Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SYBG 37





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Family As One"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"HELLO?" Bati ni Alvin sa tumatawag matapos kunin ang cellphone kay Ryelee. "Yes, this is her husband." Dugtong pa niya at in-on ang speaker.

Nakatitig lang siya sa ina. Ayaw niyang magalit ang ina sa asawa dahil wala na itong kakampi dahil parang inabandona na rin ni Ryelee ang ina. Wala na masusulingan pa ang asawa kung pati siya ay masusuklam din dito.

"We have Ezekiel Regalado here at the emergency room." He sustained a gunshot wound on the left shoulder." Panimula ng nasa telepono.

Nanlambot ang mga tuhod ni Ryelee sa narinig. Mabuti na lang at nakasunod lang pala si Alex sa kanila, nasalo nito si Ryelee. Mabilis niyang dinaluhan si Alex para kunin ang asawa dito. Naguguluhan siyang hindi niya maintindihan.

Una ang daddy niya, si Redentor Montemayor, tapos ngayon ang biyenan namang si Ezekiel Regalado. Sino ang kasunod? Kinuha ni Dean si Rylan mula kay Alvin para maalalayan ng maayos ang asawa.

"What is going on here? Kani-kanina lang ang daddy mo, ngayon si Ezekiel naman? Baliw na talaga yan ina mo, Ryelee!" Puno ng galit na sambit ni Emilia. Napanganga na lang si Alvin sa tinuran ng ina. Alam niyang galit lang ito kaya ganun ang lumalabas sa bibig nito.

"Tita, Em, wag naman sana muna tayong tumalon sa conclusions. Wag muna tayong padalu-dalos t basta na lang magalit." Malumanay na pahayag ni Siege. Hindi nakakibo si Emilia.

Naisip ni Emilia, kung si Siege na nakaranas ng hindi pa niya maintindihan na pangyayari at buhay itong nakatayo sa harap niya, ay kayang ikalma ang sarili para sa manugang, bakit hindi niya kayang gawin? Simple lang ang nasa isip at puso ni Emilia, ang ina ng manugang ang kagagawan ng nangyayari ngayon sa asawa. Si Miranda ang dahilan ng pagkakabaril ng asawa dahil sa kung anong dahilang hindi niya maintindihan.

Para kay Siege, kahit na pang kalokohan na ang ginawa ng ina ni Ryelee, lalo na sa kanila ni Brielle, hindi naman siguro tama na ang kaibigan ang sumalo ng kasalanan ng ina. Hindi kailangang pagbayaran ni Maria ang kasalanan ni Juana, sabi nga ng mga matatanda. Pero sadya sigurong nasa isipan na natin ang kasabihan na kung ano ang puno ay siya rin ang bunga.

Hindi naman lahat pero yan ang takbo ng kaisipan ng karamihan. Kaisipang minana pa natin sa ating mga kanunu-nunoan at mahirap nang baguhin ito. Kahit na ilang milyong beses pang mapatunayan ng isang taong ang kredibilidad na tama sila, sa mata ng nakararami ay hindi pa rin yun sapat.

Ang tanging sasabihin ng tao ay — Pinagbabayaran lang niyan ang masasamang ginawa ng magulang. Again, pinatutunayan lang ng tao na kung ano ang puno ay siya ring bunga. Hindi na iniisip ng tao na ang ginto at diamante ay lupa galing, marumi, minsan ay maputik. Naputol ang pagmumuni-muni ni Siege nang tawagin ni Alvin ang kanyang pangalan.

"Siege, please talk to them." Iniabot ni Alvin ang cellphone ni Ryelee sa kanya. Mabilis namang sinambot ni Virgil yun kaya mataman niyang lang na tinitigan ang cellphone na dumaan sa harap niya. Bahagyang yumukod si Siege kay Virgil bilang pasasalamat sa tinuran ng bayaw.

"Ako na. Asikasuhin n'yo lang yang mga asawa n'yo." Virgil felt the need to step in, as everyone is getting emotional and getting agitated at the same time. Kailangan ang isang kalmadong tao para kumausap sa kung sino man itong nasa telepono na ito.

"Hello, sorry about that. We are at an emergency room as of the moment. Saang hospital po ba si Tito Zeke?" Tanong niya dito. Narinig niya kasi na ganun ang tawag ng lahat sa Daddy ni Ryelee kaya ganun na rin ang itinawag niya dito even though na Ezekiel lang talaga ang tawag niya sa matandang lalaki.

Sinabi ng kausap kung saang hospital ito dinala. Nakahinga ng maluwag si Virgil nang marinig niya na sa parehong hospital kung nasaan sila ito dinala. "We are here." Dugtong pa niya. Nagpasalamat siya at maya-maya lang ay pinatay na niya ang tawag na yun.

"Well, I guess we are in luck, he's here, too." Simple niyang anunsyo sa lahat. Nakahinga naman ng maluwag ang mga ito.

"So, the devil is here!" Galit na deklara ni Emilia Montemayor. Can you blame her? Not really. What do you expect?

Hindi man sadyain ng isang Emilia Montemayor na magalit ay hindi nito iyon maiiwasan dahil para sa ginang ang Regalado ang nakabaril sa asawa. Hindi man niya sinabi kung sino ang bumaril dito ay parang nahuhulaan na ng lahat kung sino ang may gawa dahil sa mga reaction nito tungo kay Ryelee. Tapos malalaman pa nitong nandito rin sa kaparehong hospital dinala ang isa sa pinaghihinalaan, natural na galit ang magiging reaksyon nito.

Poor Ryelee. She's getting the bad end of the stick and she's just their child. Yeah, she may be a messed up person in some ways but isn't she also the victim of her own mother? Wasn't she also manipulated by this person's twisted mind called her mother? What more does she need to do to be picked apart from her parents?

Kailangan pa ba niyang ipagsigawan sa buong mundo na hindi siya si Miranda Regalado, na siya si Ryelee Blaire Regalado? Oo nga at Regalado siya, pero hindi siya ang kanyang ina.

What more should she to do to prove to everyone that she is just the child of the woman who did all these awful things, past and present, to these wonderful people she called friends? Did she choose to be born to a parent like Miranda Sebastian Regalado? No, she did not. She can't choose who will be her parents.

Oo nga't nagkamali siya, bilang anak, sumusunod lang naman siya sa utos ng ina. Bandang huli, naging tau-tauhan siya nito sa pag-aakalang pagmamahal ang tawag dun, hindi pala.

Nagpadala siya sa mga bulong at pagmamanipula nito sa kanya. Naging tanga siya, bulag at sunud-sunuran. Hindi naman masama ang maging masunuring anak sa magulang sa kasong ito ay hindi akma ang mga katagang mother knows best. Dahil ang labas ay parang si Mother Gothel ng Tangled, makasarili ito.

Mother Gothel wanted Rapunzel's golden hair just for herself, just like her mother, so she kidnapped the child and raised her up in the high tower not letting her out. In this story, Miranda wanted Aaron Scott just for herself that she doesn't care kung may maapakan, masaktan at masagasaan man, kahit na si Ryelee pa na mismong anak ang masaktan.

Katulad ng madalas na madalas sabihin ng iba, kung hindi masaya ang isang tao sa kung ano ang meron at wala sila, wala ring karapatang sumaya ang kahit na sinong nasa paligid nila. Sa madaling salita, damay-damay na.

Nagulat si Siege nang biglang tumayo si Brielle. Bahagya pa nga itong nataranta. Nilingon ni Brielle si Siege at sinenyasang ayos lang.

"Just relax, okay." Mabilis ngunit malumanay niyang sabi. "I just need to do something." Malungkot niyang nilingon si Ryelee kaya nilingon din ito ni Siege.

"Are you sure?" Tanong ni Siege. Tumango lang siya. Naisip ni Brielle na higit kailanman ay ngayon kailangan ni Ryelee ng kaibigan.

Hinangad man ni Ryelee si Siege ay nakaraan na yun. Sa nakikita ngayon ni Brielle ay mukhang mahalaga para kay Ryelee na makasama na uli ng sariling pamilya at sa kanya naman ay sila ni Siege at mga anak. Ang pinaka importante para sa isang Brianna Marielle ay ang maging tahimik at maayos ang lahat. Saan mas higit na magandang magsimula kundi sa mga kaibigan at ang ibang bagay ay balewala na.

Kaninang pagpasok nila sa ER, lahat ng alaala ng masakit at nakakatakot na nakaraan ay bumalik sa kanya na parang kahapon lang nangyari, pero nang makita niya ang galit at paninisi sa mga mata ng mommy ni Alvin kay Ryelee ay parang biglang naglaho na parang bula ang pakiramdam na yun at parang hindi niya matanggap na galit ang ginang sa kaibigan ng asawa. Naawa siya.

Hindi maatim ni Brielle na si Ryelee ang sumasalo ng lahat ng paninisi ng mga tao dahil sa kagagawan ni Miranda. Bakit kailangang si Ryelee ang sisihin kung ang ina naman nito ang may kasalanan ng lahat? Bakit kailangang ito ang humarap sa mga mapanuring mata ng mga tao, lalo na ng biyenan, gayung maging ito, sa pagkakaintindi niya ay biktima rin ng sariling ina?

Nakikita niya ang tunay na pagsisisi sa mga mata ni Ryelee mula pa kaninang una niya makita pasakay ng ito van nang bahagya silang magkatitigan. Ang alam niya, lahat ng nagkamali ay may karapatang makaranas ng pangalawang pagkakataon. If God could forgive, why can't we?

Kung si Judas nga na ipinagkanulo si Kristo para sa ilang pirasong ginto ay pinatawad ng Diyos, si Ryelee pa kaya? Sabi nga sa bibliya; "Let him who is without sin among you be the first to throw a stone at her." (John 8:7) Sino ba tayo para manghusga?

Isa-isa, napansin ni Brielle na nagsibalikan ang lahat ng mga dapat sana ay patungong Quezon na, maliban sa mga magulang at mga anak nila Brielle at Siege. Napapangiti siya dahil kahit na anong mangyari ay hindi iniiwanan ng mga tauhan ang kapatid. Napangiti siya.

"Alvin, take Tita Emilia and take care of your dad and your father-in-law. I'll stay here with Ryelee and Rylan. Go. Kayo..." Turo ni Brielle kay Alvin, Siege at Virgil. "Tulungan n'yo si Alvin. Siege, call Mama and Papa, tell them what happened to Tito Red and Tito Zeke. Paki tawagan na rin ang mga parents ko. Ms. Crystal, pwedeng paki-asikaso sila Nanay Carmen, Aling Esther at Tita Emilia." Brielle is taking charge of the situation. Parang ito yata yung way niya para ma-over come ang takot sa ospital, and she felt good about it.

Nangako kasi siya noon sa sarili na kahit na anong mangyari ay hinding-hindi na siya aapak o lalapit o titingin o madaanan man lang, kahit na ang parking lot ng kahit na anong hospial hangga't siya'y nabubuhay. Tama na yung ilang taong pagmamalagi at pagpabalik-balik niya sa isang katulad nito noon.

Ibang usapan ito ngayon. Kailangan siya ng isang kaibigan. Naisip niya kanina na hindi pala talaga niya maiiwasan ang hospital sa buhay niya. Sa ayaw at sa gusto niya, isa sa kaibigan o sa pamilya niya ay maoospital. Sino naman siya para hindi asikasuhin o samahan ito, katulad ngayon.

Ryelee's father and father-in-law are here, and she badly needed a friend at the moment. Yes, she may have done some horrible and inexcusable things in the past to all of them, in one way or another. Can one really, fully blame her? Anak lang siya na nagmahal sa ina.

She felt offended for Ryelee. The way Tita Emilia handled her emotions towards the situations, towards Ryelee is so unbecoming, yet is very reasonable, it's the way she executed her action is unreasonable.

She mindlessly attacked and cornered Ryelee with her tactless words and as the mother-inlaw, that is not right. Emilia should have set a good example for everyone. The way she handled her emotions is no different from Miranda. How she loosely blamed Ryelee for her mother's action is uncalled for.

Kung sa ibang taong hindi kilala si Ryelee ay maaaring maintindihan pa niya pero biyenan siya nito, manugang niya si Ryelee. Dapat kilala niya ito. Dapat siya ang umintindi dito. Kahit na ano pa ang ginawa nito sa nakaraan, bumalik na ito at nagsisisi. Oo nga at hindi madaling makalimutan ang ginawa niyang pag-iwan kay Rylan pero hindi naman nito inabandona ang bata sa hindi ligtas na lugar.

If Alvin could forgive her for all her shortcomings and misgivings, sino siya para hindi rin ito patawarin? Umibig lang naman si Ryelee at ngayon ay natauhan na ito. Everyone deserves a second chance.

Kung siya nga na pitong taon ang ninakaw sa kanya ng Mommy ni Ryelee ay pinatawad niya si Ryelee kahit hindi pa nito hinihingi ang kapatawaran ay ginawa niya, ang biyenan pa kaya nito ang hindi ito kayang gawin? Hindi nga ba? Masarap matulog sa gabi na walang iniisip, walang inaalala.

Then again, she understood why Tita Emilia said what she said and acted the way she did. It is a natural reaction of every human being to do such. It's called a fight or flight reaction. Emilia chooses to fight instead to calm down.

"Are you sure, Hon?" Nabalik lang siya sa realidad ng magsalita si Siege.

"Yes, I am sure. Go!" Hindi man pasigaw ang pagkakasabi niya ay may diin ang pagkakasabi niya. Bumunot muna ng malalim na paghinga si Siege bago ito pumayag. "Ella, please get Rylan para makakilos ng maayos ni Alvin." Dugtong pa niya. Kilala kasi ni Rylan si Ella kaya mas mabuting si Ella ang sumama sa bata.

"Let's go to the cafeteria." Pag-aya ni Dean kay Ella at inalalayan ang dalaga. "Let me carry him, baka mabigatan ka." Malambing na dugtong ng binata na ikinangiti ni Brielle. Walang nagawa si Ella kundi ipasa kay Dean si Rylan. Sumunod na si Erica sa tatlo pagkatapos bigyan ng halik sa pisngi si Virgil.

"Tara po. Sunod po tayo sa kanila sa cafeteria, mga Mommies." Kalmadong pag-aya naman ni Ms. Crystal sa tatlong ginang. Isasama na lang ng guro sila Aling Carmen, Aling Esther at Mrs. Montemayor. "Mamaya-maya pa natin malalaman kung anong nangyari sa mga pasyente. At least sa cafeteria pwede tayong magkape." Dugtong niyang nakaharap sa tatlong ginang at may ngiti sa labi.

Tinitigan lang ni Emilia si Ms. Crystal na parang kinikilala. Patuloy pa rin siya sa pagngiti sa mga ito habang bahagya niyang hinihimok ang mga itong kumilos nang hindi nagsasalita. Hindi man sa tinataboy niya ang mga ito ngunit parang ganun na nga ang dating. Para siyang pumapastol ng mga tupa. Nakahinga lang ng maluwag si Ms. Crystal nang umayon naman ang tatlo at unti-unti naglakad sa direksyon ng hospital cafeteria.

Tahimik na ginawa ng lahat ang parte nila na naaayon sa pinagparti-partidang gawain ni Brielle, nagkanya-kanya ang mga ito. Naiwan si Ryelee at Brielle sa waiting area ng ER. Labas pasok ang mga tao, ER staff, pasyente, pamilya ng pasyente, PA system going off every minute para i-page si duktor ganito at si duktor ganyan, ngunit tahimik lang si Brielle at Ryelee. Wala man silang kibuan ay hindi talaga iniwanan ni Brielle si Ryelee.

Ilang sandali pa ay isa-isa nang nagbalikan sa ER lobby ang mga nagsialisan. Nauna ang magkapatid ng Ella at Erica na ngayon ay magkaabre-siete na kung paanong napagitnaan ng magkapatid si Ms. Crystal at nakangiting nagkukwentuhan. Nakasunod sa mga ito si Dean na karga-karga pa rin si Rylan na ngayon ay gising na at may hawak na lollipop, nakangiti.

Maya-maya pa ay nakasunod na rin ang tatlong ginang. Nagkukwentuhan na parang matagal nang magkakakilala. Nagtatawanan din ang mga ito na parang walang problema, walang pasyenteng nabaril.

Natapos nang asikasuhin ni Alvin ang mga hospital forms na kailangang fill-up-an. Kasunod si Siege at Virgil, p para sa dalawang pasyente. Pasalya nitong inupo ang sarili sa tabi ng tahimik na asawa, mukhang pagod at antok ito. Lahat naman sila ay pagod at antok na, halos magmamadaling araw na.

Tumingin si Alvin sa katabing asawa, nakayuko lang ito. Hindi iniaangat ni Ryelee ang tingin kahit kanino maging kay Brielle kanina pa. Kahit na parang masisira na ang bench na inupuan nila nang pabalya nitong ibinagsak ang boung bigat sa pag-upo. Tahimik lang ito at kahit na tahimik din si Alvin, inoobserbahan lang ang asawa. Sa ngayon, natatakot siya sa pananahimik ni Ryelee dahil baka bigla na lang itong sumabog.

Alvin is just hoping against hope that his mom won't open her mouth and start spewing unnecessary words. Not tonight. Alvin knows that Ryelee has a lot of bottled-in emotion and issues in life, adding to it what just happened, he doesn't want her blowing up. She already went through a lot, not as much as Brielle but she went through a lot because of her mother.

Nakagawa man ito ng hindi maganda sa kanilang mag-ama pero hindi kayang tanggalin ng sama ng loob niya sa asawa ang pagmamahal niya dito. Mahal niya ito, walang pag-aatubili.

"Hindi ka ba nagugutom, Rye?" Malambing na tanong ni Brielle. Umiling lang ito. "Do you want anything to drink?" Tanong niyang muli. Iling din lang ang tanging naisagot ni Ryelee sa kanya.

"Ang arte naman kasi eh. Papansin na naman." Napikon na yata ang mommy ni Alvin. Tatayo na sana si Alvin para komprontahin ang ina ngunit pinigil siya ni Ryelee. Mabilis nitong nahawakan ang braso ni Alvin at pinisil ito. Natigilan si Alvin at tumahimik na lang.

"Please. Don't." Bulong ni Ryelee. "Not in front of Rylan." Dugtong nito. Nakaramdam ng mas matinding pagkaawa si Alvin, Brielle, Siege at Aling Carmen kay Ryelee. Masamang tinapunan ng tingin ni Alvin ang ina. Taas-noo itong tumitig lang pabalik sa anak. Nakaramdam ng tensyon ang lahat ng nandun maliban sa ibang mga pasyenteng naghihintay na matawag ang kanilang pangalan.

"Montemayor!" Sigaw ng isang naka-lab gown na lalaki, may nakasampay na stethoscope sa leeg nito. Sabay-sabay na lumingon ang mga ito sa lalaking nagsalita. Mabilis na lumapit si Alvin at Emilia dito.

"Ako ang asawa." Sambit niya.

"How's my dad?" Tanong naman ni Alvin.

"I'm Dr. Jinarez. Okay naman na po si Mr. Montemayor. Nadaplisan lang ang kanyang ulo. The bullet did not damage his skull kaya ligtas na ligtas na po siya sa kahit na ano pa mang peligro. We just to make sure na hindi mag-develop ng infection ang sugat. In a few minutes ay maililipat na po siya ng kwarto." Nakahinga ng maluwag ang mag-ina ni Montemayor. Napahagulgol si Emilia dahil sa sobrang tuwa. Inakbayan naman ni Alvin ang ina at tuloy na inakap. "A nurse will come out later to let you know where Mr. Montemayor's new room will be. Okay? Try to relax now." Dugtong pa nito at tinapik sa balikat si Alvin. Ngumiti siya sa duktor bago pa ito umalis

"Thank you. Doc." Sambit ni Alvin. Nakipag-shake hands na ang doktor at nagpaalam na dahil may iba pang pasyeteng haharapin.

Inalalayan na ni Alvin ang ina pabalik sa tabi ni Aling Carmen. Pero bago pa man ito makarating doon ay huminto ito sa harap ni Ryelee. Walang imik lang ang dalaga. Nakatungo pa rin ito. Ni isa sa kanila ay walang tinitingnan ang batang ginang.

"Pasalamat ka at ligtas na si Red. Pasalamat ka at daplis lang, dahil kung hindi, ikaw ang ipakukulong ko!" Sigaw ni Emilia sa harapan mismo ni Ryelee. Nasindak sila sa tinuran ng mommy ni Alvin. Walang nakapaghanda sa ginawa nito. Napislot lang si Ryelee. Alam ni Brielle dahil naka akbay siya dito.

"Mom!" Aktong sasawayin ni Alvin ang ina ngunit hindi ito nagpaawat. Patuloy pa rin sa kanyang litnaya.

"Pero hindi ko yun gagawin dahil hindi naman kasalanan ni Maria ang kasalanang ginawa ni Juana." Yun lang at dumiretso na ito sa tabi ni Aling Carmen at Aling Esther.. Natahimik ang lahat. Maging si Alvin at natameme.

"Things will be okay, Rye. Trust me." Malambing na sabi ni Brielle. Naramdaman na lang niya ang pagyugyog ng balikat ng babae. "Rye, just cry it all out okay. Nandito lang kaming mga kaibigan mo." Dugtong pa ni Brielle.

Mantakin mo yun, ilang taon itong nawalay sa asawa? Pito? Maliban pa diyan, halos mamatay pa ang mga ito sa aksidenteng nangyari noon, tapos parang ang gaan lang nitong magsabi na "things will be okay."?

"Why are you doing this, Bri? Why are you so nice to me? What are you? A saint?" Wala sa loob at sunud-sunod na tanong ni Ryelee kay Brielle. Hindi galit ang tono ng pananalita niya. Mababanaag lang talaga ang pagtataka sa boses nito. Natawa si Brielle sa mga tanong ni Ryelee.

"No. I am not." Natatawang sagot ni Brielle.

"If you're not, then what are you? Bakit hindi ka galit sa akin like everyone else. After all, my mother is the reason why we are all in this mess. She's the reason why you lost seven years with your family" Malumanay nitong pahayag. "And I am my mother's daughter, after. You should be hating me, too, like everyone does." Patuloy lang ito sa pagsasalita. Dinig ang lungkot sa tinig ni Ryelee.

"Yes, you are." Sagot ni Brielle na natatawa. "But, does it define you as a person? Is that who you want to be known for? Your mother's daughter? Aren't you Ryelee Blaire Montemayor?" May diin doon sa mga pangalan niya. Napatingin si Ryelee sa kanya.

"Yes, I am." Sagot niya. "But still, I am her daughter. And my mother did a lot of horrible things to everyone around her and I have participated in some." Halos hindi makahinga si Brielle sa katotohanang naririnig mula kay Ryelee.

Nakatitig si Ryelee sa maganda at mala-anghel na mukha ni Brielle. No wonder he loves her so much. Napaisip siya. She looks like an angel and she acts like one, too.

"Yes, you are and no, you aren't." Matalinhagang sagot ni Brielle. Naging attentive na ang mga kasamahan nila sa kanya. Lahat ay nakatutok sa kanilang pag-uusap.

"What are you trying to say, Brianna?" Tanong ni Emilia. Hindi man nakasigaw pero matapang pa rin ang dating. Galit.

"What I'm trying to say is... yes, anak siya ni Tita Miranda, pero anak din siya ni Tito Zeke, who, by the way, is still in there, maybe fighting for his life, too and also a victim of his wife. Did Ryelee pull that trigger that brought Tito Red and Tito Zeke here? Hindi di ba? Oo nga't nakagawa rin ng mali si Ryelee. She only did that dahil mahal niya ang mommy niya. She thought her mom was doing the right thing. Ryelle didn't even know the extent of her mother's activities. Who are we to point our fingers at her para sabihin na siya ang may sala? Dahil siya ba ang nandito? No. Let's pause a little bit here, not to disrespect you Tita or anything. Everytime we point our finger to someone, three of the fingers on that hand point back at us and one is pointing down which is the thumb, and it shows disapproval of us pointing that finger to others and the three reminding us, we too participated in such matter." Mahabang pahayag ni Brielle. Mataman lang nakikinig ang lahat. "Take me and Siege for instance, we could have known na hindi pala totoong patay kami sa isa't isa kung naging matapang lang kaming harapin ang nangyari at maagang umuwi dito sa Pilipinas, eh di sana maaga naming nalaman na buhay kami at maaaring hindi nasayang ang pitong taon and maybe mas maagang nagkita si Ryelee at si Alvin at maaaring maaga nating mahahanapan ng solusyon para matulungan natin si Tito Zeke na maipagamot si Tita Miranda. Hindi mababaril si Tito Red at Tito Zeke... and hindi tayo magkikita-kita ng ganito dito ngayon. At hindi natin sisisihin si Ryelee dahil siya ang nandito. Simple." Pagtatapos niya. Nagkatinginan ang mga ito sa isa't isa. Mas lalong humanga si Ryelee kay Brielle.

Para namang natauhan si Emilia sa sinabi ni Brielle. Aminado ang ginang, naging makitid ang kanyang pag-iisip. Kung tutuusin, wala nga rin naman siyang ginawa noon. Ni hindi niya pinursige ang pagtulong sa anak. Naging pabaya din siya dahil sa galit niya na bigla na lang itong naglaho na parang bula at hindi man lang niya kinulit ang balae.

Alam naman niyang nagsisinungaling lamang si Miranda pero ganun pa man ay wala siyang ginawa. Sa edad niyang ito, ngayon lang siya napahiya ng ganito katindi. Sa kanyang edad ngayon, isang batang edad na katulad ni Brielle ang magpapaalala sa kanya na hindi nga naman siya dapat na umaktong mapagmataas at matuwid.

Hindi man direktang sinabi ni Brielle na para yun sa kanya pero alam niyang para sa kanya yun dahil nagturo din siya. Mas mabuti isisi sa iba ang mga masasamang nangyayari sa buhay natin kesa harapin at aminin na may kasalanan din tayo sa mga pangyayari.

Oo nga at may mga bagay-bagay na hindi natin maiwasang mangyari pero hindi pa rin dapat tayo maghanap ng masisisi. Ang totoo? Tayo ang gumagawa ng sarili nating kapahamakan kahit na ibang tao pa ang dahilan. Hindi mangyayari ang hindi magagandang bagay o pangyayari sa atin kung hindi natin hinayaang mangyari ito.

Hindi rin naman lahat. May mga pangyayaring kahit na ayaw natin ay talagang nangyayari kahit ano pang gawin nating pagpipigil, kahit na no pang paraan, mangyayari at mangyayari ito. Katulad ng kung panahon na, kahit ano pang gawin mong pag-iingat, kumain man pinaka malusog na pagkain, pilitin mang maging maganda ang pangangatawan ay panahon na talaga.

"Brianna..." Pinutol ni Brielle ang sasabihin pa ni Ryelee.

"Brielle. You can call me Brielle." Ubod tamis na ngiti ni Brielle kay Ryelee. Mas lalong natunaw ang puso ni Ryelee sa tinuran ng batang ginang. Umiiyak itong yumakap kay Brielle.

Hinayaan niyang ibuhos ni Ryelee ang lahat ng luhang yun dahil alam niyang kailangang gawin ito ni Ryelee. Tahimik lang na nanonood ang mga kaibigan at ibang kasama sa nila. Maging sila ay hagip ng mga sinabi ni Brielle.

"I'm sorry, Bri... Brielle. I am so sorry." Sambit nito sa pagitan ng mga paghikbi at masagang pag-agos ng luha nito. "I really did not know." Dugtong pa niya sa pagitan ng paghikbi.

Nakahinga ng maluwag si Alvin dahil sa wakas ay nakakita na ng positive influence ang asawa. Alam niya na simula na ito ng isang magandang samahan sa pagitan nilang lahat.

Napatda pa siya nang makitang matiim ngunit nakangiting nakatitig sa kanya si Siege. Ngumiti siya dito at inilahad ang kamay nito sa taas ng ulo ng pareho nilang asawa para sa kanilang secret handshake. Walang salita, puro lang ngiti. Napangiti si Dean habang nakatunghay sa tatlo niyang bestfriend. Dahil sa wakas ay natibag na rin ang pader ng pagkaasiwa sa pagitan nilang lahat.

"Regalado?!" Sigaw ng isang boses ng lalaki. Nilingon nilang lahat ito. Nakatayo sa mismong malaking double door ng ER ang isang may kaliitang lalaking doktor. Nagkatinginan ang magkakaibigan maging ang mga dalagang kasama nila ay ganun din at napangiti ang mga ito. Isang naka-duktor's gown na lalaki, mga 4'11" or 5'0" ang height, mala-Disc Jockey ang boses tapos...

"How's my father?" Bahagya silang napatda nang nandun na sa harap nito si Ryelee. Ni hindi man lang nila napansin na tumayo na pala ito lumapit sa duktor na yun.

"Kamusta na po ang father-in-law ko?" Halos nakaakap na kay Ryelee na tanong ni Alvin. Napangiti ang asawa dahil sa pagiging possessive ni Alvin. Eh sino ba namang hindi magiging possessive kung makatingin naman kasi ang lalaking duktor na ito ay para hinuhubaran si Ryelee.

"And you are..." Pabitin na tanong nito kay Alvin. Napadilat ang mga mata ni Alvin dahil sa tanong na yun. Nagtatakang lumapit si Siege.

"Does it matter, doc? How's that patient? How's Tito Zeke?" Dinala ni Siege sa pang-i-intimidate ang pinagtampuhan ng tangkad na duktor. Lumapit na rin si Dean, sumunod pa si Virgil.

"Diyos ko po at umiral na naman ang kalokohan ng tatlong ito." Sambit ni Brielle. "Sumama pa si Kuya." Napahampas na lang siya sa kanyang noon. Ganyan na ganyan ang tatlong yan kahit na noong nagde-date pa lang sila ni Siege. Masyadong overprotective sa mga malalapit sa kanila. Tapos ngayon nakilala na niya ang Kuya niya ay apat na ang overprotective na haharapin nila.

"I am his daughter and this is my husband." In-emphasize pa talaga ni Ryelee ang salitang husband. Para namang natauhan ang may pagka... na duktor. Napabuntong-hinga ito. Na-intimidate yata ng apat na siraulo. That's on the lighter side na isip ni Ryelee, dahil ang totoo niyan kinakabahan siya. Basta ang alam niya lang ay nabaril ang daddy niya. Hindi niya alam kong saan at kung gaano kalala, higit sa lahat ay kung sino ang bumaril. Tapos dadagdag pa itong duktor na ito na mas inuuna pa ang mang-manyak ng babae.

"Hey, doc. She's asking you a question." Dumagundong ang boses ni Virgil. Napakislot ang duktor.

"Yah. Mr. Regalado. He is being transfer to the ICU. We put him on a coma status para mapabilis ang pag-recover ng katawan niya." Maikling pahayag ng duktor. Nag-init ang ulo ni Alvin. Wala sa ayos ang duktor na ito. Hinablot niya ang kwelyo ng suot ng doktor at inilapit ito sa kanya.

"Are you going to be the doctor you are or are you going to continue eye-raping my wife?!" May tigas at diin na sabi ni Alvin. Lalapit sana ang guard ngunit hinarang yun ni Virgil at Dean at dahil nasa paligid lang ang tauhan ni Virgil ay tumayo din ang mga ito at sila ang humarap sa dalawang guard na lumapit. "Kung hindi mo aayusin ang pagiging duktor mo ngayon pa lang ay baka ikaw ang mangailangan ng totoong duktor. And I swear, ikaw ang malalagay sa coma." Nanggigigil na sabi ni Alvin. Kita ang pamumutla nito at mabilis na kumurap-kurap ang mga mata.

"Okay. I'm sorry." Sabi nito. Hindi pa rin ito binibitawan ni Alvin nang lumabas ang isa pang diktor. Nagulat ito sa eksenang nadatnan sa loob ER waiting area.

"What is the meaning of these?" Malakas na tanong ni Dr. Jinarez. "Dr. Martinez?? What is going on?" Namumutla pa rin ito.

"This doctor is eye-raping my wife and is very rude. Nakakalalaki eh." Madiin na sambit ni Alvin. Halatang nagpipigil lamang ito.

"Give me the chart. This is an ER not a club, Dr. Martinez. Get back inside." Ibinigay ni Dr. Martinez kay Dr. Jinarez ang chart na dala at bumalik na ito sa loob. "I apologize for that. Magaling lang kasing surgeon yan si Dr. Martinez kaya nandito pa rin siya." Hindi na kumibo ang mga ito. Wala silang pakialam sa duktor na yun. Mas importante sa kanila ngayon na malaman ang kalagayan ni Ezekiel.

"How's my dad, Doc." Tanong ni Ryelee. Nag-aalala siya. Kinakabahan.

"According to this chart, he is being moved to the ICU for recovery. He was put on a coma state para mas mapadali ang pag-recover ng katawan niya pati na rin ang pagkawala ng dugo. He had lost a lot of blood kahit na mababaw lang ang tama ng bala sa left shoulder niya. There were also indications of struggles pero hindi naman gaano, they're just minor. Konting scratches sa braso at pisngi but other than wala naman pong ibang peligro. Mukha yatang nakipagbuno ang pasyente sa kung sino mang nakabaril sa kanya." Makahinga ng maluwag si Ryelee sa paliwanag na narinig.

Pero tumimo sa isip niya ang sinabi ni Dr. Jinarez na nakipagbuno ang ama sa kung sino mang bumaril dito. Maaaring ito ang ginawa ng daddy niya.

"Did it say there kung sino ang nagdala sa kanya dito?" Tanong ni Siege. Tiningnan ni Dr. Jinarez kung ano pa ang ibang nakasulat doon.

"According to this... teka sandali." Sabi nito sabay lingon sa guard. "Policarpo, sino ang nagdala nung pasyeteng nabaril sa balikat?" Tanong nito sa gwardiya.

"Hindi po nagpakilala doc. Nung madala na po sa loob yung pasyente paglingon po namin wala na eh. Tapos tumawag na po ako ng pulis. Dahil hindi pa natatapos yung pasyente umalis na lang pong muli yung mga pulis, doc. Dalawa pong pasyente ang pinunta nila dito. Pareho pong nabaril." Mahabang salaysay nito.

"Thank you, Policarpo." Sagot ni Dr. Jinarez. "Well, so far yan lang ang alam nating lahat. May alam ba kayong gagawa nito?" Tanong nito. Nagkatinginan lang sila, umiling. Tumango lang ang duktor bilang tugon.

"When can we see him?' Tanong ni Ryelee dito. Tinapik-tapik ng duktor ang balikat niya at tinitigan siya ng buong pang-unawa.

"Visiting hours are long gone but I will make an exceptions for you guys. I will arrange a shared rooms sa inyong mga pasyente para hindi na kayo magkahiwa-hiwalay pa, since na parang iisang pamilya lang naman yata ang mga pasyente." Nakangiting sabi nito. Tumango-tango sila. Mas mabuti na yun kesa magpaliwanag pa.

"Excuse me at aasikasuhin ko lang ang pagpapalipat sa kanila at ang iba pang pasyente." Paalam ng duktor. Pero bago pa ito tuluyang umalis ay dumaan ito sa ER clerk. "Precy! Please transfer Mr. Regalado and Mr. Montemayor in one room. East wing next to ICU for continuous and non-stop care" Dinig nilang utos ng doktor sa kung sino man yung nasa likod ng makapal na salamin.

"Thanks, Doc." Magkapanabayan nilang sabi. Tumango lang ito at umalis na.

"Are you okay, Love?" Tanong ni Alvin kay Ryelee. Tumango man ito ay alam niyang hindi ito magiging okay hangga't hindi nagigising ang mga ama nila.

"Love, si Mommy. She needs to be stopped. Marami pa siyang masasaktan." Puno ng pag-aalalang sabi ni Ryelee n halos hysterical na nga ang dating.

"Ryelee. Ryelee!" Biglang salita ni Brielle. "You need to calm down. Your mom will be okay." Dugtong pa ni Brielle.

"How would you know?! Mom will not be okay, and maybe you are right, but what about the people around her?! They're not! We are not! She needs to be stopped!" Pag-ulit ni Ryelee. Nakasigaw na siya ngayon pero hindi iniisip ni Brielle na para sa kanya yun.

"We know that but I also know the person we left to take charge on getting her unharmed. I know Tito Kurt, he will take care of things, he will take care of her. Right now, we need to focus on ourselves and how can we make things easier for Tito Red and Tito Zeke." Si Virgil. Hindi siya basta-basta sumasali sa usapan ng mga ito pero kailangan lang niyang pakalmahin ang lahat.

"What do you mean?" Tanong ni Ryelee.

Ipinaliwanag ni Virgil ang lahat sa kanila. Mula sa pagpapaimbestiga niya at pagbibigay ng tao sa ina nito at ang pananakot nito kay Brielle sa factory. Ang mga pagkulong sa mag-inang Erica at Aling Carmen. Ang pagkidnap kay Brielle at Siege at kung sino talaga ang tao pang iba ni Miranda na kung tutuusin ay iisa na lang talaga. Si Bruno. Lahat ng nakita nila na mga lalaki sa Antipolo nang dumating sila ay mga tauhan lahat yun ni Virgil.

Maging ang pagkakabalik ni Brielle at Siege sa pamilya nila ay ikinuwento na rin ni Virgil. Hanggang ngayong gabing kinuha sila sa bahay sa Cavite. Tahimik lang namang nakinig ang mga ito. Maging ang ina si Alvin ay hindi rin kumibo.

Nakaramdam ng awa si Emilia sa manugang at sa kinahinatnan ng ina nito. Tama nga si Brielle, hindi niya kailangang isisi sa iisang tao lang ang mga pangyayari, kailangang may gawin siya para hindi ito lumala. Pero huli na. Ni hindi man lang niya napagtuunan ng pansin ang mag-asawang Regalado.

Matagal na nila itong kaibigan simula ng mga bata pa ang mga anak ay magkakabarkada na ang mga ito. Close siya dati kay Miranda pero nitong mga nakaraang taon ay inilayo niyang sadya ang sarili sa kaibigan dahil sa nasaktan siya sa hindi niya alam na kadahilanan kung bakit nawala na parang bula ang manugang.

Siguro kung tumulong lang siya sa paghahanap kay Ryelee ay baka nga hindi ganito ang naging resulta ng lahat. Kung nagsagawa lang siya ng sariling pag-iimbestiga sana ay nakakuha siya ng magandang resulta. Kung hindi niya inuna ang sariling damdamin maaaring hindi umabot sa ganito. Sa ngayon ay puro lang siya sana dahil mas madali ang walang gawin.

"Ryelle." Magkapanabay na lumingon ang mga ito kay Emilia. Kahit na may luha pa ang mga mata ni Ryelee ay hinarap nito ang biyenan. Bahala na kung sigawan uli siya nito. Tatanggapin niya yun dahil anak siya ni Miranda. Bunga siya ng punong pinanggalingan ng masamang kaganapan kaya damay siya sa lahat ng kasalanang nagawa nito.

"Yes, Mrs. Montemayor." Mahinahon niyang pakikiharap sa biyenan. Ni hindi na nga niya kayang tawagin itong mommy. Yumuko siya at humugot ng malalim na hininga. Brace yourself, Ryelee. Paalala ng isip niya sa sarili.

Pero nagulat siya sa biglang pag-akap ng biyenan sa kanya. Walang salitang namutawi sa mga labi nito, basta nakaakap lang ito sa kanya kaya umakap na rin siya dito at magpanabay na umiyak. Hinayaan sila ng mga kasama nila. Maya-maya lang ay tinawag na sila ng isang nurse.

"Family of Mr. Regalado and Mr. Montemayor?" Isang maliit at buntis na nurse ang tumabad sa kanila, hinahanap ang pamilya ng nasambit ng mga pasyente. Isa-isa silang lumingon at magkapanabay na sumagot.

"Yes?!" Nagulat pa ang nurse sa kanilang lahat. Ini-expect kasi nito na dalawa o tatlo lang ang makikita, hindi naman niya akalain na isang barangay at tatlong sitio pala ang naghihintay sa dalawang pasyente.

"This way po tayo." Mahina nitong sabi. Nagpatiuna na itong lumakad. Natakot siya dahil sa liit niya ay baka madaganan o maapakan siya sa mga naglalakihang katawan at nagtatangkarang mga lalaki, buntis pa man din siya. Malaki ang mga hakbang nito sa tantiya niya dahil sa hahaba ng mga biyas ng mga ito.

Nakarating sila sa kwarto nila Ezekiel at Redentor. Nasa tabi lang ito ng ICU. Tahimik na nakapikit, natutulog si Redentor. Halatang galing pa ito sa operating room. May benda ang ulo nito at naka-dextrose din. Walang mga breathing aparatus na nakakabit, maliban sa heart monitor, temparature na nakasipit sa dulo ng hintuturo nita at automatic blood pressure cuff sa kaliwang braso.

Samantalang iba naman ang ayos ni Ezekiel. Wala itong suot ng t-shirt. May benda ang kaliwang kalahati ng katawan nito sa may bandang balikat hanggang kalahating braso. May heart monitor din ito at automatic blood pressure cuff. May oxygen mask ito na nakatakip sa ilong at bibig para makapag-supply ng sapat ng oxygen sa katawan nito at feeding tube sa bibig.

Isang malaking oxygen tank sa likurang bahagi ng headboard. Katabi nito ay ang aparatus na automatic na magsu-supply dito ng painkiller na nakadirekta sa daloy ng IV line. Kung anu-ano pang nakakahilong mga bagay na tanging mga duktor at nurses lamang ang nakakaalam. Ang tangi lang nilang magagawa ngayon ay ang maghintay.












--------------------
End of SYBG 37: Family As One

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖~ Ms J ~💖
03.27.18

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro