

"That's Brianna for you. Noone is allowed to call her Brielle, but me!" Madiin niyang sabi. Kailangan ba niyang magpigil?

"Okay, fine. Chill." Maagap nitong sabi. Nakataas ang dalawang kamay bilang pag-surrender. "As I was saying... matagal ng patay si Brianna, don't you think it's time to find someone to help you raise Brynn?" Mas malinaw na ngayon sa isip niya kung ano ang gusto nitong sabihin.

Ang nakakagulo lang sa isip niya ngayon ay bakit biglang nagpapalit ito ng kaisipan. Dati naman ay sang-ayon itong walang iba, si Brynn lang at kamakailan lang ay sinabi pa nitong may kutob siyang buhay si Brielle. Si Dean pa nga ang naglagay sa isip niya ng ediyang lihim na magpa-imbestiga. Tapos ngayon parang nag-iba na? What the hell happened?

"Really? You think so?" Sarkastiko niyang tanong dito. Pinakatitigan niya ang mga mata nito. Kita niya na kahit nakangiti ito ay hindi naman kumbinsido sa sariling sinabi. "You gave you that idea? And don't lie to me, Dean. You know how I am." Kulang pa bang ebidensiya ang mga nangyari simula noong mga nakaraang linggo? Kita ni Siege sa mga mata ni Dean ang pagguhit ng kaba, takot at pag-aalinlangan. Lihim siyang nagbunyi.

"W-wala naman, Bro. N-naisip ko lang." Sagot nitong hindi makatingin sa kanya ng diretso. "M-matagal na rin naman kasi eh. Nakakaawa na si Brynn at wala siyang kinikilalang mommy." Dito na tuluyang nagpapanting na ang tenga ni Siege.

Kaibigan niya si Dean at hindi siya pwedeng mawalan ng pasensiya dito. Ito na lang ang natitirang lalaki sa kanilang apat. Si Ray na nawawala pagkatapos nitong mag-fishing kasama ang mga katrabaho at ang nag-iisang anak na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita. Si Dean na lumipad agad dito para damayan ang mga magulang niya at si Ryelee, asawa ni Ray nang mangyari ang lahat ng yun ng halos magkakasunod pero hindi ibig sabihin na palalampasin niya ang sinabi nito.

"Umayos ka, Dean. Don't even suggest for me to get married againsuch a thing. Someone will die!" He said dimly and grimly. Parang gusto niyang masuka sa isiping yun. At gusto din niyang tirisin si Dean ng pinong-pino at wala siyang pakialam kahit kaibigan pa niya ito.

"What's wrong with that, Bro? Kailangan ni Brynn ang tatayong nanay. Tita Margie is not getting any younger and Ryelee is the closest you can get to one. Plus, she is an experienced mom herself" Putang-ama! Ano daw? Pwede na ba niyang sun... patayin si Dean?

"Bro, I respect you and I do understand where you are coming from, but the next time you say that again, or even suggest it, pray that you'll be able to keep your throat or I will rip out and feed it to you!" Kalmado ngunit may diin niyang sabi. Makikitaan ng kaba si Dean.

"Bro, wait! That's not what I meant." Natatarantang pagbawi ni Dean. Oh, damn! Did I just stick my foot in my mouth? Isip nito. Alam ni Dean na hinukay nito ang sariling libingan dahil sa sinabi.

"That's exactly what you said, Dean!" Mas may diin na ngayon. Mas nahintakutan si Dean. Mabait si Siege, alam ng lahat yun, pero simula ng mamatay ang asawa nito at nagbalik ang alaala ay naging mabangis na ito.

"Bro, please. Face that fact that Brianna is not here anymore and there is no way for her to come back, so is Ray. Ryelee had moved on bro. You should too." May anghang ang dating ng pagkakasabi nito sa kanya at hindi niya iyon nagustuhan.

Matalim na matalim na ang tinging inani ni Dean. kahit na alam nito na lilipad ang kamao ni Siege patungo sa kanya at takot man sa kaibigan ay hindi ito nagpatinag.

"If you say something about Ryelee being my daughter's stepmother, ever again, think first or consider us strangers." Pagtatapos ni Siege. "Brielle may be dead but I don't get a flying fuck!" Tumayo si Siege para iwanan ang kaibigan hanggang may presence of mind pa siya dahil konti na lang at magdidilim na ito at baka makalimot siya.

"If you want to remain my assistant, you are welcome to do it. Wag mo lang pakikialaman ang personal kong buhay." Malungkot na sabi ni Siege sa kaibigan.

Ayaw niyang mawala ang pagkakaibigan nila pero kung ganitong parang binabastos na ang alaala ng asawa ay hindi siya makakapayag.

Totoo, hindi na babalik pa si Brielle. Hindi na niya ito makakasama pero hindi ibig sabihin na sapat na ang pitong taon para maging maayos siya at matanggap niya ito. Kung sakaling dumating man ang panahon na tanggap na niya ang pagkawala nito, hindi ibig sabihin na mag-aasawa siya. Kaya niya maging ina at ama para sa kanyang Prinsesa.

NAGING abala na si Siege ng buong araw yun. Dahil sa pagiging seryoso nito ay walang may nagkamaling gambalain ang pananahimik ng dragon sa kanyang lungga.

Sa nakita ng lahat sa loob ng dalawang linggo, kahit si Aaron o Margaret ay ayaw sumubok na istorbohin si Siege. Bagay na ikinatuwa niya dahil walang siyang nakitang tao buong maghapon kaya natutukan niya ng husto ang mga kontrata na kailangang irebisa at mapirmahan. Kung may bahagi na kailangang ayusin o baguhin ay inilalagay niya sa isang bahagi ng lamesa.

Nasa dalawa o tatlong folder na lang ang kailangan niyang rebisahin nang mapansin niya ang isang folder. Nakita niya ang pangalan ng kompanya. Nagsalubong ang kilay, pilit na iniisip kung saan niya narinig ang pangalan ng kompanya. Para namang bumbilya na biglang umilaw nang maalala niya. Ito ang mitsa ng galit niya Binuklat niya ito at binasa. Napailing siya nang mabasa ito. Eto ang pinagkakaabalahan ni Ryelee?

"Dean!" Sabi niya sa intercom. Agad namang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kaibigan na ngayon ay nakarolyo na ang long sleeves nito hanggang siko at nakangisi. Napailing siya.

Gwapo si Dean at makarisma, hindi ngal ang sigurado si Siege kung mapili ba ito as babae o gusto lang magbilang. Mabilis itong magpalit ng girlfriend. Rason nito sa kanya ay ayaw nito ang babaeng bumibigay agad sa kindat lang. Gusto nito ang babaeng matalino ngunit hindi mayabang. Independent pero malambing at nagpapalambing. Maliban sa mga magulang, si Brielle pa lang ang ganun kaya good luck sa kaibigan niya.

"Yeah? What's up?" Sagot nito. Okay lang kung ganito ang sagot sa kanya. Pero kilala niya rin naman ang kalidad nito. Maloko ang mga kaibigan niya pero pagdating sa trabaho seryoso at maasahan ang mga ito, maging si Ryelee ay ganun din.

"Paki tawagan nga ang Paperkutz na ito." Napakunot ang noo ni Dean.

"Paperkutz? Di ba yan yung pangalan ng kompanya nila Brianna?" Sagot-tanong ni Dean. Maging ito ay naguluhan.

"Yeah. But this one is in Japan." Sagot niya na nasa folder ang tingin. "Can you call it and find out who owns it and what's the relation to Paparkutz - Philippines? Maaaring kapangalan lang." Pahayag niya. Ayaw niyang umasa kaya ayaw niyang siya ang tatawag.

"You want to know kung sila Tito David at Tita Amanda pa rin ba ang may-ari nito?" Tumango lang si Siege. Ayaw niyang magsalita dahil sa namumuong hindi niya malaman na kung ano sa kanyang lalamunan. "Got it." Yun lang at umalis na ito.

Naiwan siyang tulala sa loob ng kanyang opisina, titig na titig sa nag-iisang folder na natira sa ibabaw ng lamesa niya.

"Are you trying to tell me something, Mahal?" Naisatinig niyang tanog.

Alam niyang matagal na siyang hindi nakakadalaw sa puntod ni Brielle. Koreksyon, ni minsan ay hindi siya nakadalaw sa puntod ng asawa. Ilang buwan na lang at birthday na naman ng anak niya, ibig sabihin nalalapit na rin ang death anniversary ng mag-ina niya. Hindi kaya nagpaparamdam lang ito sa kanya na panahon na para uwiin na niya at harapin ang mapait na kahapon?

Sumakit na naman nag ulo niya. Nakita niya ang sarili na nasa loob ng isang opisina. Kasama niya si Brielle. Maraming papeles at folders na nakakalat sa ibabaw ng lamesa. Nakangiti si Brielle sa kanya kasunod ang isang eksena na pamilyar sa kanya ngunit hindi maalala.




"Siege, hindi ka pa ba uuwi? Gabi na oh. Baka hanapin ka ng mga magulang mo." Matamis na ngiti ang nalingunan niya. Bigla siyang nakaramdam ng biglaang pagsikdo ng kanyang puso. Nilapitan niya ito.

"Tatawag na lang ako kanila Mommy, sasabihin ko na sasamahan kita dito sa factory." Malambing niyang sabi. Dinampian niya ng halik ang tenga nito. Napasinghap si Brielle dahil sa ginawa niya.

"Uhmm... Ano... uhmm... umuwi ka na lang." Nauutal na bigkas ni Brielle. Napatawa siya ng marahan. Alam niyang nagkaroon ng epekto yun sa dalaga dahil magkabuhol-buhol na ang paghinga nito at halos hindi na makapagsalita ng maayos.

"Nah. I'll take you home." Hinalikan niya ng ibabang bahagi ng tenga ni Brielle sa bandang leeg. Narinig niya ang pagsinghap ni Brielle. Maging siya ay naapektuhan na rin sa kanyang kalokohan. Tumayo at umikot siya sa harapan nito.

"No, you go. T-this will take a while." Sagot ni Brielle na hindi makatingin sa kanya.

Ano ba itong ginawa niya sa girlfriend niya. Alam naman niyang Brielle is still a naive girl although she's almost 21, napaka inosente nito, hindi katulad niya na medyo may kalokohang alam sa buhay. He stopped seducing her at hinarap ang telepono. Tatawagan niya ang magulang.

"Mom, I may come home late tonight. Nandito ako ngayon sa Paperkutz. Brielle is reviewing for her finals and she have no one at home right now. Tito Dave at Tita Mandy are in Bagiuo for a conference." Pagpapalam niya. Yes, he's an adult. He's 24 but that doesn't mean na hindi niya pa rin ipapaalam sa mga magulang kung nasaan siya especially ngayon kasama niya si Brielle.

"No problem, son. Just be safe." Sagot naman ng Mommy niya.

"Don't do something stupid, Timothy." Singit ng ama. "Let her finish her school. Few more months and she'll graduate, just wait till then." Napailing na lamang siya sa sinabi ng ama.

Hindi alam ng mga magulang kung anong klaseng pagpipigil ang ginagawa niya, hindi niya talaga matiis na hindi halikan ang dalaga. Para itong isang tukso, mapalapit lang siya ng konti dito ay iba na ang ginagawa ng prisensya nito sa kanya. Nakakasira ng ulo.

"Yes, Dad. I know." Pinag-cross niya ang kanyang dalawang daliri sa likod at labas sa ilong na nangako. "Bye, Mom. Bye, Dad." Paalam niya at pinatay na tawag.

"I'll just wait here. Alam na nila Mommy at Daddy na nandito lang tayo sa Paperkutz." Pahayag niya at humiga sa sofa malayo kay Brielle. Nakahinga ng maluwag si Brielle.

Hinarap na ni Brielle ang reviewer nito at tahimik na ginawa na nag-review. Pinapanood niya lang ito mula sa malayo. Alam naman niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito mapakali at kasalanan niya yun.

Binunot niya ang cellphone at tumawag ng delivery. Alam niya kasing matatagalan pa sila dito. Pagkatapos na umorder ng pizza para sa kanila at para kay Mang Asyong at Kuya Nestor.

Nang matapos umorder ay lumabas siya sandali para abisuhanan ang driver nila Brielle at binigyan niya ito ng perang pambayad sa pizza. Nag-aalangan siyang bumalik sa loob ng opisina dahi lalam niyang pagbalik niya doon ay makakalimutan niya ang pangako sa sariling magulang.

Pagakatapos ng ilang sandali at konting pakikipagkwentuhan kay Nestor ay dumating na in-order niyang pizza. Inaya ang dalawang lalaking sumabay sa kanila. Pinaunlakan siya ng mga ito. Mabut ina ito dahil mawawala ang init sa katawan at maiiwasan ang dapat na maiwasan.

Masaya nilang pinagsaluhan ang extra large pizza na binili niya. Pinilit niyang humiwalay kay Brielle sa pag-asang tuluyan ng lumamig ang nag-iinit niyang libido. Kahit konti man lang sana ay mapahupa ito. Feeling niya tuloy ay napaka-pervert na niya. Isa kang manyak, Siege! Singhal niya sa sarili.

Natapos silang kumain iniligpit na nila ang pinagkainan para itapon na. Tumayo si Nestor at Mang Asyong.

"Marielle, sa labas na kami. Tapusin n'yo na yan nang makauwi na kayo." Sabi ni Mang Nestor.

"Mang Asyong, matulog ka na muna, gigisingin ka na lang namin mamaya. Medyo matagal pa ito eh." Sabi ni Brielle kay Mang Asyong. Nagkatinginan ang dalawang lalaki at nagkasundo.

Siya naman ay lumayo na sa tatlong nag-uusap at humiga sa sofa. Ipinikit na ang mga mata, matutulog na lang siya. Sanay na siya at sanay na ang mga ito dahil ilang beses na rin niya itong ginagawa. Matapos makausap ni Brielle ang dalawang lalaki ay nagpaalam na.

"O siya sige, Brianna. Iiwan na namin kayo dito. Mukhang dito na yan makakatulog." Narinig niyang sabi ni Mang Asyong. Narinig din niya ang marahan na pagtawa ni Mang Nestor.

"Hayaan n'yo na Kuya. Ako na lang po ang gigising sa kanya mamaya. Hindi rin naman matatahimik yan sa bahay nila dahil nandito pa ako. Tapos babalik na naman yan dito para sunduin at ihatid ako pag-uwi kahit nandiyan pa si Mang Asyong." Mahabang salaysay ni Brielle. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga ito.

"Totoo po yan, Sir Nestor. Tsaka lang matatahimik yang batang yan kapag alam niyang matutulog na si Marielle." Alam niyang siya pa rin ang pinag-uusapan ng mga ito, pero pinanindigan na lang niya na tulog nga siya. Ilan sandaling natahimik ang kwartong iyon. Di naglaon ay tuluyan ng lumalim at malayo na ang napuntahan tulog-tulugan ni Siege.

"Siege? Siege?" Isang malambing na boses ang tumatawag sa kanya. Idinilat niya ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang magandang mukha ni Brielle. Tinitigan niya itong mabuti. Para siyang hinihigop nito. Kinabig niya at hinalikan ito.

Doon nag-umpisa ang lahat. Umupo siya at inayos ang pagkakahiga ni Brielle sa sofa. Pinuntahan niya ang pinto at ini-lock ito. Alam niyang nagtataka si Brielle pero hinayaan niya lang.

Siniil niya ito ng halik pagbalik niya. Gumanti din namanagad si Brielle sa mga halik niya. Wrong move for both of them. Dahil ang simpleng halik ay nauwi sa makapugto-hiningang pangyayari. Naisuko ni Brielle ang sarili nito sa kanya.

Hindi siya nagsisisi sa nagawa dahil handa naman niya itong pakasalan kahit na anong araw at oras. Pero naawa siya dahil alam niyang nasaktan niya ito kahit papaano.

Nakatulog na si Brielle dahi lsa pagod. Isinuot niya ang damit nito ng hindi man lang nagising ang kasintahan. Isinuot na rin ang sarili damit at ini-unlock niya ang pinto at tumabi kay Brielle. Pareho na silang nahulog sa malalim na pagtulog na may ngiti sa kanilang mga labi.




"Siege! Siege!" Narinig niyang may tumatawag sa kanya. "Siege." Sinuntok siya ni Dean sa balikat.

"Aw! Shit man!" Singhal niya dito, hinihimas ang sinuntok nito. Nagulat kasi siya at medyo masakit ang santok nito. Ano ba ang kailangan ng kulang-kulang na ito?

"Nakatulala ka na naman, Bro?" Tanong nitong nakangisi na parang baliw na aso. Hawak nito ang folder na ibinigay niya kanina.

"Tapos na? Nakakuha ka ba ng information?" Tanong niya. Ngumiwi ito at umiling.

"Not much really. Nakausap ko yung COO nila si Mrs. Hirimoto, ang sabi niya corporation daw yun na base sa Japan. Owned by stockholder which according to law, hindi nila pwedeng i-disclose yun sa atin." Kalmadong pagsasalaysay ni Dean.

"Well, do they have a branch in the Philippines? Or the main is in the Philippines?" Hindi siya pwedeng magkamali.

Kompanya ng pamilya ni Brielle ito. Kung kanila nga ito, maaaring sa Japan na tumira ang mga biyenan, this whole time. Biglang sumibol ang inis at galit niya sa sarili. Parang siyang tanga. Kausap na niya kahapon yung secretary ng CEO, yun ang natatandaan niyang sabi nito. Yun ba talaga o yung ang gustong paniwalaan ng utak niya ngayon?

"Sabi nung Ms. Hirimoto Hintayin na lang daw natin ang contract agreement a t doon na natin malalaman ang kahat ng tungkol sa kompanya. At dahil korporasyon ito, hindi niya pwedeng i-disclose kung sinu-sino ang mga may-ari nito. Anim daw ang may-ari ng kompanya.' Mas lalong nakaramdam ng galit si Siege sa sarili. Nanghihinayang siya at pinairal niya agad ang init ng ulo kaya ngayon ay nganga siya.

"Find out more, Dean." Malagim ang tingin niya sa kaibigan. Alam niyang kaya ito ni Dean. Hacker ito. Konting codes lang at voila! Makukuha na nila ang impormasyon na kailangan.

"You can't, bro. We are leaving in a few minutes para sa dinner sa bahay n'yo. Tumawag na si Tita Margie. Pareho daw tayong malilintikan kapag hindi tayo dumating sa dinner on time. Alam mo naman yang Mommy mo, nakakatakot." Sabi nito na halata ang pagkatakot sa Mommy niya. Napailing na lang siya. May isang bagay siyang dapat noon pa niya ginawa Napabuntong-hinga na kang siya. Should'a could'a would'a shit. Napakagago kasi niya.

"Fine. We'll be there." Maikli niyang sagot. "You can go now. Salamat." Dugtong pa niya at binaling ang atensyon sa kanyang cellphone.

Nakita ni Dean na seryoso ang mukha ng kaibigan kaya as usual, kailangan niyang tumalikod, umalis at mawala sa paningin nito dahil panigurado lang na may sasabihin an naman siya. Mag-aaway lamang sila ni Siege.

"I'll email you your schedules tomorrow and you have three grueling meetings with people I know you don't care to see and have business with but you have to. So yeah, good luck." Nakangising sabi nito sa kanya.

Pwede na nga sigurong si Dean na lang ang gawin niyang permanenteng secretary. Maliban sa kaibigan niya ito at walang ginagawa sa buhay kundi ang mambabae at paikutin ang mga tao sa mundo ng computer games, kilala siya nito at alam kung paanong dalhin ang topak niya.

Hinugot niya ang cellphone. May tatawagan siya. Alam niyang magagalit ang Daddy niya sa kanya pero ito lang ang alam niyang paraan. Ayaw ng Daddy niya ang makihalubilo sa taong ito kahit na negosyo ang pinag-uusapan. Kilalang matinik ang taong ito, pero wala siyang pakialam. He doesn't have to know and he won't know.

Sinenyasan niya si Dean na lumabas na. Pinaningkitan lamang siya nito ng mata at umupo sa sofang nakapwesto sa isang sulok ng opisina niya malayo sa pintuan. Pinanakitan siya ng ulo dahil sa tigas ng mukha ng kaibigan. May lamesa naman ito sa labas, bakit dito pa? Napatuwid siya ng tayo ng biglang sumagot sa kabilang linya.

"Richardson?"












--------------------
End of SYBG 9: Temper

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖~ Ms J ~💖
01.19.18

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro