Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SYBG 40





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Reasons, Realizations, Relief"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"Ryelle Blaire Regalado Montemayor!" Biglang nagtinginan sa kanila ang mga kasama sa kusina. "Stop the crying already! Si Tita Miranda ka ba?" Dugtong niyang tanong dito. Napatuwid ito ng upo. Matamang tumitig kay Brielle.

"No." Mahina nitong sagot kahit sumisigok-sigok pa ito dala ng matagal na pag-iyak.

"Ikaw ba ang pumatay sa kapatid mo?" Si Brielle. Nakikinig lang ang iba sa kanila.

"No." Si Ryelee. "She died because she was weak." Naguguluhan man ay sinasagot pa rin ang tanong ni Brielle.

"Let's pretend that your sister is a very healthy infant. Were you the one that swapped them?" Muling tanong ni Brielle.

"No." Nalilitong sagot ni Ryelee.

"Ikaw ba ang kumuha kay Pherimae?" Si Brielle uli, nagtatanong.

"No." Sagot uli ni Ryelee.

"Ikaw ba ang nagbigay sa kanya kay Glenda Camino?"

"No."

"Ikaw ba ang pumutol ng break line ng truck?"

"No."

"Ikaw din ba ang pumutol ng steering wheel fluid line?"

"No."

"Ikaw ba ang nag-iwan ng anak mo sa gitna ng snow?"

"No... Yes... No... I don't know," Nalilitong sagot ni Ryelee. Hindi alam kung ano ba talaga ang pinupunto ni Brielle pero hindi rin naman siya napipikon dito.

Kahit na noon pa man ay hindi niya talaga kayang magalit kay Brielle kaya nga mas naiinis pa siya sarili kesa kay Brielle.

"Ikaw ba ang nagmanipula ng lahat para palabasing patay kami ni Siege?" Napatulala siya kay Brielle.

"No. Of course not." Sigurado siya sa sagot na yun dahil yun ang totoo. Wala siyang alam. She have an idea later on na ganun nga but she did not know at first.

"Eh, kung hindi ikaw, bakit mo sinisisi ang sarili mo? Bakit ikaw ang umaako ng kasalanan ng nanay mo? Bakit ikaw itong parang tangang iyak ng iyak dito sa harapan namin gayung ang tangi mo lang naman na naging kasalanan ang gustuhing mahalin ng mommy mo. Ang kasabihan nga, ang pagsunod sa mga nakatatanda ay tanda ng pagmamahal at respeto." hindi umimik ang lahat maliban kay Alng Carmen.

"Tama at mali." Simple nitong sagot. "Tama, dahil sinabi sa ikalimang utos ng Diyos, "Mahalin ninyo ang inyong mga magulang." Patunay na ang pagsunod at pagrespeto sa mga magulang ay pagsunod at pagrespeto sa Diyos. Mali kung taliwas sa inuutos ng Panginoon ang ginagawa ng mga ito. Katulad na lang ang paglabag sa ikaanim na utos, "Wag kayong papatay." Magmula diyan hanggang sa ikasampung utos at tahasan ng nilalabag ng mga tao.

"See? Bakit ikaw ang aako sa kasalanan ni Tita Miranda gayung hindi ka pa naman ipinapanganak ng mag-umpisa ang lahat ng ito, at kung sakali man, hindi naman ikaw ang nagplano at nagsakatuparan ng lahat ng mga nangyari." Natahimik ang lahat sa mga sinabi ni Brielle. Maging ang mga nakatatandang nandun, maliban kay Aling Carmen, kasama na ang mga magulang niyang kapapasok pa lang sa kusina at narinig ang mga tanong at sinabi niya kay Ryelee ay hindi nakahuma.

"Ikaw ba ang bumaril kay Tito Red?" Napatingin muna siya sa biyenan tsaka umiling.

"No." Sagot niya.

"Ikaw din ba ang bumaril sa daddy mo?" Bahagyang natahimik si Ryelee bago muling sumagot.

"No." Muli niyang sagot na sinundan ng pagtikhim.

"O yun naman pala eh. Bakit ikaw ang humingi ng patawad sa lahat ng yun?" Tanong ni Brielle sa kaibigan.

Inilibot ni Ryelee ang paningin sa paligid, nakita niyang nandito na pala ang lahat pati na ang pamilyang Scott na magkakaakbay maliban kay Siege na may bitbit na anim na boxes ng pizza at isang delivery man na dala-dala ang mga bote ng softdrinks.

"Bakit ba natin sa kanya itinatapon ang mga kasalanan ni Tita Miranda? Dahil anak siya nito? Is it her fault to be born from a woman like Tita Miranda? I'm sorry if I may have pointed an invisible finger at any of US here, aminin man natin o hindi pare-pareho din taong may mali sa lahat ng ito. Hinayaan natin na gawin yun ni Tita Miranda sa ating lahat noon pa. Walang may isa man sa inyo ang gumawa ng paraan para mapatingnan ng maayos sa duktor si Tita, pasensya na po, mga kaibigan kayo ni Tita. Tinalikuran at nagbulag-bulagan kayo na parang walang nakita. Ikaw Pa?" Baling at turo ni Brielle sa ama.

"Pagkatapos mo bang makasal kay Mama, naisip mo bang bisitahan si Tita Mari noon? Sinubukan mo bang makausap sila Tita Jean, Tita Cher o kahit na si Tita Gie man lang para malaman kung nasaan si Tita Mari? Di ba hindi? You just continue living your life with Mama. Kung nagawa mo yun noon, sa palagay mo ba mag-isang lumaki si Kuya sa Lola niya wondering who, what and where is the other half him? Wala tayong ginawa, di ba. Ako, wlaa rin. Si Siege, wala rin. Kasi nakuntento na lang tayo kung ano ang nasa harap natin, takot. You're lucky, I mean, we are lucky na hindi sira-ulo si Tita Mari dahil kung nagkataong may tama din pala si Tita, sigurado akong mas magulo pa ang buhay natin ngayon. Mabuti rin at pinalaki ng Lola Juaning niya si Kuya Virgil na may takot sa Diyos at pagmamahal sa puso kaya hindi niya naisip na maghiganti kahit lumaki siyang walang magulang." Napayuko ang Papa at Mama niya. Totoo naman kasi ang sinabi niya.

"Hon, I think we have so much drama for one day. I know everybody is hungry and tired and cried out. So, here's the pizza and the soda, let's eat and let's plan what we can do to find Tita Miranda. Let us all work these things out together dahil aminin man natin o hindi, tama si Brielle. We all contributed to our own sufferings and near death experiences. At hindi natin hinarap ito instead, like she said. We got content in the safe zone we created." Sabi na lang ni Siege. Ngumiti naman si Brielle sa pagsang-ayon ng asawa. Tumango-tango ang mga magulang nila.

"Right. Life is too short, kaya dapat happy lang tayo, sabi nga doon sa TV good vibes lang. Walang iwanan. Kapit lang tayo sa isa't isa at magiging maayos din ang lahat." Si Virgil na kanina pa gigil na gigil kay Ella at Dean dahil kanina pa nag-iiringan sa gilid niya. Nakita yun ni Aling Carmen.

"Paumanhin po sa lahat." Panimula ni Aling Carmen. Sabay-sabay na tumingin ito sa kanya. Binalingan ang panganay na anak na kanina pa nakausli ang nguso at nakabusangot. "Carmella Joy Tanaka! Veintitres ka na! Umayos ka naman, utang na loob. Kung ayaw mo kay Dean, sabihin mo para tantanan ka na niyan! Kung gusto mo naman ay aminin mo na, hindi yung magagalit ka kung nagiging sweet sa iyo yung tao at kapag hindi ka naman pinapansin nakasambakol yang pagmumukha mo, at kung sa iba nakatingin yang mata mo, kulang na lang punyal yang lumabas diyan sa sama ng tingin mo sa kanya, ah. At kung ayaw mo ang lahat ng sinasabi ko, umuwi ka na lang Japan at yung ama mo ang patayin mo sa konsuminsyon at wag ako!" Galit na si Aling Carmen. Hindi inalintana na nasa bahay ito ng ibang tao.

Hindi naman kasi ugali nito ang magsalita ng hindi maganda sa kahit na kanino at sa kahit na ano pang sitwasyon, let alone sigawan sa harap ng ibang tao ang sariling anak o mag-iskandalo sa harap ng marami, pero puno na ang salupan ni Aling Carmen sa panganay na anak.

Nagulat ang lahat ngunit natahimik lang ang mga ito. Sa hiya ni Ella ay humahangos itong lumabas ng kusina. Hiyang-hiya siya dahil hindi naman niya alam kung ano ang gagawin dahil maging siya naguguluhan sa nararamdaman. Napatangang panandalian si Dean nang patakbong umalis si Ella.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Aling Carmen. "Hindi sa binubuyo ko ang anak ko sa iyo, pero utang na loob Dean, magpakalalaki ka nga! Kung gusto mo siya ayun habulin mo na, itanan mo pa kung gusto mo. Kung ayaw mo naman, oh, etong plato. Kumain ka na diyan." Sabi ni Aling Carmen.

Walang sabi-sabing mabilis pa sa tilaok ng tandang ni San Pedro sa madaling araw na tumalilis si Dean. May go signal na siya galing kay Aling Carmen. Ano pa nga ba ang hinihintay niya? Total alam naman na ng parents niya ang gusto niya sa babaeng temperamental na ito, kaya susundin niya ang utos ni Aling Carmen. Masunurin siyang bata kaya eto na, itatanan na niya si Ella.

"Ella!" Tanging lumabas sa bibig ng binata. Nawala na ito sa kusina. Nagtawanan ang mga naiwan. Napapailing na lang si Aling Carmen.

"Puntahan mo sa garden sa likod! Doon yun palaging nag-eemote!" Sigaw naman ni Brielle. Nagkatinginan ang lahat at biglang sumabog ang malakas na tawanan sa kusina. Mga siraulo at mga kunsintidor. Parang kani-kanina lang ay iyakan ng iyakan ang mga ito ngayon naman ay tawa na ng tawa na.

"Nay, grabe ka kay Ate." Tukso ng bunso ni Aling Carmen. "Eh paano nga kung itanan ni Dean yun?" Dugtong pa niya.

"Oo nga, Nay. Grabe yun ha." Natatawang sabi naman ni Siege.

"Hindi naman siguro." Sabat ni Brielle.

"Mabait naman yang si Dean." Sabi nii Alvin. "Makulit pero mabait at magalang." Dugtong pa nito.

"He's right." Pagsang-ayon ni Siege.

"He was never impulsive." Sabat naman ni Ryelee.

Kilala kasi nila ang kaibigan nilang si Dean. Happy go lucky ito pero hindi ito basta-basta nagdedesisyon ng mga bagay-bagay. Mahilig itong magplano kahit na hindi halata.

"Pagpasensiyahan n'yo na ako. Nakakahiya tuloy yung pinagsasabi ko." Namumula ang mga pisnging paghingi ni Aling Carmen ng paumanhin sa lahat. "Para tuloy tunog ibinubugaw ko yung anak kay Dean. Kung itatanan niya ang Ate mo okay lang naman, nasa edad na yun. At isa pa, hindi gagawin ni Dean yun. Kahit papaano naman ay kilala ko na ang batang yun." Nahihiya niyang dugtong. Ngumiti na lang siya pero wala eh, nasabi na niya.

"Ay naku, Carmen. Wag kang mahiya sa amin. Hindi ka namin pag-iisipan ng masama o huhusgahan dahil sa ginawa mo. Anak mo yun, alam mo kung ano ang makabubuti sa kanya. At isa pa, mabait na bata naman yang si Dean. Kilala na namin yan bata pa lang ang mga ito." Pahayag ni Margaret. "At mabuti na rin yun nang matapos na ang bangayan ng dalawang yan. Minsan nga gusto ko nang pag-umpugin sila eh." Dugtong pa niyang ngingiti-ngiti.

"Ay, sinabi mo pa. Walang oras na hindi nagkakainisan." Dagdag naman ni Amanda. Natawa na lamang sila. "Naiipit tuloy itong si Pherimae sa gitna ng dalawang yun." Dugtong pa nito.

"Hindi na rin bumabata yang isang yan. Naungusan na siya ng mga kaibigan niyang pareho nang may mga anak. Si Alvin at Ryelee, may Rylan na. Si Siegfried at Brianna naman may kambal na. Siya na lang ang wala." Uminom ng tubig si Aaron matapos niyang sabihin yun. Nagkatinginan ang magkakaibigan at nagpatango-tango.

"Uy, tantanan n'yo na si Dean. Hayaan n'yong siya ang maka-isip niyan. Baka mamaya magmadali yun at kung saan pa mapunta yang away-bati ng dalawang yun." Natatawang sabi Redentor. "Maging si Pareng Mathias ay nagmamadali na rin na magkaapo kaya palaging nagtatalo sila ni Mareng Flor." Dugtong pa nito na pinagtawanan na lang nila.

"Maiba tayo ng usapan. Carmen, taga-saan kayo? Ano ang probinsiya n'yo?" Tanong ni Emilia. Nilingon nila si Carmen at Emilia. Hawak ang mga paper plates na may lamang pizza. "Kanina ko pa kasi tinitingnan ang mukha mo, parang may kamukha ka. Parang pamilyar ka." Dugtong ni Emilia. Napakunot ang noon ni Aling Carmen.

"Oo nga' no. Parang kamukha siya nung dati n'yong kasama sa bahay. Ano nga ba ang pangalan nun?" Sang-ayon ni Redentor sa asawa. Bata pa lang kasi magkakilala na ang dalawang ito. Parang childhood sweetheart ang peg nila.

"Ang totoo niyan, wala kaming probinsya at kung meron man ay hindi ko alam. Hindi na kasi sinabi ng Mama sa akin kung saan. Wala rin akong nakilalang kamag-anak namin. Bakit ho?" Hindi naman gaanong katandaan si Aling Carmen. Nasa bandang kwarenta pa lang ang edad nito at dahil banat ito sa trabaho kaya mukhang mas may edad ito sa mga magulang na kasama niya ngayon.

"Wala naman. May nakakahawig ka kasing kakilala namin." Sabi ni Emilia na talagang hanggang ngayon ay titig na titig pa rin ito kay Aling Carmen.

"Kahit ang Papa mo? Wala talaga kayong kamag-anak?" Tanong ni Amanda. Heto na naman si Aling Amanda, umaariba na naman ang imahinasyon nito.

"Pwede ba yung wala kayong kamag-anak kahit isa?" Sabat ni Margaret. Nagsasalita ito habang pinupunan ng softdrink agng baso ng kakikilalang anak.

Nakapagtaka nga. Pero may mga tao talagang mas gustong malayo sa mga kamag-anak lalo pa at may malalim na dahilan. Ano kaya ang dahilan na yun?

"Hindi ko na ho nakilala ang ama ko." Lumungkot at mukhang galit si Aling Carmen nang magsalita. Hindi man lang tiningnan kahit isa sa mga kausap.

"Si Mag... Magda??? Teka. Hindi. Si Mart... Tama, Emilia. Si yaya Martha. Siya ang kamukha niya." Biglang sambit ni Redentor. Nakangiti si Emilia kay Redentor.

"Tama ka nga, Red. Kamukhang-kamukha mo nga si Yaya Martha. Umalis na kasi siya sa amin bata pa lang ako." Sambit ni emilia na may ngiti sa labi. Mapatitig si Aling kay Emilia.

"Mabait yun. Bata pa rin siya noon nung palagi akong pumupunta sa inyo noon, di ba?" Masayang pagbabalik tanaw ni Redentor.

"Ay, oo. Mahal na mahal ko yun. Ang sabi ni Nana Bening kaya daw umalis si Yaya Martha noon kasi nag-asawa na daw ito. Ang sabi naman ng Lola ko ay nabuntis daw kaya nahihiya nang magpakita. Umiyak ako ng umiyak noon kasi siya lang ang naging ina-inahan ko. Maagang namatay ang Mama ko. Mahina ang puso ni Mama naging tagapag-alaga ng Mama si Yaya Martha at nung bandang huli ay naging tagapag-alaga ko na rin. Nasaan na kaya siya?" Kwento nito. May nag-iba sa mukha ni Aling Carmen. "Kamukhang-kamukha mo siya." Dugtong ni Emilia. Titig na titig pa rin Kay Aling Carmen.

"Si Senyor Fausto po ba ang tinutukoy n'yo?" Tanong ni Aling Carmen na ngayon ay masyado nang seryoso. Nakita yun ni Amanda at Margaret. Maging si Brielle at Siege ay medyo naalarma na. Meron pa bang pasabog ngayon? Wag na muna sana. Kotang-kota na sila sa pasabog, malayo pa ang new year.

Ngayon pa lang ngumiti ng bahagya si Pherimae mula kaninang nagkaiyakan silang magpamilya, tapos, eto naman ngayon? Wow!

"Nay, di ba, Martha ang pangalan ni Lola? At Fausto yung sinasabi niya palagi na pangalan daw ni Lolo?" Matabil na sabat ni Erica sa ina. Napamulat si Emilia sa narinig.

"Emilia, di ba yan din ang sabi ng Papa mo noon at kahit nga ngayon ay yan pa din ang ikinukwento niya di ba? Di ba sabi pa niya, na maaaring meron kang kapatid. Na maaaring nagbunga yung pagmamahalan nila nung yaya mo." Nangunot ang noon ni Emilia. Hindi naman ito mukhang galit pero malalim na nag-iisip.

"Carmen, may mga naikwento ba si Yaya Martha sa iyo?" Tanong ni Emilia. Di pa man sigurado sa mga palitan nila ng impormasyon at direkta na itong nangusisa.

Alam niya ang kwento ng Yaya niya at ng ama dahil nagtapat ito sa kanya kinabukasang malaman nilang basta na lang umalis ang yaya sa bahay nila. Napamahal na sa kanya ang kanyang yaya. Minsan nga iniisip niya na sana ay ito na lang ang maging pangalawa niyang ina. Pero bigla na lang itong naglaho na parang bula. Hindi makapagsalita si Carmen. May parang kung anong bumikig sa lalamunan niya. Sinalo ni Erica ang ina.

"Ang kwento po ni Lola Martha sa amin noon ng Ate ko ay mayaman daw po ang tatay ni Nanay, kaya lang daw po dahil katulong lang siya ng mga ito ay hindi daw po pumayag yung Mama ni Lolo kaya inalok daw po ng pera si Lola para lumayo." Muntik mabulunan si Brielle sa narinig.

"Ano yun? Teleserye?" Wala sa loob na naitanong. "Uso pa ba yun?" Dugtong niya bago kumagat sa hawak na pizza.

"Anong nangyari?" Nakiosyoso na rin si Pherimae.

"Sinabi daw po sa kanya noon na hindi siya pwedeng pakasalan nito dahil hindi daw ito bagay sa kanilang mga mayayaman. Nabuntisan lang daw kasi ito ng amo niya. Inalok niya ng sampung million si Lola para iwan si Nanay pagkatapos na ipanganak at kailangan daw na magpakalayo-layo si Lola. Ang sabi po ni Lola, naikinuwento daw po niya yun doon mayordomang kaedaran niya, nagkaiyakan po silang dalawa. Sa tulong na rin po nung mayordoma, napagdesisyunan daw po ni Lola na umalis sa mansion ng mga Cordova at nagpakalayo-layo. Hindi kinuha ni Lola ang pera na inaalok ng Senyora sa kanya. Ang sabi pa po ni Lola, kahit daw po lumaki siya sa hirap ay hinding-hindi daw po niya ipagpapalit si Nanay sa kahit na anong halaga." Candid na candid sa pagkwento si Erica.

"Sumakay daw po ng unang bus sa umaga ang Lola hanggang sa nakarating po siya ng Valenzuela at doon po nanirahan hanggang namatay ang Lola ko, Nakapag-asawa si Nanay at naging anak kami ni Ate at eto nga po, napunta na nga po kami sa mga Regalado." Nawala sa isip niya na napakwento na siya ng naging buhay ng Lola niya pati na rin ng buhay nila. "Nay, pasensya na po, nadala na naman po ako ng mga kwento ni Lola." Paghingi niya ng paumanhin sa ina. Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Aling Carmen.

"Ibig mong sabihin, hindi umalis ang Yaya Martha dahil nag-asawa? Napaka-clichè naman talaga ng Lola ah. Red, kailangan malaman ni Papa na buhay ang anak nila ni Yaya Martha. Na buhay ang kapatid ko." Tuwang-tuwa si Emilia sa mga nalaman. Puno ng tuwa at pagmamahal ang makikita sa mga mata ni Emilia.

"Kita mo nga naman. Hindi mo man lang hinahanap ay talagang makikita mo." Wala sa loob na sabi ni Redentor. Naakap niya ang asawa dahil sa tuwa. "Matutuwa ang Papa sa nadiskubrehan mo. Isama natin sila sa pag-uwi natin." Dugtong pa ni Redentor.

"Wala may sasama sa inyo. Hindi ako sasama." Malamig na tugon ni Carmen sa narinig mula kay Redentor. "Narinig n'yo lang ang kwento ng anak ko. Hindi kayo sigurado kung ako nga anak ng ama mo. Paano kayong nakakasiguro? Paano kung pagsamantalahan ko lang kayo tapos yung totoong anak na hinahanap n'yo ay nandiyan lang sa tabi tabi at naghihintay sa inyo? Hindi ako sasama." Madiin na sambit nito.

"Nay, hindi mo naman sila pagsasamantalahan eh. Sasama ka lang naman para mapatunayan mo kung totoo nga o hindi." Hawak ni Erica sa braso ang ina.

"Erica, kwento mo lang ang narinig nila. Ni hindi mo nga alam baka magkapangalan lang ang nanay at ang tatay. Hindi. Hindi tayo sasama." Madiin na sabi ni Aling Carmen. "Masyado nang magulo ang mga nangyayari dito, wag na tayong dumagdag." Tumalikod na ito at lumapit sa fridge nila Brielle. Hinayaan lang ito ng mag-asawa.

Binuksan ni Carmen ang fridge at tiningnan kung ano ang meron sa loob nito. Binuksan din niya ang freezer. Magluluto siya para maalis ang kabang nararamdaman. Mahabang panahon na pinangarap niya na makita man lang ang mukha ng ama dahil wala siya ideya kung ano ang hitsura nito basta ang sabi lang ng nanay niya magandang lalaki ito. Matikas. Maputi. Mabait at mapagmahal. Matalino at masipag. Maalalahanin. Saan banda doon ang maalalahanin gayung hindi man lang sila inalalang hanapin?

"Nay Carmen, ano po ang gagawin n'yo?" Malambing na tanong ni Brielle sa ginang.

"Kung ano ang meron ka dito. Gusto kong magluto kung okay lang sana iyo, hija. Pasensya ka na kung nakikialam ako sa fridge mo. Gusto ko lang makapag-isip ng maayos." Mahina niyang sagot kay Brielle. Tumango lang si Brielle at hinaplos ang likod ng ginang.

"Okay lang, Nay. Feel at home. Basta wag n'yo lalagyan ng paminta kasi allergic si Siege at Ethan sa paminta, kaya hindi sila kumakain ng adobo kapag hindi ako ang may gawa." Nangingiting sabi ni Brielle.

"Allergic ba sila sa luya?" Tanong nito habang nakatitig sa crisper.

"Hindi naman po, Nay." Sagot ni Brielle.

"Anong gagawin ng nanay mo, Erica?" Tanong ni Emilia sa dalaga.

"Magluluto po. Ganyang po kasi si Nanay kapag ninerbiyos o di kaya kapag nag-aalala siya. Parang..." Hindi natapos na sabihin ni Erica ang sasabahin dahil sinambot ito ni Emilia.

"Para siyang si Yaya Martha. Ganyang-ganyan si Yaya noon kapag nag-aalala siya kay Mama lalo na nung na-bedridden na siya. Tapos ganyan din nung mamatay na ang Mama. Tapos ganun din siya sa Papa kapag aalis ito o di kaya ay paparating ang Lola ko para bumisita sa amin. Oh my God, I need to tell Papa, Red. Matanda na siya. He's been dreaming to know kung buhay ang anak nila ni Yaya Martha before he.... You know. If Carmen doesn't want to go with us to see Papa, we are going to bring Papa to her. She will meet him whether she likes it or not." Determinadong sabi ni Emilia. "Ngayon alam kong buhay ang kapatid ko, hindi ko na papayagang mawalay pa siya sa amin. Oh my God, Red. Ano kaya ang naging buhay niya. Nakakalungkot naman. Mas lalo tuloy akong nagagalit kay Lola. I thought she had nothing to do with Yaya Martha's sudden leaving the house, yun pala meron. Pasalamat na lang talaga ang matandang yun at patay na siya." Nanggigigil na dugtong ni Emilia. She never liked her grandmother, her father's mother. Matapobre kasi ito. Yung bang langaw na nakatungtong sa likod ng kalabaw? Yan ang Lola niya.

"Mom, take it easy, okay. Nandiyan na naman kayo sa mga pabigla-bigla niyong pagdedesisyon." Alvin apprehended his mother.

"Mom, tsaka na lang siguro." Mahinang sabi ni Ryelee.

"Ay naku, hija. Pasensya na at napagtaasan kita ng boses noon pero sana mapatawad mo rin ang mommy okay. Sorry, hija. Inakap niya ang manugang. Para namang nabunutan ng tinik si Ryelee dahil sa nangyari ngayon. Okay na siya. Kahit papaano ay okay na siya.

"Thank you, Mom." Ngiti niya dito. Ganun din ito sa kanya. Mabilis silang nagyakapan. They are putting the past behind. Three down... a million more to go.

"You guys need to help me." Bigla na lang nitong bulalas.

"Tutulong po kami./Syempre naman." Sabay pang sagot ni Siege at Pherimae.

"Kami din po." Sabat naman ni Erica. Tumango si Virgil bilang pagsang-ayon sa kasintahan.

"We will also help. Panahon na para magkasama-sama ang mga pinaghiwalay ng kahapon." Sambit ni Ella na ikinagulat ng mga ito. Sa likod nito ay ang nakapulupot sa bewang na si Dean. Nagtaasan ang mga kilay ng mga ito. Titili pa sana si Erica nang maagap na natakpan ni Virgil ng labi niya ang mga labi nito.

"Wow, nice job, Bayaw. Galawang breezy ka rin ha." Tinapik ni Siege ang likod ni Virgil. Nagkatawanan sila.

"Quinn." Tawag ni Aaron sa anak. Hindi ito lumingon. "Crystal." Tawag niya uli dito tsaka pa lang ito lumingon sa kanya.

"P-po?" Nauutal na sagot nito sabay lingon sa kapatid. Ngumiti lang si Siege dito at tumango. "A-ano po yun, D-dad?" Nahihiya pa rin ito.

"Pwede bang sa bahay ka na matulog ngayon gabi, para naman makapagkwentuhan kayo ng mahaba-haba." Parang nahihiya din si Aaron na kausapin ang anak.

"Dad, wag mo namang biglain ni Quinn. Hindi pa sanay yan. Naguguluhan pa yan." Malambing na sabat ni Brielle sa biyenang lalaki. Natatawang napapakamot ng batok ang biyenan.

"Oo nga naman, balae. Hayaan mo munang mag-warmup siya sa inyo bago mo hilingan ng sleepover." Pang-aasar ni David sa kanyang balae.

"Okay lang po yun. Pwede naman po akong matulog doon kung yun po ang gusto nila. Medyo naninibago lang po ako." Nakangiting sabi ni Quinn. Labas ang dimples nito. Parang si Siege lang.

"Ang ganda-ganda mo talaga." Vocal na papuri ni Brielle. Napatingin ang asawa sa kanya. "Ang sarap kurutin ng mga pisngi mo. Hon, parang ikaw oh. May dimples." Imbis na si Crystal ang kurutin ay pisngi na lang ni Siege ang kinurot niya.

"Aray ko naman, Hon. Ang sakti nun ah!" Napataas ang boses niyang sambit. "Para kang naglilihi..." Natigilan siya sa kanyang sinasabi. Napatingin siya sa ama at biyenan na lalaki at tumingin kay Brielle.

"Oh, bakit? Anong meron?" Tanong ni Brielle. Ngumiti lang si Siege sa kanya at umiling. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi niya.

"Wala naman, hon." Sagot ni Siege kay Brielle. Makahulugan siyang ngumiti. "Si Nanay Carmen. Yun naman ang next project." Dugtong niya, Iniba na niya ang usapan dahil alam niyang wala lang yung naisip niya kanina. Dahil kung meron man ay maaaring kaninang umaga pa sinabi ni Brielle. Kilala niya ang asawa, di ito marunong magtago ng excitement katulad noon.

"Project? Anong akala mo kay Nanay Carmen, science experiment?" Nagtawanan sila.

"What I meant was, we need to think of something na pwede natin siyang maisama doon sa bahay ng mga Cordova." Paliwanag niya.

"Ay call ako diyan." Sagot ni Erica. "Di ba, Love, call tayo diyan?" Baling ni Erica kay Virgil. Lumambot ang mga mata nitong nakatunghay sa dalaga.

"Whatever you say, Love." Magaang na sagot ni Virgil.

"Yan tayo eh." Sigaw ni Alvin.

"Naku, nagsalita ang hindi." Kantiyaw ni Dean.

"Ulu\ol! Ikaw nga rin eh!" Baling naman ni Alvin kay Dean. Napapakamot na lang ito ng ulo.

"Mga sira! Pare-pareho lang tayo no!" Singhal ni Siege sa mga kaibigan.

"Oh, di paano ba yan? Puro na tayo taken. Ayos na ba, Ella?" Tanong ni Alvin. Para namang nahiya ang dalaga ay isinubsob ang mukha sa malapad na dibdib ni Dean at inakap na lang ito ng binata.

"Gago ka kamo, Alvin. Yan tuloy napahiya. Umayos ka nga!" Singhal nito sa kaibigan na tatawa-tawa lang. "Rye, kausapin mo nga yang asawa mo." Animo'y batang nagsumbong dahil naagawan ng kendi sa kanto at nagpapakampi.

"Uy, wag n'yo kong maisali-sali diyan ha. May sarili akong mga isyu." Sabi nitong natatawa din.

"Mangdadamay pa kasi eh." Sabat ni Brielle. Natutuwa naman ang mga nakatatandang kasama nila dahil sa parang walang mga pinagdaanan ang mga ito. Parang hindi nag-iyakan kani-kanina lang ang mga ito.

"Hahaha! Ang kukulit n'yo rin pala 'no kahit ganyan na ang mga edad n'yo. Noong una kong kita sa inyo medyo na-intimidate pa ako ng bahagya kasi ang seseryoso ng mga mukha n'yo." Puna ni Erica sa kanila. Nagkatinginan ang mga ito at nagtawanan ng pagkalakas-lakas.

"Ay naku, Erica. Kung nakikilala mo lang yan mga yan noong high school pa yang mga yan, baka ikaw na mismo ang maglilibing ng sarili mo dahil konsumisyon sa mga yan." Sabat ng Tita Margaret nila.

"Ay totoo yan. Ilang beses na-trouble ang apat na yan at kung hindi lang sa pagkaka–cute nitong si Ryelee noon ay baka na-suspended or worst, na-kickout ang tatlong bugok na ito." Natatawang kwento ni Redentor.

"Hindi pa nga sana namin malalaman yun kaya lang nadulas itong si Dean nang minsang may dinner sa bahay nila. Kaya ayun, galit na galit ang mommy at daddy ni Dean sa kanya. Grounded siya ng isang buwan, at para hindi siya malungkot, na-grounded 'tong dalawang ito dahil pare-pareho silang may sala." Turo ni Aaron kay Siege at Avlin.

"At dahil grounded silang tatlo, pati ako naki-grounded na rin kahit wala namang pakialam si mommy na nagawa naming kalokohan sa school." Sabat ni Rylee. Ang akala ni Alvin na ikalulungkot yun ng asawa dahil sa pagsambit sa ina pero kabaligtaran ang nakita niya. Nakitaan niya ito ng saya. Natuwa na rin siya.

"Ano ba ang ginawa n'yo that lead you to being grounded?" Tanong ni Ella. Nagkatinginan ang apat at sabaysabay na nagtawanan.

"Gusto mo talagang malaman?" Malambing na tanong ni Dean sa dalaga.

"Kaya nga nagtanong eh di ba?" Nakahalukipkip na sabi ni Erica. "Sige na kasi! Bilisan n'yo ng kwento." Dugtong pa nito. Nagkatinginan uli ang apat.

"Well, we egged the principal's car." Simpleng sagot ni Siege.

"You what?!" Sabay na sigaw ni Brielle, Ella at Erica. Bumungisngis si Ryelee. Natawa naman si Virgil habang si Pherimae ay amused na mused sa mga naririnig sa bagong pamilya.

"Yup, they did." Maagap na sagot ni Ryelee. "They Egged Principal Carreon's brand new Benz." Dugtong pa niya na tatawa-tawa.

"Anong yup they did ka diyan?" Sansala ni Dean. "Ikaw pa nga ang bumili ng itlog eh." Dugtong pa niya na tawa ng tawa.

"Yes, I did. Utos n'yo eh. But I did not throw it on the windshield and on the hood." Tawa siya ng tawa. Napapailing na lang ang mga magulang nila sa mga pagbabalik-tanaw ng mga ito. Natutuwa sila na kahit papaano ay bumabalik na sa dati ang mga ito.

"Ay naku. Ewan ko sa inyo!" Naiiling na sabi ni Ryelee. "Anyway, to make the story short, a faculty member just so happened to pass by and saw the three eggs flying at the same, big voices yelling, 'bombs away!' and the eggs landed on Principal Carreon's hood, windshield and roof. These three stupids were laughing their butts off almost rolling on the floor and here I am tripping and falling flat on my face on the ground while holding the tray of eggs trying to hide it. Kaya ako ang excuse na ginamit ng tatlong bugok na ito sa principal nung pinatawag kami. Alibi nila is nagpapatulong sana sa akin sa project nila sa HomeEc, which is baking kaya may itlog na involve. Nadapa lang daw ako kaya nagliparan ang mga itlog. It wasn't intensional. Kaya yun, medyo gumaan ang parusa. Basta ipa-car wash lang daw namin ang kotse niya bago siya umuwi that day." Mahabang salaysay ni Ryelee.

"Hon, I thought you know how to bake?" Kunot ang noong tanong ni Brielle sa asawa.

"Yes, I do." Simpleng sagot nito na may halong pagmamalaki.

"Naku, hija. Lahat silang apat ay marunong mag-bake at magluto. Hilig nilang apat yan, kaya nga nagtaka kami noon nang malaman namin na "aksidente" daw na natapunan ng itlog ang kotse ng principal, reason for it is nagpapaturo daw itong tatlong itlog na ito kay Ryelee na mag-bake at papunta sila sa building ng HomeEc kung saan naman napiling i-park ni Principal Carreon ang brand new ntiong Chedeng. Eh mas magaling pa silang mag-bake kesa dito kay Ryelee." Natatawang kwento ni Margaret. Tsaka lang nila napansin na masyadong tahimik si Emilia.

"Milli , ayos ka lang ba?" Tanong ni Redentor sa asawa.

"Yeah. nagtataka lang ako. Alam ni Yaya Martha kung saan kami makikita, pero bakit hindi siya bumalik para ipakilala si Carmen sa amin ni Papa. I need to talk Nana Bening." Madiin na sabi nito. "Lola might have done more than just offering her money to leave Papa. I know Papa loves Yaya Martha. Papa ask me kung papayag ba akong maging pangalawang ina si Yaya Martha bago siya umalis para pumunta dito sa Manila noon. Ang sabi ni Papa, yayayain daw niyang magpakasal si Yaya Martha sa pagbabalik niya. Natuwa ako kasi magkakapatid na ako. Yaya Martha was a very sweet, loving and caring woman, parang si Mama kaya hindi ako nahirapang mahalin siya. Pero paggising ko one day, wala na siya. Ang sabi ni Lola naglayas daw ito at ninakawan siya ng pera. Hindi naman kami naniwala ni Papa kasi sabi ni Nana Bening, lumawas na daw ito ng Manila para mag-umpisa ng bagong buhay at wala itong dala kahit isang kusing. Hindi daw magagawa ni Yaya Martha ang magnakaw. Naniwala kami ni Papa kay Nana Bening. Matagal din siyang hinanap ni Papa lalo na sa tuwing pupunta siya dito sa Manila noon." Tahimik na kwento ni Emilia, Nakikinig lang si Ella at Erica sa ginang.

"Love, di ba maraming magandang pwedeng gawin sa Baguio? Di ba doon din malapit yung Sagada?" Tanong ni Erica.

"Di ba yun ang palaging sinasabi ni Nanay noon kay Tatay Rico? Di ba yun ang gustong puntahan ni Nanay noon kaya lang di natin magawa-gawa kasi palaging kapos ang kinikita nilang pareho, hanggang sa kinuha na ako ni Papa. Tapos nangyari na yun aksidente kay Tatay?" Si Ella. Nalulungkot siya sa tuwing naalala ang mabait na amain.

"Oo nga 'no?" Patango-tangong sagot ni Erica.

"Ano bang meron sa Sagada?" Mabilis na tanong ni Crystal. "Di pa ako nakakarating doon. Sabi ni Mama Glenda noon, kapag nakabenta daw kami ng apat na kahon ng basahan, meron na kaming pamasahe papuntang Baguio tapos didiretso kami ng Sagada. Kaya lang di kami kasi natuloy. Nagkasakit na siya tapos ilang buwan lang pumanaw na siya tapos si Nanang Belen na ang nag-alaga sa akin hanggang sa nakapagtapos ako ng kolehiyo and last year nga, si Nanang Belen naman ang sumunod kay Mama." Malungkot ang mga mata nito kahit na may ngiti sa labi. Inakbayan ni Aaron ang kanyang bunso. Ganun din ang ginawa ni Margaret sa dalaga.

"Sagada? Ang alam ko sabi ni Nana Bening, pareho sila ni Yaya Martha na galing ng Sagada bago sila sabay na namasukan sa amin. Magkaibang bahagi nga lang ng Sagada." Sagot ni Emilia.

"Eh di mag-Baguio tayo." Walang kalatuy-laloy na sambit ni Virgil.

"Agad-agad, Bayaw? Kailangan pa nating maghanap ng matutuluyan doon. Peak season ngayon dahil pa-christmas na." Sabat naman ni Siege.

"Walang problema sa tirahan. May bahay na iniwan sa akin ang Lola na sana ibebenta ko five years ago pero hindi na natuloy. May limang kwarto yun sa taas tapos may tatlo sa baba. May maliit na bahay sa likod at doon nakatira ang katiwala namin. Ipapaayos ko kay Glenn at Onyok. Kelan n'yo ba gusto?" Tuloy-tuloy na pahayag ni Virgil. Napangiti si David dahil sa hindi niya akalain na malaki ang iniwan dito ng mga Samonte. Nag-iisang anak si Marinella at nag-iisang apo si Virgil, natural lang siguro yun.

"May mga trabaho tayo. Hindi natin pwedeng basta-basta na lang iiwan yun ng hindi inaayos." Nag-aalalang sabi ni Brielle.

"Eh di, ayusin natin. Tulungan tayo para matapos na. Then let's go on vacation." Sabi naman ni Siege. Tumango-tango ang mga ito. Sumang-ayon sila sa plano. Natuwa naman si Emilia at Redentor.

"Eh di ganito na lang ang gawin natin, Dahil okay naman ang paper factory, nandun sila Kuya Nestor at Ate Siony, nandun di naman si Luis Bergante...." Napaubo si Crystal sa pangalang nabanggit ni Brielle. Napatinging bigla sa kanya ang mga ito.

"Sorry. Go on." Sabi na lang nito. Tumaas ang kilay ni Siege. May dating ang ubo na yun.

"Nak, magbabakasyon si Luis, di ba sinabi niya yun sa meeting nung last week." Paalala ni Amanda sa anak.

"Ma, okay lang po yun. Nandun din naman si Tito Zach and plus, ilang taon din naman nating iniasa lang sa kanila ang factory, maayos naman nilang napatakbo ito." Sansala ni Brielle. "I think a week or just a few days ay kaya nila yun. Ano Kuya? Kaya di ba?" Baling nito sa Kuya niya.

"Well, I'm here, so as Papa and Mama tapos nandiyan ka pa. Kasama din si Ella at Alvin. Eh di gawin nating advance ang lahat ng production, tulong-tulong tayo para walang gaanong problemang maiiwan kina Ate Siony, Kuya Nestor at Tito Zach. At kung magbakasyon man si Bergante eh di okay lang. We can still be out for a week." Magaling talaga sa strategy si Virgil. Kaya naging magaan ang lahat sa pagbabalik ng buong pamilya. Inalagaan talaga nito ang factory na parang kanya dahil isa pala itong Villasis.

"Eh di kung ganyang ang plano n'yo sa Paperkutz, then let's do the same on our end. Rye, you're here. Alam mo ang mga transaction ni Tita Miranda sa board, you think you can persuade them para maisagawa na natin ng tuloy-tuloy ang reorganization? Ayaw nilang pumayag dahil wala si Tita Miranda. No offense but Tita Miranda screwed up their brains believing whatever is it they believe in. I don't know what more they want. Tita Miranda is not a part of Scottsdale anymore and they know that." Alam ni Ryelee ang mga kalokohang nagawa ng ina. At naisip niya it's about time to fix it and put things where it should be.

"Let me talk to them. Let's schedule a meeting with them on Monday, first thing in the morning. I know the reason why they won't budge. I can shake them up a bit. I am not Miranda's daughter for nothing. But I would need a secretary to make the arrangements." Sabi ni Ryelee. Nahulog sila sa pag-iisip. Inabot ng limang minutong katahimikan na ang tangi mo lang maririnig ang mahinang pagsasalpukan ng kaldero at sandok at pagpisik ng mantikang mainit.

"I can be your secretary, Ate Rye." Mahinang sabi ni Erica. Nagtinginan ang lahat sa kanya.

"Love, no. You don't have to." Mabilis na pagtutol ni Virgil.

"No, I will. Kilala ko si Donya Miranda. Matagal akong nanilbihan sa kanya. Naririnig ko ang mga transaction niya sa telepono. Nakikita ko ang iba't ibang taong naglalabas pasok sa bahay nila at karamihan doon ay mga malalaking tao ng hotel. Naririnig ko ang mga usapan nila at karamihan doon ay hindi magaganda. I can do the job. I can walk Ate Rye sa iba pang mga bagay. Minsan na rin akong nautusan ni Donya Miranda mag-set ng meeting sa mga kasosyo at board member ng hotel doon sa bahay nila. Kung makikita ko ang mga mukha ng mga yun makikilala ko sila, alam kong makakatulong ako." Diretso lang pananalita ni Erica. Nakalimutan nilang nanilbihan nga ito sa mga magulang ni Ryelee. Nagkakatinginan si Ryelee at Siege. Tumango si Siege kay Ryelee. Nagkaintindihan naman kaagad sila.

"Kuya, I think your girlfriend is right. If they need to persuade those people, they would need someone that is already inside once and knows who the play makers are. Pumayag ka na, Kuya Gil. And besides, parang OJT na rin niya ito." Malambing na pakiusap ni Brielle. Nakangiti si David. Alam niyang hindi oobra kahit kanino ang pagmamatigas sa isang mala-anghel na mukha ng anak niyang babae. Pero nakikita niya ang pagmamatigas ng panganay. Napansin din niya ang mga mata ni Erica. Napailing na lamang siya. Patay kang Virgil ka.

"Nak, I think you just got defeated unknowingly. Wala ka nang magagawa. Pumayag ka na. Tingnan mo yang mga mata ng mga yan sa harap mo. Wala pang may nakahindi sa mga matang yan ng kapatid mo. Ask Siege. And I think you know who the other one I'm referring to. Raise your white flag. The war is over. The battle has won... but not on your favor, son." Malakas ang tawang binitawan ni David na sinabayan naman yun ni Redentor at Aaron. Natawa na rin lang si Amanda, Margaret at Emilia.

"Fine." Napabuga ito ng hangin. Pakiramdam niya ay naka-thirty laps siya ng breaststroke ng walang ahon-ahon para huminga. Napapalakpak si Erica at Ryelee.

'Okay, let's start Monday. Erica, pag-aralan mo muna ang mga gawa sa opisina tapos siguro we call up a meeting with them on for Friday. Okay ba yun sa iyo, Rye?" Tanong ni Siege.

"Yeah, okay sa akin yun. I'll start on Monday. I'll refresh myself sa mga nangyayari and hopefully by friday, makuha natin ang boto nila." Sabi ni Ryelee. Eto ang Ryelee na palaban hindi yun kaninang umiiyak na Ryelee. Natuwa naman si Alvin dahil sa biglang pag-iba ng mood ng asawa.

"Are you sure you're ready to do it?" Tanong ni Alvin. Tumango ito. Ngayon niya kailangang patunayan sa lahat na anak man siya ni Miranda ay never siyang magiging katulad ni Miranda.

"Oh, I'm sure. That three other board members that hold the 25% of the shares of stocks, mga tauhan yan sila ni Mommy, which means, may 25% pang hawak si Mommy sa kompanya at sila din siguro ang ayaw na umusad ang re-organization na isinasagawa mo Siege. Let me help you fix the problem that mom left behind. I will make sure that before the end of next week, wala na ang stocks na hawak si Mommy sa Scottsdale." Matiim at may diin na sabi ni Ryelee. Galit siya sa kanyang ina. Galit na galit, kaya gagawin niya ang lahat para maituwid ang kabaluktutan ng ina.

"Ryelle, I will give you that 25%, bawiin mo lang yan sa kanila." Seryosong sabi ni Margaret. Bahagya ikinagulat ni Aaron ang sinabi ng asawa.

"Are you sure, Margaret?" Tanong ni Aaron.

"Did you hear me stutter, Aaron Daniel?" Balik tanong nito kay Aaron. Nakangiti lang ang asawa.

"No, Tita. You don't have to do that. I will do it without anything in return. Naituwid ko lang ang mga baluktot na nagawa ni Mommy ay masaya na ako. Kuntento na ako doon. And beside, may sweldo naman po akong nakukuha, okay na po sa akin yun. Alvin is also full time sa Paperkutz. Okay na po kami sa kung ano ang meron kami." Matapat na sabi ni Ryelee. Napangiti si Margaret sa tinuran nito.

Ganun pa man ay buo na ang pasya niya. Pumayag man o hindi si Ryelee ay ibibigay niya pa rin iyon sa kanila. Kung hindi man ay ipapangalan niya yun kay Rylan. Naging mabait si Alvin sa manugang at apo noong nasa Japan pa sila. Buo na ang pamilya ng anak. Buo na rin ang pamilya niya. Naibalik na ang anak niya sa kanya kaya masaya na siya. Nasa kanya na uli si Pherimae Quinn Alvaro Scott. And there's nothing more she would ask for.












--------------------
End of SYBG 40: Reasons, Realizations, Relief

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖~ Ms J ~💖
03.28.18

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro