Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SYBG 50





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Kaharutan"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"MOM! Hindi pwedeng hindi natin harapin ang problemang ito. Nagyon ka pa ba magiging ganyan? Pagkakataon na nating maituwid ang mga pangit sa nakaraan." Si Siege. Pinipilit intindihin kung bakit ngayon pa naisip ng ina ang magkulong sa kwarto nito. Maging si Aaron ay hindi na rin alam ang gagawin.

Tatlong linggo na rin ang nagdaan nang bigla na lang nagpakita si Miranda sa bahay nila na humihingi ng tawad, nawalan ng malay at naisugod sa ospital. Hindi pa rin nila maubos maisip ang mga nangyari. Kung gaano kabagal ang pangyayari sa nakaraan para sa kanila ay siya namang bilis ng lahat ngayon. Pakiramdam nila ay hindi nila ito mahabol-habol. Nakakapagod. Nakakalito. Nakakaliyo. Nakakatakot.

"Siegfried, hayaan mo na muna ang Mommy mo." Walang ganang utos ni Aaron kay Siege. Nagtaka si Siege. Meron ba siyang hindi alam.

Bakit parang ang pagpapakita ni Miranda ay isang sumpa sa pamilya nila. Una si Luis at Quinn. Kung kelan malapit na ang kasal ng kapatid at ng bayaw ay tsaka pa hindi nag-uusap ang dalawa. Tapos sila ni Brielle ay parang ganun din. Kung kelan lang siya kibuin ng asawa ay doon lang sila nagkakausap at kung hindi siya unang kikibo ay hindi rin ito magsasalita. Nakikita niya rin ang pagbagsak ng katawan nito. Ang pamumutla at ang pagkawalang ganang kumain. What is happening?

"No, Dad. Hindi ko hahayaan ito. Higit kanino man tayo ang pinaka-apektado sa lahat ng ito. Una, si Quinn at Luis ang hindi nag-uusap, at least, naging okay na. Then it is Brielle and I, tapos ngayon, kayo naman ni Mommy ang hindi nag-usap? Ano ang nangyayari?" Galit man ay pinipilit ni Siege na wag taasan ng boses ng ama.

Hindi magandang mawalan ng pasensya habang kaharap ang magulang. Although, nauubos na ang pasensya niya sa lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya ay pilit pa ring kinakalma ang sarili. Konting-konti na lang at sasabog na siya.

Kung kelan nasa kulungan na si Miranda at tinutukan ng prison doctor's ang mental condition nito, tsaka pa sila parang naglalakad sa ibabaw ng itlog. Yung feeling na magkamali ka lang apak bigla na lang sasabog ang bomba. Hindi na siya makahinga. Hindi na niya kaya ito.

"It seems like everyone, all of a sudden, is walking on eggshells or the worst, landmine." Inis niyang reklamo.

"Siegfried, just leave your Mom alone for now, is it hard for you to understand that?!" Napatda si Siege nang magtaas ng boses ang ama sa kanya. Ilang beses na rin namang nagalit ang Papa niya sa kanya simula pa nung bata siya pero ngayon lang ang tonong ito. Parang iritado na parang may pagkadisgusto at yun ang hindi niya maintindihan.

"No, I won't, Dad and yes, I do. Hindi ako aalis hangga't hindi ko nalalaman at naiintindihan kung ano ang nangyayari sa pamilyang ito. Una, si Luis at si Quinn, tapos kami ni Brielle, tapos ngayon, kayo naman? Ano to?" Yung kaninang inis niya ay parang galit na sumisibol na hindi niya mapigilan.

Hindi sa tinataasan niya ng boses ang ama dahil yun nga, ama pa rin naman niya ito kahit na ganito siya ka-frustrated. Gayunpaman, sa sitwasyong ito, hindi niya lang alam kung hanggang saan siya pwedeng magpasensiya.

"Mag-uusap tayo ngayon sa ayaw at sa gusto n'yo. Isang buwan na lang at ikakasal na uli si Luis at Quinn, tapos ganito kayo?" Pahayag niyang sobra na ang pagkairita sa mga nangyayari.

"Siegf —" Hindi niya pinatapos ang ama sa pagsasalita.

"Enough, Dad. Mag-uusap tayong lahat after dinner. Tapos." Mahinahon ngunit puno ng determinasyong pahayag niya. "Manang Bering!" Malakas na na sigaw ni Siege. Sa pagtawag niya sa mayordoma ng mansyon ibinuhos ang inis at pagkaasar sa mga nangyayari.

"Ano yun, Hijo?" Malambing na tanong nito kay Siege nang makalapit na ito sa kanya.

"Manang, pwede po bang magpaluto ng maraming pagkain, dito kaming lahat maghahapunan." Malumanay siyang kumausap sa matanda.

"Sige hijo, sasabihan ko si Yanna na tulungan akong magluto." Nakangiting sagot ni Manang Bering. "Ano ba ang gusto mong ipaluto?" Tanong nito bago pa sana umalis.

"Kahit ano na lang Manang. Samahan mo na lang ng mga paborito ni Mommy, Brielle at Quinn." Ngumiti siya kay Manang Bering. Ngumiti nman ito pabalik at tinapik siya sa balikat.

Wala na ang Daddy niya ng linguning muli ang kinauupuan nito pagkatapos kausapin si Manang Bering. Napahugot na lamang siya ng malalim na paghinga. Nagulat pa siya nang biglang nag-ring ang knyang cellphone. Mabilis niya itong kinuha para sagutin kung sino ang tumatawag. He's hoping na tatawag sa kanya ang asawa. Hindi man siya kinakausap nito alam naman niya hindi rin ito makakatiis.

"Hello?" As usual, maagap niyang itong sinagot nang hindi man lang tinitingnan. "Hon, How are you?" Mabilis niyang dugtong.

"Eww! Hon-in mong mukha mo, Siege. Kadiri ka!" Malakas na tawa ng nasa kabilang linya. Napangiwi siya dahil lakas naman ng boses nito.

"Hype ka talaga, Virgil! What do you fǚcking want?!" Singhal sa bayaw na nasa kabilang linya. Hindi naman siya galit. Simula nang naging magkakilala sila ay naging malapit na rin ito sa kanila na parang kapatid na rin.

"Ulol, Bayaw! Nanamu! Ang bibig ha. Si Nakamura ka ba?!" Bwelta-singhal naman ni Virgil sa kanya at ubod lakas na tumawa ito. "Anong gagawin mo mamayang gabi?" Sabay tawang dugtong nito na parang wala lang. Halos isang taon na rin naman, sanay na siya. HIndi mahirap mapalapit sa binata.

"Wala naman, dito lang sa bahay nila Mommy, medyo miting de abanse." Sagot niya na parang nawalan ng gana sa pagkakaalala ng mga kaganapan sa loob ng tatlong linggong nagdaan.

"Anong miting de abanse? May nangyayari ba?" Halata ang pagiging seryoso nitong bigla. Ganun naman sila eh. Kahit na anong lokohan at asaran ang namamagitan sa kanila pagdating sa pagiging seryoso ay maasahan silang lahat.

"Hindi nag-uusap ni Mommy at Daddy. Hindi rin nagkikibuan si Bayaw Luis at Quinn, tapos si Brielle naman ay gusto lang manahimik, magmukmok. Hindi ko na alam ang nangyayari." Pahayag niya.

"Ganun ba? Okay lang ba kung maki-join kami? Si Ella din kasi at si Dean ay hindi nag-uusap. Si Erica naman parang palaging mainit din ang ulo sa akin. Pati nga si Nanay Carmen ay apektado rin. Kababalik pa lang niya galing Baguio kasama si Tita Emelia at Tito Red. Si Mama Amanda ay hindi rin yata kinakausap si Papa." Parang nagsusumbong na rin ito sa kanya. Napakunot ang noo niya.

"Well, I guess it is better if we all could be here in my parent's house para mailabas na lahat ng mga kinikimkim na galit ng lahat. Mahirap kung ganito pa rin tayo pagdating ng kasal ni Bayaw at Quinn." Naiinis na naman siya.

"I guess, you're right. Simula lang naman ito noong parang multong nagpakita si Miranda eh." Halatang bwisit din ito sa mga kaganapan.

"Parang may dalang sumpa yung babaeng yun eh. Lahat na malapitan niya minamalas, kaya lahat tayo minalas at galit sa akin ang mga asawa ko, sa iyo ang girlfriend mo, at ganun din sila Dean at Ella, then si Luis at Quinn, and now, our parents? I don't get it." Napapabuntong-hininga na lang si Siege. Hindi niya malubos ang magalit sa ina, kapatid at asawa dahil kahit siya ay naapektuhan din sa nangyari pero sana naman ay hindi ganito.

"I'll let Nanay Carmen know na imbitado kaming lahat diyan sa inyo para siya na lang ang kumausap dun sa dalawa niyang anak na sumpungin. Pinaka mahirap kasing kausapin si Ella." Parang batang nagsusumbong si Virgil, parang naghahanap ng kakampi.Natawa si Siege.

"Pasensiya ka, si Erica ang itinibok ng siraulo mong puso eh. With that, you have to deal with her sister, too." Inasar pa niya ang bayaw ng todo. Parang akala mo ay hindi rin topak ang asawa niya.

Well, ang totoo? Hindi naman ganun si Brielle, nitong lately lang talaga na parang palaging short fused ito at ayaw magsalita. Maging ang kambal ang nagrereklamo na sa kanya. Naiintindihan naman niya na baka na-i-stress lang ito sa factory, dahil sa biglaang bagong client na nakuha ni Ryelee sa Japan. Nakuha ni Ryelee ang dalawang private school sa Japan, kaya tuwang-tawa si Alvin dahil sa pagbabalik ng dating sigla ng asawa. Napaisip tuloy siya... Mabuti pa siya masaya at walang problema dahil nakakulong na ang biyenan.

"Nanamu, Bayaw! Nakakarami ka na ha! Si Dean kaya ang mas kawawa sa atin, yung liit na yun ni Carmella parang si Gabriela Silang kung magalit. Hindi ko alam kung matatagalan ba ni Dean yung isang yun. Mukhang hindi sanay na narerendahan si Dean eh." Natatawa din siya.

"Hayaan mo siyang dumikarte. Mas mabuti nga yan sa kanya para matuto siyang pumermi at para matigil na yang pambabae niyan. Baka ngayon lang matuwa ang mga parents niya sa kanya at tigilan na niyan yang pag-o-online games niya." Ngayon lang siya napaisip ng mabuti, hindi na niya nakikita o nababalitaan na nagge-gaming si Dean. Mukha ngang hindi na rin ito nagdedevelop ng games. "Alam mo, hindi ko na nababalitaan na nagge-gaming si Dean. Ikaw? Naririnig mo ba siyang nagkukwento ng mga tungkol sa pag-develop ng games? Kayo kasi ang palaging magkasama lately." Dugtong niyang tanong.

"Well, yung last niyang dinevelop is natapos na months ago. Parang wala naman kasi sa tuwing tatawag si Ella, nandiyan naman siya kaagad, siya nga ang sumusundo dito sa pabrika eh. Well, maliban na nga lang pala kung nasa meeting siya sa mga client nila sa mall. Tito Matt was out for a while and I think sinasadya niyang iiwan kay Dean ang trabaho para sanayin ito ng hindi nalalaman ng mokong dahil nakita ko si Tito at Tita sa isang resto nagdi-dinner." Kwento ni Virgil. Marami na nga siyang hindi nalalaman sa kaibigan. Mabuti na lang at hindi madamot magkwento itong bayaw niya, which is okay lang naman sa kanya, at least, hindi siya talaga huli sa balita.

"Oh sige, Bayaw. Kita tayo dito mamaya. Tatawagan ko pa si Brielle at si Quinn."Saad niya.

'Okay. ako na rin ang bahala kay Luis, palabas na yun sa opisina niya maya-maya. Sige. Bayaw. Peace out." Mabilis na nagpatay ng tawag si Virgil.

Medyo naluwagan ng kaunti ang pag-iisip ni Siege dahil sa tawag ng bayaw. Timing din ang tawag nun. Gusto rin sigurong mag-unwind, mag-recharge dahil may pinagdadaanan din palang cold treatment sa sariling pamamahay.

Napukaw ang malalim na pag-iisip ni Siege nang mag-ring uli ang kanyang phone. Sinagot niya ito ng hindi man lang tinitingnan ang kung sino ang tumawag.

"Hello?"Sagot niya na parang walang gana.

"Kuya?" Napangiti siya ng bahagya ng marinig ang boses ng kapatid.

"Hi, Quinn. Ano ang balita?" Sagot niya dito.

"Kuya, can we talk?" Sabi ni Quinn.

"Yeah, we could. Let's have dinner dito sa bahay mamaya." Simple niyang sagot.

"Okay, Kuya. See you there at dinner then."Sagot naman ni Quinn. Ramdam na ramdam ni Siege ang bigat ng loob nito.

"Is Luis coming by at the school to pick you up?" Pasimple niyang tanong dito. Nagbabakasakali na wala siyang makanti o baka meron din.

"Yeah, I think so. Wala naman siyang sinabi kanina eh." Sagot naman nito.

"Walang siyang nasabi o hindi kayo nag-uusap?" Tanong niya. Bingo! Hindi na niya napigil ang sarili na mapunta ang usapan doon.

"Well... it's not that we are not talking, I don't know what to tell him. Nahihiya ako sa kanya, kasi ang tapang kong umasta na akala mo kung sinong anghel, eh pare-pareho lang pala tayong nagawan ng masama ni Donya Miranda. Mas malupit pala ang pinagdaanan ni Luis kesa sa akin." Malungkot na sabi nito.

"Okay. Don't worry. Just come home tonight and we'll have dinner and we'll talk it all out. We need to clear all the negative air around us before your wedding." Pahayag ni Siege.

"Thanks, Kuya." Nagpatay na ito ng tawag pagkatapos.

"Manang Bering?" Pagkuha ni Siege ng pansin sa matandang mayordoma nila pagkapasok na pagkapasok niya sa kusina.

"Ano yun, Timothy?"Tanong nito sa kanya.

"Aalis na po muna ako. Pakisabi na lang po sa kanila Daddy na umalis po ako sandali. Babalik na lang ako mamaya bago maghapunan. Ipahahatid ko na lang po dito si Manang Seding para matulungan kayo. Pakikiusapan ko na lang po si Virgil na ihatid na rin dito si Nana Esther dito." Tuloy-tuloy niyang saad. Tumango lamang ang matanda kaya umalis na siya.

Tinext niya si Virgil na kung pwedeng isama si Nana Esther. Di man lang niya naalala kanina habang kausap ito na kailangan ni Manang Bering ng kasama sa pagluluto.

Umuwi si Siege sa bahay niya panandalian. Masyadong tahimik. Wala na kasi ang lahat maliban sa kanya at kay Manang Seding. Siya na lang ang sumundo dahil busy si Mang Asyong. Kasama ng Mama Mandi niya.

Kinausap niya si Manang Seding para makapaghanda na ito dahil dadalhin niya ito sa mansyon. Pumayag naman kaagad ang ginang at ilang sandali lang ay nasa kalsada na uli siya pabalik sa mansyon ng mga magulang para ihatid si Manang Seding. Nang makarating sila ay mabilis niya itong ibinaba. Pinagbuksan naman ito ng gwardyang nasa gate.

Nagpasalamat siya kay Manang dahil pagpapaunlak nito para tulungan si Manang Bering. Ngumiti lang ito at sinabing ayos lang dahil paraan na rin yun para maka-bonding nito ang pinsan. Ngumiti si Siege at kumaway na sa ginang at tuluyan ng umalis. Pupunta pa siya sa opisina para asikasuhin kung ano pa ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan dahil may isa siyang deadline ngayon.

Nakarating siya ng Scottsdale Empire ng mabilis dahil medyo lumuwag ang traffic, which is nakapagtataka kasi kahit saan ka pa dumaan ay talagang traffic... SOBRA, kahit na may color coding pa.

Nakita niya na busy si Dean sa telepono, desktop, tablet at notepad. Tumango lang ito sa kanya ng mapansin siya at nagtuloy sa ginagawa. Natawa siya dahil magaling itong mag-multi task marahil siguro sa katotohanang gamer nga ang kaibigan at isa rin itong game developer.

Kung ano-ano ang ginagawa nito. Naka-ipit ang telepono sa pagitan ng balikat at tenga, nasa keyboard ng desktop ang kaliwang kamay, tapos may sinusulat ang kanan nitong kamay habang nasa harap nito ang tablet na naglalaman ng calendar. Napapailing na lang siya. Bigla siyang may naalala kaya nilapitan niya ito.

"I though you have a meeting with a client sa mall n'yo?" Tanong ni Siege sa kaibigan.

"Mom went for me. Ayaw sana ni Dad kaya lang sabi ko wala ka pang nakikitang papalit sa akin kaya hindi ko ito pwedeng iwanan." Simple nitong sagot na parang napaka-vital niya sa pag-unlad ng negosyo ng mga Scott. Napailing si Siege. Sabagay, magaling naman talaga ito kung tutuusin eh.

"Ginawa mo pa akong excuse kay Tito Matt at Tita Flor." Sumenyas ito ng tahimik. "Ulol! Dinner sa bahay mamaya. Isama mo yang baby dragon mo." Natatawa siya bansag na nila kay Ella.

"Uy, gago ka, Bro. Bawiin mo yan. Baka makasanayan mong tawagin siya niyan." Ngumuso ito sa kanya na parang bata. Natawa tuloy siya.

"Oh siya, sige na. May kakilala ka bang pwedeng maipalit sa iyo dito?" Tanong niya sa kaibigan. Ibinaba na nito ang telepono. Pero bago yun ay nagsabi muna ito ng "Please hold" at hinold na ang tawag.

"Bakit ka pa kasi naghahanap sa malayo? Eh kung tutuusin meron kang isang malakas na candidate to do this better than I can." Simpleng sabi nito at humarap sa kanya.

"Sino? Eh wala pa naman akong nakikitang pwedeng ipalit sa iyo sa mga resume na ipinasa ng HR sa akin." Sagot niya. Paupo siyang sumandal sa gilid ng desk ni Dean.

"Alam mo, hindi ko alam kong bobits ka o bobits kang talaga." Napapailing na sabi ni Dean. "Bakit hindi mo subukan si Erica? Di ba siya ang nag-assist kay Ryelee? Gusto ngang dalhin ni Rye yun sa Japan para maging assistant niya hindi lang pumayag si Nanay Carmen at yung bayaw mo. Ang pangit nga palang sumimangot yun." Natatawang sabi ni Dean.

"Sige, kakausapin ko si Virgil." Sagot niya dito.

"Eh, bakit si Virgil ang kakausapin mo? Siya ba ang magtatrabaho?" Tanong nitong nakataas ang kilay.

"Eh kung hindi pumayag si Bayaw? Eh di naunsiyame ang papalit sa iyo." Tugon niya.

"Nanamu, Bro. Bobo ka nga. Si Erica ang magtatrabaho dito, hindi si Virgil and besides, hindi ito Japan para hindi pumayag yun. Kausapin mo si Erica muna para makapag-isip yun ng hindi napapangunahan ni Virgil. Then nonchalantly tell Virgil later na you're hoping na makuha mong secretary si Erica. Papayag yun. Mabuti ngang sa iyo na magtrabaho yun para hindi palaging salubong kilay ng cradle snatcher mong bayaw." Natatawang napapailing na lang si Siege.

"Oo na po, Daddy. Si Erica na po muna ang kakausapin ko." Nagsatinig batang babae si Siege. Napangiwi naman si Dean. Tumawa sila ng pareho sa kanilang mga kalokohan at bumalik na sa telepono si Dean.

Iiniwan na niya ang kaibigan dahil mukha ngang busy ito sa ginagawa. Bumalik siya sa kanyang opisina at hinarap ang apat na magkapatong na folder sa ibabaw ng lamesa niya.

Tahimik niya itong pinasadahan ng basa. Tsinek niya kung tama ba ang pagkaka-transcribe ng proposal ng isang vendor na gusto umukupa ng isang buong floor ng east wing ng main branch ng Scottsdale Hotel. Ayaw niya sa unang proposal ng mga ito dahil mas gusto niya doon nila gawin yun sa hotel branch sa Taguig or Tagaytay, mas kailangan kasi ang mga vendors doon dahil nga nagiging tourism na area na yun. Kaya mas gusto niyang doon ipasa ang mga maliliit at mga nag-i-startup na businesses and besides, siya ang boss, siya ang nakakaalam kung ano ang ikagaganda ng hotels nila at kung saan ito kikita ng maayos ang mga negosyanteng ito.

Masyadong maraming ang kung ano-anong tinanggap si Miranda sa hotel na ito. Hindi niya mapaalis dahil may mga kontrata pa ang mga ito at malayo pa ang termination nun. Anyway, mapilit lang talaga kasi ang kliyenteng ito kaya ang proposal ng mga board member ay cancellation of proposal at maghanap na lang ito sa ibang pero ang nasa isip niya. Mas gusto niyang taasan ng presyo ang upa rito o yung occupancy rate ng mga ito and have them discover the difference between his offer and their proposal.

Napansin naman ng board ang pinupunto niya kaya ayos na sa kanila at hinayaan na lang siya diskarte niya, pero kung hindi naman ay okay lang but he will never sent clients away, either way, hindi sila ang lugi, but he still have to find a way para maging maayos ang lahat.

These are thriving businessmen and women na katulad ng Daddy niya noon kaya naiintindihan niya ang mga pinagdadaanan ng mga ito but he will not be very nice about it dahil pinagdaanan din yun ng Daddy niya at ayun sa mga kwento-kwento, mas maliit na butas ng karayom pinagdaanan nito.

He doesn't have to experienced it himself para malaman ang hirap ng pag-uumpisa mula sa baba at para kang namamalimos dahil yan ang nakita niya sa Daddy niya noong maliit pa siya, to think na may malalim pala itong pinagdadaanan. And besides, naranasan niya rin ito nung nasa America sila.

Gusto niyang makilala ang Scottsdale Empire na katulad pa rin ito ng pagpapatakdo ng kanyang Lolo, ayun sa kwento at statistics na nakita niya sa archive. He wants that legacy back at masabing "The old Scott's way is back." Nakakita siya ng loophole sa proposal nito kaya minarkahan niya ito para ipakita sa kliyente at para ipakita na rin sa mga ito na ang proposal niya is a better option para hindi rin mahirapan ang mga ito. It will be a win-win transaction.

Nagiging marami na rin ang nakakakilala sa Scottsdale Hotel sa Tagaytay. Una nga yung nagiging tourist destination na ito. Maraming pumupunta dito at ang pwesto ng kanilang hotel ay very much accessible sa lahat ng direksyon, kumbaga ay nasa gitna ang hotel nila at kung ang habol nila ay constant foot works, then makukuha nila yun at hindi pa nila kailangang ubusin ang lahat ng resources nila.

Napailing siya sa kaiisip kung bakit niya pinuproblema ang negosyo ng iba, it is not his problem and he knew that, but that's how his Lolo would want it. He never met the man but people speaks highly of him, he is a respected businessman and person and he will make sure that his Lolo's legacy will live on.





"TARA! Pasok kayo. Diretso na sa garden area, nandun na sila Brielle at ang mga bata." Sabi ni Siege nang mapagbuksan niya si Virgil, Erica at Nanay Carmen. "Nasaan po si Ella?" Maagap niyang tanong.

"Isasabay na lang daw ni Dean." Si Nanay Carmen ang sumagot. Halatang may tensyon sa pagitan ng bayaw at kasintahan nito. "Parating na yun. Nakasunod sa 'min kanina, nawala lang nung naging matrapik na." Dugtong pa ng ginang.

"Oh sige, Nay. Diretso na lang kayo. Virgil, alam mo na kung saan ang daan." Kinindatan niya ang bayaw bago niya sinara ang pinto. Tumuloy naman na ang tatlo papuntang garden. Si Siege naman ay tumuloy na sa kusina.

"Yanna, paki pakiramdaman ang pinto ha. Parating na daw si Dean at Ella. Baka kasunod na din niyan sila Papa at Mama. Pakihatid sila sa likod." Magaan niyang sabi sa dalaga. Tinapik ito sa balikat at sumunod na sa bayaw.

"Opo, Kuya." Sagot naman nito. Mabait na bata itong si Yanna. Naisama ng mga magulang niya sa America noon si Manang Bering at Yanna para alalayan silang buong pamilya nung mga panahong nagpapagaling siya at ngayon ay nandito pa rin ang mga ito sa kanila.

"Siege, can we talk?" Bahagya pa siyang nagulat ng biglang sumulpot si Brielle sa harapan niya.

Tinitigan niya ito na puno ng pagmamahal. Napahugot siya ng buntong hininga. Hinaplos niya ang pisngi nito. Napansin niyang hindi na ito gaanong maputla. Hindi na gaanong haggard na talagang ipinagtataka niya nung mga nakaraang araw.

"Sure, hon. Saan mo gustong mag-usap tayo?" Malambing niyang tanong sa asawa habang patuloy pa ring hinaplos ng kanyang hinlalaki ang pisngi nito. Mariing napapikit si Brielle dahil sa kanyang ginagawa. Kitang-kita na pareho nilang nami-miss ang isa't isa.

"Any where. Basta tayong dalawa muna." Mahina namang sagot ni Brielle sa ikinatayo ng balahibo niya at ng kanyang Kapitan. Napahugot ng malalim na paghinga si Siege. Not now boy.

"Okay. Let's go." Sabi niya kay Brielle. "Yanna, paki tawag na lang kami kung ready na ang lahat." Pahabol pang paalala ni Siege sa katiwala.

Hawak ang kamay ni Brielle, bahagya niya itong hinila paakyat sa second floor ng bahay patungo sa dati niyang kwarto. Kung ano man ang gusto ni Brielle na pag-usapan at ayaw nitong marinig ng iba, ang kwarto niya ang pinaka safe dahil naka-sound proof yun.

Nang makarating sila sa ikalawang palapag ng bahay, nakita pa niyang pababa mula sa ikatlong palapag sila Quinn at Luis kasama ang anak na si Viper, katulad ng dati tahimik lamang ang mga ito. Nauuna si Quinn at nakasunod naman si Luis na karga si Viper.

Bahagya pa siyang napailing dahil parang asong nakabuntot lang si Luis sa likod ng kapatid at bahagyang nakaramdam siya ng pagkainis sa kapatid dahil hindi man lang ito makapag-isip na kausapin muna ang asawa bago humarap sa lahat, parang katulad ni Brielle. Hindi man niya alam ang pag-uusapan nila pero gumawa ito ng paraan para makapag-usap muna sila bago humarap sa lahat.

Well, hindi tama ang manghusga lalo pa at hindi natin alam ang nangyayari sa likod ng nakapinid na pinto. Pribadong buhay na yun ng kapatid at asawa nito pero kahit na, sa isip niya, kahit ano pang mangyari ay mag-asawa pa rin kayo at kayo ang natatanging partners in crime, partners in life, partners forever. Ganun talaga dapat di ba?

Oo nga at hindi sila nag-uusap ni Brielle pero hindi rin naman sila awkward sa isa't isa. Ayaw magsalita ni Brielle pero naroon pa rin ang sweetness nito. Inaasikaso pa rin siya nito. At least may mga palitan sila ng pag-uusap. Sinasagot niya ang tanong ni Brielle at ganun din siya kay Brielle. Kahit wala yung dati nilang lambingan, kahit wala yung dati nilang kwentuhan hanggang antukin sila o yung kwentuhan na nahuhulog sa babe time o yung tinatawag ni Siege na for sure baby time, wala man ang mga yun sa ngayon ay nakakausap pa rin niya ang asawa, pero itong kapatid niya ay wala talagang imikan. He knows, sinabi kasi ni Quinn kanina.

"Kuya, pwede ba kitang makausap?" Salubong na tanong ni Quinn sa kanila.

"Sure. Peor mamaya na. Mag-uusap pa kami ng Ate mo." Direkta niyang sagot sa kapatid. "Dapat kayo din bago kayo humarap sa pamilya." Dugtong niya. Sinamantala niyang sabihin ito sa kapatid para makapag-isip muna.

Inakay na ang aaswa patungo sa kanyang kwarto sa pinakadulo. Hindi na niya alam kong ano pa ang ginawa nung dalawa basta narinig niya lang na tumawag si Luis sa intercom na malapit sa bungad ng hagdanan pababa.

"Yanna..." Malumanay sa sambit ni Luis.

Binuksan niya ang pinto ng kwarto at hinayaang pumasok si Brielle at sumunod na rin siya. Sinara na niya ang pinto at ni-lock pa ito.

"What are we going to talk about, Hon?" malambing niyang tanong dito.

"I'm sorry for being such a B of a wife, Hon." Panimula ni Brielle na bahagyang ikinagulat niya.

"Whoaw! Where did that come from?" Napatda siya sa pagdi-describe ni Brielle sa sarili.

"Well, I was... I mean I am. I was neglecting you and avoiding you at the same time." Malungkot nitong sabi. Nag-alala si Siege. Umupo siya sa tabi ng asawa na nakaupo ngayon sa kama niya.

"I don't think you are what you said you are this past few days. We are just going through some stuff that is so stressful, that's all." Malumanay niyang sabi. Pilit na pinararamdam kay Brielle na balewala lang yun sa kanya kasi kahit papaano naman ay nakakapag-usap sila.

Wala mang harot ay ayos lang sa kanya kasi magkasiping pa rin sila sa pagtulog at may mga kilig moment pa rin sila kahit magkatabi lang at walang ganap. Masaya siyang pinanunood itong natutulog ng payapa.

"Ugh! Siege, you are not listening to me." Nagulat sa biglang pagsasalita ni Brielle.

"I'm sorry, Hon. What were you saying?" Mukhang tanga niyang tanong kay Brielle. Eh ano ba ang magagawa natin. Alam n'yo naman na head-over-heels in love itong lalaking ito sa asawa na ubod ng ganda, kaya ayan, nganga!

"What I was saying is, please forgive for being so immature about things. It's more like ignorance at its finest." Panimula ni Brielle. She needs to speak up ahead of him bago pa maunahan ni Siege. "I saw and felt all the signs and the symptoms but still, I was so hardheaded not to heed them. I was still hiding behind my monthly period that is always and ever so present but not thinking of the possibility of me being pregnant. Nandiyan na yung pagkahilo, pagkawalang ganang kumain, nasusuka, namumutla, napapagod, matamlay. marami eh. Lahat na nang sintomas pero hindi ko pinansin. Hindi na pumasok sa isip ko na simula ng magkita tayo ay wala man lamang tayong pag-iingat. No protection, no birth control. Nothing. So, I finally went to the doctor today and I found out that you were right all along." Tumigil pa muna si Brielle at tinitigan si Siege. Nakatulala lang ito sa kanya. Naiinis siya kasi parang hindi naman ito nakikinig sa kanya. Uli.

"Siege? Siege! Nakakainis ka naman eh. You are not listening to me." Hinampas niya ito ng kalakasan sa braso.

"Ouch! What was that for?" Sigae nito sabay haplos sa brasong tinamaan ng may kalakasan na hampas ni Brielle.

"You are not listening to me! Eto ako at nag-eemote sa harap mo tapos ikaw nakakatunganga ka lang sa akin nakangisi na parang tanga!" Nanggagalaiting litnya ni Brielle. "Diyan ka nga! Nakakabuwisit ka! Makalayo na nga sa iyo dahil baka magmana pa itong anak ko sa katangahan mo!" Galit itong tumayo ngunit mabilis namang pinigil ni Siege. Mas lalo nainis si Brielle ng makita niya itong nakangiti ng ubod laki na parang nakakaloko, nangmamanyak to be exact

"Hey. Hey. Will you calm down? I know that you are pregnant. I'm sorry if I am just staring at you. I just can't believe that it took you this long to finally realize that and have yourself checked out." Hinaplos niya ang pisngi ng asawa.

Gusto na niya itong halikan ngunit pinipigil niya ang sarili dahil baka hindi na niya ito ilabas ng kwarto ng hindi na naman ito nanglulupaypay. Mahalay pa man din ang kanina pang tumatakbo sa kanyang maruming utak.

"I know you know. Is that why you are not excited about my news anymore?" May himig paghihinampo ang boses ni Brielle.

"Hey. Will you stop that." Ubod ng lambing niyang inakap ang asawa at pinatakan ito ng matamis at sensual na halik sa labi. "I am excited, you just don't know how excited I am. I may not be jumping for joy here but just to let you know, I am very much excited. I am actually overwhelmed so to speak. But my excitement is taking me to a different direction and I do not want to give in because there are people, our family, downstairs waiting for us. Hon, I am feeling hor..." Tinampal ni Brielle ng mahina ang labi ni Siege dahil kung ano-ano na ang sinasabi ng asawa.

Mas lalo siyang nainis dahil sa nagwawalang hormones niya ngayon and Siege is not helping. She wants him now at nag-aalala siya na baka hindi niya patigilin ang asawa hanggang sa mawalan siya ng lakas at malay.

"Okay. Okay. Okay. I'm sorry." Isang patak uli ng halik na tumagal. Mula sa banayad na halik hanggang sa naging sensual na ito. Naging mapusok.

Nag-umpisang ng maglakbay ang mga kamay ni Siege. Nakaramdam ng kakaibang kilabot si Brielle mula sa init na nanggagaling sa palad ng asawa. Tanging pag-ungol na lang ang nagawa niya.

"Ohhhhh... Siiieege...." Natigil si Siege sa kanyang ginagawa ng biglang may kumatok.

"Kuya! Kuya Siege! Pinapatawag na po kayo ni Sir Aaron!" Sigaw ng tinig sa labas.

Naisandal ni Siege ang noo sa noo ni Brielle. He pulled a deep frustrated sigh. Maging siya ay nainis pero hindi siya pwedeng magalit because he knew all along na anytime ay tatawagin sila.

"Sige, Yanna. Baba na kami." Kalmado niyang sagot dito. Naging tahimik na sa labas ng pinto pero ganun pa rin ang kanilang posisyon.

Si Brielle ay nakakapit sa kanyang braso na parang doon kumukuha ng lakas dahil doon nga mismo siya kumuha ng lakas. Nanlambot ang mga tuhod niya dahil sa halik at haplos ni Siege na nagbigay sa kanya ng kakaibang pagnanasa.

Pareho silang napahugot ng malalim na paghinga. Tumuwid ng tayo si Siege at tinitigan ang minamahal na asawa. Isinuklay niya ang mga daliri sa buhok ni Brielle para maalis ang iilan hibla na tumakip sa mata nito, Sinipat niya ang mukha ng asawa at pinatakan niya uli ito ng mabilis ngunit banayad na halik.

"How far along are you?" Tanong niya kay Brielle. He needs to take her mind off to what had just almost happened.

"Eleven and a half weeks." Maikling tugon ni Brielle.

"Thank you, Hon for making me the happiest man again." Isa uling nakababaliw na halik ang iginawad niya dito. Siya pala ang hindi maka-move on sa pagme-make out nila kanina.

"No problem, Hon. You know I'll do anything in my power just to make you happy, right?" Malambing na sabi ni Brielle. Nagkatitigan lang sila. Isang malalim na paghugot ng hininga na naman ang ibinuga ni Siege at mahigpit na inakap si Brielle.

"I love you, Brielle." Madamdamin niyang sambit.

"I love you more, Siege." Sagot naman ni Brielle.

"Tara na. Baba na tayo." Pag-aya niya dito at inayos uli buhok na asawa. "Baka mamaya ma-rape pa kita ngayon dito, mahirap na." Natatawa niyang sabi na ikinapula ng mga pisngi ni Brielle. Kahit kelan talaga mahalay ang lalaking ito.

Walang sabi-sabing hinila siya ni Siege papuntang pinto.





"OKAY. I invited you for this dinner kasi maraming bagay ang nangyari na hindi naging maganda para sa ating lahat. Each of us, took all this mishaps into many different ways. Merong okay lang kasi nakakulong na si Tita Miranda. Yung iba sa atin mas piniling manahimik which sad to say na puro ang babae ang mas apektado." Panimula ni Siege pagkatapos nilang maghapunan. Nasa garden pa rin sila.

"Well, ang totoo niyan kaming mga lalaki ay iba-iba din ang naramdaman kaya lang mas minabuti na naming ipagkibit-balikat na lang muna ang lahat dahil mas mahalagang humarap sa bukas ng kesa lingunin ang kahapon. But as I sit on the corner, figuratively speaking, watching everyone do their things everyday for the past weeks, masasabi kong we are all still affected by Tita Miranda in so many ways, kaya lang parang ang approach natin eh, mas magandang wag na lang pag-usapan." Dugtong niya. Panandalian siyang nanahimik para bigyan daan ang gustong magsalita ngunit mas piniling tumahimik.

"Okay. Walang gustong magsalita?" Tanong niya. Inikot ang paningin sa lahat ng mga nakaupo sa lamesa. Nakayuko lang ang iba habang ang iba naman ay kung ano-ano ang kinalikot, may tissue, may kuko, meron naman nakatitig lang sa lamesa.

"Well, ako ang ang magsasalita. Luis. Quinn. Ano ang problema n'yo?" Mas piniling mag-umpisa sa maliit, figuratively. "Bakit hindi kayo nag-uusap? In a month at ikakasal kayo uli tapos parang hindi kayo magkakilala. Parang hindi kayo mag-asawa. Parang wala kayong anak. Ano ang ginagawa n'yo?" Naaaburido na si Siege dahil ayaw magsipagsalita ng mga ito kaya niratrat niya ng maraming tanong ang mag-asawa.

"Siege, wala namang problema eh. Tanggap ko na ang lahat ng nangyari. Ano pa ba ang magagawa ko? Patay na si Daddy. Wala na ang lahat, pero at least, sa lahat ng nangyari, naibalik na ang pamilya ko sa dati, tahimik na si Mommy. Si Quinn ang inaalala ko. Yes, it's true. Ikakasal uli kami, pero gusto pa ba niya, lalo na't ayaw niya akong kausapin. I was happy kanina kasi ipinakiusap niya si Viper kanina kay Yanna pero umupo lang kami sa kwarto nang walang imikan. I don't know what to do anymore. Miranda brought bad omen to us." Panandaliang nanahimik si Luis. Humugot ng malalim na paghinga bago nagsalitang muli. "I think, if it's okay with all of you, uuwi na lang muna ako sa pamilya ko para mabigyan ng pakakataon si Quinn na makapag-isip kung gusto pa niy akong pakasalan." Natahimik ang lahat pagkatapos magsalita ni Luis. Nag-angat ng tingin si Margaret. Tinitigan ang nakayukong anak.

"So, ganito na lang? Hindi mo gagawan ng paraan para magkausap kayo? You are going to give up kasi ayaw magsalita ni Quinn? You are going to leave kasi ayaw kang kausapin ng asawa mo?" Masama ang loob at may halong hinanakit na tanong ni Margaret.

"Well, what to expect? Like mother like daughter." Maanghang na sabat ni Aaron. "Kahit na ano pa siguro ang sabihin namin at gawin ay hindi rin naman kayo magsasalita dahil ayaw n'yo talaga. Parang ikaw, lahat ginawa ko na, kulang na lang magtambling ako sa harap mo, ayaw mo pa rin ako kausapin. Kahit nga si Siege ay ayaw mong labasin at kausapin, then you expect your son-in-law to stay at mag-pretend na ayos lang ang lahat, na walang dapat pag-usapan dahil yun ang gusto n'yo?" Hindi natiis ni Aaron na hindi maglabas ng sentimiento. Wala sana siyang plano pero hindi na rin niya nakakaya ang hindi pakikipag-usap ng asawa sa kanya.

"Hmn. Parang si Ella at si Erica pala, tapos dinamay pa si Dean at Virgil. Ano naman kaya ang kinalaman ni Virgil at Dean sa pagkamatay ng Tatay Rico ninyo?" Isa pang hindi na rin nakakatiis. "Umalis tayo ng maayos ang lahat, masaya, nagkukulitan, tapos pagbalik ko, parang kombento ang bahay ni Virgil. Parang monasteryo dahil ang tahimik. Tapos malalaman ko na dahil sa ginawa ni Miranda na sa pagkakaalam ko ay nakakulong na ngayon, pero eto tayo, mas magulo pa kesa gulong ginawa niya. Hindi naman yata tama na kung kelan nakakulong na si Donya Miranda at tsaka pa tayo magkakagulo." Pahayag ni Manang Carmen. Walang may naka-imik dahil totoo ang sinabi ng ginang.

"Ito pala ang dahilan ng dinner na ito? Eh, Diyos ko naman po, bakit tayo nagpapaapekto sa kanya? Tama si Siege at Carmen, ngayon pa ba tayo magkakasira-sira? Kung yan ang mangyayari, aba, we just showed her that she had won the battle without doing anything this time." Sabat ni Amanda. "Margaret, ano ba nangyayari sa iyo? All this time, ang buong akala ko ay busy ka lang kaya ayaw mong sagutin ang mga tawag ko, yun pala nagmumukmok ka? For what? For Miranda? Diyos ko naman, Best. Ngayon ka pa ba magkakaganyan? Ngayong kompleto na ang pamilya mo? Naibalik na si Quinn sa iyo. Paano aayos ang lahat kung tayong mga magulang ang magpapasimuno ng mga ganitong kanegatibong pagharap sa sitwasyon." Napatingin si Brielle at Siege kay Amanda. Natahimik si Aaron at Margaret. Nakamasid lang si Carmen sa mga kabataan na hindi rin makapagsalita. Umiiyak si Ericang nakasandal kay Virgil. Nakamasid din lang si Aaron kay Margaret na ngayon ay naiiyak na rin.

"I know what I did was wrong. Hindi ko lang kasi maubos maisip kung ano ba ang kasalanan ko kay Miranda? Pareho lang naman naming minahal si Aaron. Hindi ko siya kinakausap kasi nag-iisip ako ng paraan kung haharapin ko ba si Miranda o hindi. Gusto kong malaman kung bakit niya ginawa ang lahat ng yun. Hindi ko kinakausap si Aaron hindi dahil galit ako sa kanya kung hindi nahihiya ako. Kung hindi ako ang minahal at pinakasalan niya siguro isa lang ang nasasaktan ngayon. Ako lang. Pero kita n'yo naman ang lahat ng naging resulta." Napataas ang kilay ni Amanda sa tinuran ng kaibigan.

"What the hell are you talking about, Margaret? You are not making any sense. Ngayon ka pa talaga nag-isip ng ganyan kung kelan nagbibilang ka na ng apo? Margaret naman, umayos ka nga. Ikaw ang pinili ni Aaron dahil ikaw ang mahal niya. Tapos ang usapan." Nakangiti si Brielle sa tinuran ng Mama niya. Naging malapit na magkaibigan nga ang ina at biyenan at ikinatuwa niya yun.

"I know pero mas nakokosensiya ako sa sinapit ni Teddy sa kamay ni Miranda at Earl." Napaangat ng tingin si Luis sa biyenan.

"Ano po ang ibig n'yong sabihin, Ma?" Tanong nitong nakakunot ang noo at halatang naguguluhan. Maging ang lahat ay ganun din.

"Matalik kong kaibigan si Teddy. Hindi ko lang kaagad naalala ang koneksyon mo sa kanya dahil sa apilyedo mo, not until that day na pumunta si Miranda sa bahay nila Siegfried. Simula ng ikasal si Miranda kay Ezekiel ay naging masama na ang pagtrato niya sa akin, natigil lang yun nung maghiwalay si Ida, kapatid ni Miranda, at Teddy. Few months later, narinig kong nag-asawa na uli si Teddy. Wala na akong nalaman pa tungkol sa kanya mula noon. Aksidenteng nagkita kami ni Ida minsan sa mall years ago maliit pa si Siegfried, ibinalita niya sa akin na namatay daw si Teddy sa hindi malamang dahilan. Nagulat ako at nalungkot. Nagduda si Ida na may kinalaman ang kapatid niyang si Miranda at ang kaibigan nitong intsik, yun nga si Earl Go. Binalewala ko kasi naging maayos naman na si Miranda. Nagkaanak na sila ni Ezekiel. Then after all that wala na. Years had passed at nakapag-asawa na nga si Siegfried, hindi pa rin namin nakikita si Quinn. The accident happened at kailangan naming mangibang bansa para mailigtas ang buhay niya, ganun din ang ginawa nila Amanda kay Brianna, pero ang hindi ko matanggap, totoo pala ang lahat ng pagdududa ni Ida. Kaya pala ganun na lang siya kalungkot at kagalit sa kanyang kapatid. May sinabi si Miranda na nakapagpatotoo ng lahat ng hinala ni Ida nung araw na yun bago siya mawalan ng malay. Hindi ako mapakali kaya pumunta ako ng hospital kinahapunan para kausapin siya." Hindi na maituloy ni Margaret ang sasabihn pa dahil maging siya ay hindi na niya alam ang mga sinasabi niya. Nalilito na siya. Hindi niya maintindihan ang koneksyon ni Teddy sa paghihiganti ni Miranda.

"Wait. Ibig mong sabihin, si Theodore Bergante ang tatay ni Luis? Si Teddy na parang kapatid mo na? Si Teddy na naging kasintahan ni Ida? Teka, paanong nadamay si Teddy?" Sunod-sunod na tanong ni Aaron.

"Yan ang hindi ko maintindihan sa sinabi niya. Gusto ko pa siyang makausap. Sinubukan kong puntahan kung saan siya na detain ngayon pero hindi ako pinapasok. Kailangan daw muna nilang hingin ang permiso ni Aaron o ni Siegfried. Ayokong ipaalam sa inyo na gusto ko siyang makausap. Kaya nagmumukmok ako sa kwarto. Hindi ko makontak si Ida." She's not making any sense.

"Okay. Yan ang issue ni Margaret. Ngayon naman, ikaw Quinn? Ano ang issue mo bakit hindi mo kinakausap yang asawa mo? Mag-asawa kayo, dapat kayo ang magkasanggang-dikit." Saad ni Amanda. Nagkatinginan si Brielle at Siege. Mabuti na lang at nakapag-usap na sila ni Brielle kanina kaya nawala na yung animosity sa pagitan nilang dalawa.

"A-ano po kasi..." Napangiwi si Quinn. Bahagyang natawa si Siege dahi lsa inasal ng kapatid. Kilala siya ang mga ganyang gawi. Napailing na lamang siya.

"Ano?" Si Amanda. Natawa si Brielle dahil sa kakulitan ng Mama niya.

"Uhm.. N-na... " Naghihintay sila. Inabot ni luis ang kamay ng asawa at pinisil ito. Nakita naman kaagad yun ni Siege at lihim siyang natuwa sa ginawi ng lalaki. "N-nahihiya ako kasi sa mga nangyari. A-ako po kasi yung maraming sinabi nung araw na yun para patawarin na si Ma'am Miranda. Pero hindi ko inisip na mas matindi pa pala ang dinanas ng lahat sa kanyang kamay. N-nahihiya ako kasi ang bilis kong nakalimutan na hindi lang pala ako ang magpapatawad. N-nagalit ako sa inyo dahil nakatingin lang kayong nakahandusay siya sa malamig na sahig. N-naisip ko na, kahit nga yung mga hayop sa kwadra ay inihihiga sa dayami para makomportable siya pa kaya na tao? I-iniisip ko kasi ang sinabi ni Mama Glenda noong nabubuhay pa siya, hindi ibig sabihin na nag-asal hayop ang tao ay kailangan ng tratuhin sila na parang hayop na rin. P-pasensya na po kayo." Napayukong lalo si Quinn.

Yun naman pala ang dahilan. Nagkakahiyaan na ang lahat dahil sa kani-kanyang kadahilanan na hindi naman pala masama. Mas pinili nga lang nilang solohin at wag pag-usapan.

"Is that what's happening here? I thought you are mad at me dahil hindi ko siya kayang patawarin pa sa ngayon. Babe, bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin, eh di sana napag-usapan na natin yan noon pa man. Di hindi na sana umabot na mapikon pa si Siege sa atin." Napangiti si Luis pagkatapos magsalita ay kinidatan ang asawa at kinabig para yakapin. Pinamulahan ng pisngi si Quinn. Napahagikhik naman si Brielle.

"Okay. Eto tapos na, eh kayong magkapatid? Ano ang problema n'yo?" Tanong ni amanda, Nakataas ang kilay hanggang rooftop. "Ella, ano itong ginagawa mo? Kung hindi mo makasundo ang kapatid mo mas mabuti pa sigurong ibalik ka na lang sa Japan at ikaw na lang ang maging secretary ni Ryelee doon kesa itong si Erica na nag-aaral pa ang pinagpipilitan ng mag-asawang Montemayor." Hindi galit pero seryosong pagkakasabi ni Amanda.

"Oo nga no. Salamat Amanda, hindi ko naisip na solusyon yan." Singit namang sabi ni Nanay Carmen.

"Kaya hindi ko kayo kinakausap kahit na si Virgil ay para maisip ni Ate na wala namang kasalanan si Kuya Dean at Ate Ryelee sa pagkamatay ni Tatay. Oo nga at magkaibigan yung dalawa pero hindi naman nila alam na yun pala ang gagawin ng nanay ni Ate Ryelee. Galit siya kay Virgil dahil pinipigilan daw ako ni Virgil na lumago sa buhay at maging independent. Ate, sa maniwala ka at sa hindi, ni minsan ay hindi ako pinigilan ni Virgil na gawin ang gusto ko. Pwede akong pumunta sa Japan at gumawa ng mga bagay na hindi ko na kailangan pang isasangguni sa kanya. The only reason he reacted about it dahil totoo namang nag-aaral pa ako. Ayoko niyang ma-pressure ako sa trabaho. Kumikita nga ako tapos hindi ko naman matapos-tapos ang pag-aaral ko, eh di sayang lang yung tulong na ibinigay niya sa akin para mapaunlad ko ang sarili ko. Ate, hindi mo kasi alam ang usapan namin ni Virgil at ni Nanay dahil ayaw mong alamin. Ilang beses na naming sinubukang sabihin sa iyo yun pero tinatalikuran mo lang kami dahil lang sa rason mong baluktot!" Nagalit si Ella at tumayo ito. Pipigilan sana ni Carmen ang anak dahil nakakahiya sa mga Scott pero pingil ito ni Amanda.

"Ganun?! So ako pa pala ang may kasalanan? Alin doon sa mga rason ko na yun ang baluktot? Nagbubulag-bulagan ka lang kasi. Kahit na ikaw Ate Brielle nagbubulag-bulagan din kayo. Porke't sinabi niyang kapatid n'yo siya tanggap na lang kaagad? Naging tauhan ni Miranda yan! Hindi n'yo ba nakikita? Bakit ang hirap ninyong makita yun? Diyos ko naman. Siguro nga po tama kayo, Babalik na lang ako ng Japan at doon na lang maghanap ng ibang trabaho dahil hindi ko kayang mapaligiran ng mga taong hindi nakikita ang mga iniwang pangit ni Miranda." Tatayo na sana ito ng pigilan siya ni Dean.

"You can't leave. Nandito ang Nanay mo. You can't leave kasi ikaw ang nabubulagan. Hahayaan mo bang habangbuhay kang balutin ng galit at pagkamuhi kaya hindi ka na makapag-move on. Ella, pinipilit ka naming intindihin dahil alam namin ang sakit na nararamdaman mo. Pinilipit naming matutunang intindihin kung saan nanggagaling ang galit mo pero ikaw yata ang hindi marunong umintindi." Simpleng saad ni Dean. Pinanlisikan siya ni Ella ng tingin.

"Ang kapal ng mukha mong kausapin ako ng ganyan. Ano ba ang pakialam mo sa akin? Kaanu-ano ba kita?" Mapang-uyam na tanong ni Ella.

"Alam mo sa totoo lang, noong una ko pa nakikita ang pagkakitid ng utak mo. Sayang matalino at maganda ka pa naman. Sayang nga lang kung bakit ikaw pa ang ginugusto ng kaibigan naming si Dean." Hindi na nakatiis si Luis. Hindi kumikibo si Nanay Carmen dahil gustong niyang makita kung hanggang saan haharapin ni Ella ang gulong nililikha nito para sa sarili. Panahon para magising ang panganay niya sa pagiging mapagtanim ng galit.

"Hindi mo alam ang tunay kong dahilan kung bakit ako nakipagtulungan kay Miranda noon. Hindi mo alam ang lahat ng pinagdaanan ko para lang maipakita sa kanya na pwede niya akong mapagkatiwalaan para lang iisang impormasyon kailangan ko kung sino ang may gawa ng aksidenteng nangyari sa kapatid ko. Iisa lang ang plano ko, ang alamin kung sino ang may gawa nun kay Briaana at Timothy. Hindi ko pinlanong makilala ang kapatid mo at mahalin siya. Hindi ko rin pinlalano na paibigin siya. Ganun ba kababa ang tingin mo sa akin, Ella? Sa tagal nang pagsasama namin nila Nanay, may naikwento ba sa iyo si Nanay na kahit na isang masamang ginawa o ipinakita man lang sa kanila?" Ramdam sa tinig ni Virgil ang sakit ng mga paratang ni Ella sa kanya.

"Ella, I can't believe na sa ilang buwan mong nakasama at nakilala si Kuya, may pagdududa ka pa rin pala? Bakit hindi mo yan sinasabi sa amin para kahit papaano ay matulungan ka naming maintindihan ang lahat? Bakit hinayaan mong punuin ng pagdududa at galit yang puso at isip mo?" Malambing at malumanay na tanong ni Brielle sa sekretaryang itinuring na kapatid din.

"Hindi n'yo kasi naiintindihan yung nararamdaman ko eh." Umiiyak na si Ella ngayon. "Ako ang nawalan ng ama dito. Kami ni Erica. Hindi ko man siya tunay na ama pero tinuring niya akong kanya. Siya yung nandiyan nung wala si Papa. Siya yung gumagawa ng lahat para sa amin na hindi naibigay ng Papa ko kay Nanay. Masakit eh." Patuloy niyang sambit.

"Ano ba ang ipinalalaban mo, Ate? Lahat naman tayong nakaupo dito ay nakadanas na bangisi ni Donya Miranda, pero ikaw napaka-close minded mo. Hindi mo ba kayang luwagan kahit konti ang isip mo? Intindihin ang paligid mo? Ate, hindi lang kami ang palaging dapat na umintindi sa iyo, dapat ikaw din. Hindi pwedeng kabig ka na lang kabig. Teh. Magbigay ka naman ng konti paminsan-minsan. Hindi pwedeng ikaw lang ang minamahal, magmahal ka naman kahit konti." Marahas na pinunasan ni Erica ang kanyang luha. "Nakakahiya! Dito pa tayo nagkalat sa bahay nila Tita Margaret." Dugtong pa ni Erica na hindi lang galit ang meron sa tono ng pananalita kundi galit. Galit na galit.

"Bottom line. Ano ba ang problema natin? Bakit ganito tayong lahat? Bakit?" Tanong ni David. Nalilito siya sa kung ano talaga ang isyu ng pamilyang ito kung bakit bigla na lang ganito ang kinalalabassan.

"Bottom line is lahat tayo ay may isyu na nakakabit sa pangalang Miranda Regalado. Ang mga lumang pangyayari at ang mga kasalaukuyang nangyayari ay hindi natin gawa yun. Kaya pwede ba, wag na natin gaanong isipin pa? Nasisira ang ngayoa at ang bukas na kailangan nating harapin. Nakakulong na si Miranda at hindi na siya makakalabas dahil si Ezekiel na mismo ang nagsabi na hindi niya pakikialaman kung ano mang ang gustuhin ng korte sa asawa. Nasa atin ang kapalaran ni Miranda. Ngayon pa ba kayo magpapa-apekto sa kanya?" Seryoso si Aaron sa kanyang sinabi. "Ella, hindi lang ikaw ang nawalan. Nawalan din si Luis. Nawalan din ako ng dahil sa pamilya nila. I may not have moved on from losing my father and mother but I kept going because I got to have to. I focused on making myself better. I got out of the mess that was presented to me and I know that there were more messes coming my way but I did not let it bother me, I just keep on going because I needed to, for myself and for my future family. Pinag-aralan kong tanggapin ang mga nangyari sa mga magulang ko, sa mga ari-ariang iniwan nila, ang panghimasukan ang buhay, lahat isa-isa kong tinanggap para hindi na rin ako mahirapan hanggang sa parang balewala na lang ang lahat sa akin pero hindi ibig sabihin na kinalimutan ko na ang mga magulang ko at ang legacy nila na dapat sana ay sa akin. Nagtiis ako at pinagwagian ko ang lahat ng yun. Ano ang gusto n'yong mangyari?" Pagtatapos ni Aaron.

"I'm sorry, Sweet. Hindi ko alam na mas lalo palang nakasama yung pananahimik ko." Inakap na lang ni Luis ang nanghihingi ng tawad na asawa. Hindi rin naman niya masisi kung bakit ganito ka lambot ang puso ng asawa. Ganun kasi siya pinalaki ng Mama Glenda at Nana Belen nito.

"Alam ko, Sweet. Sorry din. Akala ko kasi kaya ka nanahimik at ayaw akong kausap kasi napagtaasan kita ng boses. Sweet, I didn't mean to raise my voice at any of you at all, I just got so upset seeing her there at your brother's house and knowing how evil she is and knowing what really happened to Siege and Brielle makes want to strangle her right there and then. I'm sorry for being so heartless." Paghingi ni Luis ng paumanhin sa kanya at sa lahat. Ngumiti lang sila sa kanya.

"One down. Two to go." Bulong ni Siege kay Brielle. Pailalim na tingnan ni Siege ang mga ito at hinarap si Brielle.

Ayan na naman ang mga paru-parong akala mo ay ubeng hinalukay sa loob ng tiyan niya. Nagpipigil lang siya dahil konti na lang talaga at sasakmalin na niya ang asawang walang itulak kabigin sa pagkagwapo. Ang pooteek na yan! Naglalaway ako! Sigaw ng maharot niyang utak.

"I know. Would you like to share the news now?" Pabulong niyang tanong sa asawa. Painalibot ni Siege ang kanyang paningin sa mga kaharap, tumingin siya pabalik kay Brielle at hinalikan ito sa gilid ng ulo at nagsalita.

"Nah." Bumungisngis si Brielle dahil sa expression ng mukha ni Siege. Nakakunot kasi ang ilong nito na kahit na ganun pa man ay napakagwapo pa rin. Para namang hianlukay na ube ang kanyang sikmura dahil sa kakaibang dating ng pagpapa-cute ng asawa.

"Brianna Marielle!" Sigaw ni Amanda.











--------------------
End of SYBG 50: Kaharutan

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖~ Ms J ~💖
04.22.18

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro