SYBG 7
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"New Hope?"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"HELLO?" Sagot niya. Maganda ang mood niya ngayon kaya maganda rin ang pagkakasagot niya.
"Hi, may I please speak to Ms. Sebastian?" Natulala si Siege. That voice. He knows that voice.
"Brielle?!" May kalakasan niynag pagbulong, kinakabahan.
"Excuse me?" Sagot naman ng nasa kabilang linya. Hindi yata naintindihan ang sinabi niya o pangalan na sinambit.
"I'm sorry." Parang nanghihinayang siya at hindi si Brielle yun. Duh! Stupid! She's dead. How can she be on the phone. Kastigo niya sa sarili.
"I was trying to get a hold of Ms. Sebastian? I am Alaina Tanaka from Paperkutz Japan." Pakilala ng babae sa kabilang linya.
"How did you get my direct line? This is my private number." Nagagalit niyang sabi. Madaling magbago ang mood ni Siege lalo pa at mga tanga ang taong nakakasalamuha niya. At bakit ito ang ibinigay ni Ryelee na number sa kliyente o sino mang Poncio Pilato na ito.
"Oh, I'm sorry, sir." Ninerbyos na paghingi ng paumanhin ng kausap. Nakamdam siya ng pagkapahiya. Pero tama din naman ang iniisip niya bakit kailangan ang number niya ang ibigay ng Ryelee.
"What is this all about?" Tanong niya dito. Tumingin siya ng pakaliwa at pakanan bago tumawid ng kalsada. Masyado nang malayo ang pedestrian crossing para sa kanya. Walking out to get some fresh air mode is done and over. Nasira na ito. Balik reality na siya.
"I am calling to see if we can get a video conference with Ms. Sebastian, so we can do a presentation." Sagot nito. Bumalik na ang kampante ng paghinga at confident ng kausap. Napangit sita. Ganitong mga tao ang gusto niya sa kompanya niya. They could bounce back to where they were after they were derailed.
"Why video conference? Why not in person?" Nagtataka siya. Hindi pa sila tumanggap ng kahit na anong kliyente o partnership.
"I'm sorry about that sir, we would want to be physically present for the conference but it is very impossible at the moment because we are base here in Japan." Napatda siya. Ano ang nakain ni Ryelee na tumanggap ng out of state let alone out of the country na kliyente?
"Erase my number and call the company's number and ask for her. Call back tomorrow or I'll have her call you." Then he hung up. Wala siyang pakialam kung magmukha siyang bastos.
"DEAN! I need Ms. Sebastian in my office now!" Sigaw ni Siege pagdating na pagdating niya sa opisina. Natarantang napatayo ang sekretarya, well, sekretaryo. Assistant pala.
"What's with the yelling, Siege?" Malambing na bungaad ng babaeng hinahanap niya. Hindi napansin ni Siege na nakasunod lang pala ito sa kanya.
"In my office! NOW!" Nanggigigil niyang sigaw sa mukha ni Ryelee. Kinakabahan itong nahihintakutan kaya walang imik na pumasok. Nawala ang malambing na ngiti nito sa labi at namutla. Pabalibag na sinara ni Siege ang pinto ng opisina niya.
"W-what's the p-problem, Siege?" Takot nitong tanong.
"Don't you dare call me with that name. It's either Timothy or Siegfried for you!" Nag-iigtingan ang mga ugat niya sa leeg. Kita ang galit at ang pagkapikon sa babaeng kaharap.
Alam niyang may gusto ito sa kanya noon pa man pero dahil hindi naman nagpapakita ng motibo sa kanya ay hinahayaan niya. Pero ang magdesisyon nang basta-basta na hindi nito sinasangguni sa kanya o sa board at malaks ang loob na ipamigay ang personal niyang number sa isang kliyente ay sobra na.
Kung hindi lang kaibigan ng Daddy niya ang mga magulang nito at ay matagal ng nawala ito sa kompanya nila. Maging ang mommy niya galit sa babaeng ito. Ngayon niya mas lalong naintindihan ang ina.
"Okay, fine. What happen, Tim?" Tanong nito na nagsusuplada pa. Naibalik na nito sa dati ang sariling tumalsik panandalian dahil sa sigaw ni Siege. Hindi ba nito alam ang nagawa niyang kasalanan o nagmamang-maangan lang?
"How dare you bypass me or the board on deciding whether it was okay to get a client out of the country AND giving my personal number to those people?!" May diin at nagbabaga ang mga mata ni Siege.
Wag siyang loloko-loko kay Siege ngayon. Dalawang beses na naunsyame ang pagpapahangin niya kanina. Una, namalikamta siya sa pag-aakalang ang asawa niya yung babaeng dumaan sa harap ng coffee shop at pangalawa, yung tumawag kanina ay kaboses na kaboses ni Brielle. Kung hindi aayos si Ryelee ngayon ay magbabalot ito ng wala sa oras.
"Which company oversea? Paperkutz?' Painosenteng tanong nito. Pinaningkitan niya ito ng mata. Tinatantiya. Inaarok. "I did not bypass anybody. I showed Tito Aaron about it and he approved it. And about your number, I don't how they got it. I didn't give it." Paliwanag nito. Sinugaling! Sigaw ng isip ni Siege.
"You are lying!" Igting ang mga pangang sigaw niya dito. Nahintakutan si Ryelee. Hindi siguro nito akalain na ganito pala siya kung magalit, para isang halimaw. Akmang lalapitan si Siege.
"Tim...." Hindi siya pinatapos ni Siege ng pagsasalita.
"Get the hell out of my office!" Madiin na utos ni Siege sa kanya na hindi man lang nagpatinag sa kanya. Lalapit pa sana siya ng itulak siya ni Siege. "Don't make me hurt you! No woman is allowed to touch me except for my wife!" Makikitang nasaktan si Ryelee sa sinabi ni Siege. Halos maluha-luha itong lumabas sa opisina ni Siege.
SA labas, napaiyak si Ryelee. Doon niya lang napagtanto na kahit na patay na si Brianna ay ito pa rin ang mahal nito. Iniwan na nga niya ang asawa nung malaman niyang nandito ito sa California nagpapagaling.
She pulled an impossible stunt kahit na nailagay pa niya sa kapahamakan ang pamilya. Pinalitan niya ang pangalan sa mga dokumento para malapit lang kay Siege pero kahit na hanggang sa kamatayan ni Brianna ay dinala nito ang puso ng lalaking minahal niya mula pa sa pagkabata.
Hanggang ngayon kapatid pa rin... kapatid lang ang turing sa kanya nito at baka pagkatapos ng araw na ito ay kaaway na ang turing sa kanya. Napabuga siya ng hangin.
"Dean..." Nagulat pa siya ng biglang bumukas ang pinto sa kanyang likuran na muntik pa niyang ikatumba. Nawalan siya ng balanse. Mabuti na lang at napakapit siya sa hamba ng pinto kaya hindi siya natuluyang matumba. Pero maaaring matuluyan siya ngayon dahil galit na galit ang boss/kaibigan niya.
"What the f.... You're still here?!" Um-echo ang boses ni Siege sa buong floor ng opisina nila. Nataranta si Dean na akayin si Ryelee palayo dito dahil baka madikdik ito ng pinung-pino. Matatalo pa niya ang dinikdik na bawang.
"You should go now, Rye." Ang tangi na lang nasabi ni Dean. Pero bago pa man tuluyang makaalis si Ryelee ay nasigawan na si Dean ng boss nila.
"DEAN! You are not getting paid to sit down do stupid things to stupid people! Get back to you fǘcking work!" Wala na. She just unleashed the beast within.
Nagmamadaling umalis si Ryelee. Pahiyang-pahiya sa mga kasamahan sa trabaho. Director pa man din siya ng marketing tapos ganun-ganun na lang siya sigawan ng lalaki. Pero mahirap kalabanin ang taong bugnot at buryong at walang closure sa buhay.
Napailing na lang siya dahil alam niya, hindi ito naghahanap ng closure. Si Brianna Marielle Villasis lang ang babaeng titingnan nito ng may pagmamahal. Ang lahat ng nakapaligid kay Siege ay pangkaraniwang tao lamang at kasama na siya doon.
You are so stupid, Ryelee Blaire Regalado-Montemayor! Very stupid and very delusional!
.
.
.
.
.
.
"MS. Brianna, pinagbabaan po ako ng telepono nung kausap ko kagabi. Tumawag na lang daw po tayo ngayon o patatawagin na lang po niya si Ms. Sebastian sa atin para mai-schedule ang webference." Parang batang nagsusumbong si Alaina kay Brielle.
"Bakit daw?" Tanong niya sa kanyang secretary. Nalilito siya kung bakit ganun. Napaka-unprofessional naman na taong yun. Napanguso siya.
"Tawagan mo si Glenn. Please tell him to take care of this. This is unacceptable na tayo pa ang magpa-follow up ng conference na yan kung meron naman mga taong katulad nila na humaharap diyan." Tumango ni Alaina. Nag-iinit ang ulo niya. Bakit kailangan ang secretary niya ang kikilos noon to think na aalis na sila in two weeks papuntang Pilipinas? Doon siya magbe-base. She's taking over her dad's company at si Alvin na ang mamumunong mag-train kay Miss Kate at Alaina.
"Are you busy?" Biglang sulpot ni Alvin.
"Not really. Is there any problem?" Tanong niya dito. "Please na wala. I am getting ready to leave. I still have to go to Ethan's school to get his documentations." Dugtong pa niya. Ngumiti si Alvin sa kanya.
"So ready ka nang harapin ang lahat ng iniwan mo?" Tanong nito sa kanya. He seemed like sizing her up.
"No. I am not doing this for me but for my son. And if I get the closure I need at the end, why not?" Matapat at direkta niyang sagot.
"You know I will always be here for you and Ethan, right?" Malambing nitong sabi. Ngumiti siya ng mapait. Napakabait talaga ni Alvin sa kaniya... sa kanila ni Ethan. Isa lang ang dasal niya para sa kaibigan, ang makita na nito ang asawa para mabuo na sila.
"I know. Thank you for being such a good friend and brother to me." Nakangiti niyang sabi. Nakita niyang lumungkot ng mga mata nito kahit nakangiti. Binalewala niya yun. "So, What can I do you for?" Dugtong pa niyang tanong.
"When are you leaving?" Tanong nito sa kanya. Ngumiti muna siya kay Alvin.
"Two Fridays from now. Last flight of the day to Manila." Sagot niya. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Natatakot siya and at the same time, excited.
"Well, bon voyage na lang pala. Basta darating kami sa birthday ni Ethan, okay."Ssabi nito. Tumayo na si Alvin. He opened up his arms and waited for a hug from her. Tumayo rin siya at inakap na rin ang kaibigan. "Mag-iingat ka roon ha? Magpakatatag ka para sa inyong dalawa ni Ethan. Alamin mo ang lahat para madali na sa iyong matanggap na hindi na siya babalik. Embrace all the good memories he left you. Share it with Ethan." Malambing na sabi ni Alvin. Napaiyak siya dahil sa inakto nito. Napakabait na kaibigan si Alvin.
"Paano mong nagagawa na pagaanin ang loob ko na kung tutuusin ay may dinadala ka ring mabigat?" Hindi na niya natiis na tanungin ito.
"I am doing this dahil gusto ko. Matalik kong kaibigan si Siege. Maraming bagay na nagawa si Siege sa akin noon. Ilang beses niyang nailigtas ang buhay ko sa iba't ibang paraan. Gusto kong makaganti man lang kahit konti sa mga bagay na ginawa niya sa akin." Hinigpitan niya ang yakap kay Briellle, hinalikan siya nito sa ulo. "Wag kang mag-isip ng kung anu-ano dahil sa ginagawa ko. I just want to pay it forward. He was a good man, the least I can do is return the favor to his widow and son." Napahanga si Brielle sa laki ng puso ng taong ito. Nagtataka tuloy siya kung bakit ito iniwan ng asawa. Iniwan nga ba?
"Salamat, Alvin. Tatanawin naming isang malaking utang na loob ang lahat ng ginagawa mo sa amin." Hinalikan niya sa pisngi ito na ikinapatda ng kaibigan. She saw the panic in his eyes. Nagulat siya. Hindi niya maintindihan pero parang mali sa ginawa at sa nakikita niya sa mga mata nito.
"Oh sige na, alis na ako. I have to deal with that call that was made today." Iniba nito ang usapan. Napakunot ang noong may pagtataka siya. Kararating lang naman nito galing sa Nagoya sa isang kliyente.
"Mmm... overthinking, again. Si Carmella ang nagsabi. Kaninong department ba yun?" Npatango siya sa dugtong nito.
"Oh. That would be Glenn, Marketing Department. Carmella will give you the whole details, wag lang matagal ha at marami pang aasikasuhin si Carmella on personal level. Take Alaina instead." Nakangiti niyang paalala dito.
Umalis na si Alvin sa harapan niya ngunit naiwan pa rin siyang nakatitig sa pinto. Marami siyang hinaharap at ayaw na niyang dagdagan pa pero hindi maalis sa isip niya ang nakitang bahagyang pagkasindak sa mga mata nito ng hinalikan niya ito sa pisngi. Nagulat siya ng biglang sumulpot si Carmella sa harap niya.
"Ms. Brianna, ano po ang schedule natin ngayon? I cleared up all upcoming meetings with clients lalo na po yung bagong bukas na event's specialist. Ipinasa ko na po kay Sir Alvin. I had Alaina be his Secretary and moved up Akiko as Ms. Kate's secretary." Pahayag ni Carmella na kita ang excitement dito. Hindi siya nagkamaling kunin itong bilang assistant/secretary dahil magaling magtrabaho, may kusa at hindi na kailangang utusan pa.
"Excited?" Biro niya dito. Nawalang bigla sa isip niya ang nangyari kanina.
"Yes po. Makikita ko na si Nanay at ang kapatid ko." Sagot naman nito. Dati itong trabahante ng Papa niya sa paper company nila sa Pilipinas.
"May kapatid ka pa? Akala ko ikaw lang ang anak." Nangunot ang noo niya.
"Ako nga lang po. Ako lang po ang nag-iisang anak ni Tanaka sa pagkabinata. Siya po yung unang naging karelasyon ni Nanay. Si Erica naman po ang anak ni Nanay kay Tatay." Kwento nito. Half Filipino-half Japanese itong si Carmella at doon nga ito nakapagtrabaho sa kompanya nila at bigla ring nawala.
"Oh, bakit malungkot ka?" Tanong niya dito. Nag-alala siya at baka bigla na lang itong magsabing hindi na sasama pabalik ng Pilipinas. Naging malapit na rin naman kasi ito sa kanya na parang nakababatang kapatid na niya. At kung magkakaroon pa siya ng kapatid ang isang katulad ni Carmella ang gusto niya.
"Naaawa lang po kasi ako sa sinapit ni Tatay tapos nawala pa ako. Sila lang ni Erica ang naiwang nagluluksa." Sagot naman nito. Maging siya ay nakaramdam ng lungkot.
"Okay lang ba kung magtanong ako sa iyo? Kwentuhan muna tayo. Matagal pa naman ang oras. Upo ka. Kwento mo sa akin ang tungkol sa nangyari." Umupo naman si Carmella. Humugot ng isang malalim na paghinga.
"Naawa po kasi ako kay Erica kasi 12 years old pa lang po kasi siya noong maaksidente ang tatay. Driver po kasi si ng Tatay ng isang mayamang negosyante. May delivery po ang tatay sa probinsya kaya halos wala siyang tulog. Ang sabi po ni Nanay, patulog na daw po ang tatay nang nakatanggap sila ng tawag mula boss ng Tatay. Galit na galit po itong pinababalik sa bodega dahil meron pa raw isang delivery na hindi nagawa." Humugot ng malalim na paghinga si Carmella bago nagtuloy.
"Tapos?" Tanong niya, nakatuon ang sarili sa kwento ng sekretarya.
"Yun po. Dahil malaki nga po ang utang ni Tatay sa boss niya, bumalik po siya para mag-drive ng truck ng walang kasama. Nung makarating na daw ang tatay sa high way ay bumigay na daw ang katawan at inatake na sa puso habang nagmamaneho kaya naaksidente po. Nandito na po ako noon dahil nahanap ko na ang Papa ko at hindi kaagad nakauwi." Paliwanag nito.
"Hindi daw po sinagot ng amo ang libing ni Tatay kaya kami ni Papa ang nagpalibing sa kanya kaya hindi na po ako nakauwi dahil sumubsob na po ako sa trabaho dahil nangutang lang kami ni Papa dito. Ang masakit pa nga po nun, may nadamay pang mag-asawa." Mahabang kwento ni Carmella. Game din ito sa pagkwento. Sanay na rin naman kasi ito sa kanya kaya parang ang gaan lang ng usapan nila.
"Ano ang nangyari pagkatapos?" Maengganyo niya sa kwento nito.
"Wala na ho kaming balita tungkol sa aksidente kasi nung bago mailibing ang Tatay nakatyempo kami ni Papa na umuwi kami ni Papa kahit para lang sa libing. Ihatid namin si Tatay sa huling hantungan niya, naabutan po namin doon ang amo ng tatay na sinisingil si Nanay ng utang at kung hindi daw po makakabayad ay si Erica na lang daw ang pambayad. Eto na lang daw po ang magpapatuloy magtrabaho doon sa kanila bilang katulong." Huminga muna si Carmella. Naiiyak ito nang maalala ang kapatid. Nainis naman si Brielle sa narinig.
"Nasaan na ang kapatid mo ngayon?" Tanong niya. Nakakintriga talaga ang kwento ng buhay ng tao. Parang kwento niya. Nagkaasawa nga siya at nagkaanak pero kinuha din naman kaagad ito sa kanya sa isang paraan na kahit na sino ay ayaw maranasan pero ito siya naranasan niya. Ang pait lang, di ba?
"Kinausap po ni Papa ang amo ng tatay na patapusin na lang muna ang libing at pag-uusapan nila ang tungkol sa bagay na yun. Pumayag naman po kasi may kasama kaming pulis. Kaibigan po kasi ni Tatay yung pulis. Sinamahan kami sa looban ng eskwater. Doon po kasi kami nakatira noon bago ako kinuha ni Papa para mag-aral." Patuloy nito.
"Oh. Eh anong nangyari pagkatapos ng libing?" Tanong niya. Para siyang batang nakapangalumbaba sa harapan nito. Sabik sa marinig ang happy ending.
"Noong una ay okay pa. Hindi na daw sila binalikan ng dating amo ni Tatay kaya akala nila ay okay na, pero after po ng three years bago magtapos ng high school si Erica ay sapilitan pong kinuha nila ang kapatid ko at doon na ngayon nagtatrabaho. Kaya po ang nangyari, para makasiguro si Nanay na maayos si Erica doon, pati po siya namasukan na rin doon bilang kusinera. Pumayag po yung amo nila at pareho na po silang nandoon. Yun nga lang, minsanan ko lang silang nakakausap. Kapag wala lang po ang mga amo nila." Naiyak si Carmela. Kaya pala nakitaan niya ng tuwa at lungkot ang dalaga.
"Tutulungan ka namin ni Papa na makuha ang pamilya mo. Pangako yan." Malambing na sabi niya dito. "May matutuluyan ka ba sa Manila pagdating natin doon?" Dugtong niyang tanong.
"Meron po, pangsamantala, habang naghahanap ako nang permanenteng matutuluyan. Gagawin ko na lang po ang paghahanap ng malilipatan tuwing weekends na lang po para hindi naman magulo yung schedule natin." Tumango na lang siya. Doon na lang niya sasabihin ang naisip pagdating nila ng Pilipinas.
Too many to take in at one time ang mga narinig niya. Marami pa silang dapat gawin. At least, ngayon alam na niya ang dahilan kung bakit sa tuwing makakatanggap ito ng tawag overseas ay natataranta itong hindi mo maintindihan. Iniiwanan ang lahat at magtatago sa janitorial closet. Tapos namumugto ang mga mata paglabas.
"Marami pa ba tayong dapat na i-reschdule at i-assign sa iba pang department?" Nginitian niya ito ng matamis. Iwas topic na muna.
"Hindi naman po gaano, konti na lang. Gusto ko lang po na wala tayong maiiwan na loose ends?" Napasimangot ito. Napahagikhik siya.
"Okay. Thank you. Ano nga pala yung tungkol sa bagong specialist? Bakit ayaw nilang kausapin ang ating marketing department?" Mas lalo itong sumimangot. Natapataas ang kilay niya habang nakatitig siya sa sekretarya.
"Carmella, is there something wrong?" Tanong niya. "You know you can tell me right?" Dugtong pa niya. Buamlik na siya sa upuan niya.
"Eh, Ms. Brianna, si Glenn po kasi kinaiinisan ng Bloom's Events, lalo na nung anak ng may-ari." Nakanguso nitong sagot.
"Give that client to Alvin and inform Alvin about the inappropriateness of Mr. Guevarra sa kliyente. Ga\ive the HR a memo na kung hindi tumino yang si Guevarra, we will revoke his working visa and he will be sent home. Babalik siya sa dati niyang department sa Pinas ana he's not going to like it." Naiinis niyang utos kay Carmella. "Walang trabahante ko ang haharot ng kliyente natin. Have Alvin and Susie of HR investigate this matter. I don't take thing like this lightly." Dumagdag pa ito sa iisipin niya kung kelan paalis siya. Tumayo na si Carmella at lumabas. She picked up her phone and called her dad.
"Papa, busy ka ba?" Tanong niya rito.
"Hindi naman, Princess. Bakit?" Sagot ng ama sa kabilang linya.
"Can I talk to you?" Tanong niyang muli.
"Sure. Tamang-tama nandito na ang Mama mo at mukhang excited pa kesa sa anak mo." Biglang tumalon ang puso niya marinig ang sinabi ng Papa niya. Isa lang ang ibig sabihin nun. Nandito ang anak niya. Nandito si Ethan.
"I'm coming." Mabilis pa alas kwatro na tumayo at binibit nito ang kanyang bag para lumabas na ng office niya.
"Carmella, get everything done today. Endorse the lesser jobs to Akiko, si Alvin na ang bahala sa kanya and then the rest to Ms. Kate and Alaina. Si Papa na ang bahala kanila. And you missy, you need to get with Atty. Gaines, okay. Baka nakuha na niya ang mga kailangan mong dokumento." Bilin niya dito.
"Ethan is here. Your Dad's office." Pagputol ni Carmella sa kanya. Malawak at matamis na ngiti ang pinakawalan niya. Napapailing na lang si Carmella dahil parang 14 years old lang boss kung umasta kapag naririnig ang pangalan ng anak. Patakbong nilapitan ang anak.
"No problem po. See you in the airport!" Sigaw pa ni Carmella. Kamaway lang siya patalikod at tutuluy-tuloy pa rin ang lakad-takbo.
Nadaanan ni Brielle ang opisina ni Alvin. Nakita niyang subsob ito sa ginagawa, nasa tenga ang oditibo ng telepono, at ganun din si Akiko kaya dire-diretso na lang siya. Wala siyang balak istorbuhin ang dalawa.
"Mooooommmm!!!" Sigaw ni Ethan pagkakita sa kanya. Tumalon ito mula sa lamesa ng Lolo, diretso sa kanya.
"Hi, baby." Masaya niyang bati dito. Patalon na nagpakarga si Ethan sa kanya. "Oh my. You are getting heavy. I think Lolo Gramps was right. You are now a little guy." Komento niya na ikinalapad ng ngiti ng anak.
"I told you, Lola Grams, mommy will recognize it. Hehehe." Labas ang bungal ng anak. Napatawa tuloy siya.
Ang mga mata nitong nawawala, ang dimple nito lalong lumalalim kapag tumatawa ay katulad na katulad ng daddy niya at ang tengang namumula.
Oo, nalulungkot pa rin siya pero nakakita sia ng paraan para matakpan ng saya ang lungkot kahit papaano basta iisipin niya lang ang mga magagandang bagay at ang masasayang alaala nila ni Siege. Dahil dito ay alam niyang kakayanin na niyang umuwi na ng Pilipinas.
Ipapakilala niya sa mga biyenan ang anak nila ni Siege. Alam niyang matutuwa ang Mommy Marj at Daddy Ron niya na makilala ang kanilang apo.
"Are you ready to meet your Lolo and Lola Scott?" Tumango ng may matamis na ngiti sa mga labi ng anak. Inakap siya nito at binulungan.
"I love you, Mommy and I know Daddy loves you, too." Hinigpitan pa lalo ni Ethan ang pag-akap sa kanya.
Halos maiyak siya sa sinabi nito ngunit pinigil ang sarili. alam niyang totoo ang sinabi ng anak dahil yun ang huling sinabi ni Siege sa kanya bago pa sila parehong mawalan ng malay.
"I know, honey. I know." Bulong nyiang pabalik sa anak. "And he loves you, too." Nagbabadyang tumulo ang kanyang mga luha. Bumitaw ito s pagkakakap sa kanya.
"I know, mom. I know daddy loves me because HE made me look like him." Turo nito sa taas. Napatda siya sa sinabi ng anak. Napatingin siya sa kisame, pagkatapos ay sa ama. Nakangiti ito sa kanya. Ginantihan niya ng isang matamis din na ngiti ang ama.
"Mabuti pa ang bata, may tiwala sa Diyos." Komento ni Amanda.
"Let's go. Baka bumaha pa dito at mawalan pa ng trabaho ang mga empleyado natin." Natatawang nahampas ni Amanda ang braso ng asawa dahil sa kakulitan nito.
Sabay-sabay silang umalis sa opisina na may ngiti sa labi. May kaba man silang nararamdaman ay hindi na nila yun ininda. Magkakasama sila, alam nilang kakayanin ni Brielle ang lahat.
--------------------
End of SYBG 7: New Hope
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
01.14.18
Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro