SYBG 51
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"Love Conquers All"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
-
"BRIANNA Marielle!" Sigaw ni Amanda.
"Po." Napatuwid ng upo si Brielle at mabilis na sumagot. Para siyang batang nahuli ng teacher na nangongopya sa katabi.
"Ano yang binubungisngis mo diyan habang kaming lahat dito ay nagkakandatulo na ang sipon sa pag-iyak tapos kayong dalawa diyan ay naghaharutan?" Mataray na sita ni Amanda sa anak. Namumula ang mga pisngi ni Brielle. Pilit na pinipigil ni Siege ang kanyang pagtawa. Siniko ni Brielle si Siege kaya napaigik ito at bumunghalit ng tawa.
"Sorry, Ma. Si Siege po kasi ang harot eh. Sorry po." Pinaningkitan siya ni Siege.
"Throwing me under the bus huh, Mrs. Scott?" Pasimpleng bulong ni Siege na nagpatayo ng balahibo niya. Napailing na lang ang ina.
"Umayos nga kayong dalawa! Mamaya na yan pag-uwi n'yo!" Napapailnig na lang si Amanda. "Napakahaharot ninyo! Walang pinipiling oras at araw!" Nanggigigil na saad ni Amanda. Natawa ang pareho nilang amma pati na rin sila Virgil, Dean at Luis. Isang kurot na nagmula kay Brielle ang nagpawala ng ngiti ni Siege.
"Sorry, Ma." Nag-peace na rin si Siege sa biyenan niya.
"Umayos kayong dalawa diyan dahil inaayos natin itong problema ng pamilya dito at wag ninyong isipin na hindi kayo kasali dahil the truth of the matter is, kayo ang susunod." May pagbabantang sabi ni Amanda sa anak at sa manugang. Napayuko na lang silang dalawa.
It is nice to have the family's attention but not this kind. Umiiling si Brielle na may nakamamatay na tingin. Sa nakikita niya kailangan niyang tumino, buntis pa man din ito.
"Yes, Ma." Magalang na sagot ni Siege sa biyenan at tumuwid ng upo.
"Anyway. Nasaan na tayo before we were rudely interrupted ng kaharutan ng dalawang ito." Sabay lingon sa kanilang dalawang kaya napayuko na lang sila.
Nakurot tuloy ni Brielle sa Siege sa tagiliran. Napaigik siya. Mabuti na lang at hindi yun napansin ng Mama Amanda niya.
"Anyway, Ella. Alam namin ang sakit na pinagdadaanan mo. Alam namin na mahal mo ang Tatay Rico mo, pero hindi naman siguro tama na pagbuntunan mo ng galit ang mga taong gusto kang mahalin at tratuhing pamilya. Elle, please tell us what really is bothering you?" Malumanay na sabi ni Amanda. Napasinghot si Ella. Bumunot eto na malalim na buntong-hininga. Alumpihit. Nag-iisip.
Pinulot ni Siege ang tissue sa harap niya at binilot ito at ibinato kay Dean na nag-e_emote na parang babae. Napatingin ito kay Siege. Sinenyasan niya si Dean para aluin si Ella o di kaya ay ipaalam dito na okay lang ang lahat. Na wag matakot. Tumango lang ito at dinaluhan si Ella. Ganyan sila, tinginan lang, pero isang nobela na ang natapos.
"Elle, please don't be too negative. You are only hurting yourself. Nandito lang ako kahit na hindi mo na ako bati after nito, okay lang. Just let it out. Para kay Nanay at kay Erica and especially for yourself. Tatay Rico will not be happy kung nakikita ka niyang ganyan." Mahabang saad ni Dean pero puno ng pag-aalala at pagmamahal. Napangiti si Siege at Brielle dahil nakuha ni Dean ang gusto nilang mangyari.
"Hindi ko alam, Dean. Ang hirap kasi. Parang dahil kasi sa akin kaya napilitan si Tatay na mag-double shift sa pagde-deliver kahit masama ang pakiramdam niya. Nagamit para sa exam ko yung dapat sana ay ibabayad kay Donya Miranda. Nagagalit ako kasi kung hindi dahil sa akin ay maaaring buhay pa si Tatay ngayon. Nang dahil sa akin napilitang mangutang si Tatay sa kanya. Nagagalit ako kasi mas pinili kong mag-private school kesa mag-public school na lang katulad ni Erica. Nagagalit ako kasi akala ko ay napatawad ko na ang sarili ko, yun pala hindi pa lalong-lalo nang mapalibutan ako ng mga taong patuloy na nagpapaalala sa akin kung paanong namatay si Tatay. Hindi ako nakakatulog sa gabi sa kaiisip na sa dinami-dami ng magiging boss ko, kayo pa. Nagalit ako kasi nakikita kong masaya si Erica, yun bang parang hindi siya apektado sa pagkamatay ni Tatay. Nakakainis kasi nakukuha pa niyang maging okay na nakapalibot sa kanya ang mga taong nagpapaalala kung paano namatay at sino ang pumatay sa Tatay. Pero ako? Heto ako, hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap." Tuluyan ng napahagulgol si Ella. Tatayo na sana si Erica para lapitan ang Ate niya ngunit pinigilan siya ni Nanay Carmen.
"Hayaan mong ilabas niya ang lahat." Seryoso ngunit simpleng utos ni Nanay Carmen sa anak.
Bumalik sa pagkakaupo si Erica, yumuko na lamang. Hindi niya kayang nakikitang nahihirapan ang kanyang Ate pero tama naman ang kanilang Nanay.
Naaawa siya't nasasaktan dahil isa rin siya sa may kasalanan kung bakit sinisisi ng kanyang Ate Ella ang sarili. Biglang nanlaki ang kanyang mata.
"Ate, ibig mong sabihin, hanggang ngayon iniisip mo pa rin yung sinabi ko sa iyo nung mga bata pa tayo?" Mabilis na napatingin si Carmen kay Erica tapos kay Ella.
Nakatitig si Erica kay Ella na puno ng pagsisisi at lungkot ang mga mata habang si Ella naman ay nakayuko pa rin at patuloy sa pag-iyak ngunit mas malakas na ngayon. Nabahala si Dean at mas lalong inilapit ang upuan sa tabi ng dalaga.
"Ano ang ibig mong sabihin, Erica?" Matabang, malamig at himig galit na tanong ni Nanay Carmen. Mabilis na napatingin si Ella sa Nanay niya.
"Nay, wag na po dito. Nakakahiya naman po sa kanila Tito at Tita." Mahina niyang turan.
Sa lahat ng ayaw ni Ella ay iyong nakakagalitan ng Nanay nila si Erica sa harap ng ibang tao. Mas mabuting sa bahay na lang nila pag-usapan kung ano man yung sinasabi ni Erica. Ang totoo? Alam naman niya ang sasabihin ng kapatid.
"Anong huwag dito? Bakit? Ano ba kami? Hindi ba kayo bahagi ng pamilyang ito o ayaw mo kaming maging bahagi ng pamilya n'yo?" Mabilis na sabat ni Margaret, galit, nagtatampo.
"Oo nga, Ella. Pamilya mo na kami, kung ano ang problema n'yo, problema na rin namin." Sabat din ni Amanda.
Naalerto ng bahagya si Siege at Brielle. May dapat pa ba silang malaman? May pasabog na naman ba? Dios mio! Hindi pa ba tapos ang mga problema?
"Hindi naman po sa ganun. Matagal na po kasi yun. Hindi na po importante." Mahinag sagot ni Ella.
"Anong hindi importante? Ate, hindi ka magkakaganyan kung hindi yun importante." Umiiyak na sagot ni Erica. Sasabat na sana si Carmen ngunit pinigil siya ni Amanda.
"I think you need just let them get it out of them. Makakaganda ito para sa kanilang dalawa. Mukhang personal ang issue ng dalawa, nadamay lang ang lahat." Bulong ni Amanda sa ginang. Tumango na lang ito.
Nalulungkot man si Carmen ay pumayag na rin. Gusto niya rin naman kasing malaman kung saan naggagaling ang takot, galit, sama ng loob, pag-aalinglangan o ano pa man ang tawag doon ni Ella.
"Hindi na mahalaga yun. Nakita ko namang nakapag-move on ka na sa pagkamatay ni Tatay. I am happy for you. Pasensya ka na kung dahil sa akin nawalan ka ng Tatay. Hindi ko naman sinasadya. Erica, I'm sorry kung dahil sa akin namatay si Tatay." Humagulgol na ito ng todo.
Sumabog na ang iba pang sakit na nararamdaman ni Ella ng dahil sa wakas mailalabas na niya ang laman ng puso. Matagal niyang kinimkim ang galit at sama ng loob na yun dahil totoo naman ang sinabi ni Erica, siya ang may sala.
"Ate Joy," Panimula ni Erica. Ito ang tawag niyo sa kapatid noong mga bata pa sila bago namatay ang ama ay nagkahiwalay sila. "I am so sorry. Hindi ko sinasadya. Bata pa ako noon. Hindi ko pa naiintindihan ang lahat. Ate, please naman, kalimutan mo na yung sinabi ko noon. Pinagsisihan ko na yun nung mismong araw na sinabi ko yun. Humingi na ako ng tawad kay Tatay dahil alam kong hindi matutuwa si Tatay dahil inaway kita. Alam kong magagalit si Tatay sa akin kasi pinaiyak kita. Ate Joy, please, sorry na." Lumapit siya at lumuhod sa harap ni Ella. Tuluyan ng bumuhos ang luha nito dahil sa sakit na ginawa siya sa kapatid.
All these years, akala niya dahil okay na silang nag-uusap ay nakalimutan na ng kapatid ang isip-batang pagtataboy at paninisi niya dito noon ay maayos na ang isip at puso nito. Nagkamali pala siya. Sana kinausap na lang niya kaagad ang kapatid para matagal na silang nagkalinawan.
Tama nga ang sabi nila... It's not good to assume things, whether it is bad or good. Hindi niya akalain na hanggang ngayon ay nasasaktan si Ella dahil sa iresponsable niyang sinabi. Siguro ay hindi rin masaya ang Tatay niya sa kanya.
"Erica! Ano ang sinabi mo sa Ate mo noon?!" Hindi na natiis ni Carmen ang hindi magsalita kahit na ano pang pigil ang gawin ni Amanda dito.
"May sinabi ako kay Ate Ella noon na hindi maganda at hindi rin ako proud." Diretsong sabi ni Erica. Hindi siya nagsinungaling. Walang dahilan para magsinungaling.
Hindi niya sinabi ang dahilan ng kanyang pagpalahaw bago dinala sa simbahan ang Tatay Rico nila para sa huling hantungan nito simula pa nung huling gabing ng lamay ng tatay niya.
"Ate Joy, kelan ang balik mo ng Japan?" Tanong ng batang si Erica sa kanyang Ate Ella.
"Mga one week pa after na ilibing si Tatay. Bakit?" Tanong ni Ella sabay haplos ng kamay nito sa itim na itim na buhok ni Erica.
"Pwede ba Teh, pag-alis n'yo ng papa mo, wag ka nang babalik dito? Dahil sa iyo namatay ang tatay ko." Turan ni Erica, seryoso, galit.
Naiwang nakatanga si Ella sa maliit na hagdan ng kanilang bahay. Tumulo na lamang ang luha. Hindi niya inaasahan na siya pala ang sisisihin ng nakababatang kapatid sa pagkamatay ng amain.
"Tay, sorry po. Hindi ko po sadya." Tahimik na umiyak si Ella habang tahimik na nakamasid sa nakahimlay na amain.
Huling gabi ng lamay nito at bukas ng umaga ay dadalhin na ang Tatay nila sa simbahan para sa misa at ihahatid ito sa huling hantungan pagkatapos.
Ang plano ni Ella na sa kinasunurang linggo pa babalik ng Japan ay napaaga. Aalis ang mag-amang Ella at Keito sa makalawa. Sinabi ni Ella sa amang hapon ang sandaling usapan nila ni Erica. Nalungkot naman si Keito sa anak. Maging ito ay sinisisi rin ang sarili.
Kung hindi ito naging pabayang kasintahan kay Carmen noon, eh di sana sa kanya pa rin ito at hindi nag-asawa ng iba. Naging mapusok at taksil siya, gayun pa man ay pinalaki pa rin ni Carmen si Ella ng mabuti at mapagmahal. Pero wala eh, huli na.
Ang tanging magagawa na lamang ni Keito ay tulungang makatapos sa pag-aaral si Erica bilang pasasalamat sa ginawang sakripisyo at pagmamahal ni Fedirico sa anak at sa minamahal na dating kasintahan.
"Nay, pagkatapos ng libing ni Tatay, babalik na kami ni Papa sa Japan." Nagulat si Carmen sa sinabi ni Ella. Bahagyang lumayo si Erica at napansin yun ni Ella.
Nasasaktan siya kasi masyado silang malapit sa isa't isa tapos ngayon biglang parang ang layo ni Erica sa kanya. Gusto niyang sabihin sa Nanay nila ang totoong dahilan ngunit ayaw na niyang dagdagan pa dalahin ng ina. Tama nang nalulungkot ang nanay niya sa pagkawala ng tatay nila. And besides, bata pa si Erica kaya niya nasabi yun.
"Akala ko ba sa isang linggo pa kayo babalik ng Japan ni Keito?" Naguguluhan tanong ni Carmen sa anak.
"Oo nga po sana, kaya lang kailangan na kasing bumalik ni Papa, may emergency business meeting daw po." Pagsisinungaling niya pero ang totoo, nasaktan siya sa pagtataboy ni Erica sa kanya.
"Ganun ba?" Nalilitong sambit ni Carmen.
Nalulungkot man na aalis kaagad siya, pero hindi siya pinigil ng ina. Pwede naman sana bakit hindi? Ikinatuwa na lang niya hindi na nagpilit na maglagi pa siya.
Isa sa rason ni Keito ay pwede naman niyang iiwan si Ella kaya lang ay ayaw nitong mag-isang bibyahe pabalik ng Japan ang anak kaya tumango na lamang si Aling Carmen at hinalikan ang anak sa bumbunan.
"Nay, doon na muna ako." Tinuro niya ang pwestong malapit sa kabaong ni Fedirico. Nakatayo rin si Erica sa hindi kalayuan nito. Tumango ang ina at binaling na ang atensyon sa mga nakikipaglamay.
Lumipat si Ella malapit kay Erica. Lumingon ito sa kanya na blangko ang ekspresyon ng mukha nito.
"Erica, tutulungan mo palagi si Nanay dito ha. Tandaan mo, mahal ka ng Ate Joy." Malambing niyang bilin sa kapatid. Lumingon ito sa kanya para lang batuhin siya ng matalim na tingin.
"Anong akala mo sa akin tanga? Hindi ako katulad mo na nang-iiwan. Nagpapa-sweet ka lang kasi alam mong tinanggalan mo ako ng Tatay. Nang dahil sa 'yo namatay si Tatay." Malamig na sabi ng katorse anyos na si Erica kay Ella.
Napatda si Ella at nakaramdam ng sobrang sakit sa kanyang puso. Para siyang sinaksak ng ilang beses sa puso. Para bang tinatadtad ng pinung-pino ito.
Mabilis na umalis si Ella para pumunta sa likod ng bahay at doon ibinuhos ang lahat ng sakit.
Nakita ni Erica ang lahat ng iyon. Nasaktan siya dahil nasaktan niya ang kanyang Ate Joy sa kanyang mga sinabi. Galit lang naman siya sa kung sino ang gumawa nun sa Tatay niya, pero hindi ibig sabihin ay galit siya sa kanyang Ate pero huli na, hindi na niya mabawi pa ang mga sinabi.
"Tay, I'm sorry po. Hindi ko sinasadyang saktan si Ate Joy. Alam kong sinabi mo sa akin na mahalin ko si Ate kasi kulang siya ng magulang, pero 'Tay ako naman ngayon ang kulang sa magulang. Patawad po, Tay." Nagpatuloy na lang siya pag-iyak.
"Bakit mo ginawa yun Erica?! Bakit?!" Napataas ang boses ni Nanay Carmen.
"Nay, wag n'yong sisihin si Erica. Katorse pa lang po siya nun kaya naiintindihan ko naman po kung bakit niya nasabi yun, Nay." Mabilis na salo ni Ella para hindi masigawan ang kapatid.
"Wag sisihin? Wag intindihin?" Baling ni Carmen kay Ella. "Naiintindihan mo ba talaga ang sinasabi mo, Carmella Joy? Naiintindihan mo bang talaga, ha? Tingnan mo nga ang sarili mo. Arukin mo diyan sa utak mo kung talagang naiintindihan mo!" Kitang-kita sa mga mata ni Aling Carmen ang matinding galit sa dalawang anak.
"Ilang taon na ba ang nakaraan, Ella?! Pero heto ka ngayon, galit ka sa mundo. Galit ka sa mga taong nakapaligid sa iyo, bakit?! Kasi nakasaksak pa rin diyan sa isip mo na kasalanan mo ang lahat dahil lang sinabi nitong siraulo mong kapatid! Ano ba kayong dalawa?! Patay na si Fedirico! Sa palagay mo ba Ella matutuwa ang Tatay mo na sinisisi mo ang sarili at ikaw naman Erica?! Alam kong katorse ka pa lang noon, pero hindi mo man lang ba naisip na masama ang ginawa mo?! Ang sarap n'yong balatan ng buhay!" Napalakas ang boses ni Aling Carmen. Napuno na siya sa kalokohan ng mga siraulong anak.
Sa tinagal-tagal ng panahon, parang Pandora's box na nakapinid ang damdamin. Ito pala ang dahilan ng iringan ng mga anak? Yung pala ang ibig sabihin ng mga pasaring ni Ella sa kapatid? Ngayong nabuksan na, mas lalong nagliwanag ang lahat kay Carmen.
"Nay, inihingi ko na ng patawad kay Tatay ang nasabi ko kay Ate nung araw din na yun. At alam kong pinatawad na ako ni Tatay." Umiiyak na pahayag ni Erica.
"Sa Tatay mo, oo. Eh sa Ate mo?! Kinausap mo na ba siya tungkol diyan?!" Tanong ni Carmen na galit na galit. Kita mo sa mga mata ni Carmen na hindi makapaniwala sa asal ng dalawang anak. Mga matatalino pero hindi ginagamit ang utak.
Hindi nakaimik si Erica dahil tama ang Nanay niya. Hindi nga niya kinausap ang kapatid kahit kailan. Hindi siya nagpaliwanag at hindi rin humingi ng tawad dito.
"Yan pala ang mga pinagkakaabalahan ng utak n'yo kaya hindi kayo nagkaroon ng pagkakataon na pagtuunan ng pansin ang mga magandang nangyari at nangyayari sa harapan n'yo! Na-stuck na lang ang mga utak n'yo sa katangahang kayong dalawa rin lang may gawa! Tapos ipapahid n'yo sa inyong paligid ang pagkakamali n'yo? Ano ang pinakaiba n'yo kay Donya Miranda?!" Tahimik ang lahat. Maging ang pamilya Villasis at Scott ay walang kibo.
"Umusad ka na Carmela Joy! Tapos na ang lahat, kalimutan mo na pait at umahon ka na! Pagtuunan mo ng pansin ang kinabukasang naghihintay sa iyo!" Nanliliit si Ella sa mga sinabi ng ina.
"Ikaw naman Erica, hinahayaan kitang ipahayag mo yang isip mo pero hindi ibig sabihin na lahat na lang ng dumaan diyan sa utak mo ay kailangang ilabas ng bibig mo. May mga bagay na dapat mong isaalang-alang katulad ng damdamin ng ibang tao dahil kung hindi, ikaw ang magiging dahilan ng pagiging miserable nila." Hindi maikakaila ang panggigigil ni Aling Carmen sa pag-aasal-bata ng dalawang sira ang tuktok ng mga anak.
"Sorry po, Nay." Sabay na sambit ni Ella at Erica.
"Mga tanga!" Nanggigigil pa rin niyang singhal sa dalawa habang nakahalukipkip. "Sa kanila kayo humingi ng patawad, lalong-lalo na kay Dean at Virgil. Ano ba ang ginawa ng dalawang yan sa inyo? Ikaw Ella? Wala na akong pakialam kung mapahiya ka, ayusin mo yang pakikitungo mo kay Dean dahil hindi ka na makakakita ng katulad niyang nagtiyaga diyan sa bipolar mong utak. Ikaw, Erica? Kung gusto mong maging seryoso sa iyo si Virgil, sumeryoso ka rin. Hindi ka na bata. Pareho na kayong hindi mga bata. Malapit na nga kayong makagawa ng bata pero ang takbo ng isip ninyo — ay ewan ko sa inyo! Natutuyo ang dugo ko sa inyong dalawa! Si Miranda ang pinag-uusapan dito tapos kayo pala ang may issue na wala namang kinalaman sa kanya." Litanya ni Aling Carmen. Naiinis sa kinalabasan ng miting ng pamilya ng mga kasama.
"Nay, wag po kayong mag-alala, kasama po silang dalawa sa miting na ito dahil mga po diyan sa issue nila." Malumanay na sambot ni Siege. Natatakot din siyang mabulyawan ni Nanay Carmen.
"Ganito na lang. Ella, Erica, mag-usap kayong magkapatid. Ilabas n'yo ang lahat ng hang ups n'yo. Dean, Virgil, samahan n'yo yang dalawang yan. Doon kayo sa gazebo. At tayo naman ay kailangan ng magpag-usapan itong kasal na ito and I expect everyone to get out of their misery before this night is over." Mando ni Amanda na sinang-ayunan nila David, Siege at Aaron.
"Carmen, maiba tayo ng usapan." Baling ni Aaron kay Carmen. "Di ba magkapatid kayo ni Emilia? Totoo ba?" Humugot ng buntong hininga si Aling Carmen at tumango.
"Matagal na pala niya kaming hinahanap. Ang sabi ng anak ni Nana Bening, nagkita pala sila ni Mamang noong pumunta sila dito sa Manila. Pinuntahan pa daw ni Nana si Mamang sa Malinta. Pinilit daw niya na magpakita ang Mamang sa Papang lalo na at patay na pala ang Lola, wala na daw hahamak kay Mamang. Ayaw na daw ni Mamang kasi nahihiya na itong magpakita sa Papang dahil sa tagal niyang nagtago. Natakot na rin ang Mamang dahil baka hindi ako tanggapin ni Papang. Malakas kasi ang naging usap-usapan sa Hacienda Joaquin noon, gawa na rin daw ni Lola, na sumama si Mamang sa lalaking totoong nakabuntis sa kanya." Panatag na kwento ni Carmen sa lahat.
Hanga sila sa tatag ng kaharap na ginang. Hinarap ang buhay na kulang sa lahat ng bagay pero naitaguyod ang mga ang sarili at mga anak kahit mahirap, at kung anu-ano pa ang ibang dinanas.
"Nay, okay na po ba kayo ni Lolo Fausto?" Tanong ni Siege.
"Kilala mo ang talaga sila, Hon?" Tanong ni Brielle sa asawa.
"Oo naman. Once in a while during summer time, pumupunta kami noon sa Bagiuo. Sila Lolo, Tita Emz at Tito Red ang kasama namin palagi. Si Nana Bening? Naabutan pa namin yun. Maalaga yun." Kwento ni Siege. Napapatunganga na naman si Brielle nagsasalitang asawa. "Nay Carmen, mang-uusisa lang po sana ako..." Hindi naituloy ni Siege ang sasabihin dahi linanatala na ito ni Margaret.
"Mamaya na yang pagiging tsismoso mo, Timothy. Eto na kami, gusto mo ng usapan di ba, sige na ano ang gusto mong malaman." Saad ng ina. Napatingin si Siege sa Papa niya.
"Okay na ba kayo ni Papa? Wala na ba yung cold shoulder treatment mo sa kanya?" Napaarko ang isang kilay ni Margaret sa sinabi ni Siege.
"Anong cold shoulder treatment ang sinasabi mo?" Tanong nito.
"Ma, yung hindi n'yo po pagkausap kay Papa." Singit naman ni Quinn na ngayon ay nakahilig na sa balikat ni Luis.
"Hindi naman cold shoulder yun, marami lang akong iniisip kaya siguro ganun. Aaron, I'm sorry for being so out of it lately. Please don't think that I am mad at you... well, in a way I am, but not enough to treat you the way you thought I did." Paliwanag ni Margaret na sa asawa nakaharap Hindi na lang kumibo si Aaron at kinabig na lamang ang asawa at hinalikan ito sa noo. Kinilig naman si Amanda.
"Eeeeiiiiii!!" Tili nito, sabay hampas sa braso ni David.
"Aray ko! Eto na nga ba ang sinasabi ko, eh. Ako ang malalamog nito sa iyo eh." Reklamo ni David. "Brielle, magpalit nga tayo dito at least ikaw bata-bata pa, matanda na ako para dito sa mala-teenager na kilig ng Mama mo." Dugtong ni David.
"Pa, hindi pwede!" Mabilis na sabat ni Siege na halos pasigaw, puno ng pag-aalala.
"At bakit hindi pwede?" Nakataas ang kilay na tanong ni David.
"Timothy Siegfried! Where are your manners for talking to your father in law that way?!" Galit na singhal ni Margaret sa anak.
"Don't say anything yet." Paalalang bulong ni Brielle.
"Umm... nothing, Pa." Napapakamot na lang siya ng kanyang batok dahil kanina pa kating-kati siyang sabihin sa pamilya ang balita. "Sorry po, Papa." Dugtong na lang niyang namumula ang pisngi. Napabungisngis naman itong si Brielle dahil sa nakikitang pamumula ng mukha at tenga nito na halatang sobra ang pagpipigil sa sariling wag magsalita.
"Ano ba ang nangyayari sa inyong dalawa at kanina pa kayo parang hindi nakikinig sa mga nangyayari dito?" Tanong ni Nanay Carmen. Sasagot na sana si Siege na biglang paglapit nila Virgil, Dean, Erica at Ella. Tapos na siguro nilang harapin ang problema nila.
"Nay..." Malumanay na tawag ni Ella kay Aling Carmen. "Sorry po, Nay." Pag-ulit niyang muli, umiiyak.
"Ayos na ba kayong dalawa?" Malambing at puno ng pagmamahal na tanong ni Carmen sa panganay. Tumango naman ito, lumuhod at umakap sa kanya.
"Nay, pasensiya na po kayo. Hayaan n'yo po, mula ngayon ay pag-iingatan ko na po ang magsalita ng hindi maganda. Pipiliin ko na rin ang mga sitwasyong paggagamitan ng katarayan ko." Umakap na rin si Erica sa ina. Nakangiti ang mga-aaswang Scott at Villasis.
"Nay, kung okay lang po sa inyo. Kukunin ko na rin po ang pagkakataon na ito para hingin po ang kamay ni Ella." Nabigla silang lahat sa sinabi ni Dean.
"Uy teka, sandali! Nagmi-meeting lang tayo dito para maplantsa ang mga gusot. Ano ito? Pamanhikan na?" Awat ni Siege. Napamulagat ang lahat sa sinabi ni Dean.
"Dean..." Si Ella. For some reason, she can't get other words out of her mouth. She was somewhat stunned.
"Magnobyo ba kayo nitong si Dean, Ella?" Malumanay na tanong ni Aling Carmen sa anak. Nahihiyang tumango si Ella. "Kelan pa?" Dugtong niya.
"May Isang buwan na po." Sagot ni Dean.
"ISANG BUWAN?!" Sabay na sigaw ni Margaret at Amanda.
"Mom! Kalma lang. Walang sunog." Natatawang saway ni Siege sa ina.
"Heh! Manahimik ka!" Singhal ni Margaret sa kanya.
"Kayong dalawa," Turo ni Amanda kay Dean at Ella. "Sigurado ba kayo diyan sa paghingi-hingi ng kamay na yan? Baka nabibigla lang kayo. Hindi pa kayo gaanong magkakilala. Isang buwan pa lang kayo kamong magnobyo tapos ngayon kasal na kaagad?" Mahabang litanya ni Amanda.
"Alam na ba ito nila Matt at Flor?" Tanong ni Aaron. Tumango si Dean.
"Opo. Sinabi ko na po kay Daddy, medyo alanganin pa siya nung una dahil nga kilala ako ni Dad. Ayaw niyang papasok ako sa relasyon na ganito kaseryoso kung hindi ako sigurado dahil hindi raw ito katulad ng video games na ginagawa ko. Pero ipinaliwanag ko naman po sa kanila kung ano po talaga ang nararamdaman ko para kay Ella. Gusto ko lang pong ipaalam sa kanya na handa ako kahit kelan niya gustuhin magpakasal." Paliwanag ni Dean. Natulala ang mag-asawang Villasis at Scott.
"Tinamaan ka, bro?" Mapanuksong tanong ni Siege na parang engot na nakatunghay sa kaibigan, nakangisi, iiling-iling.
"Gago, Bro. Walang ganyanan. I supported you with Brielle before, the least you could do is do the same for me." Matulis pa sa dulo ng karayom ang nguso ni Dean dahil sa pagmamaktol kuno nito sa kaibigan.
"Huy, umayos ka. Hindi ka na kindergarten, bro. Paki bawas-bawasan yang tulis ng nguso mo." Susog ni Virgil sa kaibigan.
"Naku nagsalita! Eh ikaw nga itong hindi mapuknat-puknat diyan sa tadyang ng asawa mo na parang ilang sandali na lang magpapalitan na kayo ng mukha!" Singhal ni Margaret sa anak.
"Alam n'yo, I've seen this scene before. David, naaalala mo noon, masyadong clingy itong si Siegfried." Nakataas ang kilay ni Amanda habang nagsasalita ngunit nakatitig ng matiim sa kanilang dalawa ni Brielle.
"You know what, I can see that." Maikling tugon ni David, sang-ayon sa balae.
"What are you talking about Dad? I am always clingy with my wife, even before. So, what's new?" Nakangisi niyang tanong at humilig pa sa balikat ni Brielle. Ngumiti lang naman ito sa ginawa niya.
"Lolo Gramps, my Daddy is always on our Mommy's butt. Me and Princess can't even have time with her coz Daddy is always hugging her." Sumingit ang bagong sulpot na si Ethan.
"Yeah, Lolos and Lolas. He is such a big baby. Kuya Knight, what was that word again?" Baling ni Brynn sa kapatid.
"You mean, lambing?" Tanong naman ni Ethan. Tumango si Brynn.
"Yes, that word." Masiglang sagot ni Brynn. "We can not make lambing to Mommy because Daddy over here..." Tinuturo ni Brynn ng kanyang hinlalaki si Siege. "Is hugging up all Mommy's time. And he is always kissing her and burying his face on Mommy's neck. Ewww! Gross!" Nakangiwi ang mukhang sambit ni Brynn. Nagtawanan silang lahat.
"I know you are clingy towards her but you are extra clingy ngayon." Tumigil muna sa pagsasalita si Aaron at napaisip. "Okay. I get it now." Nakikinig lang ang lahat na may ngiti sa mga labi. Nawala na yata ang tension at awkwardness. Mukha na kasing relax ang lahat.
"What did you get from all this, Aaron?" Tanong naman ni Amanda sa balae.
"Remember that dinner we had a few months before Brianna's graduation? He was super clingy, I mean very, very super clingy, like there's no tomorrow. Halos ayaw niyang bumitaw kay Brianna. Parang tuko... no. Parang linta siya kung makakapit?" Pilit na pinagbabalik-tanaw ni Aaron ang asawa at ang mga balae.
"Oh yeah, yeah, yeah. Naalala ko yan. Oh great! That was the night they told us she's pregnant. And for a while pare-pareho pa tayong napaisip kong paano nilang nagawa yun na palagi naman nila tayong kasama." Nagtawanan ang mga babalae.
"Oh my God! You mean you are pregnant now?" Biglang sabat ni Quinn. Napatingin silang lahat sa kanya tapos balik kay Brielle at Siege.
"Quinn, where did you get that notion. Baka nga naman clingy lang si Tim kay Brianna dahil eight years silang hindi nagkitang mag-asawa. Bumabawi lang kumbaga." Sabat naman ni Luis na ngingiti-ngiti.
"Tse! Tumahimik ka! Ganyan ka rin naman noon di ba? Nung malaman mong buntis ako halos hindi na kita mapuknat sa tabi ko. Nakakaasiwa kasi masyadong kang... what was the word?" Pabiro siyang nag-isip.
"CLINGY!" Nagulat sila dahil sa sigaw ng dalawang bata. Kinalong ni Siege si Ethan at kinalong naman si Brielle si Brynn. Kinuha ni Luis si Viper mula kay Yanna.
"That's right, twins. Clingy was the word." Natatawang sang-ayon ni Quinn sa sinagot ng kambal na akala mo ay nakakaintindi talaga ng tagalog. "You'll get five stars each from Tita Quinn on Monday." Natatawa niyang sabi. Pumalakpak naman ang kambal dahil may stars uli sila sa Lunes kahit wala pang ginagawa.
"So???" Sabay-sabay na sambit ng mga magulang nila.
Nakangiti at excited na naghihintay ang pamilya nila. Nagtinginan muna sila bago nakapagsalita si Brielle. Sumasalamin ang magkaparehong pagmamahal sa isa't isa kung hindi ay mas higit pa. Pero bago pa magsalita ay kinabig ni Siege si Brielle at siniil ng malalim na halik sa harap mismo ng pamilya nila.
"Yown oh!" Sigaw ni Dean.
"Ikaw na, Bayaw!" Sigaw naman ni Virgil. Nagtawanan silang lahat. Namula naman ang pisngi ni Brielle.
"Yan diyan ka magaling! Sa harot!" Singhal ni Margaret sa anak na mas lalong nagpalakas ng tawanan nilang lahat. Pati ang kambal at si Vyper na hindi maintindihan kung ano ang pinagtatawanan ng mga nakakatanda ay nakitawa na rin.
"So, ano na?" Singhal ni Amanda ng hindi na nakatiis ng suspense at excitement tapos hinahaluan pa na kabulastugan nitong si Siege.
"I am eight and a half weeks pregnant po." Sagot ni Brielle na pinamumulahan ng mukha. Nagkatinginan ang lahat. May sumilay na ngiti sa labi ng mga ito.
"YEY!" Nagulat sila sa biglang sigaw ng kambal.
"I am going to be a big sister!" Natutuwang sigaw ni Brynn.
"Yes you are, but you are not going to send the baby back to the hospital if you don't get what you want, right?" Pasupladong tanong ni Ethan.
"Kuya Knight, that was before. I understand it now. Like Tita Quinn said, babies are blessing and God have a plan and reason why I didn't get what I want." Mahabang pahayag ni Brynn. Kumislap ang mga mata ni Ethan dahil sa sinabi ng kapatid.
"You'll be more accepting if Mommy and Daddy have a boy?" Tanong nito kay Ethan kay Brynn. Nakikinig lang ang mga magulang at apuhan sa kanilang dalawa.
"Yes, Kuya. I am okay with it now. At least I will be the only girl in the family and I will have the two of you for myself." Salaysay ni Brynn na ikinalaki ng mata ni Ethan.
Para itong nahindik sa narinig mula sa kapatid. Tumingin ito sa Daddy niyang nakangiti lang sa kanya na mas lalong nagbigay kaba sa munting puso ni Ethan. Hinarap ni Ethan ang ina.
"Mommy. Please, please, please tell me that you are not going to have a boy? Please, pleeeaaasssee!" Nakasugpong pa ang dalawang kamay nito harapan ng ina. Bahagyang nagulat si Brielle ngunit hindi ipinahalata sa anak. Nagtawanan uli ang lahat. Ang cute naman kasing tingnan itong isang ito at labas pa talaga ang napakalalim na dimples.
"Okay. We'll see what are we going to have but not today." Natatawang sabi ni Brielle. "But why though?" Dugtong niyang tanong. Na-curious tuloy siya ngayon kung ano ang gustong ipahiwatig ng anak.
"Mommy, I know girls can be too much, but I am okay with it. I don't mind being ganged up by my sisters just as long as she won't be a brat growing up. If Brynn will have a sister to play with, she may leave me alone once in a while." Tuloy-tuloy at seryosong pahayag ng batang si Ethan. Natawa sila dahil nakakunot ang noo at nakanguso na si Brynn sa tinuran ng kambal.
"You are not nice, Kuya Knight." Tugon naman nito na naka-irap kaagad.
"No, I am not. I was just stating the fact, Princess. At least you have someone to play with whenever I need to read my books, that's all." Mabilis na paliwanag ni Ethan.
Ito naman kasi talaga ang problema nito. Hindi na siya nakakatapos magbasa ng kanyang mga libro dahil palaging gusto ni Brynn na naglalaro sila. Hindi niya masabihan ito dahil ayaw niyang nakikitang nalulungkot ang kapatid.
Kung magkakaroon nga naman ng ibang babae sa bahay nila ay may makakalaro na ang kapatid at hindi na siya guguluhin. he can still plsy with them but he will also have more time reading his favorite books.
"Are you sure that's it? You still love me, right?" Nakangusong usisa ni Brynn kay Ethan.
"Yes, Princess. I will always love you. You are my first princess. You will have someone to play with if I couldn't then you will not be lonely again." Pahayag nitong hinawakan pa ang kamay ng kapatid at hinalikan.
"Awwww!" Sabay na sambit nila Ella, Erica at Quinn.
"Ang romantic ng batang ito. Ate Bri, Kuya Tim, kailangan na yatang bakuran natin itong ating maliit na binata." Natatawang sabi ni Ella.
"Oo nga, Kuya. Hahabulin ito ng babae paglaki." Segunda ni Erica.
"Oy, kayong dalawa!" Turo ni Amanda sa magkapatid na Ella at Erica. "Manahimik nga kayo! Kung anu-ano yang pinagsasabi n'yo. Ang bata-bata pa ni Ethan ang a-advance na nang utak n'yo." Napabungisnigs naman ang magkapatid.
"Maayos na nga kayong dalawa. Magkasundo na rin ang kalokohan sa utak n'yo eh." Natatawang pahayag ni Aling Carmen.
"Oo nga eh, puro na kaharutan." Singit ni Margaret.
"May mga pinagmanahan." Sabat naman ni David.
"Saan naman sila nagmana?" Tanong ni Virgil na nakangiti na ubod laki.
"Diyan o. Sa katabi mo." Turo ni Aaron sa anak na nakatunghay na naman sa mukha ni Brielle.
"Yan tayo eh, kaya napapagbintangan." Usal ni Dean na may halong panunukso. Napatuwid ng tingin si Siege sa lahat tsaka pa ang niya nakitang sa kanya pala lahat na katingin.
"Oh, bakit ako? Ano ang ginawa ko?" Pamaang niyang tanong. Akala mo kung sinong inosente.
"Alam mo, bayaw, wag ka nang magsalita. Mas lalo mo lang inilulubog ang sarili mo eh." Saway ni Luis. Nagtawanan silang lahat. Napakamot na lang si Siege ng kanyang batok.
"Bago ako naging ako, may nauna sa akin." Sabay lingon ni Siege sa sariling ama. Lalong sumabog ang malakas na tawanan sa garden ng mga Scott.
Naging masaya ang hapunan na yun. Naayos ang mga gusot ng bawat pamilya ng walang iba pang naging isyu.
Isa-isang inakap si Brielle at Siege ng mga ito at nagpatuloy na sa usapang Quinn-Luis wedding. Ibinigay ni Aling Carmen ang basbas sa paghingi ni Dean ng kamay ni Ella. Nagkanya-kanya na ng uwi ang mga ito.
Marami pang mga pagsubok na kakaharapin ang pamilyang ito at dahil sa laki ng pagmamahal at respeto ng bawat isa sa isa't isa ay wala silang hindi malalapamsan.
"I love you, Brielle." Malamlam ang matang saad ni Siege.
"I love you more, Siege to the grave and back." Siniil ni Siege na malalim na halik ang asawa na humantong sa isang mainit na tagpo na hindi lang isang beses nangyari kundi naulit pa.
Ganito nga talaga siguro kapag tunay ang pag-ibig. Harangan man ng sibat, bomba, kahit pa si Kamatayan ay hindi ito kayang buwagin o paghiwalayin. Alam nila na hindi sila mabubuhay ng wala ang isa't isa. Masyadong niyang mahal si Brielle. Pareho silang nasaktan at nangulila sa pagkawala ng bawat isa.
Siege's life hasn't been the same since she's been gone and Brielle's life hasn't been the same since he's been gone, but that was before. Now, they are together again, they are going to make the most out of life, out of their love for their twins and their new addition.
Because all the problems have been solved, All questions have been answered, the wrongs have been put right, the separated ones have come together, and they realize that with love, there's nothing they can't handle, which prove that love conquers all.
~ THE END ~
-------------------
End of SYBG 50: Love Conquers All
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
04.27.18
Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro