SYBG 49
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"Miranda's Fall"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"WHAT are you doing here?" Hindi maubos maisip ni Siege kung papaanong nakapasok ito sa bahay nila. Natatakot siya para sa mga anak.
"Tita Miranda..." Napatda si Brielle nang mapag-sino ang nakatayo sa harapan ng asawa. "Paano kayong nakapasok dito?" Tanong ni Brielle na inaatake na ngayon ng nerbyos.
"Please. Pakinggan n'yo muna ako. I didn't come here to make trouble. Ayoko na. Pagod na ako." Halata sa boses nito na napapagod na nga ito.
"Kung hindi ka naghahanap ng gulo, ano ang ginagawa mo dito?" Mahinahon ngunit galit na tanong ni Siege. Napahigpit ang hawak ni Brielle sa braso ng asawa.
"Paano kang nakapasok?!" Pilit na tanong ni Brielle. Galit na siya. "Sagutin mo ang tanong ko! Paano kang nakapasok sa bahay namin?!" Halos pasigaw nang tanong ni Brielle. Napapitlag si Miranda.
"I snuck in from the back when she threw the trash. Please, do not get mad at her, she didn't know. Nilagyan ko lang ng kalang ang gate sa likod hanggang sa tumunog ito na parang nag-lock. Gusto ko lang talaga kayong makausap ng hindi kaharap ang mga magulang n'yo." Pahayag ni Miranda at bigla na lang itong lumuhod sa harap nila. Napaatras si Brielle at nagtago sa likod ni Siege.
"Ano ang motibo mo, Miranda?" Tanong ni Siege. "Siguro naman hindi ka na magsisinungaling ngayon." Sa totoo lang natatakot silang pareho ni Brielle dahil hindi nila alam kung may kasama ito o wala. Yung mga anak nila at ang katiwala nila ay nasa baba. Maaaring nanganganib ang mga ito.
Kung naiplano ni Miranda noon ang sinapit nila at ng iba pang miyembro ng pamilya nila, maaaring ding may pinaplano itong hindi maganda ngayon at yung ang kinakakaba nila. Oo nga at pwedeng magbago ang isang tao, pero si Miranda ang pinag-uusapan dito. Si Miranda ang kaharap nila ngayon, mukhang hindi naman yun applicable sa babaeng ito.
Kung humarap na lang ito sa kanila na galit at naghahangad pa ring maghigante ay maaaring alam pa nila kung paano ito haharapin, hindi yung ganito na parang maamong tupa tapos bigla ka na lang palang dadambahin na parang gutom na lobo. Yun ang mas nakakatakot. Yung ang mas hindi nila mapaghahandaan. Gayun pa man kailangan pa rin nilang mag-ingat. Mahirap na.
"Ano ang ginawa mo sa mga anak ko?" May diin na tanong ni Siege habang si Brielle ay nagtatago sa likod ni Siege ay nagtetext siya sa kanyang Kuya Virgil. She needs help. They need backup. They need it NOW.
"Wala akong ginawa sa mga anak n'yo. Ayoko na. Pagod na ako." Umiiyak na sabi ni Miranda. Ayaw pa rin nilang maniwala. Kahit na paulit-ulit na nitong sinasabi na pagod na ito. Na ayaw na niya.
"Marami ka nang ginawang kahayupan sa pamilya namin, Miranda. Hindi ako naniniwala sa iyo. Isang tanong pa, Miranda! Ano ang ginawa mo sa mga anak ko?!" Pinipigil na lang ni Brielle si Siege dahil alam niyang masasaktan nito si Miranda.
"Nagsasabi ako ng totoo. Wala akong ginawang masama sa mga anak n'yo. Please, Timothy, maniwala ka. Pagod na akong maghiganti. Gusto ko nang manahimik. Kung ipapakulong n'yo ako, papayag ako. Pero bago yun, gusto ko lang humingi ng tawad sa inyong mag-asawa. Ayaw akong kausapin mag-ama ko hangga't hindi ako nakakahingi ng tawad sa inyo. Umiiwas sa akin si Ryelee. I can't blame her. I manipulated her. I ruined her and her father and everyone around us." Masaganang tumutulo ang luha nito sa kanyang mga pisngi.
Nakita ni Brielle ang katotohanan sa mga mata ni Miranda ngunit hindi siya makikialam sa gustong mangyari ni Siege. Kung tutuusin ay hindi niya kaya pang harapin si Miranda sa ngayon. Oo nga at sinabi ng Diyos na magpatawad sa mga humihingi ng kapatawaran pero hindi niya pa kayang ibigay yun ngayon ng kapatawaran sa ginang, maaring bukas o sa makalawa ay pwede na, pero sa ngayon ay hindi pa.
"Manang!" Sigaw ni Siege na ikinagulat ni Brielle at Miranda. "Manang Seding!" Muling sigaw ni Siege. Umaasa siyang papanhik si Manang Seding ng walang problema.
"Ano ba namang bata ka kung makasigaw..." Hindi na naituloy ni Manang Seding ang sasabihin ng makita nito ang nakaluhod na babae sa harapan ng amo.
"Nasaan ang mga bata?" Tanong ni Siege na hindi man lang pinupukol ng tingin si Manang Seding dahil nakatutok lang ito kay Miranda.
"Nasa baba. Tinatapos nila ang kanilang hapunan." Sagot ni Manang Seding.
"Ayos lang ba kayo sa baba? Walang nangyayaring kakaiba?" Paniniguradong tanong ni Siege sa katiwala.
"Wala naman." Sagot nito. Bumaling ito kay Miranda na nakaluhid pa rin "Anong ginagawa niyan dito?" Bweltang tanong ni Manang kay Siege.
"Manang, pakidalaa ng mga bata sa safe na lugar." Utos ni Siege sa katiwala. Mabilis pa ito sa alas kwatrong sumunod. Hindi na ito sumagot. Kung saan ito pupunta ay sigurado ang mag-asawa na magiging ligtas na ang kambal.
"Now, speak the truth, Miranda. Wag mo na kaming bilugin. Dahil ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo. hindi ka magtatagumpay." Mahinahon na sabi ni Siege.
"Hon, parating na si Kuya Virgil. Kasama yata si Luis at Dean." Bulong ni Brielle kay Siege.
"Anong.... How?" Takang tanong ni Siege.
"I texted him." Simpleng sagot ni Brielle.
"Tumayo ka na diyan, Miranda. Sa batas ka managot. Sa ngayon, hindi ka pa namin kayang patawarin. Ang laking gulo at kasamaan ang ginawa mo sa aming pamilya, sa mga magulang ko, kay Quinn, sa anak ni Quinn, sa akin, kay Brielle, sa mga anak namin pati na rin sa sarili mong anak, apo, at asawa. Hindi ko alam kung paano kang nakakatulog ng mahimbing sa gabi. Hindi ko alam kung tinatablan ka pa ba ng konsensya o ng kahit konting hiya man lang." Mahabang pahayag ni Siege. Pigil pa yun, hindi pa niya naibubuhos ang lahat ng laman ng puso at isip niya.
Walang may naisagot si Miranda sa mga sinabi ni Siege kundi luha lang. Nakaramdam ng konting awa si Siege sa ina ng kaibigan pero hindi niya pa rin maialis sa isip ang mga ginawa nito sa kanila, sa pamilya nila.
Naramdaman niya ang pagpisil ni Brielle sa kanyang braso. Napatingin siya dito na pigil ang pagtulo ng luha. Maging si Brielle ay ganun ang nararamdaman. Naawa sila na hindi nila maintindihan. Nagagalit sila na parang hindi. Masyadong komplikado ang lahat. Simula ng mawalay sila sa isa't isa at magkita na muli, mas gusto na lang nilang sulitin ang mga panahon na magkakasama sila at pilit na itinatapon ang mga pangit na nakaraan sa kung saan para hindi na sila mahirapan pa, ngunit hindi nila magawa dahil alam nila na nandito si Miranda para ipaalala sa kanila na hindi patapos ang lahat.
"Brielle!" Magsasalita pa sana si Brielle nang may sumigaw sa likuran ni Miranda.
"Kuya?" Si Virgil. Sa likod nito, si Dean at Luis. Kita ang mga galit sa mga mata ng mga ito.
"Ano ang ginagawa mo dito, Miranda??" Tanong ni Virgil. Nandilat ang mga mata nito. Nagulat dahil nandito si Virgil. "Nagulat ka 'no? Hindi mo ba aakalain na isang katulad kong dati mo lang "tauhan" ay babaligtad sa iyo?" May pang-uuyan na saad ni Virgil.
"Hindi. Nagulat lang ako sa bilis ninyong makarating para saklolohan ang kapatid mo. Alam ko naman na noon pa man ay iba ang pakay mo. Hindi ko lang magawa ang gusto kong gawin, maliban sa pagpipigil ni Ezekiel sa akin ay meron pang iba na parang pumipigil sa akin." Tumayo si Miranda mula sa pagkakaluhod. "Hindi ako nagpunta rito para manggulo. Nandito ako para humingi ng kapatawaran." Dugtong pa niya sa tonong sumusuko na. Totoo nga kayang sumusuko na si Miranda sa labang siya lang naman ang nakakaalam? Sa labang siya lang ang may gawa?
Natahimik sila sa tinuran ng ginang. Wala silang maapuhap na isasagot sa kanya. They expect her to be vicious, to be ferocious, but the Miranda they are seeing now is nothing like that. The Miranda that is standing in front of them right now is the tired version of her. A version who is about to give up on life and on everything.
Miranda, at first glance, is a statue of pride and glamor but now, she looks so tired, ragged and old. She looks so worn out and wasted. Her gray hair is showing more. Her lines are more prominent. She had also grown dark circles around her eyes and thick bags under it. In short, mukha siyang dinaanan ng pison na nagkaluray-luray at gula-gulanit na hindi mawari.
Halatang wala itong tamang tulog, walang tamang kain, kakaibang Miranda ang nakikita nila ngayon. Hindi na siya katulad ng Miranda na napakataas ang tingin sa sarili. Wala na yung elegante at sopistikadang Miranda. Pero hindi yun sapat na dahilan upang maging kampante sila. Kahit na sa mga nakikita nilang katotohanan sa likod ng mga salita nito, sanay pa rin sila sa pailalim na tirada ni Miranda.
'Bakit dito ka nagpunta? Bakit hindi ka na lang sumuko sa batas? Natatakot ka bang harapin ang lahat ng mga kasong ipapatong namin sa iyo?" Walang kagatol-gatol na tanong ni Siege.
"Hindi ako natatakot na makulong. Hindi ako natatakot na harapin at pagbayaran ang mga nagawa ko. Kung tutuusin ay para na rin akong nakakulong, para na rin akong napaparusahan. Narito ako para humingi ng tawad sa inyong dalawa. Patawarin n'yo man ako o hindi ngayon ay okay lang. Basta nagawa ko na ang inuutos ng aking konsensiya." Bahagyang natawa si Siege, Virgil at Dean, habang nakatitig lang si Luis sa ginang.
Mabilis na umalis si Brielle sa harapan ng tatlo para hanapin ang mga anak. Hindi niya rin kasi maintindihan ang sarili. Naaawa siya sa ginang kahit naman ba malaki ang nagawa nitong kasalanan sa kanila, tao pa rin ito na nangangailangan ng pang-unawa at patawad.
"Konsensya? Kelan pa? Ngayong wala ka nang matakbuhan? Ngayong naubusan ka ng ipaplano? Ngayong naubusan ka na rin ng galamay?" Galit na asik ni Virgil kay Miranda. Hindi nakasagot si Miranda dahil totoong lahat ng tanong ni Virgil. Pero ang pinakatotoo sa lahat ay ngayon niya napagtanto na ang daming taon ang sinayang niya dahil sa paghihiganti.
"Ngayong wala na ang pamilya ko. Malaki ang sinayang ko." Pag-amin niya "Sinayang ko ang panahon na makita ang halaga ni Ryelee at ni Ezekiel sa akin. Ngayon wala na ang mag-ama ko, parang wala na ring silbi kung makapaghiganti man ako o hindi. Akala ko para sa kanya ang lahat ng ginagawa ko. Ngayon ko lang napagtanto na kahit kailan ay hindi magiging kanya ang gusto kong mapasakanya because she already have what she needed and wanted to keep her happy and I did not put value to it." Ang sakit. Dahil kung kailan wala na si Ryelee at Ezekiel, isama pa ang apo niyang si Rylan na hindi niya man lang pinagtuunan ng isang sulyap, literally, ay wala na rin.
She ignored that fact na ang mahahalagang tao para sa kanya ay ang mga taong binalewala niya dahil sa katangahan niya. Magsisi man siya ngayon ay huli na para sa kanya. Wala na si Ezekiel dahil hindi niyaalama kung nasaan na ito. Wala na ang nag-iisang taong nagmahal sa kanya ng totoo. Wala na rin si Ryelee Wala na ang nag-iisang perlas na kanyang itinapon na parang balewala lang. Napakawala niyang kwentang ina, asawa at tao. Napakawala niyang kwentang lola.
Napasalampak siya sahig dahil sa kawalan na nang lakas para lumaban pa. Ayaw na niya. Suko na siya. Kahit na ano pang gawin niya ay hindi na niya maibabalik ang mga nawala sa kanya dahil sa sarili niyang kagagawan. Naging makasarili siya. Naging sakim siya. Naging mapaghangad ng hindi para sa kanya.
Ayaw niyang mag-isa, natatakot siya, pero ngayon ay ganun ang nangyayari. Kahit ipilit niyang ibuhos ang lahat ng sakit na nagawa niya sa lahat ng mga tao nakapaligid sa kanya sa mga luhang lumalabas sa kanyang mga mata ay hindi pa rin yun sapat para mapagbayaran niya ang lahat.
Alam niya na kahit lumuha pa siya ng dugo ay hindi nun mahuhugasan ang lahat ng kasalanan niya sa mga ito. May buhay siyang kinuha, hindi lang isa, kundi tatlo. Alam niyang kulang pa ang sariling buhay bilang kabayaran sa lahat ng yun.
Her life wasn't the same since she married Ezekiel and Aaron married Margaret because that is how she made it to be. She imprisoned herself in anger and wasted it all on revenge.
Ngayon napapaisip siya, saang parte nung pagpapakasal niya kay Ezekiel ang kailangan niyang ipaghigante na kung tutuusin ay kasalanan naman niya yun at hindi siya nag-ingat. Nagpadalus-dalos siya sa kanyang mga kilos noon. Naging mapusok siya. Naging mapag-imbot siya. Naging makasarili siya. Sana hindi pa huli ang lahat kahit alam naman niya na talagang huli na ang lahat pero nagbabakasakali pa rin naman siya na sana ay may katiting pang pag-asa para sa kanya.
"I'm sorry. I'm so sorry. I'm sorry." Halos pabulong at paulit-ulit niyang sambit sa pagitan ng paghikbi. Nagkatinginan silang apat. Nakaramdam sila ng awa sa ginang pero hindi nila alam ang gagawin.
Hindi nila alam kung ano ang iisipin sa nakikita nila ngayon, sa kung ano ang nasasaksihan nila ngayon. Handa silang makipaglaban kay Miranda at all cost, pero yung ganitong parang isa itong... wala silang maapuhap na salita. They can't even put words to describe her at the moment. Hindi nila alam kung ano ang tawag dito. Nagpapaamong tupa?
"I think you need to call your Mom and your Dad, bro." Mahinang sabi ni Dean kay Siege. Tumango lang si Siege at hinugot ang phone mula sa bulsa ng kanyang cargo pants.
"I think I need to call the cops." Sambit naman ni Virgil. Umiling si Luis.
"Call an ambulance, Bro." Sabi ni Luis. "I think she needs medical attention and needs to be watched by us no matter what." Mahina ngunit determinadong dugtong nito.
"Yeah, I guess you're right." Sagot naman ni Virgil sa kaibigan. "Will you two watch her? I'm going to call an ambulance and please don't let her out of your sight. Ilang beses nang nakakatakas yan. Baka sa susunod na makatakas yan at makita ko ay baka barilin ko na lang yan ng bigla." Inis na dugtong ni Virgil. Nabubwisit siya sa nakikitang eksena sa harapan niya. Kailangan niyang umalis muna kaya mas minabuti na lang niyang siya ang umalis at tumawag ng ambulansya. She needed to be sedated and be strapped in a bed, handcuffed, tied up or whatever.
"Just relax, Bro. Baka si Erica ang bumaril sa iyo kapag nagkataon." Nakangising sambit ni Dean. Nang-aasar pa itong isang ito. Tumalikod na lang si Virgil at hindi na pinansin ang sinabi ng kaibigan.
"Luis, are you okay?" Tanong ni Siege pagkatapos ma-text ang ama.
Nakatutok lang ang mga mata nito sa kay Miranda. Alam ni Siege na galit na galit ito sa ginang dahil sa ginawa nito kay Quinn at Viper, ang hindi niya alam ay kung gaano kalaki ang galit nito kay Miranda dahil na rin kay Earl Go.
"Siege?!" Boses ni Brielle. Mabilis siyang napalingon sa direksyon ng hagdan kahit wala doon ang tumawag sa kanya.
"Watch her!" Mabilis na sabi ni Siege kay Luis at Dean at mabilis ding tumalilis pababa kung saan nanggaling ang tawag.
"Yes, Hon?" Mabilis niyang sagot. Nakaupo ito sa sala kasama ang kambal at si Manang Seding. "Is everything okay? Anong nangyari?" Magkasunod na tanong ni Siege kay Brielle habang salitan siyang nakatingin sa asawa at katiwala.
"Okay lang kami. Tiningnan ko kung may mga kasama siya, mukha namang nagsasabi siya ng totoo." Kalmadong payahag ni Brielle.
"Oo nga, hijo. Pasensya ka na at hindi ko na double check ang gate pagtapon ko ng basura kanina, nakapasok tuloy siya. Narinig ko naman kasing nag-click yung gate kaya hindi ko na nilingon. Ang buong akala ko talaga ay na-lock na siya." Nahihintakutan at nahihiyang pahayag ni Manang Seding.
Alam naman ni Siege mangyayari at mangyayari ang ganito kahit anong pag-iingat ang gawin nila. Mautak si Miranda at alam niyang pinag-aaralan nito ang kahit na pinakamaliit na kilos nila.
"Okay lang yun, Manang. Hindi kita sinisisi. May sa palos lang talaga ang babaeng yan. Ultimong pulis nga ay nalusutan niya sa ospital tayo pa kaya. Wag n'yo nang sisihin ang sarili n'yo. Mai-stress lang kayo." Sabi niya sa katiwala na halatang nag-aalala sa kaganapan. Ngumiti siya dito at inakbayan na rin para maibsan naman kahit papaano ang kabang nararamdaman ni Manag Seding.
"Natawagan ko na sila Mommy at Daddy, ganun din kanila Papa at Mama. Papunta na sila dito. Tumawag na rin ako ng pulis. Nasa labas si Kuya Virgil. Doon na lang daw niya hihintayin ang ambulansya at pulis. Ano na ang nangyayari sa taas?" Sabay tanong ni Brielle. Mahigpit ang akap sa kambal.
"She's asking for forgiveness and the way I look at it ay parang totoo naman ang sinasabi niya." Napailing-iling si Siege sa sarili habang nagsasalita. "After everything she's done. Hindi ko makuhang maniwala sa kanya kahit nakikita at nararamdaman kong totoo ang lahat ng yun. Natatakot akong maniwala. Masyadong marami ang nagawa niyang masama sa atin. Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang paniwalaan, let alone, patawarin." Pabagsak siyang umupo sa tabi ng asawa at anak. Bigla siyang nakaramdam ng panghihina. Gusto niyang maiyak dahil sa sobrang awa kay Miranda. Ina pa rin ito ng bestfriend niya at kahit papaano ay naging malapit din ito sa kanya... sa kanila bilang kaibigan ng mga magulang.
"Sino ang naiwan sa kanya doon sa taas?" Tanong ni Manang Seding.
"Si Dean at si Luis po." Simpleng sagot ni Siege habang nakasandal ang ulo nito sa sandalan ng sopa at nakapikit.
"Naku, hijo. Baka kung ano ang gawin ng babaeng yun sa bayaw at kaibigan mo." Puno pag-aalala ang boses nito. Bago pa man siya makapagsalita ay narinig niya si Dean.
"Siege! Siege!" Mabilis na napatayo si Siege at tumakbo sa taas. Nakasunod din si Brielle.
"Bakit?" Nagulat na lang siya ng bumugad sa harap nila ang nakabulagtang walang malay na Miranda. "Anong nangyari?" Dugtong niyang tanong sa dalawa.
"Ewan ko. Basta iyak lang siya ng iyak, just like how she was before you went down stairs and then all of a sudden she just fell sideways... and there." Turo ni Dean kay Mirandang nakahandusay sa sahig at walang malay.
"Wala pa ba ang ambulansya? Ayokong mamatay ito dito." Walang kagang-ganang saad ni Luis. "Kung mamatay ito, dapat doon sa kung saan malayo sa atin. malayo dito. At kung pwedeng wag na nating malaman pa." Dugtong ni Luis. Ramdam nila ang galit nito.
"Luis! Ano ka ba?" Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita sa bungad ng hagdan, si Quinn. Nakarating na pala ang mag-asawang Scott at kasama ito.
"What? I was just telling the truth. After everything that she had done to my family, at baka nakakalimutan mo ang ginawa niya sa iyo at sa pamilya mo?" Umismid lang si Quinn sa asawa.
"Kahit na, tao pa rin yan. Kahit gaano pa kasama ang ginawa niya sa atin hindi ibig sabihin na may karapatan na tayong tratuhin siya na parang hayop." Kalmado ngunit puno ng damdamin nitong saad. Natahimik silang tatlo. Nilapitan ni Quinn si Miranda, lumuhod ito iniangat nito ang ulo ni Miranda at inilagay sa kandungan niya. "Ikuha n'yo ko ng tubig at pahingi ng pamaypay." Utos nito na kulang sa lambing at bait. Naiinis siya sa tatlong lalaking nasa harap niya.
Mabilis na tumalikod si Siege sa takot na siya ang mabugahan ng apoy ng isa pang dragon sa buhay niya at kinuha ang abanico ng asawa sa kwarto nila at bumaba naman ng hagdan si Luis na inis sa sinabi ng asawa para kumuha ng tubig. Naasar siya dahil siya pa ang parang lumalabas na masama.
"Siege ako na ang papaypay diyan. Doon ka na. Baka kailangan ka ni Brielle at ng mga bata sa baba." Ibinigay ni Siege ang pamaypay kay Dean pero hindi siya bumaba. Lumuhod siya sa tabi ng kapatid.
"It's okay Dean. I'm here." Sabat ni Brielle. "Manang Seding is there with the kids." Dugtong pa niyang hindi ito tinapunan ng konting tingin. Nakatutok lang ito sa magkapatid na dumalo kay Miranda at nakangiti. May puso pa rin pala kayong dalawa.
"Anong oras siya dumating? Bakit n'yo siya pinapasok at nakarating pa hanggang dito sa taas?" Tanong ni Aaron nang makakuha ng tyempong sumingit sa pagitan ng usapan nila.
"Dad, we are not stupid let her in all theway up here. Nagulat na lang kami nang paglabas namin sa kwarto ni Brielle ay nakatayo na siya diyan. Ang sabi niya ay kinalangan daw niya yung gate sa likod nung nagtapon ng basura si Manang Seding at sinalisihan niya ito. Ang sabi naman ni Manang ay narinig naman daw niya yung pag-click yung lock ng gate sa likod. Sabi naman ni Brielle ay nilibot daw niya ang paligid ng bahay, wala naman daw siyang nakitang may kasama si Tita Miranda." Salaysay ni Siege.
"Anong ginagawa niya dito? Anong ginawa niya sa inyo? At paanong nandito ang tatlong ito?" Tanong naman ni Margaret.
"Hihingi daw ng tawad sa amin bago niya isuko ang sarili sa mga pulis. I don't see the importance of it. Para sa akin, sa kulungan din naman ang bagsak niya dahil sisiguraduhin kong doon siya maninirahan, kaya doon siya dapat magpaliwanag." Puno ng iba't ibang emosyong sabi ni Siege.
"Sa palagay mo ba matutuwa ang asawa mo kung ganyang ka." Galit din ang makikita sa mga mata ni Quinn.
"Uy, Quinn, ako nga ay tigilan mo. Kanina ka pa ah. Kung makapagsalita ka parang hindi ka nakadanas ng kawalanghiyaan niyang kalung-kalong mo na yan." Matiin an sabi ni Siege.
"Oo, Kuya. Totoo yun, nakaranas nga ako ng kawalanghiyaan niya pero eto ako ngayon, buhay. Buhay na buhay at naibalik na ako sa inyo ng buo at naibalik na rin ang pamilya ko sa akin." Bwelta naman ni Quinn. Nakipagsukatan siya ng tingin sa kapatid.
"Uhm..." Hindi makasingit si Brielle sa dalawa.
"Oo nga, buhay na buhay ka, pero paano kami? Halos walong taon kaming magkahiwalay na mag-asawa at pinaniwala ng babaeng yan na patay na si Brielle at si Ethan sa akin at ganun kami sa kanya. Pinatay niya ang tatay ni Erica at Ella para lang magawa niya ang lahat ng gusto niya. Pinaghiwalay niya ang sarili niyang anak at asawa at iniwang ang sarili niyang apo sa gitna ng nagyeyelong highway sa kabundukan ng Australia para magawa niya ang gusto niya!" Naputol ang sasabihin pa niya ng magsalita si Brielle.
"Canada." Pagtutuwid niya kay Siege.
"Canada... Australia... Whatever." Singhal nito na hindi na pinansin pa ni Brielle. "Ngayon mo sabihin sa akin na tao yang babaeng yan? Marami pa siyang ginawa na hindi mo pa alam Quinn. Bawat gabi, sa pagtulog ko, dinadalaw ako gn bangungot ng aksidenteng nangyari sa amin. Ang tunog ng mga napupuniti na lata ang naririnig ko, at ang isiping buntis a ng asawa ko nung panahon na yun. Hanggang ngayon ay hindi pa rin buo ang laala ko. Kaya please lang mag-isip ka muna quinn kung saang parte ni Miranda ang tao. Ang ulo ba? Katawan? O Paa?" Mahinahon mang nagsalita si Siege ay ramdam mo sa bawat salitang binitawan nito ang sakit at galit na nakapaloob dito na ni minsan ay hindi niya sinabi kahit na kay Brielle.
Napatda at hindi nakakibo ang lahat sa mga sinabi ni Siege. Hindi nila akalain na ganun pala ang epekto nito kay Siege hindi lang ito nagsasalita, akala kasi nila ay okay na ito dahil nagkasama na ang mag-asawa, yun pala ay hindi pa.
"Pinatay nila ang ama ko para magawa ang gusto nila ni Go sa Mama ko at sa ari-ariang iniwan niya. For whatever reason she had to do that ay hindi ko pa rin nalalaman. Nawalan ako ng ama nang dahil sa kanilang dalawa ni Go." Si Luis na ang nagsalita. Napalingon sila sa lalaki.
Nagulat sila sa narinig mula dito. Hindi nakahuma si Quinn. Natameme siya. Kaya ba ganun na lang kasama ang tingin niya dito kanina at ganun na lang kawalang pakialam ito kahit na hinimatay na si Miranda sa kaiiyak? Naguguluhan si Quinn. Pero kahit pa, hindi pa rin tamang hayaan na lang nilang nakabulagta ang babae sa sahig.
"Quinn, maraming ginawa si Miranda sa mga taong nakapaligid sa kanya, sa iyo. Hindi ka masyadong naapektuhan dahil sa nawalay ka sa amin, gayun pa man masakit para sa amin ang mawalan ng anak na kasisilang pa lamang. Ang ipinagpapasalamat ko na lang ay napunta ka sa isang mabuti ang kalooban na katulad ni Glenda at Belen at ng mga naging kapitbahay n'yo sa looban" Naiiyak na sabi ni Margaret. "Sana isipin mo ang ginawa nila sa anak mo. Inilayo nila si Viper sa iyo. Pinaglayo din kayo ni Luis. Hindi ka ba naapektuhan doon?" Dugtong pa ng ina.
"Alam mo kung ano ang mas masakit? Yung sa bawat oras na lumilipas, sa bawat sandaling dumaan at sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay nakatunganga ka at umaasang sana ay mabuhay ang anak mo kung saan man ito naroon. Na sana ay ligtas ito, may maayos na tirahan, may masustansiyang nakakain, na may taong nag-aalaga sa kanya habang yung isa mong anak ay nakaratay sa hospital na hindi mo alam kung mabubuhay pa ba? Natatakot ka ring mawawalan ng ama ang apo mo dahil nawalan na ito ng ina at kapatid? Tapos nung pinagbigyan ka ng Diyos na maibalik naman sa inyo ay halos hindi ka makilala? Yung hindi ka niya naalala at nalulungkot ka dahil sa kabilang bahagi ng mundo ay pinaniwalaan mong wala na ang kabilang bahagi ng buhay nito? Araw-araw kaming umiiyak, Anak. Araw-araw kaming nasasaktan simula ng mawala ka, ng maaksidente si Timothy at hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin kami dahil kaibigan namin si Miranda. Tinuring ko siyang kapatid. Kahit na hindi ko maintindihan ang ipinaglalaban niya, kaibigan ko pa rin siya, but enough is enough." Naluluhang pahayag ni Aaron. "Kaya hindi mo masisisi ang mga taong nakapaligid sa kanya na tratuhin siya ng kung paano niya kaming lahat tinrato ng mahabang panahon." Dugtong pa ni Aaron. Umaasang maintindihan yun ni Quinn. Alam niyang malambot ang puso nito. Pero minsan gamitin naman sana ng anak ang isip nito hindi lang puro damdamin. Hindi lang puro puso.
"Quinn, hindi masamang maging mabait. Hindi rin masamang maging maunawain. In fact, hindi masamang magpatawad pero hindi rin maganda ang basta-basta na lang magtiwala at maging kampante dahil naibalik na ang mga nawala sa iyo." Si Brielle. Sa wakas ay nakasingit na rin siya sa usapan. Hindi nakakibo si Quinn. "Hindi namin sinasabing wag siyang patawarin. what we are trying to imply is, maybe we can be precautious. She's Miranda Regalado after all." Alam niyang nagpadala siya sa awa kay Miranda.
Totoo naman na hindi niya alam ang buong istorya ng mga tao sa paligid niya, ng mga magulang niya. O sadyang hindi lang niya inalam ang mga pangyayari sa nakaraan at hindi pa rin yun sapat na rason para tratuhin ito na parang hayop kahit na tinrato pa nito ng mas mahigit pa sa hayop ang iba. Hindi porke sinabi sa bible na "Do unto others as you would have them do unto you." Dahil ba sa ginawan sila ng masama ni Miranda ay kailangan masama na rin ang pagtrato nila dito?
Ano ang pinagkaiba nila sa ginang? Sa pagkakaintindi niya sa verse na ito ng Luke ay kakaiba lang talaga siguro. Kasi kahit na ginawan na siya ng masama ay hindi niya makuhang gumanti. Hindi niya magawang tuluyang magalit sa iba dahil hindi siya ganun pinalaki ng Mama Glenda niya.
"Hindi n'yo ako naiintindihan kaya hindi n'yo makuha ang ibig kong sabihin." Malungkot niyang saad. "Hindi ako ganyang pinalaki ni Mama Glenda. Hindi ko makuhang magtanim ng galit sa kapwa kahit nagawan na ako ng sobrang sama. Hindi ganyan ang kinalakihan ko sa looban." Dugtong niya.
"Quinn, we are not saying that we are going to do the same actions that she had done to us, but what we are trying to tell you is that, give yourself a little cushion, a little padding, para kung sakaling nagsisinungaling o nagpapanggap lang pala siya sa atin, at least nakahanda tayong protektahan ang ating mga sarili. Pherimae, hindi porke't sinabi ng Kuya mo o ng asawa mo na hayaan mo siya diyan ay ginagantihan na siya, hindi kasi yun eh. I know where you're coming from, pero sa katulad ko na mahigit pitong taon akong pinaniwala na patay na ang asawa at isa sa kambal ko ay hindi madaling maging mabait sa kanya. Ang totoo, naawa din naman ako, pero may mga anak akong dapat kong pangalagaan. Ikaw Quinn, ano ang kaya mong gawin para maprotektahanan ang anak mo? Katulad din ba ng pagpoprotekta sa iyo ni Aling Glenda at Aling Belen? Katulad din ba ng pagprotekta ni Mang Lino, Bogart, Emong at Bebot sa looban? O yung paraan mo ng pagpoprotekta kay Luis?" Hindi siya galit sa hipag. Gusto niya lang paliwanagan ito para maintindihan nito kung bakit ganun si Siege.
It is now up to Quinn what to make of it. It is up to her how to handle all of it. Para kay Brielle hindi paghihiganti ang ipinaglalaban ni Siege. Hindi niya lang alam kung ano ang gustong mangyari ni Luis dahil hindi niya hawak ang isip at puso nito, na kay Quinn na yun kung paano niyang aalalayan ang asawa.
"Nandito na ang ambulansya." Mahinahon na pahayag ni Virgil. Sabay-sabay na napatingin ang mga ito sa kanya. Nakita nilang nakasunod dito ang tatlong lalaking may dalang gurney at AED o Automated External Defibrillator. Inasikaso ng mga EMT si Miranda tumayo na si Quinn at tumabi para mapagbigyan ng puwang ang mga EMT personnel.
Nakayuko lang si Quinn na parang napahiya sa mga sinabi ng kapatid, magulang t higit sa lahat ang sinabi ng hipag. Hindi nga naman niya alam kung gaano kalaki ang pinsalang nagawa ng mga ginagawa ni Miranda sa kanila dahil nakontento na lang siya sa kung ano ang nasa harap niya.
Nakontento siya paniniwalang ibabalik din ang anak sa kanya basta sumunod siya gusto ni Earl. Ni hindi nga niya inisip na kasama pala sa sitwasyong yun si Luis. Tungkol naman sa kapatid, nakontento na lang siya sa kwento at hindi siya sumubok tanungin kung ano ang nararamdaman nito. Since things are put back like chess pieces on the board, she just acted like things never happened and moved on. Tapos ngayon maririnig niya ang kwento ng pamilya niya at ang tungkol sa ama asawa. Ugh! How did we get mixed up on all of these?
Ano pa ba ang hindi niya alam tungkol sa babaeng kinaawaan niya, tungkol sa sariling pamilya at ng asawa. Tama sila, hindi pwedeng puro bait lang, kailangan din niyang magbigay ng konting distansya para sa sarili para mapangalagaan niya ang pamilya. They're right. I can not always use my heart, I need to use my mind sometimes.
Dinala sa ospital si Miranda. Nakasunod si Virgil at Dean sa ambulansya. Nagbihis muna si Siege at Brielle dahil susunod sila doon. Tahimik lamang si Luis at Quinn sa loob ng kotse nila habang nakasunod sa kotseng minamaneho ni Siege. Iniuwi ni Aaron at Margaret ang mga apo at isinama rin nila si Manang Seding sa mansyon.
"Hey, Ethan. I heard from your Dad that you and Brynn had a little argument." Tanong ni Aaron sa dalawang apo na nakaupo sa magkabilaan ni Manang Seding sa likod habang nagmamaneho. "What was that all about?" Dugtong pa niya.
"Lolo, It was nothing. Mommy and Daddy talked to us already." Simpleng sagot ni Ethan.
"Yes, Lolo. I am okay now." Nakangiting sagot ni Brynn. "I mean, we are okay now, right Kuya Knight?" Bumungisngis ito. Ganun din ang ginawa ni Ethan. May sarili silang mundo. Natawa na lang ang mga apuhan sa kanila.
"I know you guys talked about it already, but what I wanted to know is what started the argument?" Ang Lola Margaret naman nila ang nagtanong.
"Oh. I started it, Lola." Mabilis na sagot ni Brynn sa likod.
"You did? Why?" Mabilis namang tanong ni Margaret sa apo nang nakangiti. Alam naman niya na ito ang nagsimula kahit hindi sabihin sa kanila. They know Brynn, sa kanila ito lumaki.
"I wanted to have a sister but Kuya Knight said it doesn't matter what it would be as long as the baby is healthy." Kwento ni Brynn. "I got mad at Kuya because I wanted a baby girl. I wanted someone to play doll and dress up with and Kuya Knight can't do that because he is a boy." Patuloy lang ito sa pagsasalita. Naguluhan si Margaret kung bakit yun ang napuntahan ng pagtatalo ng mga apo.
"Okay. I got that you want a girl or someone to play with, but why did you say that? Is your Mommy pregnant? I mean, is your Mommy having a baby?" Tanong ni Margaret na hindi mapigil ang ngiti nito.
"No, Lola. Mommy is not having a baby. She doesn't look like one of our teachers at school. Me and Brynn saw her and she had a big belly. We asked her what happened to her. Brynn asked her if she's sick. She smiled at her and said that there is nothing wrong with her, she's just going to have a baby and it will be a boy. I asked her if it does hurt her since she has a whole baby inside her. She laughed at the question, and then she told us that for now the baby is still small." Ethan replied and still looked confused.
"Ms. Gloria said that eventually when the baby comes out it will grow up to be like us, big, smart, good looking and strong. Then she asked me if I wanted to have a sibling....." Hindi pa natatapos ni Brynn ang sasabihin ng sinalo na agad ito si Ethan.
"Princess Brynn said yes but she wanted a girl and if it will become a boy like what Ms. Gloria is having, she will return him back. I got a little upset. What if Mommy will have a baby boy, will she return him because the Princess said so? Lola, she is not being fair, Lola. What if I wanted a boy that I can play with or read books with. Ms. Gloria told us that it doesn't matter what Mommy will be having as long as the baby is healthy. She started walking away and played on the swing by herself and she left me. She got mad at me." Parang nagsusumbong itong si Ethan sa Lolo at Lola niya. Sa harapan lang ng mga apuhang Scott nakakapagpa-baby si Ethan. Natawa tuloy ang mag-asawa pati na rin si Manang Seding sa kwento ng dalawang bata.
"Kaya pala nung dumating itong dalawa kong alaga ay nagkanya-kanya ng kwarto at halos ayaw magkibuan. Kinabukasan doon sila nagtatalo sa harapan ng kwarto ng mga magulang kaya nung lumabas na yung mag-asawa ay parang natulala dahil pareho nang galit ang dalawang ito." Dugtong ni Manang Seding. Natawang lalo so Aaron.
"So, ibig mong sabihin hindi buntis si Brielle?" Gulat na tanong ni Aaron. Napailing si Margaret sa tanong ng asawa.
"Eh ano ang magagawa mo kung hindi pa nakakabuo ng magiging kapatid nitong dalawa? Mabuti na rin yun Aaron para naman makapag-bonding sila ng mahaba-haba, and besides, sa dami ng stress na pinagdaraanan natin ngayon baka makaapekto lang sa ipagbubuntis ni Marielle. Anim na buwan pa lang namang magkakakilala ang kambal, hindi pa nga siguro alam ng dalawang ito kung paano pakisamahan ang isa' isa." Magaan na pahayag ni Margarret. Napatango na lang si Aaron sa paliwanag ng asawa.
"I think you're right. Mas mabuting maghintay na lang ng tamang panahon." Pagsang-ayon ni Aaron. Magulo pa nga namang at hindi makabubuti kay Brielle yun.
"Kung ako ang tatanungin n'yo, sa tanda kong ito at ilan na rin naman ang mga naging anak ko at napa-anak ko noon, pakiramdam ko ay buntis yang manugang n'yo. Hindi pa nga lang niya alam. Kung hindi ako nagkakamali, may mga hinahanap siyang kainin minsan na hindi niya mawari kung ano, tapos magkakasya na lang sa kung ano ang meron sa bahay. Nagiging masyadong matampuhin din ito pero nawawala din naman kaagad basta makita lang si Siege ay ayos na siya. Minsan naman basta na lang nakasimangot pero nawawala din kaagad dahil napaka-natural naman na sa batang yun ang pagiging masayahin nito. May pagbabago na rin ang katawan niya. Lumalapad ng kaunti ang balakang at bahagyang namimintog din ang dibdib. Nung isang araw nga, nasagi lang ng pinto ng fridge ang dibdib niya ay ininda na kaagad. Tapos parang palagi siyang maganda, yun bang tawag nilang blooming? Ganun na ganun siya. Sana nga babae yang dinadala niya." Mahabang saad ni Manang Seding. Napalingon si Margaret sa kanya.
"Seding, di ba dati kang midwife?" Biglang tanong ni Margaret.
"Ay naku, ang tagal na nun. Hindi na ako hasa sa mga ganyan." Nakangiting saad ng katiwala ng anak na kaibigan din ni Margaret.
"Anong hindi hasa? Maaari bang makalimutan ang pagpapaanak? Parang katulad din yata yan ng pagbibisikleta." Excited na turan ni Margaret.
"Mahal, hindi ganyan yan. Hindi mo pwedeng itulad sa pagbibisikleta ang pagpapaanak, ano ka ba?" Natatawang sansala ni Aaron sa asawa. "Kailangan mo uli na mag-training para alam mo ang mga bagong techniques. And besides kailangan niyang magpa-recertify." Dugtong ni Aaron.
"Eh malay ko ba. Sabi nga nila diba, once you knew something kahit hindi mo pa ito magawa ng ilang panahon, malalaman at malalaman mo yun once you get back to it. Parang katulad lang noong na-amnesia si Timothy, he may not have remembered a lot of things pero yung skills na nakasanayan na niya ay natural na lumabas sa kanya. Don't tell me you didn't see it, Aaron." Medyo mataray nang saad ni Margaret. Napailing lang si Aaron sa tinuran niya.
"Yeah. But like I said, it is not the same as other skills. There are skills that need refresher courses and there are some skills that don't need any. Ganun lang yun." Simpleng sambit ni Aaron. Napatango-tango naman si Margaret.
"Katulad ng sabi ko kanina, palagay ko lang naman, hindi ako sigurado. Pero kung sakali man, hindi natin alam kung paanong matatanggap ng dalawang ito ang magiging kasarian ng bata." Napapiling silang tatlo sa takbo ng usapan nila. Napaisip ang mag-asawa sa sinabi ni Manang Seding.
"Alam mo, Seding, may point ka eh. Mas mabuting wag na muna silang mag-anak sa ngayon. Kailangan munang maging maayos ang lahat." Sandaling natahimik si Margaret. "I think Miranda needs to realize that her life wasn't bad since you married me. Sana nga lang ay hindi pa huli ang lahat para sa kanila ni Ezekiel." Pag-iiba ng topic na saad ni Margaret, nalulungkot.
"She's my bestfriend but I didn't like what she had done to us and to her own family. Hindi naman sa pag-aano, huli man o hindi, hindi ko na problema yun. Ginawa niya yan sa sarili niya, pagbayaran niya. Tama nang ginawan ng ama niya ng masama ang pamilya namin, tapos itinuloy pa niya sa pamilya natin, for what?" Hindi na naituloy ni Aaron ang sasabihin.
"Aaron, please don't say that." Malumanay na saway ni Margaret sa kanya. "Don't say that. She just being mislead by her father and by her own desires. Nagmahal lang siya kaya siya nagkaganyan." Dugtong pa niya.
"Wow. Ikaw na ngayon ang nagtatanggol sa kanya." Ipinarada na ni Aaron ang kotse sa garahe ng mansyon. "Kanina lang, ipinipilit mong ipaintindi kay Quinn kung ano ang ginawa ni Margaret sa atin. Pinipilit mong ipaalam ang lahat ng sakit na ibinigay sa atin ni Miranda. Ilang taon akong nanahimik dahil nakikita kong masaya ka kahit alam kong nalulungkot ka. Pero basta ngumiti ka na ay okay na ako. Now is the time for me to tell you that I do not care what will happen to her. She did the crime, she do the time. At wala akong awang nararamdaman para sa kanya." Pagtatapos ni Aaron. Kita ni Margaret ang galit sa kanyang mga mata.
Siguro nga it's about time na hayaan na nila ang batas humarap dito at kalimutan na naging bahagi si Miranda ng buhay nila. Alam nilang mahihirapan silang gawin yun dahil malapit na magkaibigan ang mga anak nila ngunit mahigit kanino man ay mas mahihirapan si Aaron dahil doble ang sakit na naramdaman at dinanas ni Aaron sa kamay ng mga Sebastian.
Tahimik na pumanhik sa taas ang mag-asawa. Walang imikan. Walang salitang namutawi sa mga labi nila. Sa tulong ni Manang Bering ay dinala nila Manang Seding ang dalawang bata sa kwarto ni Viper. Naging tahimik na ang gabi sa mansyon ng mga Scott.
Ano ang naghihintay sa pamilyang ito?
Ano ba talaga ang plano ni Miranda?
Totoo nga kayang nagsisisi na ito?
Ito na ba ang simula ng pagbagsak ng isang Miranda?
--------------------
End of SYBG 49: Miranda's Fall
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
04.18.18
Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro