Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SYBG 42







🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Annulment"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍







"C-CRYSTAL? C-crystal Camino?" Nauutal na sambit ni Luis. Napatingin si Virgil sa direksyon ng mata ni Luis. Bingo!

"L-luis?" Sabi naman ng isang boses na nakatayo sa pinto. Nakatulala ito. Napatingin si Brielle kay Virgil, ganun din si Virgil kay Brielle. Ganun din ang mga magulang nila pati na ang iba nilang kasama. Biglang nagbago ang timpla ng hitsura nito. Parang biglang naging mapait?

"Magkakilala kayo?" Wala sa loob na tanong ni Ella.

"Hindi!" Matigas na sambit ni Quinn. "Alis na po ako." Magalang niyang sabi at mabilis na tumalikod si Quinn palabas. Mabuti na lang at tinandaan niya ang palabas ng factory. Mabilis siyang nakalabas sa building at naglakad palayo hanggang sa naabot ang malaking gate.

"Crystal!" Sigaw ni Luis. Mabilis itong tumayo para habulin si Quinn. Nagtataka naman si Brielle sa kung ano ang nangyayari. Hahabol din sana siya pero pinigilan siya ng mama niya habang habol naman ni Virgil si Luis. Tahimik silang lahat.

"Mom, why is that man chasing my Tita Quinn?" Tanong ni Brynn.

"Princess, I think it's an adult game of hide and seek." Sabi ni Ethan na ngingiti-ngiti. Mabilis na nilingon ni Brielle ang anak.

"Where did you hear that from, Ethan?" Tanong ni Brielle kay Ethan. Tumahimik ang batang lalaki. He knows he just earned himself a big time trouble from his mom.

"Kuya Knight heard it from Daddy and Tito Dean." Sagot naman ni Brynn para sa kambal.

"What? Why are you listening to adult talk?" Nakapamewang na tanong ni Brielle sa kambal. Nagkatinginan ang mga ito at tumingin uli ito sa ina nila.

"Sorry, mom. We were playing in the room when Tito Dean came and asked dad for advice." Panimula ni Ethan. Talagang matalino ito, at sa edad niyang walong taon ay parang malaking mama na ito magsalita at umakto. "Tito Dean is having a hard time how to talk to Ate Ella. Dad told him that he needs to go straight to the point and stop playing hide and seek." Sabi nito na seryoso ang mukha. Namula naman si Ella.

"Yeah and dad said... Uhm..." Napaisip si Brynn. "He said... Ta--gu--an--ng-feelings. Something like that. I don't know what it meant but Kuya Knight said it was an adult game of hide seek." Bumungisngis ito at sumandal sa kapatid niya.

"Ugh! I'm gonna kill you, Siege." Napapailing na lang na sabi ni Brielle. Biglang bumukas ang pinto. "And you two, stop copying what your Dad and Tito were saying. You are too young for that." Paninermon niya sa dalawang bata. Nawala ang mga ngiti sa labi ni Brynn ngunit tumahimik lang.

"Brielle, I need to follow Luis, get Quinn!" Sigaw ni Virgil sa may pintuan.

"Sige na! Lumakad na kayo ng Kuya mo. Kami na ang bahala sa mga bata." Mabilis salag ni Amanda para hindi na mag-alala si Brielle.

"Ella, set your feelings aside for now. Call Dean and Siege. Don't tell Mom and Dad." Utos ni Brielle kay Ella. Mabilis na tumalima si Ella. Mabilis naman na umalis si Brielle at walang sinayang na oras na sumakay ng sariling kotse. Nakita niyang palabas na rin si Virgil sa parking lot ng pabrika. Nadaanan niya si Mang Asyong.

"Mang Asyong, nakita n'yo po ba si Quinn?" Tanong niya sa matandang driver.

"Pumakaliwa ka, hija. Pumunta ng kanan si Sir Luis." Nagtaka siya sa sinabi ng matanda. Nakita niya ang pilyong ngiti dito. Ano ang ginawa mo, Mang Asyong, huh? Napailing na lang siya at natawa na rin.

"Marami pong salamat, Mang Asyong." Nagtuloy na siya sa kalsada at kumaliwa na. Nakita niya ang mabilis na lakad ni Quinn. Pinabagal niya ang pagpapatakbo ng kotse hanggang makapantay siya dito.

"Quinn! Hop in!" Tawag niya dito. Napaatras si Quinn sa pagtawag niya. Kumalma lang ito ng mapagtantong siya nga ang tumawag at hindi si Luis. Mabilis na lumapit si Quinn sa kotse, binuksan at sumakay na.

"Thank you, Brielle." Sabi nito sa gumagaralgal na boses. Tsaka lang napansin ni Brielle na hilam sa luha ang hipag. Dumukot siya sa center console ng tissue at iniabot sa dalaga.

"Here." Inabutan niya ito ng tissue.

"Thank you." Maikling sagot nito.

"Care to share?" Tanong ni Brielle habang nakatutok sa kalsada ang mga mata ni Brielle.

"Why is he there?" Nanginginig ang boses na tanong ni Quinn nang hindi man lang tumitingin kay Brielle.

"Accountant namin si Luis. Sabi ni Kuya Virgil, he's been working for us since he graduated in college with Kuya." Sagot naman ni Brielle. "Is he someone special to you?" Dugtong niyang tanong. Fishing na kung fishing. Excited lang siyang makaalam ng love life ng isang Pherimae Quinn.

"I don't want to talk about it." Malungkot nitong sagot. Tumango lang si Brielle. She sensed that there is more to those sad eyes. At kung hindi pa handa si Quinn na magsalita ay hindi niya ito pipilitin.

"Okay. Whenever you're ready." Malambing niyang sabi. "I'll just call Mama to take the kids home." Dinayal niya ang number ni Amanda at kinausap ito.

Nang sinagot ni Amanda ang tawag niya ay mabilis niyang sinabi ang gustong sabihin sa ina pati na rin kung nasaan na si Quinn. Pumayag naman ito at napagkasunduan na sa bahay na lang nila sila magkita.

Iniuwi niya si Quinn sa kanilang bahay na hindi naman pinrotestahan nito. Matapos ang ilang sandali ay dumating na rin si Siege na humahangos at nag-aalala. Ilang sandali pa ay magkasunod na dumating si Ella at Dean, si Virgil at ang mga magulang na kasama ang kambal na halos makagsunod lang sila na dumating

"Hon, what happened?" Nag-aalalang tanong ni Siege sa sabay halik sa punong tenga nito. Kandahaba ang leeg, hinahanap ang kapatid. Nasa kusina ang maghipag, gumagawa ng juice si Brielle, habang tahimik lang nakaupo si Quinn.

"Dumating ng maaga si Quinn at ang kambal sa factory. Naabutan niya si Luis, yung head ng financial namin. Nagkagulatan. Nag-walkout yan. Mabuti na lang at naabutan ko." Maikling paliwanag ni Brelle. Nilingon ni Siege ang tahimik at nakayukong kapatid.

"Bakit ka naman nag-walkout? Anong meron?" Kunot ang noong tanong ni Siege, nakatutok ang mga mata ay kay Quinn. Naghintay ng sagot mula dito.

Nakahalukipkip si Siege na nakasandal sa counter ng lababo katabi ni Brielle, napka-intimidating ng dating nito. Nakaupo naman sa dining table si Quinn. Habang nasa dulo ng lamesang yun si Amanda at David kasama ang kambal. Hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang kapatid.

"Iwan ko na muna kayo diyan, ha." Anunsyo ni Amanda na walang pinatutukuyan kung sino ang kinakausap. "Papagbihisin ko na muna itong mga bata para makapag-relax na rin ang mga ito bago pa gumawa ng kanilang homework." Dugtong ni Amanda sabay tayo, akay si Brynn.

"Sama na ako sa inyo, Mahal. Mahirap nang ma-corner sa kwentuhang ito." Mabilis na sumunod si David sa asawa, akay si Ethan.

Naiwan si Siege, Brielle at Quinn sa kusina. Naging sentro na ng kanilang kwentuhan ang kusina simula ng bumalik sila Siege at Brielle sa bahay na ito.

"Okay." Panimula ni Siege pagkaupong-pagkaupo. "Start talking, Quinn." Umandar na ang pagiging Kuya ni Siege na hindi alam ni Brielle na meron itong ganitong mode. Para bang matagal na nitong ginagawa. Parang napakanatural lang nito sa kanya kaya lang ang layo sa Kuya Virgil niya.

"Hon, don't be too harsh on her. You got to remember, you've been a brother to her for just a few days and she's on her own for awhile. Hindi siya sanay sa mga ganito." Paalala ni Brielle. Siege caught himself taking a deep breath and harshly releasing it. Napahilot na lang ng kanyang sentido si Siege. Masakit pala sa ulo ang maging kuya lalo pa't hindi kayo magkakilala nang lubusan.

"I am not, Hon. I am just worried because whoever that idiot is, made her cry. That's all." Malumanay ngunit seryoso nitong saad. Napatingin naman si Quinn sa kapatid.

"His name is Luis Bergante, Kuya." Napatitig silang lahat kay Quinn. Naghihintay na iba pang sasabihin nito, ngunit wala na itong idinugtong pa.

"Luis is my friend. He is also accountant and finance head of Paperkutz." Pahayag ni Virgil. Matalim ang tingin na itinapon ni Siege sa bayaw. Ngumiti lang si Virgil, hindi apektado sa sibat na ibinabato ni Siege. Napansin ito ni Brielle.

"Anyway, kalimutan na muna natin yan. Don't force her to say anything hangga't hindi siya ready." Matiim na paalala ni Brielle sa asawa. "Siege? Nagkakaintindihan ba tayo?" Dugtong niyang may panlalaki ng mata at diin.

Napabungtong hininga na lamang si Siege. Hindi siya makaangal. How can he argue with his beautiful wife? Impossible, lalo pa't nagiging tigre ito. He is not going to be in the middle of her mood swings. Marami na ang nangyayari. Masyado na itong stress at hindi na siya dadagdag pa dun. Tama na ang mga problemang kinakaharap nila sa ngayon, isa-isa lang, mahina ang kalaban.

"Ano na ang balita sa hotel?" Tanong ni Virgil.

Napailing si Siege. Halatang atat lang na may malaman ang bayaw dahil hindi pa sumasagot si Erica sa mga text at tawag nito pero ang totoo, inilalayo niya ang isip ng bayaw sa pagtosta sa kapatid at sa usapang Luis-Quinn. Tama na muna ang mga ito.

"Bayaw, okay lang si Erica. Nasa training yun kanina with Mom and Carl tapos text ka ng text. Kinuha ni Mommy ang phone ni Erica kasi ang kulit mo daw." Natawa si Siege sa bayaw niya na ngayon ay kakamot-kamot ng ulo.

"Ano siya? High school student para i-confiscate ang phone niya?" Natatawang turan ni Virgil kahit na nakakunot ang noo.

"Oh, one more thing. Ryelee and her are such a good team. They may be able to get the board to meet by Wednesday. Fast learner yang girlfriend mo, huh. Matalino. Hangang-hanga sila Daddy at Mommy sa kanya. Baka nga bigyan ni siya ni Mommy ng permanenteng position." Dugtong pa ni Siege. Napangiti naman si Virgil sa narinig na compliment patungkol sa girlfriend. Liyad-dibdib ang mokong. Natawa si Brielle, napangiti naman si Quinn.

"Kuya Siege." Biglang parang tinambol ang puso ni Siege sa pagtawag sa kanya ni Quinn ng Kuya. Nakakapanibago pa ring pakinggan kahit ilang beses na yun ang tawag nito sa kanya.

"Yes, Quinn?" Masayang sagot ni Siege. Natutuwa si Brielle sa sayang naririnig sa boses ng asawa. Puno ng pagmamahal at lambing.

"Pwedeng dito na muna ko sa inyo?" Tanong nito. Nagkatinginan ang tatlo. Sunod-sunod na tango ang binigay ni Brielle kay Siege.

"Sure, sweetheart. You can stay here as long as you want." Masayang sagot ni Siege sa kapatid. "You can use the guest room sa tabi ng kwarto namin. Lilipat na ang mga pamangkin mo sa sarili nilang mga rooms." Simpleng dugtong nito.

"Hon, be nice okay? Tutulungan ko lang si Manang Seding na mag-ayos ng kwarto ng mga bata." Paalam ni Brielle.

"Pwedeng ako na lang ang tumulong kay Manang?" Pagpiprisenta ni Quinn. Nagkatinginan ang mag-asawa. Tinanguan ni Brielle si Siege. Labag man sa loob ni Siege dahil gusto pa niyang kausapin ang kapatid ay hindi naman niya ito tinutulan.

"Manang Seding." Malumanay na tawag ni Siege sa kanilang 45 anyos na katiwala. Sumilip ito sa pintuan ng kusina.

"Ano yun, hijo?" Nakangiti nitong tanong.

"Manang, naayos na po ba ang kwarto ng kambal?" Seryoso man ang pagkakatanong ni Siege at malumanay naman ang punto nito.

"Kanina ko pa naayos, hijo. Tinulungan ako nung mga naghatid dito ng mga bagong kama nung kambal. May ipapagawa ka pa ba sa akin, Siege?" Malambing na tanong nito. Natutuwa si Brielle sa kasambahay na ito dahil parang Nanay din lang ang dating nito sa kanila.

"Manang, pwede po ba akong tumulong sa inyo para maayos yung guestroom?" Mabilis na tanong ni Quinn. Napatingin ang mga nagtatanong na mga mata ni Manang Seding sa dalaga at kay Siege.

"Manang, dito na muna titigil si Quinn. Yung guestroom po ang gagamitin niya." Mabilis na singit ni Brielle. Tumango naman ito kaagad at ngumiti.

"Halika na, Ineng. Samahan na kita." Masiglang sagot ni Manang Seding. Bahagyang ngumiti si Quinn at sumunod na kay Manang Seding.

"Ate Bri, doon na muna ako kanila Nanay ako matutulog ngayong gabi." Pagpapaalam ni Ella.

"Bakit?" Tanong ni Siege.

"Para makapag-bonding kayo ng maayos ni Ms. Quinn." Simpleng sagot nito. Napatitig lang si Siege sa kanya. Maging si Brielle ay ganun din pero hinayaan na lang nila. Sabay pa silang tumango-tango bilang pagpayag.

"Ako na ang bahala sa kanya. Uuwi na rin naman ako mamaya-maya." Presinta ni Virgil. Ganun din naman. Doon din naman ang uwi ng mga ito. Balik Cavite na kasi sila Virgil.

"Sigurado ka, Kuya? Pwede ko naman siyang ipahatid kay Mang Asyong mamaya, nandiyan din naman si Dean." Sabi ni Brielle habang inihahanda ang gagamitin niya sa pagluluto ng hapunan nila.

"Yup. I'm sure. Doon din naman ako uuwi eh. Hinihintay ko lang na mag-text si Erica para masundo ko." Abot-tenga ang ngiti ni Virgil habang nagsasalita.

"Naghihintay ka talaga sa text ni Erica?" Hindi alam ni Brielle kung naglalaro lang itong si Siege dahil kanina pa ito mukhang seryoso.

"Bayaw, okay ka lang ba?" Napuna din pala ni Virgil na parang may kung anong iniisip ito.

"Okay lang ako, Bayaw. Pero ang hindi okay ay yung sinasabi mong kaibigan mo yung nagpaiyak sa kapatid ko. Ano ba talaga ang kwento? May alam ka ba?" Diretso na tanong ni Siege. Bumunot ng malalim na paghinga si Virgil. Humila ng upuan si Virgil at umupo tawid kay Siege.

"Ang totoo niyan, hindi ko talaga alam ang buong kwento ni Luis at ng girlfriend nito. Kilala ko lang yung Crystal sa pangalan. I didn't put two and two together up until earlier today noong pumunta doon si Quinn. After na nagkagulatan yung dalawa. Nag-walkout nga si Quinn tapos sinundan siya ni Luis. I got a hold of Luis but I couldn't make him talk." Kwento ni Virgil.

"Wala siyang sinabi kung ano ang nangyari sa kanila ni Crystal... I mean ni Quinn?" Pati tuloy si Siege ay nalilito na rin. Una nga naman nakilala ito bilang Ms. Crystal Camino, tapos ngayon Quinn.

"Basta ang alam ko sa kwento niya noon. May girlfriend na raw siya from a different university. Nakilala daw niya doon sa part time job nung babae. Nagkaligawan, in the end, naging sila. Later on, ipinakilala niya si Crystal sa pamilya niya. Yung Mom niya at mga kapatid ay okay daw sa kanyang girlfriend, gusto daw nila ito, pero yung stepfather niya ang ayaw dun sa babae kasi nga mahirap lang daw ito at ulila pa. Walang magulang at baka kung saan lang daw ito nanggaling. Hindi sinabi ni Luis doon sa babae ang tungkol sa pag-ayaw ng amain dahil hindi naman importante ang opinyon ng amain para sa kanya. Ang mahalaga daw sa kanya ay gusto at kasundo ng Mommy niya ang kasintahan." Magaang kwento ni Virgil sa mga nalalaman.

"Eh di ayos na." Singit ni Siege. Umiling ng mahina si Virgil.

"That's what he thought but no. She found out later on kasi pinuntahan mismo ng stepfather ni Luis sa pinagtatrabahuan ni Crystal at pinagsabihan na hiwalayan si Luis dahil kung hindi daw ay pagsisisihan daw nito ang lahat. Luis came to visit her and she broke up with him. She quit that job the following day and left. Umalis din ito ng tirahan and that was the last he saw of her up until today. He went back to her work place at doon niya nalaman na hinaras pala ito ng amain sa trabaho kaya nag-resign." Salaysay ni Virgil. "He was crying when I caught up with him sa kanto kanina. He was happy and excited at same time na malaman na at least naka-graduate pala ito at okay na ngayon ang buhay. Gusto niya lang humingi ng tawad para sa ginawa ng amain niya. Ayaw na niyang dagdagan pa ang sakit ni Crystal kaya kahit na gusto niyang hanapin ito, ay pumayag sa sabi kong hayaan na muna si Crystal. He let her walk out on him before thinking it was the best for her. Pero ang alam ko, hinahanap pa rin niya ito ng pasikreto. Alam kasi niya kung ano ang kayang gawin ng amain. And now he is letting her slip away again, nakakaawang Luis. He just watched Crystal get picked up by Brielle." Hindi niya alam kung makakatulong ba ang pagkwento niya sa alam niya o hindi.

"Ang babaw naman ng stepdad niya. What about Luis? Hindi ba niya ipinaglaban si Quinn?" Magkasalubong ang kilay na saad ni Brielle.

"He did. He left his home, again. Got himself a job to continued his studies, but what can he do kung mismong si Quinn na ang ayaw magpakita?" Oo nga naman. Ano nga naman ang magagawa nito?

"Ganun lang? Sumuko na kaagad siya? Hindi niya pinilit hanapin si Quinn? Ang hina pala niya eh." Humalukipkip si Brielle dahil sa inis. Iniisip pa lang niya ang pinagdaanan ng hipag, hindi lang yung nawalay siya sa pamilya ay nahiwalay din siya sa taong minamahal. Ang sakit kaya nun. Alam niya yun kasi dinanas niya rin.

"Actually, he didn't stop. He never stop. Kasi nung wala pa kayo dito, every weekend hinahanap niya yung babae. Minsan nga isinasama pa niya ako. Iniisa-isa niya ang mga baranggay sa bawat siyudad na mapuntahan niya mula doon sa Tondo hanggang sa kung saan siya abutan ng gabi. Nakarating na siya ng Tagaytay, Antipolo, Cavite. Sinubok niya rin ang buong Maynila, Caloocan, Valenzuela. Umabot na rin siya ng Bulacan, hanggang Pampanga. Kaya nga alam niya kung saan yung mga kalakalan at mga recycling places dahil sa paghahalughog niya kung saan-saan mahanap lang ang girlfriend niya. Damn! Ngayon ko lang talaga nalaman na yung Crystal na girlfriend niya at si Ms. Crystal na teacher ng mga pamangkin ko ay iisa." Maghabang salaysay ni Virgil. Napahugot ng malalim na paghinga si Siege at bumugang hindi alam ang iisipin.

"Wow. So, anong ang isyu ni Quinn?" Tanong ni Brielle sa kapatid. Tahimik lang si Siege na nakikinig.

"I don't know. Pero sa assumptions ko, nasasaktan pa rin hanggang ngayon kasi mahal pa rin siguro ni Quinn ang mokong na yun. Ganun din naman yata si Luis. Pareho lang sila." Parang pagod na sumandal si Virgil matapos na sagutin si Brielle.

"Paano mong nasabi?" Tanong ni Brielle.

"Walang ibang naging girlfriend yan kundi yung ex niya. At kung tama ako, si Crys... I mean, si Quinn yun." Sagot ni Virgil.

"He's still stupid." Galit na turan ni Siege.

"Well, maybe he is and maybe not. Hindi natin alam ang talagang nangyari sa kanila. Only they knew the depth of the situation. Kung tama ang kutob ko at sa kalidad ng stepfather ni Luis, maaaring may pananakot na nangyari." Kibit-balikat na paliwanag ni Virgil. Natahimik si Siege, nag-iisip.

"Bakit ba ganyan ang tao? Bakit mas gusto nilang makasakit ng kapwa kesa mamuhay ng walang problema? Hindi ba sila napapagod maging masama, maging sakim, maging mapag-imbot? Bakit hindi na lang sila maging masaya para sa kanilang kapwa?" Madamdaming litanya ni Brielle. Naaalala ang sariling karanasan.

"Well, ganun talaga. May mga tao talaga na mas nakakagaan sa puso nila ang makapang-api, makapanakit at isa naroon ang stepfather ni Luis at ang pinaka masama sa lahat ay si Miranda. Sana lang ay matapos na ang gulong ito. Madali lang namang masolusyunan ang problema ni Quinn pero ang problema n'yo kay Miranda ay medyo mahihirapan tayo dahil hindi pa rin siya nahahanap." Maging si Virgil ay nalungkot para sa kaibigan at hipag ng kapatid. Naaawa din siya kay Siege at Brielle dahil hindi pa man tapos ang problema ng mga ito, meron na namang bago.

"Kuya, ano kaya ang pwede nating gawin para makatulong tayo sa kanila." Umupo si Brielle sa tabi ng kapatid.

"Wala tayong gagawin." Biglang nagsalita si Siege. "I know I wanted to protect her but I think you are also right. This is her battle and there's nothing that we can do or going to do hangga't hindi siya handa. And I really do believe na hindi pa siya handa. Nasaktan siya." Malungkot ngunit mapang-unawang pahayag ni Siege na ikinangiti ni Brielle kahit alam niyang pilit nitong itinatago ang galit.

"Virgil, I don't know what your friend is thinking or feeling at the moment. Kahit puntahan ko siya ngayon para bugbugin, hindi ko yun gagawin, kasi alam ko kung paanong mahadlangan, mawalan, maghanap at umasa na sa sana ang lahat ng iyon ay masamang panaginip lang." Madamdaming dugtong ni Siege. Ang mga pinagdaan nila ang naging batayan niya para unawain ang kapatid at ang sinasabing ex-boyfriend nito.

"Siege, hindi ko rin alam ang buong kwento. Ang mga sinabi ko ay ang mga alam at nasaksihan ko sa araw na araw na ginawa ng Diyos ay hindi tumitigil si Luis sa paghahanap kay Crystal, I mean, kay Quinn. Dang it!" Natawa si Brielle sa pagtutuwid ni Virgil sa panglana ni Quinn.

"Ilang buwan din kasing sa akin mna tumira si Luis nung umalis siya sa poder ng ina at amain. Hindi niya kinaya ang ginawa nitong pakikialam sa buhay nilang magkapatid. Wala rin naman nagawa si Tita dahil may nakababata pang kapatid si Luis. Ang alam ko lang ay nakiusap si Luis sa Mama niya na bayaran lang ang kanyang tuition ng buo kung kakayanin nito at siya na ang bahala sa sarili at sa kanyang araw-araw. That's all I know. Simula noon ay hindi na rin nagkwento pa si Luis ng tungkol sa paghahanap niya kay Quinn. He graduated college after me, so I went for a review for my licensure and left him in my house. I didn't see him for almost two years and when I did, I offered him a job sa papaerkutz. Pero ibang Luis na ang nakikita ko. Mapagbiro pa rin naman siya minsan pero wala na yung bubbly na Luis na katropa ko noong college. Palagi na lang itong tahimik, malalim palagi ang iniisip at pa-mysterious ang dating. Then these past two years palagi na siyang ngumingiti at nakikipagbiruan kahit konti but still not the same." Ininom ni Virgil ang natitirang juice sa baso na inabot ni Brielle sa kanya.

"Baka naman naka-move on na siya." Inis na deklara ni Siege.

"I don't think so, Hon. Iba yun nakita ko sa mga mata niya nung makita niya si Quinn eh. It's like a mixture of happiness and excitement and at the same time kaba. Parang may something na hindi mo mawari. Para bang finally the search is over, na eto na siya. Na si Quinn na mismo ang nagpakita sa kanya. Para bang destiny, finally, is now doing its job na hindi nito nagawa dati, because the timing was so off. Something like that." Parang napapantasyahang sabi ni Brielle. Nakatingin lang ang asawa at kapatid sa kanya. Nagkatinginan ang mga ito at bumunghalit ng tawa.

"You guys are jerks!" Nakanguso niyang singhal sa dalawa. Mabilis pa sa kidlat ni Haring Zues na umakap si Siege kay Brielle at inalo siya ng mapipinong halik sa leeg, pisngi, tenga, noo, ilong, mata at labi. Napailing na lang si Virgil.

"I got to go. Nakakadiri kayo!" Sigaw nitong sabay talikod para lumabas na ng kusina. "MA! PA! Alis na po ako!" Sigaw ni Virgil sa mga magulang na maaaring hindi naman narinig ng mga ito. "Wag kayong pupunta sa kusina, may porn na nangyayari!" Tumatawang Dugtong nito sa gitna ng salas bago tuluyang lumabas ng bahay. Lumulan ng kotse at lumabas na bakuran ng kapatid.

Makalabas ng malaking gate, nakita niya sa kabilang bahagi ng kalsada, mga ilang metro ang layo, ang nakaparadang pulang kotseng. Heavily tinted ito at kilang-kilala niya ang kotseng ito. Huminto siya sa mismong tabi nito, na parang kinokorner niya ang sasakyan, pumantay siya dito, driver sa driver. Kaibigan sa kaibigan. Ibinaba niya ang bintana at ganun din ang ginawa nito.

"Kamusta, Brod?" Tanong ni Virgil sa lalaki.

"Ewan ko, Brod. Ano ba ang dapat kong isagot?" Tanong nito pabalik.

Lingid sa kanila ay nakikita pala sila ni Brielle at Siege mula sa bintana na kwarto ng mga ito. Nakita kasi ni Siege kanina na matapos na makalabas sa gate ang bayaw ay umatras ito. Tinawag ni Siege si Brielle at magkapanabayang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila. Nakahimpil ang pulang kotse sa harap mismo ng bintana ng guestroom.

Nagkatinginan ang mag-asawa. Kung tama ngang ito ang lalaking tinutukoy ni Virgil kanina sa kwentuhan nila, nakakawa itong nakatanghod sa bahay nila. Kahit na naawa siya dito hindi naman ibig sabihin na hahayaan niya ang kapatid na mapalapit ng ganun-ganun na lang muli sa dating kasintahan.

Hindi niya alam ang totoong namagitan sa dalawa noon. Kung may higit pang nangyari maliban sa kwento ng bayaw, yun ang gusto niyang malaman. Yung ang gusto niyang intindihin, dahil kung ang kwento lang ang kanyang pagbabasihan, mukhang napakababaw lang na dahilan ang paghihiwalay ng dalawa.

"Hon, ano kaya ang pinag-uusapan nila ni Kuya?" Naputol ang kanyang pag-iisip nang magsalita si Brielle.

"I don't know, Hon. Naaawa man ako sa Luis na yan, kung siya nga yan, pero nasa kapatid ko pa rin ang damdamin ko. She might have been hurting so bad and she doesn't have anybody to talk to, to cry on, to vent out to. Kawawa naman ang kapatid ko. Mas lalo tuloy akong nagagalit kay Miranda. Nang dahil sa ginawa niya, basura ang tingin ng ibang tao kay Quinn." Nag-iigtingan ang mga bagang ni Siege sa kaisipang hindi dadanasin ni Quinn ang panglalait dito kung hindi ito kinuha ng wlaanghinyang Miranda sa poder ng mga Scott.

Kita at ramdam ni Brielle ang sama ng loob, panghihinayang, inis at galit na ngayon ay nahuhulog na sa pagkapoot. Nakakuyom ang mga kamao nito. Kinabahan si Brielle.

"That motherfǔcking bitch is going to pay so dearly for what she did to my family. Sisiguraduhin kong hindi lang siya sa impyerno masusunog!" Nagngangalit ang mga bagang na dugtong ni Siege.

"Hon, hayaan mo na sa Diyos ang paghihiganti. Ipagdasal na lang natin na makita na siya at nang matulungan siya para gumaling." Malambing na paalala ni Brielle kay Siege. Hinahaplos-haplos pa ang likod ng asawa.

"I know, but I still have to get her for Quinn's sake. Wala na sa akin yung nasaktan tayo sa ginawa niya sa atin, nandito ka na ngayon at ang mga bata, kaya kahit papaano ay okay na ako, but not with Quinn. Twenty six years ang kinuha niya sa kapatid ko, naghirap sa buhay, nag-isip kung bakit siya itinapon ng ganun-ganun lang. Twenty six years na nangulila si Quinn sa sariling pamilya at sisiguraduhin kong mahigit pa sa twenty six years ang pahirap ang dadanasin ng isang Miranda Regalado. Mahigit pa sa impyerno ang ipalalasap ko sa kanya at mas gugustuhin niyang patayin ko na lang siya!" Mas lalong nagngangalit ang mga bagang ni Siege sa salitang lumabas sa sariling bibig. Kinilabutan si Brielle sa mga naririnig mula sa asawa.

"Hon, I know it is hard. Compared to what Quinn had gone through, our family, I mean us and Kuya Virgil..." Tumigil si Brielle na magsalita. Hindi maapuhap ang tamang salita na pwede niyang gamitin sa sitwasyong ito bago muling nagsalita. "I can't just imagine or really put myself into her shoes kasi hindi kami si Quinn. Hindi ganun kasakit ang nangyari sa atin na kahit napaghiwalay tayo, may mga pamilya tayong kasama, nakaantabay. Kuya Virgil has Tita Mari, Lola Juaning and his Titas. Tita Mari dealt with her situation in a more mature way. But Hon, paiiralin mo ba talaga ang galit diyan sa puso mo? Paano naman ang pagmamahal na meron ka sa kapwa? Mawawala yun kapag itinuloy mo yan. Always remember the likes of Miranda Regalado. All her life she lived in hate and anger. Whatever small love left in her heart, flew the coop." Para namang lumambot ang puso ni Siege sa tinuran ng asawa. Kinilabutn siya nang ipinaalala nito ang mga nangyari sa kanila dahil sa kakagawan ni Miranda. Bigla ay tinunaw nito ang namumuong galit sa kanyang puso.

He knew from the start, the moment he laid his eyes on this beautiful sultry seductress wife of his, she would always give enlightenment to his poor and mad reasoning. She will be the light that shines whenever he will need it in times of darkness and doubts. She will be the ray of sunshine and rainbow that gives hope after the storm.

"I'm sorry, Hon. I just can't help myself thinking of what might have been kung dito sa amin lumaki ang kapatid ko. Siguro hindi niya dadanasin na laitin ng amain ni Luis." Nagdidilim na naman ang isip ni Siege. "Ang walanghiyang yun. Wag ko lang siyang makilala at ipapakain ko sa kanya ang bawat haligi ng Scottsdale Empire at hindi ko hahayaan na may masayang na kahit isang bahagi nito para malaman niya kung sino ang nilait-lait niya. Ipapaubos ko sa kanya lahat hanggang sa makilala niya si Pherimae Quinn Alvaro Scott, ang nag-iisang prinsesa ng Scottsdale Empire, of course, Brynn is next. Pero hindi ko siya titigilan hangga't hindi niya naisasaksak sa kanyang makitid na kukote na hindi isang hamak na pulubi ang kapatid ko. At kahit na hindi pa siya isang Scott, wala pa rin siyang karapatang lumait ng anak ng Diyos. Hayop siya!" Determination is written all over his words and it is full of determination, not to clear his sister's reputation but to make it clear na hindi basta-basta ang Prinsesa ng Scottsdale Empire. Nakabuo ng plano sa isip si Siege at hindi niya sasabihin sa asawa ang buong detalye.

"Hon, what did we learn from what we went through? Are we really going to go that route? An eye for an eye, a tooth for a tooth? Is this how it's going to be? What about Ethan Siegfried and Rylan Vin? Are they going to see that all the time. Gantihan? Dahil masama ang ginawa ng lola ni Ryaln ay ganun din ang gagawin ng Daddy ni Ethan? What kind of example are we trying to show the kids here? What about Athena Brynn? Is that what are you going to show her? Hon, we went through pains and heartaches, so what. Buo na tayo ngayon. Nandiyan na rin si Quinn. Wag nating ipagpatuloy pa yun." Malambing na saad ni Brielle. Hinarap niya ang asawa at maingat na hinapit ito. Akmang hahalikan na niya ito nang biglang may kumatok sa pinto nila.

"Ugh!" He grunted in frustration. Papatayin ang istorbong yun. "Who's that!" May galit sa boses nito. Napahagikhik si Brielle.

"Your face is so red, Hon. Are you mad?" Tanong nito na parang nag-aasar pa.

"Brianna Marielle! You will be sorry for taunting me!" Sagot naman niya kay Brielle. Makikita mo ang tinitiis na pagnanasa sa mga mata nito.

Biglang nag-init ang katawan ni Brielle na mabilis na umakyat sa mukha sa nakitang expression sa mga mata ng asawa. Napahilot siya sa kanyang batok dahil sa pinipigil na panggigigil kay Siege. Gusto niya itong sunggaban kung hindi lang sa kung sino ang nasa kabilang bahagi ng pintuan. She felt the frustration that Siege had felt not a while ago.

"WHAT?!" Bigla nitong sabi sa pagbubukas ng pinto. Nagulat sila sa luhaang mukha ni Quinn na nakatayo sa harap niya. Mabilis na lumapit si Brielle at Siege sa kapatid.

"Quinn? Is everything okay?" Nilapitan niya ang hipag at hinimas ang likod nito.

"Kuya, I need a lawyer." Simple nitong saad sa pagitan ng paghikbi.

"What? Why?" Naguguluhang tanong ni Siege.

"I need it to protect me and my rights." Nagulat silang pareho sa sinabi nito.

"Wait. What? Teka... ang gulo, Quinn." Nahihilong sabi ni Siege. "Hindi mo kailangan ng abogado dahil ibibigay namin sa iyo ang karapatan mo bilang Scoot kahit hindi mo ito hingiin." Maagap na paliwanag ni Siege. Ganito ba ang naging epekto ng pagkakakitan ito sa dating kasintahan para hingiin na ngayon mismo ang mana nito?

"I said, I need the best defense lawyer in the country." Maliwanag niyang narinig ang sinasabi ng kapatid at ang hinihingi nito. Kinakabahan siya.

"I heard what you said the first time. What I wanted to know is what is the lawyer for? And why do you need one?" Tanong niya dito. Diretso lang itong nakatitig sa mata niya. Puno ng galit, pagmamahal, takot at determinasyon.

"I need someone to defend me in court." Napatda si Brielle at Siege. Pagkapatdang naguguluhan.

"Anong lawyer? Anong korte?" Narinig niyang tanong ni Amanda. Nandun na pala ang Mama ni Brielle.

"I have a good one. The best in the country and in Asia." Why do you need it, Quinn?" Tanong ni Aaron.

"I need someone to defend me with the annulment proceedings." Ngulat na nagkatinginan silang lahat sa sinabi ni Quinn.

"Annulment?!"





















--------------------
End of SYBG 42: Annulment

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖~ Ms J ~💖
03.28.18

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro