SYBG 48
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"Reconciliation"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
PAGKATAPOS nilang mananghalian sa mansyon ng mga Scott ay umuwi na rin sila agad. Kailangan nilang harapin ang kanilang kambal dahil hindi nag-uusap ang dalawang bata. Hindi kinakaya ni Siege na nakikitang nakasimangot si Brynn at may lungkot sa mga mata nito, more so kay Ethan. Masyado pa itong bata para sumeryoso. He's only eight for crying out loud. Siege can not stand seeing his family without a smile on their lips, parang hindi bagay sa mga ito ang mga nakasimangot.
"Hon, are you sure we want to go home right away?" Tanong ni Brielle kay Siege habang nasa kalsada sila.
"Is there anywhere you want to go, Hon?" Siege asked glancing quick at her. She has this worried, puzzled look on her face that Siege can not miss. Nag-alala si Siege at nabalisa. "Is everything okay?" Dugtong niyang tanong. Nilingon muna ni Brielle ang kambal sa likod na tahimik lamang itong nakaupo at nakatingin sa labas ng bintana sa opposite na direksyon.
"I'm worried about these two. They haven't talked nor glanced at each other since they came knocking on our door this morning. Then they didn't look at each other during lunch. Something is up.." Puna ni Brielle.
Siege looked at the rearview mirror and saw the two not even glancing a bit at each other. Kanina pa nga rin niya napapansin na hindi nagkikibuan ang dalawa.
"What and where do you plan to go?" Parang nakuha niya ang gusto ng asawa.
"Let's go to the children's park." Pahayag ni Brielle.
"Okay. Let's stop at an ATM so I can get some cash. Malay mo may sorbetes doon mamaya." Ngumiti si Siege kay Brielle. Nakangiti din ito sa kanya. "Ano sa palagay mo ang pinag-aawayan ng dalawang yan?" Dugtong niyang tanong. Curious din siya.
Simula ng magkita at magkakilala ang magkapatid ay naging malapit ang mga ito, instantly. Hindi pa nila ito narinig na nagtatalo kaya bago ito para sa kanila. Oo nga at pareho nang pitong taon ang dalawa ay masasabi niyang hindi pa rin sanay ang mga ito sa isa't isa. In short, hindi pa nila gamay ang sumpong, ang ugali ng isa't isa and so far, palaging si Ethan ang nagbibigay. Palaging si Ethan ang nagpapaubaya.
"Hey, kids. Would you like stop by at the park for a while?" Pagbabakasakali ni Brielle na maging energetic ang dalawa.
"Sure, Mom." Malungkot na saad ni Ethan.
"Ok, Mom." Malungkot din na sagot ni Brynn.
Ngayon lang napatunayan ng mag-asawa na meron ngang hindi tama sa dalawang anak. Pumara si Siege sa tabi at bumaba. Pagkatapos makakuha ng pera sa ATM ay mabilis na bumalik sa kotse at banayad na nag-drive papuntang park na hindi rin naman kalayuan sa kanila.
Umibis na sila ng kotse pagkatapos na maayos na i-park ang kotse. Humawak si Ethan sa kamay ng ina at si Brynn naman sa ama. Tahimik silang naglalakad papasok sa park na magkahawak kamay ang mag-asawa at nasa magkabilaan nila ang dalawang bata.
Umupo silang apat sa isang picnic table na nasisilungan ng puno. Tahimik pa muna silang nakikiramdam sa kambal na anak. Pinagtabi nila ang mga anak sa harap nila. As expected, hindi nagtitinginan o nagsulyapan man lang sa isa't isa, hindi rin nag-usap.
"Brynn, Princess. Are you okay?" Tanong ni Brielle sa anak, tumango lang ito ngunit hindi man lang siya sinulyapan.
Humugot ng buntong-hininga si Brielle. Hindi niya alam kung papaanong kakausapin ang anak. Hindi pa niya nasasaksihan ang tantrums nito dahil kahit minsan ay hindi siya nahirapang kausapin ito dati. Palagi itong nakangiti kaya parang nangangapa siya ngayon sa pananahimik nito. Napakalaking challenge nito para sa kanya. but it is okay, kasama naman niya si Siege na mas nakakakilala sa anak na babae.
"Athena Brynn." Tawag ni Siege sa anak. Mabilis na tumignin si Brynn sa ama. She instantly knew that she is in trouble. Big time.
"Y-yes, D-daddy?" Kinakabahang sagot ni Brynn.
Nakikita ni Siege ang pamumula ng mga mata nito at ng ilong. Tanda na nagpipigil lang itong umiyak. Kung ano man ang dahilan nito sa pagpipigil ay parang natutuwa na rin siya.
"Your Mom is asking you a question and you are not answering her. I didn't teach you to be disrespectful and rude, especially to Mommy." Malumanay niyang sabi kahit na may konting kaseryosuhan sa tono niya. Napayuko si Brynn. Alam niyang konti na lang at iiyak na ito o magwawala na.
"I-I'm sorry, M-mommy." Sabi nito na halos bulong na.
"It's okay, baby." Sabi niyang sinisikap na magtunog magaan ang kanyang boses. Gusto niyang iparating sa anak na hindi siya galit at gusto lang niyang mag-usap sila. "Mommy just wanted to know why you and Ethan are not talking. Why are you both sad. Is there anything that Mommy and Daddy needs to know?" Dugtong pa niya. Bahagyang nanahimik muna siya, naghihintay ng sagot mula dito o kahit na kanino sa dalawa.
"Okay. Nobody wants to talk?" Dahil lalaki siya, may kalakihan ang boses, at parang galit ang dating ng seryoso niyang tono, natakot si Brynn. Mukha namang nataranta si Ethan dahil narinig niya ang paghikbi ng nakayukong kapatid.
"Princess, you don't need to cry." Malambing na sansala ni Ethan sa kapatid. Tumingin si Brynn dito na dahilan ng lalo pa nitong umiyak. Nataranta si Brielle at Siege ngunit pinigil ang mga sariling daluhan ang mga anak. Gusto nilang makita kung hanggang saan makakarating ang kaartehan ng kanilang prinsesa.
"I'm sorry, Kuya Knight. I didn't mean to yell at you this morning." Ayon na. Hinawakan ni Ethan ang kamay ni Brynn. Hinila ito palapit sa kanya.
"I'm sorry, too. I just wanted you to see my reasons." Parang matanda nitong kinakausap ang kakambal.
Napangiti si Siege sa inasal ni Ethan. Proud siyang kay Brielle lumaki ang anak na lalaki dahil naging sensible ito. Alam niyang magiging mabait at responsableng lalaki si Ethan paglaki. Maaaring maging iba kay Brynn.
When they were still in the U.S., he can't stop himself from spoiling her and he is not denying it. The sad part is, he knows he's wrong in doing so but he can't help it. Akala niya kasi yun ang tamang gawin dahil nung panahon na yun ay siya lang ang meron ang anak. Si Brynn lang kasi natitirang alaala sa kanya ng inakala niyang yumaong asawa.
Iba na ngayon. Sa nakikita niya, mali ang ginawa niyang pagpapalaki kay Brynn. Patunay ang nakikitang nahihirapan si Brielle at maging si Ethan ay hirap ding pakisamahan ang kapatid.
"Kuya Knight, I didn't know you were trying to make me understand, all I wanted is a baby sister." Sabi naman ni Brynn. Nagtataka man si Siege at Brielle sa pinag-uusapan ng dalawa ay hinayaan na lang niya.
"I know, Princess. But what if you don't get what you want? That's why we just need to wait for it. And if we don't get what we want, let's still be happy of what is there." Seryosong-seryoso si Ethan sa pagpapaliwanag ng kung anong pinag-uusapan ng mga ito na hindi nila maintindihan habang makikitaang muli ng pagkairita ang mukha ni Brynn.
"Then I don't want it. If it is not a girl then we should return it." Brynn is so adamant about her argument.
Dahil hindi alam ni Brielle at Siege ang pinag-uusapan ng mga anak at kahit gusto nilang magtanong ay hinahayaan na lang muna nila ang mga ito na pag-usapan ang sariling problema. Sa ganitong paraan, makikita nila kung hanggang saan sila, bilang mga magulang, pwedeng makialam sa usapan ng magkapatid.
Eto naman ang plano nila kanina kung bakit naisip niyang ayain ang ito dit osa park. Kung ano ang naging dahilan ng tampuhan ng dalawa, kung paanong nag-umpisa, kung hanggang saan makakarating ang argumento, at kung paanong tatapusin ng mga ito ang sitwasyon. Gusto nilang matutunan ng mga anak kung paanong harapin ang sariling mga problema na hindi kailangan ang mga magulang kahit na bata pa sila.
"Princess, you can't do that. You can not just return it just because it is not what you wanted? What if Mommy wanted it really bad then you don't, will you still return it and hurt her feelings?" Hindi sumagot ang kapatid. Nakayuko lang ito at nakanguso. Naiiling si Siege. Spoiled brat talaga itong prinsesa nila. "What if Daddy wants it, too. Will you still return it? Come on, Athena Brynn. That is not nice. Lola Grams said, be satisfied with what God gave you and not ask for more. Asking for more means you are not satisfied and not happy at what is in front of you. I always think of what Mommy, Lolo Gramps and Lola Grams told me. I may not have Daddy for a while but I am happy because I have Mommy." Natahimik si Ethan. Alam niyang hindi madaling kausap ang kapatid pero mahal niya ito at ipipilit nyiang maging mahinahon para maliwanagan ito.
"What are you two talking about? May I know? Maybe Mommy and I can help." Sabi ni Siege matapos ang nakakabibinging katahimikan ng dalawa. Tumingin si Ethan kay Brynn, ganun din sa Brynn kay Ethan.
"She wanted a baby sister. I told her I don't mind it as long as Mommy and Daddy are happy. I asked her, what if we get a boy? She got mad at me for saying that and she said if Mommy will have a baby boy, she will return it because that's not what she wants. I told her what Lola Grams told me when I was asking about having a dad and a sister, she said, God will give us what we needed but not what we wanted in His time. Lolo Gramps explained it as, we will get what He gives us because He knows we need it not because we wanted it. Lolo Gramps said, 'If God thinks that I am a good boy and I always think of what makes Mommy happy, He will give it to me because Mommy and I needed a Daddy and a sister. It's not because that's what I want." Seryoso man ito sa pagkakasabi nun at kita sa mga mata nito ang sobrang lungkot kasi hindi naiintindihan ni Brynn na hindi ganun kadali.
"Hon, are you sure he's seven?" Bulong ni Siege kay Brielle. Napangiti ito.
"Yes, I'm sure of it but I don't know why his mind is so advance." Ganting bulong ni Brielle kay Siege. Napapailing na lang si Siege dahil sa mga nasaksihan at narinig mula sa anak na lalaki.
"I wanted a doll but I know I don't need it but Daddy still got it for me, why can't it be like that, too." Pamaktol na sagot ni Brynn. Napadiin ng pikit ng mata si Siege. This is what he was thinking earlier. Kasalanan niya kung bakit ganito ang takbo ng utak ng anak.
"Okay, Brynn. Here it is. Those things that I got for you, I bought them in the store. The money that we have, your grandparents and us, me and Mommy, work hard for it so we could have it, so we can provide for you. With what you are wanting from us right now, and the reason you are getting upset with your brother is so out of our control which means, we can not choose and pick which one we can get. We can not have a baby girl if God intended us to have a baby boy, not that I am saying we are going to have a baby right now but we can only hope for the best but God still be the one to decide what we exactly needed." Paliwanag niya sa anak, hoping she'll understand. "And we can not give the baby back if we end up having the opposite of what you wanted, that's not how it works, Brynn." Pagtatapos niya. Napahugot ng malalim na paghinga si Brielle. Sumasakit ang ulo niya.
"Me? I am happy with what I have now. You, Daddy, Ethan and me, with Lolo Aaron and Lola Marge and Lolo Gramps and Lola Grams. I am happy having Tito Virgil for a brother and I know Daddy is happy for having Tita Quinn for a sister, and now Tito Luis, Tita Quinn's husband and your cousin, Viper. I am thankful that all the prayers that I had before were all answered. It wasn't what I was expecting but He gave me exactly what I needed and more." Sabi ni Brielle na nakangiting nakatingin kay Brynn. Nakatitig din ito sa kanya. "I prayed to God if He could give me strength to carry on everyday without you and Daddy. I was led to believe by some people that you and Daddy passed away in that accident more than eight years ago. I was sad but I have to be strong for Ethan. We manage to survive with the help of Lolo Gramps and Lola Grams. Then God surprised me and Ethan with the best gift ever, it wasn't what I asked for but He thinks that it was what we needed and I am very thankful for that." Masayang pahayag ni Brielle. Makikita mo sa kanyang mga mata ang sobrang kagalakan at tuwang hindi mapantayan. Brynn smiled.
"Mommy, did you asked God for me and Daddy?" Tanong nito na puno ng pag-asa at saya.
"I did but not the way you would ask God. Since I knew that both of you were dead, I only asked for peace and contentment and courage for me and Ethan. Peace in our heart to accept that we can not have you both back, maybe He has a different plan for you and Daddy separate from me and Ethan. Contentment that what we have is enough for Ethan and I to be happy. Courage to keep on going everyday without Daddy and twin sister." Napanganga si Brynn sa mga sinabi ni Brielle. Nakangiti ito kahit may luha sa mga mata.
"Daddy, what about you and Brynn? Did you also think that me and Mommy are dead?" Tanong naman ni Ethan. Napalingon si Brynn sa kapatid. Naalala niya na palaging umiiyak ang Daddy niya sa tuwing natutulog na ito. Nanaginip tungkol sa Mommy niya.
"I remember when I would go to Daddy's room and I would see him crying in his sleep and he would call Mommy's name. Daddy and I will always sleep over in his room because I will get nightmares. I would dream of Stargazer being left by his Mommy and he would be so sad." Kwento ni Brynn. Kilala nila si Stargazer, ito yung stuff toy nito na unicorn. "Daddy and I will be in his room but I will be waking up from him crying for Mommy because someone told him that you died, too. Every time he cries, I cry, too. I was mad that you and Mommy had to die. I was sad that I don't have a Mommy and a brother when I will see kids in the mall with their Mommies and Daddies and I only have a Daddy." Tumulo na ang luha ni Brynn. Inakbayan ni Ethan ang kapatid.
"Ssshhh. It's okay now, Princess. Me and Mommy are here now. Don't cry no more." Pag-alo ni Ethan sa kapatid. Nakangiti si Siege kahit na namumula na ang mga mata niya. Ganin din si Brielle.
"I was mad. I was angry. I was everything but happy. I wanted to end my life, too when I woke up and found out that Mommy and you are dead. I couldn't look at Brynn too long because she reminds me of Mommy all the time. I will carry and hug her and I will have my eyes closed. I just wanted to feel her in my arms, that way I can also feel Mommy and Ethan. But I can't always do that. When I finally remember almost everything about Mommy and all the things that we did together before the accident. I promised myself that I will take care of you and give you everything you wanted and more because you are all I have left. You are the only good thing left for me after that horrible accident. I went to all the therapy to make myself better so I can take care of you." Kwento ni Siege ng tungkol sa mga pinagdaanan at nararamdaman niya.
"You didn't pray, Daddy?" Lumaki ang bilog na bilog ang mga mata na tanong ni Ethan sa ama.
"You know what, I didn't. I was mad. I was angry. I questioned Him. I blamed Him. I can't accept that you and Mommy are gone. I just can't." Umiiyak na rin si Siege. "I can not accept that Mommy and you are dead. I can't." Paulit-ulit niyang sabi. Hinaplos-haplos ni Brielle ang likod ni Siege.
Talagang humihikbi siya sa pagkakaalaala ng mga pinagdaanan nilang magpamilya. Nasasaktan pa rin siya. Nandun pa rin yung takot na baka isang araw ay totohanang mawala ang pamilya niya, mawala si Brielle at ang mga anak niya. Not today, not ever. Lalo pa at may nakikita siyang dagdag na dahilan na magpursige para sa pamilya.
"Daddy, you need to start praying." Sabi ni Ethan. Nakangiti si Siege sa sinabi ni Ethan. Tumango-tango si Siege. Natatawa at natutuwa siya sa mga anak niya dahil sa kanila, alam niyang marami din siyang matututunan sa mga anak.
"Yes, Daddy." Sang-ayon ng kanyang prinsesa. "Kuya Knight, will you help pray?" Malamabong na tanong ni Brynn sa kapatid.
"Sure Princess, I will." Masiglang sagot ni Ethan.
"Kuya Knight, I'm sorry for being a brat to you. You're right, whatever Mommy would have I should be happy for it. Mommy, I'm sorry. I promise to be a good big sister to our baby." Napanganga siya sa tinuran ni Brynn. Natutuwa siya dahil kahit papaano ay nahahsawa na ito kay Ethan pero nagulat siya sa sinabi nito.
"Baby, we are not having a baby. Mommy is not pregnant." I hope. Dugtong niya sa kanyang isip. Tumitig lang ang kambal sa kanya at parehong napabungisngis. "What's so funny?" Tanong niya sa mga ito. Salitan niyang tinitigan ang mga anak, pagkatapos ay lumingon ito kay Siege. Nakita niya ang pigil na ngiting gustong umalagwa sa mga labi nito.
"Kids. Don't." Umiling-iling siya sa mga ito. At sa kung anong kadahilanan nag-sync in ang kanilang mga isipan at tumango lamang ang kambal sa kanya.
"Hala sila! Anong meron?" Tanong niya. Tumakiling lang ulo ng dalawang bata dahil hindi naintindihan ang sinabi niya. Napailing-ilng siya. "What is going on? What's with the eyeing each other and the smiles?" Pagta-translate niya sa English. Ngumiti lamang ang dalawang bata. Nilingon niya si Siege na ngayon ay nakayuko na.
"Daddy, can we buy that kind of ice cream?" Tanong ni Ethan. Lumingon si Siege sa tinuturo ng anak. Nakita niya ang sorbetero na ilang piye lamang ang layo sa kanila. Dumukot siya ng singkenta sa bulsa at ibinigay sa dalawang bata. Tuwang-tuwa naman ang dalawang bata at mabilis na nilapitan si Manong Sorbetero. Hinayaan lang nila ang dalawa.
Pinanood nila ang mga ito. Natatawa silang pareho dahil nagpapatalon-talon pa si Brynn. Tuwang-tuwa siya sa mga anak. Mukha kasing mga ignorante ito sa sorbetes. Sabagay, laking ibang bansa ang mga anak kaya siguro ganito ang mga ito. Naisip nila, hindi pa naman huli para mai-introduce ang mga anak sa gawing Pilipino. Sa ngayon, ito ang nakikita niyang tamang panahon para mag-umpisa.
"Ano ang iniisip mo, Hon?" Nagulat siya sa biglang pagpulupot ng braso ni Siege sa bewang niya sabay pang humalik sa balikat niya.
"Wala naman. Naisip ko lang na siguro tama rin na dito natin dinala ang dalawang ito para at least ma-experience naman nila kung ano ang kinalakihan natin." Sumandal si Brielle kay Siege kaya mas lalo pa siyang hinapit nito na parang bawal nakasingit ang hangin sa pagitan nila.
"You know what, you're right. Next weekend, dalhin natin sila sa Breakwater. Naalala mo noon, dadayo lang tayo doon para kumain ng fishball at manood ng mga yaya, katulong, drivers na nagde-date sa day-off nila. Tapos pinanonood natin kung hanggang saan ang kanilang ka-sweet-an. You remember that?" Pagbabalik-tanaw ni Siege sa mga escapades nila noong panahong nagde-date pa lang sila.
"Yeah. We always go to that old man's little kariton para mag-fishball at magpalamig naman sa kabila. What was his name again?" Napaisip silang dalawa.
"Oh, si Mang Rene." Masigla niyang sagot. Tumaas ang kilay ni Brielle sa ginawi ni Siege.
"Excited masyado?" Natatawa niyang tukso sa asawa.
"We'll, it's been years since the last time we were there. Isipin mo ha, huli nating punta sa Breakwater college ka pa." Sabi ni Siege. Nakatingin pa rin sila sa kanilang kambal na masayang kumakain ng ice cream.
Nakikita nilang tuwang-tuwa ang ang tindero ng sorbetes sa dalawang batang ingglesero. Natatawa ito sa kanila. Biglang natigilan si Siege. Kilala niya ang matandang sorbetero. Tumaya sabay hila kay Brielle.
"Hoy, Siege! Ano ba! Makahila ito parang akala mo braso niya!" Nakabusangot niyang sabi.
"Ay sorry, Hon. Bilis ka na. Parang kilala ko ang matandang sorbetero." Sabi nito. Tumayo siya sa tapat ng kariton ng sorbetero.
"Sir, bibili po..." Natigilan ang matanda. Napanganga ito nang makita siya. "S-siegfried? B-brianna?" Gulat nitong sabi.
"Mang Rene?" Si Brielle.
"Ako nga. Hala, saan kayo nagsuot at ang tagal ko kayong hindi nakita? Nangibang bansa ba kayo?" Tanong nito. Kita mo sa mga mata ng matanda ang pinaghalong tuwa at lungkot.
Natuwa silang pareho at ipinakilala ang kanilang kambal sa matanda. Napag-alaman ni Siege at Brielle na matagal na palang hindi nagtitinda si Mang Rene sa Breakwater simula ng mamatay ang asawa nito sa isang aksidente na nangyari sa harap ng US Embassy dalawang taon nang nakalilipas. Naging masyadong bayolente ang nangyaring protesta noon.
Ayon kay Mang Rene, nagkabatohan at tinamaan ang kanyang asawa sa ulo ng walang may nakapansin dito. Noong una akala nila nawalan lang ito ng malay at pinturang pula lamang ang nasa baldosa. Huli na ng mapagtanto ng security guard ng embassy hindi lang simpleng pagkahimatay ang pagkakahandusay nito malapit sa kanyang mga panindang tubig, sigarilyo at kakanin, duguan at wala na pala itong buhay.
Tinulungan naman sila ng mga taga-embassy para sa pagpapalibing at pinatapos ang kanilang panganay na anak sa pagna-nurse at pinatatapos ngayon ang kanyang pangalawa sa pagiging teacher. Nalaman kasi ng isa sa mga consulate na ang pagtitinda lang nilang mag-asawa ang kanilang inaasahan para makapagtapos ang dalawang anak sa kolehiyo. Naawa siguro at natuwa dahil sa pagsisikap ng mag-asawa kaya hindi nagdalawang isip na akuin ang pagpapaaral sa dalawa nilang anak.
Simula noon ay hindi na kinaya pa ni Mang Rene na magtinda doon dahil mas lalo lang niyang naalala ang kanyang yumaong asawa. Nakasanayan na ng mag-asawa ang magtinda sa paligid ng embassy sa araw at sa breakwater sa hapon hanggang gabi tapos uuwi na sa Malate.
Marami pa silang napag-usapan. Inalok ni Siege si Mang Rene kung gusto nitong magtrabaho sa iisang lugar na lang para hindi na ito nagpapalakad-lakad sa kung saan-saan dahil baka mapaano pa siya. Pumayag naman ang matanda pero kakausapin pa daw muna nito ang dalawang anak. Matagal na rin naman kasing pinatitigil na magtinda ng kung anu-ano sa kalsada ang ama dahil kahit papaano ay may mga kinikita na rin naman yung dalawa niyang anak.
Nagtagal pa sila ng isa pang oras sa pakikipagkwentuhan kay Mang Rene. Nagrereklamo na rin yung dalawang bata dahil inaantok na rin at mukha yatang nasobrahan sa kain ng ice cream. Nagpaalaman na ang mag-asawa at si Mang Rene. Nagpalitan din sila ng cell number.
Binigyan ni Siege ng konting halaga ang matanda para makabawi man lamang sa abala na ginawa nila. Hindi na nakapagtinda ng matino ang matanda dahil haba ng kanilang kwentuhan. Ayaw pa sanang pumayag pero napilit din ni Brielle. Dinaan niya ito sa pa-cute at puppy dog face, kaya sa bandang huli ay bumigay na rin ang matanda.
Katulad noon, walang nagawa ang matanda sa pagpapa-cute ni Brielle, bagay na ikinatutuwa ng yumaong asawa. Natawa tuloy si Siege. Napailing na lamang si Mang Rene.
"Basta sa susunod, pagtatrabahuan ko ang ibinigay n'yo o ibibigay n'yo pa. Hindi na ako papayag na basta na lang kayo maglalabas ng pera." Sabi ng matanda sa dalawa. Tumango naman sila at hindi na kumibo para matapos na. Alam naman nilang ganun talaga si Mang Rene, maprinsipyo, matino at patas magtrabaho.
Nagpaalaman na sila kasi gumagabi na rin. Kailangan na ng Manager ang pag-remit ng kanyang benta. Nangako silang magtatawagan at magre-report ito sa kanya sa Lunes doon sa Makati kahit anong oras basta sabihin lang nito ang buo niyang pangalan ay siya na ang bahala dito.
Umakap na si Brielle sa matanda at umalis na rin sila kasama ang mga anak. Makikita mo ang ngiti sa mga labi ng mag-asawa hindi lang dahil sa nakita ang dati nilang kaibigan kundi dahil sa nagkabati na ang kanilang kambal.
HINDI na nagkaroon ng lamay. Matapos i-release ng medico legal ang katawan niMr. Go, diretso na itong nilibing. Lahat sila ay pumunta bilang suporta sa bayaw na si Luis. Ayaw pa sana ni Luis pumunta, pinakiuspan lang ito ni Quinn para na lang sa mga kapatid at ina nito. Iniwan nila si Ethan, Brynn at Viper sa pangangalaga ni Manang Bering at Manang Seding sa mansyon ng mga Scott dahil nag-aalala sila para sa mga ito. Nag-iwan ng tauhan niya si Virgil sa mansyon ng hindi nalalaman ng karamihan maliban kay Siege at Luis.
Dalawang araw bago mailibing si Mr. Go, nakatanggap sila ng tawag na nawawala si Miranda. Talagang napakatinik ng babaeng yun. Matapos matanggal ang bala sa braso nito ay nakatakas na naman ito. Hindi man lang nakita sa CCTV ng hospital kung paano itong nakalabas. Wala ding maiturong kasabwat. Basta nawala na lang ito sa kwarto makalipas ang tatlong araw.
Maging ang pulis na nakabantay sa kanya ay walang masabi, kamot-kamot na lang ang mga ito sa ulo. Bigla tuloy gustong mag-resign dahil sa kahihiyan. Talagang madulas ang babae na parang may sa palos. Ang akala nilang tahimik na sanang araw ay bumalik sa dati.
As if they are walking on eggshells. As if they have to look over their shoulders all the the time. And they feel sick to their stomachs.
Wala na sila Ryelee at Alvin. Bumalik na ang mga ito sa Japan kasama ang anak. Alam din naman nilang hindi makakalabas ng Pilipinas si Miranda dahil naglabas ng APB ang NBI pati na ang interpol ay tumulong na rin at kahit na magpalit pa siya ng pangalan ay hindi na rin siya makakalusot dahil nakapaskil na ang mukha niya sa lahat ng airport sa buong Pilipinas.
Tatlong linggo ang nakaraan matapos ang madugong gabing yun ay naging maayos nang talaga si Quinn, Luis, Imee at ang dalawang kapatid nito na sila Kim at Ida. Nalaman na rin ng dalawang dalaga ang mga ginawa ng ama nila sa kanilang ina, kapatid at hipag. Nalaman nila kung ano ang tunay dahilan bakit nasa kanila ang batang si Viper na mahal ang kanyang mga Tita.
Pansamantala silang naninirahan sa mansyon. Natutuwa kasi si Margaret at Aaron na sa kanila naiiwan ang apo kapag pumapasok sa trabaho si Luis at Quinn. Ihahatid sa umaga ni Siege ang mga anak at si Brielle sa pabrika tapos diretso na ito sa opisina. O di naman kaya ay dadaanan ni Virgil si Brielle para i-drop off ang mga bata sa eskwela at isinasabay naman ni Siege si Erica.
Si Luis naman ang susundo sa mga ito sa hapon dahil siya rin naman ang sumusundo sa asawa isinasabay na lang ang kambal dahil sa mansyon naman naglalagi ang mga ito at doon na rin kinukuha nila Brielle at Siege ang mga anak. Minsan naman, silang dalawa na ni Luis ang pi-pickup sa kambal at sila Aaron at Margaret ang kukuha sa hapon o di man kaya kadalasan ay si Amanda at David dahil maaga silang umaalis sa factory.
Sa darating na weekend ay may salo-salo sila kaya uuwi ng panandalian si Ryelee kasama si Rylan para sa isang thanksgiving party sa mga empliyado ng Scottsdale Empire at re-introduction na rin ng tunay na nagmamay-ari nito at ang pagbabalik ng kanilang nawalang prinsesa.
Hindi makakasama si Alvin dahil maiiwan si Ezekiel sa Japan para sa schedule therapy nito. Naging at home naman kaagad sa Paperkutz si Ryelee. Naging maayos din ang pakikitungo niya sa mga empliyado ng mga Villasis kaya ganun din ang mga ito sa kanya.
Mabilis siyang natanggap ng mga ito na parang matagal na siyang kakilala ng mga empliyado. Natutuwa siya dahil ngayon lang niya naranasan ang maging bahagi ng isang masayang kapaligiran ng walang inaalalang negatibong epekto, yung walang ikinababahala at iniisip.
"Hon, may isusuot na ba ang mga bata sa Friday?" Tanong ni Siege. Nasa loob ito ngayon ng walk-in closet, nagbibihis. Kararating lang nito galing sa trabaho.
"Meron pa naman siguro. Kabibili lang naman nila Mommy ng damit niya. Remember, dinala nila Mommy yang tatlong yan at ipanag-shopping." Sagot ni Brielle. Kapapasok lang nito sa kwarto para tawagin si Siege para maghapunan.
"Kelan?" Mabilis na inilabas ni Siege ang ulo mula sa closet. "How come I didn't know?" Nakakunot ang noo nito.
"Anong how come you didn't know? Kailangan pa bang magpaalam nila Mommy sa iyo na ipagsa-shopping nila anng mga bata?" Natatawang sabi ni Brielle.
Nakasandal siya sa hamba ng nakabukas na pinto ng kwarto nila, may kalayuan sa asawa. Mas mabuti na yung ganito dahil kung isasara niya ang pinto, aabutan na naman siya ng isang oras bago makababa.
Kadalasan patapos na sa pagkain ang mga bata bago pa sila makababa dahil ayaw siyang tantanan ng asawa. He's so impossible to satisfy like an insatiable beast who never get full. Minsan iniisip niya na baka mamaya ay hindi na niya maibigay sa asawa ang gusto nito at bigla na lang itong mawalan ng gana sa kanya kaya kahit minsan na pagod siya ay nagbibigay siya. But lately parang mas nahihirapan siya at hindi niya maintindihan yun.
"Well, first...." Panimula ni Siege na nagpapatuloy sa pagbibihis habang nagsasalita sa loob ng closet nila. "Ini-spoil nila si Brynn, which I'm having a hard time breaking out of it, tapos ang mga nanay natin ay hindi man lang ako bigyan ng pagkakataon na madisiplina muna si Brynn. Nakita mo naman few weeks ago kung paano siyang naging maldita kay Ethan. She can not keep on doing that. Mabuti nga mapagpasensiya itong anak mong lalaki, and thank you for that, eh kung hindi? Eh di palagi silang rambol." Lumabas ng closet si Siege na naka-cargo shorts at white-fitted V-neck T-shirt na.
Natural naglaway naman itong si Brielle. Pareho lang naman silang sakit sa ulo ng isa't isa. Parehong maharot. Parehong walang kasawa-sawa. Parehong... Let's say it in a nice way, if there is a nice way of saying it, MAHILIG.
Eto namang Timothy Siegfried na ito, kahit ano na lang ang porma ng asawa, kahit pawis na pawis o kahit na bagong gising at wala pang toothbrush ay hindi pinapatawad. Katulad na lang nung nakaraang sabado na hiniram ni Virgil ang kambal para dalhin sa Star City at isinama ng mga ito si Manang Seding, natuwa si Brielle dahil makakapaglinis siya ng kwarto. Umalis din si Siege at pumunta sa mansyon ng mga para bisitahin ang kapatid.
Inakala niyang gabi na ito uuwi pero nagkamali siya. Dahil wala pang isang oras ay dumating ito habang siya naman ay nakatuwad na pinupunasan ang mga wooden furniture nila ay bigla na lang nililis ni Siege ang dulo ng sundress niya at dinakma ang kanyang pwet, mabilis na inalis ang panty niya at syempre, alam n'yo na kung ano ang nangyari.
Minsan nga nagtataka na siya kung bakit hindi pa rin siya nabubuntis. Walang proteksyon. Walang pills. Walang kahit na ano, pero eto siya at hindi pa rin buntis. It's not that she's eager to get pregnant, but on a serious note, gustong-gusto na niyang masundan yung dalawa. Kaya nga kahit na anong oras na ginusto ni Siege ay pumapayag siya kahit na pagod siya at antok na antok. Tumatalsik naman kasi ang antok niya kapag nag-umpisang nang mag-ani ng mani si Siege.
"Hon? Hon. Brielle!" Nabalik siya sa kasalukuyan. Malayo na pala ang nilakbay ng maharot niyang isip. Hindi niya namalayan na nasa harapan na niya si Siege. Biglang para siyang kinabahan. Alam na niya ang mangyayari sa kanya. Aabutin na naman sila ng isang oras bago tuluyang makababa para maghapunan. "Are you okay?" Dugtong nitong tanong. Mabilis siyang tumango ng parang wala sa sarili.
"Y-yeah. I-I'm fine." Tinitigan siya ni Siege na matiim. Pinag-aaralan kung ano ang sinasabi ng mga mata ng asawa. Blanko ito at parang ang lalim at ang layo ng isip. Nag-aalala siya.
"Are you sure? You want to talk about it?" Puno ng pag-aalala niyang sabi. Bahagya pang nagulat si Brielle dahil nahimigan na tunay itong nag-aalala sa kanya. Nag-aalanganin man ay nagpahila siya dito para maupo sa kama. "So, now tell me what's been bothering you." Dugtong ni Siege.
"There's nothing really to say." Sagot naman niya. Nahihiya siyang sabihin kay Siege kung ano talaga ang nasa isip niya. Hindi naman kasi importante masyado.
"Brielle, come on, maaaring hindi tayo nagkasama ng pitong taon, pero hindi ibig sabihin na hindi kita kilala. Marami man ang nabago sa paligid natin pero yung tayo, wala pa rin namang pinagbago di ba? Tayo pa rin ito di ba?" Malungkot na saad ni Siege. Nalungkot din naman siya pero hindi naman kasi importante ang iniisip niya. Wala naman talaga yun.
Nalungkot lang siya ng bahagya pero kung hindi pa naman panahon ay okay lang naman sa kanya. Ang inaalala lang naman niya ay baka manawa agad sa kanya si Siege. O maaaring sa tagal nilang hindi magkasama kaya ganun ito sa kanya. Parang nasasabik pa rin, at maaaring lumipas din yun. At yun ang inaalala niya kasi baka kapag lumipas na ang pagsabik nito sa kanya ay hindi na siya nito pansinin.
"Hey. There you are again. Natutulala ka na naman." Pagbabasag ni Siege ng kanyang isipin.
"H-huh?!" Nabigla siya pagpapabalik nito sa kasalukuyan. "I-i am fine." Dugtong niya.
"Honey. I know you are not. Kilala kita eh. Malalim ang iniisip mo. At kahit sabihin mo pang hindi naman importante ang iniisip mo, alam ko pa ring it bothers you. Remember what I told you before? There is no such thing as unimportant thoughts. Lahat yun ay importante lalo pa at ganyang natutulala ka. Come on, tell me what it is." Kilala nga siya ni Siege. Wala naman talaga silang pinagbago. Nagkalayo nga lang sila pero sila pa rin ito. Si Siege at Brielle pa rin sila.
"Well... I'm...Uhm..." Feeling niya ay napaka-helpless niya. Hindi niya tuloy masabi ang gusto niyang sabihin.
"Okay, Brielle. The way you are right now only proves that there is something that bothers you and it is not just unimportant. It may seem nothing to you right now pero sa tingin ko mas malalim pa diyan. Don't worry. Ako pa rin naman ito. Maaaring may hindi pa ako naaalala pero ako pa rin ito. Si Siege pa rin ito. Nalayo lang ako ng matagal pero ako pa rin yung lalaking pinakasalan mo." Mahinahon, malambing at malumanay na sabi ni Siege. Napapalaro si Brielle sa kanyang mga daliri. Sasabihin ko ba? Wala naman lang naman kasi yun eh.
"Quite honestly, wala naman talaga yun eh. Hindi naman talaga importante. Naiisip ko lang talaga pero balewala na yun." She's mumbling. Natataranta na siya ng kanyang pagsasalita. Ayaw niya talagang sabihin ang wala namang kwentang isipin niya na yun dahil napakababaw lang naman nito.
"Brianna Marielle, I am not kidding anymore. Paano tayo magkakaintindihan kung yan lang ay hindi mo pa masabi sa akin? Darating ang time na mahihirapan ka nang magsabi sa akin ng ibang mga bagay, tapos ang mangyayari maiipon, tapos bigla ka na lang sasabog. Can we just be honest and tell each other kahit gaano pa ka-silly ang mga ito?" May hinampong sabi ni Siege. Natahimik si Brielle sa sinabi ng asawa.
"Eh kasi naman eh. Wala naman kasing kwenta yung iniisip ko, bakit ba kasi kailangan mo pang malalaman?" Naiinis na siya. Napanisin ni Siege ang pagbuburyong niya.
"Okay. I am not going to be a nice guy anymore. Spit it out." Seryosong sabi ni Siege.
"Wala nga? Ano ang i-spit out ko wala nga lang ito!" Napangiti ng lihim si Siege. Alam niya kung paanong ipalalabas sa asawa ang nasa isip nito.
"Okay. If that's what you want. Ang sa akin lang eh, wag mo akong sisihin mamaya kung bigla ka na lang sumabog." Sabi niya sabay tayo papuntang banyo. Nanggagagalaiti si Brielle sa kanya.
"Timothy Siegfried! Ano ba talaga ang gusto mong mangyari huh?! Pati ba ang walang kwentang isipin ko ay pagbubuntunan mo?!" Hindi man malakas ang boses niya ang parang pasinghal ang dating nito kay Siege. Napangiti siya ng bahagya bago niya nilingon si Brielle.
"Papaanong naging walang kwenta ang iniisip mo ha, Brielle?! Kelan ka pa anging ganyang?! Dati-rati naman nasasabi mo sa akin kahit na pinakawalang kwentang bagay tapos naaksidente lang tayo at napahiwalay sa isa't isa hindi mo na kayang sabihin sa akin yun?! What about those crazy thoughts that you used to tell me and we just laugh at it?! What about being open no matter what it is?! Nasaan na yung open-communication policy natin? Brielle, hindi na kita maintindihan eh. Minsan okay ka lang at malambing tapos the next ganito ka na, tulala. Ano ang kasunod?" Napapataas na rin ang seryosong boses ni Siege.
"Hindi mo kasi ako naiintindihan eh!" Tumaas na nga ang boses ni Brielle. Siege was somewhat appalled. She is getting riled up. Medyo panicky na si Siege but he likes it. This might make her speak.
Bigla-bigla na lang kasi itong nananahimik tapos matutulala, tapos huhugot ng malalim paghinga tapos parang bigla na lang mawawala sa sarili. Kung hindi ito buntis, ano ang dahilan nito bakit ganito ito.
She shows all early signs of pregnancy minus the nausea and dizziness or fainting spells. Kung hindi ito buntis eh bakit pala-palagi na lang itong nagiging horny. Kadalasan nga ay over the top na, parang katulad lang noong nagbuntis ito sa kambal.
"Paano nga kitang maiintindihan kung wala kang sinasabi sa akin. Hindi mo ako kinakausap." humugot muna ng malalim na paghinga si Siege bago banayad na bumuga. "Brielle, naman. We just got back together a few months ago. I know we are both walking on egg shells pero ang tanong ay bakit? Bakit kailangan tayong maging alangan sa isa't isa? Bakit kailangan magkailangan pa? Hindi naman tayo dating ganito. Edad lang natin ang nabago sa atin. Tayo pa rin ito. Lumaki lang ang mga bata, pero tayo pa rin ito. Pwede ba? Sabihin mo sa akin kung ano ang inaalala mo?" Nilapitan ni Siege ang pintuan, sinara niya ito at ini-lock.
Kinakabahan man si Brielle ay hindi naman siya nagpahalata sa asawa. Naiinis siya dito. Gusto na niya itong hampasin ng suot niyang tsinelas. Nakakairita ang pagmumukha nito. Kung pwede nga lang niyang burahin ang pagmumukha nito ay kanina pa niya ginawa, kaya lang nakakapanghinayang dahil ang gwapo-gwapo nito at mawawala ang nag-iisa nitong dimple. Yun pa man din ang pinakagusto niya sa lahat. WHAT?!
"Wala nga! Ano ba!" Nakasigaw na siya ngayon. Tuamyo na parang gusto siyang sugurin nito at paghahampasin. Galit nang talaga ito sa kanya. Konti na lang.
"Brielle. Don't push me, you wouldn't like what I'd to you." May himig pagbabanta nitong sabi. Nakatitig lang nang matiim ang kanyang mata sa mata ng asawa. Nakikipagtitigan din si Brielle sa kanya. Bahagya siyang lumapit kay Brielle. Bahagya nama itong umatras. Umabante uli siya. Umatras uli si Brielle. Abante... Atras....
"Stop! Diyan ka lang." Pagbabanta ni Brielle sa kanya. Tumigil naman siya. "Okay. Fine. Sasabihin ko na. Basta tigilan mo na ako." Sabi ni Brielle na haltang surrender na sa kanyang pangungulit.
"Okay. Sit down and talk." Utos niya dito. Himig seryoso pa rin. Kung alam lang ni Brielle na iniinis lang siya ni Siege. At dahil naumpisahan na niyang magseryoso, paninindigan na lamang niya yun.
"Nagpapaisip lang ako. It's been months that we have been doing this husband and wife thing pero hindi pa rin ako nabubuntis. Tapos nag-aalala din ako, paano kung dumating yung panahon na magsawa ka na sa akin." Nakayuko lang ito. Hindi napapansin ang paglapad ng ngiti nito na parang nakakaloko. "Kasi naman eh. Ang hilig-hilig mo ngayon. Para kang mauubusan palagi tapos hindi ka... you're can not be satisfied. Paano kung dumating na yung time na hindi na kita ma-satisfy. I was thinking maybe because we haven't seen each other for a long time, tapos... tapos... AY EWAN KO!" Biglang sigaw ni Brielle at umiyak na lang siya. Eto pa ang isang hindi niya maintindihan sa sarili niya, nagiging emosyonal siya ng walang dahilan. Nahihiya tuloy siya. She's not making sense.
"Oh, Brielle..." Kinabig siya ni Siege at mahigpit na inakap. "I could never get tired of you. You are my world. Pregnant or not. You will always satisfy me. With just that smile of yours, nabubuo na niyan ang araw ko. Please stop thinking that way. Nagkahiwalay man tayo, hindi nun mababago ang katotohanang ikaw lang babaeng minahal, minamahal at mamahalin ko, okay. Please stop crying. I love you." Malambing nitong sabi. Nakaupo lang sila sa gilid ng kanilang kama na magkaakap.
"I'm sorry." Mahinang sabi ni Brielle. Napangiti si Siege.
Ayaw mang aminin ni Brielle, alam at ramdam ni Siege na nagdadalantao ang kanyang may-bahay. Hindi niya alam kung bakit hindi napapansin ni Brielle ang pagbabago ng moods nito. Ang paglapad ng balakang, ang pagiging aggressive at super aroused nito sa tuwing nagbe-babe time sila.
"It's okay, Hon." Pag-alo niya dito. Nagpunas ito ng luha at tumingin kay Siege.
"Talaga? Hindi ka magsasawa sa akin?" Tanong ni Brielle.
"Nope." Nakangiti niyang sagot.
"Hindi ka mapapagod sa akin?" Tanong nitong muli.
"Nope." Mabilis niyang sagot. Sigurado lang.
"Hindi mo ako iiwanan?" Tanong ni Breille.
"No--- where did that come from?" Mabilis na tanong sni Siege sa asawa. "Sino naman ang may sabi sa iyong iiwanan kita?" Gusto niyang matawa pero pinigil ang sarili dahil nakita niyang seryoso ang mukha at mga mata nito.
"Wala naman. Naisip ko lang." Nahihiyang sagot ni Brielle.
"Naisip mo lang? Sa dinami-dami ng maiisip mo, yan pa talaga?" Nangungunot ang noo niyang nakatitig lang kay Brielle.
"Eeeiiii! Wag ka kasi." Nakanguso niyang saway kay Siege. Natawa na si Siege.
"What? I was just wondering. Of all the things kasi na pwede mong isipin, yun pa talaga. Bigyan mo nga ako ng isang mabigat na dahilan kung bakit ko naman iisiping iwanan kita o pagsasawaan kita? Brielle, the first time I laid my eyes on you doon sa bakeshop na kaharap ng university ay hindi na kita tinigilan, ngayon pa kaya na you gave me the most wonderful gift a man could ever ask. Feeling ko nga eh, I don't deserve it kasi hindi lang isa ang ibinigay mo kundi dalawa pa. Come on Hon, don't think that way again. EVER." Iniangat niya ang mukha ni Brielle paharap sa kanya at siniil ito ng halik.
Banayag at puno ng pagmamahal. Ilang minuto din yun bago niya ito binitawan. Nagtitigan silang mag-asawa. Ngumiti lang si Brielle kay Siege. Not knowing na pareho silang kinilig ng dahil sa simpleng titigan lang nila.
"I love you, Brielle." Humugot silang pareho ng malalim na hininga.
"I love you more, Siege." Siniil siyang muli ni Siege ng halik. Hindi naman nagtagal ang halik na yun dahil alam ni Siege na kailangan ng kumain ng asawa niya.
Nasa isip pa rin niya ang maaaring buntis nga ang asawa. Hindi pa lang nito napapansin. Pero pupusta siya, malamang sa hindi, buntis ito. At kung siya ang masusunod septuplets dapat. Pero kung hindi kakayanin ni Brielle at ayaw naman niyang maloka ang asawa niya, okay na siya kambal uli, o di kaya ay triplets. Naiingit siya sa kaibigan niyang si DJ na hindi man lang dinahan-dahan, binigla nito ang triplets. But it was just a wishful thinking.
"We are going to see a doctor tomorrow." Biglang sabi ni Siege na ikinalingon ni Brielle.
"Why? Are you sick?" Tanong ni Brielle.
"Nope. It's for you." Simpleng sagot nito tsaka naunang lumabas ng kwarto nila.
"Why?" Hindi na yata narinig ni Siege yun kaya hinabol niya ito.
Mabilis siyang nakarating sa pintuan ng kanilang kwarto para lang bumangga sa malapad na likod ni Siege. Napahimas siya sa kanyang ilong. Tumabi siya para harapin ang asawa. Nagulat siya sa taong nakatayo sa harap ni Siege. Seryoso itong nakatitig sa kaharap.
"What are you doing here?"
--------------------
End of SYBG 48: Reconciliation
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
04.13.18
Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro