Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SYBG 6





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Memories"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"DAD, ano ang ibig sabihin nito?" Nakasigaw na bungad ni Siege sa amang nagulat. Nandidilat ang mga matang nilingon ang humahangos na anak. Maging ang ina at anak ay nagulat din.

Naaawa ang inang nakatitig kay Siege. Nanglalamin at magang-maga ang mga mata, pagal na pagal ang anyo, sabog ang buhok na wlang gupit, makikita na ang tubo ng balbas nito at halatang hindi pa ito nakakatulog. Ni hindi nga yata nakakapagpalit ng damit dahil hanggang ngayon ay nakapantulog na hindi nakabutones ng maayos. Ito pa rin ang suot pa mula pa noong isang gabi.

"Susmaryosep, Timothy Siegfried! Ano yang suot mo?" Saway ng ina nitong may kataasan ang boses. Hindi man lang siya nilingon ni Siege pero tiningna naman ang suot. Marahang tinapik ni Aaron ang asawa sa likod.

"What is it, Siege?" Malumanay at kalmadong tanong ni Aaron sa anak na nakikitaan ng di mawaring galit. Mukha itong litong-lito.

"This." Sabay paypay ng litrato na hawak nito. Tiningnan ito ni Aaron kahit nahihilo sa ginagawa ng anak. Napaarko ang kilay nito.

Wala namang kakaibang nakita sa litrato kundi ang larawan ng walang buhay nang mag-inang Brielle at Timmy.

"What about it, son?" Hindi kasi nito alam kung ano ang gusto tukuyin ni Siege. Basta iwinawagayway lang ang larawan at tumulo uli ang luha.

Para namang pinipiga ang puso ng mga magulang sa ayos at porma ng anak. Nawala na yung tikas at angas nito. Nawala na rin ang tatag nito. At para na itong isang batang inagawan ng kendi at itinulak pa sa putikan.

"Ano ang ibig sabihin nito? Bakit ganito ang pangalan ng anak ko? Sino si Ethan Siegfried?" Nangunot ang noo ni Aaron.

"Ethan Siegfried?" Hinablot ni Aaron ang litrato mula kay Siege at tinitigan ang litrato. Wala siyang nakita kakaiba.

Pinaka titigan niyang mabuti ang picture, maging si Margaret ay naki-usyoso na rin, pero pareho silang walang nakita. Walang panahon at tiyaga si Siege ngayon, kung baga ay short fuse ito kaya hindi na niya natiis at hinablot ang larawang hawak ng ama at binaligtad ito. Voila! Nakasulat sa pulang tinta ng ballpen:

Baby Boy Scott
Ethan Siegfried

"This can't be. Your son's name is Ethan Timothy, at least that's what was put on the newspaper's obituary section." Pahayag ni Aaron ngunit maging ito ay napaisip. "Unless nagkamali ang nagsulat nito." Dugtong pa nito na labas naman sa ilong.

"Mom, have you seen this before?" Wala sa sariling tanong ni Aaron sa asawa. Inagaw ni Margaret ang hawak ng asawa at tiningnan iyon.

"Hindi ko ito napansin noon. Kaninong pangalan ito?" Tanong nito, salubong ang kilay, nalilito. Nagkapalitan sila ng tingin na may hindi maisatinig na tanong. "Kaninong sulat kamay ito?" Hindi niya kilala ang penmanship na yun. Pare-pareho silang natahimik.

Si Siege naman ay pilit na kinikilala ang sulat-kamay na yun. Pamilyar na pamilyar ito sa kanya. Nang bigla ay parang isang maliwanag pa sa mga ilaw sa Lacma ang tumama sa kanya, ganun din ang ama.

"Si Miranda. Sulat-kamay niya ito." Nagngangalit ang bagang na turan nito. Nagkatinginan si Siege at Margaretw.

"Lola, what is that?" Nabalik lamang sila sa kanilang mga sarili nang marinig ang maliit at matinis na tinig ni Brynn. Napatingin sila dito at nagkatinginan. Nagulat pa si Margaret ng kiunha ng bata ang larawang sa kamay niya.

"Are they okay?" MAy bahid ng pag-aalala sa tinig nito.

"Uhmmm..." Nininerbiyos na nilingon ni Margaret ang asawa at anak bago muling nagsalita. Lumuhod muna ito para makapantay ang tingin ni Brynn.

"Ako na, Mom." Maagap na sabi ni Siege. Tumayo si Margaret at binigyan daan ang anak.

"Baby, this is Mommy and brother." Malungkot na sabi ni Siege. Kinuha ang larawan sa kamay ng anak.

"You found them? Are they sick? Can we see them?" Inosente at sunod-sunod nitong taong. Titig na titig sa larawan ng ina at kapatid.

Hindi alam ni Siege kung paanong sasagutin ang anak. Hindi mailabas ang tinig dahil parang pinipiga ang puso. Dinig na dinig ang pag-aalala at pananabik mula sa anak ngunit pinilit na wag tumulo ang luha.

Ayaw nitong nakikita ng umiiyak sila at ayaw ding nakikitang umiiyak ang anak. Gusto niyang maging matapang at maging matatag para dito. Pero paano? Kung siya mismo ay hindi na mapigil ang nararamdaman.

"Timothy, you can cry, you know that, right?" Hinaplos ng ina ang kanyang braso. That did it.

Ang haplos na yun ang pumiga ng kanyang puso hanggang sa halos hindi na siya makahinga. He just broke down and wale like a child. Kinarga ni Aaron ang apong umiiyak din. Yakap ang larawan ng walang buhay na ina.

"Come here, Princess. Lolo will introduce you to them." Malambing ngunit malungkot na sabi ni Aaron kay Brynn. Umupo ang mag-Lolo sa sofa at doon nag-usap.

"I can't take it anymore, Mom. I want to be strong for Brynn but I couldn't. I feel like losing mind. Why can't I accept that they're gone? Did I do something wrong in my life? Is God mad at me?" Patuloy lang sa pag-iyak si Siege. "I miss her so much. My life hasn't been the same since... Since... She's been gone. I want to die, Ma. I can't live anymore" Durog na durog ang puso at pagkatao ni Siege sa mga sandaling ito. Parang narating na niya ang dulo ng pisi ng buhay. Hanggang dito na lang. Finish line.

"Timothy, anak. Wag ganun." Umiiyak na panimula ni Margaret. "Lumaban ka. Kahit wag na para sa iyo, para na lang kay Brynn, anak." Halos nagmamakaawang kausap nito sa anak.

Bilang ina, mas masakit para dito na nakikitang durog na durog ang buong pagkatao ng anak. Masakit na makitang hindi lang unti-unting gumuguho ang pader na itinayo nito ng mahabang panahon, kundi bigla itong lumubog sa isang kisapmata lamang. He is not the same Timothy Siegfried she raised and grew up to be. Isang matapang at matatag na businessman ang anak, ngayon ay parang isa itong paslit na walang kalaban-laban sa mundo.

"Ayoko na, Ma. Ang sama-smaa ng tadhana sa amin ni Brielle. Ano ba ang kasalanan ni Brielle at pinarusahan siya ng ganito, Ma? Pa? Bakit hindi na lang ako!" Patuloy lang sa paghagulgol si Siege.

Kung awa ang nakikita sa mata ni Margaret, galit naman ang namumuo sa mga mata ni Aaron. Walang may kahit na sino ang may karapatan na pasakitan ang anak ng ganito. Sino ba ang halang kumuha ng buhay na taong tanging minahal ng anak?

Napabuntong-hinga ng malalim si Aaron. Ano nga ba ang magagawa nila laban sa tadhana? Ano ba ang magagawa nila matulungang maibsan ang pighati ng anak at apo.

"Siegfried. Gather yourself. This is not the time to be weak. You and Brynn need to be strong to face this. And whoever did this will pay... Dearly!" Puno ng poot na pahayag ni Aaron. kalmadong hinarap ang anak. "It is okay to cry. I won't stop you. You and Brynn can weep to your hearts' desire. In fact, your Mom and I will join you." Mahigpit na inakap ni Aaron si Siege. Umiyak na rin.

"After all this crying, what I need you to do is find your parents-in-law. Find David and Amanda. You need them as much as they needed you and Brynn. They lost a daughter and grandson, please don't make them lose a son-in-law and granddaughter, too." Patuloy nilang naririnig ang impit na hikbi ni Brynn at Margaret.

Para binuhusan ng malamig na tubig si Siege. Bigla itong natauhan nang marinig ang mumunting hikbi ng anak. Hindi man nito naiintindihan ang mga nangyayari sa kanila ay nakikisama ito sa kanyang pag-iyak. Ang bata nga naman.

Tama ang kanyang Papa, kailangan niyang maging matatag. Kailangan nila ni Brynn na maging matapang. Sabay nilang haharapin ang kakulangan ng kanilang buhay.

Kung ang trahedyang yun ay sadya, magbabayad ang may sala sa pagkawala ng kanyang mag-ina. Ngipin sa ngipin, buhay sa buhay. Uumpisahan niya sa mismong pinangyarihan ng aksidente at sa mga taong nag-imbestiga nito... ang driver ng truck.

"Lintek lang ang walang ganti."

"MS MARIELLE, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong ng Private investigator na kinontak niya. Sinisipat ni David ang lalaking kaharap nila.

For some very odd, odd reason, weird almost, hindi niya gusto ang hilatsa ng mukha nito. Merong "something" dito. Parang sinto-sinto na di mawari, parang hindi isang imbestigador, impostor pwede pa.

Saan ba ito nakuha ni Marielle? Naisip niya. Hindi siya nagsasalita o nakikisali, nakikinig lamang siya sa usapan ng dalawa. Hinayaan niyang magpaliwanag si Brielle sa gusto nitong mangyari at gustong gawin.

"Nagkakaintindihan ba tayo, Mr. Cruz?" Tanong Brielle dito. Matagal bago ito nakasagot. Nakatitig lamang ito sa papel na sinulatan ng kung anu-ano.

Naiinis na si Brielle sa lalaking kausap dahil parang wala itong narinig at para na siyang tangang salita ng salita ay tango lang ito ng tango pero wala namang maisagot na kahit na isang salita sa kanya.

Ito ba yung ikinakakaba niya kanina na parang gusto niyang umuruong? Eto ba yung nagpakabog ng sobra sa kanya kanina? Eh hindi lang siya parang tanga, kundi gaga na talaga.

"Yes, ma'am. Alam n'yo ba kung saan siya huling makikita at kung kelan?" Laglag ang panga niya sa tanong ng hunghang na lalaki. Gusto na niya itong pektusan. What the hell? Did he heard everything I said?

"Didn't I tell you that my husband and daughter is dead. The last time I saw him was in the car before I passed out. This was during the accident." Halos pasigaw na niyang sabi dito. Hindi lang pektos ang gusto niyang gawin sa lalaki, gusto niya itong gulpihin, tadtarin ng pinung-pinong kurot sa lalamunan, at ipakain sa kuting ng kapit-bahay nilang si Mrs. Hiroshita.

"Oh, if you know where he's at, why did you contact me then?" Ay tanga lng. Imbestigador ba ito?

"Marielle, let's go!" Yun lang ang sabi ni David at inalalayan ng tumayo si Brielle para umalis.

"Pasensiya na sa abala!" Pikon na sabi ni Brielle sa P.I. na ito at bago niya ito tinalikuran hinablot niya ang papel na nasa harapan nito at nanggigigil na pinulot ang notepad nito at itinapon sa mukha ng lalaki..

Walang lingon-lingon na lumabas ng restaurant si Brielle at nakasunod lang ang Papa niya. Walang imikang umupo sa kotse at nag-umpisang mag-drive si David. Gustong matawa ng ama dahil sa haba ng nguso ni Brielle na halos nakasayad na sa lupa. Konting-konti na lang at magugulongan na nila ito.

Palihim na napailing si David dahil sa inakto ng anak. Talo pa nito ang paslit na hindi pinayagang maglaro sa labas ng bahay kasama ng ibang mga bata.

"Don't even, Pa." Pasinghal na turan ni Brielle. Nawala na sa wisyo si David, hindi na napigil ang pagtawa. Pinagkrus nito ang braso sa dibdib at galit na nilingon ang ama.

"I'm sorry." Paghingi naman nito ng paumanhin ngunit naroroon pa rin ang malapad na ngiti.

Galit na galit si Brille na di mawari. Inis na pikon na asar na gusto niyang tumawa at the same gusto niya ring umiyak dahil sa nangyari kanyang katangahan. Frustrated na frustrated siya. Pakiramadam niya ay napahiya siya sa ama.

The only time she took charge on something, it was the biggest flop ever. Nasayang ang tapang na inipon niya ng ilang buwan, ilang minuto lang ang kapalit, nawala na. Palpak!

"Labas sa ilong, Pa." Nakabusanogt niyang turan.

"Hahaha. What?" David is playing innocent with her at alam niya yun.

Kilalang-kilala niya ang ama. Makulit din itong katulad niya. Saan pa ba siya magmamana? Malambing ito, sobra, but at the same time isang malaking tukso, mali... isang dambuhalang bully ang Papa niya. Kaya nga palaging naiinis ang Mama niya pero talagang mahal lang siguro nila ang isa't isa kaya magkasama pa rin ang mga magulang.

"I know what you're thinking, Papa. Iniinis mo lang ako eh." Nakanguso pa ring pagmamaktol niya. "Alam kong palpak ako, okay." Dama na sa tinig niya ang pagkapikon to the point na naiiyak na siya. Inakbayan siya ng ama.

"Hahaha. Bakit ba kasi kukuha ka pa ng private investigator, yung ganun pa? Umuwi ka na lang kasi ng Pinas at doon mo na yan harapin. Nandoon ang kakilala kong magagaling, mas magaling pa diyan sa kinuha mo, teka mali... sobrang galing pala. Magpapatulong tayo sa kanya." Sabi ng ama na tatawa-tawa pa rin pero himig siguradong-sigurado ito. Puno din ng determinasyon.

"What? We are going back there?" Hindi niya napigilang ang sarili na magitla. Ganun?! Kinakabahan siyang isipin na babalikan niya ang bayan kung saan naiwan ang bangungot na kumuha ng kalahati ng pamilya niya.

"Bakit hindi? Malay mo nandoon sa Pilipinas ang mga biyenan mo. May bahay pa sila doon at negosyo, I think. May bahay din tayo doon. Ikaw pa rin naman ang may-ari ng bahay na binili ni Siege nung nabubuhay pa ito. Kung ayaw mo doon, eh di doon ka sa condo mo, buhay pa naman yun at naghihintay lang yun sa iyo palagi. Pwedeng doon kayo tumira ni Ethan. Pwede ka rin doon sa bahay ng mga biyenan mo para naman makasama nila si Ethan." Mahabang sabi nito. Naisip niya, parang naiplano ng lahat ng Papa niya ang pag-uwi nila ng Pilipinas.

Is there anything that I can plan for myself? Naisip yung kaninang nangyari.

Humugot siya na malalim na paghinga at maingat na ibinuga. Kung siya ang masusunod ay dito lang sila sa Japan habang may naghahanap sa pamilya ng asawa niya sa Pilipinas. Bakit hindi na lang ganun kadali?

"Pa, can we just contact your person para siya na lang maghanap kanila Mommy Marj at Daddy Ron? Can I... I mean, can we... me and Ethan, just stay here?" Hahanap talaga siya ng lusot wag lang makauwi ng Pilipinas. "We'll just go there when they find them?" Dadag niyang palusot

"You are not trying to wiggle yourself out of this, are you?" Nananantiyang tanong ng ama sa kanya, diretso sa kalsada ang tingin.

Bakit ba kasi ang ama niya ang kausap niya? Hindi tuloy siya makalusot. Eh hindi rin naman siya makakalusot kahit na ang Mommy niya o si Vince ang kausap niya, dahil silang tatlo lang naman ang kumakausap sa kanya ng ganito at silang tatlo din lang ang kinakausap niya tungkol sa pamilya niya.

"No, Papa. What I was trying to say lang naman is, habang hindi pa tayo nakakauwi doon, at least, gumagana na ang paghahanap sa kanila." Palusot niya. Baka sakali lang naman.

Natawa ang kanyang amang umiiling. Kita ng ama ang totoo at hindi man lang yun inilihim. Talagang ipinahalata pa talaga na hindi ito naniniwala sa kanya.

"You can at least play along, Papa." Dugtong pa niyang inismiran ang ama.

"Well, I can't help it, anak. You are so obvious and so transparent about it. Anybody can see through your reasoning that it was just a plain excuse." Turan nito na nakatutok pa rin sa kalsada ang mga mata.

"Nakakainis ka Pa. Alam n'yo po bang ganyan na ganyan din si Siege nung nabubuhay pa siya. Ang bully-bully niya sa akin but I found it amusing and at the same time revolting." Nangingislap ang kanyang mga mata. Yung agad ang napansin ng ama ng mag-park na ito sa parking lot ng building nila.

"See, right there, Pumpkin. Your eyes, it sparkles, it shines. You didn't kringe or squeaked or cried when you said his name. You just blurt his name like it supposed to be." Sabi ng ama. Napatda din siya kasi for the first time na lumabas ang pangalan ni Siege sa bibig niya na hindi man lang siya nabilakuan o naiyak.

"Oh my. You're right, Papa. I didn't cringe. I didn't stutter. I didn't even cry." She was so amazed herself. Hindi nga naman siya naiyak. Nalulungkot siya, oo, but not to the extent na iiyak siya. Naalala niya kung gaano ka-sweet si Siege sa kanya, kung gaano ito ka mapagmahal at kakulit. She misses him. Napapangiti siya.

"Yes, you didn't, because you remember the good things about him and the happy moments together." Masayang sagot ng ama sa kanya.

Kelan nga ba ang huling araw na ngumiti siyang mabanggit lamang ang pangalan ng asawa?

"HELLO! Who is this?!" Mainit ang ulo ni Siege na sinagot ang telepono.

"Call on line 3, sir. Overseas." Mabilis na sagot ng kanyang secretary.

"Okay. Thank you." Mabilis niyang pinindot ang number 3 ng keypad ng office phone. "Hello? How may I help you?" Nagtataka man siya dahil napapadalas na ang tawag na ito. Noong una ay walang sagot, tapos nasundan ng puro sorry. Ano naman kaya ngayon? Sorry uli? Sorry para saan.

"H-hello po." Eto na naman ang nanginginig na boses ng tumatawag.

"Who-s - -" Click! Pinagbabaan na naman uli siya ng telepono. Sino ba ang tumatawag na ito. Nawala na naman siya sa concentration niya. Sinira na naman ng tawag na ito ang araw niya.

"Carmella!" Sigaw niya sa intercom.

"S-sir?!" Natatarantang sagot naman ni Carmella. Filipina din ito. Dating schoolmate ni Brielle sa college. Nagkita sila dito sa Los Angeles noong mga panahon na ma-e-expire na ang working visa nito at ayaw i-renew ng swapang na employer. Ayaw din bigyan ng release ito para makapag-apply ng trabaho sa iba. Mabuti na lang kakilala ng Daddy niya ang mga magulang nito at nagawan nila ng paraan. Anyway...

"Please contact the tech people. I need that caller tracked down. Who it is and where the call is coming from!" Nanggagalaiti na si Siege dahil sa mga tawag na ito. Nag-aalala siya at baka may masamang balak sa kompanya nila, sa mga magulang niya. Bigla siyang natigilan. Paano kung si Brynn pala ang pakay? Shit! Not my baby. Not my Princess. I kill anyone that would lay their fingers on my precious baby.

"Son, do you have a minute?" Biglang sulpot ng ulo ng daddy niya ikinabigla niya.

"Oh gosh, Dad. Stop doing that!" Singhal niya dito. Tumawa lang ama sa sinabi niya. Ugali na ito ng ama noon pa man, dapat ay sanay na siya.

"Doing what?" Painosenteng nitong Tanong. Napapailing na lang siya.

Simula kasi nung makausap niya ang mga magulang at makita niya ang mga newspapaer clippings ay bumalik ang lahat ng kanyang alaala. naging maayos na ang takbo ng kanyang isip. Marami nang nabubuong plano, pero ang tanong ay kelan niya aaksyunan ang mga planong yun.

"That. Whatever that is." Pasimpleng niyang sagot na may ngiting kasama. Napapailing na pumasok ang ama at diretsong umupo sa maliit na sofa sa loob ng opisina paharap sa kanya.

"That what?!" Nagiging playful na ang kanyang daddy, alam niya yun. Hindi na rin nito maiwasang maging mapaglaro. Nakakahawa naman talaga ang tatay niya, napaka-bully. Saan ka pa ba magmamana?

"Yang pabigla-bigla n'yong pagsulpot na para kayong kabute. Tapos biglang magsasalita." Natatawa niyang sagot. Tumawa na rin ng malakas ang ama niya.

"Ay siya nga pala, kelan mo pala planong umuwi ng Pilipinas?" Biglang tanong nito na nagpaangat ng kanyang paningin sa ama mula sa papeles na binabasa. Matagal niyang tinitigan ito.

"Oh? What's with the glare? Masyado ba akong gwapo anak at talagang kailangan mo akong titigan ng husto?" Nanunuksong sabi nito. Alam naman niyang alam ng ama na naghahanap na lang siya dahilan para hindi makauwi.

"Pfft. Feelingero ka rin Dad, eh no?" Pero sa totoo lang wala siyang maisip na isasagot sa ama.

Gusto niyang umuwi bakit hindi? Pero ang totoo niyan ay hindi pa siya handa, and besides may pasok pa sa eskwela si Brynn. Ayaw niyang mabigla ang anak kapag ipinasok niya ito sa bagong school sa kalagitnaan ng school year.

"Really?" Pananantiya nito. "Or are you just trying to find a way out of this conversation? You know you can't continuously avoid the inevitable. Haharapin at haharapin mo rin yan. Pinatatagal mo lang." Sapol. Natumbok ng ama ang nasa isip niya. Hindi tuloy siya nakasagot agad.

"It's not that dad. Ayoko lang na mabigla si Brynn. I plan to go back home, but not right now. There's only five months left in the school year anyway." Napataas ang kilay ni Aaron sa sinagot ng anak.

"Five months? If you haven't notice, Siegfried, you daughter attends an all year round school, which means she still have seven months of school bago ang grade promotion niya. And Even with that, she has only two weeks off!" Napataas ang boses ng ama. Napatda siya sa sinabi nito.

Nakalimutan niya ang maliit na detalyeng yun. Kung bakit naman kasi sa lahat ng makakalimutan niya ay yun pa. Kaya nga iba ang bakasyon nito kompara sa ibang schools at every three months itong mat three weeks off.

"Much better." Pambawi niya sa kapalpakan ng utak niya. "At least I could get our place ready for us and get all the documentation needed para mailipat ko siya ng school at makahanap din ng magandang school doon na malapit lang sa bahay." Sagot niya na nakatutok lang sa papeles sa harapan niya, which is wala naman doon ang atensyon niya dahil lumilipad na ito sa lugar ng kaba at takot at pag-aalinlangan.

Kaba sa pag-apak sa bansang matagal na niyang pilit na nililimot. Takot sa kanyang kahaharapin na sakit sa dulot ng kahapon at sa kung ano matutuklasan. Pag-aalinlangan na baka hindi niya kayanin... hindi kayanin ni Brynn.

"Very well, then. Good that you have considered all those." Tumayo na si Aaron. "I have a list of schools na malapit lang sa bahay n'yo, sa bahay natin at sa condo ni Brianna Marielle." Napaangat siya ng tingin sa ama nang mabanggit nito ang pangalan ni Brielle.

"Bakit pati doon?? Wala sa loob niyang tanong. Wala naman siyang balak na pumunta doon. Mas masasaktan siya kung doon sila titira. And besides, maaaring ibinenta na yun ng mga biyenan niya.

"No, just your house. I am not ready to be in our house yet, Dad." Matapat niyang tugon. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot.

"Timothy Siegfried, this are the things that you need to get used to. Hindi pupwede yang marinig mo lang ang pangalan ng asawa mo ay parang nakarinig ka na ng apocalypse." Matiim ngunit puno ng katotohanang sambit ni Aaron. Pinamulsahan niya ang anak at tumindig ito ng taas-noo.

"Armageddon has not yet to come but you act like it is. Isipin mo ang anak mo at hindi ang sarili mo. You need to be selfless for Brynn. Ipapadala ko dito sa sekretarya ko ang listahan ng eskwelahan na malapit sa bahay natin kung yan ang gusto mo, pero mas mabuti pa rin na doon mo sa bahay ninyo dalhin ang anak mo dahil nandun ang lahat ng alaala ng kanyang ina at kapatid." Tumalikod na si Aaron pagkatapos niyang magsalita. Hindi siya nito binigyan ng pagkakataon na makapagsalita.

Siege was left speechless in his office. Hindi siya nakahuma sa huling sinabi ng kanyang ama. He hates it when his father is right, pero ano nga ba ang magagawa niya? Totoo naman kasi ang sinasabi nito.

Gumagawa nga siya ng paraan para maibigay kay Brynn ang hinihingi nito pero parang nililimitahan niya ang pwedeng malaman ng anak wag lang siyang patuloy na nasasaktan. Sabi nga ng kasabihan na, Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, maraming dahilan. Makasarili, di ba? Then he came to a conclusion... Yes, I am. I am a selfish bastard and not worthy to be called Brynn's father.

Napahilot sa kanyang sentido. Sumasakit na naman ito. Nagiging madalas na nga ngayon. Bahagya pa siyang napatalon ng biglang nag-ring ang kanyang cell phone. Kinuha niya ito at sinagot.

"Hello!" Pagalit na sagot niya rito.

"H-hello po, S-sir. S-sorry po." Narinig pa niya ang impit na iyak nun at nagpatay na ng tawag. Ayan na naman. Sino ba ang babaeng yun? Tumayo siya at lumabas para kausapin ang sekretarya niya.

"Carmella, would you get all our travel documents ready. We are going back to the Philippines Call Atty. Gaines for help." Walang preno niyang sabi at nilagpasan na lang itong tumbok ang elevator. He has to nip this in the bud bago pa lumaki.

Dumiretso siya sa isang cafe sa labas lamang ng kanilang opisina. Tahimik ang coffee place na ito kahit na nasa harap ng napakaabalang kalsada. Pero ngayon parang ang tahimik.

Pumasok siya sa loob at umorder ng isang espresso na may apat na pumps ng hazelnut creamer at dalawang pump ng liquid sugar. Nagbayad na siya at naghanap na mauupuan. Pinili niya ang isang sulok kung saan hindi kaagad siya makikita ngunit kita niya ang lahat. Sandali lamang siyang naghintay ng tinawag na ang order niya.

"Espresso with four pumps of hazelnut and two pumps of sugar for Tim!" Mahabang sabi ng barista. Tumayo siya at kinuha ang order. Dahan-dahang hinihigop ang kanyang kape habang nakatingin sa labas nang bigla siyang matulala.

"Brielle?!" Nagmadali siyang tumayo at hinabol ang babaeng dumaan sa harap ng coffee shop. Tinapik niya ang balikat nito. Parang siyang binagsakan ng langit at lupa.

"Excuse me?" Sagot ng babae. Itinaas kaagad niya ang mga kamay.

"I'm sorry. I thought you're someone I knew. I'm sorry." Sabi niya tumalikod na kaagad.

Ayaw niyang tumagal pa ang pag-uusap nila ng babaeng yun dahil sa kakaibang ngiting ibinigay sa kanya, pero sigurado siyang hindi yun si Brielle kahit na may hawig ito sa asawa.

Ayaw niya sa ngiti nito parang ngiting may pagnanasa. Ang ngiti ni Brielle ay ngiting inosente. Yung ngiting hinihigop ka at hahanap-hanapin mo. Ngiting hindi nakakasawang tingnan. Ngiting hindi mo na kailangan pang huminga dahil ito na ang hihinga para sa iyo. Ngiting makakapagbibigay ng pag-asa sa lugmok na alaala.

Napangiti siya kaisipang yun. Itinuloy niya ang paghigop ng kape. He enjoyed every single second of his stay inside that coffee shop. He never had this moments anymore. Nakakamiss din pala. Eto ang madalas nilang gawin ni Brielle noon. Sa coffee shop sila nagkakilala ni Brielle. Sa coffee shop sa labas ng campus nito. Napadaan lang siya dahil naligaw siya noon at inabot ng inis at gutom sa kahahanap ng opisina ng architect na sabi ng Daddy niya.

Nag-aaral pa siya noon, fifth year niya at graduating. Simula noon ay palagi na siyang pumupunta doon, the same time everyday. He will learn to build his schedules around that girl's para makita niya ito palagi. Hindi pa niya ito kilala noon.

Kahit na hindi niya ito nakikita palagi ay pinipilit pa rin niyang tumambay doon. Nagbabakasakali na makita ito at makilala. Stalker? Oo. Halos ganun na nga. Pero okay lang basta makilala niya ang dalaga. All his waitings and stalkings paid off when she finally showed up... With someone? Napangiti siya sa alaalang yun.

Since Brielle had remembered seeing him there more than a few times, she waved at him. He took that chance at itinuro niya ang kanyang lamesa. So what kung may kasama siya? Nakita pa niyang bumulong ang kasama nito kay Brielle. Ikinalukot yun ng mukha niya. Nahalata man siya o hindi, wala siyang paki.

Noong araw na rin yun mismo niya nalaman ang buong pangalan ni Brielle. Brianna Marielle Villasis. Brianna ang tawag sa kanya ng kasama nito na later on nalaman niyang pareho ni Brielle, lalaki din pala ang hanap nito. Natawa siya na maalala yun.

Siya ang nagpangalan ng Brielle kay Brielle. Naalala pa nga niya na noong una niyang tinawag na Brielle ito ay hindi ito sumagot. Nang mapagtanto ni Briele sa siya pala ang tinatawag ay napatitig ito ng matagal sa kanya. Doon niya lang tuluyang napansin ang mapangusap ng mga mata nito. Doon niya rin napagtanto na hindi lang paghanga ang meron siya dito kundi mahal na niya ito. Simula noon ay naging mas malapit pa sila sa isa't isa.

Naipakilala siya ni Brielle sa mga kakilala sa university at mga kaibigan, ganun din sa mga magulang nito at ganun si Brielle sa mga magulang niya. His parents instantly fell in love with her. Who wouldn't?

Hindi maarte si Brielle. Simpleng-simple ngunit agaw pansin ito kahit na ano pang isuot nito. Kasundong-kasundo ito ng mommy niya. Para na ngang ipinagpalit siya nito kay Brielle bilang anak. That's when he knew, she's the girl for him to keep and love for the rest of his life.

Nalungkot siya. He misses her so much. Pero may napansin siya this time. Hindi siya umiyak ng maalala niya si Brielle. Hindi man lang siya nasaktan. The truth is, nakaramdam ng tuwa ang puso niya. Nakaramdam siya ng luwag. Is it even possible to get over the pain that fast? No. Happy moments kasi ang iniisip niya kaya naging masaya siya. May konting kirot, pero masaya.

Nagulat siya nang muling nag-ring ang kanyang cellphone. At dahil mahigit isang oras na rin siyang wala sa opisina ay baka tumatawag na ang kanyang sekretarya. May meeting pa naman siya, tumingin muna siya sa relo, 20 minutes. Sinagot niya ang kanyang phone ng hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello?" Sagot niya. Maganda ang mood niya ngayon kaya maganda rin ang pagkakasagot niya.

"Hi, may I please speak to Ms. Sebastian?" Natulala si Siege. That voice. He knows that voice.

"Brielle?!"












--------------------
End of SYBG 6: Memories

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖~ Ms J ~💖
01.11.18

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro