Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SYBG 8





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Dream"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍






DUMATING ang araw ng pagbabalik nila Brielle ng Pilipinas. Wala namang naging gaanong problema sa pag-transition ng work load, promotion sa iba't ibang empleyado. Sa wakas, naayos ni Alaina at Carmela ang webference at si Ms. Kate Hiromoto na mismo ang umasikaso nun.

Nakahinga ng maluwag si Brielle sa narinig mula kay Ms. Kate, na siyang pumalit kay Brielle sa kompanya bilang isa sa mga COO working hand in hand with Alvin and it was the best decision she had ever made in the five years of her miserable life, per say. It's time to face the painful truth of reality.

Tahimik silang lahat sa van na dina-drive ngayon ng kanilang company driver. Si Carmella at Ethan ang nakaupo sa likuran. Si Amanda at Brielle sa gitna at sa front seat naman si David kasama ang driver. Sampung minuto lang naman ang tinakbo nila at narating na rin ang airport. Nagkanya-kanya na sila ng buhat ng kanilang mga roll-out luggages. Syempre tumulong din naman ang driver sa iba pa.

"Carmella Joy, tama na ba yang dala mong mga damit?" Tanong ni David sa secretary ni Brielle.

" Okay na po ito, Sir David. Doon na lang po ako bibili sa Divi ng mga damit." Sagot naman nitong nakangiti.

"Ay, siyanga pala, Carmella Joy. Pagdating natin ng Pilipinas doon ka na tumuloy sa Condo ni Brianna. Apat naman ang kwarto dun para may kasama sila ni Ethan." Walang kakiye-kiyeme na sabi ni Amanda. Napanganga si Carmella. Namula ng bahagya ang mukha nito.

"Ay naku, Ma'am Amanda, wag na po. May kaibigan naman po ako sa Kamuning nakatira, malapit din po sa dating tinitirhan nila Nanay at hindi din naman po kalayuan sa factory." Nahihiyang sagot ni Carmella.

"Carmella Joy, wag nang mapilit. Mas maganda na yung kasama ka ni Brianna para may aalalay diyan sa iyakin mong boss." Panunukso ni David para pagaanin ang sitwasyon. Nao-awkward yata si Carmella sa pagiging seryoso ni Amanda. Ikaw ba naman ang i-ambush ng ganung mga suhestiyon tapos Nanay pa ng boss mo, ano ang gagawin mo? Ano ang isasagot mo?

"Opo, Ma'am." Yun na lang ang naisagot ni Carmella. Kawawang bata, napagkaisahan yata ng pamilya Villasis kaya walang nagawa kundi ang umuo.

Napangiti na lang si Brielle dahil siya ang may gawa nun. Sinadya nila na Mama niya ang magsabi nito kay Carmella dahil paniguradong hindi ito makakahindi. Uuwi silang lahat sa condo ni Brielle ngayon at doon na muna titigil.

Tinawag na ang kanilang flight. Katulad ng pagbaba nila ng van kanina, kanya-kanya uli silang hila ng kani-kanilang roll-outs. Inuna sila dahil may bata silang kasama at meron pang dalawang senior citizens.

"Ma, una na tayo." Agaw-pansin ni David sa asawa.

"Bakit? Ayoko ngang makipag-siksikan sa mga yan." Sabi nitong hindi natinag sa kinatatayuan nito.

"Mauuna daw ang may dalang bata." Sabi ni David. "At mga senior citizen." Dugtong pa nito na ikinasimangot ni Amanda.

"Eh di mauna ka dahil ikaw ang senior citizen!" Singhal nito sa asawa.

"Okay. Sige hindi na senior citizen. Pero kailangan pa rin nating mauna kasi kasama natin si Ethan, bata daw eh." Magaan na pagtutuwid ng ama. Ngumiti ng bahagya si Amanda.

"Yan ganyan, umayos kasi yang bibig mo!" Kahit kelan talaga, basta sa pangungulit, namumuno talaga ang Papa niya.

"Wag na seniors, tanders na lang." Pigil ang tawang dugtong ng ama. Tahimik na napahagikhik si Brielle at Carmella dahil mas lalong sumimangot si Amanda nang sabihin ni David ang salitang "tanders". Nahampas tuloy ito ng asawa, tinalikuran at nagpatiuna na.

"Oh, kita mo. Ayaw masabihang tanders, pero ayun oh, nauna pa sa atin at iniwan pa ang apo niya." Sabi nitong hindi na napigil ang matawa. "Uy, mahal! Hintayin mo naman itong apo mo. Ethan, Look at Lola Grams, she just left you." Sabi nitong parang nagsusumbong sa apo. Tumingin naman ang bata sa nagpatiuna nang Lola nito.

"Lola! Wait for me! Don't leave me here!" Matinis na sigaw ng batang si Ethan at patakbong sumunod sa kanyang Lola. Napatigil si Amanda dahil doon. Nilingon ang asawa at pinukol ng nakamamatay na tingin. Para namang bata itong matandang ito at nagsakit-sakitan pa.

"Oh! Oh my God! I got hit!" Maarte nitong pagkakasabi. Sapo ang dibdib at para pang matutumba. Wala nang nagawa si Brielle at Carmella kundi ang tumawa ng malakas. Maging ang mga flight attendant sa gate na nadadaanan nila ay nakikitawa na rin.

Huminto si Amanda at bumalik para lang hampasin ang nag-iinarteng asawa. Wala mang maintindihan si Ethan sa nangyayari ay nakitawa na rin dahil tumatawa ng malakas ang ina. Natawa na rin lang si Amanda dahil kahit bully ang asawa ay malambing naman kaagad na nakaakbay.

"Nagpapaka-best actor ka na naman eh! Umayos ka nga. Nakakahiya ka, maraming tao." Natatawang reklamo ng Mama niya pero nakangiti na ngayon. Nagpatuloy ang lakad nila papasok ng eroplano. Ipinakita ni Brielle ang mga boarding passess at tickets dahil siya ang nahuli.

Sinamahan sila ng isang flight attendant hanggang makita ang kanilang pwesto. Nagtulungan sila ni Carmella sa paglagay ng mga roll-out carry-on sa overhead luggage compartment. Nang matapos ay pinagitnaan ni Brielle at Carmella si Ethan.

"Mommy, may I sit by the window so I can see outside?"Paglalambing ni Ethan sa ina.

"Ms. Brianna, dito na lang po ako sa labas para tabi kayo ni Ethan. Palit na lang po tayo ng upuuan." Pag-aalok ni Carmella sa upuan niya. Tabi ng bintana natuon ang upuan nito. Nagpalit sila.

"Carmella, please stop calling me, Ms or ma'am kapag tayo-tayo lang. Just call me Ate Brianna or Ate Marielle, whichever you like." Ngumiti siya rito. Tumango naman ang dalaga sa kanya.

"Nakakahiya naman po." Namumula ang pisngi ng dalaga Narinig yata ng ama kaya sumabat na naman ito.

"Wag ka nang makipagtalo, Ella. Tito at Tita na rin ang itawag mo sa amin." Singit nito. Napalingon si Carmella dito dahil sa likod nakaupo ang mag-asawa. Ngumiti na lang ito ng kimi at tumango. May magagawa pa ba siya?

"Salamat po, T-tito." Napangiti si Brielle sa sagot ni Carmella sa ama.






LUNES. Isang linggo nang nakakabalik ng Pilipinas ang mga Villasis at unang araw ng pagbabalik sa pabrika ng papel. Nagulat ang karamihan ng biglang makita si Brielle.

Nakasunod sa kanya si Carmella na parang naguguluhan kung bakit ang tingin sa kanya ng mga empliyado ay kakaiba. Parang nakakita ang mga ito ng multo. Nagtataka man ay binalewala yun. Mas importanteng matutukan niya ang mga dapat niyang gawin.

"Ate Bri." Pag-agaw ni Carmella ng pansin niya. "Bakit ganyan mga makatingin ang mga trabahador n'yo, lalo na yung mga may edad na? Bakit parang nahihintakutan sila?" Sunud-sunod na tanong ni Carmella.

"Hayaan mo na, Ella. Baka yun ang akala nila dahil matagal akong nawala at hindi lingid sa kanila ang tindi ng aksidenteng nangyari sa amin ni..." Napulunok siya. Ngayon niya lang napagtanto. Okay sa kanya na banggitin ang pangalan ni Siege ng hindi nabibilaukan kung tungkol sa mga magagandang alaala ang pinag-uusapan pero kapag ang aksidente na ay hindi pa rin pala niya kaya.

"It's okay, Ate. I won't ask or say anything about the accident. I promise." Nalulungkot na sabi ng dalaga. Sumilay ang malungkot na ngiti mula sa kanyang labi at inakbayan na lamang si Carmella.

"Bri-Brianna?" Nahintakutan na sambit ng isa sa mga nakatatandang trabahador sa factory. Titig na titig ito sa kanya. Naluluha at bigla itong ngumiti ng malapad at mahigpit siyang innakap nito. Nagulat siya. Nagtataka. Sino ito?

"H-hello po." Nag-aalalanganin niyang sambit.

"K-kamusta ka na? A-ang Mama mo? A-ang P-papa?" Sunod-sunod na tanong nito. Wala siyang ibang maisip na pwedeng isagot dito. Sino itong bigla na lang yumakap sa kanya. Hindi niya ito kilala. O maaaring hindi niya ito matandaan.

"Ay naku, hija. Salamat naman sa Diyos at magaling ka na. Ang buong akala ko ay pa..." Naputol ang sasabihin niya nang biglang sumulpot si Amanda at tinawag siya nito.

"Brianna Marielle!" Tawag ni Amanda sa kanya.

"Yes, Ma?" Tuwid niyang tayo.

"Saan ba kayo nanggaling ni Carmella at ngayon lang kayo dumating? Kanina pa naghihintay ang board at ang Papa mo." Hinila siya ng Mama niya. Sumunod na rin si Carmella sa kanya.

"Sorry, Ma. Na-traffic kami. Nag-download pa ako ng waze para makuha namin ang pwede ko pang daanan. Kasalanan ito ng pocket wifi eh." Natatawa niyang sabi. Pinandilatan siya ng kanyang Mama.

"Umayos ka, Brianna Marielle! Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo!" Mataas ang boses na sabi nito. Napahagikhik si Carmella. "Ikaw din, Carmella! Pareho lang kayo ng Ate mo! Pareho ko rin kayong makukurot!" Nagkatinginan sila ni Carmella. Para namang naluluha ang dalaga sa tinuran ng Mama ni Brielle. Hindi siya naluluha dahil sa nasaktan siya sinabi nito kung hindi ay natutuwa siya. Hindi siya itinuring na iba.

"Hayaan mo na si Mama. Ganyang lang talaga yan, pero mamaya lang ay okay na siya." Bulong ni Brielle kay Carmella.

"Hindi naman yun, Ate Bri. Na-touch lang ako kasi parang kapamilya n'yo na ako kung kausapin ni Tita Amanda. Pati ako, makukurot na sa singit na dating sa iyo lang niya sinasabi." Nakangiti nitong sabi kahit nagbabadya ang luha nito. Inakbayan siya ni Brielle.

"That's good then. Ibig lang sabihin, hindi lang kita secretary, kapatid na rin kita." May yabang na sabi nito. Ngumiti si Carmella. Ang sarap pala ng pakiramdam ng may Ate. Lingid sa kanya, ganun din ang nasa isip ni Brielle. Ang sarap palang maging Ate.

Magalang na iniwan nila Brielle ang matandang nakangiting umiiyak. Pumasok na sila ng tahimik sa board room. Napatingin ang lahat sa kanya. Ganun din ang mga naging expression ng mga ito, gulat. Pero bakit parang nakakita ang mga ito ng multo?

"Ladies and gentlemen, please welcome to the land of the living, my only daughter, Brianna Marielle Villasis-Scott." Pakilala sa kanya ng ama. Nagulat siya sa sinabi nito. Anong land of the living? "As you all know, my daughter ang her late husband met a tragic and fatal accident years back. She was in a coma for almost a year." Patuloy ng Papa niya. Nakatayo lang siyang nakikiing.

"We are lucky to have got her back alive and our grandson. I spoke to all the employees on the factory floor this morning na walang magkukwento na kahit kanino sa kanila sa kahit na sino na nandito na si Marielle ngayon and I am asking the same with you. Do not trust the people around you and around me, except for my wife, Amanda, my daughter, Marielle, and my niece, Carmella. I will let you in on some of it later, but for now, let's all focus on re-organization." Tumatango lang ang mga ito. Naguguluhan man ay alam naman nilang may dahilan ang isang David Villasis kung bakit ganito manalita.

"Everyone, introduce yourselves." Utos ng ama. Umupo na si Brielle at Carmella na magkatabi.

"I am Zachary de Leon. I am the acting Chief Operating Officer for Manufacturing and Production for Paperkutz Philippines. The position whenever you want it. Welcome back, hija." Nakangiting sabi nito, nakatayo sa kaliwa ng ama. Mukhang mas may edad ito kumpara sa ama.

"Po? Ay hindi po." Mabilis niyang pag-iling kasama ang mga kamay.

"It's time for me to retire, hija." Nakangiti nitong pahayag. "Don't worry, I will show everything you need to know before I go." Bahihiyang napangiti si Brielle.

"I'll see po, Tito." Sagot niya na ikinatuwa ng ginoo.

"Okay then." Pagsang-ayon naman nito. Nagtuloy na pagpapakilala.

"I'm Luis Bergante. Chief Operating Officer of Finance ready to take on anything that you need me to do. Welcome back, Brianna." Yumukod pa ito sa kanya. Bata pa ito. Siguro ay nasa 30 or 32 years old lang. Mukhang mabait at magalang. Mukhang mapagkakatiwalaan din.

"I'm Virgil Samonte. Chief Operating Officer for Marketing and Strategies. Welcome home, Brianna." Ngumiti ito ng matamis sa kanya. Halos kaedaran niya lang ito o mas matanda ng konti sa kanya. Napatikhim si David. Tinignan niya ang ama at parang masama ang tingin nito sa lalaki. Napataas ang kilay niya sa ginawi ng ama pero binalewala niyang pansamantala. Patuloy siyang nakinig.

Isa-isang nagpakilala ang opisyal at board member ng kompanya nila. Ipinaliwanag ng ama ang trabahong nagawa nila sa Japan. Kung paano tumatakbo ang factory doon.

Nang matapaos ang mga ito, siya naman ang tumayo at nagsalita. Ipinaliwanag niya ang production na nangyayari sa Japan, small time lang ito pero malakas. Ang mga malalaking production ay dito sa Pilipinas nanggagaling dahil yun ang gusto ni Brielle.

Natuwa naman ang lahat sa narinig na report galing sa kanya. Dahil sa mura ng production cost dito kaya gusto rin nilang kumuha ng specialized papers. Higit sa lahat, gusto rin ni Brielle na wag mawalan ng trabaho ang matagal ng trabahador ng kanyang mga magulang. Matapos ang kanyang report ay tahimik na siyang nakikinig.

David Villasis is reorganizing the company to fit them all including Carmella. She felt bad for everyone because they have to adjust for her. Habang ito siya nalulungkot para sa lahat. Ang mga ito naman parang okay lang sa kanila ang ginagawa ng Papa niya.

Hindi maialis ni Brielle sa sarili na matagal ng ginagawa ng mga kani-kanilang trabaho at ayon sa reports na nabasa niya na inihatid ng accountant at abogado nila, wala namang mali sa mga ito. Ang totoo nga niyan, nahihiya siya dahil sobrang sipag ng mga ito kahit nawala ang mga magulang ng halos pitong taon.

Alam niyang may quarterly report na dumadating sa opisina nila sa Japan at nabbasa nga niya ng iba. Sa report, umaabot sa quota ng production ang pabrika at kadalasan ay higit na higt pa. Mabibilang lang ang quarters na eksakto lang sa quota.

"Papa!" Agaw-pansin niya sa ama. Manghang napatingin sa kanya ang mga ito.

"Yes, Marielle?" Malumanay na tanong ng ama.

"May I make a tiny suggestion?" Tanong niya. Nagkatinginan ang mga ito tapos balik ang tingin sa kanya. Nakita niya sa gilid ng kanynag paningin ang bilis ng pagsusulat ni Carmella. Napansin niyang tumigil ito sandali tumingin sa kanya, naghihintay. Is she taking notes on all of these? Naipilig niya ang kanyang ulo dahil bigla itong sumakit pero kailangan niyang tiisin ito.

"I... I was..." Ipinikit niya ang mata. Isang imahe ang dumaan sa kanyang balintataw kahit na nakapikit siya. Hindi niya ito maintindihan.

"Are you okay, hija?" Tanong ng Mama niya. Tumango lang siya. Idinilat ang kanyang mata. Nakita niya ang hitsutra ng isang matandang lalaki sa isip niya. Alam niya na may kaugnayan ito sa kanila. Hindi nga lang niya masabi kung sino yun dahil sa wala ito dito sa harapan niya... nila.

"I'm fine, Mama. My head just hurt a little. I may still be experiencing jet lag." Sagot niya dito. Tumango naman ang ina.

"Just take it easy, Princess." Sabi ng ama sa kanya. Ngumiti siya dito. Medyo humupa na ang sakit ng kanyang ulo.

"As I was saying, I'd like to suggest na kung pwede ay hayaan na lang natin sila to continue with their positions. I am here to just work wherever I can fit, Papa. You don't have to turn everything upside down to make way for me." Panimula niya. "I want to start where I need to be para mas matutunan ko ang takbo ng pasikot-sikot dito. And I can liaise with Paperkutz Japan." Dugtong pa niya.

"Princess, you can't. This position has been yours even before the..." Nag-aalalinlangang sabi ni David.

"Since when? Since the accident?" Napakunot ng noo si Brielle. Hindi niya alam. Hindi niya matandaan na nagtrabaho siya dito.

"Ms. Brianna, you have been the COO for Marketing and Strategies even before you graduate from college." Maagap na sabi ni Mr. de Asis. Kilala niya ito. Ito ang hindi niya makalimutan sa lahat kasi parang tatay na niya ito. Dati itong machine operator sa floor. Na-promote ito dahil may tinapos naman. Naging supervisor ito ng production floor noong nasa college siya, tapos naging operations manager... hanggang doon lang ang natatandaan niya.

"Hello po, Kuya Nestor. Kamusta na po kayo." Bigla na lamang niyang nasambit. Nanlaki ang mata ng matanda at pinangiliran ng luha. Nagtaka siya kung bakit ganun ang inakto nito. "I don't remember working here, Papa." Pagharap niya sa ama. Pinipilit niyang hanapin sa isip niya ang panahon yun.

"That position is temporarily given to him," Turo nito sa nagpakilalang Virgil Samonte. "Till you get back and he knows that. That position was yours to begin with. You worked hard for that. You started to work here after high school and while you were in college." Hindi na nagpapigil pa si Mr. de Asis kahit tumikhim na si David para patigilin ito, nagtuloy pa rin. Matalim na tingin ang itinapon niya kay David.

"David, you know for a fact na hindi mo na kailangan pang paguluhin ang lahat. Ibalik mo sa kanya ang posisyon niya at let her do the things she's good at. Naaksidente lang siya, it's not like she lost her memory of things." Pahayag nito. Tumango- tango ang lahat pati na rin si Virgil Samonte.

"Okay. We all need to relax and take a break. Masyado pang maaga para sa diskusyon." Maagap na sabi ni Amanda. "Nai-ready na ni Siony ang merienda sa labas." Hinaplos nito ang balikat ng ama.

"Papa, Mama, we need to talk. I want everything laid on the table." May galit sa tono ng pananalita ni Brielle. Lumingon siya kay Mr. de Asis. "Kayo din po, Kuya Nestor." Sabi ni Brielle at nagpatiuna na. Sumunod din naman si Carmella sa kanya. Walang nagawa si David at Amanda kundi sumunod na sa anak. Ganun din si Nestor.

"Take a break, guys." Narinig niyang sabi ng ina.

Sa labas, nasalubong niya ang babaeng umakap sa kanya kaninang pagdating nila. Mapapansin mo ang pagkalito sa mga mata nitong nakatingin sa direksyon nila. Hindi niya ito nginitiin o binati man lang. What for? Hindi naman niya kilala ang babae.

"Amanda? Anong nangyari?" Tanong nito. Hindi niya nakikita ang expression ng ina niya dahil nakatalikod na siya.

"Siony, halika, sumunod ka sa amin. May pag-uusapan tayo." Yun lang ang narinig niya at tumahimik na ang lahat na patuloy sa pagsunod sa kanya.

Hindi sigurado pero parang alam niya kung saan siya pupunta. Parang nanggaling na siya dito dati. Binuksan niya ang pinto at sinalubong siya ng pamilyar na lugar pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.

Ang amoy nitong pamilyar din. Kaninong opisina itong pinasok nila? Bakit parang ang sarap sa puso ng amoy nito. Kilala ng puso niya ang amoy na ito. Nilingon niya ang mga nakasunod sa kanya. Nakangiti ang mga ito maliban kay Carmella, naguguluhan.

"Bakit kayo nakangiti? Bakit pamilyar ang lahat ng nandito? Bakit pamilyar ang amoy ng kwartong ito? Kaninong office ito?" Sunud-sunod niyang tanong. Nagkatinginan ang mga ito. Papalit-palit niyang tinignan ang mga nasa harap niya.

"Brianna, umupo ka." Malumanay na sabi ng ina. "This is Siony. Asuncion de Asis. siya ang maybahay ng Kuya Nestor mo. Sila ang palagi mong kasa-kasama sa floor na ito kasi sila ang in-charge na buong production floor nung magsimula kang magtrabaho dito kahit part time lang." Panimula ni Amanda.

"Kaya pamilyar sa iyo ang opisinang ito dahil ito ang opisina mo." Hinaplos ni Siony ang lamesa na parang naiiyak.

"Pinagawa ng daddy mo ang kwartong ito right after you graduated from high school. Dito ka naglalagi kapag wala kang pasok sa university at walang gaanong production. Dito kayo naglalagi ni.... ni Timothy." Napahawak si Brielle sa kanyang ulo at dibdib. Scenes started flashing across her mind like movie clips.

"Aaaah!!" Impit niyang sigaw.

"Ate Bri?" Nag-aalalang pagdalo ni Carmella sa kanya. Mabuti na lang at umupo na siya. Nahihilo siya.

"Kay Siege bang perfume yan?" Tanong niya habang madiin na nakapikit. Masakit pa rin ito. Parang binibiyak ang kanyang ulo.

"Pasensya na, hija. Gusto ko lang na ganun pa rin ang ayos at amoy ng kwartong ito kung sakaling bumalik ka." Tumulo ang luha niya. Naalala na niya ang babaeng ito. Dito ito nakilala ng Kuya Nestor niya at naging girlfriend at pagkalaunan naging asawa na. May anak din itong halos ka-edaran ni Carmella at babae rin. Napa-angat siya ng tingin dito. Tinitigan ang babaeng nakatingin sa kanya. Puno ng pagmamahal at pananabik sa kanya.

"Ate Sion? Ate Sion!" Bigla siyang tumayo at patakbong inakap ito. "Ate Sion, sorry po at hindi ko po kayo nakilala kanina. I don't know what is happening." Humihikbi niyang sabi. Totoo naman kasing hindi niya nakilala si Siony, but it's more of hindi niya naalala ang babae.

"Let's all sit down." Panimula ni David. Inabutan niya ng isang bottled water ang anak. "This is what the doctors in Japan had said. You could only remember things if it is in front of you. I'm glad we started with the people you care about. Tsaka na lang yung iba as it is presented to you." Humugot ng isang malalim na paghinga si David.

"Sinabi sa amin noon na maaaring may mga memory lapses ka, hindi namin gaanong pinansin kasi nung magising ka na, kasi kilala mo kami. Naalala mo ang pinagbubuntis mo. Alam mo ang nangyari sa aksidente." Salaysay ng ama. "You were the one that told us what happen to Siege in the car. You told us about it in full details. Me and your Mama realized that you can't remember other things nung paglabas natin sa airport. Hindi mo matandaan yung driver natin. He's been with us for years. Bata ka pa lang driver na natin si Asyong. That's when I realized what the doctor had said to us back then was right." Matiim na tingin na salaysay ni Aaron, puno ng pag-iingat at pagmamahal.

"Papa..." Tawag niya sa ama. Hindi makapagsalita dahil parang may bikig sa kanyang lalamunan. Bakit parang marami pa siyang hindi alam? Bakit maraming kulang? "Am-- Am I missing something?" Tumutulo ang kanyang luha. Hindi niya alam kung bakit.

Isinalaysay ni Nestor at Siony ang papel ni Brielle sa factory bago pa siya nag-asawa. Inilibot ni Brielle ang mata sa buong kwarto. Nandoon ang mga gamit na pag-aari niya ayon sa bawat ituro ni Siony. Mga litrato nila ni Siege. Ang pabangong ginagamit ni Siony sa kwartong ito pagkatapos ang linggohang pagpapalinis sa janitorials.

Naalala niyang sinusundo siya ni Siege dito. Minsan dito na sila naghahapunan lalo na kapag malapit ang end of the quarter. Napadapo ang paningin niya sa sofa. Napaluha siyang lalo, may naalala siya. Diyan niya unang ipinagkatiwala ang sarili kay Siege nung minsang nag-overtime siya para sa quarterly report at bale review na rin para sa final exam.

Mapait siya napangiti sa alaalang yun, dahil magmula noon ay parang natural na lang sa kanilang matulog sa sofang kahit na masikip. Napailing siya dahil sa mga panahong muntik-muntikan na silang nahuli ng mga magulang. Napaiyak siyang lalo.

"Siege...... I miss you so much." Impit niyang pagtangis.











--------------------
End of SYBG 8: Dream

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖~ Ms J ~💖
01.15.18

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro