SYBG 34
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"A Brother is A Brother"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
SI Brielle na nag-iisang nagmamamaneho ay umiiyak at galit na galit. Pakiramdam niya ay niloko siya ni Alvin matapos niya itong ituring na kaibigan at kapatid.
All this time Siege. Is alive and he knows it. All this time he knew his bestfriend was with his wife. All this time pinaglalaruan lang sila ng mga Regalado. Ang sasama nila. Ninakaw ng mga ito agn pitong taon sa buhay nila ng pamilya niya. Ninakawan ng mga ito ng ama at ina ang mga anak niya. Pupuntahan niya ang kapatid niya. Magpapatulong siya dito. Tinawagan niya ito.
"Kuya, I need you." Mahina niyang sabi pagkasagot na pagkasagot ni Virgil.
"Yelle? Nasaan ka?" Nag-aalalang tanong ni Virgil sa kanya.
"I don't know. All I know is that I am driving going south to Cavite." Patuloy lang sa pag-iyak si Brielle. "Niloko niya ako, Kuya. niloko nila ako." Humagulgol na siya nang tuluyan.
"Yelle! Don't cry." Saway ni Virgil sa kanya. "Who's driving?" Dugtong nitong tanong.
"I am." Simpleng sagot ni Brielle habang patuloy sa pag-iyak.
"Brianna Marielle, listen to Kuya, okay. Take a deep breath and exhale slowly, calm yourself down, okay. Crying is not good when you are driving." Mahinahon na sabi ni Virgil sa kanya. "Is your tracker app on?" Masuyong tanong ni Virgil sa kanya.
""What tracker app?" Tanong naman niya na parang nalilito.
"Nevermind." Mabilis niyang sabi sa kapatid. "Just promise me that you are going to stop crying. Tell me everything about it when you get here." Mabilis na bilin niya kay Brielle.
"Okay, Kuya. I promise." Sagot naman niya. Duda man si Virgil na gagawin nga ni Brielle ang pagtigil nito sa pag-iyak pero mas mabuting wag na niya itong kulitin.
"After hanging up now, don't turn your phone off." Paalala niya dito. Natahimik ang kabilang linya. Walang sumasagot. "Brianna Marielle! Are you listening?!" Seryoso nyiang tanong sa kapatid na alam niyang hindi nakikinig.
"Yes, Kuya. I am listening, but I have to turn my phone off, I don't want Siege calling me. I can't talk to him yet. I want to think first." Sunud-sunod na sabi ni Brielle. Malungkot ang boses nito at ramdam na ramdam ni Virgil ang sakit sa bawat salita ng kapatid.
"That's fine. You don't have to but please do not turn it off. You can put it on silent but not off. I need to know where you are. I will go and get you." Natahimik na panandalian si Brielle. Iniisip niya kung pakikinggan ba niya si Virgil o hindi. "Brianna Marielle! Listen to me or I'll call Papa!" Singhal ni Virgil sa kapatid sa telepono. Para namang nagulat si Brielle sa bigla pag-alsa ng boses ni Virgil.
"O-okay, Kuya. I won't turn off my phone." Mabilis niyang sagot.
"You know what, forget it. Drive all the way to Imus town and I will meet you there." Natatarantang sabi ni Virgil.
Hinayaan na lang ni Brielle na naka-on ang phone niya at least lalabas na busy siya sa isang tawag kung sakaling tumawag si Siege. Naririnig niya ang kaunting usapan sa kabilang linya. Ang pag-uusap siguro ng Kuya niya at ng girlfriend nito na si Erica na kapatid ng kanyang sekretarya. Nakangiti siya kahit may luha ang mga mata. Naririnig niya kasi ang pag-aalala nito maging ang Nanay nila Ella. Nandun din si Ella. That's right, sabado pala bukas. Takbo ng isip niya.
Hinayaan na lang niya ang mga bulungan sa kabilang linya. Pasalamat na lang siya at parang may kasama din siya sa loob ng kotse. Sinusundan niya ang road signs na nadadaanan. She needs to be attentive to all the signs, exits and turns. Mahirap na at baka lumagpas siya or worse, mawala siya, gabi pa naman at hindi pa man din niya kabisado ang lugar na ito.
Naging panatag na ang isip at pagda-drive ni Brielle. Nakampante siya dahil alam niyang nandiyan si Virgil, Erica, Ella at Aling Carmen. Binuksan niya ang radyo at bahagyang nilakasan ang volume nito. Tahimik na muli ang kanyang biyahe. Hindi gaanong marami ang sasakyan sa kalsada marahil siguro gabi na.
Lumiko siya sa exit nang papuntang Imus. Napansin niya na may isang sasakyang nasa likod niya ang lumiko din sa exit na nilabasan niya. Pagkadating niya sa ikalawang kanto papalapit sa isang gas station, kumanan siya. Napansin niya na yung kotse sa likod niya ay kumanan din. Naisip niya na baka nagkataon lang.
Tiningnan niya ang waze, nainis siya kasi nagkamali pa siya ng liko, dapat pala kaliwa ang liko niya, kaya nung mag-rerouting ang app ay sinunod niya ang unang liko pakaliwa. Kinabahan na siya dahil kumaliwa din ang kotseng nakasunod sa kanya. Sinuguro niyang naka-lock ang mga pinto ng kotse at nakataas ang bintana.
Pagdating niya sa stop light, nagkataon namang red light pa. Katakot-takot na dasal ang ginawa niya. Tinawid niya kaagad ang stoplight nung mag-green na ito. Nakita niyang tumuloy din ang yung kotseng nasa likod niya. Nakakita siya ng gas station na bukas pa, lumiko siya doon at tumigil. At least here, I'll be safe. Naisip niya.
"Kuya, I'm at Shell gas station." Paalam niya sa kapatid na nasa telepono pa rin. Bago pa man makasagot si Virgil ay napatili na si Brielle sa sunud-sunod at malakas na katok sa kanyang bintana na parang sinusubukang basagin ito.
"BRIANNA!" Sigaw ng tao sa labas.
"AAAAHHHHH!!!!!" Malakas na sigaw ni Brielle sa sobra niyang takot. Madiin siyang nakapikit. Kung masamang tao ito, ayaw niya itong makita at matitigan sa mga mata.
"BRIANNA!" Narinig niya uli ang sigaw na galing sa labas. Dahil nga nakasara ang bintana ng kotse at dahil sa sobrang takot ay hindi niya makilala ang boses na iyon.
Basta ang alam niya lang ay nanginginig ang katawan niya sa sobrang kaba. Gabi na. Madilim sa labas. Nasa lugar siya na hindi niya kabisado. Basta ang alam niya lang ay nasa Cavite din ang taong gusto niyang balatan ng buhay. Para siyang nasa suspense/thriller movie na siya yung tanga-tangang karakter na unang mamatay dahil hindi nag-iisip basta sulong lang ng sulong.
"BRIELLE!" Sigaw mula uli sa labas. Klaro yun. Dinig niya yun. Iisa lang ang taong tumatawag sa kanya sa pangalang yan dahil yung taong yun ang ang nagbigay ng palayaw na yan sa kanya simula ng maging bahagi ito ng buhay niya.
Nag-angat ng tingin si Brielle at nakita niya ang kapatid at ang asawa sa labas ng bintana na puno ng pagpa-panic ang mga mukha nito. Napansin niya na may dalawang kotse at may dalawang lalaki sa tabi ng isang kotse. Kilala niya yung isa sa mga yun dahil yun ang palaging ginagamit ni Virgil sa trabaho. The other one, she's guessing its' her father-in-law's car dahil doon sila galing at nasa kanya ang kotse ng asawa.
"Open this damn door or I will break it!" May diin at galit na sabi ni Siege. Shit! Nilayasan ko nga pala siya kanina dahil sa galit ko sa mga kaibigan niya. Galit ako kay Alvin. Medyo maliwanag na ang pag-iisip niya ngayon kaya eto siya sising-sisi siya na basta na lang umalis, nag-drive mag-isa, nakarating ng Imus, muntik mapahamak at ngayon nga ay mukhang tangang takot na takot, mabuti na lang si Siege at Virgil ang kumakatok sa bintana ng kotse. Imagine if it's someone else?
Tiningnan niya ang kanyang Kuya Virgil na nakatayo at nakahalukipkip sa likod ni Siege na may nakakaloko ngunit nakatagong ngiti sa mga labi nito. Pinanliitan niya ito ng mata na parang sinasabi ditong 'Don't you dare say a word!' Naintindihan yata ni Virgil ang gustong iparating ng kapatid sa kanya kaya mas lumawak na ang ngiti nito ngayon.
Nag-init ang bumbunan ni Brielle dahil sa nakikitang namumuong kalokohan sa isip ng kapatid. Parang nababasa na niya ang nilalaman nito. What? Doesn't meant that they just met and found out that they are siblings hindi na ba pwedeng magkaroon ng instant connection? Kambal lang ba ang may ganun?
Ibababa na sana niya ang bintana ng makita ang matalim na tingin ni Siege. Nakaramdam siya ng panliliit, pagkapahiya dahil sa pagiging immature. Bakit nga ba siya basta na lang nag-walk out at nag-drive paalis? Sino ba kasing tanga ang pinaniniwalaan niya?
To think, as the story goes, according sa mga in-laws niya nung nasa Batangas sila, nagkaroon daw ng temporary amnesia si Siege and there are still some pieces of his memories na hindi pa nabubuo. Maaaring pati ang asawa niya ay niloko din ng mga ito. And to think, again... na maaaring biktima din lang ito ng mga kaibigang hibang.
The sad part to all this, she trusted one of them too much like a brother. She trusted Alvin. Hindi pala niya talaga lubos na nakikilala ang lalaki, but then again, hindi niya naman talaga lubos na kilala ang mga kaibigan ni Siege at yun ang mas masakit.
Minahal niya si Alvin na parang Kuya. Minahal niya ito nang walang pagkukunwari kasama ang anak na si Rylan, tapos niloloko lang pala siya nito. Binilog lang pala ni Alvin ang ulo niniya, nilang magpamilya para sa pansariling dahilan. For self-gain. Then it dawn on her, nagtapat nga si Alvin sa kanya nung nasa Japan pa siya. She just didn't pay attention to it much but he did say na gusto siya nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng galit, pero mas galit ang asawa niyang kanina pa pinabubuksan ang pinto ng kotse sa kanya.
"I said open this damn door or I will fǚcking break this sh!t!" Talagang ginagalit na niya ang asawa. Alam niya kung paanong magalit ito. He gives out cold shoulders, dry treatments, or worst, lam n'yo na yun... Mapaparusahan siya nito. Wag n'yo nang alamin kung ano ang parusa dahil baka hindi na siya makababa sa langit na pagdadalhan nito sa kanya.
In-unlock niya ang kotse. Bigla na lang binuksan ni Siege ang pinto, lumuhod ito at mabilis siyang inakap, mahigpit na mahigpit. Ramdam niya ang takot sa mga yakap nito. Hindi siya makahinga.
"Don't you dare take off like that again, hon. EVER!" Nanginginig ang boses ni Siege. "Tinakot mo ako. Tinakot mo kami." Dugtong ni Siege.
"Hon..." Tawag niya dito. Pilit na itinutulak, mas lalo namang humigpit ang yakap nito.
"Brielle, kapag inulit mo pang gawin ito, baka hindi ko na alam ang gawin ko." Patuloy na sabi nito. "Baka makapatay na ako." May diin ang huling sinabi na iyon ni Siege. Kinabahan siya.
"Hon..." Hindi yata nakikinig ang asawa sa kanya. Pinipilit pa rin niyang makawala. Hindi lang oxygen ang kailangan niya ngayon, kung hindi bagong baga na rin kapag hindi siya binitawan ni Siege o di kaya ay luwagan man lang nito ang yakap sa kanya. Yung naman sanang may lambing, may init. LECHE self!
"Nakakatanga ka, Brielle. Nakakabobo ka. Diyos ko." Sambit nito na may halong panginginig ang boses. Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakaakap sa kanya.
"Timothy Siegfried Alvaro Scott!" Pilit na sigaw ni Brielle sa pagitan ng maliliit na paghinga. "Hindi ako makahinga!" Dugtong pa niya na halos pilit ang boses na lumabas sa mga labi ni Brielle. Bigla namang linuwagan ni Siege ang pagkakaakap sa asawa ngunit hindi niya ito binitawan. Natawa pa si Siege na bahagya.
"Oh, I'm sorry, Hon." Sabi nito habang yakap-yakap pa rin ito. "Sorry. Sorry." Dugtong pa nitong hinaplos ang mga pisngi niya at tinitigan siya na matiim ni Siege.
A/N: Saan ko dadalhin 'tong dalawang 'to? Ibibiglang-liko ko na ba sila?
"I'm sorry, too, Hon. I was just so mad. So angry. So frustrated. Imagine, seven years?" Sunud-sunod na sambit ni Brielle. Alam ni Siege na galit na galit ang asawa. "Seven years nila tayong pinaglaruan! Pitong taon nilang inalisan ng ama si Ethan. Pitong taon nilang pinagkaitan ng ina si Brynn! Ang sasama nila. Hindi sila tunay na mga kaibigan. Pinagkaisahan nila tayo!" Tumango-tango lang si Siege. Maging siya ay galit sa mga kaibigan kaya naiintindihan niya ang galit ng asawa sa mga kaibigan niya.
Nabubuwisit siya na naiinis na sa totoo lang gusto niyang pumatay na tao at uunahin na niya ang mga kaibigan kung hindi niya lang talaga iniisip ang asawa at mga anak.
"Madilim na at maaaring pagod na kayong dalawa." Bahagya pa silang nagulat ng magsalita si Virgil sa likuran nila. Doon lang uli naalala ni Brielle ang kapatid.
"Kuya..." Sambit ni Brielle. Hindi na siya pinansin ng kapatid. Lumingon ito sa dalawang lalaking nakasandal sa kotse.
"Lex, paki drive na lang ng kotse ni Marielle papunta sa bahay. Onyok, paki drive naman yung kotse ni Timothy. Ako na ang magda-drive ng kotse ko pauwi. Paki sabihan si Nana Esther na magluto ng chicken soup. Wag n'yo nang ipagising si Erica, Ella at si Nanay Carmen." Utos niya sa dalawang lalaki. Tumungo naman ang dalawa at nagkanya-kanya na ng sakay sa kotse pagkatapos maiabot sa kanila ni Siege ang susi ng kotse ng Papa niya.
Nagpatiuna na si Virgil papuntang kotse niya. Magkaakbay na sumunod din sa kanya si Siege at Brielle. Pinagbuksan ni Siege si Brielle ng pinto ng kotse sa likuran. Pagkatapos na maikabit ang seat belt nito ay isinara na niya ang pinto. Binuksan ang passenger side door sa front seat at sumakay na rin siya. Tahimik silang tatlo. Walang may gustong magsalita.
Ilang bahay na lang at makikita na ang bahay ni Virgil. Namamangha si Brielle sa mga magagandang bahay na nadadaanan nila. Kahit madilim na ay maliwanag ang mga ilaw sa poste at harap ng mga kabahayan kaya ktiang-kita niya ang ganda ng bawat isang bahay na madaanan. Naiinggit siya. Sana ganun din sa subdivision nila pero wala eh. Ang che-cheap ng mga bumbilyang inlalagay sa mga poste kaya limang hakbang lang madilim na uli.
May mga bakanteng lote silang nadaanan. Maliban sa well-lighted ang ito ay hindi pa madamo. Halatang ipinalilinis ng homeowners ang paligid. Kahit gabi kitang-kita mo ang paligid maliban na lang sa pinakadulo pero kahit ganun pa man ay nasisinagan pa rin ito ng ilaw mula sa liwanag ng poste. Peste! Ang ganda dito. Gusto niya ang lugar na ito, Parang napaka-safe kahit gabi.
"Hon, I'd like to buy a property here." Walang kagatul-gatol na sabi ni Brielle. Mabilis na napalingon si Siege sa kanya. Ganun din si Virgil ngunit balik-kalsada ang tingin nito kaagad.
"You do?" Tanong ng asawang walang kaedi-ediya sa takbo ng kanyang utak.
"Perfect timing. May ibinibentang bahay two houses across the street mula sa bahay ko. Bibilhin ko nga sana para kay Erica at sa pamilya niya kaso lang parang hindi yata matutuloy eh." Biglang naging malungkot ang kanina lang masayang boses nito.
"Bakit naman?" Nacourious na tanong ni Siege sa binata. Humugot muna ito ng malalim na hininga bago muling nagsalita.
"Mukhang ayaw sa akin ni Carmella." Maikli, mahina ngunit malakas ang dating nito kay Brielle.
"And why is that Kuya? Ano ang iniaayaw niya sa iyo? Kuya kaya kita, what's not to like? Gusto mong kausapin ko ang loka-lokang yan? Good catch ka na kaya para sa kapatid niya and besides kung hindi dahil sa iyo baka na-rape na yang si Erica, mabuti na lang at nasalubong mo." Natandaan niya ang kwentuhan nila noon sa beach house sa Batangas, kung paano silang nagkakilala ni Erica at kung paanong nalaman niya ang mga bagay-bagay at yung iba naman ay hindi pa nasasabi ni Virgil dahil ang rason niya ay hindi pa tapos ang pagpapaimbestiga niya at hindi yun ang tamang panahon para sa usapang nakaka-depress.
"No. Please, baby girl, don't do anything like that dahil baka lang mas lalong magalit sa akin si Carmella at mag-away silang lalo ni Erica. Naaawa ako kay Nanay Carmen dahil siya ang naiipit sa dalawang anak at sa akin." Mahabang salaysay ni Virgil. Naramdaman niyang tumigil na ang sasakyan sa harapan ng isang parang mansyon na bahay. "Ang please do not mention the saving part. Ayokong isipin ni Erica na I am using that to trap her. I want her to make her own choice. All her life wala siyang choice. All her life naging alipin siya, kung hindi hirap sa buhay at isa pang pahirap sa buhay. I don't want her to feel na dapat niya yung pagbayaran. I did it then because I was there and It was the right thing to do, but things had changed ng ma-in love ako sa kanya. But still, gusto kong maging magaan sa kanya ang mga desisyon niya. Ilang buwan na lang naman at makaka-graduate na siya. She can start working, She can start being herself more. Ayokong ikulong siya sa relasyon na baka pagsisihan niya sa bandang huli tapos iiwan din niya ako. Bata pa naman siya." Mahabang salaysay ni Virgil. Nakaramdam ng awa si Brielle.
"Why? Why are you doing this, Kuya? Hindi ka ba nasasaktan? Kuya, kung mahal mo dapat ipaglaban mo. Kung mahal mo dapat iyo lang." Naiiyak siya nang sabihin yun pero yun naman dapat talaga di ba?
"No. Hindi dapat ganun. Dapat ibibigay mo sa taong mahal mo ang kung ano ang ikaliligaya niya even if it is hurting you. Even if it would mean her leaving me for the one she truly love in the future." Nakatutok pa rin ang mga mata ni Virgil sa harap.
Nakaramdam ng kirot si Brielle sa puso. Matamang nakikinig lang si Siege sa usapan ng magkapatid. Hindi siya makasingit dahil kabaligtaran siya ni Virgil. Minadali niya ang lahat para sa kanila ni Brielle dahil sa takot niya na maagaw ito ng iba sa kanya. He seduced her. He got her pregnant. To top it off, he married her right out of college. Hindi na siya naghintay pa ng ilang linggo o ilang buwan man lang.
"Bakit kami ni Siege, nagawa naman yun. I am glad he did what he did kasi natatakot akong may ibang magkagusto sa kanya or worst, may iba siyang gustuhin. Paano na lang ako? Hihiwalayan na lang niya ako basta-basta? Iiwan, kasi nakakita na siya ng iba." Nagulat si Siege sa sinabi ng asawa. Napalingon siya dito. Not once, tinanong niya kung ano ang nararamdaman nito sa mga naging desisyon niya noon. "Okay lang ba sa iyo na iba ang makinabang sa mga pinaghirapan mo?" Dugtong pa ni Brielle.
"Ang sabi sa akin ni Lola, ganun din daw ang ginawa ni Mama noon. Ang sabi naman ng Tita Jean ko, mahal na mahal daw ni Mama si Papa pero mahal naman ni Papa si Mama Amanda. Kung nagawa yun ng Mama ko to think na ibinubuntis niya ako noon, I think mamagawa ko rin. Wala naman akong matres at wala naman akong balak na magtanim sa matres ni Erica." Napamulagat ang mga mata ng mag-asawa sa sinabi ni Virgil. He is opening up about his mom and his family. Napasulyap si Siege kay Brielle. Parang bigla ay nakalimutan nila ang bigat ng pasanin nila na gawa ng mga kaibigan nilang puro sakit sa ulo.
"Sino si Tita Jean?" Wala sa loob na tanong ni Brielle.
"Tita Jean is Meridia Samonte. She is my mom's very close cousin. She and two others, Tita Cher and Tita Gigi. Puro sila mga anak ng kapatid ni Lola Juaning." Sabi ni Virgil. "We're here." Anunsyo niya. Malaki at mataas ang gate na nasa harap nila.
"Eto ang bahay mo Kuya?" Tanong ni Brielle na nakatingala sa malaking gate habang hinihintay nila itong bumukas.
"Nope. Bahay 'to ni Mama." Simple niyang sagot na puno ng pagmamahal at pangungulila. She smiled. Natural na pala para kay Virgil ang maging malambing. Napalibutan pala ito ng mga babae. Ang Lola nito, ang mga Tita nito kaya siya ang nanghihinayang kung hindi ito ang pipiliin ni Erica. Para sa Kuya Virgil niya, makikialam siya. Ngumiti siya ng hindi man lang napansin ng dalawa.
"Ay naku Kuya, it's the same kaya yun. Wala na si Tita Mari, kaya this house? Iyo na ito 'no." Pagtatama niya sa kapatid. Napailing na lang si Virgil. Tinanggal na niya ang seat belt niya.
"Whatever, baby girl." Natatawang sabi ni Virgil. Napakunot ang noo ni Siege. Pangalawang beses na niyang narinig na tinawag ni Virgil na Baby Girl ang asawa ngunit hindi siya kumibo o nagtanong. "Pasok na kayo." Dugtong nito.
Dumiretso na sila sa loob ng bahay pag-ibis na pagka-ibis nila sa sasakyan. Ibinato ni Virgil ang susi kay Cesar ang susi na hawak.
"Baka tulog na sila." Mahinang sabi ni Siege. Napansin ni Brielle ang pagiging pormal ng asawa. Nilingon niya ito tapos tiningnan niya ang relo. Maaga pa. Alas nueve pa lang. Gusto pa niyang makausap ang kapatid. She have so many question for him. And it all needs to be answered — tonight.
"Kuya, inaantok ka na ba?" Tanong niya dito. Lumingon ito sa kanya at ngumiti at umiling.
"Hindi pa naman." Lumingon muna si Virgil sa ikalawang palapag na bahagi ng bahay at ibinalik ang tingin sa kanya. "Why? Do you want something?" Tanong nito sa kanya.
"Nothing much really. I just want to talk to you about some stuff." Sagot ni Brielle. Nilingon ang asawang nakatayo sa tabi na parang kay lalim ng iniisip nito. Magsasalita pa sana siya nang magsalita ito.
"I want to ask you something, too." Biglang salita ni Siege na diretsong nakatingin kay Virgil. Hindi ito galit pero seryoso. Nakaramdam ng konting kaba si Brielle. Alam niya ang mukhang yun. Yun ang serious face ni Siege. Yun ang mukhang I-am-not-mad-but-I-mean-business-so sit-your-ass-down face na minsan na niyang nasaksihan noon. She knew right there and then, her husband means business.
"Let's go over to the dining table and talk there." Sagot ni Virgil sa kanila, nagpatiuna na ng lakad sa kanila. Hinugot ni Virgil ang upuan sa ulunan ng lamesa at pinaupo si Brielle doon at hinugot naman ang kaliwa nito at iminwestra kay Siege. Umikot naman siya sa kabila, sa kanan ni Brielle, at doon ito umupo. Dumukot ito ng cellphone at may kung anu-anong pinindot. Pagkatapos ay hinarap sila ni Virgil.
"What are we going to talk about?" Kalmado nitong tanong. Pumasok sa Nana Esther na may may dala-dalang tray na may tatlong bowl ng sopas. Ngumiti lang sila sa matanda. Matapos maibaba sa lamea ang tray ay umalis na ang ginang. Nang bumalik ito ay may dala ng isang pitsel ng orange juice at tatlong baso.
"Maraming salamat po, Nana Esther. Matulog na po kayo." Magalang na sabi ni Virgil sa katiwala. Ngumiti ito at bumalik na uli ito sa kusina at hindi na muling nagpakita.
"Kuya..." Nag-aalanganing sambit ni Brielle nang masiguro niyang silang tatlo na lang talaga. Parang bigla ay kinabahan siyang magtanong dito. Parang bigla siyang nag-alanganing magtanong.
Kani-kanina lang ay gigil na gigil siya dahil nalaman niya mula kay Carmi at Chai na may alam si Virgil sa mga nangyari noon at sa mga nangyayari ngayon sa kanila.
"Ask away, baby girl." Sabi ni Virgil na ikinataas ng isang kilay ni Siege. Hindi siyan agseselos dito dahil wala siyang dahilan para magselos, magkapatid ang dalawa at kahit hindi man ay alam niyang kanya lang si Brielle at ganun din ito sa kanya. No question there.
"Why do you call her that?" Si Siege ang sumingit na nagtanong kay Virgil. Sabay na napatingin ang magkapatid sa kanya.
"Call her what?" Nalilitong tanong ni Virgil. Salitan niyang tiningnan ang kapatidat bayaw.
"You have been calling her baby girl. Why?" Inulit niya ang tanong. Napakunot ng noo si Virgil, maging si Brielle ay ganun din. Tsaka lang naalala ni Brielle na ganun nga pala ang tinawag sa kanyang kapatid.
"Yeah, Kuya. Why is that?" Tanong naman niya. Napaisip si Virgil.
"The truth?" Tumango ang mag-asawa. nagkatinginan. "I don't know. I just felt like she need to be called that. She needs to be taken care of by me as the big brother. I don't know." Sagot niyang napapakamot ng batok. Wala naman siyang pakaibig sasabihin doon sa pagtawag niya ng baby girl kay Brielle. It feels normal. It feels right. It feels natural. It feels like a real Kuya. "It just came out of me." Dugtong pa nito.
"Kasi Kuya ka, kaya ganun. Kasi hindi mo nagawa yan nung bata ka pa." Sabay-sabay silang napatingin sa may bungad ng komidor. Si Erica. Naka-pajama ito na Wonder Woman.
"Babe, bakit gising ka pa? Si Nanay?" Mabilis na tumayo si Virgil para salubungin ito. Hinalikan niya ito sa noo at inaalalayan papalapit sa lamesa. Ipinaghila niya ito ng upuan sa tabi niya.
"I heard you pulled up kaya tumayo ako. Dapat kanina pa ako nakababa pero nagising si Nanay. Tinatanong niya kung ikaw ba yun kauuwi lang pero ayun na, bumalik na si Nanay sa kwarto niya." Pahayag ni Erica. Ngumiti ito sa kanila.
Ngayon lang napansin ni Brielle iba ang ganda ni Erica. Hindi nakakasawa. Kaya siguro mabilis na na-inlove ang Kuya niya dito. Si Ella maganda rin namang tunay pero iba ang ganda nito. Cute ang ganda nun, parang baby. Pero si Erica iba. Nakakatomboy ang ganda nito. She have a seductress look but she didn't even know it. Erica is not aware of how beautiful and stunning she is.
"Eh ang... Ate mo." Narinig ni Brielle pag-aalinlangan sa boses ng Kuya Virgil niya. Sumabat na siya bago pa ito nakasagot.
"Erica, is there going on between my Kuya and your Ate?" Hindi na nakatiis na tanong ni Brielle. Nag-alinlangan pa si Erica dahil nakaarko na naman ang kilay ni Brielle.
"Hindi ko sigurado Ate Marielle, pero parang ayaw ni Ate Ella kay Virgil." Napayuko si Erica. Tumango-tango na lang si Brille. Alam niyang nalulungkot ang dalaga. Nailang si Virgil na siya ang pinag-uusapan.
"What are we going to talk about, Marielle?" Pag-iba niya ng usapan.
"I'm going straight to the point. What do you know about us? About our accident." Tanong ni Siege na nag-air qoute pa siya sa huling salita. Nakita ni Brielle na nagkatinginan si Erica at Virgil.
"Alam namin na pinaimbestigahan mo kami. Pero kahit hindi pa ay sasabihin din naman namin sa inyo ang totoo because you deserve to know the truth." Si Erica na ang sumagot. Tumingin muna siya kay Virgil, tinanguan siya ng kasintahan. Humugot muna ng malalim na paghinga at saka nagtuloy na magkwento. "I was only an 11-12 years old kid, Tatay works as one of the delivery drivers for Regalado Cement and Construction Supplies. Tatay was a little sick that time, hindi nga sana siya papasok dahil palaging sumasakit ang dibdib niya, pero pilit pa rin siyang nagtatrabaho dahil magha-high school na ako. Katatapos lang ni Tatay na mag-deliver ng semiento sa North Luzon, dapat pahinga niya ang araw na yun pero nakatanggap siya ng tawag mula kay Ma'am Miranda at galit na galit ito. May delivery pa daw siya kahit alam niyang wala na. Determinado si Mrs. Regalado na i-deliver ang mga simentong yun sa isang construction site na hindi na nga namin nalaman ni Nanay dahil nagmamadaling umalis si Tatay para makauwi kaagad at makapagpahinga. Tapos nabalitaan na lang namin na naaksidente si Tatay. He died on the spot. Ang masakit pa nun ay may nadamay na iba. Mag-asawa daw, buntis pa yung babae. Wala na kaming narinig pagkatapos ng aksidente mula sa mga Regalado maliban sa kasalanan daw ng Tatay ang lahat dahil nakikialam daw ito sa scheduling na kung tutuusin daw ay tapos na ito para sa linggong yun. Malapit nang ilibing si Tatay nang dumating ang mag-asawang Regalado at ipinipilit nila akong dalhin sa bahay nila para magtrabaho. Pambayad utang daw. Panandalian lang na natigil ang panggugulo nila dahil nakialam ang Tatay ni Ate, si Papa Keito. Ilang araw after na makaalis sila Ate pabalik ng Japan ay binalikan kami ng mag-asawang Regalado, this time, may kasama na silang apat na lalaki at pinilit akong dalhin sa kanila. Wala naman kaming magawa ni Nanay dahil sabi nila may utang pa daw si Tatay na dapat na bayaran at kung hindi namin mabayaran yun ay kami ni Nanany ang ipapakulong niya. Pumayag na lang si Nanay sa kondisyon na dalawa kami dahil ayaw din pumayag niyang na ako lang mag-isa ang isasama nila kaya napilitan silang dalhin na rin si Nanay. Doon ko unti-unting nalaman na ang mag-asawang nadamay sa aksidente ni Tatay ay kayo ngang dalawa. Ang masakit pa dun kasi sinadyang sirain ang break line ng truck na minamanehong truck ni Tatay kaya hindi na na-control yun ni Tatay. Tumama nga ito sa poste ng overpass, tumagalid at hinampas ang kotseng pinakamalapit sa kanya at ikinamatay daw ng mag-asawa. Ang ipinagtataka ko lang ay kung paanong na-timing naman na nandun kayo sa mismong pinangyarihan ng aksidente ni Tatay ay hindi ko mawari. Parang napakakalkulado ng mga nangyari." Mahabang salaysay ni Erica. Humugot ito ng malalim na paghinga bago muling magsalita pero hindi boses niya ang lumabas mula sa kanya kundi kay Carmen.
"Naririnig naming nag-uusap si Donya Miranda at Don Ezekiel tungkol sa mag-asawang Siegfried at Brianna na namatay daw, pero ang totoo, pinalabas ng Donya ang namatay kayong pareho sa inyong magkabilang pamilya. Naging mapag-usisa kami ni Erica sa tuwing wala ang mag-asawa sa bahay nila at kung nasa bahay naman sila ay sinasadya naming maglinis malapit sa kung saan sila nag-uusap. Naririnig naming nagtatalo ang mag-asawa. Naririnig naming nagagalit ang Don sa Donya dahil mas gusto nito talagang mamatay si Brianna, na nakakasagabal daw ito sa mga plano niya para sa anak at kay Siegfried." Inalalayan ni Virgil ang ginang at pinaupo ito sa tabi ni Erica malapit kay Brielle at siya naman ay lumipat sa kabila ni Erica.
"Salamat, anak." Baling nito kay Virgil. Yumukod lang ang binata t nagtuloy na sa pagsasalaysay ang ginang. "Ibinalita ni Donya Miranda kay Ma'am Blaire ang 'pagkakaaksidente' ni Siegfried at mabilis na nakarating dito ang anak nila. Nagpaprintada ng diyaryo si Donya Miranda sa isang kaibigan at ipinadala dun sa America na nagsasabing namatay na ang asawa at anak na lalaki habang pinahulog ng donya sa isa mga tauhan nila ang diyaryong naglalaman ng balitang patay na si Siegfried at anak nitong babae para sa iyo Brianna. Habang kami naman ni Erica ay halos gabi-gabing nakokonsensya sa mga pinaggagawa ni Donya Miranda. Sinamantala niya ang pagkakapagpahiwalay sa inyo ng mga kanya-kanya n'yong duktor para mas maalagaan kayo ng maayos. Alam din namin na si Donya Miranda ang nag-suggest na paghatian ang kambal para hindi daw mahirapan ang mga magulang ninyo kung sino ang mag-aalalaga sa dalawang bata dahil ayaw nilang iiwan ang mga sanggol dito sa Pilipinas." Maha-habang pahayag ni Carmen. Mataman lang na nakikinig ang mag-asawang Siege at Brielle. Mas lalong napupuno ng galit ang mag-asawa kay Miranda. Nilingon nila si Virgil nang magsalita ito.
"After hearing the accident, I came as fast as I could kaya lang wala na kayo nila Papa. That's when I applied and worked at the factory para mapalapit ako sa inyo kahit na empliyado na lang ang tingin n'yo sa akin ay magiging masaya na ako. I was the happiest nung matanggap ako kasi kahit papaano ay malapit na ako sa pamilya ng tatay ko. After I settled in, I was so furious that I promised myself na hahanapin ko ang may sala sa nangyari sa iyo, sa inyong dalawa." Huminga ng malalim si Virgil. "A few months after, may nakapagsabi sa akin na may bahay nga dito sa Imus ang mga Regalado pero hindi ko alam kung saan, yun pala ay nandiyan lang. Few houses down. I think destiny really knows how to play it's game para magkaalaman ng buong katotohanan kasi pinagtagpo nito ang landas namin ni Erica. When I met her, she was being chased by two goons that is wanting to rape her. Naawa ako. She was only 14 years old that time. I actually fell in love with her at first sight but I just sucked that in dahil nalaman kong bata pa pala siya." Parang nanaginip na sabi ni Virgil habang nakatitig kay Erica. Napangiti si Brielle at Carmen, kinikilig na tinitigan ang binata na parang tangang pumupuso ang mga mata nito. Napapailing na lang si Siege,
"That's when things and events slowly unraveled itself in front of me, in front of us. Like I told you sa Batangas, I made myself look like a perverted asshole para lang mapagkatiwalaan ni Miranda. Nung time na yun, hindi ko alam na hindi lang pala ang pagliligtas kay Erica ang magagawa ko. Nagpakilala si Ezekiel Regalado bilang amo ni Erica. The rest was history. Nalaman nilang sa Paperkutz ako nagtatrabaho. Alam nilang galing ako sa prominenteng pamilya ng mga Samonte, kinatatakutan. May sarili akong mga tauhan, well, actually, tauhan sila ng mga Lola ko. Hindi nila alam na anak ako ni David Villasis at kapatid mo ako. Itinago ko yun sa kanila. Kahit alam ng mga tauhan ko ay hindi sila nagsasalita." Tahimik pa ring nakikinig ang mag-asawa.
Napapaisip si Siege. Ano ang dahilan ng mga Regalado maliban sa gusto nitong makasal si Ryelee sa kanya. Bakit ba galit na galit ang babaeng Regalado sa kanyang pamilya. Parang ang lalim kasi ng galit nito sa kanila, kung indespair lang ito sa pag-ibig, sobra naman itong ginagawa niya. May tama lang sa utak ang nakakagawa ng ganito. Yung mga may sapak lang ang hindi nakakaintindi ng rason ng mga ito. But Tita Andi don't look like she's crazy. What she does is crazy. Maging ang sarili niya nagtatalo na rin. Hindi nga ba?
"So, you mean nadamay lang si Brielle at ang pamilya niya dahil sa pamilya ko?" Tanong ni Siege. Tumango si Aling Carmen.
"Ang totoo niyan, palagi kong naririnig na sinusumbatan ni Donya Miranda si Don Ezekiel dahil ito daw ang may kasalanan kung bakit siya ipinakasal sa Don gayung alam naman daw nito na si Aaron Scott ang gustong maging asawa." Sagot ni Aling Carmen. "Naisusumbat din ng Donya ang kapalpakang nagawa nito noong kabataan pa nila kung bakit siya nagbuntis. Kung bakit ito ang kinagisnan ng lahat na kasama sa kwarto at hindi si Mr. Scott. Doon ko lang talaga napagtanto na baliw ang amo naming babae sa tatay mo Siegfried at hindi niya matanggap na hindi siya ang nasa kalagayan ni Margaret." Dugtong ni Carmen.
"She also had said too many times na inutil daw si Don Ezekiel when it comes to making plans. Kaya dapat siya daw palagi ang masusunod. Everytime Don Ezekiel contradicts her, ipinamumukha dito ni Donya Miranda na siya ang may kasalanan at kung hindi niya kayang gawin ang lahat ng iniuutos niya sa asawa at ilalayo nito si Ma'am Blaire at hinding-hindi na daw kahit kelan makikita ang anak. But what puzzled me at first kasi may mga araw na mabait si Donya Miranda. Hindi ito makabasag pinggan at hindi man lang ito makapatay ng lamok. But there were those days na lahat halos ng babasagin sa bahay nila ay napagdideskitahan at maging ultimo maliliit na itim na langgam na wala namang ginagawa sa kanya ay nadadamay. This is true. It is too stupid to make up. Pinag-iinitan niya ang mga yun kaya ingat na ingat ako na magkaroon ng langgam sa bahay nila dahil ako ang nasissigawan niya. Ako ang nasasaktan niya." Dugtong pa ni Erica. Nagsalubong ang makakapal at depinadong kilay ni Virgil sa sinabi ng kasintahan. Hindi niya yun alam.
"To make the whole story short, Si Miranda Regalado ang nagplano ng aksidente n'yo na idinamay si Tatay Rico at siya din ang nagpadala ng mga newspaper obituary sa mga magulang n'yo. She saw that window of opportunity noong pinaghiwalay kayo ng bansa. You, Timothy sa America dahil ang case mo is very sensitive at gusto nila Tito Aaron na mas maalagaan ka at ikaw naman Bri, sa Japan, dahil yun din ang desisyon ng duktor mo na sinang-ayunan naman ng mga magulang n'yo. She thought, if she could let Mama Amanda and Papa knows that Timothy died with Brynn, hindi na kayo babalik sa Pilipinas or titigilan n'yo na ang communications n'yo sa mga Scott and ganun din sa mga Scott and in some ways, she kind of succeeded. She sent Ryelee Blaire to California to win your heart while you're going through your therapy and recovery and hoping that when you gain your memory back ay hindi na si Marielle ang hahanapin ng puso mo kundi si Ryelee na. She orchestrated the disappearance of Ryelee Blaire and sending Ray Alvin on a wild goose chase to Japan para mailayo ito sa nilalason niyang isip ng anak na ito ang mahal ni Timothy ng tunay at hindi ikaw at wala siyang pakialam kay Ray Alvin at sa anak nito na apo niya. Before I could finally put two and four together ay nakabalik na kayo dito. I didn't have time to get all the final details together. I have to take Nanay Carmen and Erica away from them bago ko pa sila ipakita kay Carmella. I know sooner or later Miranda will discover my true purpose. Mas mahihirapan ako kung doon pa rin sila Erica nakatira." May idudugtong pa sana si Virgil nang biglang may nagsalita sa bungad ng komidor. Si Ella.
"And you think maniniwala ako sa kasinungalingan mo? Sila maaaring nabilog mo pero ako ay hindi! I saw you brought that dead kitten in the box to the factory! You even stare me in the eye that day." Galit ang mga mata ni Carmellang nakatingin sa kanya.
"What dead kitten?" Naguguluhang tanong ni Siege. Laglag ang ulo ni Virgil. Naalala niya nakita nga pala siya ni Ella nung itatapon niya sana ang box na yun. Yun ang box na ipinaaabot ng tauhan ni Miranda kay Luis Bergante na ibinigay naman ni Luis sa kanya dahil sa takot na siya mismo ang bumweltahan nito. The dead kitten was sent by Miranda to scare the daylight out of Amanda and Brielle.
"That dead kitten wasn't mine, Carmella. Ilang beses ko na bang ipinaliwanag yan sa iyo? Galing kay Miranda ang lahat ng yun pati na ang panggabing security na nag-abot nito kay Luis. Si Miranda din ang nag-utos sa isang bagong panggabing trabahador ng factory na ilagay ang paper reel sa taas ng warehouse shelf." Kalmado pa rin si Virgil sa kanyang pagsasalita. Pero hindi si Erica. Nagpanting ang tenga ni Erica dahil sa narinig mula sa kapatid.
"So all this time, kaya pala palagi ka na lang galit kay Virgil ay dahil sa patay na kuting na yun?! Ilang ulit ko na ring ipinaliwanag sa iyo yun! Alam ko yun. Alam namin ni Nanay yun dahil doon pa kami nakatira sa mga Regalado at narinig namin ng inutusan ni Donya Miranda ang isa sa mga pangit niyang tauhan na dalhin yung kuting na pinatay ng gagong yun doon sa pabrika para takutin ang mga Villasis para bumalik kayong lahat ng Japan! Ako ang tumawag kay Virgil para ipaalam sa kanya ang tungkol doon!" Sigaw na ni Erica. Napuno na yata sa mga patutsada at pambibintang ng Ate niya kay Virgil. "Napakitid naman yata ng pang-unawa mo, Teh." Dugtong pa nitong sobra pa sa pagkapikon ang nararamdaman sa nakatatandang kapatid.
"Isa ka pa! Mas pinaniniwalaan mo ang kasinungalingang sinabi ng lalaking yan dahil nabilog na niyan ang ulo mo!" Balik sigaw ni Carmella sa kapaitd. Nag-iinit na ang ulo ni Brielle ngunit pinipigilan siya ni Siege.
"Maaari ngang nabilog na Virgil ang ulo ko, at least ako, alam ko ang totoo! Alam ko kung ano ang nangyari at alam ko kung paano ako makakatulong! Ikaw?! Ilang taon mo nang alam?! May sinabi ka ba?!" Naluluhang sigaw ni Erica kay Ella ngunit hindi napatalo si Ella.
"Wag na wag mo akong pagtataasan ng boses mo dahil matanda pa rin ako sa iyo!" Ganting sigaw ni Ella. Sa kauna-unahang pagkakataon narinig ni Carmen na nagkasigawan ang magkapatid. "Sige kampihan mo yang lalaki mo, total kayo-kayo lang naman ang nagkakaintindihan di ba? Nailigtas ka niya sa pagkaka-rape pero kailangan bang hambambuhay mo yang pagbabayaran? Nagpaka-girlfriend ka pa?! O gusto mong siya mang-rape sa iyo? Ang cheap mo ha!" Dugtong nitong nanggagalaiti. Napatda si Erica sa sinabi ng kapatid. Yun ba talaga ang tingin niya kay Virgil? Sa kanila ni Virgil?
"Ella..." Si Virgil.
"Wag mo akong ma-Ella Ella diyan!" Baling niya kay Virgil, dinuduro-duro siya ito. "Wag mong bilugin ang ulo ko na katulad ng ginagawa mo sa Nanay at kapatid ko dahil hindi ako tanga!" Sigaw ni Ella sa kanya. Napaigting ng bagang si Virgil sa pagpipigil. Para kay Aling Carmen at Erica, hindi niya ito papatulan.
"Carmella Joy Agustin Tanaka! Sumusobra ka na!" Matigas na sambit ni Aling Carmen. "Hinahayaan kitang gawin at sabihin mo ang lahat ng gusto mo dahil iniisip ko na nahihirapan ka rin! Hindi kita pinalaking walang modo at walang galang sa kapwa! Hindi rin kita pinalaki ng walang tiwala sa kapwa! Pero ang palabasin mong sinungaling si Virgil at mananamantala, mahiya ka naman. Hindi kami tanga ng kapatid mo para hindi makapag-isip para sa sarili namin. Para sa makitid mong kaalaman hindi binilog na Virgil ang ulo namin ni Erica!" Nanginginig ang boses ni Aling Carmen. "Nang dahil lang diyan sa saradong mong isip nakuha mo kaming bastusin at ang masama pa ay sa loob pa mismo ng papamahay ni Virgil at sa mismong harapan pa ng mga amo mo? Carmella, kapatid din ni Ma'am Brianna ang pinagsasabihan mong sinungaling. Ang taong nagligtas sa kapatid mo sa kapahamakan at ang taong nag-alis sa amin sa impyernong pamamahay ng mga Regalado! Nasaan ang pinag-aralan mo? Nasaan ang ginastos ni Keito sa iyo? Yan ba ang itinuturo nila sa Japan?" Tuluy-tuloy na litanya ni Aling Carmen. Nahulog sa sobrang katahimikan ang loob ng komidor. Walang maririnig maliban sa manaka-nakang paghikbi ng magkapatid na Ella at Erica at ni Aling Carmen na rin.
Mabilis na tumayo si Brianna para lapitan si Aling Carmen at inapuhap nito ang likod ng matanda. Nilapitan naman ni Siege si Ella, pilit pinakakalma. Tahimik lang sila. Nabulabog lamang sila dahil sa pagring ng telepono ni Siege. Mabilis niya itong hinugot at sinagot nang makilala kung sino ang tumawag.
"Yes, Mon?" Mabilis niyang sagot. "Wait Mon, I'll put you on speaker." Dugtong niya. Tahimik naman ang kabilang linya. "Go ahead."
"Okay. I got a word from Zander. He said that the older couple is easing in their house in Cavite where Ryelee, Alvin and Rylan is right now. According to him, the family may be in danger. Mr. Regalado called Ryelee that Mrs. Regalado is going berserk. Hindi daw nito matanggap na hindi niya napabagsak ang mga magulang mo. And worst, nandiyan pa rin yung mga taong binayaran niya para gumawa nito. Pagbabalita ni Ramon. "Delikado ang mag-asawang Montemayor, Tim. Narinig nilang lahat ng sinabi ni Ramon.
"Ramon, does Jon know all of these?" Tanong ni Virgil.
"Yeah. Christian, Mark, Ari and Angelo are all on their way to Cavite. Jon is almost at Virgil's house. As for my research, the Regalados house is not far from his house. Kung aalis kayo ngayon para alisin ang mga yun sa bahay na yan ay magagawa n'yo pa. Nagkatingan si Siege at Virgil. Dinukot ni Virgil ang cellphone niya at may tinawagan.
"I know where they live." Mabilis na sabi ni Virgil. "Thank you, Bro. Send my regards to DJ." Dugtong nito.
"Thanks, Ramon." Maikling sabi ni Siege.
"No problem. Call me as soon as things get done. Tito Kurt is on his way to make the arrest with DJ's uncle." Yun lang at nagpatay na ng tawag si Ramon.
"Hey, Glen, where are you?" Tanong ni Virgil sa kausap. "Call the men to stand down dahil kung hindi, sa akin sila mananagot. Kapag may sumuway..." Tumigil nang panandalian si Virgil. Kita nila ang galit sa mga mata nito. "Barilin mo!" Napaantanda ng mahabaging pagkrus si Aling Carmen sa narinig mula kay Virgil. Nahintakutan si Erica, Ella at Brielle.
"Virgil, we got to go." Tawag pansin ni Siege kay Virgil. He knows Virgil means business.
"Hon, sama ako." Sabat ni Brielle. Ayaw niyang magpa-iwan dahil baka hindi na naman makabalik si Siege sa kanya.
"No, Hon. You stay here." Malambing ngunit may diin na sabi ni Siege sa asawa.
"I want to go." Pamimilit ni Brielle na may pagpadyak pang kasama. Nagtiim-bagang si Siege. Hindi ito pwedeng sumama dahil baka mapahamak pa ito. Napatingin si Siege kay Virgil na parang nanghihingi ng saklolo. Alam naman kasi niya na hindi niya pahihindian ang asawa.
"Baby Girl, wag nang mapilit. Kasama naman ako ni Timothy, and besides kailangang may kasama dito sila Nanay Carmen." Pinakatitigan niya ang kapatid. Para naman itong nakaintindi. Hindi niya alam pero parang ang papa niya ang nakatitig sa kanya ang somehow nakikita niya ang pagiging maotoridad nito.
"Ate Bri, dito na lang po kayo kasama namin nila Nanay." Malambing na paghihimok ni Erica sa kanya. Tumango naman si Brielle kahit nakasimangot. Tahimik pa rin si Ella.
"Fine. Basta bumalik kayong pareho na ligtas, okay." Nakanguso na paalala ni Brielle at ito naman pong si Siege ay parang tanga na naman na nakatitig lang sa asawa. Wala talaga sa ayos, nagkakagulo na kung ano-ano pa ang inuuna. Bigla na lang sinunggaban ng halik ang asawa. Halos hindi makahinga si Brielle nang bitawan niya ito.
"Ang harot mo, Timothy Siegfried! Umalis na nga kayo ni Kuya!" Nakabusangot itong namumula ang mukha. Nahihiya siya dahil sa ginawa ni Siege. Bahagyang napangiti si Ella at Aling Carmen. Napabungisngis naman si Erica.
"Babe, bumalik ka ha." Malambing nasabi ni Erica kay Virgil. Tumango lang ito at hinalikan sa noo ang kasintahan.
Napangiting muli si Aling Carmen. Natutuwa siya sa swerteng lumapit sa anak na bunso. Sino ba ang mag-aakalang sa lahat ng mga pinagdaanan nilang mag-ina simula nung mamatay ang asawang si Fedirico ay may ginhawa palang papalit sa mga ito. Hiling niya lang sa Panginoon na sana ay hindi na ito magbago, na sana ay tuluy-tuloy na.
"Sure, for you I will." Sagot naman ng binata. "Nay, alis muna kami ni Timothy." Paalam niya sa ina ng kasintahan.
"Boss, nag-text kayo?" Tanong ng tauhan niyang si Alex na sumalubong sa kanila sa labas. Mabilis itong nakabalik. Tumango lang siya sabay hagis ng susi dito.
"Drive my car. Punta tayo kay Regalado. Nasaan si Onyok?" Tanong niya. Siyang namang pasok ni Onyok.
"Boss?" Tanong nito.
"Nasaan si Martin?" Tanong niya. Tumuro si Onyok sa direksyon ng malaking gate. Pumasok naman kaagad ang taong hinahanap.
"Boss?" Tanong din nito.
"You two stay here. Antabay ka lang sa gate sa pagbabalik namin. Buksan mo kaagad pagbalik namin then close it as soon as possible. Wag magbubukas hangga't hindi kami ni Alex at Timothy bumabalik. If things go wrong, dalhin mo ang mga Ma'am n'yo sa bahay nila Papa." Kinakabahan ang mga babae sa bilin nito sa tauhan, hindi na lang sila nagsalita. Tumango lang si Onyok ay inihanda ang susi ng Starex.
"Ella, call Dean for me. Don't call my parents. Brielle, don't tell anyone yet hangga't hindi ko sinasabi." Bilin ni Siege. Hindi na kumibo si Brielle. Tumango lang si Brielle at Ella.
Lumabas na ang tatlo sa bahay at dumiretso ng sakay sa dalawang kotse. Gamit ni Siege ang kanyang kotse sakay si Virgil. Si Alex at Glen naman sa kotse ni Virgil. Lumabas na silang magkasunod at mabilis na isinara ni Onyok at Martin ang gate. Mabilis na inihanda ang Starex sa likod ng bahay. May gate din doon. Diretso agad ng highway yun. Pagkatapos niyang maihanda ito ay bumalik siya sa kusina.
"Nanay Carmen, kung sakali pong magkagulo dito po kayo dadaan. Nasa likod na po yung Starex. Nay Carmen, paki sama na lang po si Nanay." Paalam niya sa matanda. Tumango naman si Carmen sa kanya. Nanay ni Onyok si Aling Esther
"Salamat, Onyok." Tumango lang ang binata at lumabas na ito pabalik sa pintuan sa kusina.
Tahimik sila sa kusina. Tumayo si Aling Carmen at pinagtimpla ng gatas ang mga ito. Walang kibuan ang magkapatid. Pinakikiramdaman lang sila ni Brielle, nang biglang maalala ang sinabi ni Erica kanina.
--------------------
End of SYBG 34: A Brother is A Brother
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
03.26.18
Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro