SYBG 43
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"Conflict or Dust-up?"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
NATAPOS ang kanilang bakasyon. Well, not really. Napilitan silang bumalik lahat sa Manila dahil sa report na natanggap mula kay Ramon. May nakakita raw kay Miranda sa bahay nito sa Cavite. Mabilis ngunit maingat na nagkanya-kanya ng uwi ang mga iba, maliban kay Aling Carmen.
Hiniling ni Don Fausto na iiwan na lang si Carmen para makasama ng ama ng medyo matagal. Pumayag naman ang ginang at naunang umuwi si Erica at Ella kasama si Virgil at Dean tuluy-tuloy ang mga ito sa bahay ni Virgil. Kasama naman ni Aaron at Margaret ang anak na si Quinn na naging mas tahimik simula ng humingi ito ng nagkagulatan tungkol sa annulment nito. Simula ng araw na yun ay sa Makati na rin ito umuuwi at hatid-sundo mismo ni Siege sa eskwelahan.
Umuwi ng condo ni Brielle sila Alvin, Ryelee at Rylan dahil na rin sa pag-aalalang baka nandun pa ang inang si Miranda sa mansyon nila sa Cavite. Si Siege, Brielle, Ethan at Brynn ay magkakasamang umuwi sa bahay nila sa Parañaque. Nakasunod naman sa isang pang sasakyan si David, Amanda at Mang Asyong.
Oras na para harapin ang totoong buhay, harapin si Miranda. Mabuti na lang at inilipat na nila ng ospital si Ezekiel. Well, actually, inilabas nila sa bansa si Ezekiel nang walang nakakaalam. Sa darating na mga ilang linggo ay lilipad sila Ryelee, Alvin at Rylan pabalik ng Japan. Doon na muna sila titira sa bahay ng mga Villasis hanggang sa mahuli na ang ina at para na rin mapatakbo ng maayos ang Paperkutz - Japan.
Nalusutan nila Ryelee at Erica ang board meeting na yun at nakuha nila ang buto ng walang kahirap-hirap. Gusto lang palang malaman ng tatlong board ang totoong pangyayari. Dahil si Ryelee na mismo ang sumagot ng kanilang mga katanungan ay wala nang mga tanong-tanong pa, agad-agad na pumirma ang mga ito at isinuli ng walang hinihinging kapalit na kahit ano. Masaya na silang wala na ang kamay ni Miranda sa mga ulo nila. Gayunpaman ay itinuloy pa rin nila ang pagpapaliwanag ng proseso ng pagre-reorganize ng Scottsdale Empire.
Bagaman nagulat ang mga ito nang napalitan na ang pangalan ng kompanya mula sa pinaghiwalay na Scottsdale Corporation at Sebastian Ventures sa Scottsdale Empire, masaya namang nagpaalam ang mga ito bilang miyembro ng board at lahat sila ay sang-ayon sa ganda ng plano ni Siege para sa kompanyang pitong taong pinatakbo ni Miranda na halos mawala ang lahat ng mga yun sa Scott.
"Brielle, what do you have in mind. Masyado kang tahimik eh." Tanong ni Siege sa asawa. Tiningnan muna ni Brielle sa rearview mirror ang mga bata bago tumingin sa asawa.
"I don't know. Hindi ko alam kung ano talaga ang iisipin ko." Panimula nito. "Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag hindi pa siya mahuli ngayon." Puno ng pangambang pag-amin nito. Hindi man aminin ni Siege, hindi lang pag-aalala ang nararamdaman niya, puno siya ng takot sa bawat oras ng araw.
"I just hope she won't do anything dangerous to herself." Nabigla si Brielle sa sinabi ni Siege. Parang noong nakaraang dalawang linggo lang ay gustong ilagay ni Siege si Miranda sa sako at palu-paluin na parang piñata habang inapuyan sa impyerno, anong nangyari? Napangiti ng lihim si Brielle. Alam din naman niyang masyadong puso si Siege at hindi nito kayang gawin ang sinabi. But hearing those words coming out of his mouth? She felt different. Different good.
"I hope so, too, Hon." Ang tangi niyang naisagot. Nilingon siya ni Siege. Ganun pa rin si Brielle tahimik minsan at parang walang gana. Para pa ngang napaka-emosyonal ni Brielle lately, but she's somewhat glowing. Iba ang dating ng ganda ng asawa ngayon.
"Hon, give me a true to good and honest answer on this question." Panimula ni Siege.
"If you are going to ask how I feel? Of course I'm scared out of my wits." Malumanay na sagot ni Brielle. Kunot ang noong nilingon siya ni Siege at mabilis din namang ibinalik ang mga mata sa kalsada.
"That's not what I wanted to know." Bahagyang natawa si Siege. Naisip ni Brielle na maaaring hindi na nga galit ang asawa.
"Then what?" Tanong niyang nagtataka. "What I wanted to ask is, bakit ang blooming mo? You glow." Nakangiti nitong palingon-lingon sa kanya habang nagmamaneho ito.
"Anong I glow?" Napataas ang kilay niya sa tinuran ni Siege. "Ano ako bumbilya? Flourescent lamp? Flashlight?" Napatawa siya sa ginawang pagdi-describe sa sarili.
"Ang kulit mo. Halikan kita diyan eh." Asar ngunit natatawang pagbabanta ni Siege sa kanya. Natawa na rin siya.
"Sira! Mag-drive ka muna." Mabilis niyang sagot. Bigla na lang siyang nagulat dahi parang mali ang kanyang nasabi ngunit huli na ang lahat.
Mabilis na dinakma ni Siege ang kanyang harapan at puno ng gigil na sinapo ang malambot na bahagi ng noo ng kanyang pagkababae. Napagsinghap siya dahil sa biglang pagdaloy ng milyong boltahe ng kuryente sa buo niyang katawan.
Nanayo ang kanyang mga balahibo at muntik na niyang makalimutang nasa sasakyan sila, nasa likuran lang nila ang bata dahil napaghiwalay niya ang kanyang mga hita na mabilis niya ring pinagsalikop. Maingat na inalis ang kamay ni Siege mula sa pagkakasapon ito ng kanyang yaman at iginiya ito pabalik sa manibela.
"Concentrate on driving, please." Pakiusap niya. Halos hindi pa niya nailabas ang boses dahil hinihingal siyang lubos. "The kids are at the back." Paalala niya sa malibog na asawa.
"Fine." Sagot naman nitong hindi naman galit, inis lang. "Well, just be honest then. I know you might want to surprise be but I can't wait anymore. It's killing me so much." Pasakalye pa nito. Naiinis si Brielle sa kung ano ang pinupunto ng asawa.
"Sabihin mo na kasi Timothy Siegfried at baka mabatukan na kita! Kanina ka pa eh!" Inis na singhal niya kay Siege.
"Mommy, are you mad at Daddy?" Tanong ni Brynn sa inaantok na boses. Nagising yata ang anak na babae sa lakas ng boses niya.
"No, Princess. Mommy is not mad at Daddy. We are just playing. Go back to sleep." Natatawang utos ni iege sa anak.
"I'm sorry, baby if Mommy is loud. It's Daddy's fault." Pinandilatan niya ng mata si Siege dahil nga nagising si Brynn.
"Daddy, will you please keep it down? Kuya Knight is sleeping." Parang matanda itong napagsabihan sila. Napabungisngis si Brielle sa tinuran ng anak. Napailing na lang si Siege. Mag-ina nga kayo. Hindi na isinatinig pa ang nasa isip.
"Yes, Princess. Daddy will keep it down." Yun lang sinabi at bumalik na uli ang konsentrasyo sa pagmamaneho. Buamlik na rin ng tulog ang bata.
"Yan kasi. Ayaw pang diretsuhin ang itatanong eh. Ang dami pa kasing satsat." Patuloy sa pagtawang sabi ni Brielle.
"Okay. Fine. No beating around the bush." Panimula ni Siege. Tumingin muna side mirror sa parte ni Brielle at tumingin sa blindspot bago lumipat sa inner lane para hindi sila nasa busy lane kung sakaling umayon sa tanong niya ang sagot ni Brielle. "Are you by any chance pregnant?" Napangiwi tanong niya sa asawa. Mabilis siyang nilingon ni Brielle at sinamaan siya nito ng tingin.
"Saan mo naman isawan nakuha yang idea na yan?" Tanong nito na may bahid ng iritasyon.
"Well, for one, you are blooming ang glowing. Second, you are moody and irritable. Third, you always sniff me and/or push me away, depending on what you smelled on me." Pinipigilan ni Siege na lingunin ang asawa dahil ayaw niyang makita ang expression ng mukha o salubungin man lang ang mga tingin nito.
"I am telling you right now, Siege, kung saan man nanggaling yang observation mong yan, pwede mo nang ibalik and take your deposit back, dahil the truth of the matter is I am not and it is very frustrating when I'm thinking I am, dahil may mga cravings and wants ako pero my period started and was done and I had it last month, too." Nakasimangot na si Brielle at napansin yun Siege. Palihim na napangiti si Siege. Hindi niya kasi akalain na gusto na palang masundan talaga ni Brielle ang kanilang kambal.
"Gusto mo na ba talagang masundan ang mga bata?" Malambing na tanong ni Siege. Tutok pa rin sa kalsada pero may saya sa labi niya.
"Hon, just look at us. We are humping like crazy rabbits almost every night, mind you, with no protection or precaution, but we still can't have one. It's been three months... well, it's been seven years. Malalaki na ang mga bata. Gusto ko uli na may inaalagaan na baby. I miss that." Hindi alam ni Siege kung malambing ba ang pagkakasabi na yun ni Brielle o nagmamaktol lang dahil pareho ang tunog nito sa kanya. O dahil iisa lang ang nasa utak niya? Yung sinabi ni Brielle na para silang mga rabbits?
Sa lahat ba naman ng pwedeng niyang ipang-describe ay yun pa talaga? Humugot siya ng malalim na paghinga dahil sa init na nararamdaman. Eto rin naman kasing asawa niya kung makapagbitaw ng salita ay talagang no holds barred. Hindi man lang magtimpi ng kaunti lalo pa at may halos kalahating oras pa ang natitira sa kanilang biyahe bago nila marating ang bahay.
"Gusto mong magpa-check up para malaman natin kung ano ang pwede nating gawin? Kasi I could still remember noon na pinaiiwas tayo sa maraming stress dahil hindi nakagaganda sa body function ng tao yun. Baka hindi pa lang tayo makabuo kasi marami pa tayong inaasikaso at hinaharap." Maulamany niyang panimula. Ayaw niyang ipahalata sa asawa ang nagsusumikip ang pantalon niya.
"Not really. But if I need to, I will. I just don't think it is necessary at the moment, though." Sagot naman niya na walang gana dahil walang dahilan.
"Well, first off, we got kidnapped. We were able surpass that but Tito Red and Tito Zeke got shot, then there's that announcement about Quinn being my sister, tapos sabayan pa nung kay Tita Emilia at Nanay Carmen, na hindi ko akalain na ganun pala. What a small world. Then itong lately na pasabog ni Quinn tungkol sa annulment shit na yan. Kanino siya makikipag-annul? May asawa na ba siya na hindi niya sinasabi sa atin? Ang gulo, Hon. Kaya, I know how frustrated you are, coz I am." Nilingon ni Brielle ang asawang tutok ang mga mata sa kalsada, pero sigurado siyang nakakunot yun. Napangiti siya.
Sino ba ang hindi mai-in love sa lalaking nasa tabi niya? Simula nang naging sila, ni minsan ay wala siyang naging sakit ng ulo dito. Mas problema \ang mga tao sa paligid nila kesa sa kanilang dalawa mismo. Kahit nga ang mga magulang nila ay hindi sila nabigyan ng ikasasakit o problema. Panatag siyang sumandal at pinagmasdan ang mga nadadaanan nila. Pipikit na sana siya para umidlip ng konti nang magsalitang muli si Siege.
"But I promise you, Hon. Kapag nakabuo tayo, sisiguraduhin kong quintuplets yan o di kayo octuplets yan para bawing-bawi na yung nawalang seven years sa atin." Mabilis pa sa pagtakbo ni Flash ang paglingon ni Brielle kay Siege. Nahintakutan siya sinabi nito. Napaisip siya, hindi niya kasi natandaan kung paano siyang nanganak sa kambal, parang pinanayuan siya ng balahibo sa narinig na quintuplets at octuplets na theory ni Siege.
"Ano ako? Inahing baboy?" Bigla niyang nasabi na nagpatawa kay Siege ng malakas. "Diyos ko po, Siege, kung yan ang plano mo sa akin, di bale na lang na wag na akong magbuntis dahil baka bituka, apdo at baga ko ay mailabas sa pag-iri ko." Napatingin siya sa labas ng bintana, napa-sign of the cross, nguni may ngiti sa labi.
Alam niya kasi na sa tuno at pinupunto ng usapan nila, paniguradong wala na naman siyang pahinga sa asawa. Kailangan na ba niyang i-text ang magulang para kunin ang kambal at si Manang Seding para masolo nila ang bahay? O bibiyahe sila sa papuntang Batanes?
Ipinilig ni Brielle ang ulo dahil sa tinatakbo ng maharot niyang utak na sinasabayan ng kanyang kasilanan na hindi matigil sa pag —
Ring! Ring! Ring!
Sabay pa silang napalingon sa center console kung saan nakalagay ang tumutunog na cellphone. Napabuga siya ng maragsang hininga, kinakabahan.
"Hello?!" Mabilis na sagot ni Siege, gamit earbud. Nangunot ang noo nito at nakitaan ng pag-aalala. "Mom, where is she right now?" Pinabagal ni Siege ang takbo ng sasakyan ay tumabi para makausap ang ina ng maayos at para hindi rin ma-destruct dahil sa tawag. "Mom, I don't know where... Well, hindi ko kabisado ang papunta sa tinitirhan niya noon. All I know is Tondo." Napamulagat si Brielle, nagtataka, higit sa lahat, nag-aalala. "Calm down, Mom. I'll call Dean and Virgil. Okay. Thank you. Bye." Pinatay na ni Siege ang tawag na yun.
"What happen, Hon?" Tanong ni Brielle sa asawa. May pag-aalala siyang nararamdaman. Hindi man sabihin ni Siege kung sino ang tinutukoy ng kausap nito sa telepono ay parang alam na niya kung sino. "Is Quinn okay?" Dugtong niya pa.
"Si Quinn? Umalis bahay, in a haste, pagkadating na pagkadating nila. She use my old car." Napaigting ang panga niya habang sinasabi yun.
"Bakit daw? Okay lang ba sa bahay?" Tanong niya. Biglang nawala ang kalaswaang tumatakbo sa utak niya. Napalitan ito ng pag-aalala para sa hipag. Ano ba ang nangyari dun? Saan naman yun pupunta?
"Hello, Dean?" Narinig niyang sabi ni Siege sa tabi niya. Napalalim pala ang pag-iisip niya at hindi niya napansin na tinatawagan na pala ni Siege si Dean. "Where are you right now?" Seryoso at matiim nitong tanong sa kaibigan. "Okay, Text me Quinn's Tondo address and meet me there. On my way with Brielle and the kids. Thanks, Bro." Mabilis na pinatay ni Siege ang tawag at mabilis na pumindot uli ng kung ano sa phone niya.
"Hey, Bayaw. Nasaan ang magaling mong kaibigan?" May bahid ng galit sa tinig ni Siege. "I need you and him at Mom's and Dad's house." Natahimik panandalian si Siege. Nakikita ni Brielle na nagdilim ang expression ng mukha ni Siege. Problema nga ito. Sana naman ay hindi kasing bigat ng mga dinanas nila. "Makati." Ni hindi man lang ito nag-thank you, basta na lang pinatay ang tawag. Gusto man niyang mainis ay hindi niya magawa dahil alam niyang nag-aalala lang ito para sa kapatid. Ganun din naman siguro ang gagawin ng Kuya niya kung sakali siya ang nasa sitwasyong ganito.
"Siege, is everything okay?" Tanong niyang muli sa asawa.
"I hope so. May lalaki daw na naghihintay kay Quinn sa harap ng bahay nila Daddy pagdating nila. Tapos kinausap daw nito si Quinn kahit pinipigilan ni Daddy si Quinn. Pagkatapos na kausapin nung lalaki ang kapatid ko ay basta na lang daw umiyak ito at diretsong umakyat sa kwarto tapos kinuha ang susi ng luma kong kotse at mabilis na nagmaneho palabas. Hindi na daw napigil nila Mommy at Daddy." Patuloy sa pagngangalit ang mga bagang ni Siege.
Nakita yun si Brielle at sigurado siyang talagang galit ito. Pinaandar na nito ang sasakyan at mabilis ngunit maingat na sumabay sa daloy ng mangilan-ngilan na nasa kalsada. Maya-maya ay bumilis na ang takbo nila at parang natatakot na siya hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa dalawang anak na nasa likod natutulog.
"Siege. Hon? Konting bagal lang ang nagpada-drive." Malumanay niyang sabi dito. "We have Ethan and Brynn in the back." Dugtong pa niya. Para namang nabuhusan ng malamig na tubig ang galit ni Siege at lumambot ang expression ng mukha nito, lumuwag ang pagkapit nito sa manibela at bumagal na kahit papaano ang takbo ng sasakyan. Kahit na hindi tumingin si Siege sa kanya ay okay na yun basta kalmado lang itong nagmamaneho.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa kanila sa loob ng sasakyan. Hinayaan niyang balutin sila ng katahimikan na yun. Kailangan ni Siege yun para maikalma ang sarili. Inilapat niya ang kamay sa hita ni Siege na nagpapitlag dito pagkadaiti na pagkadaiti pa lang ng palad niya. Inalis ni Siege ang isang kamay sa manibela at inihawak ito sa kamay ng asawa at buong pagmamahal na nilingon siya nito kahit sandali lamang. Kinuha ang kamay niya at hinalikan ito at muling ipinatong sa hita nito.
"Everything will be okay, Hon." Malambing niyang sabi kay Siege.
"I hope so, Hon. I hope so." Matiim nitong sabi ni Siege.
Mabuti na lang at nasa area na sila ng Valenzuela. Mabilis silang nakarating sa address na itinext ni Dean sa kanila. Pati na rin kung saan sila pupunta. Ngunit pagdating nila doon ay naroon na rin si Dean at Virgil sakay si Ella at Erica, tahimik lamang ang mga ito sa loob ng sasakyan. Nandoon na rin si Mang Asyng na mukhang sila na lang ang hinihintay nito. Tinext pala ito ni Dean para sa mga bata. Nagpalitan lang silang dalawa ng susi at umalis na rin si Mang Asyong kasama ang tulog na kambal.
"Nandito ka Erica?" Tanong ni Brielle nang makalabas ang mga ito sa kotse ni Virgil. Pambasag katahimikan lang.
"Ayaw magpaiwan eh." Napapakamot ng batok si Virgil.
"Hayaan n'yo na ako, Ate Brielle. Nandito lang ako para kay Ate Ella. Alam n'yo naman ito, masyadong selosa." Bulong nito kay Brielle. Natawa siya dahil ayaw iparinig ni Erica ang komento tungkol kay Ella. Narinig niyang ini-lock na ng tatlo ang kani-kanilang mga sasakyan.
"Okay then. Go ahead and lead the way." Salubong ang mga kilay na sabi ni Siege kay Dean. Mabilis na ginagap ni Dean ang palad ni Ella at nauna nang maglakad sa maliit na eskinita kung saan dating nakatira si Quinn.
"Nasaan ang kaibigan mo, Kuya." Malumanay na tanong ni Brielle sa kapatid.
"Nasa condo niya. Sinabi kong wag aalis at kakausapin natin. Mamaya ko na tatawagan kung sigurado nang maiuuwi na natin si Quinn sa inyo o di kaya kanila Tita Marge." Sagot naman ni Virgil sa kanya. Napatango na lang siya. Naiintindihan niya na hindi nila pwedeng isama dito si Luis dahil baka mas lalong hindi nila makausap ng maayos si Quinn. Baka hindi pa sila pagbuksan nito. Lumalakad ang mga araw at mas lalo lang siyang nai-stress sa mga kaganapan sa paligid nila.
Ayos na sana ang mga nagaganap dahil nalaman na nila ang puno at dulo ng lahat, hindi pa rin pala dahil hindi pa nila alam kung nasaan si Miranda. Kahit na sinabi sa report ni Ramon Ybañes na nakita daw ng tauhan nilang pinababantay sa mansion ng mga Regalado ang babae, hindi naman sigurado kung naroroon pa rin ang ginang sa oras na ito.
Maaaring doon nga ito natulog at maaari ding doon ito naglagi. Pero bakit kailangan itong matiyempuhang lumabas ng bakuran para makuha? Hindi ba nila ito pwedeng mkuha? Wala namang ibang kasama si Miranda, di ba? Nag-iisa lamang ito sa mansyon. Walang tauhan. Walang katulong. Wala ng pamilya.
"Wala bang naikukwento si Luis sa iyo, Kuya?" Tanong ni Brielle. Nagbabakasakali siyang may naikwentong bago ang lalaki sa kapatid.
"Wala pa nga eh. Ayoko namang pangunahan siya sa topic na yan. Nag-aalala na nga ako sa kanya. Bumalik na naman yung dating siya nung bigla siyang layasan ni Crys... I mean, Quiin. Naging seryoso na naman ito." Nag-aalalang kwento ni Virgil. "Kung dati ay puro trabaho lang at bahay ang alam. Ngayon naman ay bahay lang." Dugtong ni Virgil. Patuloy lang ito sa pagtahak ng eskinita.
"Malayo pa ba. Dean?" Narinig nilang tanong ni Siege. Nasa unahan niya si Siege, nasa likuran naman niya ang kapatid.
"Medyo malapit na Kuya Siege." Si Ella na ang sumagot. Tumango lang si Siege sa sagot ni Ella.
"Anong ginawa niya noong nagbakasyon siya ng ilang araw? Wag mong sabihin na nagmukmok lang ito sa condo." Batid na may pag-aalala sa boses ni Brielle. Naririnig lahat ni Siege ang pinag-uusapan ng asawa at bayaw.
"You got that part right. Hindi itinuloy ni Luis ang kanyang bakasyon. Simula daw ng makita niyang muli si "Crystal" ay nawalan daw siya ng ganang magpakita sa bahay ng mommy niya at amain dahil naaalala lang daw niya ang ginawa ng amain sa babaeng minahal." Hindi na nakapagsalitang pang muli si Virgil.
"Anong ginawa ng hayop na yun sa kapatid ko?" Madilim ang mukhang tanong ni Siege.
"Well, wala namang masama kung yun ang inaalala mo. Masakit lang talagang magsalita ang amain ni Luis. Matapobre kasi yun. Matagal bago natanggap nun na anak si Luis ng Mommy niya sa unang asawa nitong namatay." Sagot ni Virgil.
"Mapanlait ang stepfather ni Sir Luis?" Nilingon sila ni Ella. Hindi makapaniwala na may mga ganoong tao pa rin pala. "Mabuti at stepfather lang siya kasi mabait naman si Sir Luis kahit minsan maloko ito." Napataas ang kilay ni Dean sa tinurang ni Ella.
"Babe, saan naman galing yun? Pinupuri mo pa siya? Don't you see what he did to Quinn?" Napangiwi ni Brielle at Erica sa sinabi ni Dean. Suminagot naman si Ella.
"Alam mo kung hindi lang ito about kay Sir Luis at Ms Quinn, kanina pa kita iniwan dito." Nakabusangot ang nguso ni Ella. Iwinaksi niya ang kamay na hawak ng binata. Alam naman niyang hindi pansin ni Quinn si Dean pero itong lalaking ito, mas wagas pa maka-react kesa kay Siege. Narinig niya ang pagbuntong hininga ng binata. Maagap pa sa harabas ng hagibis ng buhawing galing ng Colorado ang reaction ni Erica.
"Ate Ella, pwedeng sa akin ka na lang sumabay? i" Bulong ng kapatid na narinig naman ng mga kasama nila.
"Siege, yan ang tinitirhan ni Quinn." Turo ni Dean sa isang maliit na cottage na gawa sa semento at kahoy. Malinis ito at maayos na napinturahan. "Dito na lang kami. Kayo na ang bahalang kumatok." Seryosong sambit ni Dean. Napansin niya ang mali sa sinabi kanina at ini-react kaya mas mabuting magpaiwan na lang sa labas at bahala na kaibigang si Siege ang kumatok.
"Ako na ang kakatok." Malumanay na sabi ni Brielle. Lumapit ito sa pinto at kumatok. May iilang taong lumabas sa kani-kanilang mga bahay para maki-usyoso.
May isang lalaking malaki ang katawang ang lumabas at matalim silang tiningnan nito. Pasimpleng hinila ni Dean si Ella sa tabi nito at agad iniakap ang kamay sa bewang nito pasandal sa kanya. Ganun din ang ginawa ni Virgil kay Erica. Ipinwesto niya ang kasintahan sa likuran niya, bahagyang itinago. Lumapit naman si Siege kay Brielle.
"Crystal? Nandiyan ka ba sa loob? Crystal, ako ito, si Brielle." Tawag ni Brielle mula sa labas ng pinto nito.
"Sino kayo?!" Malakas na tanong ng lalaking matangkad at malaki ang pangangatawan na tadtad ng tattoo.
Sino naman ito?
--------------------
End of SYBG 43: Conflict or Dust-up
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
04.03.18
Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro