SYBG 35
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"Never-ending Mess"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"TIM, sorry nga pala kasi hindi ko kaagad nasabi sa inyo ni Marielle ang mga nalalaman ko." Sabi ni Virgil habang nakatutok ang mga mata sa kalsada.
"Don't worry about it. Salamat na rin at nasabi mo na at least naliwanagan na ako. I just can't wrap my head around the point Tita Andi was trying to make. What is she fighting for? My dad's love? For what?" Masakit ang ulo niya. Hindi niya maintindihan kung ano ang koneksyon nila ni Brielle at sila ang matinding naapektuhan.
"Ang hirap din nang nangyari sa inyo ni bunso. I know my Mom fell hard in love with Papa, that she made a crazy move na ako ang naging resulta, but I can't wrap my brain around Miranda's case. She's crazy." Napapailing na lang si Virgil. Tutok ang mga mata sa kalsada.
Ilang sandali pa ay nakita na niya ang isa sa mga tauhan na iniwan niya bahay ng mga Regalado. Kailangang maging maingat sila dahil may dalawang tauhan si Miranda na natitira sa bahay nito. Yun ang hindi niya hawak. Kasi yung dalawang yun ang muntik nang gumahasa kay Erica noon. Bigyan lang siya ng pagkakataon ay siguradong tutumbahin niya ang dalawang pangit na ito.
"Malapit na ba?" Tanong ni Siege. Tumigil na kasi sila sa harap ng isang malaking bahay na may tatlong taong nakatira. Tumango siya.
"Yup. Yan ang bahay ng mga Regalado." Itinuro niya ang malaking bahay na natutunghayan ng dalawang poste sa magkabilang dulo ng bakod. "Di ka pa ba nakapunta dito?" Tanong ni Virgil. Dapat alam ni Siege ang bahay na ito kasi kaibigan nito si Ryelee Blaire pero bakit hindi?
"I don't know. I'm not sure. May mga parteng hindi ko pa maalala at meron din namang malabo pa." Matapat na sagot ni Siege. Tumango-tango si Virgil. Naiintindihan na niya ngayon.
"Wag mong pilitin alalahanin. Relax lang, babalik din siguro din yan in no time." Paalala ni Virgil, tumango lang si Siege. Nakita ni Virgil nakatutok sa kotse niya ang dalwang pangit na tauhan ni Miranda.
"Siege, diyan sa glove compartment may duct tape, paki duct tape ng kamay mo kahit isang ikot lang na madaling tanggalin and also tape your mouth. I know it's stupid but just go along with me." Mabilis na sabi ni Virgil. Akala niya kasi ay Glen lang ang sasalubong sa kanya. Hindi naman niya nasabi kay Glen na magpasama ng isa pa niyang tao sa labas.
"Okay. I won't ask why but I am just hoping na hindi niya mahalata na palabas lang ito." Kinuha ni Siege ang duct tape pinahiga ang back seat at lumipat sa likod na upuan. Dahil maliwanag ang headlight ng kotse kaya hindi kita sa labas kung sino ang sakay sa loob.
"Don't worry, Bayaw. Mas bobo pa sa kindergarten yang si Bruno. He's not gonna know the difference between a reef knot and a sheet bend. Mas lalong hindi niya alam kung ilang layer ng tape ang nakapalibot sa kamay mo. Kahit makita niya yang duct tape sa kamay mo, ngingiti lang yan." Natawa si Siege sa sinabi ng bayaw. Gayunpaman ay kinakabahan pa rin siya. Paano kung pumalpak sila? Palagay naman ay hindi.
"Ready?" Tanong nito. Pumunit siya ng isang dangkal na duct tape ibinaba ito sa sahig ang rolyo.
"Yup. Go!" Sagot niya at itinapal na ang duct tape ng bahagya sa bibig niya. At humiga sa upuan at nagpanggap na walang malay.
"Boss Virgil. Ano balita?" Tanong ni Bruno ng binuksan ni Virgil ang bintana. Nakaramdam na hindi tama si Virgil. Shit!
"Tumawag na ba si Miranda sa inyo?" Tanong niya dito. Napakunot ang noo nito sa kanya.
"Tungkol saan, boss?" Tanong nito na parang nanghuhuli. Pinatapang niya ang kanyang boses.
"Huy, Bruno! Wag ka ngang aanga-anga diyan! Alam mo naman yun si Miranda kapag hindi kaagad nakuha ang pinagagawa sa atin ay magwawala yun!" Singhal ni Virgil. "At isa pa, bakit ikaw lang ang nandito sa labas? Ano naman ang ginawa mo dito?" Hindi kaagad nakakibo si Bruno. Nakita niyang lumabas si Alex mula sa kotse niya sa likod.
"Bruno! Naghahari-harian ka na naman ba dito?" Narinig ni Virgil na tanong ni Alex. "Alam mong parating si Donya Miranda!" Panakot ni Alex. Para namang nataranta ang lalaki.
"Ngayon na ba?" Tanong naman nito na ikinailing ng ulo ng Virgil.
"Hindi mo na naman sinagot ang cellphone mo 'no?" Tanong ni Alex. Hinayaan ni Virgil na ang tauhan ang humarap dito. Napakamot ng batok si Bruno. "Buksan mo na ang gate bago pa tayo maabutan dito ni Donya Miranda na pakalat-kalat sa labas! Naghahari-harian pa kasi eh!" Sigaw ni Alex.
Sa totoo lang, maging si Virgil ay napipikon na sa lalaking ito. Gusto nang bumaba ni Virgil para upakan ito. Mabuti naman at kumilos na ito para buksan ang gate. Hindi man lang tiningnan ni Bruno kung kaninong kotse ang gamit niya at kung may ibang tao ba sa loob nito.
"Timothy. Call your friend. Tell them to come out." Mahinang utos ni Virgil kay Siege pagkalampas na pagkalampas nila kay Bruno. "We need to get out of here in less that ten minutes." Mabilis na tinanggal ni Siege ang tape na inilagay niya sa bibig kanina at sa kamay niya. Mabilis niyang dinukot ang cellphone at tinawagan ang number na pumasok kanina.
"Hello?" Parang antok na sagot sa kabilang linya.
"Ray, get your family out of the house now. I am in the driveway. I'll explain later." Hindi nakakibo ang nasa kabilang linya. "Ray!" Sigaw niya.
"Yeah. Why?" Tanong ni Alvin.
"Mamaya ka na magtanog at wag na kayong magbihis. Bring Rylee and Rylan out of that house NOW!" Narinig niyang ginising ni Alvin si Ryelee at pinagmamadali.
"Get your purse and my backpack. Go downstairs straight to the door! Timmy will be there." Narinig niyang sabi ni Alvin sa asawa.
"Why? What's Going on?" Natatarantang tanong ni Ryelee.
"Don't ask, just do it." Huli niyang narinig at namatay na ang tawag.
Ilang sandali lang ay nakita ni Virgil at Siege na lumabas na si Ryelee. Sinalubong ito ni Glen, isa sa mga tao ni Virgil. Mabilis na ipinasok ni Siege si Ryelee. Mabilis namang bumalik si Glen sa loob. Ilang sandali pa ay kasama na nito si Alvin karga ang magwawalong taon na anak. Ipinasok ni Glen sa kotse ni Virgil na pinagmamaneho ni Alex ang mag-ama.Nakahinga ng maluwag si Virgil but they are not out of the woods yet. Maya-maya ay lumapit sa kotse niya si Glen.
"Sir, Ako na po ang bahala kay Bruno." Tumango lang siya at umalis na rin si Glen.
"Bruno!" Pasigaw na tawag nit osa lalaki. "Rondahan mo daw ang likod na gate. Isama mo na rin yang alalay mo!" Dugtong pa nito. Limang minuot na nag nakalilipas.
"Bakit ako?! Bakit hindi ikaw?!" Bwelta nito na talaga feeling hari.
"Eto ang phone, ikaw ang magsabi kay Ma'am Miranda na ayaw mo." Alam ni Virgil na nangba-bluff lang itong si Glen. Sana umobra. Hindi ito kumibo.
Bandang huli ay pumayag ito at mabilis na isinama ang isang pang kasamahan nito. Nakahinga ng maluwag si Virgil, Siege at iba pang kasama. Pagkawala nito sa paningin ng lahat ay mabilis na binuksan ni Glen ang gate at sumakay na rin ang dalawa pang tauhan ni Virgil sa kotse niya at si Glen kay Alex at nagmadaling lumabas.
Tamang-tamang nakalabas ang kotse ni Siege sa gate nang tuluyan na itong nagsara. Gamit ng alternate route, tumuloy na sila ng takdo pabalik sa bahay ni Virgil. Walang may kumibo ni isa man sa kanila hanggang sa nakarating sila sa bahay niya.
Nagulat silang lahat ng masalubong nila ang kotse ni Ezekiel. Mabilis na yumuko si Siege at Ryelee. Ganun din ang ginawa ni Alvin at Rylan sa kabilang kotse. Hindi nila alam kung napansin sila ng kung sino man ang sakay ng kotse ni Ezekiel dahil heavily tinted ito. Kahit na nalampasan na sila ng sasakyan ay kailangan pa rin nilang mag-ingat. Dalawang mansion na lang at ang mansion na ni Virgil. Napapreno si Virgil dahil may mga pulis sa harap ng bahay niya.
"Boss, bakit may pulis?" Tanong ni Glen. Bago pa man masagot ni Virgil ang tanong ni Glen ay mabilis na pumagitna ng kalsada si Onyok.
"Yok, anong nangyayari dito? Bakit may mga pulis?" Tanong ni Glen.
"Si Mr. Smith daw. Dumiretso na daw kayo sa mga Villasis. Nagwawala daw si Miranda. Di n'yo ba nasalubong?" Si Onyok. Hinihingal pa. Tumango lang si Glen sa kasamahan.
"Nasaan sila Nanany Carmen?" Tanong ni Virgil.
"Isinama na po ni Martin papuntang sa Condo ni Ma'am Carmella po. Utos po ni Ma'am." Mabilis na sagot ni Onyok.
"Ang Ma'am Erica mo?" Tanong niya, nagpalinga-linga.
"Nasa Van po sa likod kasama si Ma'am Brianna at Ma'am Carmella. Ayaw pong umalis eh." Kakamot-kamot ng ulo ni Onyok. Napapailing na lang si Virgil at Siege.
"Sige na. Tawagan mo si Martin bago pa makalayo ng Aguinaldo Highway, sa Quezon kamo siya dumiretso." Tumango naman kaagad ito at kinuha ang cellphone para tawagan ang kasamahan.
"Glen kunin mo yung isang sasakyan at sunduin mo sila Mr. and Mrs. Scott sa Makati. Alam mo na kung saan yun, di ba? Magsama ka ng isa pang tauhan para may kasama ka. Kami na ang bahalang pagpaalam sa kanila na darating kayo." Tumango naman kaagad si Glen. "Dalhin mo sila sa Hacienda Juanita." Bilin ni Virgil. Mabilis itong kumilos.
"Cesar, tawagin mo si Alvin at yung bata at ilipat mo dito para magkasama silang magpamilya. Ikaw na ang magmaneho ng kotse na ito, magsama ka na rin ng isa pang tauhan." Kahit pa nagkakagulo ay kalmado si Virgil na parang walang nangyayaring di maganda.
"Alex, ikaw na ang bahala sa kotse ni Tim, diretso na ng Quezon yan, isama mo ang ibang tauhang walang masasakyan." Tumango ang mga tauhan ni Virgil ngunit hindi naman kaagad kumilos dahil alam nilang may kasunod pa ang mga sasabihin nito. Binalingan ni Virgil si Alvin.
"Alvin, Ryelee, si Cesar na ang bahala sa inyo. Ihanda na yan, Sar! Bilis!" Mabilis na mang kumilos si Onyok at isa pang tauhan.
"Alis na kayo!" Sigaw ni Virgil. Kanya-kanyang pulasan ang mga ito.
Merong dumiretso sa kalsadang tumbok ng bahay ni Virgil palabas ng exclusive na subdivision na iyon, samantalang pumakaliwa si Onyok. Ganun din ang ginawa ni Cesar kung saan sakay sila Ryelee, Alvin at Rylan na tulog pa rin.
"Virgil, sila Papa at Mama? Hindi pwedeng maiwan ang mga yun, nasa kanila ang mga bata ngayon." Malakas na sabi ni Siege. Huminto naman si Virgil at nilingon ang bayaw.
"Don't worry about them, tatawagan natin sila ngayon mismo. Alam ni Papa ang bahay ni Lola sa Quezon. Tatawagan ko na lang si Alex na i-convoy na lang sila Papa." Mabilis na sagot ni Virgil. "Mauna ka sa likod ng bahay, susunod na ako." Dugtong ni Virgil.
"But first let me get something from my room. Patalikod na si Siege nang marinig nila ang boses ng isang lalaki. Seryoso. Maotoridad.
"David Virgil! Timothy Siegfried!" Mabilis na napalingon si Siege at Virgil. Papalapit sa kanila ngayon ang isang matangkad na lalaki. Makisig ang pangangatawan. Seryoso ang expression. Depinado ang mukha. Nakakatakot kung makatingin.
"Who are you?" Mabilis na tanong ni Siege. Si Virgil ang sumagot.
"Mr. Smith. You scared the daylight out of us." Inilahad ni Virgil ang kamay sa lalaki. "He's the right hand man for Mr. Thompson, DJ's father-in-law. Tumango-tango si Siege.
"Good evening, Sir." Bati ni Siege na nakalahad ang kamay dito.
"I'm sorry if I scared you boys." Napangiwi si Siege sa tawag sa kanila ng lalaki. BOYS?! Reklamo ng kalooban niya.
Pero kung tutuusin, kumpara sa lalaki mga bata lang sila. Sa tindig at porma pa lang ng kaharap ay masasabing totoy lang sila. Kahit na may edad na ay matikas pa ring maituturing ang pangangatawan nito. Halatang aktibo pa ito sa maraming bagay. Hindi ito mukhang banisado pero malinis at diretso kung tumingin sa kahit na kaninong kaharap. Naisip niya na parang may pagka-assassin ang dating nito. Kinilabutan siya.
"It's okay. We don't usually get this way but with what is going on at the moment, and with my girlfriend and his wife being at the back in the van, it puts us all on the edge of our wits." Virgil expresses trying to hide the fear that had actually enveloped him and Siege.
"After what we had gone through, PTSD is my best enemy at the moment." Pahayag naman ni Siege. Kababalik pa lang nila sa Pilipinas. Wala pa ngang isang buwan kung tutuusin. Siguro mga dalawa o tatlong tulog pa bago ang isang buwan ay napakarami ng nangyari. Parang pakiramdam niya ay may isang matinding aksidente o trahedya na naman ang magaganap kung hindi sila mag-iingat.
"I heard about you. I heard you are dead already but I guess, resurrection is true." Bahagyang tumawa si Mr. Smith sa kanyang komento. Parang medyo gumaan naman ang pakiramdam ni Siege dahil mabiro din pala ang lalaking kausap nila kahit may pagka-intimidating ang dating.
"I guess, but not in a biblical sense." Tumawa din siya. Nawala na ang takot na kanina lang ay bumalot sa puso niya.
"I leave you two for a while. I'll get something from my room." Anunsyo ni Virgil. Tumango lang silang dalawa. Pagdating ni Virgil sa may pintuan ay lumingon ito. "Catch!" Sigaw nito. May kung anong makinang ang lumipad sa ere at huli na nang makilala niya ito. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya kaya nasalo niya kaagad ito.
"Hmmn. Nice reflex." Pagpuri ni Smith sa kanya.
"Thank you." Sabay tingin sa hawak. Bahagya siyang nagulat dahil isa itong baril. Isang 9mm Luger Lightweight Commander-Style with a barrel length of 4.25 inches in pure silver. Napatingin siya kay Virgil na ngayon ay likod na lang nito ang makikita at naglaho na sa kung saan yun papunta sa loob ng bahay nito.
"Wow. Nice piece. I have one like that, too. That baby could spit fire. Not literally, but it could fire a long range." Komentaryo ni Smith. Nagtaka si Siege kung bakit kailangan niyang humawak ng baril? May ano ba? Para saan ito?
"Why do I have to have one?" Tanong ni Siege na parang wala sa sarili. Eh paanong hindi ka mawawala eh, normal naman ang buhay mo noon bago ang aksidente at kahit na nung nasa California sila tapos bigla na lang nagkaroon ng mga ganitong eksena na parang nasa pelikula siya. Tapos dagdagan pa ng hindi niya mawaring kabaliwan ng ibang tao dahil sa pag-ibig. Please, don't let it happen to me. Pipi niyang dasal.
"You don't how to use it?" Tanong ni Smith sa kanya.
"I do. But I don't have any plans of owning one actually, let alone using it." Tunay niyang pag-amin. Mahirap kasi ang may baril. Kapag mainit ang ulo ng tao nawawalan ng rason, bandang huli ang takbo nito ay ang baril na lang. Hindi na nakakapag-isip na maaaring makasakit sila. Talo pa ang baliw na walang katinuan.
Maraming ganitong insidente sa California noon. Nagkasagian lang sa kalsada, nagkainitan, ayun nagbarilan na. Nakipagtalo lang sa girlfriend, nagselos, napikon, ayun binaril agad tapos nagsisi, ang ending, binaril ang sarili.
Alam niyang hindi baril ang problema. Ang problema ay ang mga taong may hawak ng dito. Kilala niya ang sarili, hindi pa man buo ng lubusan ang kanyang alaala, pero at least kilala niya ang sarili. He is really sure na kapag ang pamilya na niya ang kinanti, paniguradong makakabaril siya ng tao. At wala siyang pakialam kung makulong man siya, but he'll make sure na hindi titirahan ng buhay kung sino man yun.
"With what is going right now, you need it. Mahirap na. From what I've heard from Mack, DJ and Ramon, this woman is some kind of a psycho. She orchestrated a scheme that even I can't plan let alone execute it. She's good. She's crazy good." Puno ng paghangang sambit ni Smith. "I know a "someone" that defied death. He did it to make his family safe, at least for a while but in the end bad things still happened that almost killed both his son and wife because of a crazy woman." Napatingin si Siege kay Mr. Smith. Ngumiti lang ito sa kanya. Napaisip si Siege. Woman? Babae na naman? May mga ganun pala talagang babae? Ipinilig na lang niya ang kanyang ulo. Ayaw niyang isipin ang kahit na ano. Mas maganda yung mag-focus siya sa kung ano ang meron ngayon.
"Ang tagal ni Virgil ha." Pag-iiba niya sa usapan. Hindi niya kilala ang lalaki maliban sa kilala ito ni Virgil at ni DJ. Maging si Ramon ay sa telepono niya lang nakaka-usap. Kung sakali mang tumayo ito sa harap niya ngayon ay hindi niya ito makikilala.
"Timothy!" Mabilis siyang napalingon kung saan nanggaling ang boses na yun.
"Dean?!" Sambit niya dito.
"You know him?" Tanong ni Smith sa kanya.
"Yeah, he's one of my bestfriend." Sumenyas si Smith sa mga tauhan niya sa gate. Tsaka pa lang ito tuluyang nakapasok.
"What is going on, bro?" Tanong nito na hinihingal.
"This is Mr. Smith, kakilala ni Virgil." Mabilis niyang pakilala sa lalaki.
"Hello, sir." Magalang na bati ni Dean kay Smith. Tumango lang ito at inilahad ang kamay. Ganun din si Dean. Bumaling naman agad siya kay Siege. Hinihingal pa rin ito. Parang sampung milya ang tinakbo nito dahil butil-butil ang pawis nito sa noo.
"Tumawag si Ella." Napakamot ito ng batok. "Muntik ko pa ngang tarayan kanina dahil wala naman siyang dahilan para tawagan ako, pero bro, bakit parang ang lungkot ng boses nun? Hindi ko tuloy na intindihan yung iba niyang sinabi. I just asked her text me the address." Walang tigil na salaysay ni Dean. Napangiti si Siege. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala, kung kanino at ano ay tsaka na niya aalamin.
"Inutusan ko siyang tawagan ka, para papuntahin sana sa Quezon at doon na lang tayo magkikita-kita. Medyo may problema lang ng konti." Kwento naman ni Siege. "Saan ka nga pala galing? Bakit hinihingal ka? Tinakbo mo ba mula Makati papunta dito?" Tanong ni Siege na may halong panunukso. Hindi yata na gets ni Dean ang panunukso nito dahil nagpatuloy lang ito sa pagsagot.
"Nandiyan ako sa bagong bahay na pinatayo ng mga parents ko, mga few houses down. Nagpaalam ako kay Mommy na pupunta ako dito kasi nandito ka. I jog from there to here. Then these people... Wait, why is there a lot of uniformed man outside Virgil's house? This is Virgil's house, right?" Tanong nito. Ngayon lang siguro nito na-realized ang kaganapan.
"Go to the back. There's a black Starex Van back there. Mauna ka na doon. Paki-alalayan si Ella. She and her sister got into something earlier. I think, she needs someone right now. Please lang. Wag nang maarte. Busy si Brielle sa ibang bagay." Utos niya sa kaibigan. Matiim na nakatitig lang si Dena sa kanya. Inaalam siguro kung ano ang tumatakbo sa isip niya. "Go, bro. Sit by her side dahil sa tabi ni Erica uupo si Virgil at ako naman ay sa tabi ng asawa ko. Be a good boy. She needs a friend right now. Mamaya ka na umarte." Mabilis siyang tinalikuran ni Dean na hindi man lang nagsalita. Pero alam niyang nagtataka ito sa mga pinagsasabi niya.
"You sly dog!" Dinig niyang sabi ng boses sa likod. Si Virgil. Nabalik na pala. Nilingon niya ito. Nakangiti ng malapad si Mr. Smith. Napapailing na lang siya.
"Playing cupid, aren't you." Sabi ni Mr. Smith na ikinatawa nila ni Virgil.
"Nah. I don't have to do it. Pabebe kasi ang dalawang yan." Nakatawa niyang pahayag.
"Really, Tim? In times like this, nakuha mo pa ang mag-match make sa dalawa?" Tatawa-tawang komento ni Virgil. "Tara na nga bago pa tayo maabutan ng mga tauhan ni Miranda.
"Go, guys. We'll take care of things here." Seryosong sagot ng mabaritonong boses ni Mr. Smith. Tumango sila ay nakipagkamay na sa lalaki. "You got what you need?" Pahabol nito kay Virgil.
"Yeah. I got it. Just call me when you need anything. There's food in the fridge. There's a lot of bottled water sa pantry. Snack are there, too. Naka-unlock yung tatlong guestrooms dito sa baba. Feel at home, Mr. Smith." Sabi ni Virgil. Ngumiti ito sa kanya.
"Kurt. Call me Tito Kurt." Tumango sila.
"Thanks, Tito Kurt./Thank you, Tito Kurt." Magpanabay pa nilang sagot. Tumalikod na sila para pumunta sa likod.
Nakarating na sila sa tapat ng pinto ng Starex nang biglang may narinig silang putok mula sa labas. Tahimik silang nakinig. Ano ba yun? Paputok o putok ng baril? Para namang sinadya at may isa pa uling putok silang narinig. Mukhang malayo naman ang pinanggalingan nito.
"Tim, get in." Madiin na utos ni Dean. Nakaupo ito sa tabi ni Ella na tahimik lang nakayuko.
"Siege, please get in. Now!" Puno ng pag-aalalang sigaw ni Brielle. Mabilis naman siyang pumasok at umupo sa tabi ng asawa.
"Babe, pasok ka na, please. Mahinang sabi ni Erica kay Virgil. Sumunod naman kaagad ang binata. Mabilis itong umakyat sa driver side.
Pinindot nito ang remote na nakasabit sa visor. Bumukas ang gate sa likod. Binuhay ni Virgil ang makin at maingat ng lumabas patungong kalsada. Isa pang pindot dito at unti-unting sumara ang gate. Malayo-layo na sila Virgil nang may magsalita.
"Okay ka lang ba, hon?" Tanong ni Siege sa asawa.
"Yeah, I'm fine." Sagot naman nito.
Dahil pare-parehong pagod at antok. Hindi nagsipagsalita pa ang mga ito. Tahimik nang nagmaneho si Virgil. Maya-maya ay nabulabog lang sila ng tawag sa isang phone. Kanya-kanyang hanapan ng cellphone.
abulabog lang sila ng tawag sa isang phone. Kanya-kanyang hanapan ng cellphone.
"Hello?" Si Siege ang nagsalita. "Uhuh. Okay. Sandali." Sabi ni Siege.
"Sino yan, Hon?" Malambing na tanong ni Brielle.
"Si Ryelee. Nagising daw si Rylan at dadaan sila ng gas station." Pahayag niya.
"Tanungin kung saan gas station." Sabat ni Virgil sa harap.
"Saan?" Isang salitang tanong ni Siege. Parang ang tamad nitong makipag-usap.
"Paki sabi kay Cesar na dalhin sila diyan sa Shell bago makarating ng Anabu." Isa pang sabat galing kay Virgil.
"Narinig mo?" Napangiti si Brielle dahil sa patamad at walang ganang pakikipag-usap ng asawa sa kaibigan. Wala pang ilang saglit ay nagpatay na ito ng tawag.
"You're rude." Puna ni Brielle, natatawa. Hindi naman kumibo si Siege. Nagsumiksik na lang siya sa tabi ng asawa at pagod na sumandal. Hinayaan naman ni Brielle si Siege at naging tahimik na uli ang loob ng sasakyan.
NAGKITA-kita sila sa isang gas station sa sa Shell Station. Mabuti na lang at bukas ito ng 24 oras. May convenience store, car wash at restroom area din dito.
Bumaba si Virgil para lapitan ang sasakyan kung nasaan ang dalawang tauhan.
"Nasaan sila?" Tanong nito nang mapansing wala ang mag-asawa.
"Sinamahan po ni Sir si Ma'am sa banyo dahil gusto po yatang magbawas nung bata. Ayaw humiwalay sa ina." Napailing na sumbong ng Cesar. Natawa siyang tinapik ang balikat nito.
"Pasensya na kayo at aabutin yata tayo ng umaga sa kalsada." Paghingi niya paumanhin sa mga ito.
"Sir, Virgil, wag kayong mag-aalala. Naiintidihan naman namin." Sabi ntiong kakamot-kamot ng batok. "Nakakatuwa nga po kayo eh. Para pa ring buhay lang ang Senyora Juanita. Ang bait n'yo sa mga kaibigan n'yo." Nangingislap nitong pahayag. Sasagot na sana si Virgil nang dumating ang magpamilya.
"Okay na?" Tanong niya. Nangunot ang noo ni Ryelee. Hindi yata siyanatandaan nito, ganun din si Alvin.
"Nandun si Siege sa kabilang sasakyan." Maikli niyang pahayag. Nilingon ni Alvin ang tinuro niyang van. Hila ang asawa, lumapit ito doon. Nagkatinginan lang si Cesar at Virgil.
"Tim?" Tawag ni Alvin. Kumkatok ito sa pinto ng van. Pinagbuksan ito ni Siege.
"What is going on?" Tanong ni Alvin. Tinitigan muna ito si Siege mula ulo hanggang paa.
"Kung itatanong mo kung paano akong nabuhay, mahabang kwento. Doon na natin yan pag-usapan." Matamlay at matabang na sabi ni Siege. Laglag ang balikat at nakayukong itong napabuntong-hinga.
"What I'm asking is why were we taken out of the house?" Pagtatama nito ng tanong.
"Talk to him." Turo ni Siege kay Virgil. Napapailing na napapangiti na lang si Virgil. Lumingon si Alvin kay Virgil.
"Virgil Samonte." Maikling pakilala ni Virgil sa sarili. "We took you out of there for precautions." Simple nitong sagot.
"Pinasundo na rin nila sila tita Marj at Tito Ron." Sabat ni Dean. Sabay na sumilip ang mag-asawang Montemayor sa pinakalood ng Van.
"What are you doing here, Dean?" Tanong ni Ryelee.
"Same with you, I don't know and I don't want to know." Simple nitong sagot.
"Sila Papa at Mama nga pala? Paano na yung mga bata?" Tsaka pa lang nakapag-react si Brielle. Dinig ang pag-aalala sa boses ni Brielle.
"I already texted Papa. He knows what to do." Sagot naman ni Siege.
"Pinapunta ko ang isang driver doon para sunduin sila Mr. and Mrs. Scott sa Makati. Papa knows where to go. I had sent a different car there para yun ang gamitin nila. Si Alex na ang bahala sa kanila" Mabilis na sambot ni Virgil. Tahimik na siyang nagmaneho.
"Okay." Matamlay na sagot ni Brielle.
"Don't worry about them. Susunod sila Alex sa kanila. Nag-text na sa akin si Glen, siya na daw ang bahala sa mga biyenan mo, baby girl." Pahayag ni Virgil.
"Baby girl?/Baby girl?" Halos magkapanabay na sabi ni Ryelee at Alvin, sumabay na rin si Dean. Nagkatinginan si Virgil at Siege. Napangiti. Hinid pa nga pala alam ng mga kaibigan ang kwento.
"Virgil here is Brielle's older brother." Simpleng sagot ni Siege.
"Wait. Kapatid? Eh di ba tauhan ka nila Mommy? Di ba isa ka sa..." Pinutol si Virgil ang sasabihn pa sana ni Ryelee gamit ang palad niya sa harap nito.
"Stop/ Yes and no." Tiim-bagang niyang sagot. "Yes, in a way, dahil gusto kong mabawi si Nanay Carmen at itong si Erica sa poder ng mga magulang mo. No, dahil yun ang totoo. Hindi ako tauhan ng nanay mo and I was never one and never will. Sinadya kong magpakagago para malaman ko kung ano ang koneksyon nila sa pagkakaaksidente nitong kapatid ko at ni bayaw. I made myself a bad guy dahil pinoprotektahan ko ang kompanya ni Papa." May diin at galit sa boses ni Virgil pero hindi naman siya nakasigaw. Natahimik si Ryelee sa sinabi ni Virgil.
Alam niya kasi na ang laki ng problemang ginawa ng mga magulang niya, lalo na ang ina, sa mga taong kasama niya ngayon. Nagsisisi siya kung bakit nakinig siya sa ina kaya nawala ang pitong taon sa buhay nilang magpamilya.
Aminado naman si Ryelee na partly ay may kasalanan din naman siya kasi ginusto din niya yun, but the rest of what her mom did ay wala na siyang alam doon. She was clueless na napakalaki pala ng damage na nagawa nito.
Nagulat pa si Ryelee nang makita niya si Ella at Erica na nakaupo sa loob at harapan ng van.
--------------------
End of SYBG 35: Never-ending Mess
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
03.26.18
Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro